You are on page 1of 5

Sagot sa Pangalawang

Kontra- Salaysay ni Marciano Bolver

Akong si Tranquilino P. Bunaladi, may sapat na gulang at naninirahan sa


218 San Marcos, Calumpit, Bulacan matapos makapanumpa ng naaayon sa batas ay
Malaya at kusang loob na nagpapahayag ng mga sumusunod:

Na, ako ay isa sa mga naghahabla kay Marciano Bolver sa salang libel sa
ilalim ng NPS – Docket No. III – 04 – INV – 16C – 052 ng Tanggapan ng
Panlalawigang Tagausig ng Bulacan;

Na, kami ay tumanggap ng sipi ng Pangalawang Kontra – Salaysay ni


Marciano Bolver na may petsa Mayo 27, 2016;

Na, bilang tugon o sagot sa nasabing Pangalawang Kontra – Salaysay ay nais


kong ipaliwanag ang mga sumusunod:

1.) Hindi totoo na ako ay walang ginawang salaysay sapagkat ako, bilang isa
sa mga pangunahing
naghahabla ay nagsagawa at nanumpa nuong Marso 3, 2016 ukol sa aking
hablang salaysay at ito’y aking isinumite sa Tanggapan ng Panlalawigang Tagausig
ng Bulacan para sa aming demanda.

2.) Sinasabi ni G. Marciano C. Bolver na walang basehan ang aming


akusasyon o reklamo sa kanya, subalit bilang pagpapatunay ay
nakahanda kami na isumite sa Tanggapan ng Panlalawigang Tagausig ang voice
record sa kabuuan ng pananalita ni G. Bolver sa nagan na Pangkalahatang
Pagpupulong noong ika – 17 ng Disyembre 2015.

3.) Sinasabi rin ni G. Bolver na wala ako sa pagpupulong noong ika – 17


ng Disyembre 2015 dahil ako ay suspendido bilang kasapi ng
Unyon.
a.) Hindi totoo na dahil lamang sa
suspendido ako kung bakit wala ako sa Pangkalahatang
Pagpupulong. Ako ay naka- sick leave ng araw ng
pagpupulong at dito ay kalakip ang
record ng Plant clinic. (Exhibit “A”) . Base sa nakapaloob sa
aming Saligang Batas, ang isang kasapi na suspendido ay benepisyo lamang
ang sususpendihin at hindi kasama ang pagdalo sa mga Pagpupulong sapagkat ako
ay patuloy na nagbabayad ng buwanang butaw kaya’t ako ay nananatiling
kasapi ng Unyon.
Ang mga pagpapatunay ng mga kasama kong naghahabla at mga
saksi sa naganap na pagpupulong ay pinatutunayan sa kanilang
naunang salaysay na sila ay nakadalo sa pangkalahatang pagpupulong ng Unyon
at narinig nila ang paninira ni G. Bolver na kahit wala akong personal na
kaalaman sa naganap na pagpupulong ay mas higit na makatotohanan ang sinumpaang
salaysay ng mga saksi at voice record sa kabuuan ng pananalita ni G. Bolver.

4.) Sinasabi din ni G. Bolver sa kanyang Pangalawang Kontra – Salaysay,


page 3 (Exhibit B) na ang kanyang ginawa ay General Presentation na ayon sa
nakasulat sa audit report at sinabi rin niya ang; “Sa aking paglalahad ay wala akong
binanggit na pangalan ninuman maski na nasa report ang mga pangalan ng opisyal (
Unang pahina ng Audit Report)”.Samakatuwid sinasabi nya na hindi nya binanggit
ang aming mga pangalan subalit itoy hayagang nakasulat na nabasa ng lahat na
naroron sa pagpupulong at natanim sa kanilang isipan na kami ang tinutukoy nya sa
kanyang mga paninira sa amin na nagdulot ng kaguluhan at usap-usapan ng mga
miyembro na nagbunga ng pagkasira ng aming reputasyon.
Na, maliwanag sa kanyang sinabi na isa ako sa tinutukoy ni G. Bolver
sa kanyang report at pagsasalita sa voice record sa dahilang ako ang Pangulo ng
Unyon Noong sinundang termino taong 2009-2014;

Base sa aming unang sinumpaang salaysay at tumutugma sa voice record


at narinig ng mga saksi na sinabi ni G. Bolver na ang mga halaga ng pera na binaggit
niya doon ay ginastos ng walang resibo at hindi malaman kung saan ginastos,
samakatuwid siya ay nagpapahiwatig na ito ay nalustay ng dating pamunuan ng
Unyon. At ang mga binibintang niya ay walang katotohanan sapagkat ang nasabing
halaga ay nakasama sa kwenta ng DOLE.

Na, ang pangungusap ni G. Bolver ay walang batayan at ito ay bunsod


lamang ng kanyang kagustuhan na kami ay siraan sa harap ng pangkalahatang
miyembro; dahilan ng ditto ay nagkaroon ng usap – usapan ang mga miyembro na
nagbunga ng pagkasira ng aming reputasyon.

Na, kung binigyan lamang ni G. Bolver ng “fair interpretation” ang audit


report ay hindi siya dapat nagbitiw ng pananalita na nagbibigay kahulugan ng
paglustay naming ng pera. Ang audit report ay nagsasaad ng mga sumusunod:

Auditors opinion:
In our opinion, the Statement of Financial Condition of United Pulp and Paper Co.,
Employees Federation of Free Workers dated August 2011 present fairly, in all
material respects. The auditors prepared financial reports based on the available
records but upon comparison, it shows that the financial data In the Statement of
Financial Condition prepared by its Finance Officer is more complete than the data
gathered by auditors. Therefore, it is fair to believe that the correct cash balance as
of August 2011 is Php72, 039.03.

Recommendations:
As per records of our Accounting Unit the United Pulp and Paper Co. Employees
Union Federation of Free Workers have already liquidated the Php500, 000 granted to
them by our office. May we recommend that the Union Officers to call a General
Assembly and discuss to the members what happen to their project and what to do
with the remaining cash of Php72,039. 09.

Walang batayan ang sinasabi ni G. Bolver na ang aming kaso ay isang


isyung internal sa Unyon {Inter Labor Dispute); at lalong walang batayan ang sinasabi
na kinakailangan pang kumuha ng clearance sa DOLE bago nmin siya sampahan ng
kaso;
Na, ang kasong libel ay bukod at walang kaugnayan sa labor dispute;
bagamat ang deklarasyon na patungkol sa paliwanagan, opinyon o kuro-kuro ng taong
naglalahad, ay bahagi ng takbo ng demokrasya, subalit itoy dapat isagawa sa
makatarungan at makatotohanang pamamaraan at hindi para manira lamang;
Na, ang kabuuan ng pananalita ni G.Bolver sa pagpupulong ay
nairecord at akoy nakahanda na isumite sa Tanggapan ng panlalawigang Taga-Usig
ng Bulaan upang mapatunayan ang lahat ng sinasabi ni G. Bolver.

Sa katunayan ng lahat, akoy lumagda sa kasulatang ito ngayong --------


dito sa Malolos City Bulacan.
.

You might also like