You are on page 1of 1

“Buwan ng Wikang Pambansa”

Ang buwan ng Wika ay dinaraos tuwing buwan ng Agosto. Ang naging tema
ngayong 2019 ay ang “Wikang katutubo: Tungo sa isang bansang Filipino”. Kilala naman
natin si Manuel L. Quezon bilang Ama ng wikang pambansa. Sila Severino Reyes na
nagsulat ng walang sugat tungkol sa mga kastila na ng aapi sa mga Pilipino, Si Jose
Corazon De Jesus kilala rin na tanyag na manunulat ng wikang Filipino ilan sa mga sinulat
niya ay ang bulaklak ng lahing kalinis linisan at bayan ko. Si Alejandro G. Abadilla na isa
ring manunulat, sinulat niya ang erotika 4 at ako ang daigdig. Ilan lamang sa kanila ang
nagbigay ambag sa larangan ng wikang Filipino.
Ginanap sa The Cecilian School of Laguna ang kanilang naturang pagdiriwang
noong Agosto 30, 2019 sa Clubhouse, Mabuhay City na pangungunahan ni Bb. Pia Delos
Santos Espanillo. Nagpakitang gilas sa tula ang baitang una,pangalawa at pangatlo. Ang
unang pwesto ay nakamit ni Sindee Bliss Tiongson na nagmula sa baitang una habang
ang pangalawang pwesto ay nakamit ni Rochelle Giron na nagmula sa baitang dalawa at
ang pangatlong pwesto ay nakamit ni Princess Ameera Medira na nagmula sa baitang
dalawa. Sa kategorya naman ng baitang kinder 2 ay sina Aizen Frix Medira sa unang
pwesto, Keith Moriseth Pudio sa pangalawang pwesto at si Naomi Geraine Capacete sa
pangatlong pwesto. Sa pag-awit ang mga nanalo ay sina Rhea Mae Vargas na nagmula
sa pangalawang baitang, Jewel Rain Stephanie Pereda na nagmula sa ika-apat na
baitang bilang pangalawa at si Rochelle Giron na nagmula sa pangalawang baitang
bilang panguna. Sa kategorya naman ng Sekondaryang Baitang na si Leslie Deloso
bilang pangatlo na nagmula sa ika-walo na baitang, Charles Sabal na nagmula rin sa ika-
walong baitang bilang pangalawa at si Ronnel Giron na nagmula sa ika-pito na baitang
bilang panguna. Sa paligsahan ng poster making sa baitang ng secondarya, sa unang pwesto si
Jonathan Marco sa ika-siyam na baitang sa pangalawang pwesto naman ay si Ronnel Giron na
nagmula sa ika-pitong baitang at sa pangatlong pwesto si Jhon Mark Aquino na nagmula sa ika-
siyam na baitang.
Sa pagpapakitang gilas ng katutubong sayaw, ang baitang kinder 1 ang nauna
sumunod ang kinder 2 sa sayaw na Igorot. Ang unang baitang sa paru-parong bukid,
Ikawalo at ikasiyam na baitang naman ang nagtanghal ng cariñosa, polka sa nayon
naman ang ikalima at ika-anim na baitang at panghuli ang ika-apat na baitang sa itik-itik.
Pagkatapos ng mga katutubong sayaw, ang estudyante namula sa secondarya
sumayaw ng hip-hop. Para sa pangwakas na bilang, nag deklamasyon na nay halong
padula ng ika-anim hanggang ikasampung baitang sa pamagat na “Sino ang tunay na
baliw?”. Natapos ng deklamasyon pinakilala at pagbibigay aliw ng mga katutubong
lakambini at lakan, ginantimpalaan ang bawat isa at sa nanalo mula sa ikapito na baitang
na sina Trisha Mae Masilungan at si Mark Austria na binigyang buhay ang lugar na Ilocos. Sa
mutya ng wika ang mga nanalo ay sina Zafhira Doreen T. Balleta at si Carl Mathew S. Nopra.
Pagyamanin ang wikang Filipino dahil ito ang ating sandata patungo sa isang
bansang mapayapa.

Jinky Rose J. Fernandez (Ika-walong Baitang)

You might also like