You are on page 1of 5

MASUSING BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 9

I. LAYUNIN
Matapos ang aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Natutukoy ang pagkakaiba ng pangangailangan at kagustuhan;
b. Napapahalagahan ang konsepo ng teorya ng pangangailangan;
c. Naisusulat ang mga bagay na pangangailangan at kagustuhan ng tao.

II. PAKSANG ARALIN


A. Paksang Aralin: Pangangailangan at Kagustuhan
B. Sanggunian: Ekonomiks: Pagtanaw at Pag-unawa p. 53-57
C. Mga Kagamitan:

III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


1. Pagbati
Magandang Hapon Magandang Hapon rin po.

2. Paglista ng Lumiban
Mayroon bang lumiban sa klase sa araw na Wala po
ito?

B. Panlinang na Gawain

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


1. Pagganyak
Bago natin pormal na simulan ang ating
klase ay maglalaro muna tayo. Hahatiin ko ang
klase sa dalawang grupo. Ang miyembro ng
bawat grupo ay dapat makapagsulat ng mga
bagay na nakaatas sa kanila sa loob ng isang
minuto. Ang unang grupo ay magsusulat ng
mga bagay na alam niyong kailangan niyo at sa
ikalawa naman ay ang mga bagay na alam
niyong kagutuhan niyo.

Tatayo isa-isa ang mga mag-aaral at


magsusulat sa pisara. Ang pinakamaraming
maisusulat sa loob ng isang minute ang siyang
grupong tatanghaling panalo. Nakuha niyo ba Opo
ng direksiyon?

Magaling. Kung gayon ay simulant na natin.

2. Paglalahad
Ang aralin na ating tatalakayin sa araw na
ito ay ukol sa mga pangangailangan at
kagustuhan ng isang tao. Tutukuyin natin ang
kahalagahan ng teorya ng pangangailangan.
Handan a ba kayo upang ating alamin ang mga
ito? Opo

Magaling!
C. Pagtalakay

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

Upang maintindihan natin at malaman ang


teorya ng pangangailangan ay hahatiin ko kayo
sa limang grupo. Ang bawat grupo ay bibigyan
ng isang pangungusap na pag-uusapan ng
grupo. Magbibigay ng mga pangangailangang
hinihingi at ipaliliwanag kung bakit ba natin
kailangan ang mga ito. Matapos ninyong mag-
brainstorm au iuulat ng inyong napiling lider
ang inyong mga sagot. Naintindihan niyo ba? Opo

Ang mga sumusunod na pangungusap ang


siyang ibibigay sa bawat grupo:
Unang Grupo- Magbigay ng mga
pangangailangang pampisikal o pisiyolohikal.
Ikalawang Grupo- Magbigay ng mga
halimbawa ng pangangailangang
pangkaligtasan at seguridad
Ikatlong Grupo- Magbigay ng mga
halimbawa ng pangangailangan sa
Pagmamahal
Ikaapat na Grupo- Magbigay ng mga
halimbawa ng Pangangailangan upang
mapahalagahan ng ibang tao
Ikalimang Grupo- Magbigay ng mga
pangangailangang maisakatuparan ang sarili
nating mga kakayahan at pagkatao.
(Mag-uusap ang mga mag-aaral sa loob
(Magbibigay ng kartolina ang guro kung saan ng sampung minute ukol sa kanilang sagot.
magsusulat ang mga mag-aaral ng kanilang Isusulat nila ang kanilang mga sagot sa
sagot. Ang bawat grupo ay gagamit ng graphic kartolina na ibibigay ng kanilang guro at iuulat
organizer upang ipresenta ang kanilang gawa.) ang kanilang napagkasunduan sa loob ng
dalawang minute sa bawat grupo)

D. Paglalahat

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


Ngayon bago natin talakayin ang kabuuan ng
lahat ng mga pangangailangan. Alamin muna
natin kung ano ng aba ang kahulugan ng
salitang pangangailangan. Ano ng aba ang Ang Pangangailangan po ay ang mga bagay na
Pangangailangan? kailangan ng tao upang mabuhay.

Tama.
Sa kabilang banda, ano naman ang kahulugan Ang Kagustuhan po ay maaaring tugunan o
ng kagustuhan. hindi tugunan ng isang tao dahil hindi
nakasalalay ang buhay ng tao sa bagay na ito.
Magaling. Titignan natin ngayon kung alam
niyo na ang pagkakaiba ng pangangailangan sa
kagustuhan. Magbibigay ako ng mga
halimbawa at magtaas lamang ng kamay ang
gusting sumagot.
Halimbawa:
1. Ang isang graphic artist ay may computer. Pangangailangan po
Pangangailangan ba ito o kagustuhan?

2. May kompyuter ang isang magsasaka. Kagustuhan po.

3. Ang pagbili ng magagara at mamahaling Kagutuhan po.


damit.

4. Pag-inom ng gamot tuwing may sakit. Pangangailangan po.

Magaling. Naintindihan ninyo ang pagkakaiba


ng pangangailangan sa
kagustuhan.Gayunpaman, hindi maikakaila na
maraming pangangailangan ang bawat
indibidwal. Sino baa ng sikologong
nagpanukala ng teorya ng pangangailangan? Si Abraham Maslow po.

Tama. Balikan natin ang mga ibinigay kong


pangungusap sa limang grupo kanina. Ang
lahat ng ito ay nakapaloob sa Herarkiya ng
mga Pangangailangan ni Maslow. Ayon sa
kanya, ang mga pangangailangan ng tao ay
may takdang antas ayon sa kahalagahan ng
mga ito.

Halimbawa, kung papipiliin ang tao kung alin


sa pagkain o pananamit ang higit niyang
kailangan, malamang ay mas pipiliin niya ang
pagkain dahil nakadepende sa pagkain ang
buhay ng isang tao.
Ayon sa kanya, may limang bahagi ang mga Mga pangangailangang pampisikal o
pangangailangan ng tao. Anu- ano ang mga pisyolohikal; panganagilangang pangkaligtasan
ito? at seguridad; pangangailangan ng pagmamahal;
pangangailangan ng pagpapahalaga; at
A pangangailangan na maisakatuparan ang
B sariling mga kakayahan at pagkatao.
C
D
E

A. Pangangailangan ng kaganapan ng sarili/


Self Actualization
B. Pangangailangan ng Pagpapahalaga
C. Pangangailangan ng Pagmamahal
D. Pangangailangan ng Pangkaligtasan at
Seguridad
E. Pangangailangang Pisikal o Pisyolohikal

Magaling! Talakayin muna natin ang nasa


bandang ibaba ng herarkiya. Ang
Pangangailangang pampisikal o pisyolohikal.
Anu-ano ba ang mga bagay na nakapaloob Tubig, Damit, Pagkain, Hangin at Bahay po.
dito?

Tama. Samakatuwid ang mga bagay na


nabanggit ay ang mga pangangailangan ng mga
tao upang mabuhay. Iyon ang mga nakapaloob
sa bandang ibaba ng herarkiya.

Dumako naman tayo sa ikalawa. Anu-ano ba Kapayapaan at kaayusan sa kapaligiran. Pag-


ng mga bagay na ating kailangan sa aspeto ng aaruga ng ating mga magulang, pagkakaroon
pangkaligtasan at seguridad? ng ligtas na tahanan at pagiging ligtas sa
pinagtatrabahuhan.

Tama. Sa tingin ninyo, ang ikatlong baiting na Ito po ay ang pakiramdam ng isang tao. Maaari
pangangailangan ng Pagmamahal, Anu-ano itong sa kasintahan, kaibigan, asawa at mga
baa ng mga bagay na dapat taglayin ditto ng anak at kung anu-ano pa pong
isang tao? pakikipagkapwang personal na magpapadama
sa kanya ng pag-ibig at pakikipagkapwa-tao.

Mahusay. Ang ikaapat na baiting naman ng Sapagkat kinakailangan ding matugunan ang
pangangailangan ay ang pangangailangang pangangailangang ito upang magkaroon ang
mapahalagahan ng ibang tao. Bakit sa tingin tao ng paggalang at tiwala sa kaniyang sarili.
ninyo ito ay mahalaga? Nakakatulong ito upang kumilos ng nararapat
sa pagpapaunlad ng kaniyang pamumuhay.

Tama. Dumako naman tayo ngayon sa


pinakamataas na antas ng mga
pangangailangan, ang pangangailangan na
maisakatuparan ang sariling mga kakayahan at
pagkatao. Sa tingin ninyo ay mahirap bang Opo, dahil po kakaunti lamang ang
marating ang huling baiting ng herarkiya ng nagkakaroon ng masidhing pagnanasa na
pangangailangan? Oo o hindi? Bakit? makamit ito dahil karamihan sa mga tao ang
nais lamang ay matustusan lagi ang mababang
antas ng pangangailangan po.

Magaling! Ayon kay Maslow, ang isang taong


ganap ay hindi nakatuon masyado sa mga
material na bagay kundi sa mga bagay na
totoong makapagpapasaya sa kanya. Para sa Opo, kasi po ang kasayahan na hinahanap ay
inyo totoo ba ito? hindi lamang galing sa mga material na bagay
maaaring ito ay manggaling din sa hindi
material na pangangailangan katulad ng
pagmamahal, pag-unawa at pagmamahal.

IV. PAGPAPAHALAGA

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


Ngayon, sa dalawang magkaibang bagay na
ating tinalakay- Ang Pangangailangan at
Kagustuhan, ano ang mahalaga para sa inyo? Ang nakikita ko pong mas mahalaga ay ang
pangangailangan, dahil po hindi tayo
mabubuhay ng wala ang mga ito samantalang
ang kagustuhan ay nagbibigay ng
pansamantalang kasiyahan sa isang tao.

V. PAGLALAHAT

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


Ano ang kaibahan ng kagustuhan sa Ang mga pangangailangan po ay ang mga
pangangailangan? bagay na siyang bumubuhay sa atin. Ito ay ang
mga bagay na kinakailangan upang maging
produktibo ang isang tao. Samantala, ang
kagustuhan naman ay nagbibigay ng
panandaliang kasiyahan.

Tama. Ano naman ang limang baiting sa


herarkiya ng mga pangangailangan ni Maslow?
Isa-isahin mula sa pinakamababang baiting Mga pangangailangang pampisikal o
patungo sa pinakamataas. pisyolohikal, pangangailangang pangkaligtasan
at seguridad, pangangailangan ng pagmamahal,
pangangailangan ng pagpapahalaga, at
pangangailangan na maisakutaparan ang
sariling mga kakayahan at pagkatao.

VI. PAGTATAYA
A. Tukuyin ang mga salita. Ilagay ang titik “K” kung ito ay tumutukoy sa mga bagay na
Kagustuhan at “P” kung ito naman ay tumutukoy sa Pangangailangan.

_____1. Damit _____6. PSP


_____2. Touchscreen cellphone _____7. Edukasyon
_____3. Professional Camera _____8. Bahay
_____4. Tubig _____9. Kotse
_____5. Flatscreen TV _____10. Wifi

B. Sagutin ang mga sumusunod na tanong. ( 5 puntos bawat bilang)


1. Ipaliwanag ang pagkakaiba ng kagustuhan at pangangailangan.
2. Iguhit ang herarkiya ng pangangailangan ayon kay Abraham Maslow at ipaliwanag
ang bawat baitang.

VII. TAKDANG ARALIN


Gumawa ng isang poster na nagpapakita ng relasyon ng mga bagay na Pangangailangan
at Kagustuhan.

You might also like