You are on page 1of 2

Buod ng El Filibusterismo

Ang Fili ay nagsisismula sa isang paglalakbay ng bapor sa pagitan ng Maynila at Laguna. Kabilang sa
mga pasahero ang mag-aalahas at nagbabalatkayong si Simounna dili iba't si Ibarra, ang makatang si
Isagani, at si Basilio. Itong huli, na ngayo'y binata na. Labintatlong taon na ang nakalipas mula nang
mamatay si Elias at siSisa.Nakarating si Basilio sa San Diego at sa isang makasaysayang pagkakataon ay
nakatagpo ni Simoun sa pagdalaw niya sa pinagbaunan sa kanyang ina sa loob nglibingan ng mga Ibarra.
Nkilala niyang si Simoun ay si Ibarra na nagbabalatkayo; at upang ang ganitong lihim ay huwag
mabunyag, ay tinangka ni Simoun na patayisi Basilio. Datapwa't nakapaghunos-dli siya at sa halip ay
hinikayat ang binata na makiisa sa kanyang layuning maghiganti sa Pamahalaang Kastila sa Pilipinas.
SiBasilio ay tumanggi dahil sa ibig niyang matapos ang kanyang pag-aaral.Habang ang Kapitan Henereal
ay nagliliwaliw sa Los Banos, ang mga estudyanteng Pilipino ay naghain ng isang kahilingan sa Kanyang
Kamahalan upang magtatag ngisang Akademya ng Wikang Kastila. Ang kahilingang ito ay di napagtibay,
ayon sa nais ng mga estudyante, sapagka't napag-alamang ang mamamanihala saakademyang ito ay mga
prayle (samahan ng pananampalataya), samantalang ang mga estudyante ay magiging tagapangilak
lamang. Sa gayon, sila'y di magkakaroonng karapatang makapangyari sa anupamang pamalakad ng
nasabing akademya.Samantalang nangyayari ito, si Simuon ay nakipagkita kay Basilio at muling
hinikayat ang binatang umanib sa binabalak niyang paghihimagsik at mangulo sa isangpulutong na
sapilitang magbubukas sa kumbento ng Sta. Clara upang agawin si Maria Clara. Subali't hindi naibunsod
ang ganitong Gawain dahil sa si Maria Clara'ynamatay na nang hapong yaon.Ang ga estudyante naman,
upang mapapaglubag ang kanilang sama ng loob ukol sa kabiguang natamo sa panukalang pagtatatag ng
akademya ng Wikang Kastila, aynagdaos ng isang salu-salo sa Panciteria Macanista de Buen Gusto. Sa
mga talumpating binigkas habnag sila'y nagsisikain ay tahasang tinuligsa nila ang mgaprayle. Ang
pagtuligsang ito ay nalaman ng mga Prayle kaya ganito ang nangyari: Kinabukasan ay natagpuan na
lamang sa mga pinto ng unibersidad ang mga paskinna ang nilalaman ay mga pagbabala, pagtuligsa, at
paghihimagsik. Ang pagdidikit ng mga pasking ito ay ibinintang sa mga kasapi ng kapisanan ng mga
estudyante.Dahil dito ay ipinadakip sila at naparamay si Basilio, bagay na ipinagdamdam nang malabis ni
Juli na kanyang kasintahan.Sapagka't ang mga estudyanteng ito ay may mga kamag-anak na lumakad sa
kanila upang mapawalang-sala, kaya't sila'y nakalaya, maliban kay Basilio na walangmakapamagitan ng
kanyang karukhaan at pagkamatay ni Kapitan Tiyago. Sa isang dako naman ay ipinamanhik ni Juli kay
Pari Camorra na tulungan siya upangmapalaya si Basilio nguni't sa halip na makatulong ang paring ito ay
siya pang nagging dahilan ng pagkamatay ni Juli, gawa ng pagkalundag nito sa durungawan
ngkumbento.Upang maisagawa ni Simoun ang kanyang balak na paghihiganti, ay nakipagsama siya sa
negosyo kay Don Timoteo Pelaez, ang ama ni Juanito. Sa ganitong paraanay nagawa niyang
maipagkasundo ang kasal nina Juanito at Paulita Gomez. Ang magiging ninong sa kasal ay ang Kapitan
Heneral. Naanyayahan din niya upangdumalo sa piging na idaraos upang ipagdiwang ang kasal, ang mga
may matatas na katungkulan sa Pamahalaan at mga litaw na tao sa lunsod.Pagkaraan ng dalawang
buwang pagkapiit ay nakalaya rin si Basilio sa tulong ni Simoun. Kaagad siyang nagtungo kay Simoun
upang umanib sa paghihimagsik nanauumang. Sinamantala ni Simoun ang ganitong pagkakataon upang
ipakita si binata ang bombing kanyang niyari. Ito ay isang lampara na may hugis Granada atkasinalaki ng
ulo ng tao. Ang magarang ilawang ito ay siya niyang handog sa mga ikakasal na sina Juanito at Paulita.
Ipalalagay ni Simoun ang lamparang ito sagitna ng isang kiyoskong kakanan na ipasasadya niya ang
pagkakayari. Ang ilawan ay ay magbibigay ng isang maningning na liwanag at pagkaraan ng
dalawampungminuto ay manlalabo. Kapag hinagad na itaas ang mitsa upang paliwanagin, ay puputok ang
isang kapsulang fulminato de mercurio, ang Granada ay sasabog atkasabay nito ay ang pagkawasak at
pagkatugnaw ng kiyoskong kakanan --- at walang sinumang maliligtas sa mga naroroon. Sa isang dako
naman, ay malakas napagsabog ng dinamita sa lampara ay siyang magiging hudyat upang simulan ang
paghihimagsik na pangungunahan ni Simoun.Nagbabalik si Crisostomo Ibarra bilang si Simoun- isang
Amerikanong hilaw na mag-aalahas. Gamit ang kanyang taglay na yaman at pagiging malapit
saGobernador Heneral ng Espanya, unti-unti niyang isinagawa ang kanyang paghihiganti sa mga prayle
kasabay ng kanyang pagbabalak na itakas ang kanyangpinakamamahal na si Maria Clara mula sa
kumbento ng Sta. Clara.Bilang kanyang paghahanda sa binabalak na pag-aalsa, tahimik siyang kumuha
ng mga tauhang kanyang magiging kasangkapan. Ang isa sa mga ito ay si KabesangTales. Ginamit ni
Simoun ang pagiging marahas at palaban nito upang himukin na ipaghiganti ang sariling pamilya. Di
nagtagal ay sumanib din ang kanyang amang siTandang Selo sa pagrerebelde bilang tanda ng kanyang
galit sa mga Kastila partikular sa mga prayle. Ang sumunod naman ay si Quiroga. Siya ay
isangnegosyanteng Intsik na binigyang tulong-pinansyal ni Simoun kapalit ang kanyang pagpahintulot na
ilagak ang mga baril na gagamitin sa binabalak na pag-aalsa sakanyang tahanan. Hindi nagtagal ay
nahimok din ni Simoun si Placido Penitente. Siya ay isang mag-aaral na nakipagtalo sa kanyang guro
dahilan sa baluktot nitongpamamalakad. Hindi naging mahirap para kay Simoun na manghimok ng
kakampi sa dahilang tulad niya rin ang mga ito na napag-alab ang galit sa kagagawan ng mgakastila.
Naiiba sa kanila si Basilio. Sa kabila ng kapaitan ng kahapon, pinili pa rin niyang mamuhay ng walang
bahid ng paghihiganti sa puso. Lubos niyangpinagpapasalamat ang pagpapaaral sa kanya ni Kapitan
Tiyago at ang magandang buhay na kanyang tinatamasa kasama ang kanyang kasintahan na si Huli
kaya'twala na siyang mahihiling pa. Ngunit naging mapaglaro sa kanya ang tadhana. Dahil sa
pagkakamali ng kanyang mga kamag-aral ,sila'y napagbintangang mga utak ngpagbabadya ng
paghihimagsik sa pamamalakad ng mga Kastila. Siya'y nakulong at binawian ng lahat ng kasaganahan sa
buhay. Kasabay ng kanyang pagkakakulongay ang misteryosong pagkamatay ni Huli matapos
makipagkita kay Padre Camorra upang humingi ng tulong para sa kanyang paglaya. Tuluyan naman
siyang nagipitng pumanaw si Kapitan Tiyago at nang hindi siya nito pinamanahan ni isang kusing. Ang
mga paghihirap ng kahapon ay unti-unting bumabalik. Ito ang naging dahilanupang sumama siya sa
nanghihinang si Simoun. Lubos ang pagkalumbay nito matapos na malaman na pumanaw na ang kanyang
pinakamamahal. Ngunit nangmagdesisyon si Basilio na makipagtulungan sa kanya, agad na sumibol muli
ang kanyang diwa ng paghihiganti. Dahil sa mapagbigay na pagmamahal ni Isagani kayPaulita Gomez,
hindi naging matagumpay ang balak ni Simoun na pasabugin ang tahanan ni Kapitan Tiyago na kung saan
nagaganap ang magarbong salu-salo ng pag-iisang dibdib ni Juanito Pelaez at Paulita Gomez gamit ang
isang mamahaling lampara. Bagkus, ito pa ang nagsilbing patunay para kay Padre Salvi na siya at
siCrisostomo Ibarra ay iisa. Siya'y agad na ipinahanap upang dakipin. Upang magtago siya'y pumunta kay
Padre Florentino sa pag-aakalang siya'y maiintindihannito. Sinalungat ng pari ang lahat ng kanyang
paniniwala. Nang makatanggap si Padre Florentino ng liham na nag-uutos na isuko si Simoun ay agad na
nabuo sakanyang isipan na mas mabuti pang siya'y magpatiwakal kaysa mapasakamay ng mga kastila.
Namatay siyang hindi yumuyukod sa relihiyon at pamamalakad ng mga

dayuhang nagpahirap sa kanya. Ang kanyang mga kayamanan at labi ay pinaagos ni Padre Florentino sa
dagat at ito'y lumubog sa kalaliman. Ito'y mananatili sapagkakasilid hanggang ito'y matuklasan ng
hinaharap.

You might also like