You are on page 1of 16

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

Guro: Karen Bebora- Rulete, MAEd

Aralin 1

MGA KONSEPTONG PANGWIKA


(Wika, Wikang Pambansa, Wikang Panturo, Wikang opisyal)

Wika - ang namamagitan upang maunawaan ang sarili , karanasan, kapwa tao, paligid, mundo,
obhektibong realidad, politika, ekonimik, at kultura
- daluyan ng kaisipan at kamalayan ng isang lahi, lipi, at lipunan.
- isang sistema ng mga tunog, arbitraryo na ginagamit sa komunikasyong pantao. (Hutch, 1991)
-isang sistema ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog o kaya ay mga pasulat na letra na
iniuugnay natin sa mga kahulugang nais nating ipabatid sa ibang tao (Emmert at Donagby, 1981)

GLEASON (1961) SAPIRO Hemphill


(Sapiro sa Ruzol 2014:15) (Hemphill sa Ruzol 2014:15)
Ang wika ay masistemang Ang wika ay isang likas at Ang wika ay masistemang
balangkas ng mga sinasalitang makataong pamamaraan ng kabuuan ng mga sagisag na
tunog na pinili at isinaayos sa paghahatid ng mga kaisipan, sinasalita o binibigkas na
paraang arbitrary na ginagamit damdamin, at mga hangarin pinagkaisahan o kinaugalian
sa pakikipagkomunikasyon ng sa pamamagitan ng isang ng isang pangkat ng mga tao,
mga taong kabilang sa isang kusang-loob na kaparaanan at sa pamamagitan nito’y
kultura na lumikha ng tunog. nagkakaugnay,
nagkakaunawaan at
nagkakaisa ang mga tao.

-sa lingguwistikong paliwanag, tinatawag na wika ang sistema ng arbitraryong


pagpapakahulugan sa tunog at simbolo, kodipikadong paraan ng pagsulat, at sa pahiwatig ng
galaw o kilos ng tao na ginagamit sa komunikasyon (Bloch at Trager, 1942;Peng,2005)
- Arbitraryo o nagbabago-bago ang wika depende sa pook, panahon, at kulturang kinabibilangan
ng tao.

1
Daluyan ng Pagpapakahulugan
1. Ang lahat ng wika ng tao ay nagsisimula sa tunog.
2. Ang simbolo ay binubuo ng mga biswal na larawan, guhit, o hugis na kumakatawan sa isa o
maraming kahulugan.
3. Kodipikadong pagsulat ang sistema ng pagsulat tulad ng paggamit ng cuneiform o tablet ng mga
Sumerian, papyrus ng mga Egyptian, at ang paglitaw ng mga hieroglyph sa sinaunang Ehipto at
ng Alpabetong Phoenician, Griyego, at Romano. Sa atin, nandiyan ang baybayin ng mga Tagalog
at Buhid ng mga Mangyan sa Mindoro.
4. Ang galaw ay tumutukoy sa ekspresyon ng mukha, kumpas ng kamay, at galaw ng katawan o
bahagi ng katawan na nagpapahiwatig ng kahulugan o mensahe.
5. Ang kilos ay tumutukoy sa kung ano ang ipinahihiwatig ng isang ganap na kilos ng tao tulad ng
pag-awit, pagtulong sa tumatawid sa daan at iba pa.

Gamit ng Wika
1. Gamit sa talastasan
2. Lumilinang ng pagkatuto
3. Saksi sa panlipunang pagkilos
4. Lalagyan o imbakan ng kaalaman ng isang bansa
5. Tagapagsiwalat ng damdamin
6. Gamit sa imahinatibong pagsulat

Kategorya at Kaantasan ng Wika


1. Pormal - wika na kinikilala at ginagamit ng higit na nakararami, sa pamayanan, bansa, o isang
lugar. Madalas ginagamit sa mga paaralan at opisina.
- 2 antas
a. Opisyal ng Wikang Pambansa at Panturo
- ay ginagamit sa pamahalaan at mga aklat pangwika sa paaralan.
Ginagamit na wikang panturo. Ito ang wikang ginagamit sa buong bansa

2
- Wikang Pambansaay wikang pinagtibay ng pambansang pamahalaan
ang wikang pambansa ginagamit sa pamamahala at pakikipag-ugnayan
sa mamamayang kaniyang sakop.
- Wikang Panturo ay ginagamit upang makatulong sa pagtatamo ng
antas ng edukasyon. Gaya ng isinasaad sa Probisyong Pangwika ng
Artikulo XIV ng Saligang-batas ng 1987, Seksyon 6 kaugnay ng wikang
panturo na:
“Sek.6 –Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang
nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa mga
umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang mga wika. Dapat magsagawa
ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ilunsad at puspusang
itaguyod ang Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at
bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.”
-Wikang Opisyal ang principal na wikang ginagamit sa edukasyon, sa
pamahalaan, at sa politika, sa komersiyo at industriya.
“Se.7 ng Artikulo XIV ng Saligang-batas ng 1987 na: Ukol sa mga
layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng
Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang itinatadhana na batas, Ingles”
Tinatanggap din ang Ingles ay isa sa wikang opisyal maliban sa Filipino.
Maaari itong gamitin sa pakikipagkomunikasyon at edukasyon, hangga’t
walang batas nagbabawal gamitin ang Ingles sa nasabing sitwasyon,
kaagapay ito ng Filipino bilang wikang opisyal.
b. Wikang Pampanitikan
- Masining at malikhain ang kahulugan ng mga salitang ito

2. Di- Pormal –madalas gamitin sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan.


3 antas
a. Wikang Panlalawigan – mga salitang diyalektal
b. Wikang Balbal – ang katumbas ng slang sa Ingles. Ito ang mga nababago sa pag-
usad ng panahon.Salitang lansangan
Hal. Chichi (pagkain), epal (mapapel), utol (kapatid)
c. Wikang Kolokyal – mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipag-usap

3
Halimbawa: ewan, kelan, musta, meron
Komunikasyon - isang paraan sa pagitan ng mga tao, sa isang tiyak na lugar para sa isang particular na
layunin na ginagamitan ng berbal at biswal na signal para makapagpaliwanag.
(Bouman,2014)
- Ay pagpapahayag, paghahatid, o pagbibigay ng impormasyon sa mabisang paraan.
Isa itong pakikipag-ugnayan, pakikipagpalagayan, o pakikipag-unawaan (Webster)
- Ito ay proseso ng pagbibigay at pagtanggap, nagpapalipat-lipat sa mga indibidwal
ang mga impormasyon, kaalaman, kaisipan, impresyon, at damdamin. Nagbubunga
ang ganitong pagpapalitan ng pagkakaunawaan at kaunlaran ng lipunan (Cruz, 1988)

Antas ng Komunikasyon
1. Intrapersonal – komunikasyon na nakatuon sa sarili o paraan ng pakikipag-usap sa sarili sa
pamamagitan ng dasal, meditasyon, at pagnilay-nilay
2. Interpersonal- komunikasyon na nagaganap sa pagitan ng dalawa o higit pang kalahok.
3. Organisasyonal- komunikasyon ay nagaganap sa loob ng isang organisasyon tulad ng paaralan,
kompanya, simbahan, at pamahalaan sa pagitan ng mga taong may iba’t ibang posisyon o
obligasyon, at responsibilidad.

Ang Pangkaraniwang Modelo ng Komunikasyon

Tagapagdala (Sender) ang pinagmulan ng mensahe. Dumadaan ang mensahe sa isang Tsanel
(Channel) upang maihatid ito sa patutunguhang tao o destinasyon Tagatanggap (Receiver) ang tao o
institusyong pinadalhan ng mensahe. Nagkaroon ng tugon, puna, o reaksiyon (Feedback) ang
tagatanggap hinggil sa mensahe ng tagapagdala. Ito ay bumabalik sa tagapagdala. Sa pagpapaabot ng
mensahe, maaaring hindi ito maintindihan dahil sa ingay. Ang ingay ang nagiging hadlang sa
komunikasyon dahil maaari itong ingay na likha ng kapaligiran, ng mga tao, at mga bagay. Maaring
internal o sikolohikal dulot ng bagabag sa sarili, pag-aalala, kalituhan ng tagapagdala o tagatanggap.

Tatlong Uri ng Komunikasyon


1. Komunikasyong Pagbigkas – pinakapundasyon ng anumang wika at pagsasaling-kalinangan sa
mahabang henerasyon. Mga pagsasalindila sa pagbigkas o pasalitang tradisyon tulad ng ritwal
ng pananampalataya at pagbigkas ng naratibo tulad ng epiko, kwentong-bayan.

4
2. Komunikasyong Pasulat – nakabatay sa alpabeto, gramatika at istruktura ng wika at
kumbensiyong pangwika
3. Pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng kompyuter(Computer-mediated communication o
CMD) – tuluyang komunikasyon habang gamit ang e-mail, chat, messenger, at social networking
sites.

Kultura - ayon kay Salazar (1996), ang kultura ay ang kabuuan ng isip, damdamin, gawi, kaalaman, at
karanasan na nagtatakda ng maaaangking kakayahan ng isang kalipunan ng tao, ang wika ay di
lamang daluyan kundi higit pa rito, tagapagpahayag at umpukan-imbakan ng alinmang kultura.

5
Aralin 2

MGA KONSEPTONG PANGWIKA


(Billingguwalismo at Multilingguwalismo)

Bilingguwalismo–nagtatakda na Ingles ang gagamitin bilang wikang panturo sa asignaturang Agham at


Matematika at wikang Filipino sa lahat ng iba pang asignatuura sa mababa at mataas
na paaralan.
- Edukasyong Bilingguwal – ay nangangahulugan na magkahiwalay na paggamit ng
Filipino at Ingles bilang mga midyum na pagtuturo sa mga tiyak na asignatura.
- Kautusang Pangkagawaran Blg. 25, s. 1974(DECS Order No. 25, s. 19740)
– Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura na
nagtatakda ng panuntunan ng pagpapaunlad ng Patakaran sa Edukasyong
Bilingguwal.

Kautusang Pangkagawaran Blg. 52, s. 1987(DECS Order No. 52, s. 1987)


– Atas Tagapagpaganap Blg. 335 na nag-aatas sa lahat ng mga kagawaran, kawanihan, opisina,
ahensiya, instrumentaliti ng pamahalaan na gamitin ang Filipino sa opisyal na mga transaksiyon,
komunikasyon, at korespondensiya.

Multilingguwalismo – paggamit ng maraming wika

Kautusang Pangkagawaran Blg. 74, s. 2009 – Institusyonalisasyon ng Mother Tongue-Based


Multilingguwal na Edukasyon
- ang paggamit ng Mother Tongue tungo sa pagkatuto ng
MTB-MLE

 Ang Wikang Filipino ay binubuo ng maraming wika mula sa kasalong wika (Sugbuanong-
Binisaya, Iloko, Kapampangan, Pangasinan, Samar-Leyte, Maguindanao, Tausug, at Tagalog) at
mga banyagang wika (Kastila, Ingles, at Tsino).

 Upang mapalakas ang ating pambansang wika, nararapat lamang na mawala ang katawagang
rehiyunal o bernakular/vernacular na wika (Tagalog)

 Sinabi ni Ernesto Constantino (1974) na; “ang wikang pambansa ng Pilipinas ay dapat ibatay
hindi sa isang wika lang kundi sa maraming wika ng Pilipinas; pero hindi nito pinupuwersa na isa
mga wikang ito ang gawing nucleus o simula ng wikang pambansa. Sa madaling sabi, sa
pagdedebelop sa wikang pambansa ng Pilipinas batay sa prinsipyong ito (universal approach),
maaaring mag-umpisa sa ilang wika nang sabay-sabay at maaari ding mag-umpisa sa isang wika
lang.”

6
Aralin 3

MGA KONSEPTONG PANGWIKA


(Register, Barayti, Homogeneous, Heterogeneous)

Register/ - ay baryasyon batay sa gamit/ estilo sa pananalita samantalang Diyalekto ay batay sa


Rehistro taong gumagamit
- Ang isang tao ay maaring gumagamit ng iba’t ibang estilo sa kaniyang pagsasalita o
maging sa pagsulat upang maipahayag ang kaniyang nadarama.
- Hal. Iba ang register ng guro kapag kausap niya ang kaniyang punong guro, iba rib
kapag kausap niya ang kasamahang guro at mas lalong iba ang kaniyang register
kapag kausap niya ang kaniyang mga mag-aaral.
- Hal. Iba ang wika ng mga inhenyero, iba rin ang wika ng mga abogado at nasa
hukuman at iba rin ang wika ng mga eksperto sa iba’t ibang larangan
- Nauukol ito sa layunin at paksa ayon sa larangang sangkot ng komunikasyon

Barayti - higit na masaklaw ang konsepto kaysa tinatawag na estilo ng wika


- barayti ng wika ay isang maliit na grupo o pormal o makabuluhang katangian na
nag-
uugnay sa partikular na uri ng katangiang sosyo-sitwasyonal. (Alonzo 2002)
- Ayon kay Catford may 2 uri ang barayti
1. Humigit-kumulang ay permanente para sa tagapagsalita/tagabasa (performer)
-binubuo ng idyolek at diyalekto

Idyolek- ang tawag sa kabuuan ng mga katangian sa pagsasalita ng tao


-mga salik: gulang, kasarian, hilig o interes, at istatus sa lipunan
- punto o paraan ng pagsasalita ng tao
- ay natatangi’t espesipikong paraan ng pagsasalita ng isang tao. Minsan
nakikilala natin o nagiging marka sa pagkakakilanlan ng isang tao. Hal.
Paraan ng pagsasalita ni Kris Aquino

Diyalekto – ay ang barayti na batay sa lugar, panahon, at katayuan sa buhay.


-diyalektong heograpiko
Diyalektong temporal
Diyalektong sosyal

2. Humigit-kumulang ay pansamantala dahil nagbabago kung may pagbabago sa


sitwasyon ng pahayag.

Homogeneus – isa lang ang gamit ng wika


- ipinahahayag na may iisang katangian ang wika tulad ng language universals.

7
Heterogenous - iba-iba ang gamit ng wika, layunin, at gumagamit
– iba-iba ang gamit, layunin, at gumagamit. Iba-iba ang wika dahil sa lokasyong
heograpiko, pandarayuhan, sosyo-ekonomiko, political at edukasyonal na katangian ng
isang particular na lugar o komunidad na gumagamit ng naturang wika. Hal. Ang
Pilipinas ay halimbawa sa pagiging multilingguwal na nag-iiba-iba ang wika.

8
Aralin 4

MGA KONSEPTONG PANGWIKA


(Lingguwistikong Komunidad, Unang Wika, Pangalawang Wika)

Lingguwistikong Komunidad - ang tunguhin ay napupunta ang talastasan o pakikipag-usap ng


mamamayan
- Mga Salik:
1.May kaisahan sa paggamit ng wika at naibabahagi ito sa iba
- homogeneous ang wika, ibig sabihin iisang anyo at uri o barayti
ang wikang ginagamit (Chomsky, 1965; Lyons, 1970)
2. Nakapagbabahagi at malaya ang kasapi sa tuntunin ng wika at
interpretasyon nito (Hymes, 1972)
- katulad ito ng kinagawianginterpersonal na komunikasyon
gamit ang pahiwatig ng mga Pilipino (Maggay, 2005)
3. May kaisahan sa pagpapahalaga at palagay hinggil sa gamit ng
wika (Labov, 1972)

- umiiral lamang sa sector, grupo, o yunit na nagkakaunawaan sa iisang


gamit nila na wika (homogeneous)

- isinasaalang-alang din ang tungkol sa idyolek, sosyolek, at diyalek ng


pangkat ng tao sa isang komunidad.
Halimbawa:
 Sektor – mga manggagawa na malay sa kanilang karapatan at tungkulin sa bayan na
nagbubuklod sa pagsapi sa kilusang paggawa
 Grupong Pormal – Bible study group na nangangaral ng Salita ng Diyos
 Grupong Impormal – barkada
 Yunit – team ng basketbol; organisasyon ng mga mag-aaral sa paaralan

Multikultural na Komunidad - ang tunguhin ay “pagkakaisa sa gitna ng pagkakaiba”


- wikang nagiging iba-iba, samot-sari, o marami ang mga wika dahil sa
multikultural nating katangian, identidad, at pinagmulan
(heterogeneous)
Halimbawa:
 Internasyonal – United Nations; UNICEF; at iba pa
 Rehiyonal – European Union; ASEAN; at iba pa
 Pambansa – mga bansa at estado na may iba’t ibang etnolingguwistikong pangkat tulad ng
Pilipinas, Indonesia, Japan, at iba pa
 Organisasyonal – Microsoft; Google; Nestle; at iba pa

9
Sosyolek – ay uri ng wika na nililikha at ginagamit ng isang pangkat o uring panlipunan. Hal. Jejemon

Idyolek – ay natatangi’t espesipikong paraan ng pagsasalita ng isang tao. Minsan nakikilala natin o
nagiging marka sa pagkakakilanlan ng isang tao. Hal. Paraan ng pagsasalita ni Kris Aquino

Unang Wika – wikang natutuhan ng isang tao mula noong kaniyang kapanganakan.
- Batayan para sa pagkakakilanlang sosyolingguwistika ang unang wika ng isang tao
- Tinatawag din itong katutubong wika (L1)

Pangalawang Wika – iba pang wikang pinag-aaralan o natutuhan maliban pa sa unang wika (L2)
- Ang kasalukuyang wikang pambansa na Filipino ang pangalawang wika ng
nakararaming Pilipino

10
Aralin 5

GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN

A. PANG-INSTRUMENTAL (Wika Bilang Instrumento ng Iba’t Ibang Layunin at Pagkaktaon)


 Tumutugon sa mga pangangailangan. Nagpapahayag ng pakiusap, pagtatanong, at pag-
uutos
 Ito ay instrumental dahil natutugunan nito ang pangangailangan ng tao tulad ng
sumusunod;
a. Pagpapahayag ng damdamin kaugnayan sa pasasalamat, pag-ibig, galit, kalungkutan,
pagpapatawad, sigla, pag-asa, at marami pang iba;
b. Panghihikayat upang gawin ng kausap ang nais na tuparin o mangyari;
c. Direktang pag-uutos; o
d. Pagtututro at pagkatuto ng maraming kaalaman at karunungang kapaki-pakinabang.

 Wika ng Panghihikayat at Pagganap


 Tinatawag na speech-act (malayang salin:bigkas-pagganap) ang paggamit ng
wika ng isang tao upang paganapin at direkta o di-direktang pakilusin ang
kausap niya batay sa nilalaman ng mensahe.
 Bigkas-pagganap- ay hango sa teorya ni John L. Austin (1962) na nahahati sa
tatlong kategorya ang bigkas-tunggong-pagganap
1. Literal na pahayag o lokusyunaryo
- Ito ang literal na kahulugan ng pahayag. Hal. “Tama na!”
2. Pahiwatig sa konteksto ng kultura’t lipunan o ilokusyunaryo
- Ito ang kahulugan ng mensahe batay sa kontekstong pinagmumulan
ng nakikinig at tumatanggap nito. Hal. “Ang “Tama na!” ay maaaring
mangahulugang:
 Tumpak, totoo, o kapani-paniwala
 Itigil na, tapusin na, sa konteksto ng pagkakainis
 Mula sa mali o sablay hinihintay na maging tama, sa
konteksto sa pagtitimpla ng niluto
3. Pagganap sa mensahe o perlokusyunaryo
- Ito ang ginagawa o nangyari matapos mapakinggan o matanggap
ang mensahe. Hal. “Ang pagsasabi ng pahayag na “Tama na!” ay
maaaring mabunga ng pagtigil ng isang taon sa kaniyang ginagawa.

Pasalita Pasulat
Pakikitungo, Pangalakal, Pag-uutos Liham Pangalakal

11
B. PANREGULATORI
 Kumukontrol/ gumagabay sa kilos at asal ng iba
 Ang regulatoryong bisa ng wika ay nagtatakda, nag-uutos, nagbibigay-direksyon sa atin
bilang kasapi o kaanib ng lahat o ng alinmang institusyon.
 Ang wika ay regulatoryo kung mayroon ito ng sumusunod na mga element:
1. Batas o kautusan na nakasulat, nakikita, nakalimbag, o inuutos nang pasalita
2. Taong may kapangyarihan o posisyon na nagpapatupad ng kautusan o batas
3. Taong nasasaklawan ng batas na sumusunod ditto
4. Konteksto na nagbibigay-bisa sa batas o kautusan tulad ng lugar, institusyon,
panahon, at taong sinasaklawan ng batas

 Tatlong Klasipikasyon ng Wika Ayon sa Regulatoryong Bisa


1. Berbal – ang tawag sa lahat ng kautusan, batas, o tuntunin na binanggit lamang
nang pasalita pinuno o sinumang nasa kapangyarihan
Hal.
 Pamilya – Kapag sinabi ng magulang na curfew sa gabi, kailangang sumunod
ng anak
 Guro – Kapag sinabi ng guro na babagsak ang sinumang hindi makakapasa
sa pagsusulit sa araw na iyon.
2. Nasusulat, nakalimbag, at biswal – ang lahat ng kautusan, batas, o tuntunin na
mababasa, mapapanood, o makikita na ipinatutupad ng nasa kapangyarihan.
Hal. Saligang Batas, Ordinansa
3. Di-nasusulat na tradisyon – ang mahabang tradisyon na pasalin-saling bukambibig
na kautusan, batas, o tuntuning sinusunod ng lahat.
Hal. Sa patriyarkal na lipunan, ang tagapagmana ng negosyo ay lagging ang
panganay na lalaki.

 Gamit ng Wika Ayon sa Regulatoryong Bisa


1. Pagpapatupad ng batas, kautusan, at tuntunin sa pamahalaan at ibang institusyong
panlipunan
2. Pagpapataw ng parusa sa susuway sa mga batas, kautusan, at tuntunin
3. Partisipasyon ng mamamayan sa paggawa ng tuntunin, polisiya, at batas
4. Pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa mga komunidad at ugnayan ng
mamamayan
5. Pagtatakda ng polisiya, batas, at kautusan para sa kaunlaran at masaganang
kabuhayan ng lahat para sa pantay na oportunidad; pagkilala sa karapatan ng iba’t
ibang uri at katayuan ng mamamayan sa bansa.

12
Pasalita Pasulat
Pagbibigay ng panuto/direksyon/paalala Resipe, Direksyon sa isang lugar, panuto sa
pagsusulit at paggawa ng isang bagay, tuntunin sa
batas na ipinatutupad

C. PANG-INTERAKSIYONAL
 Nakapagpapanatili, nakapagtatatag ng relasyong sosyal.
 Interpersonal na Komunikasyon- ang pakikipag-usap sa isa o higit pang tao.
 Tinutulungan tayong makipag-ugnayan at bumuo ng sosyal na relasyon sa ating
pamilya, kaibigan, o kakilala.

Pasalita Pasulat
Pormulasyong Panlipunan Liham Pangkaibigan
- Pangungumusta, Pag-anyayang Kumain, -Imbitasyon sa Isang Okasyon (Kaarawan,
Pagpapatuloy sa Bahay, Pagpapalitan ng Biro, at Anibersaryo, Programa sa Paaralan)
marami pang iba

D. PAMPERSONAL
 Nakapagpapahayag ng sariling damdamin o opinion
 Ang “personal” ay mula sa salitang personalidad. Nabuo ang personalidad ng isang tao habang
siya’y nagkakaisip at nagiging bahagi ng isang lipunan.
 Ayon sa Sikolohiya, ang personalidad ay kaugnay ng mga pangunahing teorya kabilang ang pag-
uugali, psychodynamic, pangkatauhan, biyolohikal, asal, ebolusyon, at perspektibo sa kaalamang
panlipunan.
 Apat na Dimensiyon ng Personalidad (Carl Jung, 1920)
1. Panlabas laban sa Panloob (Extraversion vs. Introversion) – inilalarawan kung paano
nagkakaroon ng enerhiya
2. Pandama laban sa Sapantaha (Sensing vs. Intuition) – inilalarawan kung paano kumukuha ng
impormasyon ang mga tao
3. Pag-iisip laban sa Damdamin (Thinking vs. Feeling) – inilalarawan ang paraan ng ginagamit
ng isang tao sa pagdedesisyon
4. Paghuhusga laban sa Pag-unawa (Judging vs. Perceiving) – inilalarawan ang bilis ng pagbuo
ng desisyon ng isang tao.
 Personal bilang pagpapahayag ng sarili

Pasalita Pasulat
Pormal o Di-Pormal na Talakayan, Debate o Editoryal o Pangulong-tudling, Liham sa Patnugot,
Pagtatalo Pagsulat ng Suring-basa, Suring-Pelikula o
Anumang Dulang Pantanghalan

13
E. PANGHEURISTIKO
 Naghahanap ng mga impormasyon o datos
 Pag-iimbestiga. Pag-eekspiremento kung tama o mali. Natututo tayo sa ganitong proseso ng
pagtuklas sa ating paligid at sa pagkuha ng luma at bagong kaalaman. Heuristiko ang bisa ng
wika sa ganitong sitwasyon.
 Kung nais nating ipaliwanag ang datos, impormasyon, at kaalamang ating natutuhan o
natuklasan at kung nais nating iulat ang mga ito sa publiko o kahit kanino, representatibo
naman ang bisa ng wika sa ganitong pagkakataon.
 ANG APAT NA YUGTO SA MAUGNAYING PAG-IISIP
- Ayon kay Benjamin Bloom (1956), bukod sa kakayahang pangkaisipan (kognitibo), kailangan
din ang kakayahang pandamdam/pandamdamin (apektibo), at pampisikal (psychomotor).
- Kaugnay ng kakayahang pangkaisipan, may apat na yugto ng maunlad nap ag-iisip na
kailangang matutuhan ng mga estudyante:

A. Paggamit ng Sintido-kumon
- Ang pinakakaraniwang paraan ng pag-iisip at pangangatwiran.
Hal. Kapag makulimlim ang langit, maiisip nating magdala ng payong.

B. Lohikal na Pag-iisip
-binubuo ng 3 uri

1.Lohika ayon sa Pangangatwiran o Argumento


– ang lohika ay umiikot sa ugnayan ng mga pahayag at kongklusyon.
- Argumento – ang tawag kapag napapatunayan ang bisa ng kongklusyon ayon sa detalye,
ebidensya, at pangangatwirang nakasaad sa pahayag.
Hal. Pahayag 1: Malakas ang ihip ng habgin at buhos ng ulan. (ebidensya)
Pahayag 2: Mataas ang baha sa kalsada, palayan, at pasilyo. (ebidensya)
Kongklusyon: Nananalasa na ang bagyo sa aming lugar.

2. Lohika ayon sa Pagkakasunod-sunod


- ang pagtukoy sa pagkasunod-sunod ba mga pangyayari o proseso.

3. Lohika ayon sa Analisis

5. Kritikal na Pag-iisip

Pasalita Pasulat
Pagtatanong Pananaliksik, at Pakikipanayam Sarbey, Pamanahong Papel, Tesis, at Disertasyon

14
F. PANREPRESENTATIBO
 Nagpapahayag ng komunikasyon sa pamamagitan ng mga simbolo o sagisag.

Pasalita Pasulat
Pagpapahayag ng Hinuha o Pahiwatig sa mga Mga Anunsiyo, Patalastas, at Paalala
Simbolismo ng Isang Bagay o Paligid

G. PANG-IMAHINASYON
 Ang pagiging malikhain ng tao ay tungkuling nagagampanan niya sa wika. Nalilikha ng
tao ang mga bagay-bagay upang maipahayag niya ang kaniyang damdamin.
 Ayon kay Hallday (1973), ang imahinatibong wika ay ginagamit sa paglikha, pagtuklas, at
pag-aliw.
 Gamit ng Wika sa Imahinatibong Panitikan
1. Pantasya
2. Mito
3. Alamat
4. Kuwentong-bayan
5. Siyensiyang Piksyon
6.
Pasalita Pasulat
Pagbigkas ng Tula, Pagganap sa Teatro Pagsulat ng Akdang Pampanitikan

15
Aralin 6

KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA

1. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 (Abril 1, 1940)


 Isinaad ang pagpapalimbag ng “A Tagalog English Vocabulary”at “Ang Balarila ng Wikang
Pambansa”.
 Inihahayag din ang pagtuturo ng wikang pambansa (Tagalog) sa mga paaralang pampubliko at
pribado simula Hunyo 19, 1940.

2. Batas ng Komonwelt Blg. 570


 Ipinahayag na isa sa wikang opisyal ang wikang pambansa (Tagalog) simula Hulyo 4, 1946.

3. Proklamasyon Blg. 12
 Ipinalabas noong Marso 26, 1954 ni Pang. Ramon Magsaysay ang pagkakaroon ng pagdiriwang
ng Linggo ng Wika mula Marso 29 – Abril 4 (kapanganakan ni Francisco Balagtas).

4. Proklamasyon Blg. 186 (1955)


 Inilahad ang paglilipat ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika sa Agosto 13-19 (kapanganakan ni
Manuel L. Quezon)

5. Kautusang Pangkagawaran Blg. 7


 Ipinalabas noong Agosto 13, 1959 ng noo’y kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon na si Jose E.
Romero na nag-aatas na tawagin ang wikang pambansa na Pilipino.

6. Saligang- batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 6


 Filipino ang wikang pambansa ng Pilipinas.

7. CHED (Commission on Higher Education) Memorandum Blg. 59 (1996)


 Nagtadhana ng 9 na yunit na pangangailangan ng Filipino sa kolehiyo o pamantasan.

8. Proklamasyon Blg. 1041 (1997)


 Nilagdaan at ipinalabas ni Pangulong Fidel V. Ramos na nagtatakda na ang buwang ng Agosto,
ang buwan ng wikang Filipino.

16

You might also like