You are on page 1of 10

Paksa: ANG PILIPINAS AT ANG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG

Pangkat Blg: 4

Seksyon: 1-ISA

PAGSIKLAB NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG SA ASYA

Greater East Asia Co-Prosperity Sphere

 Ang Greater East Asia Co-Prosperity Sphere ay konseptong ginawa at ibinalita sa Japan
sa panahon ng unang ikatlong kapanahonan ng Shōwa ng gobyerno at militar ng
imperyo ng japan

Pagbuo ng Konsepto ng Co-Prosperity Sphere

 Ito ang patakarang pinalaganap ng mga Hapon ng sakupin nila ang Pilipinas kung saan
layunin nitong pag-isahin ang mga Asyanong bansa tungo sa pagkakaisa at pag-unlad
 Layunin nitong palayain ang mga asyano mula sa mga kamay ng Western Powers
 Nais nito ng pagkakaisa tungo sa kasaganaan ng mga bansa sa Asya
 Hangad nito na maging maunlad ang lahat ng bansa sa Asya at ang tanging
makinabang sa yaman ng Asya ay tanging mga Asyano
 Nakita itong pagkakataon ng mga hapon upang makakuha ng mga materyales na
gagamitin nila sa digmaan

 Mga Kasaping Bansa ng Greater East Asia Co-prosperity Sphere


 Japan
 Manchukuo
 Mongolia
 China
 Burma
 Philippines
 Vietnam
 Cambodia
 Laos
 Thailand
 Azad Hind

Pag-bagsak ng Greater East Asia Co-prosperity Sphere

 Ang Greater East Asia Co-prosperity Sphere ay bumagsak noong Agosto 1945 ng
sumuko ang Imperyo ng Japan sa America

War Plan Orange

 Tumutukoy sa mga serye ng Estados Unidos Joint Army and Navy Board War Plans
para sa posibleng pagharap sa digmaan laban sa Japan
 Ang War Plan Orange ay pormal na pinagtibay ng Joint Army at ang Navy Board simula
1924
Ebolusyon ng War Plan Orange

 Dec 19, 1919 - Strategy of the Pacific


 Jul 7, 1923 - Estimate of the Situation, Orange
 Aug 15, 1924 - Joint Basic War Plan – Orange
 Jan 10, 1929 - Revision of Joint Army and Navy Basic War Plan Orange
 Jun 20, 1934 - Inadequacy of Present Military and Naval Forces Philippine Area to
Carry Out Assigned Missions in Event of an ORANGE War
 May 8, 1935 - Revision of Joint Army and Navy Basic War Plan – Orange
 May 19, 1935 - Revision of Joint Army and Navy Basic War Plan – Orange
 Oct 14, 1936 - Revision of Joint Orange Estimate of the Situation
 Dec 9, 1936 - Changes in Joint Basic War Plan Orange
 Feb 19, 1938 - Joint Army and Navy Basic War Plan Orange

PAGSALAKAY NG MGA HAPONES SA PILIPINAS

 Ika-10 ng Disyembre dalawang alon ng pambombang eroplanong Hapones na may


kasamang eroplanong panlaban ang nagpakita sa Maynila. Lumibot sa ibabaw ng ng
Maynila sa ayos na hugis V.
 Binomba ang Nichol’s Field at ang daungan.
 Tumungo sa Cavite at binomba ang base ng hukbong pandagat.
 Dumating pa ang ikatlong pangkat at muling ipinagpatuloy ang pagbomba ng mga base.

Maynila bilang Open City

 Upang maiwasan ang pagkamatay pa ng sibilyan tulad ng nangyari sa Port Area,


ipinahayag na ang Maynila ay isa ng bukas na lungsod noong ika-6 ng Disyembre 1941.
Itinaas sa mga istratehiyang lokasyon ang karatulang nagsasaad ng: “BUKAS NA
LUNGSOD! WALANG MAGPAPAPUTOK!”
 Ipinaalis ang mga instalasyong panghukbo sa Maynila.
 Muling binomba noong araw ng pasko ang Nichols at Pangasinan at iginiit na igagalang
lamang nila ang Maynila kung ang mga Pilipino ay lalaban sa mga Amerikano ta
makikipagtulungan sa mga Hapones sa pagtatatag ng bagong kaayusan sa Silangang
Asya.
 Muling pinaulanan ng bomba ang Maynila ng ilang oras ng bomba noong ika-27 at ika-
28 ng Disyembre . Dito nagkaroon ng pagtatangkanghuwag magbigay ng kalinga sa
mga kaaway.
 Noon Enero 2, 1942 pinasok ng mananalakay na Hapones ang Maynila. Walang
naganap nga pagdanak ng dugo.
 -Dec. 25, 1941 idineklara ang Manila bilang open city.

PAGTAKAS NG PAMAHALAANG KOMONWELT

PAGBAGSAK NG BATAAN

 Tatlong buwan nilabanan ng pwersang USAFFE (united states army forces in the far
east) ang mga hapones.
 Humigit kumulang 75,000-80,000 na mga kawal ang nakipaglaban sa mga hapones.
 March 11 ng umalis si Mac Arthur para tumulong sa europa
 Ayon sa “Patakarang Una Ang Europa” na napagkasunduan ng EU at Inglatera.
 Nakahingi ng tulong ang mga hapones mula sa Singapore.
 Abril 9,1942 sumuko ang Bataan.

DEATH MARCH

 Walang pagkain tubig at gamot para sa mga bihag.


 62,000 na mga Pilipino at 11,00 na mga Amerikano ang nag lakad mula Mariveles ,
Bataan hanggang sa San Fernando, Pampangga (88 na kilometro).
 Ang mga mahihina at nagtatangkang tumakas ay binabayoneta
 Bayoneta- isang uri ng sandatang hapon na isang klase ng patalim na kinakabit sa dulo
ng riple (rifle).
 25,000 ang mga namatay sa martsang ito.
 Gamit ang isang tren dinala ang mga bihag sa Capas, Tarlac, 45,000 ang namatay
dahil sa sakit at hindi makataong kundisyon.

PAGBAGSAK NG CORREGIDOR

 Pagbagsak ng Bataan ay inatake mula sa lupa, dagat, at himpapawid.


 Heneral Wainwright, pumalit kay MacArthur.
 Noong Mayo 6,1942 sumuko ang 11,000 na mga pwersang nasailalim ni Wainwright at
ang lahat ng mga pwersang USAFFE.

REAKSYON NG MGA PILIPINO

LABANANG GERILYA

 Higit na nakilala ang aktibong pagsalungat sa mga Hapones na makikita sa mga nag
sulputang pangkat-gerilya
 Maraming sundalo, Pilipino at Amerikano, ang tumangging sumuko sa mga Hapon at
nag-gerilya
 Ang ilang mga pangkat gerilya ay itinatag ng mga di sumukong elemento ng USAFFE at
pinamunuan ang ilan ng mga local na politiko na hindi sumuko sa pamumunong
Hapones
 Maraming pangkat ng mga Pilipino at Amerkano, nakatakas sa Bataan, Corregidor at iba
pang pulu-pulo ang lumaban bilang gerilya
 Nakipagtira-at-taguan sa Kempetai, ang pulis militar ng Hapon, at sa Makapili, mga
Pilipinong kumampi sa mga Hapon, nag-ispiya at nakipaglaban sa mga guerrilla sa
bundok at gubat sa buong Pilipinas
 Mula sa iba’t ibang pangkat ng lipunan ang mga gerilya – babae at lalaki, estudyante,
kabataan, propesyonal, military, magsasaka, manggagawa, Muslim at Kristyano, local
na Tsino at iba pang nasyonalidad
 Napasailalim ang mga pangkat gerilya sa Mindanao sa sentralisado at depenidong
pamumuno dahil sa mahinang pamumuno ng mga Hapon dito. Samantalang
madudugong labanan ang nangyare sa Luzon dahil sa salungatan sa teritoryo, motibong
pampulitika at personal na pinalubha pa ng hati hating kaligiran.
 Ang mga pangkat gerilya ay tapat sa Filipinas, kay MacArthur at sa Estados Unidos
 Nais ni MacArthur na maging layunin ng mga guerrilla ang pagtulong lamang sa
pagbalik ng mga Amerkano, at hindi ang pagtanggol sa mga mamamayang sakop at
pinagmalupitan ng mga Hapon
- Nangyari pa kung minsan, ang mga guerrilla ang tumambang at sumalungat sa
mga Huk upang mapigil ang paglusob nila sa mga Hapon dahil sa ayaw ni
MacArthur na maging bayani ang mga HUK dahil ang tingin niya dito ay
komunistang dapat supilin
 Nangako si MacArthur ng bigyan ng pagkilala ang pangkat gerilya
 Inatasan ng Estados Unidos na manahimik at mangolekta muna ng impormasyon kaysa
harapin kaagad ang mga Hapones ng hindi pa handa
- Nakakonsentra sa hilagang Luzon
- Mahalagang aspeto din ng gerilya ang pagpapalabas ng mga pahayagang
kumontra sa propaganda ng Hapon
 Sa gayon, hindi masasabing ang mga pwersang Amerikano ang nagpalaya sa Pilipinas
kung hindi ang mga Gerilya.

JAPANOPHILES (KOLABORADOR)

 Kunwari ay nakikipagtulungan ang mga opisyal ng pamahalaan ngunit nag bibigay ng


impormasyon sa mga gerilya
 Hindi sinasala ng mga Hapon ang mga collaborator, binigyan pa ng kaunting
kapangyarihan upang tumulong sa pamamahala ng kalakal at pagsingil ng mga buwis
 Paglait, pagtawa at pagmamaliit ng mga Filipino sa mga mananakop na Hapones kapag
nakatalikod ang mga ito
 Pinili ng maraming Filipino ang maghintay at mabuhay hanggang sa mabalik ang
kalagayan bago ang digmaan
 Marami sa mga mayaman, mga taga-lungsod at mga educado ay sumanib at sumipsip
sa mga Hapon, naging mga kolaborador.
 Sa huling bahagi ng digmaan, ang pangunahing pinagkakaabalahan ng Filipino ay ang
mabuhay, kaya gumawa sila ng iba’t ibang paraan: magnakaw sa mga patay upangmay
maisangla sa mga Hapones, makipag relasyon sa mga Hapones at makipagtulungan sa
mga Hapones upang magkaroon ng kapangyarihan

PAMAHALAAN NG PILIPINAS NOONG PANAHON NG HAPONES

ADMINISTRASYONG MILITAR NG HAPONES

 Noong ika 3 ng Enero 1942 kaagad itinatag ni Heneral Masaharu Homma ang isang
administrasyong militar ng mga Hapones.
 Pinamumunuan ito ng isang director heneral na si Gen. Misami Maeda na naging unang
director heneral at si Gen Takaej Wachi na naging pangalawa at huling director heneral
 Layunin nitong pangasiwaan ang pampulitika, pangekonomiya at pangkulturang gawain
ng Pilipinas
 Kabilang sa mga ito ang pagkakaroon ng Curfew at Black out sa Maynila
 Ipinahayag nito ang batas militar. Ang mga baril at armas ay kinukumpiska nila.
Anumang pagkilos laban sa mga Hapones ay tinutumbasan ng kamatayan
 Bawat isang hapon na napatay ay katumbas ng sampung kilalang Pilipino ang
papatayin.
 Ipinagbawal din ang pagawit ng pambansang awit ng pilipinas at paggamit ng bandilang
Pilipino
KOMISYONG TAGAPAGPAGANAP

 Itinatag ang komisyong tagapagpaganap ng pilipinas sa pamumuno ni Jorge B. Vargas


Chairman of the Executive Commission na naglalayong ipatupad ang patakarang hapon
sa pilipinas
KALIBAPI

 Kapisanan ng Paglilingkod sa Bagong Pilipinas


 Ang nagiisang pinapayagang partido noong panahon ng hapon
 nilikha sa ilalim ng Executive Order No. 109 noong Disyembre 4, 1942 ni Jorge B.
Vargas
 Layunin ng Kalibapi na ‘pag-isahin ang mga Pilipino upang matulungan ang
pamahalaang Hapones na maitatag at maibangong muli ang bansa at upang maikintal
sa mga Pilipino ang mga pagpapahalagang Silanganin o Oriental (Oriental values) tulad
ng pananampalataya, pagtitiwala sa sarili, pagsasakripisyo at pagiging masipag. Itinatag
ang samahang ito upang maging kaakibat ng pamahalaang Hapones sa
pagsasakatuparan ng mithiin nito tungo sa isang Greater East Asia Co-Prosperity
Sphere.
 Lahat ng mga Pilipino na nasa 18 taong gulang pataas ay maaaring sumali sa nasabing
samahan. Lahat din ng mga Pilipinong opisyal ng pamahalaan ay kailangang maging
kasapi nito.
 Nang lumaon, nagtatag ng iba pang samahang pansibiko sa bansa na nasa ilalim ng
Kalibapi. Kabilang dito ang Kabataang Kalibapi at Kalibapi Women’s Auxillary Services
para sa mga kabataan at kababaihan. Nagkaroon ang Kalibapi ng mahigit sa 1.5 milyon
na kasapi sa panahon ng mga Hapones.
PCPI, SALIGANG BATAS 1943

 PREPARATORY COMISSION FOR PHILIPPINE INDEPENDENCE


 Layunin bitong makagawa ng bagong konstitusyon para sa isang malayang pilipinas
 Pinamunuan ito ni Jose P. Laurel
 Nagbigay ng matibay na tagapagpaganap ang 1943 Saligang Batas
 Binubuo ito ng mga tagapagbatas sa Pambansang Kapulungan at iyon lamang mga di
sang-ayon sa Estados Unidos ang kinukunsidera para ihalal, bagaman karamihan
hinihirang ang mga tagapagbatas sa halip na inihalal
 Naging instrumento ng mga Hapon ang 1943 Saligang Batas upang gawing lehitimo ang
pagsakop nila sa pamamagitan ng papet na pamahalaang Pilipinas
IKALAWANG REPUBLIKA NG PILIPINAS

 Noong ika 14 ng Oktubre 1943 ay pinasiyahan ang Ikalawang republika ng Pilipinas


 Bumubuo ng bagong asemblea na binubuo ng 108 na miyembro
 Pinamumunuan ni Jose P. Laurel
 Sa ilalim ni Pangulong Laurel nalikha ang mga bagong kawanihan, tanggapan at
komisyon at binago ang sistema ng hukuman
 Sinubukan ng mga hapon na kuhanin ang tiwala ng mga Pilipino sa sa pamamagitan ng
kanilang adhikain

EKONOMIYA
 Pagdating ng mga Hapon sa bansa ay nagpatupad sila ng rasyon sa mga pangunahing
mga kailangan katulad ng kanin, sigarilyo, posporo, at iba pa
 Nawalan ng suplay ng mga pagkain sapagkat nasira ng mga bomba ang mga taniman
 Pati ang pagkakaroon ng damit ay naging mahirap na rin dahil sa kawalan ng mga tela
at halos lahat ng mga pag-aari ay nasira dahil nga sa pambobomba ng mga Hapon
 Ang presyo ng mga bilihin ay nagsitaasan.
 Nagpatupad din sila ng kanilang pera

MICKEY MOUSE MONEY

 Salaping papel - Hapones na ikinalat sa bansa, dahil ito ay halos walang halaga. Natigil
ang kalakalan panlabas at halos wala ng mga produktong dayuhan ang nakarating dito.
Natutuhan ng mga Pilipino ang negosyong buy and sell dahil sinamsam ng mga
Hapones ang kanilang ani at humina ang agrikultura at maraming magsasaka ang
lumikas ng tirahan sa mga kabundukan.

TRIBUNE

 Ito ang pangunahing pahayagan na gumagamit ng wikang Ingles


 Ito ay nakilala bilang tagapagbalita ng mga Hapon
 Upang mabigyang lunas ang kakulangan ng pagkain. Binuo ni Laurel ng BIBA at
NADISCO
- Ang BIBA o “Bigasang Bayan” ang nagsaayos sa distribusyon ng kakaunting
imbak na bigas. Ito rin ay bumili ng bigas at iba pang pang pangunahing pagkain
sa mga magsasaka sa lalawigan para maipagbili nang mura sa mga tao , sa mga
lungsod lalo na sa Maynila
- Ang NADISCO o “National Distribution Corporation" naman ang itinalagang
mamahala sa pamamahagi hindi lamang ng bigas kundi iba pang pang-araw-
araw na pangangailangan sa buong bansa. Kabilang sa pinangasiwaan ng
NADISCO ang distribusyon ng mga pangunahing bilihin tulad ng asin, mantika,
asukal, sabon at iba pa.

 Habang tumatagal, dumadami ang mga sundalong Hapon na pumapasok sa ating


bansa
 Ginawa nilang kuwartel ang mga eskwelahan at mga bahay sa Maynila
 Hindi nila alam kung kailan may papasok na mga Hapon sa bahay nila. Marami ang
kinulong at tinorture. Marami rin ang pinapatay dahil sa pagtuligsa sa mga Hapon.
 Marami sa mga kababaihan ay naging Comfort Women, wala nang nagawa ang mga
kalalakihan dahil ikakakamatay nila ang paglaban sa mga Hapon.
 Ngunit hindi lamang sa mga Hapon natakot ang mga Pilipino, pati sa mga guerillang
hindi na alam ang pinaglalaban nila at nawalan na ng katwiran ang mga ginagawa.

LIPUNAN

PROPAGANDANG HAPON

 Sa pagdating ng mga sundalong Hapones sa bansa, itinatag kaagad nila ang isang
yunit-militar na mangangasiwa sa propagandang Hapones
 Tinawag ang ahensyang ito na sendenbu (propaganda corps)
 Nang lumaon, nakilala ito sa tawag na Hodobu o Kagawaran ng Impormasyon
 Binubuo ng mahigit 300 kasapi mula sa militar at iba’t ibang propesyon ang nasabing
ahensya
 Isa sa mga tungkulin ng ahensyang ito ay magpakalat ng mga aklat, posters, polyetos at
iba pang propagandang materyal na nagpapakilala at nagpapasikat sa bansang Hapon
 Layunin din nilang maialis ang mga impluwensyang Kanluranain sa buhay ng mga
Pilipino at mapalitan ito ng kulturang Hapones

PAGWAWAKAS NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG SA PILIPINAS

ANG PAGBABALIK NG MGA AMERIKANO

 Agosto 1944 namatay si Quezon sa Estados Unidos, napasa kay Osmena ang
pagkapangulo ng Komonwelt
 Nagkaroon na ang Allied Powers ng panahon para “palayain” ang Pilipinas.
 Isang linggo matapos ang pagkamatay ni Quezon, binomba ng mga Amerikano ang
ilang mga instalasyong military ng mga Hapon sa Visayas at Mindanao.
 Setyembre 1944, nawasak an gang pasilidad ng hukbong dagat ng mga Hapon sa
Maynila.
 Ika-20 ng Oktubre 1944, lumunsad ang mga pwersang Amerikano kasama sina
MacArthur at Osmena sa Leyte. Nagkaroon ng madugong labanan para sa Golpo ng
Leyte kung saan nangibabaw ang mga Amerikano.
 Ika-9 ng Enero 1945, lumunsad naman ang mga Amerikano sa Lingayen, isang
pangyayari na hindi napaghandaan ng mga Hapong nag-akalang sa Look ng Maynila
dadaan ang mga Amerikano.
 Hindi nagtagal at naokupahan na ng mga pwersang Amerikano ang Gitnang Luzon.
 Napasuko ang mga Hapon nang pagbobombahin ng mga Amerikano ang Maynila.
 Ika-4 ng Hulyo 1945, ipinahayag ni MacArthur ang paglaya ng Pilipinas mula sa Hapon.
 Agosto 1945, ganap na nagwakas ang digmaan sa pagitan ng Estados Unidos nang
bagsakan ng mga Amerikano ng kauna-unahang mga bombang atimiko ang mga
mamamayan ng Hiroshima at Nagasaki at Nagasaki.

PAG BABALIK NG PAMAHALAANG KOMONWELT

 10 TAON NA PAGHAHANDA SA PAGSASARILI NG PILIPINAS.


 Batas Hare-Hawes Cutting
 Nagtadhana ng pagtatag ng Komonwelt ng Pilipinas matapos ang pagbabalangkas ng
isang bagong saligang batas
 10 na taon pagkatapos maitatag ang Komonwelt ay magagawadan ang Pilipinas ng
soberanya
 Kapangyarihan ng pangulo ng Estados Unidos na aprubahan o di aprubahan ang
anumang pagbabago sa saligang batas
 Pagtatalaga ng isang Amerikanong komisyon na kakatawan sa pangulo ng Estados
Unidos
 Karapatan ng Estados Unidos na mag angkin ng lupain para sa pampublikong gamit
 Taunang kota ng mga Pilipino na maaring magpunta sa Estados Unidos ng hindi
lalagpas sa labinglimang (15) tao
 Pagkatali ng sistema ng pananalapi at relasyon sa ibang bansa ng Pilipinas sa Estados
Unidos
 Malayang pagpasok ng mga produktong Amerikano sa Pilipinas
 Tinutulan ni Quezon at sinang ayunan nila Osmena at Roxas ang batas Hare-Hawes
Cutting
 Oktubre, 1933 nagpadala ng misyon na pinamumunuan ni Quezon para humingi ng
panibagong batas hinggil sa pagsasarili ng Pilipinas at naging resulta ng misyon na ito
ay ang batas Tydings-McDuffie
 Batas Tydings-McDuffie
 Batas na kahawig na kahawig ng naunang batas (Hare-Hawes Cutting) maliban lamang
sa susog na nagpapalit sa mga reserbasyong militar ng reserbasyong at gasolinahan ng
hukbong dagat ng Estados Unidos
 Sinang ayunan kaagad ni Quezon ang batas (Tydings-McDuffie) sa hangad nya na
maging unang Pangulo ng Komonwelt kahit halos pareho lamang ang dalawang batas
 Mayo 1934 inaprubahan ang batas Tydings-McDuffie o ang batas sa pagsasarili ng
Pilipinas
 Noong ika-4 ng Hulyo, 1945, ipinahayag ni MacArthur ang paglaya ng Pilipinas mula sa
Hapon
 Makalipas ang isang buwan , ganap na nagwakas ang digmaan sa pagitan ng Estados
Unidos nang bagsakan ng mga Amerikano ng kauna-unahang bombang atomiko ang
mga mamamayan ng Hiroshima at Nagasaki.
 Muling Pagtatatag sa Komonwelt
 Itinatag sa Leyte ang pansamantalang sentro ng pamahalaang Komonwelt subalit
nagdaan muna ang apat na buwan bago ibinigay ni MacArthur kay Osmena ang
kapangyarihan mamahala
 Madaming problema ang kinaharap ng muling tatag na pamahalaang Komonwelt dahil
sa Maynila pa lamang at napakalaki na ng pinsala
 Ang Estados Unidos ay inasahan ng Pilipinas na magbigay tulong at ang tulong na ito ay
dumating sa porma ng Batas Bell ng 1946 at ng Batas Tydings ng taon ding iyon
 Batas Bell
 Libreng pangangalakal sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos sa loob ng walong (8)
taon. Pagkatapos ng walong taon na ito ay magbabayad na ang Pilipinas at ang Estados
Unidos ng buwis sa pangangalakal na bai-baitang ang paglaki hanggang sa taong 1974
kung kailan buo na ang buwis na ibabayad sa mga produkto ng Pilipinas na papasok sa
Estados Unidos.
 Kapalit ng batas Bell, tinatadhana ng batas na ito na ang mga Amerikano ay
magkakaroon ng pantay na karapatan sa mga Pilipino sa pagsasamantala,
pagpapaunlad, at paggamit sa lahat ng uri ng likas-yaman sa Pilipinas. Ang tawag sa
karapatang ito at “Parity Rights”
 Batas Tydings
 Nagtatakda ng $620 milyon bilang kumpensasyon sa mga napinsalaan. Ang halagang
ito ay nahati sa (1) makinaryang segunda mano na nagkakahalaga ng $100 milyon. (2)
$120 milyon para sa pagpapaayos sa mga nasirang gusali at palingkurang-bayan at (3)
$400 milyon para sa mga indibidwal na makapagpapatunay na sila ay dumanas ng
paghihirap sanhi ng digmaan
 Subalit ibibigay lamang ang ayudang ito sa isang kundisyon: ang pagkakasundo ng mga
pangulo ng Pilipinas at Estados Unidos hinggil sa relasyong pangkalakalan ng dalawang
bansa. Sa madaling salita, pinipilit ng batas Tydings na sang-ayunan ng pamahalaang
Komonwelt ang Batas Bell.
 Sa desperasyon ng pamahalaan, tinanggap nito ang kundisyong iyon, at inamyendahan
ang Saligang-batas para mabigyang-lugar ang probisyon para sa parity rights
ANG UST SA PANAHAON NG PANANAKOP NG MGA HAPONES

 Dec 8, 1941 inatake ng Japan ang Pilipinas.


 Dec 10, 1941 Ang pwersa ng Pilipinas at America ay umatras papuntang Bataan.
- American Emergency Committee sa Manila (pinamumunuan ni Frederic H.
Stevens) ay humiling sa Dominican Fathers ng UST para gamitin ang building ng
UST bilang internment camp para sa mga Americans at Allied civilians. at
pumayag naman ang mga namamahala nito
 Ipinialam ni Mr. Stevens na pumayag ang UST para gamitin itong internment camp kay
Mr. Claude Buss(High Commissioners office).
- Jan 2, 1942 ang pwersang Hapon ay pumasok na sa Manila. Dinala ang mga
mga Americans at Allied civilians sa UST na may aabot sa populasyon na
3,259(2200 Americans, 74 British, 920 Dutch, 28 Polish, 36 Mexicans, 1
Nicaraguan).
 Lahat ng buildings ng UST ay ginamit bukod sa Seminary building, Unang 2 palapag ng
main building at ang printing press.
 Tatlong palapag ng main building, Education building(ngayon ay UST hospital),at School
of Mines ang nagamit ng mga internees.
- komunikasyon sa pagitan ng mga internees at outside world ay pinagbawalan ng
mga Hapon.
 Ang fences sa España st. ay natatakpan ng mataas na sawali(woven-bamboo matting).
at mataas na konkretong pader sa iba pang paligid ng UST.
- noong Feb 8, 1944 ang Intramuros building ay nasunog. ang ibang building sa
Sampaloc campus ay bahagyang nasira(West wing ng main building, Education
building, UST gym).
 BInihag ng 64 tropang Hapones ang 276 sa 3,259 na internees at tinakot na papatayin
ang mga ito kung hindi sila papatakasin. Feb 8, 1945 si Col. Brady ay sinamahan ang
mga sundalong Hapones na ito palabas ng UST.
 35 sa mga internees ang namtay, at 300 naman ang sugatan.(ang mga labi ng mga
namatay ay inilibing sa labas ng Forbes gate at loob ng UST campus).
 Sa panahon ng liberation period(pagtapos ng gyera) ginawang panandaliang tirahan ang
UST ng mga refugees na malapit sa UST. pagkatapos ng gyera sa pagbubukas muli ng
klase ang Seminary at ibang building sa labas ng campus ang ginamit dahil ang ibang
buildings ay kailangan pang ipasaayos. Nagamit lahat ng building noong 1946.

Mga Sanggunian:

"THE UNIVERSITY OF SANTO TOMAS IN THE TWENTIETH CENTURY" by Josefina Lim


Pe(professor, college of education, UST).

“DALOY NG KASAYSAYANG AT PAMAHALAANG PILIPINO” by Zenaida Q. Reyes at


Nerissa Tantengco
“PILIPINAS:ISANG SULYAP AT PAGYAKAP” by Michael DC. Rama, Florencia C.
Domingo, Jennifer G. Rama, Jayson A. Cruz

You might also like