You are on page 1of 5

Filipino2

I. Basahin ang tanong at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1.) Ilang titik mayroon ang alpabetong Filipino?

A. 21 B. 25 C. 28

2.) Ang alpabetong Filipino ay binubuo ng _____ katinig.

A. 20 B. 23 C. 25

3.) Ang mga titik na A, E, I, O, at U ay tinatawag na _____.

A. patinig B. katinig C. pantig

4.) Alin sa mga salita ang may limang pantig?

A. magkaklase B. magkakaibigan C. magkapatid

5.) Ang mga titik na C, M, at T ay mga halimbawa ng _____.

A. katinig B. patinig C. pantig

6.) Ilang pantig mayroon ang salitang KAIBIGAN?

A. tatlo B. apat C. lima

7.) Anong salita ang mabubuo kapag pinagsama ang mga pantig na sa, pi at ra?

A. paraso B. piraso C. pisara

8.) Ano ang wastong pantig ng salitang marikit?

A. mar-i-kit B. ma-ri-kit C. mari-kit

9.) Alin sa mga sumusunod ang wastong pagpapantig ng salitang KANTINA?

A. kan-ti-na B. kanti-na C. ka-nti-na

10.) Ibigay ang kayarian ng pantig na may salungguhit.


NGI-PIN

A. KKP B. PPK C. KP
11.) Ang kayarian ng pantig ng LANG sa salitang langgam ay ____.

A. KPKK B. KPK C. KKPK

12.) Alin sa mga sumusunod na salita ang may pantig na KKPK.

A. baka B. pato C. tren

13.) Pumunta ka sa bahay ng iyong kaibigan upang manghiram ng aklat ngunit pagdating
mo ay nakasara ang pinto. Anong pahayag ang angkop na gamitin dito?

A. Mano po! B. Tao po! C. Buksan mo ito!

14.) Punan ng magalang na pahayag ang pag-uusap sa ibaba.

Juan: Ma'am, ako na po ang magdadala ng aklat ninyo.


Bb. Reyes: Salamat Juan, napakabait mo naman.
Juan: _________

A. Alis na kayo. C. Walang anuman po.


B. Maglakad ka na.

15.) Isang umaga ay nakasalubong mo ang iyong gurong si Binibining Cruz papunta sa
inyong paaralan. Paano mo siya babatiin?

A. Magandang umaga po Binibining Cruz.


B. Magandang gabi po Binibining Cruz.
C. Magandang hapon po Binibining Cruz.

II. Pagsunud-sunurin ang mga salita sa bawat bilang. Lagyan ng bilang 1-5.

16.) mesa 17.) Jaana

upuan Yza

aklat Monica

pisara Sophia

yeso Eula
18.) ubas 19.) daga

mansanas ibon

pinya aso

abokado paru-paro

bayabas pusa

20.) sundalo

guro

doktor

pulis

abogado

III. Tukuyin ang uri ng mga sumusunod na pangngalan.


Isulat ang PT - Pantangi at PB - Pambalana.

1.) Gng Romelia Cantilla 6.) kuya


2.) paaralan 7.) Polomolok
3.) pandikit 8.) Mang Inasal
4.) Dr. Martin Cruz 9.) kaarawan
5.) kabayo 10.) Buwan ng Wika

IV. Basahin nang mabuti ang mga tanong sa bawat bilang.


Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1.) Alin sa mga pangngalan ang PANLALAKI?

A. ate B. kuya C. pinsan

2.) Piliin sa ibaba ang pangngalang PAMBABAE.

A. binibini B. entablado C. ginoo

3.) Ito ang pangngalang maaring pambabae o panlalaki.

A. walang kasarian B. di-tiyak C. tiyak


4.) Ano ang HINDI WASTO sa pangngusap sa ibaba?

Pupunta kami sa polomolok sa susunod na Sabado.

A. Pupunta B. polomolok C. Sabado

5.) Ano ang wastong pagkakasulat ng salitang may salungguhit?

Ako ay isinilang noong hulyo 21, 1996.

A. hUlyo B. Hulyo C. Hulyo

V. Ibigay ang wastong bantas sa bawat pangungusap.

6.) Naku ____ Ang bata ay nahulog.

A. kuwit (,) B. tandang padamdam (!) C. tandang pananong (?)

7.) Ang mga paborito kong prutas ay mansanas __ ubas, pinya at melon.

A. kuwit (,) B. tuldok (.) C. tandang padamdam (!)

8.) Masaya ang aking nanay ngayong araw ____

A. tuldok (.) B. kuwit (,) C. tandang pananong (?)

9.) Anong ginagaw mo rito _____

A. tandang padamdam (!) B. tandang pananong (?) C. tuldok (.)

10.) Sina Maria ___ Imelda at Lucille ay mga kaibigan ko.

A. kuwit (,) B. tuldok (.) C. tandang padamdam (!)

VI. Pag-sunod sunuring ang mga pangyayari sa ibaba. Isulat ang 1-6 sa kahon.

Ayusin ang iyong kama

Kumain ng agahan

Maligo at magbihis ng uniporme


Gumising ng maaga

Magsipilyo ng ngipin

Magsuot ng sapatos

You might also like