You are on page 1of 6

INTRODUKSYON SA PANANALIKSIK

A. PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Sa Pilipinas, ang mga kabataan ay nagsisimulang magsigarilyo sa edad na


pitong (7) taon. Nagiging regular na ang paninigarilyo sa edad na 13
hanggang 15 taong gulang.
Isang tao kada 13 segundo, o isang milyong katao taun-taon, ang
namamatay dahil sa paninigarilyo.
Ang paninigarilyo ang pinakaunang sanhi ng kamatayan sa buong mundo.
Ayon sa Department of Health, isang tao kada 13 segundo, o isang
milyong katao taun- taon, ang namamatay dahil sa paninigarilyo. Ang
paninigarilyo ay sanhi rin ng mga sakit sa puso, baga, kanser, diabetes,
osteoporosis at marami pang iba. Ito din ay madalas na sanhi ng pag-
atake ng hika.
B. PAG- AARAL
Nalagadaan na ni Pangulong Gloria Macapagal- Arroyo ang Tobacco
Regulation Act of 2003 (RA 9211) na naglalayong protektahan ang mga
mamamayan laban sa masamang epekto ng paninigarilyo.
Sa ilalim ng batas na ito, bawal na ang paninigarilyo sa lahat ng
pampublikong lugar gaya ng mga paaralan, ospital, mga terminal,
restawran, at iba. Bawal na rin ang pagbebenta ng yosi sa mga tindahan
na malapit sa mga paaralan, at di na pagbebetahan nito ang mga menor
de edad. Required din ang mga kumpanyang gumagawa ng sigarilyo na
ilagay ang health warning sa harapan ng kaha ng yosi. Iba-ban na rin
simula 2007 ang mga ads ng mga sigarilyo sa iba’t ibang media.Ayon sa
Malakanyang, ang Pilipinas ang kauna-unahang bansa sa mundo na
pinakaunang tumupad sa sa panawagan ng World Health Organization na
i-regulate ng mga bansa ang paggamit ng mga produktong may nikotina.
Mahigpit ang penalty sa mga lalabag sa anti-smoking bill na ito: mula
P500 hanggang P400,000 at pagkakulong ng mula 30 araw hanggang
tatlong taon, at administrative sanctions.
Inaatasan din ng batas ang Kagawaran ng Edukasyon an magsawaga ng
info campaign at isama sa school curricula ang masasamang epekto ng
pagyoyosi.
Sa isang panayam sa radyo, natutuwang sinabi ni Senador Juan Flavier,
isang doktor at siyang pangunahing lumikha ng bersyon ng batas sa
Senado, na isang magandang regalo daw sa kanya ng Pangulo ang
pagkakalagda sa batas na ito.
Nagsagawa na rin ng kampanyang kontra-paninigarilyo ang Kagawaran ng
Kalusugan ng Maynila sa Justo Albert Awditoryum noong ika-2 at 4 ng
Oktubre.
Kaalinsabay ng temang “Manila: Smoke-Free City”, nagdaos ng isang
forum ang kagawaran kung saan nagsama-sama ang mga opisyal ng
barangay, mga kagawad, at mga kinatawan ng anim na distrito ng
Maynila.
Ang dalawang araw na pagpupulong ay may layong ipakilala sa mga
nagsipagdalo ang “Ang Anti-Tobacco Law” o ang Batas Republika 9211 na
nagbabawal ng paninigarilyo sa mga pampublikong lugar partikular na sa
nasabing lungsod. Ito ay upang bigyang-diin at paigtingin ang
pagpapatupad nito na magsisimula sa bawat baranggay.
Kasama rin sa programa ang pamimigay ng mga leaflets at posters na
nagpapakita ng mga masasamang epekto ng paninigarilyo sa kalusugan
ng mga mamamayan, sa kanyang kapwa at sa kanyang lungsod.

C. LAYUNIN
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang pag- aralan at alamin ang
mga sanhi ng paninigarilyo ng mga kabataan. Makakatulong din ito sa
mga hindi nanninigarilyo upang huwag na nila subukan ang masamang
bisyo na ito.
Sinuri ng mga mananaliksik ang mga hakbang na itinataguyod ng
gobyerno upang unti- unting mabawasan ang paninigarilyo sa bansang
Pilipinas at ang masamang epekto ng paninigarilyo.
D. HALAGA
Ang halaga ng pananaliksik na ito ay upang pamulatin ang pagiisip ng
mga kabataang sa murang edad pa lamang ay nalululong na sa bisyo ng
paninigarilyo. Hindi lamang sa kabataan makakatulong ito kung hindi na
rin sa mga taong hindi na mapigilan ang paninigarilyo. Makakatulong din
ito sa mga hindi nanninigarilyo upang huwag na nila subukan ang
masamang bisyo na ito.
Ayon sa mga mananaliksik, ang higit na kahalagahan ng pag-aaral ay ang
makakapaghahatid ng balita sa mga mambabasa tungkol sa paninigarilyo
at mapag bigay alam sa publiko ang kanilang maitutulong upang
mabawasan ang paninigarilyo ng kabataan.
E. KONSEPTWAL NA BALANGKAS

F. METODOLOHIYA
Gumamit ang mga mananaliksik ng mga kasanayan sa pananaliksik sa
pagsulat ng terminong papel hango sa pagsisiyasat ang epekto ng
paninigarilyo.
Kumuha ang mananaliksik ng impormasyon sa paksa base sa kanilang
kaalaman at sa mga opinion ng mga tao sa kanilang paligid. Nakatulong
din ang “internet” balita at dyaryo upang makumpleto ang kanilang
pagsasaliksik.
G. SAKLAW/ DELIMITASYON
Ang pananaliksik tungkol sa “Epekto ng Paninigarilyo” ay sumasakop
lamang sa epekto ng paninigarilyo sa katawan ng mga tao sa bansang
Pilipinas. Maaaring masama sa pananaliksik na ito ang mga sanhi ng
paninigarilyo ngunit ang paksang naibigay ay iikot lamang sa epekto ng
paninigarilyo.
H. DALOY NG PAG- AARAL
Negatibo lahat ang epekto ng paninigarilyo na nabanggit ng mananaliksik
dahil ang paninigarilyo ayon sa mga natanungan ay masarap sa
pakiramdam ngunit mali talaga. An paninigarilyo ay mapanganib sapagkat
ang usok nito ay nakakapinsala hindi lamang sa taong gumagawa nito
kung hindi na rin sa taong naka paligid sa naninigarilyo mismo.
Ayon sa mga suliraning nabanggit, nais ng mga mananaliksik na tugunan
at ipaalam sa mga mambabasa ang malaking epekto ng paninigarilyo sa
mga Pilipino. Layunin din ng pananaliksik na ito ang makatulong sa
pamamahagi ng mga impormasyon tungkol sa masamang epekto nito.

Gumawa ang mga mananaliksik ng mga paraan upang matagumpay na


maipamahagi ng pananaliksik na ito ang impormasyon tungkol sa mga
epekto ng paninigarilyo sa mga gumagawa nito. Gumamit ng mga
kasanayan sa pagsulat ng akademikong papel at naghanap ng mga taong
makakapanayam upang kunin ang sariling pananaw ng bawat isa bilang
representasyon ng publiko tungkol sa ppaninigarilyo at nangalap din ng
karagdagang impormasyon sa mga internet sites bilang pang-suporta sa
pananaliksik na ito.
II. INTRODUKSYON SA PAKSA
ANG SIGARILYO
· Naglalaman ito ng 14 na kemikal na nakaka-kanser.
· Ang usok nito ay naglalaman ng mahigit sa 4,000 kemikal na
pumipinsala sa kalusugan at kapaligiran.
· Ang nikotinang laman ng sigarilyo ay sanhi ng pagka-adik dito.
· Ang usok ng sigarilyo ay mayroong carbon monoxide na siya ring
ibinubuga ng mg tambutso ng sasakyan.
· Ang tar ay nagpapadilaw ng ngipin at mga daliri.
Ayon sa World Health Organization, mahigit kalahati sa kabuuang bilang
ng kabataang Pilipino, particular na iyong nasa edad 7 hanggang 15, ang
gunom na sa bisyo ng paninigarilyo. Bahagi sila ng tinatayang 40,000
hanggang 50,000 Asian teenagers na maagang natutong manigarilyo
bunga ng kakulangan sa batas laban sa tobacco at walang humpay na
promosyon nito sa bansang Pilipinas. Sa katunayan, isa sa bawat tatlong
lalaki na nasa middle age ang namamatay dahil ditto. Inaasahang tataas
pa ang bilang na ito sa mga darating na buwan dahil sa mabilis na
paglaganap ng bisyo sa mga kabataan, lalo na sa Pilipinas.
III. KATAWAN
Ayon sa mga pag-aaral ang paninigarilyo ay maaaring magdulot ng
pagtaas ng blood pressure, paglapot ng dugo, kanser sa baga, bibig,
lalamunan, matris at pantog, katarata, pagkabulag at low birth weight at
birth defects ng mga sanggol sa sinapupunan. Isa sa apat na taong
naninigarilyo ay namamatay sa mga sakit na dulot nito. Ang iba naman ay
naghihirap ng maraming taon sa kanilang kalusugan.
Ang tar at Carbon Monoxide na nasa usok ng sigarilyo ay nakakirita at
sumisira sa mga baga tuwing humihinga ang taong naninigarilyo. Ang
pangangati ng lalamunan ay kalaunang magiging ubo. Kapag nagtagal ay
magdudulot ito ng paparaming plema. Ang mga ito ay paraan n gating
mga katawan ng pagprotekta sa usok.
Kapag itinuloy pa rin ang paninigarilyo, maaaring magkaroon ng sipon at
trangkaso, pati na rin bronchitis, pneumonia at iba pang malalang sakit sa
puso. Sa kalaunan ay maaari pang magkaroon ng emphysema ang isang
taong naninigarilyo, kung saan nasisira ang ibang bahagi o kabuuan ng
mga baga. Habang lumalala ang sakit, ay mahihirapan na ito sa paghinga
at maging sa paglakad. Ang paninigarilyo ay isa sa mga dahilan ng
emphysema.
Ang paninigarilyo ay pangunahing sanhi ng sakit sa puso. Ang Nicotine na
nasa usok ng sigarilyo ay nagpapataas ng blood pressure. Dahil ditto,
nagiging mas mabilis ang pagtibk ng puso, at mangangailangan ng mas
maraming Oxygen, ngunit dahil sa Carbon Dioxode, ang kemikal na nasa
usok ng sigarilyo, nababawasan ng 15% ang Oxygen na nakakaating sa
puso. Ang Nicotine ay sanhi ng mga build up ng taba sa mga ugat, na
nakapagpapababa ng blood pressure. Ang iba naming mga kemikal ay
pumapasok sa agos ng dugo at humahadlang sa normal na sirkulasyon ng
katawan. Dahil sa nababarahan ang mga ugat ay nagkakaroon ng mga
sakit at atake sa puso. Maaari ring magkaroon ng pananakit ng paa, at
pamamaga ng hita.
Kapag ang mga ugat sa utak naman ang inatake nito, maari ring
magkaroon ng problema sa paningin tulad ng pagkabulag.
Ano ang relasyon ng paninigarilyo sa Kanser?
Ang paninigarilyo ay nagpapataas ng posibilidad ng pagkamatay sa Lung
Cancer ng hanggang 20 bese, ayon sa Lung Center of the Philippines. 9 sa
10 taong namamatay sa lung cancer ay naninigarilyo. Ang paninigarilyo
rin ay maaaring maging sanhi ng pagkakaroon ng kanser sa bibig,
lalamunan at esophagus ng 2 hanggang 20 beses. Ang pagkakaroon ng
kanser ay tumataas rin maging sa mga bahaging hindi diretkang apektado
ng usok ng sigarilyo tulad ng pancreas, kidneys, urinary bladder at cervix.
Ano pa ang maaring maidulot ng Paninigarilyo?
Ang mga naninigarily ay humihina ang katawan, nahihirapang huminga,
lagging bumabahin at umuubo, sumasakit ang ulo at nagbabago ang
pang- amoy at panlasa. Ang paninigarilyo ay maaari ring
makapagpapangit dahil sa pagkulubot ng balat, makapagpadilaw ng
ngipin at mga kuko sa daliri, at makapagdulot ng mabahong hininga.

Nakaaapekto ba ang usok nito sa mga taong hindi naman naninigarilyo?


Kung ang taong naninigarilyo ay nakakakuha ng mainstream effects, ang
taong nakakalanghap naman ng usok ng sigarilyo ang nakakakuha ng
sidestream effects. Ito ay tinatawag na Passive Smoking. Kahit hindi ka
naninigarilyo ay parang naninigarilyo ka na rin dahil sa mga kemikal na
nakukuha mo sa usok ng sigarilyo ng taong katabi o malapit sa
naninigarilyo. Mas marami pa ang konsentrasyon ng mga masamang
kemikal ang nakukuha ng mga passive smokers (mga taong hindi naman
naninigarilyo pero nakatira kasama ang taong naninigarilyo) kumpara sa
mga taong talagang naninigarilyo. ANg mga ito ay makakaramdam ng
pagsakit ng ulo, at pagtutubig ng mata. Ang mga passive smokers ay may
mas mataas ng 35% posibilidad na magkaroon ng kanser.
Ang mga bata/ anak naman ng mga naninigarilyo ay may mas malaking
posibilidad na magkaroon ng bronchitis, pneumonia at mga sakit sa puso
lalo na sa unang taon.

Nakalulungkot sa tao ang laging paninigarilyo


Ang paninigarilyo ay hindi nakapagpapasaya - ito ang lumabas na resulta
ng pag-aaral na isinagawa ng Peninsula Medical School sa United Kingdom
sa pangunguna ni Dr. Lain Lang hinggil sa kaugnayan ng paninigarilyo sa
Psychological well-being ng tao.
Sa kanilang pagsisiyasat, napag-alaman na ang mga naninigarilyo ay
nakararanas ng mababang antas ng kasiyahan at life satisfaction kumpara
sa mga hindi naninigarilyo.
Ayon pa rin sa kanilang pag-aaral, ang pleasure na nararanasan ng mga
Smokers ay dahil lamang
sa adiksyon sa patuloy na paghithit ng sigarilyo. Ipinapayo rin ng mga
dalubhasa na kung nais ng
isang tao na makaranas ng kasiyahan, mabuting pangangatawan at
satisfaction sa buhay ay mas maiging tigilan na ang paninigarilyo.
IV. KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

KONKLUSYON

Ang paninigarilyo ay isang masamang bisyo. Ito ay masama para sa ating


kalusugan. Bukod sa magastos ang paninigarilyo, ay nakakapagdulot pa
ito ng maraming uri ng sakit tulad ng sakit sa puso, bronchitis at kanser.
Nakakapagpahina din ito ng resistensya n gating katawan. Ito rin ay
nakamamatay.

Ang usok ng sigarilyo ay nakakasama rin maging sa ating mga kaibigan at


kasambahay.

Ang paninigarilyo rin ay masama para sa ating kapaligiran dahil


nakadaragdag lang ito sa polusyon.

REKOMENDASYON

Ito ang maaaring gawin sa pagtigil sa paninigarilyo: Una ay lumayo sa


ibang mga naninigarilyo. Alisin ang lahat ng sigarilyo at ang bawat bakas
ng tabako na taglay ninyo. Humingi ng tulong at suporta sa pamilya sa
desisyon nang paghinti. Ito ang mag- iiwas sa inyo sa tukso at
magpapalakas sa inyong kapasiyahan na tumigil na. Kapag nakadarama
ng pagkagustong manigarilyo ay maghanap ng ibang pagkakaabalahan.
Mag- ehersisyo araw-araw. Makalilinis ito sa baga at makapagbubuti sa
kalusugan at kaligayahan. Huwag magpapalipas ng gutom. Kumain ng
regular at huwag tatangkain magpababa ng timbang habang sinisikap
alisin ang ugalung paninigarilyo. Kumain ng masusustansiyang pagkain.
Ang mga ito ay siyang magaling na lunas laban sa lason ng tabako. Kung
hindi tuluyang maihinto ang paninigarilyo, komunsulta sa Smoking
Cessation Clinics.
Dapat din ay dagdagan pa ng gobyerno ang mga proyekto laban sa
paninigarilyo ng mamamayang Pilipino.

posted by Grupong Malufet - franco, brolagda, quinanola, santos

http://bisyonatoh.blogspot.com/
TOTAL BAN NG PANINIGARILYO SA MGA PAARALAN,
IPINANUKALA

TINATAYANG UMAABOT SA 20,000 FILIPINO BAWAT TAON O DALAWA KADA


ORAS ANG NAMAMATAY NA ANG DAHILAN AY MAY KAUGNAYAN SA
PANINIGARILYO.

ANG NAKABABAHALANG RESULTA NG SURVEY NA ITO ANG NAGBUNSOD


KAY NUEVA ECIJA REP EDUARDO NONATO JOSON NA MAGHAIN NG
PANUKALANG BATAS NA IPAGBAWAL NA SA LAHAT NG MGA CAMPUS,
PAARALAN AT UNIBERSIDAD SA BUONG BANSA ANG PANINIGARILYO.

TINUKOY NI JOSON SA KANYANG HOUSE JOINT RESOLUTION NO. 16 ANG


PAGUULAT NA ISINAGAWA NG ISANG GLOBAL YOUTH TOBACCO SURVEY
NA NAGSASABI NA 21.6% NG MGA ESTUDYANTENG FILIPINO AY
NANINIGARILYO AT 32.6% SA KABUUAN NITO AY MGA LALAKI AT 12.9%
NAMAN ANG MGA BABAE.

SINABI NI JOSOSN NA SA MGA PAGAARAL NA ISINAGAWA SA LOOB AT


LABAS NG BANSA, IISA LAMANG UMANO ANG NAGING KONKLUSYON: LIBO
LIBONG TAO ANG NAMAMATAY DAHIL SA PANINIGARILYO.

AYON SA KANYA, ANG DAHILAN NG PAGTAAS NG BILANG NG MGA


NANINIGARILYONG MGA KABATAAN AY ANG KAKULANGAN NG EPEKTIBONG
BABALA O MEDIA ADVERTISEMENTS HINGGIL SA EPEKTO NG
PANINIGARILYO.

ISA PANG RASON UMANO AY ANG KAKULANGAN NG MGA PATAKARANG


PAGBABAWAL NG PANINIGARILYO SA MGA PAMPUBLIKONG LUGAR
PARTIKULAR NA RITO ANG MGA PAARALAN.

IDINAGDAG PA NI JOSON NA LAYUNIN DIN NG KANYANG PANUKALA NA


MAPROTEKTAHAN ANG KARAPATAN NG TAO SA PAGKAKAROON NG
MAGANDANG KALUSUGAN GANUN NA RIN SA HEALTH CONSIOUSNESS NG
LAHAT NG MGA MAMAMAYAN.
http://brodkaster43.blogspot.com/2008/06/total-ban-ng-paninigarilyo-sa-
mga.html

You might also like