You are on page 1of 3

ALORAN TRADE HIGH SCHOOL

Aloran, Misamis Occidental

UNANG MARKAHAN
GRADE 7 – ARALING PANLIPUNAN

I. Multiple Choice: Piliin ang tamang sagot pagkatapos ng bawat bilang. Titik lamang ang isulat.

1. Ang pag-aaral tungkol sa katangian ng ibabaw ng daigdig o katangiang pisikal ng mundo at ang pagbabahagi
nito sa mga kontinente at bansa.

A. Kontinente B. heograpiya C. mapa D. globo

2. Ito ay ang pinakamalaking dibisyon ng lupain sag lobo o mapa.

A. anyong- tubig B. anyong- lupa C. kontinente D. kabundukan

3. Ang pinakamalaking kontinente sa daigdig.

A. Europe B. Australia C. Asya D. Africa

4. Ang kabundukang naghihiwalay sa Asya at Europe.

A. Kabundukang Ural B. Kabundukang Himalayas

C. Kabundukang Caraballo D. Kabundukang Sierra Madre

5. Ang kabuuang sukat ng Asya ay nasa mahigit….

A. 43, 940, 000 km2 B. 40, 049, 000 km2

C. 42, 490, 000 km2 D. 41, 904, 000 km2

6. Mga lupaing nakausli sa karagatan o napapalibutan ng tubig sa tatlong sulok.

A. burol B. bulkan C. kapuluan D. tangway

7. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa kaanyuang pisikal ng Asya.

A. kinaroroonan B. laki C. sukat D. kultura

8. Ang mga sumusunod ay mga bansang isang kapuluan maliban sa isa.

A. Hapon B. Indonesia C. Tsina D. Pilipinas

9. Bulkan sa Pilipinas na may hugis kono o cone.

A. Bulkang Pinatubo B. Bulkang Mayon

C. Bulkang Taal D. Bulkang hibok- Hibok

10. Ang Bundok Everest ay makikita sa hanay ng kabundukang…..

A. Cordillera B. Caraballo C. Himalayas D. Sierra Madre


II. Pagtatapat- tapat: Itapat ang Hanay A sa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot.

Hanay A Hanay B

____ 11. Tinatawag na Timog-Kanlurang Monsoon. A. lambak

____ 12. Isang bansang binubuo ng maraming pulo. B. Pilipinas

____ 13. Ang bansang may pinakamaliit na populasyon sa C. prairie

Kontinenteng Asya.

____ 14. Ang Asya ay nagmula sa salitang Aegean na “Asu” D. Sentral Kontinental

na ang ibig sabihin ay…..

____ 15. Ito ay uri o dami ng mga halaman sa isang lugar tulad E. Vegetation Cover

ng pagkakaroon ng kagubatan o damuhan ay epekto

ng klima.

____ 16. Isang uri ng vegetation cover na may lupaing may damuhang F. habagat

matataas na malalim ang ugat o deeply-rooted tall grasses.

____ 17. Isang uri ng vegetation cover na isang lupain nang pinag- G. amihan

samang mga damuhan at kagubatan.

____ 18. Ito ay ang klima ng Hilagang Asya. H. Mongolia

____ 19. Tinatawag na hilagang- silangang monsoon. I. Savanna

____ 20. Ito ay isang mababa o patag na lugar sa pagitan ng mga burol J. bukangliwayway o sunrise

o bundok. K. tundra

III. Sabihin kung Tama o Mali ang bawat pangungusap. Isulat ang T kung Tama at M kung Mali.

____ 21. Ang kalupaang Asya ay hindi regular o maayos ang hugis.

____ 22. Kung ihahambing ang laki ng Asya, maaring pagsamahin ang Hilaga, Timog Amerika at pati
Australia upang makatumbas sa laki nito.

____ 23. Ang Asya ay mahigit pa sa apat na beses ng laki ng Europa.

____ 24. Ang mga hangin ay ginamit ng mga manlalakbay sa pangingibang bayan nila noong unang panahon.

____ 25. Sa mga Kontinente ng daigdig, ang Asya lamang ang nakakaranas ng lahat ng uri ng klima sa
mundo.

____ 26. Ang Silangang bahagi ng Silangang Asya ay ang Pacific Ocean.

____ 27. Ang Himalayas ay matatagpuan sa bansang India.

____ 28. Ang mga baybay- ilog ng Tigris at Euphrates, Indus at Caspian River ang nagsilbing lundayan ng
mga sinaunang kabihasnan, hindi lamang sa Asya kundi sa buong daigdig.

____ 29. Ang apat na katangi-tanging lawa na matatagpuan sa Asya ay ang mga Caspian Sea, Lake Baikal,
Dead Sea at Aral Sea.

____ 30. Ang klima ng rehiyong Timog Silangang Asya ay Temperate Monsoon.
IV. Pagsama-samahin ang mga sumusunod na bansa ayon sa rehiyon na kanilang kinabibilangan. (20 pts.)

A. Silangang Asya B. Timog- C. Timog Asya D. Hilagang Asya E. Kanlurang Asya


Silangang Asya

Hapon Laos Cambodia Tajikistan

Tsina Turkmenistan Kazakhstan Israel

India Taiwan Korea Syria

Lebanon Vietnam Pilipinas Pakistan

Jordan Bangladesh Nepal Siberia

- Ang love parang ARALING PANLIPUNAN, mahirap matutunan pero kapag naintindihan
masarap pag-aralan.

Inihanda nina:

MR. VIRGILIO T. BAYLON


MS. JOANNA MAE L. DE LA CRUZ

You might also like