You are on page 1of 5

KABANATA 1

Ika-1 Eksena
Masayang naglalaro sina Jules at Gani sa sala habang si Julian naman ay abalang
nagsusulat ng iniuwing gawain mula sa trabaho nang biglang sumigaw si Amanda.
Amanda: Julian Bartolome Sr., aah, daliiii… manganganak na ata akooooo…
Jules at Gani: (Pupuntahan si Julian.) Dad! Dad! Si Mommy! Si Mommy! Manganganak na ata!
Dad!
Dali!
Julian: Whaaat?!?
Jules: Si Mommy manganganak na ta Dad!
Julian: Oo nga! I mean, don’t panic okay! Boys open the gate, quick!
*At dadalhin na nga si Amanda sa ospital…

Ika-2 Eksena
Matapos ang ilang araw na pamamalagi sa ospital ni Amanda ay nakauwi na rin siya sa
wakas. At may inihandang welcome party si Julian para kay Emmanuel, ang ikatlong anak na
lalaki ni Amanda Bartolome.
Julian: Welcome back honey! I have 2 gifts for you!
Amanda: Alam ko na yung isa, yaya ‘no?
Julian: Haha! Tama! Yaya pasok…
(*Charaaan…!!!)
Yaya: Hi Ma’am! Ako po si Yaya Yah at your service…(Todo smile.)
Amanda: Yaya Yah? (*Opo!) Sige maghanda ka na ng meryenda.
Julian: Jules, Gani pasok…
(Babasahin ang tula na kuntodo naka-mount sa pelus.)
Jules at Gani: God made a world out of his dreams,
Of magic mountains, oceans and streams . . .
Prairies and plains and wooded land,
Then paused and thought, “I need someone to stand
On top of the mountains to conquer the seas,
Explore the plains and climb the trees.
Someone to start out and grow
Sturdy, strong like a tree and so . . .
He created boys . . . *Bow!!!*
Julian: Well, it’s a man’s world, honey.
Amanda: Okay, fine. (Hug kina Jules at Gani.)

Ika-3 Eksena
Lumipas ang taon hanggang sa naging lima na ang anak na lalaki ni Amanda, sina Julian Jr.
o Jules, Isagani o Gani, Emmanuel o Em, na dinagdagan nina Jason at Benjamin o Bingo.

*Mother’s Day
Jules: (Nakauniporme pa dahil kakauwi pa lang galing school.) Hey Mom! Good news! Nanalo ako
sa
SCB election, president na ako!!!
Gani: (Humahangos na dumating galing ding school.) Hep! Hep! Hep! Syempre ako rin may good
news!
Amanda: Wow! Mukhang lucky day ata ng mga gwapings ko ah!
Gani: Super! Kasi, kasali ako sa exchange visitors program ng Amerika’t Pilipinas at alam mo
kung
saan?
Amanda: Aba! Aba! Aba! Sa’n nga ba ha Gani?
Gani: Sa California, U.S.A.! Yehey! (Palakpakan!)
Em: Oops! Tama na! Tama na! (Kay Gani.) Ako naman bro!
(Kay Amanda) Mom, champion ako sa spelling bee contest sa school!
Amanda: Wow! Yan ang mga anak ko! Eh ikaw Jason?
Jason: Hehehe! (kakamut-kamot sa ulo.) Flowers for you mom, happy mother’s day!
(At ilalabas ang bulaklak mula sa loob ng bag na halos walng laman.)
Amanda: Suhol? (*Di naman!) Aba’t bulaklak ‘to dyan sa kabilang bakod ha!
Jason: Nge! Buking! Pero at least ako may ibinigay, eh yang sila, wala ‘di ba?
Amanda: Kuuu! Ikaw talaga oh! (Kay Bingo) Eh ang bulinggit, musta naman kaya?
Jules, Gani, Em at Jason: (Sabay-sabay.) Oo nga Bingo-lit, what’s yours?
Bingo: (Nakataas pa ang kanang-kamay.) Mommy, I promise to behave in our educational trips
from
now on! Swear to God, peksman, mamatay man si Superman. Cross my heart. Pangako.
Bow!
Amanda: Kuuu! Kayo talag, tinuturuan niyo na kaagad ng kalokohan ‘tong si Bingo-lit! ‘Li nga
kayo!
(Group hug!)

Ika-4 na Eksena
Bagong-taon, ngunit 1 buwan pa bagi nito noh! Pero ayun sina Jules and brothers,
nagpapaputok na kaagad sa gitna ng daan.
Jules, Gani, Em at Jason: Happy New Year!!! Yoohoooh!!!
Kapitbahay: (Sisigaw.) Hoy! Mga sira-ulo! Malayo pa bagong-taon!
* Sa gitna ng daan naman ay sinunog ni Em at Jason ang mga kable na pinulot nila kung saan.
Kapitbahay: (Sisigaw) Sunog! Naku! Sunog! Este! Amandaaaaaaaa…….
*Lalabas si Amanda at magugulat sa nakitang makapal na usok sa labas ng kalye.
Kapitbahay: Hay naku! Yang mga anak mo na naman, may ginawang kalokohan. Ayun tingnan
mo oh!
Amanda: Ha! (Magagalit) Jules, Gani, Em, Jason at Bingo pasok! Naku! Humanda kayo sa Dad
niyo
niyan.
Kapitbahay: Tsk! Tsk! Tsk! Kasi naman Amnda, bantayan mong maigi ang mga anak mo lalo na’t
mga
lalaki pa man din.
Amanda: Oho! (Ngingiti ng pilit. Plastik!)

Ika-5 Eksena
Kinagabihan, pinagsabihan ni Julian ang Bartolome boys ukol sa kanilang mga kalokohan.
Julian: Oh boys! Tell me, what are the problems? Jules……
Jules: Kuwan, Dad kasi nagpaputok po kami sa labas kanina.
Julian: Yun lang? Tell me more!
Jules: Kuwan, kasi po Dad yung itsura namin, medyo alanganin na. Ang buhok mahaba, t-shirt at
maong super laki. Itsurang hippie na.
Gani: Hinagad ko ho yung anak ni Mrs. Fuentes, yung bakla Dad.
Julian: And you Jason? Bakit may pasa ka sa mukha?
Jason: Dad! Napalaban lang naman sa suntukan ang magaling mong anak. Paano kasi, yung
kalaro ko,
pinagpilitan ba naming lumilipad ang tipaklong! Eh ‘di ba Dad, lumulundag yun gamit ang
mga paa nito! Right? (Proud pa!)
Julian: Ahm! Yes but mali pa rin na makipagsuntukan ka. How about you Em?
Em: Nagsunog ho ng kable para mabalatan at maibenta sa junk shop, Dad. Tapos sa backyard po
ni
Aling Aning (Jason: Aning! Aning! Praning!) tinago ko yung daga para sa experiment ko.
Julian: Anything else?
Em: Eh Dad! Pinag-asawa ko ho yung unggoy natin at kuneho ni Mrs. Adriatico para malaman
kung
anong magiging anak nila!
Julian: Kaso, namatay Em, patay na ang kuneho ni Mrs. Adriatico! Marami ka pa ring hindi alam!
(Kay Bingo) And you little Bingo, anong ginawa ng bunso ko?
Bingo: Ah eh kasi po Daddy, pinahawakan ko lang naman po yung bulate kay Baby Lou na balak
kong
paramihin para gawing hamburger! Yum!
Julian: Haha! May pinagmanahan ata ah! Well, minimize your bad records boys!

Ika-6 na Eksena
Tanghaling tapat, si Amanda lang nag nasa bahay at naglilinis siya sa tapat ng mga kalat
nang biglang sumugod si Aling Dora, na naman.
Aling Dora: E, Amanda, hindi ‘to social call kaya h’wag mo na akong patuluyin.
Amanda: Oho! (Magbe-brace myself na kagad.) Sanay na ho ako Aling Dora. Si Jules ho ba, o si
Isagani?
Aling Dora: Si Emmanuel.
Amanda: (Bubulong sa sarili.) A, ang aking matalinong anak. Siguradong pati kapilyuhan niya’y
ginamitan ng talino!
Aling Dora: Tila hindi ko nagustuhan yung mga kinuwento niya sa anak kong si Elizabeth.
Amanda: Kuwentong horror ho siguro, Aling Dora?
Aling Dora: Hindi! Kuwento sa kung paano nabuntis ang pusa n’yong si Rose! Kung sino ang
nakabuntis, kung kailan nabuntis at kung ano ang pagkakatulad ng mga hayup sa
pagbubuntis ng mag nanay! Maniwala ka, Amanda, detalyado!
Amanda: Kuwan Aling Dora, naag-aaral ho kasi sila ng biology sa school.
Aling Dora: Hindi sa grade 5.
Amanda: Sa high school ho.
Aling Dora: Ang high school mo’y si Jules. Palagay ko’y kailangang kausapin mo si Jules mo. May
mga
bagay pa kamo na ‘ di pa sinasabi sa grade 5.
Amanda: Oho.
Aling Dora: At, Amanda?
Amanda: Oho, Alling Dora?
Aling Dora: Pag kinausap mo si Jules mo, h’wag kang maniniwalang sa eskwelahan niya
natutunan ang
kanyang biology.
Amanda: Hindi ho sa eskwelahan?
Aling Dora: Hindi sa eskwelahan ginagamit ang salitang ‘yarian!’

Ika-7 Eksena
Dahil sa napakaraming bad record ng Bartolome brothers ay galit ang mga kapitbahay nila
kay Amanda, at sa kanya lang. Kaya kinausap niya si Julian.
Kapitbahay: Hmp! (Sisimangot kay Amanda na naglalakad pauwi ng bahay mula sa palengke.)
(*Pero nang makita ang kotse ni Julian na huminto sa tapat…) Hi Julian! Musta na?
Julian: Well, I’m fine. Ikaw? *Eto okay naman, sige Julian….
Amanda: Aba ang magaling at ang bait sa iyo ah, pero sa ‘kin grabe makasimangot!
Julian: Hamo sila! Basta kami ‘di kami galit sa iyo. Mahal ka namin. Ang totoo, pati mga anak mo,
mahal namin.
Amanda: (Napangiti na.) Thank you, sir!
Julian: Ako nga, baka kala mo… mahal ko pati asawa mo.
Amanda: Mahal ko rin pati asawa ko pero matay ko mang pag-isipan, bakit sa ‘kin lang sila galit?
Bakit
hindi pati sa iyo?
Julian: Sila?
Amanda: Yung mga babae riyan!
Julian: (Ngumiti na rin.) A, sila. Dahi; sila’y mga babae at imposible para sa babae na kalabanin
ang
lalaki. It’s a man’s world.
Amanda: Narinig ko na yan.
Julian: Pansinin mo na matamis ang ngiti sa ‘kin ng mga ina, at sa mga anak mo, magiliw pa rin
ang mga anak nila. Tinitingala nila kami’t iginagalang. It’s a man’s world.
Amanda: “This is a recording.”

Ika-8 Eksena
Siguro nga tumitino na rin ang Bartolome brothers dahil okay na ulit sina Aling Dora’t Mrs.
Adriatic kay Amanda. Katunayan, may get-together party nga sila bukas sa bahay ng Bartolome.
*Sa hapag-kainan(hapunan).
Jules: (Out of the blue.) Mom, naniniwala ka ba sa sinasabi ng mga doctor na conditioned
reflexes?
Amanda: (Nagtataka.) Condiitoned reflexes? Anong kinalaman non sa pagpunta rito nina Mrs.
Adriatico?
Jules: (‘Di pinansin ang tanong ni Amanda.) Conditioned reflexes, yun bang parang pag dala
mong
bike mo at masasagasaan mong mga roses ni Lola Asyang, bigla mong ipipihit paganyan
ang
manibela. Hindi mo na pag-iisipan, basta ipipihit mo na lang. Pure reflex action.
Gani: (Second the motion.) Something na kapag nilabanan mo, makakasama sa kalusugan mo.
Amanda: Sige, ituloy mo Jules.
Jules: Ngayon, Mom, ‘pag nakikita ko si Mary Ann Adriatico o ‘pag nakikita ni Gani si Pamelang
anak
ni Aling Dora, nakukundisyon na kaming magtirik ng mata. At kung mapipilitan kaming
isayaw
ang dalawang yun sa isang party, halimbawa, baka mahipan kami ng hangin ng nakatirik
ang
mata.
Amanda: Ow?
Jules: Just imagine, Mom, ‘pag habambuhay nakatirik ang mga mata namin!
Amanda: Mukhang ‘di ko naiintindihan ang mga sinasabi niyo.
Gani: Sa madaling sabi, Mom, si Mary Ann at si Pamela, matagal na nila kaming gusting anuhin!
Amanda: Anong gusto mong sabihin, gusto kayong anuhin?
Julian: (Tawa nang malakas.) Anuhin! Gusto silang anuhin, ano pa? Tulad ng gusto mo ‘kong
anuhin
no’ng binata pa ‘ko’t dalaga ka pa. May gusto. Humahabol. After them. Like you were after
me a few years back!
Gani: Eksakto, Mom! Mula pa nong pasukan, kung san kami naron ni Kuya Jules, naron din ang
dalawang yun!
Jules: Ngayon, Mom, magkakaron kami ng acquaintance party sa eskwelahan. At sabi ni Mary
Ann
don sa isang kaibigan ko, kami raw ang magiging magkapartner dahil magkaibigan kayo
ng mommy niya. Ang inaalala namin ngayon, baka sabihin sayo ng mommy nila, sabihin
mo sa ‘min na sila ang kunin naming partner. Pinag-usapan na namin ni Gani na, okay,
alang-alang sa ‘yo, magpapaka-gentleman kami sa kanila bukas. Pero sana, wala kang
balak sabihin sa ‘min na sila nga ang gusto mong maging partner namin sa party?
Gani: Alam namin Mom, na gusto mong maging in sa mga kapit-bahay natin pero ayaw naming
magtirik
ng mga mata habam-buhay!
Julian: (Pagpag ng kamay.) All right, hon, maliwanag ang papeles ng mga anak mo. Sang-ilan na
lang
ang mga anak mo’y magiging opisyal na mga tao ng panlalaking mundong ito, ng
mundong ito kung saan kayong mga babae’y parang dahong natutuyo sa sanga sa
kahihintay sa ngiti’t pansin naming mga lalaki. Hanggang sa maawa kaming isali kayo sa
ligaya’t luwalhati ng mundong ibabaw. Wala kayong magagawa. Yon ang batas. It’s a
man’s world.
Amanda: (Bulong lang sa sarili.) By golly, wa na ko say, ako nga pala’y may mga binata na.

You might also like