You are on page 1of 5

Ekonomiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Dahil sa pagkakaroon ng Master degree at doktoral sa ekonomiks, itinuon ni Arroyo ang kanyang
pagkapangulo sa Ekonomiya ng Pilipinas. Sa ilalim ng pamumuno ni Arroyo mula 2001 hanggang
2010, ang pangkaraniwang paglago ng GDP ng Pilipinas ay 4.7%.[12] Ito ay higit na mataas kung
ihahambing sa pamumuno ng kanyang mga kahalinhinan, Corazon Aquino (3.8%), Fidel
Ramos (3.7%), at kay Joseph Estrada (3.7%).[13] Lumago ang ekonomiya ng Pilipinas sa
pinakamabilis nitong antas sa loob ng nakaraang tatlong dekada noong 2007, na may pagtaas
ng real GDP na 7%.[14] Isa ang ekonomiya ng Pilipinas ang nakaiwas sa epekto ng pandaigdigang
krisis pinansiyal ng 2008, na higit na mabuti kaysa sa mga karatig bansa nito dahil sa sa mababang
pagtuon sa mga kalakal na iniluluwas at mataas na padala ng mga OFW na mula sa apat hanggang
limang milyon, at ang papaunlad na industriya ng BPO.[15] Ang paghawak ni Arroyo sa ekonomiya ng
Pilipinas ay umani ng papuri mula kay dating Pangulo ng Estados Unidos Bill Clinton, na sinabing
ang mga "mahihirap na desisyon" ang nagpabalik sigla sa ekonomiya ng Pilipinas.[16] Sa kabila ng
paglago, nanatili ang kahirapan dahil sa mataas na antas ng paglaki ng populasyon at hindi pantay-
pantay na pagbabahagi ng kita sa mamamayan.[17] Noong 2004, ang ekonomiya ng Pilipinas ay
lumago ng 6.1%, na nalampasan ang estima ng pamahalaan. Noong 2005, ang Pisong Pilipino ay
nag-appreciate ng 6% ang pinakamabilis sa rehiyon ng Asya. Ngunit, ang pana-panahong pagtaas
ng halaga ng langis ay nagpapabagsak ng estima ng pamahalaan kada taon. Noong 2006, ang
ekonomiya ay nagpakita ng 5.4% na pag-unlad, ngunit ang mga bagyong dumaan ang nagpabagsak
sa sektor ng ekonomiya. Noong Pebrero 2007, nagtala ang merkado ng saping-puhunan ng
pinakamataas na puntos sa kasaysayan at nasa 33 kada isang Dolyar ang Piso. Pagkatapos ng
pagbagal ng paglago sa 3.8% noong 2008 at 1.1% noong 2009, ang real taon-sa-taong paglago ng
GDP ay umahon sa 7.6% noong 2010. Ang paglago ay bumagal noong 2011 sa 3.7 % . Ang
mga remittance ng mga OFW ay nasa rate na taunang paglagong 8% at patuloy na bumubuo ng
mga 10% ng GDP. ANg taunang paglago ng GDP ay may averaheng 4.6% sa loob ng nakaraang
dekada ngunit nangangailangan ng isang mas mataas na pinanatiling landas ng paglago sa
ekonomiya na hindi bababa sa 7%-8% kada sa karamihan ng mga pagtatantiya upang makasulong
sa pagpapagaan ng kahirapan sa taunang paglago ng populasyon ng Pilipinas na isa sa may
pinakamataas na populasyon sa Asya. Ang bahagi ng populasyon na mahirap ay tumaas mula
24.9% hanggang 26.5% sa pagitan ng 2003 at 2009 na katumbas ng karagdagang 3.3 milyong mga
mahihirap na Pilipino.[17]
Mga kontrobersiyang kinasangkutan[baguhin | baguhin ang batayan]
Jose Pidal scandal[baguhin | baguhin ang batayan]
Inakusahan ni Senador Panfilo Lacson noong 2003 ang asawa ni Arroyo na si Mike
Arroyo ng money laundering ng mga 260 milyong piso gamit ang mga bank account sa ilalim ng
pangalang Jose Pidal na sinasabing mula sa mga kontribusyon sa pangangampanya ni Gloria .
Hello Garci scandal[baguhin | baguhin ang batayan]
Pangunahing lathalain: Hello Garci scandal
Si Arroyo ay inakusahan ng pandaraya ng 2004 halalan para sa pagka-Pangulo. Ayon sa dating
diputadong direktor ng NBI na si Samuel Ong, ang isang wiretapped recording ng usapan sa pagitan
ni Arroyo at opisyal ng COMELEC na si Virgilio Garcillano o Garci ay nagpapatunay ng pandaraya ni
Arroyo upang manalo ng 1 milyong boto laban sa kandidatong si Fernando Poe. Noong 27 Hunyo
2005, inamin ni Arroyo na nakipag-usap siya sa opisyal ng COMELEC na inaangkin itong isang
"pagkabigo sa paghatol". Ang kontrobersiyang Hello Garci ang naging saligan ng
kasong impeachment na inihain laban kay Arroyo noong 2005 ngunit nabigo. Ang isa pang
impeachment ay inihain laban kay Arroyo noong 2006 ngunit natalo sa pagboto sa Kapulungan ng
mga Kinatawan ng Pilipinas.
Fertilizer fund scam[baguhin | baguhin ang batayan]
Pangunahing lathalain: Fertilizer Fund scam
Sinasabing ang pondo ng Department of Agriculture (DA) na P728 milyong piso na inilaan para sa
pagbili ng mga fertilizer para sa mga magsasaka ay ginamit para sa pangangampanya ni Arroyo sa
kanyang muling pagtakbo sa pagkapangulo noong 2004.
NBN-ZTE scandal[baguhin | baguhin ang batayan]
Pangunahing lathalain: NBN-ZTE Scandal
Si Arroyo ay inakusahan ng pag-abuso sa kapangyarihan sa pagtulak ng pagpapatibay ng
iminungkahing kontrata ng Tsinong ZTE Corp upang itayo ang proyektong National Broadband
Network sa Pilipinas sa sobrang taas na presyong $329 milyong dolyar o 13 bilyong piso. Ang
kontrata ay nilagdaan ni Transportation and Communications Secretary Leandro Mendoza at ZTE
vice president Yu Yong noong 21 Abril 2007, sa Boao, China na nasaksikhan mismo ni Arroyo. Ang
proyektong ito ay isang pambansang network ng komunikasyon para sa mga pasilidad na landline,
cellular at broadband internet para sa paggamit ng mga ahensiya ng pamahalaan. Ang deal sa ZTE
Corp ay sinasabing nangyari nang walang public bidding.Si COMELEC Chairman Benjamin Abalos,
Sr. ay inakusahan ng pagtanggap ng salapi at mga babae kapalit ng pag-aproba ng kasunduan sa
ZTE Corp. Si Jose “Joey” de Venecia III na namumuno sa Amsterdam Holdings, Inc. na isa sa
natalong bidder sa kasunduang NBN at anak ni dating Ispiker na si Jose de Venecia, Jr. ay
nagpatotoo na kasama niya si Abalos sa Tsina at narinig niyang si Abalos ay "humingi ng pera"
mula sa mga opisyal ng ZTE. Si Joey de Venecia III ay nagpatotoo rin na ang asawa ni Gloria na si
Mike Arroyo ang misteryong tao na nagtulak para pagtibayin ang labis na mataas na presyong
kontrata sa ZTE. Isinaad ni De Venecia na ang kontrata na $329 milyong dolar sa ZTE ay sobrang
mataas na presyo ng mga $130 milyong dolar pagkatapos na humingi si Abalos ng mga iba't
ibang kickback at mga advance para sa proyekto. Isinaad rin ni De Venecia na binalaan ni Abalos
na ipapapatay siya ni Abalos kung hindi siya umurong sa proyekto. Isinaad rin ni Joey de Venecia III
na nangako si Abalos kay Mike Arroyo ng 70 milyong dolyar na kickback mula sa proyektong NBN.
Ang dating direktor heneral ng NEDA na si Romulo Neri ay nagpatotoo sa Senate hearing na
inalukan siya ni Abalos ng 200 milyong piso upang aprubahan ang proyekto. Sinabi rin ni De
Venecia na tinanong ni Gloria si Neri kung bakit hindi niya tinanggap ang suhol na 200 milyong piso
ni Abalos upang iendorso ang proyektong NBN sa ZTE Corp, Ayon sa pagsisiyasat ng mga opsiyal
na dokumentong isinumite sa Senate blue ribbon committee, ang proyektong NBN-ZTE ay sobrang
taas ang presyo ng halos 8 bilyong piso (US $197 milyon). Isinaad ng mga eksperto na ang presyo
ng ZTE na $329 milyong dolyar o 13 bilyong piso ay magkakahalaga lamang ng 132 milyong dolyar
kung ihahambing sa mga kompanyang gaya ng PLDT, Smart Communications, Globe Telecoms o
Digitel. Noong 4 Pebrero 2008, bumoto ang Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas na
patalsikin bilang Isipiker si Jose de Venecia Jr. na sinasabing kabayaran para sa pagdawit ng
kanyang anak kay Mike Arroyo sa NBN-ZTE scandal. Inakusahan ng whistleblower na si Jun
Lozada si Mike Arroyo na mastermind sa kasunduan sa ZTE Corp para sa proyektong NBN.
Pinatotohanan ni Lozada na si Abalos ay humingi ng mga kickback para sa kontrata sa ZTE Corp.
Pagsabotahe ng 2007 halalan[baguhin | baguhin ang batayan]
Noong 2007 halalan, sinasabing inutos ni Arroyo kay gobernador Andal Ampatuan, Sr. na
masegurong ang tatlong kandidato ng oposisyon na sina Benigno S. Aquino III, Panfilo Lacson,
at Alan Peter Cayetano ay makakuha ng sero boto sa Maguindanao. Ito ang tanging probinsiya sa
Pilipinas na nagbigay ng 12-0 pagkapanalo sa Team Unity ni Arroyo. Inamin ni Zaldy Ampatuan na
gobernador ng ARMM na inutos ni Arroyo na ilipat ang boto ng 3 kandidato ng oposisyon kay Juan
Miguel Zubiri na nagbitiw bilang senador noong 3 Agosto 2011. Inamin rin ni Ampatuan na ang
kanyang ama ay tumanggap ng suhol mula kay Mike Arroyo noong 2007 halalan. Noong 2011, ang
dating supervisor ng halalan sa Maguindanao noong 2007 na si Lintang Bedol ay umamin sa
nangyaring pandaraya noong 2007 halalan. Ayon kay Bedol, ang mga pekeng balota at mga
election return ay dinala mula sa Maynila at ang dating COMELEC chair na si Benjamin Abalos at
mga Comelec commissioner Nicodemo Ferrer at Rene Sarmiento ay nagpunta sa General Santos
City upang i-authenticate ang mga pekeng election return para sa mga iba't ibang bayan sa
Maguindano.
The main systems of the human body are:

1. Circulatory system:
o Circulates blood around the body via
the heart, arteries and veins, delivering oxygen and nutrients to
organs and cells and carrying their waste products away.
o Keeps the body's temperature in a safe range.
2. Digestive system and Excretory system:
o System to absorb nutrients and remove waste via
the gastrointestinal tract, including
the mouth, esophagus, stomach and intestines.
o Eliminates waste from the body.
3. Endocrine system:
o Influences the function of the body using hormones.
4. Integumentary system / Exocrine system:
o Skin, hair, nails, sweat and other exocrine glands
5. Immune system and lymphatic system:
o Defends the body against pathogens that may harm the body.
o The system comprising a network of lymphatic vessels that
carry a clear fluid called lymph.
6. Muscular system:
o Enables the body to move using muscles.
7. Nervous system:
o Collects and processes information from
the senses via nerves and the brain and tells the muscles to
contract to cause physical actions.
8. Renal system and Urinary system
o The system where the kidneys filter blood to produce urine, and
get rid of waste.
9. Reproductive system:
o The reproductive organs required for the production
of offspring.
10. Respiratory system:
o Brings air into and out of the lungs to absorb oxygen and
remove carbon dioxide.
11. Skeletal system:
o Bones maintain the structure of the body and its organs.
 

You might also like