You are on page 1of 1

Name: _________________________________Grade & Section: ________ Score: ____________

School: ____________________Teacher: ____________________________Subject: Araling Panlipunan 6


LAS Writer: ETHEL JOY C. NERPIOL Content Editor: KRISTINE MARIE S. OLIVAR
Lesson Topic: Mga Pangunahing Suliranin at Hamong Kinakaharap ng mga Pilipino mula 1998
hanggang 2010. Quarter 4 Wk.4 LAS 2
Learning Target: Nasusuri ang mga pangunahing suliranin at hamong kinakaharap ng mga Pilipino mula 1986
hanggang sa kasalukuyan (AP6TDK-IVe-F-6).
Reference(s): Lorenzo, M., Mercado, M., and Santillan, N., 2019. Isang Bansa Isang Lahi 6. Quezon City,
Philippines, Vibal Publishing Company, pp. 376-396.

SULIRANIN AT HAMON SA PANUNUNGKULAN NI JOSEPH ESTRADA (1998-2001)


Nagkaroon ng eleksiyong nasyunal noong Mayo 11, 1998 at hinirang na ika-13 Pangulo ng Pilipinas si
Joseph E. Estrada. Hangad ng administrasyong Estrada ang mabigyan ng maayos na buhay ang mga Pilipino,
ngunit taliwas sa kanyang inaasahan, naging mahina ang ekonomiya ng bansa. Bunsod nito hinarap ng
kanyang panunungkulan ang mahal na presyo ng mga bilihin, naging mababa ang halaga ng piso kontra
dolyar, naging maraming mamamayang Pilipinong nawalan ng pagkakakitaan na naging ugat ng malawakang
kahirapan. Naging pinakamalaking hamon din sa administrasyon ang iba’t ibang isyu ng kurapsiyon na ipinukol
sa kanya na naging mitsa pa pagsampa ng impeachment trial sa kanya na nagwakas sa People Power II o
EDSA Dos. Nagpahayag ng pagkadismaya ang mga Pilipino sa laganap na katiwalian sa kanyang pamumuno
dahil sa samot saring isyu ng pangangamkam, korapsyon at pagmamalabis.

SULIRANIN AT HAMON SA PANUNUNGKULAN NI GLORIA M. ARROYO (2001-2010)


Si Pangulong Gloria M. Arroyo ang naging pangalawang babaeng pangulo ng Pilipinas. Siya ay
hinirang na ika-14 na pangulo ng bansa noong Enero 20, 2001 nang pinalitan niya ang pinatalsik na
Pangulong Estrada at noong nanalo siya sa halalang pampanguluhan noong Mayo 10, 2004. Gaya ni
Pangulong Estrada, si Pangulong Gloria Arroyo ay sinubok din ng iba’t ibang problema at kontrobersiya. Una,
pinagbintangan siyang nandaya sa halalan, ito ay tinawag na “Hello Garci Tape Scandal” noong 2005.
Itinanggi ni Pangulong Arroyo ang bintang na ito at nilinaw na kinausap niya ang opisyal ng COMELEC upang
bigyang proteksiyon ang kanyang mga boto hindi siguraduhin ang pagkapanalo nito. Naging tinik din sa
lalamunan ni Pangulong Arroyo ang planong pagpapaalis sa kanya bilang pangulo ng bansa ng isa sa mataas
na pinuno ng military na si Heneral Danilo Lim noong 2006. Noong 2007, nasangkot naman ang asawa ni
Pangulong Arroyo na si Miguel “Mike” Arroyo sa kontrobersiyal na illegal na pangongontrata ng pamahalaan
sa isang telecommunication network ng China. Dahil sa mga iba’t ibang kritisismo kay Pangulong Arroyo,
nagbunsod ito ng mababang satisfaction rate ang mga Pilipino noong 2007-2008 na ang ibig sabihin ay mas
marami sa mga Pilipino ang hindi masaya sa pamahalaan.

MGA GAWAIN:
a. Magbigay ng limang suliranin at hamong kinaharap ng administrasyong Estrada.

Mga
Suliranin at
Hamon ng
Administras
-yong
Estrada

b. Gumawa ng timeline ng mga kontrobersiyang kinasangkutan ng administrasyong Arroyo. (10pts)

You might also like