You are on page 1of 1

MODYUL 16: “MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA PAGGAWA AT

PAGGAMIT NG KAPANGYARIHAN”
“Mga Gawain at isyu kaugnay ng paggawa na sumasalungat sa mga
Prinsipyo na Matatag na Paninindigan at Mapanagutang Paglilingkod”
1. Paggamit ng kagamitan
2. Paggamit ng oras sa trabaho
3. Sugal
4. Magkasalungat na interes (Conflict of interest)
KAPANGYARIHAN- ay kakayahan upang ipatupad ang isang pasiya,kapasidad
upang maka-impluwensya sa saloobin at pag-uugali ng iba, at lumikha ng
panukala na makabubuti sa lahat. Maipamamalas ito sa pamamagitan ng
posisyon, organisasyon, at pagiging lider ng isang grupo.
“Mga isyu sa paggamit ng kapangyarihan”
1. Korapsiyon
2. Pakikipagsabwatan (kolusyon)
3. Ang Bribery o Panunuhol
4. Kickback
5. Nepotismo
“Upang maiwasan ang mga isyung ito, kailangang magkaroon tayo
ng integridad”
 Ang integridad ay katapatan. Ito ay nangangahulugang “kalagayan ng tao
kung saan siya ay buo, iisa o kumpleto ang kaniyang pagkatao”.
 Ang integridad ay pagpapakatao. Ito ay ang iyong pagka-sino na binubuo
mo tungo sa iyong pagiging personalidad. At kung sino ka, iyon ang iyong
gagawin.
“Mga Dahilan ng kahalagahan ng integridad”
1. Nag bibigay-galang ito sa iyong sarili.
2. Bibigyan ka ng iyong kapuwa ng paggalang at pagkakatiwalaan ka ng ibang
tao.
3. Ang taong may integridad ay madaling makaimpluwensiya. Hindi niya
kailangan ng titulo o kapangyarhihan upang mamuno.

“Hindi na sapat na tayo ay matino lamang. Hindi rin sapat na tayo ay mahusay lamang.
Hindi lahat ng matino ay mahusay, at lalo namang hindi lahat ng mahusay, ay matino.
Ang dapat ay MATINO at MAHUSAY” – JESSE ROBREDO
“kung gusto mo ng pagbabago at kung gusto mo ng mas maayos na buhay, dabat
simulan mo ito sa iyong sarili – MAHATMAN GANDHI

You might also like