You are on page 1of 44

SURVEY SA OPINYON NG MGA MAG- AARAL SA IKASIYAM NA BAITANG

NG PAMBANSANG MATAAS NA PAARALAN NG ROMBLON (ROMBLON)


TAUNG PANURUAN 2016- 2017 HINGGIL SA PAGBABASA NG E- BOOK

VINCENT GENESIS D. MARIVELES


NONNA NECOLLETTE D. MAGAY
RIZA JOY F. FAJILAGMAGO
CELEDONIA S. MABASA
GEWELLYN D. CONDE
RICA MEI A. MALAMO
REGINE R. ROMERO
MYRA B. MADRONA
LIEZA M. MAGADA
ANGELICA MOJAR
JIZZA P. MENES

Tesis
na ipinasa sa Faculty ng Pampublikong Unibersidad ng Romblon, Paaralan
ng Sining, Agham at Teknolohiya,Kampus ng Romblon, para sa bahagyang
pagkumpleto ng mga kakailanganin sa titulong

BATSILYER SA PANSEKONDARYANG EDUKASYON


(Filipino)

MARSO 2017
PAHINA NG PAHINTULOT

Kalakip ng tesis na ito ang pamagat na, “EPEKTO NG PAGBABASA NG


E- BOOK SA MGA MAG- AARAL NG PAMBANSANG MATAAS NA
PAARALAN NG ROMBLON (ROMBLON) TAUNG PANURUAN 2016- 2017”
inihanda at isinumite nina ____ para sa kabuuang komplesyon ng mga
pangangailangan sa kursong Batsilyer sa Pansekondaryang Edukasyon ay
lubusang tinanggap.

JONATHAN P. WONG, Ph.D ROGEL M. MORTEL


Puno, Pangkat ng mga Tagapagsulit Miyembro, Pangkat ng mga
Tagapagsulit
_____________________________ ________________________________
Petsa ng Paglagda Petsa ng Paglagda

MA. JENNILYN M. MADEJA


Tagapayo
______________________
Petsa ng Paglagda

Tinanggap bilang Parsyal na Komplesyon ng mga Pangangailangan sa


kursong BATSILYER SA PANSEKONDARYANG EDUKASYON

______________________
CRESENCIA M. DE LUNA
Direktor ng Kampus
BAYOGRAPIKONG LARAWAN

iii
PASASALAMAT

Ang mga mananaliksik ay taus- pusong nagpapasalamat sa mga taong


naging kaagapay at sumuporta para sa kalipunan ng pag- aaral na ito.

 Bukal kaming nagpapasalamat aming tagapayo, GNG. MA. JENNILYN M.


MADEJA para sa kanyang mga patnubay, sakripisyo at sa pagwawasto
ng balarila ng manuskriptong ito.
 Walang humpay din ang aming pasasalamat sa punong- guro ng Mataas
na Paaralan ng Romblon (ROMBLON), GNG. BELINDA M. MENDOZA
para sa kooperasyon at pagbibigay pahintulot na isagawa ang pag- aaral
na ito sa paaralang kanyang nasasakupan.
 Kay G. JONATHAN P. WONG, G. NOE P. MAGDATO JR., at G. ROGEL
M. MORTEL para sa kanilang mga karagdagang impormasyon na malaki
ang naitulong upang mabuo ang manuskriptong ito.
 Sa mga magulang at kaibigan na nagbigay daan upang maging
matagumpay ang pananaliksik na ito lalung- lalo na sa pagbibigay tulong
pinansyal at suporta.
 Sa piling mag- aaral sa Ikasiyam na Baitang ng Mataas na Paaralan ng
Romblon (ROMBLON) na sumagot sa mga talatanungang naging daan
upang makalap ng mga mananaliksik ang mga datos na kakailanganin sa
pag- aaral na ito.
 Higit sa lahat, sa ating Panginoon na ginawa ang lahat ng bagay na
posible, sa pagbibigay ng mga pagpapala at biyaya, karunungan,
kalusugan at kaligtasang sumaamin mula sa simula hanggang sa
matapos ang pananaliksik na ito.
TALAAN NG NILALAMAN
ABSTRAK

Mariveles, Vincent Genesis D., Magay, Nona Necollette D., Fajilagmago,


Riza Joy F., Mabasa, Celedonia S., Conde, Gewellyn D., Malamo, Rica Mei A.,
Romero, Regine R., Madrona, Myra B., Magada, Lieza M., Mojar, Angelica,
Menes, Jizza P. SURVEY SA OPINYON NG MGA MAG- AARAL SA IKASIYAM
NA BAITANG NG PAMBANSANG MATAAS NA PAARALAN NG ROMBLON
(ROMBLON) TAUNG PANURUAN 2016- 2017 HINGGIL SA PAGBABASA NG
E- BOOK

Tagapayo: GNG. MA. JENNILYN M. MADEJA

Ang pag- aaral na ito ay isinagawa upang malaman ang pananaw ng mga
mag- aaral sa Ikasiyam na Baitang ng Mataas na Paaralan ng Romblon
(ROMBLON) taung panuruan 2016- 2917 sa pamamagitan ng ginawang surbey
hinggil sa pagbabasa ng E- book o Wattpad.
Sa katunayan, ang pananaliksik na ito ay sumasagot sa mga sumusunod
na katanungan: (1) Anong edad ng mga kabataan ang mas maraming
nagbabasa ng E- book o Wattpad? (2) Ano ang pang- akademikong performans
ng mga mag- aaral na nagbabasa ng E- book? (3) Ano ang pananaw ng mga
mag- aaral na nagbabasa ng E- book o Wattpad tungkol sa kanillang kalusugan?
(4) Ano ang pananaw ng mga mag- aaral na nagbabasa ng E- book o Wattpad
tungkol sa kanilang gawaing pampaaralan? (5) Ano ang pananaw ng mga na
nagbabasa ng E- book o Wattpad tungkol sa kanilang tahanan? (6) Ano ang
mahalagang kaugnayan ng pagbabasa ng E- book o Wattpad sa akademikong
performans ng mga mag- aaral?
Ang “null” ipotesis ay: (1) Walang kaugnayan ang pagbabasa ng E- book
o Wattpad sa markang nakukuha ng mga respondente na magsisilbing basehan
ng kanilang akademikong performans sa loob ng klase. Nalaman din na mas
mababa ang bilang ng mga mag- aaral na nakakakuha ng mababang marka
kung kaya’t ipinapaliwanag ng mga mananaliksik na lumabas din sa pag- aaral
na kahit sila ay nagbabasa ng E- book o Wattpad, hindi pa rin ito nakakaapekto
sa kanilang performans sa loob ng klase dahil kahit nga na sila ay nagbabasa
mataas pa rin ang nakukuha nilang marka.
Ginamit sa pag- aaral na ito ang “descriptive reseach method” o
palarawang pananaliksik na pamamaraan ang ginamit ng mga mananaliksik
sapagkat nais ilarawan at tukuyin ang pananaw ng mga respondente hinggil sa
epekto ng pagbabasa ng E- book o Wattpad ng mga mag- aaral sa Ikasiyam na
Baitang ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Romblon(ROMBLON) taung
panuruan 2016- 2017.
Ang mga mananaliksk ay nagsagawa ng paunang surbey sa bawat
seksyon sa pamamagitan ng pagtatanong kung sino ang nagbabasa ng E- book
o Wattpad. Nalikom ng mga mananaliksik ang isandaan at sampung (110) mag-
aaral na binubuo ng labing tatlo (13) lalaki at siyamnapu’t pitong (97) mga babae
na kung saan sila ang naging pangunahing respondente sa pag- aaral na ito.
Batay sa mga nakalap na datos at pag- aanalisa o pagsusuri sa mga naging
pangkalahatang resultang inilahad ng mga mananaliksik ay natukoy ang mga
sumusunod na kinalabasan ng pag- aaral: 1. Lumalabas sa pag- aaral na
maraming mag- aaral ang nagbabasa ng E- book mula sa kabuuang isandaan
at sampung (110) respondente sa pag- aaral na ito na may “weigthed mean o
pinagaang iskor na 22. 2. Lumalabas sa pag- aaral na maraming mag- aaral ang
nakakakuha ng mataas na marka na may “weigthed mean o pinagaang iskor na
22. 3. Nalaman din na mas mababa ang bilang ng mga mag- aaral na
nakakakuha ng mababang marka na kahit sila ay nagbabasa ng E- book , hindi
pa rin ito nakakaapektto sa kanilang performans sa loob ng klase dahil kahit nga
na sila ay nagbabasa mataas pa rin ang nakukuha nilang marka. 4. Malaki ang
epekto sa kalusugan ng pagbabasa ng E- book. 5. Nakatutulong pa nga ang
pagbabasa ng E- book o Wattpad upang mapaunlad pa nang lubusan ang
kanilang mga kakayahan sa pagbabasa, talasalitaan o bokabularyo at sa
pagpapahayag na pangunahing kailangan sa kanilang pag- aaral. 6. Natututo ng
mga di magagandang pag-uugali ang karamihan sa mga kabataang nagbabasa
ng E-book tulad ng pagsagot sa magulang at pagiging tamad sa paggawa ng
mga gawaing bahay. 7. Walang kaugnayan ang pagbabasa ng E- book o
Wattpad sa markang nakukuha ng mga respondente na magsisilbing basehan ng
kanilang akademikong performans sa loob ng klase.
Batay sa naging resulta ng pag- aaral ang mga sumusunod na konklusyon
ay nabuo: (1) Marami sa mga respondente ang nagbabasa ng E- book o
Wattpad ay nasa edad na 15 taong gulang. (2) Malaki ang epekto ng pagbabasa
ng E- book sa kalusugan ng mga kabataan. (3) Nakatutulong ang pagbabasa ng
E- book sa pagpapaunlad ng kakayahan ng mga mag- aaral sa kanilang pag-
aaral. (4)Nawawalan ng galang sa mga nakatatanda ang mga kabataang
nagbabasa ng E- book dahil ayaw nga nilang maistorbo habang nagbabasa nito.
(5) Nagiging tamad sa paggawa ng mga gawaing bahay sa loob ng tahanan ang
mga kabataang nagbabasa ng E- book dahil ayaw din nilang naiistorbo sa
pagbabasa nito.(6)Walang mahalagang kaugnayan ang pagbabasa ng E- book
sa akademikong performans ng mga mag- aaral kaya ang “null” ipotesis ay
tinatanggap.
Hinggil sa mga naging sanggunian ng mga resulta at mga konklusyon,
ang mga sumusunod na rekomendasyon ay ipinapanukala: (1) Gamiting
“instructional materials” o kagamitang pampagtuturo ng mga guro ang mga akda
sa E- book o Wattpad sa pagtuturo lalo na sa pag- aaral o pagbabasa ng mga
literatura at pagpapayaman ng talasalitaan o bokabularyo. (2) Magkaroon ng
“time management” o magtakda lamang ng kung ilang oras na gugugulin sa
pagbabasa ng E- book ang mga kabataang nahihilig dito upang hindi ito
magkaroon ng malaking epekto sa kanilang kalusugan. (3)Magkaroon ng
marubdob na paggabay ang mga magulang sa mga anak na nalululong na nang
husto sa pagbabasa nito upang hindi sila maging bastos at tamad sa paggawa
ng mga gawaing bahay sa loob ng kanilang tahanan. (4) Hikayatin din ng mga
magulang ang kanilang mga anak na kahit nahihilig sa pagbabasa ng E- book na
gumawa ng kanilang mga takdang- aralin at magsumite ng mga awtput o
proyekto sa itinakdang oras ng kanilang mga guro.
KABANATA I

PANIMULA

Ang pagbasa ay isang kasanayang dapat na matutunan at mapaunlad ng

isang mag- aaral sa kanyang sarili. Isang kasanayang magiging behikulo sa pag-

alam ng iba’t ibang kaisipan, ideya at konsepto na makatutulong nang malaki sa

isang mag- aaral upang magkaroon ng malawak na kaalaman sa anumang

aspeto ng karunungang dapat na taglayin ng isang mag- aaral. Ito rin ay isang

kasanayang itinuturing na may malaking bahagi sa pagkakaroon ng mataas na

lebel sa akademikong performans ng mga kabataang mag- aaral sa kapuluan.

Sinasabi ng maraming edukador na kailangang matutunan ng isang mag- aaral

ang kasanayan sa pagbasa simula sa murang edad pa lamang at inaasahan na

sa kanyang paglaki’y taglay na dapat niya ang mataas na antas ng kasanayan sa

pagbasa. Sa pagtuntong ng bawat mag- aaral sa mas mataas na lebel ng pag-

aaral o edukasyon, mangangailangan siya ng mga napapanahon at makabagong

kagamitang pampagkatuto upang higit na mapaunald niya ang kanyang

kasanayan sa pagbasa at iba pang akademikong kasanayang dapat niyang

taglayin. Nangangailangan ang isang mag- aaral ng isang kasangkapan upang

matugunan ang mga sopistikadong pangangailangan sa iba’t ibang kakayahang

pang- akademiko. Pinakamahalaga dito ay ang gawaing kognitibo na hahamon

sa kakayahan ng mag- aaral sa mataas na lebel ng prosesong pangkaisipan sa


tulong ng kaalaman niya sa sistema ng wika. Ang kasanayan ng isang mag-

aaral sa

2
sistema ng wika ay matutugunan lamang niya sa pamamagitan ng pagpapaunlad

niya ng kanyang kakayahan sa pagbasa. Ang pagkakaroon ng mataas na lebel

ng kasanayan sa pagbasa ay isang mahalagang kasanayan na makatutulong sa

isang mag- aaral kapag siya ay nasa kolehiyo na at kailangang higit pang

paunlarin ang iba’t ibang gawaing pang- akademiko.

Kasabay ng pag- usad ng panahon ay kasabay din nito ang pagsulputan

ng mga makabagong teknolohiya na makatutulong sa higit na pagpapaunlad ng

kasanayan sa pagbasa ng mga kabataang mag- aaral ngayon hanggang sa mga

susunod pang henerasyon.

Bilang isang lipunan na umuusbong ang mga makabagong teknolohiya

ay kaalinsabay ng nagbabagong panahon, maraming mga tao ang natutulungan

at patuloy na tinutulungan ng mga ito. Kadalasang iniuugnay ang teknolohiya sa

mga makabagong imbentong kagamitan o gadyet na natuklasan sa tulong ng

mga proseso at prinsipyong pang- agham.

Hindi lingid sa atin na tayo ngayon ay nasa estadong tinatawag nating

“digital natives” na kung saan lahat ay namulat sa mga digital na teknolohiya.

Maraming adbentahe ang dulot sa ating lipunan ng mga makabagong

teknolohiyang ito sa lalong mabilis at madaliang pangangailangan ng mga tao.

KAugnay nito, maraming mga nakalimbag na libro ang patuloy na isinasalin sa

elektronikong paraan. Naimbento ang E- book o Electronic Book, isang bersyon


ng elektronikong libro na naglalaman ng mga nakalimbag na akda at larawan na

maaaring mabasa sa pamamagitan ng mga kompyuter, tablet at Smartphones.

3
Sa kasalukuyan, ito ang bagong kinahihiligan sa mundo ng impormasyon

at teknolohiya. Sa tulong ng mga elektronikong libro na ito mas medaling

nakukuha ang atensyon ng mga mag- aaral para sa epektibopng pagtuturo at

pagkatuto ng bawat individwal. Malaki an gang tulong na ambag ng

elektronikong literature sa proseso ng pagkatuto, (Romasanta Dangilan, 2015),

Malaki ang naitutulong ng imbensyong ito sa nakararami sapagkat maaari

kang magdownload at makabasa ng isang akda sa madaling panahon (instant).

Hindi na rin kakailanganin pang pumutol ng puno na gagawing papel para

lamang makapaglimbag ng mga libro. Sinasabi na ito ay portable o magaang

gamitin sapagkat sa tulong ng smartphones, CD at laptop ay madadala mo na

lahat ng nilalaman ng silid- aklatan na hindi nangangamba sa dami at bigat nito.

Maaari din namang mabago ang laki ng letra nito para sa mas medaling proseso

ng pagbabasa. Kaya’t sa panahon ngayon sinasabing lantad na ang lahat ng

mga kabataan sa paggamit ng E- book.

Kaligiran ng Pag- aaral

Marami sa mga kabataan ngayon ang gugustuhin pang gumamit ng E-

book sa halip na magtungo sa mga silid- aklatan upang magbasa kaya sinasabi

na ang pagsulpot ng makabagong teknolohiyang ito at may malaking


impluwensiya sa pang- araw- araw na pag- aaral ng mga tao lalo na sa ating

mga kabataan. Ang paggamit ng elektronikong librong ito ay may kinalaman sa

paglinang ng kaalaman ng mga mag- aaral sa mabisang pagbasa.

Sinasabi sa umuusbong na makabagong panahon na darating ang araw


na teknolohiya na ang makapagbibigay ng lahat ng pangangailangan ng tao. Ito
ang tinatawag na “ Digital Natives” o mga batang mulat sa mundo ng teknolohiya
(Education Technology). Ang sobrang paggamit ng mga gadyets ng mga mag-
aaral sa loob ng paaralan ay maaaring makaapekto sa kanilang klasrum
performans. Ang lubos na paggamit ng kagamitang ito ay may iba’t ibang dulot.
Maaaring kalabasan nito na magkaroon ng malaking posibilidad na maging
lulong ang bawat isa sa paggamit ng E- book na kung saan ito ay hahantung sa
pagkakaroon ng epekto sa katawan lalo na ng ating mga mata, Banton(2014).

Walang sinuman ang maaring pumigil sa patuloy na pagbabago sa buhay


ng mga tao dahil ang pagbabago na ito ay nagbibigay ng pinakamahusay na
bagay sa isang indibidwal, Paton(2013).

Kaya’t naniniwala ang mga mananaliksik na kailangang pag- aralan ang


ganitong uri ng suliranin upang matukoy ang mga positbo at negatibong dulot ng
pagbasa gamit ang E- book ng mga mag- aaral sa lahat halos ng mga
pambansang paaralan sa bansa lalo’t higit na umiiral ito sa kasalukuyang
panahon.

Hindi rin maikukubling ang mga kabataang mag- aaral sa bansa ang
pangunahing lantad sa paggamit ng E-book sa pagbabasa at isa nga ang
Wattpad sa halimbawa ng aplikasyon na makikita sa E-book.
5
Paglalahad ng Suliranin

Isinagawa ang pananaliksik na ito upang matukoy ang epekto ng


pagbabasa ng E- book o Wattpad sa mga mag- aaral ng Pambansang Mataas
na Paaralan ng Romblon (ROMBLON) taung panuruan 2016-2017.

Naging marubdob din ang hangarin ng mga mananaliksik na isagawa ang

pag- aaral na ito upang mabigyang kasagutan ang mga sumusunod na

katanungan:

1. Anong edad ng mga kabataan ang mas maraming nagbabasa ng E-

book o Wattpad?

2. Ano ang pang- akademikong performans ng mga mag- aaral na

nagbabasa ng E- book?

3. Ano ang pananaw ng mga mag- aaral na nagbabasa ng E- book o

Wattpad tungkol sa kanillang kalusugan?

4. Ano ang pananaw ng mga mag- aaral na nagbabasa ng E- book o

Wattpad tungkol sa kanilang gawaing pampaaralan?

5. Ano ang pananaw ng mga na nagbabasa ng E- book o Wattpad

tungkol sa kanilang tahanan?

6. Ano ang mahalagang kaugnayan ng pagbabasa ng E- book o Wattpad

sa akademikong performans ng mga mag- aaral?


6

Kahalagahan ng Pag- aaral

Ang pag- aaral na ito ay magiging malaking tulong sa mga mag- aaral

upang malaman nila ang epekto ng pagbabasa ng E- book o Wattpad sa

kanilang akademikong performans, kung ano ang mga positibo at negatibong

dulot ng pagbabasa ng E- book o Wattpad at ang epekto nito sa kanilang

kalusugan at malalaman din ng mga mag- aaral kung ang pagbabasa ng E- book

o Wattpad ay makabubuti o makakasama ayon sa kung paano ito gamitin.

Magiging malaking tulong din sa mga magulang ang pananaliksik na ito

upang higit nilang magabayan ang kanilang mga anak sa tamang paggamit ng E-

book o Wattpad sa pagbabasa.

Makatutulong din ng malaki ang pag- aaaral na ito sa mga mananaliksik

sapagkat ito ay makatutulong sa pagpasa sa asignaturang kinakailangan sa

parsyal na komplesyon ng mga pangangailangan sa kursong Batsilyer sa

Pansekundaryang edukasyon.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pag- aaral na ito ay ginawa mula Enero 2017 hanggang Marso 2017.

Ang bilang ng mga respondente ay limitado lamang sa mga mag- aaral sa


Ikasiyam na Baitang ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Romblon

(ROMBLON), taung panuruan 2016- 2017.

Nakatuon din ang pag- aaral na ito sa epekto ng pagbabasa ng E- book o

Wattpad sa kanilang akademikong performans, kung ano ang mga positibo at

negatibong dulot ng pagbabasa ng E- book o Wattpad at ang epekto nito sa

kanilang kalusugan at malalaman din ng mga mag- aaral kung ang pagbabasa

ng E- book o Wattpad ay makabubuti o makakasama ayon sa kung paano ito

gamitin.
KABANATA II

KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG- AARAL

Ang kabanatang ito ay naglalahad at nagpapakita ng mga pagbabalik- aral

sa mga kaugnay na literatura at pag- aaral na kung saan ito ang magiging susi

upang mabgiyang daan na matukoy ang mga posibleng solusyon sa inihaing

suliranin sa ginawang pag- aaral tungkol sa opinyon ng mga mag- aaral sa

Ikasiyam na Baitang ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Roomblon

(Romblon) taong panuruan 2016- 2017 hingiil sa pagbabasa ng E- book.

Ayon kay Zarina Alvarez, (2015) ang aktibong netizen o mga taong aktibo

sa sosyal medya o hindi, siguro ay napakinig mo na ang komunidad na E- book o

Wattpad. Ito ay parte ng sosyal medya kung saan ay malayang

nakakapagbahagi ang mga tao ng kanilang mga nilikhang sulatin at kung saan

ito naman ay nakahihiligang basahin ng mga mag- aaral sa kasalukuyang

panahon na lantad sa mundo ng kompyuter. Walang nasyonalidan sa mga

gusting magbasa nito, wala rin itong pinipiling dyanra, istilo at porma ng

pagsusulat. MAbilis din ang pagsikat nito sa Pilipinas lalo na sa mga kabataan.

Ayon din sa kanya, dahil din sa di matinag na trend nito ay nagsimulang


mangamba ang mga kritiko ng panitika na maaaring ito ang magiging

panibagong mukha ng modernong babasahing panatikang Filipino.

Sinabi rin ni Stephen King,(2015) na kung wala kang oras para magbasa

wala ka ring oras para magsulat, ganun lang ‘yon kasimple para sa kanya. Hindi

mapaghihiwalay ang pagbabasa at pagsusulat. Kaya may paniniwala na para

gumaling sa pagsusulat ay huwag dapat kalimutang magbasa. Maaaring ang

mga binasa mo ang makapaghuhubog sa iyong pagsususulat.

Ipinaliwang din sa pagsisiyasat ng Purse Asia International,(2015) na

tinatayang 1 sa 15 mag- aaral sa mataas na paaralan ay araw- araw na

gumagamit ng E- book o Wattpad. Tinatayang nasa 23 milyong mag- aaral

ngayong taon kung kaya’t nasa 1.5 milyong estudyante ang gumagamit ng E-

book o Wattpad. Kung sila ang sisimbolo sa popular at modernong panitikan na

patuloy na ikinawawalang bahala ang konteskto ng kanilang binabasa ay

maaaring bumaba ang tingin ng hndi lamang ng sariling bansa ngunit pati na rin

ng mundo sa kalidad nito. Ayon pa rin dito, ang pagkahumaling ng mga tinedyer

sa E- book o Wattpad ay hindi mapipigilang trend, di maaaring patigilin ang isang

trend kaya una sa plano ng mga mananaliksik na gumagawa ng mga ganitong

pag- aaral ay bigyang sapat na kaalaman ang mga netizen ukol sa mga uri ng

pagsusulat tulad ng pormal at di- pormal, sa mga wastong paraan ng pagsusulat,

mga pamantayan ng panitikan at iba pa ukol dito. Pangalawa, ang mga sarvey

na isinagawa ay inihanda para sa mas madaling pagtukoy sa mga opinyon ng


mga mambabasa ng E-book o Wattpad.Pangatlo, hikayatin ang mga manunulat

ng Wattpad na paunlarin ang kanilang istilo ng panulat upang mabigyan din ng

sapat na kaalaman ang mambabasa nito.Pang- apat, pag nangyari ang mga ito,

maasahan na magiging mayaman ang wika sa mga sulatin sa E-book o Wattpad

at mas nahihikayat ang mga mambabasa ng may mga kwentang kwento na

nakalaan sa Wattpad. Dahil

10

na nga wika ang pinag- uusapan natin, mga konteskstong kulang sa kabuluhan

at orihinalidad ay magiging babasahing karapatdapat paglaanan ng oras sa

pagbabasa na hindi naman masama ang magiging epekto. Kapag nasanay ang

mga mambabasa at awtor sa mga ito, magiging normal na ito at magiging

karaniwang gawain na ng mga mambabasa at awtor na magbasa ng mga

panitikang malalalim at magsulat at lumikha na din ng mga ganitong klase ng

panitikan.

Ipinaliwanag ni Sarah Moore (2014) sa kanyang artikulo na

pinamagatang “ How To Be A Student” sa isang magazine na ang mga mag-

aaral na nagbabasa ng E- book o Wattpad ay may kakaibang gawi sa pag- aaral

o “study habits na talaga namang may malaking epekto sa akademikong

performans ng mga mag- aaral, ang mga estudyangteng napakalaki ang oras na

ginugugol sa pagbabasa ng E- book oo Wattpad ay siyang mga mag- aaral na

kadalasang nawawalan ng interes sa pakikilahok sa mga talakayan sa looob ng

klase. Ayon sa kanya nangyayari ang ganitong senaryo kapag ang mag- aaral ay

naluluong nang husto sa pagbabasa ng E- book o Wattpad ngunit may


pagkakataon ding nakakapagbigay ito ng positibong dulot sa mga mag- aaral lalo

na sa higit na pagpapaunlad ng kanilang isipan at mas lumalawak ang kanilang

mga kaalaman dahil sa mga kasipang napupulot nila mula sa mga istorya at

kwentong nababasa nila sa E- book o Wattpad.Nahahasa nang mabuti ang

kanilang mga kaisipan sa pamamagitan nang paulit- ulit na pagbabasa at

pagbigkas sa mga salita mula sa E- book o Wattpad na kanilang binabasa.

11

Ang Wattpad ngayon ang kinahuhumalingan ng mga kabataan. Kasabay

ng paglago ng teknolohiya, ito ay patuloy na umaakit sa milyon- milyong bilang

ng mambabasa at manunulat lalong- lalo na ang mga kabataan.

Sa katunayan, dahil sa Wattpad nakilala ang ibang kabataang manunulat.

Nagkaroon din ng pag- asa ang ilan upang mailathala ang kanilang mga akda.

Ang iba pa nga ay ngangarap na maisapelikula ang kanilang mga istorya.

Tunay nagng malayo na ang narrating ng aplikasyong ito sa E- book.

Marami na rin ang natulungang mag- aaral sa kanilang mga aralin at proyekto.

Ito na nga ang bagong aklat ng mga kabataan. Napakadali kasi nitong

maaccess. Kahit walang internet ang celfon ay maaaring mabasa ang akda.

Kusa na ring nag- uupdeyt kapag may internet na. Kaya naman ang mga

mahihilig magbasa ay hindi na kailangan pang magbitbit ng mga libro. Ika nga,

Name it and you can read it”.

Ang Wattpad .com ay isang napakahusay na inobasyon bilang isang

sosyal medya. Hindi lang nagkakaroon ng kaibigan ang mga netizens kundi
nagkakaroon din ng magandang kasanayan ang mga mag- aaral. Natututo silang

magsulat. Nahahasa ang kanilang kakayahang umunawa. Ang Wattpad bilang

sosyal medya para sa mga manunulat at mambabasa ay may malaking ambag

sa literature ng bansa. Dito kasi malilinang ang abilidad ng isang bata.

Magsisimula kasi siya sa pagbabasa, hanggang dumating ang kanyang panahon

kung kailan may nabuo ng ideya sa kanyang isip. Unti- unti nang gagana ang

kanyang imahinasyon sapagkat marami siyang napulot na paraan, istilo at

kaalaman sa kanyang mga binasa.

12

Hindi nga matatawaran ang magandang epekto ng E-book o Wattpad sa

mga mag- aaral. Malaki ang naitutulong nito sa pag- unlad ng kabataan. Dahil

dito magiging proud sa atin ang mga dakilang manunulat noong unang panahon

katulad nina Jose Rizal at Francisco Baltazar.

Ngunit pakatandaan na ang Wattpad ay maaari ring maging malaking

hadlang sa pag- aaral ng mga kabataan. Nakakaadik ito. Nakakawala sa pokus.

Marami ding mga akda sa E- bok o Wattpad ang nag- ooffer ng mga

malalaswang babasahin. Kaya naman ang mga mambabasa ay hinihimok na

umiwas sa mga gaintong akda. Pumili ng dyanra o kategorya na angkop sa iyong

edad. Mas mainam pa ring basahin ang mga obrang may halaga at kabuluhan.

Ang E- book o Wattpad bilang bagong aklatan ay may magaganda at

masasamang epekto sa mga mag- aaral. Ngunit nasa kamay pa rin ng mga

mambabasa ang magiging epekto nito sa kanya. Kung iisiping mabuti kahit nga
ang tunay na silid- aklatan ay kinapapalooban din naman ng lahat ng uri ng

babasahin, masama man o mabuti, pormal o di- pormal, malaswa o hindi,

nakakatawa o hind, nakaiiyak , totoo o kathang isip. Ang tamang pagpili pa rin ng

babasahin ang sagot. (http://www.findeed.co.uk/epekto_ng_wattpad.html)

13

Batayang Teoretikal

Teoryang Behaviorist- ipinahahayag ng teoryang ito na ang mga bata ay

ipinanganak na may kakayahan sa pagkatuto at ang kanilang kilos at gawi ay

maaaring hubugin sa pamamagitan ng pagkokntrol ng kanilang kapaligiran.Ibig

sabihin kung ang bata ay lantad sa makabagong teknolohiya malaki ang

pagkakataong maimpluwensyahan nito ang kanilang pagkatuto sa isang

partikular na kasanayan katulad ng pagbabasa. Ang kakayahang intelektwal ng

mga bata ay mapayayaman at mapapaunlad sa tulong ng mga angkop na

pagpapatibay ditto. Binigyang diin ni Skinner (1998), isang pangunahing

behaviorist na kailangang alagaan ang pag- unlad na intelektwal sa

pamamagitan ng pagganyak at tamang paggabay kung paano isagawa ang mga

bagay kaugnay ng makabagong teknolohiya upang humatong sa pagpapatibay

ng anumang mabuting kilos o gawi. May paniniwala rin si Skinner na maaaring


maisagawa ng bata ang anumang gaawain kung tuturuan at bibigyan siya ng

tamang direksyon.

Teoryang Sosyalismo-Ang teoryang ito ay tumutukoy sa malawak na

sistema ng teoryang ekonomiko sa panlipunang organisayon na nagtataguyod sa

estado o sama- samang pagmamay- ari o pamamahala sa paggawa at

pamamahagi ng mga kagamitan, at ang lipunan ay kilala sa pagkakaroon ng

pantay- pantay na pagkakataon sa lahat ng indibidwal na may patas na

pamamaraan ng paggamit na kung saan nabibigyang pansin ditto ang

malawakang paggamit ng makabagong teknolohiya sa pagkatuto at

pagpapaunlad ng isang partikular na kasanayan katulad ng pagbasa sa E- book

o Wattpad.

14

Ipotesis

Walang mahalagang kaugnayan ang pagbabasa ng E- book o Wattpad sa

akademikong performans ng mga mag- aaral?

Pagpapakahulugan sa mga Terminolohiya

Ang mga mananaliksik ay tiniyak na mabigyan ng pagpapakahulugan ang


mga terminolohiyang ginamit sa pag- aaral na ito upang lubusang matamo ang
mabisang pag- unawa sa kabuuang saklaw ng pananaliksik na ito.

E- Book- isang elektronikong libro na nagalalaman ng mga akdang


pangliteraturang babasahin
Gagdet- makabagong teknolohiyang may kaugnayan sa malawakang
pagbibigay impormasyon sa iba’t ibang larangan ng pag- aaral

Kompyuter- isang aparato na nagmamanipula ng mga impormasyon at


nagbibigay ng resulta batay sa lohikal na programa o proseso.

Performans- akademikong kasanayan hinggil sa pagtamo sa isang


larangan ng pag- aaral

Smartphone- isang halimbawa rin ng gadget na pwedeng gamitin upang


magkaroon ng E- book

Tablet- halimbawa ng gadget na kung saan maaring idownload ang isang


applikasyon katulad ng Wattpad at maituturing na isang kagamitan upang
magkaroon ka ng tinatawag na E- book

Teknolohiya- ang pagsulong o paglapat ng mga kasangkapan, makina,


kagamitan at proseso upang tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao.

Wattpad-isang halimbawa ng aplikasyon sa E-book na naglalaman ng


mga kapanapanabik na kwentong kinahuhumalingan ng mga kabataan.

KABANATA III

METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK

Inilahad sa kabanatang ito ang disenyo ng pananaliksik, ang

kapamaraanang ginamit, lokasyon ng pananaliksik at panahon ng pag- aaral,

ang populasyon at sampol ng pananaliksik, pamamaraang ginamit, instrumento

ng pananaliksik, pangangalap at pinagmulan ng mga datos at paraan sa

pagproseso ng mga datos.

Disenyo ng Pananaliksik
Ang disenyo ng pananaliksik na ginamit sa pag- aaral na ito ay “ One shot

survey” dahil isang beses lamang nagsagawa ang mga mananaliksik ng

pagsisiyat at pangungulekta ng mga datos.

Kapamaraanang Ginamit sa Pananaliksik

Ang “descriptive reseach” o palarawang pananaliksik na pamamaraan ang

ginamit ng mga mananaliksik sapagkat nais ilarawan at tukuyin ang pananaw ng

mga respondente hinggil sa epekto ng pagbabasa ng E- book o Wattpad ng mga

mag- aaral sa Ikasiyam na Baitang ng Pambansang Mataas na Paaralan ng

Romblon(ROMBLON) taung panuruan 2016- 2017.

Lokasyon ng Pananaliksik at Panahon ng Pananaliksik

Ang pag- aaral na ito ay isinagawa sa Pambansang Mataas na Paaran ng

Romblon (ROMBLON) na matatagpuan sa Barangay Bagacay, Romblon,

Romblon.Ito ay ginawa noong buwan ng Enero, 2017

16
Munisipyo ng Romblon

Pambansang
Mataas na
Paaralan ng
Romblon(ROMB

Pigura 1. Mapa kung saan makikita ang Pambansang Mataas na Paaralan ng

Romblon(ROMBLON

Populasyon at Sampol ng Pag- aaral


Ang mga respondente sa pag- aaral na ito ay ang mga regular na mag-

aaral sa Ikasiyam na Baitang sa Pambansang Mataas na Paralan Ng Romblon

(ROMBLON),. Ang kabuuang populasyon sa pag- aaral na ito ay isandaan at

sampung (110) mag- aaral.

Ang mga mananaliksk ay nagsagawa ng paunang surbey sa bawat

seksyon sa pamamagitan ng pagtatanong kung sino ang nagbabasa ng E- book

o Wattpad.

17

Sa nasabing pagtatanong, nalikom ng mga mananaliksik ang isandaan at

sampung (110) mag- aaral na binubuo ng labing tatlo (13 ) lalaki at siyamnapu’t

pitong babae na kung saan sila ang naging pangunahing respondente sa pag-

aaral na ito.

Pamamaraang Gagamitin sa Pagkuha ng Sampol

Ang “stratified random sampling” o malayang paghahati- hating pagpili

ang ginamit na pamamaraan. Nagsagawa ang mga mananaliksik ng paunang

surbey sa bawat seksyon sa pamamagitan ng pagtatanong kung sino ang

nagbabasa ng E- book o Wattpad. Sa nasabing pagtatanong, nalikom ng mga

mananaliksik ang isandaan at sampung (110) mag- aaral. Sila ang naging

pangunahing respondente sa pag- aaral na ito kung kaya’t sila rin lamang ang

binigyan ng mga talatanungan upang makalikom ang mga mananaliksik ng mga

datos na kakailanganin sa naturang pag- aaral.


Talahanayan 1. Bilang ng mga respondente na magiging sampol sa gagawing
pananaliksik
Seksyon Kabuuang Populasyon Bilang ng mga Mag- aaral na
ng Ikasiyam na Baitang Nagbabasa ng E- book o
Wattpad sa bawat Seksyon

SSC 24

SPA 18

SPS 3

CHICAGO 10

SAN FRANCISCO 5

CALIFORNIA 7

BOSTON 13

LAS VEGAS 9

ILLINOIS 7

SAN DIEGO 9

VERMONT 5

Kabuuan 110

Instrumento sa Pananaliksik

Ang instrumentong ginamit sa pag- aaral ay ang “ survey questionnaire” 18


o

talatanungang surbey na naglalaman ng iba’t ibang kategorya para sa bawat

katanungang nakapaloob sa nasabing talatanungan at ito ang mga sumusunod:

ano pang- akademikong performans ng mga mag- aaral na nagbabasa ng E-

book o Wattpad, pananaw ng mga mag- aaral sa dulot ng pagbabasa ng E- book


o Watttpad sa kanilang kalusugan, pananaw ng mga mag- aaral sa dulot ng

pagbabasa ng E- book o Wattpad sa kanilang gawaing pampaaralan at pananaw

sa dulot ng pagbabasa ng E- book o Wattpad sa kanilang tahanan.

Balidasyon. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng “content validity” o

balidasyong pangnilalaman para sa balidasyon ng instrumento. Para malaman

ang balidasyong pangnilalaman, ang mga mananaliksik ay gumamit ng “jury

validation” o balidasyon mula sa mga hurado kung saan ipinakita ng mga

mananaliksik ang kanilang talatanungan sa tatlong ekspertong guro upang

mahusgahan ang kaangkupan ng nilalaman at format ng instrumento.

Pangangalap at Pinagmulan ng mga Datos

Humingi ng pahintulot ang mga mananaliksik sa tanggapan ng punong-

guro ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Romblon (Romblon), Barangay

Bagacay, Romblon, Romblon kung saan lihetimong nakapagpatala ang mga

respondente. Ang mga talatanungan ay personal na ipinamahagi sa mga piling

respondente ayon sa sa panahong binalak upang magsagawa ng isang

pananaliksik hinggil sa survey sa opinyon ng mga mag- aaral sa Ikasiyam na

Baitang ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Romblon(ROMBLON) taung

panuruan 2016-2017 hinggil sa pagbabasa ng E-book.

Paraan sa Proseso ng mga Datos

Ang mga datos ay itinala, binilang, kinalkula at sinuri sa pamamagitan ng


19
pagkuha ng porsyento para sa “weighted mean” o pinagaang iskor.
1. Ang porsyento ay ginamit sa pagtukoy sa “frequency” o dami ng bawat

kategoryang nakapaloob sa talatanungan.

F
P= X 100
N

Kung saan:

P= porsyento

F=frequency (dami)

N=kabuuang populasyon

2. Ang “weighted mean” o pinagaang iskor ay ginamit upang matukoy ang

bilang o dami ng respondente patungkol sa survey sa opinyon ng mga

mag- aaral sa Ikasiyam na Baitang ng Pambansang Mataas na Paaralan

ng Romblon(ROMBLON) taung panuruan 2016-2017 hinggil sa

pagbabasa ng E-book. Ito ang pormula ng “weighted mean” o pinagaang

iskor:

WM= X 1+W 1+ X 2+W 2+… XnWn

Kung saan:

WM= “weighted mean” o pinagaang iskor

X1= bilang ng mga inubserbahan

W1=bigat ng iskor
N= kabuuang populasyon

KABANATA IV

RESULTA AT PAGTALAKAY

Ipinakikita sa kabanatang ito ang resulta at pagtalakay sa mga nakalap na

datos mula sa pananaliksik na ito.


Ang mga resulta ay inayos ayon sa pagkakasunod- sunod ng mga

katanungan na nakasaad sa kabanata I. Inalam na rin sa pag- aaral na ito kung

ano ang mga edad ng mga respondente upang malaman ng mga mananaliksik

kung anong edad ng mga kabataan ang mas maraming nagbabasa ng E- book o

Wattpad at kung ilan ang bilang ng mga lalaki at babaeng nagbabasa ng E- book

o Wattpad.

Edad. Makikita sa Talahanayan I ang mga edad ng mga kabataang

respondenteng nagbabasa ng E- book o Wattpad na kung saan labing tatlo (13)

ang mga lalaki at siyamnapu’t pito (97) ang mga babae na may kabuuang

isandaan at sampu (110) ang naging respondente sa pag- aaral na ito. Napag-

alaman sa ginawang surbey na mas maraming respondente ang nasa edad

labing lima(15) na may bilang na animnapu’t isa (61) at may porsyentong 55.46

na nasa unang ranggo ang nagbabasa ng E- book o Wattpad. Dalawampu’t

anim(26) na respondente ang nasa edad na labing apat(14) ang nagbabasa ng

E- book o Wattpad na may porsyentong 23.63 na nasa ikalawang ranggo, labing

pitong(17) mag- aaral naman ang nasa edad na labing anim(16) at may

porsyentong 15.46 na nasa ikatlong ranggo ang nagbabasa ng E- book o

Wattpad, limang (5)

21
respondente ang nasa edad na labing pito(17) at may porsyentong 4.54 at nasa

ikaapat na ranggo at isang (1) respondente ang nasa edad labing walo(18)
nagbabasa ng E- book o Wattpad at may porsyentong 0.91 at nasa ikalimang

ranggo.

Talahanayan 1. Edad ng mga respondenteng nagbabasa ng E- book o


Wattpad
Edad ng mga Dami Porsyento Ranggo

Respondente
14 26 23.63 2
15 61 55.46 1
16 17 15.46 3
17 5 4.54 4
18 1 0.91 5
KABUUAN 110 100

Pang- akademikong Performans ng mga Mag- aaral. Inilalahad sa

talahanayan 2 na kahit nagbabasa ng E- book o Wattpad ang mga respondente

ay hindi ito nakakaapekto sa pang- akademikong performans nila sa klase.

Makikita na sa isandaan at sampu (110) na naging respondente sa pag- aaral

na ito ay apatnapu’t walong mag- aaral (48) ang may markang 91-95 na may

porsyentong 43.63 na bumagsak sa unang ranggo.Dalawampu’t siyam (29) na

respondente ang

nakakakuha ng markang 86-90 na may porsyentong 26.37 na bumagsak sa

ikalawang ranggo.Labing anim (16) na mag- aaral ang nakakakuha ng markang

81-85 na may porsyentong 16.36 at bumagsak sa ikatlong ranggo. Ang

nakakakuha naman ng markang 96- 100 ay walong (8) mag- aaral na may

porsyentong 7.27 at bumagsak sa ikaapat na ranngo at pitong (7) mag- aaral

lamang ang nakakakuha ng 75-80 na marka na may porsyentong 6.37 na

bumagsak sa ikalimang ranggo kaya’t makikita sa talahanayan 2 na walang

kaugnayan ang pagbabasa ng E- book o Wattpad sa markang nakukuha ng mga


respondente na magsisilbing basehan ng kanilang akademikong performans sa

loob ng klase batay sa surbey na isinagawa ng mga mananaliksik. Makikita rin sa

talahanayan na mas mababa ang bilang ng mga mag- aaral na nakakakuha ng

mababang marka. Ipinapaliwanag ng talahanayan na kahit sila ay nagbabasa ng

E- book o Wattpad, hindi pa rin ito nakakaapektto sa kanilang performans sa

loob ng klase dahil kahit nga na sila ay nagbabasa mataas pa rin ang nakukuha

nilang marka.

Marka ng mga

Respondente Dami Porsyento Ranggo


75-80 7 6.37 5
81-85 18 16.36 3
86-90 29 26.37 2
91-95 48 43.63 1
96-100 8 7.27 4
KABUUAN 110 100
Talahanayan 2 Pang- akademikong performans ng mga mag- aaral.

Pananaw ng mga Mag- aaral sa Dulot ng Pagbabasa ng E- book o Wattpad

sa Kanilang Kalusugan. Ipinapakita ng Talahanayan 3 ang resulta ng ginawang

surbey hinggil sa pananaw ng mga mag- aaral sa dulot ng pagbabasa ng E-

book o Wattpad sa kanilang kalusugan. Makikita sa talahanayan ang bilang ng

mga mag- aaral na tumugon sa bawat isang kategorya mula sa kabuuang bilang

ng mga respondente na isandaan at sampu (110). Mula sa isandaan at

sampung (110).respondente, apatnapu’t siyam (49) na mag- aaral na sila ay

nakararanas ng pananakit ng tiyan dahil sa pagbabasa ng E- book gawa ng hindi

tama sa oras ang kanilang pagkain. Bumagsak ito sa ikatlong ranggo at may

porsyentong 44.54.
Animnapu’t pitong mag- aaral (67) mula sa isandaan at sampung (110)

respondente naman ang nakararanas ng pagkalabo ng mga mata na may

porsyentong 60.90 at bumagsak sa ikatlong ranggo dulot ng pagbabasa ng E-

book. Pinakamaraming mag- aaral na may bilang na siyamnapu’t dalawa (92)

mula sa isandaan at sampung (110) respondente ang nagsasabing sila ay

nakararanas ng pagkapuyat na bumagsak sa unang ranggo na may porsyentong

83.63. Tatlumpu’t pito (37) naman aang nagsasabi na sila ay nalilipasan ng

gutom na may porsyentong 33.63 at bumagsak sa ikalimang ranggo na may

41.81 porsyento at apatnapu’t anim (46) na respondente na bumagsak sa

ikaapat na ranggo ang nagsasabing sila ay nakararanas ng pananakit ng ulo.

Dalawampu’t isang (21) respondente naman ang nakararanas ng pananakit ng

likod na may porsyentong 19.09 at bumagsak sa ikaanim na ranggo at apat (4)

mula sa mula sa isandaan at sampung (110) respondente ang nagsasabi na sila

ay nakakapagbawas ng timbang dahil sa pagbabasa ng E- book gawa na rin nga

na sila ay nalilipasan ng gutom at ma porsyentong 3.63 at bumagsak sa

ikapitong ranggo.

Talahanayan 3 Pananaw ng mga mag- aaral sa dulot ng pagbabasa ng E-


book o Wattpad sa kanilang kalusugan
Porsyent
Dulot ng Pagbabasa ng E- book sa
Kalusugan Dami o Ranggo
Pananakit ng tiyan 49 44.54 3
Paglabo ng mga mata 67 60.90 2
Pagkapuyat 92 83.63 1
Nalilipasan ng gutom 37 33.63 5
Pananakit ng ulo 46 41.81 4
Pananakit ng likod 21 19.09 6
Pagbabawas ng timbang 4 3.63 7
Pananaw ng mga Mag- aaral sa Dulot ng Pagbabasa ng E- book o Wattpad

sa mga Gawaing Pampaaralan. Makikita sa talahanayan 4 ang resulta ng

isinagawang pananaliksik sa mga respondente tungkol sadulot ng pagbabasa ng

E- book sa mga gawaing pampaaralan na may kaugnayan sa kanilang pag-

aaral.

Bumagsak sa unang ranggo ang nagsasabing napapaunlad ng pagbabasa ng E-

book o Wattpad ang kanilang mga talasalitaan o bokabularyo na may bilang na

animnapu’t tatlong mag- aaral (63) at may porsyentong 57.27. Nasa ikalawang

ranggo naman ang bilang ng mga mag- aaral na animnapu (60) at may

porsyentong 54.54 ang nagsasabing nakapagpapaunlad din ang E- book o

Wattpad ng kanilang kasanayan sa pagbasa. Apatnapu’t anim (46) namang

mag- aaral ang nagsasabing napapaunlad ang kanilang kakayahan sa

pagpapahayag ng mga kaisipan o konsepto dulot ng pagbabasa ng E- book o

Wattpad na may porsyentong 41.81 at bumagsak sa ikatlong ranggo. Sinabi

naman ng tatlumpu’t anim (36) na mag- aaral na sila ay laging nahuhuli sa klase

dahil sa pagbabasa ng E- book o Wattpad na may porsyentong 32.72 at

bumagsak sa ikaapat na ranggo. Ang dalawampu’t limang (25) mag- aaral ay

nagsasabing lagi silang huli sa pagpasa ng mga awtput o proyekto na bumagsak

sa ikalimang ranggo at may porsyentong 22.72. Sinabi naman ng dalawampu’t

isang (21) mag- aaral na may porsyentong 19.09 na may at bumagsak sa

ikaanim na ranggo na nawawalan sila ng interes sa pakikilahok sa mga

pangkatang gawain sa klase at labing siyam (19) lamang na mag- aaral ang hindi
nakikinig sa talakayan ng guro na may porsyentong 17.27 at bumagsak sa

ikapitong ranggo kung kaya’t ipinakahulugan rin ng mga mananaliksik na walang

kaugnayan ang pagbabasa ng E- book o Wattpad sa akademikong performans

ng mga mag- aaral. nakatutulong pa nga ang pagbabasa ng E- book o Wattpad

upang mapaunlad pa nang lubusan ang kanilang mga kakayahan sa pagbabasa,

talasalitaan o bokabularyo at sa pagpapahayag na pangunahing kailangan sa

kanilang pag- aaral.

Talahanayan 4 Pananaw ng mga mag- aaral sa dulot ng pagbabasa ng E-


book o Wattpad sa mga gawaing pampaaralan

Dulot ng Pagbabasa ng E- book sa mga Dami Porsyent Ranggo


Gawaing Pampaaralan
o
Laging hindi nakagagawa ng takdang- aralin 36 32.72 4
Laging huli sa pagpasa ng mga awtput o
proyekto 25 22.72 5
Nakapagpapaunlad ng kasanayan sa pagbasa 60 54.54 2
Hindi nakikinig sa talakayan ng guro 19 17.27 7
Nawawalan ng interes sa pakikilahok sa
pangkatang gawain 21 19.09 6
Napapaunlad ang talasalitaan o bokabularyo 63 57.27 1
Napapaunlad ang kakayahan sa pagpapahayag
ng ng mga konsepto/ kaisipan 46 41.81 3

Pananaw ng mga Mag- aaral sa Dulot ng Pagbabasa ng E- book sa

Tahanan. Ayon sa talahanayan 5, animnapu’t dalawang (62) mag- aaral ang

nagsasabing naiuugnay nila sa sariling karanasan ang kung anuman ang

nababasa nila sa E-

book o Wattpad na may porsyenttong 56.36 at bumagsak sa unang ranggo.

Nasa ikalawang ranggo naman ang bilang ng mga mag- aaral limampu’tt walo

(58) na may porsyenttong 52.72 ang nagsasabing hindi nila nabibigyang pansin
ang pagsasagawa ng mga gawaing bahay sa loob ng kanilang tahanan.

Limampung (50) mag- aaral naman ang nagsasabing nawawalan sila ng oras na

makisalamuha sa ibang miyembro ng kanilang pamilya dahil sa pagbabasa ng

E- book o Wattpad na may porsyentong 45.45 at bumagsak sa ikatlong ranggo.

Sinabi naman ng apatnapu’t tatlong (43) mag- aaral na may porsyentong 39.09

at bumagsak sa ikaapat na ranggo na nakakaligtaan nilang kumain dahil din sa

pagbabasa ng E-book o Wattpad. Ipinaliwanag din ng tatlumpu’t pitong (37) mag-

aaral na hindi nila nasusunod ang utos ng kanilang mga magulang dahil sa

pagbabasa ng E- book o Wattpad na may porsyentong 33.63 t ito’y bumagsak sa

ikalimang ranggo. Sinabi naman ng dalawampung (20) mag- aaral na natututo

silang mangatwiran sa kanilang mga magulang dahil ayaw nilang naiistorbo

habang nagbabasa ng E- book o Wattpad at ito ay may porsyentong 18.18 na

bumagsak naman sa ikaanim na ranggo.

Dulot ng Pagbabasa ng E- book sa Tahanan Dami Porsyent Ranggo

o
Nakakaligtaang kumain 43 39.09 4
Hindi nabibigyang pansin ang pagsasagawa ng
mga gawaing bahay 58 52.72 2
Hindi na nasusunod ang utos ng magulang 37 33.63 5
Natututong mangatwiran sa nakatatanda 20 18.18 6
Nawawalan ng oras na makisalamuuha sa
miyembro ng pamilya 50 45.45 3
Naiuugnay ang sariling karanasan sa
istoryyang nabasa 62 56.36 1
Talahanayan 5 Dulot ng Pagbabasa ng E- book sa Tahanan
KABANATA V

PAGLALAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng paglalagom ng kinalabasan,

nabuong konklusyon att mga rekomendasyon.

Paglalagom

Ang pag- aaral na ito isinagawa upang malaman ang opinyon ng mga

mag- aaral sa Ikasiyam na Baitang ng Pambansang Mataas na Paaralan ng

Romblon (ROMBLON) taung panuruan 2016- 2017mula sa surbey na isinagawa

ng mga mananaliksik hinggil sa pagbabasa ng E- book o Wattpad.

Sa katunayan, ang naging imbestigasyon ay sumagot sa mga sumusunod

na katanungan:

1. Anong edad ng mga kabataan ang mas maraming nagbabasa ng E- book

o Wattpad?

2. Ano ang pang- akademikong performans ng mga mag- aaral na

nagbabasa ng E- book?

3. Ano ang pananaw ng mga mag- aaral na nagbabasa ng E- book o


Wattpad tungkol sa kanillang kalusugan?
4. Ano ang pananaw ng mga mag- aaral na nagbabasa ng E- book o
Wattpad tungkol sa kanilang gawaing pampaaralan?
5. Ano ang pananaw ng mga na nagbabasa ng E- book o Wattpad tungkol
sa kanilang tahanan?
6. Ano ang mahalagang kaugnayan ng pagbabasa ng E- book o Wattpad sa

akademikong performans ng mga mag- aaral?

Ayon sa isinagawang pagsusuri, napag- alaman ng mga mananaliksik na

walang kaugnayan ang pagbabasa ng E- book o Watttpad sa pang-

akademikong

performans ng mga mag- aaral sa loob ng kanilang mga klase. Ang “stratified

random sampling” o malayang paghahati- hating pagpili ang ginamit na

pamamaraan. Sa layuning malaman ng mga mananaliksik ang pananaw ng mga

mag-aaral sa Ikasiyam na Baitang ng Pambansang Mataas na Paaralan ng

Romblon (ROMBLON) taung panuruan 2016- 2017mula sa surbey na isinagawa

hinggil sa pagbabasa ng E- book o Wattpad gumamit sila ng isang instrumento at

ang instrumentong ito ay isang talatanungan. Ang instrumentong ito ay ginamitt

upang makalap ang mga datos na tutugon sa bawat kategoryang nakapaloob sa

talatanungan. Ang mga mananaliksik ay pumili ng kabuuang isandaan at sampu

(110) ang naging respondente sa pag- aaral na ito na binubuo ng saan labing

tatlo (13) ang mga lalaki at siyamnapu’t pito (97) ang mga babae.

Kinalabasan

Batay sa mga nakalap na datos at pag- aanalisa o pagsusuri sa mga

naging pangkalahatang resultang inilahad ng mga mananaliksik ay natukoy ang

mga sumusunod na kinalabasan ng pag- aara:


1. Lumalabas sa pag- aaral na maraming mag- aaral ang nagbabasa ng E-

book o Wattpad mula sa kabuuang isandaan at sampung (110)

respondente sa pag- aaral na ito na may “weigthed mean o pinagaang

iskor na 22.

2. Lumalabas sa pag- aaral na maraming mag- aaral ang nakakakuha ng

mataas na marka na may “weigthed mean o pinagaang iskor na 22.

30
3. Nalaman din sa pag- aaral na ito na mas mababa ang bilang ng mga mag-

aaral na nakakakuha ng mababang marka kung kay’t ipinapaliwanag ng

mga mananaliksik na lumabas din sa pag- aaral na kahit sila ay

nagbabasa ng E- book o Wattpad, hindi pa rin ito nakakaapektto sa

kanilang performans sa loob ng klase dahil kahit nga na sila ay

nagbabasa mataas pa rin ang nakukuha nilang marka.

4. May epekto pagbabasa ng E- book o Wattpad sa kalusugan.

5. Nakatutulong pa nga ang pagbabasa ng E- book o Wattpad upang

mapaunlad pa nang lubusan ang kanilang mga kakayahan bilang mag-

aaral.

6. Natututo ng mga di magagandang pag-uugali ang karamihan sa mga

kabataang nagbabasa ng E-book o Wattpad tulad ng pagsagot sa

magulang at pagiging tamad sa paggawa ng mga gawaing bahay.

7. Walang kaugnayan ang pagbabasa ng E- book o Wattpad sa markang

nakukuha ng mga respondente na magsisilbing basehan ng kanilang


akademikong performans sa loob ng klase batay sa surbey na isinagawa

ng mga mananaliksik.

Mga Konklusyon

Batay sa naging resulta ng pag- aaral ang mga sumusunod na

konklusyon

ay nabuo:

1. Marami sa mga respondente ang nagbabasa ng E- book o Wattpad ay

nasa edad na 15 taong gulang.

2. Malaki ang epekto ng pagbabasa ng E- book o Wattpad sa kalusugan

ng mga kabataan.

3. Nakatutulong ang pagbabasa ng E- book o Wattpad sa pagpapaunlad

ng kakayahan ng mga mag- aaral sa pagbasa, sa pagpapayaman ng

talasalitaan o bokabularyo at sa pagpapaunlad ng kakayahan sa

pagpapahayag ng mga kaisipan o konsepto na pangunahing kailangan

sa kanilang pag- aaral.

4. Nawawalan ng galang sa mga nakatatanda ang mga kabataang

nagbabasa ng E- book oWattpad dahil ayaw nga nilang maistorbo

habang nagbabasa nito.


5. Nagiging tamad sa paggawa ng mga gawaing bahay sa loob ng

tahanan ang mga kabataang nagbabasa ng E- book o Wattpad dahil

ayaw din nilang naiistorbo sa pagbabasa nito.

6. Walang mahalagang kaugnayan ang pagbabasa ng E- book o Wattpad

sa akademikong performans ng mga mag- aaral kaya ang “null”

ipotesis ay tinatanggap.

Mga Rekomendasyon

Hinggil sa mga naging sanggunian ng mga resulta at mga

konklusyon, ang mga sumusunod na rekomendasyon ay ipinapanukala:

1. Gamiting “instructional materials” o kagamitang pampagtuturo ng mga

guro ang mga akda sa E- book o Wattpad sa pagtuturo lalo na sa pag-

aaral o pagbabasa ng mga literatura at pagpapayaman ng talasalitaan

o bokabularyo.

2. Magkaroon ng “time management” o magtakda lamang ng kung ilang

oras ang gugugulin sa pagbabasa ng E- book o Wattpad ang mga

kabataang nahihilig dito upang hindi ito magkaroon ng malaking

epekto sa kanilang kalusugan.

3. Magkaroon ng marubdob na paggabay ang mga magulang lalo na sa

mga magulang na ang mga anak ay nalululong na nang husto sa

pagbabasa nito upang hindi sila maging bastos at tamad sa paggawa

ng mga gawaing bahay sa loob ng kanilang tahanan.


4. Hikayatin din ng mga magulang ang kanilang mga anak na kahit

nahihilig sa pagbabasa ng E- book o Wattpad na gumawa ng kanilang

mga takdang- aralin at magsumite ng mga awtput o proyekto sa

itinakdang oras ng kanilang mga guro.

MGA BATAYAN

Alvarez, Zarina (2015) Wattpad Para sa Panitikang Filipino.


Hinangosa http://jeffreydangilan.blogspot.co.id/2015/02/wattpadpar
asapanitika  ngfilipino.html

Banton (2014). CYBER BOOK. Hinango sa


http://jeffreydangilan.blogspot.co.id/2015/02/Cyberbook.html

Bumatay (Varsitarian 2012). Kabutihang Dulot at Benepisyo ng E-book


Hinango sa https://www.google.com.ph/webhp?sourceid=chrome-
instant&ion=1&espv=2&ie=UTF8#q=ang+kabutihang+dulot+atbene
pisyo+ng+e+book

Dangilan, Romasanta (2015). Pagbasa Gamit ang E- book Bilang


KagamitangPanturo. Hinango sa
http://jeffreydangilan.blogspot.co.id/2015/02/pagbasagamita
ngebook.html

King, Stephen (2015) Tagalog Wattpadd. Hinango sa


wikasawattpad.blogspot.com

Paton (2013). E-book Benefits. Hinango sa


hhtp://www.successconciousness.com/ebooks_benefits. html
http:wwww.eprints.ouls.ox.uk/archive/00000732/01/FreeEbOoks.pd
Skinner (1998) Pag- unlad na Intelektwal batay sa Teoryang Biheybyural.
Hinango sa
http://news.ala.org/ala/litapublications/ital/2002jantz.cfm

Moore, Sarah (2014) Epekto ng Wattpad Hinango sa


hhtp://www.eprints.ouls.ox.uk/archive/00000932/01/FreeEbOoks.pd

Zilyonaryo (2013) Wattpad, Nakatutulong Ba? Hinango sa


https://www.wattpad.com/109265063-sanaysay-is-essay-wattpad-
nakatutulong-ba#gs.fiVzcG4

Pang- estadong Unibersidad ng Romblon


Paaralan ng sining, Agham at Teknolohiya
Kampus ng Romblon

Enero_____, 2017

GNG. BELINDA M. MENDOZA


Punong- guro
Mataas na Paaralan ng Romblon (ROMBLON)
Brgy. Bagacay, Romblon, Romblon

Ginang,

Kami po ay mga mag- aaral ng Batsilyer sa Pansekundaryang Edukasyon na


nagpapakadalubhasa sa asignaturang Filipino, na nasa Ikatlong Taon ay
malugod pong humihingi ng inyong taus pusong pahintuloot upang magsagawa
ng pananaliksik sa mga piling mag- aaral sa Ikasiyam na Baitang sa inyong
nasasakupang paaralan. Ang pananaliksik ay may titulong “SURVEY SA
OPINYON NG MGA MAG- AARAL SA IKASIYAM NA BAITANG NG
PAMBANSANG MATAAS NA PAARALAN NG ROMBLON (ROMBLON)
TAUNG PANURUAN 2016- 2017 HINGGIL SA PAGBABASA NG E- BOOK.”
Aasahan po namin ang inyong bukal na pahintulot at kooperasyon.
Maraming salamat po.
Lubos na gumagalang,
(sgd) VINCENT GENESIS D. MARIVEL (sgd) RIZA JOY F. FAJILAGMAGO
(sgd) CELEDONIA S. MABASA (sgd) GEWELLYN D. CONDE
(sgd) RICA MEI A. MALAMO (sgd) LIEZA M. MAGADA
(sgd) REGINE R. ROMERO (sgd) ANGELICA MOJAR
(sgd) JIZZA P. MENES (sgd) MYRA B. MADRONA
(sgd) NONNA NECOLLETTE D. MAGAY

Napag- alaman ni: Inaprubahan ni:

MA. JENNILYN M. MADEJA BELINDA M. MENDOZA


Thesis Adviser Punong- guro II

You might also like