Ano sa tingin mo ang kontribusyon ng babae sa lipunan?
Marami ang kontribusyon ng babae sa lipunan. Una, mahalaga
ang papel nila sa pamilya. Sila ang ilaw ng tahanan, tagapag- alaga at taga suporta sa bawat miyembro. Ikalawa, ang kanilang mga ideya o suhestyon sa lipunan ay mahalaga sa pagbuo ng mga plano at hangarin ng lipunan. Ikatlo, napananatili ang karapatang pantao at naiingatan ang pantay na pagtingin sa lipunan na walang pagtatangi o pang-aabuso sa mga kababaihan. Ikaapat, lumilitaw sa panahon ngayon na ang kayang gawin ng mga kalalakihan ay kaya ring gawin ng mga kababaihan tulad ng pagsusundalo, pagkakarpentero at marami pang iba.