You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (EPP-V)

AGRIKULTURA

Martes Enero 29, 2019

I. LAYUNIN:
A. Natutukoy ang mga kagamitan at kasangkapan sa paghahalaman.
B. Natatalakay ang mga pangunahing gamit ng mga kagamitan at kasangkapan sa paghahalaman.
C. Nakapagpapakita ng pagnanais na matutuhan ang mga kasangkapan sa paghahalaman.

II. PAKSANG ARALIN:


Paksa: Paggamit ng Angkop na Kasangkapan
Sanggunian: Edukasyong Pangkabuhayan sa Gawaing Pang-industriya at Elementaryang Pagsasaka; Pp:
167-169
Kagamitan: Laptop, Projector, Kasangkapan sa pagtatanim

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Paghahanda
1.1 Maikling panalangin at pagbati
1.2 Pag-uulat ng lumiban

2. Pagsasanay
Magbigay ng mga pakinabang sa pagtatanim ng gulay.

3. Balik-aral
Magbigay ng mga halamang gulay sa mga sumusunod na Nutrients.
Bitamina A Bitamina C Protina Carbohydrate

B. Paglalahad ng Aralin
1. Pagganyak
Pagpapakita ng Video Presentation sa Paghahanda ng lupang taniman na ginagamitan ng
ibat’t- ibang uri ng kasangkapan at kagamitan sa paghahalaman

2. Pag-aalis ng Sagabal
shovel, spout, dulos

3. Pagbuo ng Suliranin
3.1 Ano-ano ang mga angkop na kasangkapan sa paghahalaman
3.2 Paano gamitin ang mga kasangkapan sa paghahanda ng lupang pagtataniman

4. Pagtalakay ng Aralin
4.1 Mga angkop na Kasangkapan sa Paghahalaman
4.2 Paggamit ng angkop na kasangkapan sa paghahanda ng lupang taniman
5. Paggawa
Ipakita sa mga bata ang mga abilabol na kasangkapan sa paghahalaman na mayroon sa
silid aralan at hayaan tukuyin ang bawat isa. Sabihin ang gamit ng bawat isa.

6. Paglalagom
Mahalagang malaman ang mga angkop na kagamitan at kasangkapan sa paghahalaman
upang magamit ito sa tamang pamamaraan ng paghahanda ng lupang pagtataniman.
Panatilihin ang maayos na pangangalaga sa mga kasangkapan at kagamitan upang tumagal ang
tibay ng bawat isa.
7. Pagtataya
Pagtutugma. Itugma ang mga salita sa ilalim ng hanay A sa mga salita sa hanay B. Isulat ang
wastong titik sa iyong kuwaderno.
___1. Asrol a.ginagamit ito sa pagbubungkal ng lupa
___2. Rigadera b.ginagamit sa pagtitipon ng mga dahon
___3. Kalaykay c. isang sisidlan ng tubig na pandilig
___4. Spout d. ginagamit sa pagbubungkal ng lupa sa paligid ng tanim
___5. dulos e. maliit na butas ng rigadera na labasan ng tubig
f. ginagamit sa paghuhukay nang malalim sa lupa

C. Pangkasanayan
Pangkatang gawain :Panggawa ng chart na nagpapakita ng wastong pangangalaga sa mga
kasangkapan at kagamitan sa pagtatanim
D. Pandamdamin
- pagkamaingat
- sa kasanayang ginawa
- sa wastong saloobinng ipinakita

V. KASUDUAN/TAKDA
Magdala ng pamalit na damit at maghanda para bukas sa paghahanda ng lupang taniman.

You might also like