You are on page 1of 17

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7

Unang Markahan

Pamataynag Pangnilalaman:
Naipamamalas ng magaaral ang pag-unawa sa kanyang mga tunguhin sa bawat
gampanin bilang nagdadalaga/nagbibinata.

Pamantayan sa pagganap:
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na hakbang sa paglinang ng limang
inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata.

Mga Kasanayan sa pagkatuto:

Natutukoy ang kanyang mga tungkulin sa bawat gampanin bilang


nagdadalag/nagbibinata.

Codes: EsP7PSIG- 4.1

Quarter: 1 Week: 13 Day: _______

I. Layunin:

Pagkatapos ng 60 na minuto, 100% na mga mag-aaral ang inaasahang:

1. Nakikilala ang mga tungkulin sa sarili at bilang anak sa yugto ng


pagdadalaga/pagbibinata.
2. Napapahalagahan ang pag unlad ng mga kilos at galaw sa sarili at bilang anak sa
yugto ng pagdadalaga at pagbibinata.

II. Nilalaman: Ang aking tungkulin bilang nagdadalaga/nagbibinata;

a.Sa sarili b.. Bilang anak

Integrasyon: Mapeh

Estratehiya: Deductive

kagamitan: Power point, TV (Optional)

Sanggunian: Learner’s materials pp. 91-95

47
III. Pamamaraan:

A. Pagbalik-aral:
Para matiyak ang natutunan at kaalaman ng mag-aaral, magtatanong ang guro
tungkol sa nakaraang paksa. Makatutulong ang mga sumusunod na mga tanong na ito,
upang masukat mo ang iyong pag-unawa sa natapos na paksa.
1. Bakit mahalaga ang mga hilig?
2. Bakit mahalaga ang pagpapaunlad ng hilig?
3. Bakit mahalaga ang pagtuklas ng mga hilig at ang tuon ng mga ito?

B. Pagganyak:
Magtatanong ang guro . Makatutulong ang mga sumusunod na mga tanong.
1.Sino sa pangkat ang may ginagampanang tungkulin sa bahay? At ano ang mga ito?
2. Ano ang nagpapasigla sa iyo na sundin o tuparin ang mga tungkulin?
3. Nasisiyahan kaba sa pagsunod sa mga tungkuling binanggit?
4. Ano ang naitutulong sa mga tungkuling iyong ginagamapanan sa pagtupad nito?
Tanggapin ang lahat ng kasagutan ng mga ag-aaral.

C. Pagtuklas:

Magbibigay ang guro ng panuto sa isahang gawain at pagsagot ng inihandang


tseklis sa kuwaderno.

Panuto: Sa bawat aytem, lagyan ng tsek (/) ang kulom kung nagagawa mo ang isinasaad sa
bawat tungkulin at ekis (x) ang katabing kolum kung hindi. Maging tapat sa mga sagot
upang tunay na malaya ang kakayahan sa pagtupad ng mga tungkulin.

Mga Tungkulin Nagaga Hindi ko


wa ko Nagaga
wa

1. Pagliligpit ng higaan pagkagising

2.Pagpapaalam sa magulang o kasambahay sa


pupuntahan

3 Pag-iwas sa pakipag barkada.

7 Pagsunod sa payo ng mga magulang

5 Pagtatapon ng basura

6 Pag-iisip bago sumabay sa uso

8 Pagsusunod sa utos ng magulang

10. Pagiging malinis sa katawan

48
9 Pagtulog nng maaga

11. Pakikinig sa mga alituntunin na bigay ng mga


magulang.

12. Pagtulong sa mga gawaing bahay

13. Pag-uwi nang tama sa oras

14. Pagpasok sa paaralan araw-araw

15. Paggamit ng mga teknolohiya nang may


disiplina

Bilangin at tingnan ang iyong nakuhang iskor at alamin kung nasa anong antas ka sa
pagtupad ng iyong mga tungkulin:

ISKOR Antas ng Pagtupad ng Tungkulin

10 - 15 Mahusay ang pagtupad ng mga tungkulin

5 - 10 Hindi mahusay ang pagtupad ng tungkulin

0 _ 5 Kailangan matutunan ang mga paraan ng pagtupad ng mga


tungkulin

C. Pagtatalakay:

Sa paghaharap mo sa malaking gampanin sa buhay, napaliligiran ka ng mga


taong may kaugnayan sa iyo bilang nagdadalaga o nagbibinata. Bilang tugon sa hamon
na ito, ikaw ngayon ay makikipag-ugnayan sa kanila sa pamamagitan ng pag-alam
tungkol sa kanilang inaasahan sa iyo bilang anak at mag-aaral na may malaking
tungkulin sa paghubog sa yugto ng pagdadalaga o pagbibinata.

D. Pagpapalalim:

Maraming tao ang nagsasabi sa iyo na hindi ka na bata. Habang nadaragdagan


ang iyong edad ay nadaragdagan din ang iyong mga tungkulin.

1. Ang Tungkulin sa Sarili:.

Ang tungkulin ay laging dapat nagsisimula sa sarili.Mahirap isalin sa ibang tao ang
responsibilidad kung hindi ito nagsisimulang ilapat sa sarili.

A. Pagharap at wastong pamamahala sa mga pagbabago sa yugto ng


pagdadalaga/pagbibinata.

B. Pagpapaunlad ng talento at kakayahan at wastong paggamit ng mga ito.

49
C. Makabuluhang Paggamit ng mga Hilig.

2. Ang tungkulin bilang anak :

Ang iyong pamilya ang may pinakamalaking impluwensya sa iyong buhay.


Mahalagang maunawaan mo ang halaga ng pagbuo ng isang magandang ugnayan sa
iyong mga magulang.

IV. Pagtataya

Sagutin ang mga tanong sa kalahating papel.


a. Alin sa mga tungkulin ng sarili at bilang isang mag-aaral ang madalas na
napapabayaan? Patunayan.
b. Ano ang maaaring mangyari kung hindi mo tutuparin ang iyong mga tungkulin?

V. Takdang Aralin

Makipag ugnayan sa isang guidance counselor, kaibigan, guro, pari at kapitan ng


baranggay. Kapanayamin sila kung ano ang kanilang inaasahanng tungkulin na dapat
gampanan bilang isang nagdadalaga at nagbibinata.

Repleksiyon:

A. Bilang ng mga mag-aaral na nakuha ng80% sa pagtataya

B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang Gawain para remedial ___

C. Nakatutulong baa ng remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa ralin

D. Bilang ng mag-aaral na nakakuha sa leksiyon

E. Bilang ng mag-aaral na magpatuloy sa remediation

F. Alin sag a istratehiyang pagtututo ang maktulong ng lubos? Paano ito

G. Anong suliranin ang aking naranasan na solusyon sa tulong ng aking punong-guro at


superbisor.___

H. Anong motibasyon o local na materyalis ang aking ginami o nadiskubri sa gusto


kung ibahagi sa ibang guro?

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7


UNANG MARKAHAN

Pamantayang Pangnilalaman:

50
Naipamamalas ng magaaral ang pag-unawa sa kanyang mga tungkulin sa bawat
gampanin bilang nagdadalaga/nagbibinata.
Pamantayan sa pagganap:
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na hakbang sa paglinang ng limang
inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata.
Mga Kasanayang Pampagkatuto:
Natataya ang kanyang mga kilos tungo sa maayos na pagtupad ng kanyang mga
tungkulin bilang nagdadalaga at nagbibinata.
Codes: EsP7PSIg – 4.2
Quarter: 1 Week: 8 Day: 1
I. Layunin:
Pagkatapos ng 60 na minuto, 100% na mga mag-aaral ang inaasahang;
3. Nasusuri ang mga tungkulin na inaasahan bilang isang kapatid at mag-aaral sa pag
unlad ng kanilang pagkatao.
4. Naipapahayag ang maga tungkulin sa pamamagitan ng pag sasadula.
II. Nilalaman:
Paksang Aralin : Ang aking tungkulin bilang nagdadalaga/nagbibinata;
A.Bilang kapatid B. Bilang mag-aaral
Integrasyon: Araling Panlipunan
Stratehiya: Pagsasadula
Kagamitan: EsP-7 LM
Sanggunian: Learner’s materials pp. 106-110
III. Pamamaraan:
D. Pagbalik-aral:
Para matiyak ang natutunan at kaalaman ng mag-aaral, magtatanong ang guro
tungkol sa nakaraang paksa.Makatutulong ang mga sumusunod na ma tanong.
1. Ano ba ang gintong aral ang nakuha mo?
2. Ano ba ang pinag uusapan natin sa pag-unlad bilang nagdadalaga/nagbibnta?

E. Pagganyak:
Magtatanong ang guro;
1. Ano ang kadalasang sinasabi ng iyong mga magulang kapag lagi kayong
nag-aaway ng iyong kapatid.
2. Ano naman ang mga paala-ala ng mga guro tungkol sa iyong pag-aaral?
Tatanggapin ang lahat na sagot ng mga mag aaral.

C. Pagtuklas:

51
Panuto: Pangkatin ng guro ang mga mag-aaral sa isang pagsasadula.
Bigyan ng limang minuto ang bawat pangkat para sa maikling
talakayan sa dapat nilan gawin. Ang pagsasadula sa mga tungkulin
bilang kapatid at mag-aaral sa yugto ng pagdadalaga at
pagbibinata.
Pahahalagahan ang mga kilos at galaw na ipapakita ng mga mag-
aaral.
-Ilahad ng guro ang rubrics para sa pagbibigay ng puntos.
Rubrics para sa pagtataya ng Pagsasadula
Puntos Mga Nilalaman Lubos na kasiya- Kasiya-siya Hindi Kasiya-
siya siya

11 - 15 Nauunawaan ng mga mag-aaral ang


konsepto na kailangan matutunan.
6 - 10 Malinaw na naipapakita ang awtput
sa pangkalahatan na may kulang na
konte.
0 -5 Medyo may kulang na para sa buong
konsepto na dapat matutunan.

D.Pagtatalakay:
Ang pagiging mapanagutan ay nagpapakita ng tunay na pagkatao ng tao. Ito
ay dahil likas ito sa tao.Habang maaga simula mo ng tumugon sa iyong mga
pananagutan lalo na sa pagtugon sa mga tungkulin sa sarili at sa pag-aaral na
gumagabay para maabot ang mga mithiin at magtatagumpay sa lahat na hangarin
na ikakabuti sa sarili at sa pangklahatan
E. Pagpapalalim:
Magpapaliwanag ang guro sa paksa, gamit ang powerpoint presentation na
inihanda ng guro.
Ang Tungkulin Bilang Kapatid - ang mabuting pakikitungo sa iyong mga kapatid
ay makatutulong upang matuto kang makitungo nang maayos sa iyong kapwa.
Ang Tungkulin Bilang Mag-aaral – ditto masusubok ang iyong kakayahan at
nakadepende kung ano ang mararating mo sa hinharap.

IV. Pagtataya
_ Pagbabahagi ng guro sa paksa at ang layunin na dapat matutunan sa klase
_ Pagbubuo ng pangkatang gawain sa isang malayang talakaya
_ Gamit ang talahanayan sa ibaba punan ng mga sagot ang kahon mula sa malayang
talakayan ng mga mag-aral.
TUNGKULIN

KAPATID a.

52
b.

c.

MAG-AARAL a.

b.

c.

Pipili ang guro ng tatlong pares na magbahagi sa kanilang awtpot sa klase


V. Takdang Aralin
Gamit ang dyornal na kwaderno isulat ang gintong aral na nakuha tungkol sa
paksang “ Ang aking tungkulin bilang anak at kapatid sa yugto ng nagdadalaga at
nagbibinata”.
Repleksyon:

A. Bilang ng mga mag-aaral na nakuha ng80% sa pagtataya

B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang Gawain para remedial ___

C. Nakatutulong baa ng remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa ralin

D. Bilang ng mag-aaral na nakakuha sa leksiyon

E. Bilang ng mag-aaral na magpatuloy sa remediation

F. Alin sag a istratehiyang pagtututo ang maktulong ng lubos? Paano ito

G. Anong suliranin ang aking naranasan na solusyon sa tulong ng aking punong-guro at


superbisor.___

H. Anong motibasyon o local na materyalis ang aking ginami o nadiskubri sa gusto


kung ibahagi sa ibang guro?

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7


UNANG MARKAHAN

Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ng magaaral ang pag-unawa sa kanyang mga tunguhin sa bawat
gampanin bilang nagdadalaga/nagbibinata.
Pamanatayan sa pagganap:

53
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na hakbang sa paglinang ng limang
inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata.
Mga kasanayang Pampagkatuto:
Napatutunayan na ang pag-unawa ng kabataan sa kanyang mga tungkulin sa sarili,
bilang anak, kapatid, mag-aaral, mamamayan, mananampalataya, konsyumer ng
media at bilang tagapangalaga ng kalikasan ay isang paraan upang maging
mapanagutan bilang paghahanda sa susunod na yugto ng buhay.
Code: EsP7PSIh- 4.3
Quarter: 1 Week: 8 Day: 2
I. Layunin:
Pagkatapos ng 60 na minuto, 100% na mga mag-aaral ang inaasahang;
1. Naisasagawa ang mga tungkulin na dapat gampanan sa yugto ng buhay bilang
nagdadalaga/nagbibinata.
2. Nasisiyahan sa pag gawa ng mga tungkulin na angkop sa kanilang yugto ng buhay,
II. Nilalaman:
Paksang Aralin : Ang aking tungkulin bilang nagdadalaga/nagbibinata;
A.Bilang mamamayan B. Bilang mananampalatay
Integration: Araling Panlipunan
Estratehiya: Cooperative learning
Kagamitan: Manila paper, marker
Sanggunian: EsP-7 LM

III. Pamamaraan:
F. Pagbalik-aral:
Tatanungin ng guro kung sino sa grupo ang gustong magbahagi tungkol sa nakaraang
leksiyon at kung ano ang gintong aral ang nakuha nito.

B. Pagganyak:
Pangungunahan ng guro ang pag kanta” Tayong lahat ay may
pananagutan sa isa’t isa, tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling niya”
Ipapaunawa sa mga mag aaral ang kahalagahan ng pagtugon sa
ating mga tungkulin bilang mga nilalang ng Diyos.
C. Pagtuklas:
Pangkatin ang mag- aaral para sa” Paint me a picture” na gawain. Pumili ng lider sa
bawat pangkat na tatayong taga bigay ng kilos para huhulaan ng ka pangkat.

54
Makakatulong ang mga sumusunod na tungkulin na huhulaan.
Mga Halimbawa:
a. nag klase – pumapasok sa paaralan
b. nag lalaba – tumutulong sa gawaing bahay
c. nag darasal - para sa payapang pamayanan
d. nag mamaneho – sumusunod sa batas tarpiko

Mga tanong;
1. Nasisiyahan kaba sa gawain ?
2. Nasubukan mo naba sa totoong buhay ang mga ginagawa ninyo ngayon?
3. Ano ang nalinang sa iyong pagkatao dahil dito?
D. Pagtatalakay:
Bilang isang mamamayan dapat bukas tayo sa ating isipan sa anumang mga
pagbabago na dapat nating harapin. Gamit ang tamang panahon sa pag sa alang-alang
para sa kabutihang dulot para sa pangkalahatan. Huwag nating kalimutan na
gagabayan tayo gamit ang ating isip at damdamin sa pagpapasiya at higit sa lahat ang
ating pananampalataya at pananalig sa Diyos na nagbibigay ng tamang daan na
nagdadala ng tagumpay, kasisayahan at sa sa mga tunguhin sa paghahanda sa susunod
na yugto ng kanilang buhay. Makibahagi tayo at makipagtulungan sa pakikilahok para
sa pamayanan, sa pamamagitan ng pagtugon sa mga tungkulin.Lahat ng bagay na
nasimulan sa panalangin ay magaganap na puno ng tiwala at kahusayan.
E. Pagpapalalim:
Patnubayan ng guro ang mga mag-aaral para mapaunlad nila ang kaalaman
tungkol sa:
a. Ang Tungkulin bilang mamamayan - ang pagtugon sa mga tungkulin para
mapaangat ang iyong halaga bilang tao.
b. Ang tungkulin bilang mananampalataya – Ang lahat ng bagay na nasimulan
sa panalangin ay magaganap na puno ng tiwala at kahusayan, ito ay dahil nasa ilalim
ng paggabay ng Diyos ang gawaing inialay sa Kanya.

IV. Pagtataya
Gumawa ng komprehensibong plano para sa pagtupad ng tungkulin bilang kabataan.
Tungkulin Pamamaraan ng maayos na Dahilan sa pagtupad ng
pagtupad ng tungkulin tungkulin
Halimbawa sa sarili
Palaging pananatiling Kakain ng masustansyang Upang hindi magkaroon ng
malusog ang pangangatawan pagkain sa lahat ng sakit o mapabayaan ang
pagkakataon katawan.

55
1. Mamamayan
2. Pananampalataya

V. Takdang Aralin
Maghanap ng isang taga midya at taga kalkasan at kapanayamin kng ano ang
kanilang tungkulin sa lipunan.

Repleksyon:

A. Bilang ng mga mag-aaral na nakuha ng80% sa pagtataya

B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang Gawain para remedial ___

C. Nakatutulong baa ng remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa ralin

D. Bilang ng mag-aaral na nakakuha sa leksiyon

E. Bilang ng mag-aaral na magpatuloy sa remediation

F. Alin sa mgpa istratehiyang pagtututo ang maktulong ng lubos? Paano ito

G. Anong suliranin ang aking naranasan na solusyon sa tulong ng aking punong-guro at


superbisor.___

H. Anong motibasyon o local na materyalis ang aking ginamit o nadiskubri sa gusto


kung ibahagi sa ibang guro?

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7


UNANG MARKAHAN

Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ng magaaral ang pag-unawa sa kanyang mga tunguhin sa bawat
gampanin bilang nagdadalaga/nagbibinata.
Pamanatayan sa pagganap:

56
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na hakbang sa paglinang ng limang
inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata.
Mga kasanayang Pampagkatuto:
Naisasagawa ang mga gawaing angkop sa maayos na pagtupad ng kanyang mga
tungkulin sa bawat gampanin bilang nagdadalaga/nagbibinata.
Codes: EsP7PSIh- 4.4
Quarter: 1 Week: 9 Day: 1
I. Layunin:
Pagkatapos ng 60 na minuto, 100% na mga mag-aaral ang inaasahang;
5. Nailalapat ang angkop na tungkulin na dapat gagampanan bilang konsyumer ng
mediya at tagapangalaga ng kalikasan sa yugto ng pagdadalaga at pagbibinata.
6. Napapaunlad ng maayos ang pagtupad ng tungkulin bilang nagdadalaga/nagbibinata.
II. Nilalaman:
Paksang Aralin : Ang aking tungkulin bilang nagdadalaga/nagbibinata;
A.Bilang konsyumer ng media B. Bilang tagapangalaga ng kalikasan
Integration: Araling Panlipunan
Estratehiya: inductive
Kagamitan: speaker, cellphone at papel.
Sanggunian: EsP-7 LM

III. Pamamaraan:
G. Pagbalik-aral:
Magtatanong ang guro sa mga mag-aaral tungkol sa mga tungkulin sa
pamayanan at bilang mananamplataya, at paano ito nailalapat sa pang araw-araw na
buhay.
H. Pagganyak:
Ipa tug-tog ang kantang “ kapaligiaran” ni Freddie Aguilar, at sabayan ito sa
pagkanta ng guro at mag-aaral. Pag-katapos namnamin ang bawat liriko ng awit.
Sagutin ang sumusunod na tanong;
a. Nagugustuhan mo ba ang kanta?
b. Sa anong saknong na naka antig sa iyong damdamin? Bakit?
Tatanggapin ng guro ang lahat ng mga kasagutan na bigay ng mga mag-aaral.
I. Pagtuklas:
Maghanap ng pares at gumawa ng “ Pick up lines” tungkol sa tungkulin
bilang konsyumer ng mediya at bilang tagapangalaga ng kalikasan.
Halimbawa sa konsyumer ng Mediya:
Teleserye kaba? Bakit? Kasi sinusundan at inaabangan kita …

Halimbawa sa tagapangalaga sa kalikasan:

57
Basura ka ba? Bakit? Kasi ang sarap mong itago sa bulsa ko pag nakita kita…
D. Pagtatalakay:
Maraming uso at maraming makabago sa modernong panahon ngayon.Dapat
pag-aralan natin ang mga bagay at magiging bunga bago magpasya o pumili.
Mahalgang ilapat sa buhay ang anumang natutunan sa paaralan, palawakin ito at
lumahok sa programa at organisasyong pangkalikasan.
E. Pagpapalalim:
Patnubayan ng guro ang mga mag-aaral para mapaunlad nila ang kaalaman tungkol sa’
a. Ang Tungkulin bilang konsyumer ng mediya – Sa moderno at makabagong
panahon ngayon, labis na nakaalam ang mga tinedyer at wala nang maitatago pa,
maski sa liblib na dapat mapanagutan ang bawat pagpapasiya at pag kilos
b. Ang tungkulin bilang tagapangalaga sa kalikasan: Malakas na ang panaghoy ng
inang kaliksan. May magagawa ang bawat isa sa atin:
- Mahalagang ibahagi sa mga kasama sa tahanan ang mga kaalaman na
natutunan sa paaralan.
-Mahalagang ilapat sa buhay ang anumang natutuhan sa paaralann lalo na sa
siyensya
-Tumutulong upang mabawasan ang polusyon sa hangin, sa lupa at sa tubig.
-Kausapin ang mga kaibigan upang makiisa sa gawaing pangkalikasan.
-Karamihan ng mga mahalagang kaalaman ukol sa kalikasan ay napupulot ng
mga mag-aaral hindi sa paaraln kundi sa midya.
IV. Pagtataya
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong;
1. Bakit mahalagang maunawaan ang iba’t ibang tungklin bilang kabataan?
2. Ano ang maaaring mangyari kung hindi mo tutuparin ang iyong mga tungkulin?

VI. Takdang Aralin


Sumulat ng isang pagninilay tungkol sa mga dapat paunlarin sa pagtupad ng iyong
tungkulin bilang isang kabataan.
Repleksyon:

A. Bilang ng mga mag-aaral na nakuha ng80% sa pagtataya

B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang Gawain para remedial ___

C. Nakatutulong baa ng remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa ralin

D. Bilang ng mag-aaral na nakakuha sa leksiyon

E. Bilang ng mag-aaral na magpatuloy sa remediation

58
F. Alin sag a istratehiyang pagtututo ang maktulong ng lubos? Paano ito

G. Anong suliranin ang aking naranasan na solusyon sa tulong ng aking punong-guro at


superbisor.___

H. Anong motibasyon o local na materyalis ang aking ginami o nadiskubri sa gusto


kung ibahagi sa ibang guro?

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7


UNANG MARKAHAN

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa kanyang mga tungkulin sa bawat
gampanin bilang nagdadalaga/nagbibinata.

PAMANTAYAN SA PAGGANAP:

59
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga gawaing angkop sa maayos na pagtupad ng
kanyang ga tungkulin sa bawat gampanin bilang nagdadalaga/nagbibinta.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:

1. EsP7PS-Ig-4.1 – EsP7PS-Ig-4.2
2. EsP7PS-Ih-4.3 - EsP7PS-Ih-4.3

MARKAHAN: Unang markahan LINGGO: Ikasiyam na Linggo ARAW: ______

I- MGA LAYUNIN:

Pagkatapos ng 60 minuto 100% na mga mag-aaral ay inaaasahang makasasagot sa


15 item na pasulit.

II- NILALAMAN:

-Laguman pagtayaya bilang: 4

III-PAMAMARAAN:

a. Panalangin
b. Pagbibigay ng Panuto
c. Pagmamasid sa mga mag-aaral habang sumasagot sa pagtataya

Basahin at unawain ang mga tanong sa bawat bilang. Isulat ang titik ng
pinakaangkop na sagot sa kuwaderno.

______1. Ang mga sumusunod ay mga pangunahing tungkulin ng isang


nagdadalaga/nagbibinata sa kanyang sarili maliban sa:
a. Makabuluhang paggamit ng mga hilig
b. Paghahanda para sa pagbuo ng makabuluhang relasyon sa hinaharap.
c. Pagpapaunlad ng talento at kakayahan at wastong paggamit ng mga ito
d. Pagharap sa wastong pamamahayag

______2. “ Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamag.Walang sinuman ang
namamatay, para sa sarili lamang”. Ano ang pinakaangkop na pakahulugan
sa katagang ito?
a. Ang lahat ng tao ay mayroong pananagutan sa kanayang sarili at sa
kanyang kapwa.
b. Ang tao ay nabubuhay hindi para sa kaniyang sarili kundi para sa kanyang
kapwa.
c. Mabubuhay nang matiwasay ang isang tao kung ipauubaya ng tao ang
kanyang sarili para sa kanyang kapwa.
d. Hanggang sa huling yugto ng buhay ng tao, mahalagang suriin ang
kanyang sarili sa kanyang kakayahan na makipagkapwa.

60
______3. Bakit mahalagang tuparin ang tungkulin sa pamayanan?
a. Mayroong gampanin ang lahat sa kapwa na bahagi ng lipunan.
b. Makatutulong ito upang maramdaman na ikaw ay kabahagi ng lipunan.
c. Magiging ganap lamang ang lipunan kung makikibahagi lahat ng tao sa ng
pagkakataon.
d. Mahuhubog ang kakayahan ng tao sa pamumuno kung maglilingkod siya
sa pamayanan.

______4. Si Rodel ay madalas na nakikipagtalo sa sa kanyang kapatid. Madalas na


sumasama ang loob ng kanilang ina dahil sa kanyang hindi magandang
pagpapalitan ng salita. Ano ang makatwirang magagawa ni Rodel?
a. Umiwas sa kanyang kapatid upang hindi na sila magtalo
b. Hanapin ang dahilan ng hindi pagkakasundo at kausapin ang kapatid
upang iwasan na itong gawin.
c. Pag-aralang pakitunguhan ang kanyang kapatid katulad sa pakikitungo sa
iba.
d. Mging handa na ipakita ang pagmamahal sa kapatid at kalimutan ang
nakaraang pagtatalo.

______5. Ano ang kahihinatnan ng pagiging matapat sa pagtupad sa tungkilin bilang


nagdadalaga/nagbibinata.
a. Matitiyak ang kaganapan ng pagkatao
b. Tataglayin na harapin ang susunod na yugto ng buhay.
c. Matitiyak ang tagumpay sa pagharap sa hamon ng pagiging isang
dalaga/binata.

______6. “ Ang isang taong tumatalikod sa pananagutan ay maaaring maihalintulad


sa isang taong naglalakad ng walang ulo.” Ano ang ipinapahiwatig nito?
a. Ang hindi tumutupad nang matapat sa kanyang mga tungkulin ay walang
maaaring maipagmalaki kaninoman.
b. Ang hindi pagtutupad sa mga tungkulin ay nakababawas sa dignidad ng
tao.
c. Ang kawalan ng pananagutan ang paggalang ng lahat ng tao sa pagkatao
ng tao.
d. Nahuhusgahan ng kapwa ang hindi marunong tumupad sa kaniyang
tungkulin.
______7. Ano ang pinakamakabuluhang layunin ng pagiging isang mag-aaral?
a.Pataasin ang marka
b. Pagyamanin ang kakayahang mag-isip
c. Matutunang lutasin ang sariling mga suliranin
d. Pagkakaroon ng masidhing pagnanais na matuto
______8. Bakit mahalagang tuparin ng tao ang kanyang tungkulin sa kalikasan?
a. Makikinabang ng lubos ang mga henerasyon na darating
b.Mapapangalagaan ang kalikasan para patuloy na matugunan ang
pangangailangan ng lahat.

61
c. Maiiwasan ang patuloy na pagksira ng kalikasan.
d. Para mapangalagaan ang inang kalikasan
______9. Ano ang pinakamataas na tungkulin ng isang anak sa kanayang magulang?
a. Sila ay igalang mahalin at pagkatiwalaan.
b. Ibigay ang katumbas sa lahat ng tulong na bigay nila
c. Ang ibigay ang lahat para sa pamilya.
d. Ang magsisislbing halimbawa sa mga kapatid.
______10. Sumasama ang loob ni Jenny tuwing pinapakialaman siya ng kaniyang ina
sa mga bagay na hindi nararapat gawin.
a. Sabihan niya ang kaniyang ama upang sabihin ang kaniyang ina na
huwag makialam.
b. Makikipag ugnayan sa ina at buksan ang maayos na komunikasyon.
c. Ibahagi sa kaibign ang sama ng loob sa kaniyang ina.
d. Kailangan sumusunod ang anak sa lahat na mga tungkulin na inaasahan
sa kaniya.
______11. Tungkulin natin na makilahok sa gawain na inaasahan sa atin. Paano natin
mapatibay ang ating ugnayan sa lipunan?
a. Makikilahok sa bakanteng oras.
b. Maghahanap ng ka edad at sumabay sa kanilang gusto.
c. Isaayos ang mga gawain para mabigyan ng panahon ang paglahok sa
mga gawain sa lipunan.
d. Maging bukas ang isip at mabigyan ng panahon ang pag tupad n mga
tungkulin sa lipunan.
______12. Si Jay ay madalas na gumagamit ng gadgets, ginugogol na niya ang lahat
ng oras sa paggamit nito. Naiwan na niya ang iba pang tungkulin na dapat
niyang gampanan. Anong tungkulin ang ipinapakita ni Jay sa sitwasyon?
a. Nagagawa niya ang mga tungkulin na inaasahan sa kaniya.
b. Pinapakita na niya ang pag unlad ng kaniyang pagkatao.
c. Kailangan pa ni Jay na ipapaunlad at sanayin ang sarili para maging
ganap ma tinedyer.
d. Kailangan bigyan siya ng maraming gawain na may kinalaman sa
paggamit ng mideya.
______13. Bilang mag- aaral paano mo pa igtingin ang iyong tungkulin sa paarala
a. Pag-aaral sa lahat ng asignatura na itinakda sa mag-aaral
b. Pag bibigay ng panahon sa lahat ng mga gawain at gawing mabuti
kung ano ang inaasahan .
c. Pakikilahok sa lahat na gustong gawin.
d. Pag gawa sa mga mga gawain na itinakda ng mga kamag- aral.
______14. Palaging pumupunta si Bert sa simbahan sa tuwing may mga problema
siya sa kaniyang buhay, sa edad niya talagang naunawaan niya ang
kahalagahan sa pakikipag ugnayan sa Diyos. Anong tungkulin ang
kaniyang nalilinang?
a. Tungkulin bilang konsyumer ng mediya
b. Tungkulin bilang tagapangalaga ng kalikasan
c. Tungkulin bilang mananampalataya
. Tungkulin bilang mamamayan

62
______15. Nagugustuhan ni Joy ang pangangalaga ng mga halaman,
nakapagpapasaya sa kaniya ang mga gawain na may kinalaman sa pag
ayos, pagpapalago at pag-aalaga nito para sa magandang kapaligiran.
Anong tungkulin ang kaniyang pinahahalagahan?
a. Tungkulin bilang tagapangalaga ng kalikasan
b. Tungkulin bilang mag-aaral
c. Tungkulin bilang mamamayan
d. Tungkulin bilang anak

d. Pagwawasto sa mga papel

1. d 6.b 11.d

2.d 7.b 12.c

3.a 8.b 13.b

4.b 9.a 14.c

5.a 10.b 15.a

IV- PAGTATALA SA RESULTA:

V- REPLEKSYON:
a. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya; _______________
b .Bilang ng mga mag-aaral na nangangailangan ng iba pang Gawain para sa
remediation:_____________

63

You might also like