Professional Documents
Culture Documents
Gloria Macapagal Arroyo
Gloria Macapagal Arroyo
Talambuhay
Isinilang siya bilang Maria Gloria Macaraeg Macapagal sa amang politikong si Diosdado
Macapagal at sa asawa nitong si Evangelina Macaraeg-Macapagal. Kapatid siya nina Dr.
Diosdado "Boboy" Macapagal, Jr at Cielo Macapagal-Salgado. Una siyang nanirahan sa Lubao,
Pampanga kasama ang kanyang dalawang nakatatandang kapatid mula sa unang asawa ng
kanyang ama.[2] Sa gulang na apat, pinili niyang manirahan sa lola niya sa kanyang nanay sa
Lungsod ng Iligan.[3] Nanatili siya doon ng tatlong taon, at hinati ang kanyang panahon sa
Mindanao at Maynila hanggang siya ay maging 11 gulang.[3] Matatas siyang manalita ng Ingles,
Tagalog, Kastila at iba pang wikang Pilipino, gaya ng Kapampangan, Ilokano at Sebwano.
Noong 1961, nang si Arroyo ay 14 taon gulang, nahalal ang ama niya bilang pangulo ng
Pilipinas. Lumipat ang kanilang pamilya sa Palasyo ng Malacañang. Isang bayan ang isinunod sa
kanyang pangalan, ang Gloria, Oriental Mindoro. Nag-aral siya sa Dalubhasaang Asuncion para
sa kanyang mababa at mataas na pag-aaral, at nakapagtapos ng valedictorian noong 1964. Nag-
aral siya pagkatapos noon sa Walsh School of Foreign Service ng Pamantasan Georgetown sa
Washington D.C. kung saan naging kamag-aral niya ang magiging pangulo ng Estados Unidos
na si Bill Clinton.[4] Natamo niya ang kanyang antas sa Batsilyer sa Sining ng Ekonomiks mula
sa Dalubhasaang Asuncion, at nakapagtapos bilang magna cum laude noong 1968.
Noong 1968, kinasal si Arroyo sa abogado at negosyanteng si Jose Miguel Arroyo ng
Binalbagan, Negros Occidental, na nakilala niya noong siya ay dalagita pa.[2] Nagkaroon sila ng
tatlong anak, sina Juan Miguel (ipinanganak 1969), Evangelina Lourdes (ipinanganak 1971) at
Diosdado Ignacio Jose María (ipinanganak 1974). Ipinagpatuloy niya ang pag-aaral at nakuha
ang Master sa Antas ng Ekonomiks sa Pamantasang Ateneo de Manila (1978) at Antas Doktoral
sa Ekonomiks mula sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman noong 1985.[5] Mula 1977 hanggang
1987, nagturo siya sa ilang mga paaralan, kabilang na ang Unibersidad ng Pilipinas at sa
Pamantasang Ateneo de Manila. Naging tagapangulo rin siya ng Kagawaran ng Ekonomiks ng
Dalubhasaang Asuncion.
Noong 1987, inanyayahan siya ni Pangulong Corazon Aquino na sumali sa pamahalaan bilang
Assistant Secretary ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya. Itinaas ang kanyang posisyon
bilang Undersecretary dalawang taon makalipas. Bilang kasabay na Tagapamahala ng Garments
and Textile Export Board, napalawig ni Arroyo ang industriya ng pananamit noong huling
bahagi ng dekada 80.
Senado
Si Arroyo ay tumakbo sa halalan ng Senado noong 1992 at nagwagi para sa 3 taong termino.
Ayon sa Saligang Batas ng 1987, ang una lamang 12 kandidatong may pinakamataas na boto ang
magsisilbi para sa 6 na taong termino ngunit si Arroyo ang ika-13 kandidatong may
pinakamataas na boto. Si Arroyo ay muling tumakbo sa senado noong 1995 at nakakuha ng
pinakamataas na boto na halos 16 milyong boto.[6]
Bilang mambabatas, naghain si Arroyo ng 400 mga saligang batas at naging may-akda o
tumulong sa pagtaguyod ng 55 mga batas noong kanyang panunungkulan niya bilang senador,
kabilang na ang Anti-Sexual Harassment Law, Indigenous People's Rights Law, at ang Export
Development Act.[2]
Ang 1995 Mining Act, na nagpapahintulot ng 100 % pag-aari ng mga banyaga sa mga
kumpanyan ng pagmimina sa Pilipinas, ay binatikos ng mga grupong makakaliwa.
Ikalawang pangulo
Naisipan ni Arroyo na tumakbo sa halalan ng pagkapangulo noong 1998 ngunit nahikayat siya ni
dating Pangulong Fidel Ramos at iba pang mga pinuno ng partidong Lakas-CMD na tumakbo na
lamang bilang ikalawang pangulo o bise presidente bilang running mate ni Jose de Venecia, Jr.[7].
Si de Venecia ay natalo kay Joseph Estrada bilang pangulo ngunit si Arroyo ay nagwaging
pangalawang pangulo na may higit sa dalawang ulit na nakuhang boto ng running mate ni
Estrada na si Senador Edgardo Angara.[8]
Nagsimula ang kanyang termino bilang Ikalawang Pangulo noong 30 Hunyo 1998. Siya ang
kauna-unahang babaeng Ikalawang Pangulo sa kasaysayan ng Pilipinas. Itinilaga siya ni Estrada
sa gabinete bilang Kalihim ng Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad.[7]
Nagbitiw si Arroyo sa gabinete noong Oktubre 2000, umang lumayo kay Pangulong Estrada, na
inakusahan ng korupsiyon ng dati nitong kaalyadong si Chavit Singson, ang Gobernador ng
lalawigan ng Ilocos Sur.[9] Inisyal siyang tumanggi sa mga kaalyado na magsalita laban kay
Estrada,[10] subalit lumaon ay sumama sa panawagang magbitiw si Estrada.[9]
Bilang Pangulo
2001-2004
Noong 20 Enero 2001, pagkatapos ng ilang araw ng kaguluhang pampolitika at mga malawakang
pagpoprotestang tumatawag sa pagbibitiw ni Pangulong Joseph Estrada dahil sa mga akusasyon
ng korupsiyon, inihayag ng Kataastaasang Hukuman na bakante na ang posisyon ng
pagkapangulo. Noong kinahapunan din nang araw na iyon, ay nanumpa si Arroyo bilang
Pangulo ng Pilipinas sa pamamagitan ni Punong Hukom na si Hillario Davide , Jr.[9]
Matapos ang ilang linggo, nagsampa ng kaso si Estrada na naghahamon ng batayang legal
hinggil sa pagkapangulo ni Arroyo at pinipilit na siya ang nananatiling pangulo ayon sa batas,
ngunit dinagdag niya na hindi niya kukunin muli ang kanyang posisyon.[11]. Noong 2 Marso
2001, ang Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas ay nagpalabas ng desisyon na nagsasabing si
Estrada ay nagbitiw sa pagkapangulo at iniwan niya ang kanyang pwesto.[9]
2004-2010
Pangunahing lathalain: Hello Garci scandal
Si Arroyo ay tumakbo at nagwagi sa halalan ng pagka-Pangulo noong 2004 ngunit ang halalang
ito ay sinasabing nabahiran ng pandaraya sa panig ni Arroyo batay sa wiretapped recording ng
usapan sa telepono sa pagitan nina Arroyo at opisyal ng COMELEC na si Garcillano noong
canvassing ng 2004 halalan sa pagkapangulo.
Ekonomiya
Inakusahan ni Senador Panfilo Lacson noong 2003 ang asawa ni Arroyo na si Mike Arroyo ng
money laundering ng mga 260 milyong piso gamit ang mga bank account sa ilalim ng pangalang
Jose Pidal na sinasabing mula sa mga kontribusyon sa pangangampanya ni Gloria .
Sinasabing ang pondo ng Department of Agriculture (DA) na P728 milyong piso na inilaan para
sa pagbili ng mga fertilizer para sa mga magsasaka ay ginamit para sa pangangampanya ni
Arroyo sa kanyang muling pagtakbo sa pagkapangulo noong 2004.
NBN-ZTE scandal
Pangunahing lathalain: NBN-ZTE Scandal
Noong 2007 halalan, sinasabing inutos ni Arroyo kay gobernador Andal Ampatuan, Sr. na
masegurong ang tatlong kandidato ng oposisyon na sina Benigno S. Aquino III, Panfilo Lacson,
at Alan Peter Cayetano ay makakuha ng sero boto sa Maguindanao. Ito ang tanging probinsiya sa
Pilipinas na nagbigay ng 12-0 pagkapanalo sa Team Unity ni Arroyo. Inamin ni Zaldy Ampatuan
na gobernador ng ARMM na inutos ni Arroyo na ilipat ang boto ng 3 kandidato ng oposisyon
kay Juan Miguel Zubiri na nagbitiw bilang senador noong 3 Agosto 2011. Inamin rin ni
Ampatuan na ang kanyang ama ay tumanggap ng suhol mula kay Mike Arroyo noong 2007
halalan. Noong 2011, ang dating supervisor ng halalan sa Maguindanao noong 2007 na si
Lintang Bedol ay umamin sa nangyaring pandaraya noong 2007 halalan. Ayon kay Bedol, ang
mga pekeng balota at mga election return ay dinala mula sa Maynila at ang dating COMELEC
chair na si Benjamin Abalos at mga Comelec commissioner Nicodemo Ferrer at Rene Sarmiento
ay nagpunta sa General Santos City upang i-authenticate ang mga pekeng election return para sa
mga iba't ibang bayan sa Maguindano.
Le Cirque scandal
Iniulat ng New York Post noong 2009 na si Gloria Macapagal-Arroyo ay gumastos ng $20,000
sa Le Cirque para sa isang hapunan kasama ng kanyang delegasyon habang dumadalaw sa
Estados Unidos.[18] Si Arroyo ay iniulat na nag-order ng mga mamahaling wine, steak at lobster.
Lotto scandal
Kapulungan ng Kinatawan
Si Arroyo ay tumakbo at nahalal ng tatlong beses (2010, 2013 at 2016) bilang kinatawan ng
ikalawang distrito ng Pampanga.
Si Arroyo ay dinakip sa St. Luke's Medical Center sa Taguig noong 18 Nobyembre 2011
pagkatapos sampahan ng kaso para sa pagsabotahe ng halalan noong 2007 ng COMELEC.
Si Arroyo ay inilipat sa Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City noong 9 Disyembre
2011. Si Arroyo ay pinalaya pagpagkatapos magpiyansa noong 25 Hulyo 2012. Si Arroyo ay
muling dinakip pagkatapos sampahan ng kasong pandarambong ng 366 milyong pisong pondo
ng pambansang lotto upang pondohan ang kanyang pangangampanya.