You are on page 1of 3

Nahahati sa limang rehiyon ang Asya: Hilaga, Kanluran, Timog, Timog-Silangan, at

Silangang Asya. Tinatawag na heograpikal at kultural na sona ang mga rehiyong ito
dahil isinaalang-alang sa paghahati ang mga aspetong pisikal, historikal at
kultural. Kumpara sa ibang mga rehiyon, bakit ang Hilaga at Kanlurang Asya ay
kadalasang tinitignan bilang magkaugnay?
A. Ang mga ito ay parehong napapailalim sa halos parehong karanasan sa larangang
historikal, kultural, agrikultural at sa klima
B. Magkasama ang mga ito sa parehong pamamaraan ng paglinang ng kapaligirang
pisikal
C. Ang mga porma ng anyong lupa at anyong tubig ng mga ito ay halos pareho
D. Apektado ng iisang uri ng klima ang uri ng pamumuhay ng mga tao rito
ANSWER: A

Isang katangiang pisikal ng kapaligirang matatagpuan sa Hilaga o Gitnang Asya ay


ang pagkakaroon ng malawak na damuhan o grasslands. Tinatayang ang sangkapat (¼) ng
kalupaan sa mundo ay ganitong uri. Alin sa mga uri ng grasslands ang may mga
damuhang mataas na malalalim ang ugat na matatagpuan sa ilang bahagi ng Russia at
maging sa Manchuria?
A. steppe
B. prairie
C. savanna
D. tundra
ANSWER: C

Sa iyong pagtingin sa mapa, paano mo ilalarawan at bibigyang interpretasyon ang


kinalalagyan ng kontinente ng Asya?
A. Ang hugis at anyo ng mga lupain sa bawat bahagi ng kontinente ay pare-pareho
B. Karamihan sa mga bansa sa Asya ay may mainit na panahon.
C. Ang malaking bahagi ng hangganan ng Asya ay mga anyong tubig.
D. Insular ang malaking bahagi ng kontinente ng Asya.
ANSWER: C

Ang pagkakaiba-iba ng klima sa Asya ay bunsod ng iba’t ibang salik kabilang na rito
ang lokasyon at topograpiya ng isang lugar. Kung sa Kanlurang Asya ay bihira ang
ulan at hindi palagian ang klima, at sa Hilagang Asya naman ay mahaba ang taglamig
at maigsi ang tag-init, ano naman ang katangian ng klima sa Timog-Silangang Asya?
A. Ang mga bansa sa rehiyon ay nakararanas ng tag-init, taglamig, tag-araw at tag-
ulan.
B. May mainit na panahon sa ilang bahagi at may mga bahagi ng rehiyon na
nababalutan ng yelo.
C. Mahalumigmig, taglamig, tag-init at tagtuyot ang nararanasan sa rehiyong ito sa
iba’t-ibang buwan sa loob ng isang taon.
D. Sobrang lamig sa rehiyon at hindi kayang panirahan ng tao.
ANSWER: A

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi kabilang sa mga katangiang pisikal ng
kontinente ng Asya?
A. Ang hangganan ng Asya sa iba pang mga lupain ay maaaring nasa anyong lupa o
anyong tubig.
B. Ang Asya ay tahanan ng iba’t ibang uri ng anyong lupa: tangway, kapuluan,
bundok, kapatagan, talampas, disyerto at kabundukan.
C. Taglay ng Asya ang napakaraming uri ng mga kapaligiran batay sa mga tumutubong
halamanan.
D. Ang iba’t ibang panig ng Asya ay nagtataglay ng iisang uri ng klima na may
malaking implikasyon sa pamumuhay ng mga Asyano.
ANSWER: D

Sa maraming bansa sa Timog-Silangang Asya, itinuturing na pangunahin at


napakahalagang butil pananim ang palay. Bakit?
A. Maaaring ipalit ang palay sa mga butil ng trigo, mais at barley.
B. Palay ang pangunahing pagkain ng mga tao sa TimogSilangang Asya.
C. Sagana sa matatabang lupa at bukirin ang rehiyong ito na angkop sa pagtatanim
D. Galing sa palay ang karamihan sa mga panluwas na produkto ng rehiyong ito.
ANSWER: B

Mayaman ang Asya sa iba’t ibang anyong tubig tulad ng mga karagatan, lawa, at ang
mga ilog na lubhang napakahalaga sa pamumuhay ng tao. Ang mga ilog ng Tigris at
Euphrates sa Iraq, ang Indus sa India at ang Huang Ho sa China ay ilan lamang sa
mga ilog na ito na gumanap ng malaking tungkulin sa kasaysayan ng Asya. Ano ang
mahalagang gampaning ito?
A. Ang mga ilog na ito sa Asya ay pinag-usbungan ng mga kauna-unahang kabihasnan sa
rehiyon at sa buong daigdig.
B. Maraming mahalagang pangyayari sa kasaysayan ng rehiyon sa Asya ay naganap sa
mga ilog na ito.
C. Madalas magdulot ng pinsala sa ari-arian at pagkasawi ng mga buhay ang mga ilog
na ito sa tuwing may nagaganap na mga pagbaha.
D. Ang mga ilog na ito ay nagsisilbing daanan ng mga barko paloob at palabas ng
bansang kinabibilangan nito para sa kalakalan.
ANSWER: A

Batay sa resulta ng pananaliksik ng mga eksperto, tinatayang nasa apatnapung


porsyento (40%) ng populasyon ng rehiyong Asya-Pasipiko ay namumuhay sa mga
lungsod. Ang mabilis na pagtaas ng antas ng urbanisasyon sa Asya ay nakapagdudulot
ng labis na epekto sa kapaligiran nito. Alin sa mga suliraning pangkapaligiran sa
ibaba na bunsod ng urbanisasyon ang lubhang napakasalimuot at epekto ng lahat ng
usaping pangkalikasan?
A. problema sa solid waste
B. polusyon sa hangin at tubig
C. pagkawasak ng kagubatan
D. pagkasira ng biodiversity
ANSWER: D

Basahin ang bahagi ng artikulo sa ibaba na halaw sa website ng European Dialogue na


pinamagatang “Environmental Problems of Asian Region have Reached a Critical Point”
na isinulat ni Christina Greszta. Gawin itong batayan sa pagsagot sa tanong sa
susunod na bilang.
“By now (in the beginning of the XXI century) the environmental problems of Asian
region have reached critical point, obliging the international community to focus
on them. The scope of these problems is very broad, including Semipalatinsk and
Caspian region, the Aral Sea, degradation of pastures and arable land in different
regions of Central Asia, water pollution from sewage and anti-desertification and
drought mitigation measures.These problems affect millions of human lives, and to
date, OSCE is literally the only regional organization, which includes the most
influential countries in the world, particularly those in Asia, and has an ability
to assist within environmental challenges of the new millennium. Thus, the OSCE
chairmanship of Kazakhstan in 2010 is an opportunity to make significant steps to
solve these problems.” Ang Asya sa ngayon ay dumaranas ng samu’t saring suliraning
pangkapaligiran, tulad ng nagaganap sa Aral Sea sa Hilagang/Gitnang Asya na kilala
bilang pang-apat na pinakamalaking lawa sa buong mundo. Ngunit mula taong 1989
hanggang 2003, ang Aral Sea ay lumiliit nang lumiliit ang sukat mahigit sa apat na
beses, at humantong sa pagkakahati sa dalawa- ang Large Aral Sea at Small Aral Sea.
Ano ang implikasyon nito?
A. Ang kontinente ng Asya ang may pinakamabilis na antas ng paglala ng mga
suliraning pangkapaligiran kumpara sa ibang mga kontinente ng daigdig
B. Ang suliraning tulad nito ay lubhang nakakaalarma, kung kaya’t kailangan ang
pagtutulungan ng bawat bansa sa buong daigdig upang harapin ang mga hamon ng
kalikasan
C. Ang pagbaba ng lebel ng Aral Sea, ang pagkasira ng mga pastulan at pagkatuyo ng
mga lupa, at ang polusyon sa tubig ang mga naitalang pinakamalalang suliraning
pangkapaligiran sa Hilaga/Gitnang Asya
D. Malaki ang epekto sa buhay ng maraming tao ang pagbabago ng kalagayan ng
kalikasan, kung kaya’t dapat maging aktibo ang iba’t-ibang samahang pangkalikasan
sa bawat rehiyon na bumuo ng mabisang solusyon para dito
ANSWER: C

Mahalagang panatilihin ang ecological balance ng Asya sapagkat anuman ang maging
katayuan at kalagayang ekolohikal ng rehiyon ay tiyak na makakaapekto nang lubos sa
pangkalahatang kalidad ng kapaligirang pandaigdig. Alin sa mga sumusunod na
konsepto ang akmang interaksyon ng tao sa kanyang kapaligiran upang umunlad ang
kanyang kabuhayan?
A. ang pagpapabagal ng paglaki ng populasyon upang maiwasan ang kakapusan at
kakulangan ng pangangailangan mula sa limitadong pinagkukunang-yaman
B. ang patuloy na paglinang ng yamang likas tungo sa pagpapabuti at pagpapalago ng
kabuhayan at paggamit ng mga modernong makinarya sa pagkuha ng mga produkto at
kapakinabangan mula dito
C. ang paggamit ng paraang sustainable development o ang sistema ng pagpapaunlad
unlad ng industriya o mga gawaing pangkabuhayan na hindi isinasakripisyo ang
kalikasan at pinapangalagaan ang mga ito sa pamamagitan ng mga programa
D. ang paghawan ng kagubatan at pagsasagawa ng reclamation para sa pagpapatayo at
pagpapaunlad ng mga industriya, gayundin ang pagpapalawak ng urbanisasyon
ANSWER: C

Ang mga Asyano ay nahahati sa iba’t ibang pangkat batay sa wika at etnisidad na
kinabibilangan. Ano ang tawag sa pagpapangkat na ito?
A. Etniko
B. Nomad
C. Katutubo
D. Etnolingguwistiko
ANSWER: D

Kung iba’t iba ang kultura ng mga pamayanang etniko sa Asya ,nangangahulugang
pinakamalaking hamon sa rehiyon ang _______.
A. ideolohiyang politikal
B. pagkakakilanlan
C. modernisasyon
D. pagkakaisa
ANSWER: D

Alin sa mga kongklusyon ang kumakatawan sa pahayag na “ Sinasalamin ng wika ang


kultura ng isang lahi ”
A. Ang wika ay may iba’t ibang layunin.
B. Iba’t iba ang wika ng iba’t ibang tao.
C. Ang wika ay susi sa pag-unlad ng kultura at kabuhayan ng tao.
D. Sa pag-aaral ng wika mababatid ang katangian ng kultura ng isang lahi
ANSWER: D

You might also like