You are on page 1of 2

Ang Talambuhay ni Pangulong Fidel V.

Ramos

Si Fidel Valdez Ramos (ipinanganak Marso 18, 1928) ay ang ikalabing-dalawang


Pangulong Republika ng Pilipinas (Hunyo 30, 1992 - Hunyo 30, 1998). Isinilang
siya noong Marso 18, 1928 sa Lingayen, Pangasinan. Panganay siya sa tatlong
anak nina Narciso Ramos at Angela Valdez.
Nagtapos siya sa United States Military Academy sa West Point noong 1950.
Kumuha rin siya ng masteral ng civil engineering sa University of Illinois,
Masters in Business Administration sa Pamantasang Ateneo de Manila, at
nanguna sa klase niya sa Infantry training at kursong Special Forces/Pay
Operations/Airborne sa Fort Benning, Georgia.
Bumalik siya sa Pilipinas noong 1951 at naging heavy weapon platoon leader
ngSandatahang Lakas ng Pilipinas. Ipinadala rin siya sa mga digmaan ng Korea
at Vietnam. Naging tanyag siya sa pamumuno sa isang pulutong ng mga
sundalong tumalo sa pwersang komunista ng mga Tsino sa Labanan sa Burol ng
Eerie. Kabilang sa mga medalya at parangal na natanggap niya bilang sundalo
ang Philippine Legion of Honor, ang Gold Cross, ang Philippine Military Merit
Medal, ang United States Legion of Merit, ang French Legion of Honor at ang
U.S. Military Academy Distinguished Award.
Inatasan siyang maging pinuno ng Philippine Constabulary noong 1972, hepe ng
Integral National Police noong 1975, at pangalawang pinuno ng Sandatahang
Lakas noong 1981. Noong 1983, pansamantala niyang pinalitan si Fabian Ver,
pinuno noon ng Sandatahang Lakas, nang ito ay masangkot sa pagkakapaslang
sa lider-opososyon si Benigno S. Aquino Jr.
Noong 1986, tinangkaang agawin ni Ferdinand Marcos ang pagkapanalo ni
Corazon Aquino, balo ni Benigno Aquino, sa halalang pangpanguluhan. Nakiisa si
Ramos kay Juan Ponce Enrile, noong kalihim ng Tanggulang Pambansa, sa
pagkubkob sa mga himpilan ng sandatahang lakas. Ang sumunod dito ay
tinaguriang People Power Revolution na nagtulak kay Marcos na lumikas
patungong Estados Unidos. Naluklok si Aquino sa pagkapangulo. Ginawang ni
Aquino na hepe ng sandatahang lakas si Ramos. Pagkaran ng dalawang taon, si
Ramos ay naging kalihim na Tanggulang Pambansa.
Noong 1992, tumakbo siya at nanalong pangulo ng bansa. Bilang pangulo, naging
priyoridad niya ang pagsasaayos sa estruktura ng pamahalaan, na nagbigay ng
karagdagang kapangyarihan sa pamahalaang lokal. Hinikayat niya ang dayuhang
pamumuhunan, lalo na sa turismo, na naging bahagi ng kanyang programa para
sa kaunlaran.
Si Fidel V. Ramos ay kasal kay Amelita Martinez at mayroon silang limang anak
na babae.
Buhay pulitika.

Noong 1992, nagwagi sa halalan ang Kalihim ng Tanggulang Pambansa, si Fidel


Ramos, na inendorso ni Pangulong Aquino, na may 23.6% lamang ng kabuuang
boto sa pagitan ng pitong kandidato. Sa mga unang taon ng kanyang termino,
idineklara niya na mataas niyang prayoridad ang nasyonal na rekonsilyasyon at
gumawa siya ng koalisyon upang makabangon sa mga hidwaan ng
administrasyong Aquino.[40] Ginawa niyang legal ang Partidong Komunista at
nakipag-negosasyon sa mga ito, sa mga rebeldeng Muslim at mga rebeldeng
militar upang kumbinsihin sila na itigil ang kanilang mga kampanya laban sa
pamahalaan. Noong Hunyo 1994, nilagdaan niya ang amnestiyang nagpapatawad
sa mga rebeldeng pangkat, at mga Pilipinong militar at mga pulis na kinasuhan
ng krimen habang nakikipaglaban sa mga rebelde. Noong Oktubre 1995,
nilagdaan ng pamahalaan ang kasunduang nagtatapos sa kaguluhang rebelde.
Isang kasunduang pang-kapayapaan ang nilagdaan ng pamahalaan at ng Moro
National Liberation Front (MNLF), isang pangkat ng mga rebeldeng naghahangad
na maging malayang bansa ang Mindanao, noong 1996, na nagtapos sa
pakikipaglaban na nagtagal ng 24 taon. Ngunit ipinagpatuloy ng humiwalay na
pangkat ng MNLF, angMoro Islamic Liberation Front ang pakikipaglaban.
Maraming mga malalaking protesta ang kumontra sa pagsisikap ng mga taong
sumuporta kay Ramos na susugan ang batas upang magkaroon siya ng
pagkakataong tumakbo muli para sa ikalawang termino, na naging sanhi ng
hindi pagtakbo muli ni Ramos sa halalan.[43]
Mga programa
ng pagkapangulo ng Fidel V. Ramos spanned para sa anim na taon mula sa
Hunyo 30, 1992 sa 30 Hunyo 1998. Sa panahon ng kaniyang pagluklok sa
kapangyarihan, Fidel Ramos ay ang pinakalumang tao na maging Presidente ng
Pilipinas na nasa edad na 64. Siya rin ang unang Protestanteng Pangulo ng
bansa at ang tanging Filipino officer sa kasaysayan upang magkaroon ng klase
tuwing ranggo sa Philippine militar mula sa Ikalawang tinyente saCommander-in-
Chief . Ang ilang mga unang taon ng kanyang pangangasiwa (1992-1995) ay
characterized sa pamamagitan ng pang-ekonomiya boom , teknolohiko
development ,pampulitika katatagan at mahusay na paghahatid ng mga
pangunahing pangangailangan sa mamamayan. Sa panahon ng kanyang oras,
siya advocated platform partido bilang balangkas at agenda para sa
pamamahala. Tulad ng sa kanyang kaso, siya ay ang unang Kristiyano
makademokrasiya ihahalal sa bansa, ang pagiging ang founder ng Lakas-CMD
(Christian-Muslim Democrats Party). Siya ay ang isa sa mga pinaka
maimpluwensyang lider at ang mga hindi opisyal na tagapagsalita ng liberal na
demokrasya sa Asya.

You might also like