You are on page 1of 2

SURIGAO STATE COLLEGE OF TECHNOLOGY

SURIGAO CITY
UNANG GAWAIN PARA SA FM 8
PANGALAN: Boysillo,Angelou A. PETSA:
TAON AT SECTION: BSED Filipino 2D ISKOR:
I. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Ano ang kahalagahan dulot ng grapikong desinyo sa pagtuturo?
Ang kahalagahan ng isang grapikong desinyo sa pagkatuto lalong-lalo na sa mag-
aaral ay upang maunawaan ang mga konsepto o paksa. Ito ay may dalawang
dimensyon ang paghatid ng katotohanan at kaisipan sa paraang maayos, malinaw at
maikli ngunit malaman at buo. Ang Grapikong Desinyo ay mahalaga sa pagtuturo
sapagkat dito natin maihahatid ang isang paksa sa mas malinaw at may pagkakasunod-
sunos na paraan, ito rin nama’y nakakakuha sa interes ng mga mag-aaral dahil sa mga
desinyong ipinapakita at ito’y nagsisilbing gabay nila at sa guro sa pagtalakay sa aralin o
paksa.
2. Paano nakakatulong ang grapiko sa isang guro bilang facilitator lamang?
Nakatutulong ang grapiko sa isang guro o sa pagsisilbing facilitator lamang dahil
ang grapiko ay nagpapahayag na ng mga impormasyon na tutukuyin ng mga mag-aaral
sa pagsagot at pagkatuto patungkol sa paksa. Ang guro ay gumagabay na lamang sa
mga mag-aaral kung sila man ay mga katanungan at gusto pang linawin, gamit ang
grapiko nakakabuo rin naman ang mag-aaral ng kanilang sariling ideya at sagot at dito
malalaman ng guro kung talaga bang may natutunan ang bata

3. Kung ikaw ay guro paano ka pipili ng isang mabuting grapiko o estratehiya para
sa inyong aralin?
Kung ako ang guro, ay pipili ako ng grapiko o estratehiya na kung saan ay
angkop at pasok sa kung ano ang tinatalakay o tatalakayin ko pa sa klase. Ito ay upang
masunod ng mag-aaral at upang hindi sila malito sa kung ano ang nasa grap, ito rin
naman ay magsisilbing aking gabay sa pagkaklase, mas maayos, mas nakakasunod
ang bata at mas maiintindihan nila ang paksang tinatalakay. Ito ang isa sa dapat kong
pagtuunan ng pansin upang maging makabuluhan at may halaga ang aking klase.
4. Alin sa mga makabagong estratehiya ang nakasanayan mong ganapin sa klase
ninyo? Nagustuhan mo ba ito at bakit?
Ang Information Chart, dahil sa estratehiyang ito nakikita kong may maayos na
pagkakasunod-sunod ang pagsasagot ng mga mag-aaral na kung saan ay nagkakaroon
sila ng kooperasyon, pagbabahagi ng kani-kanilang mga sariling ideya at
pagkakaintindihan sa pagsagot sa mga katanungan. Dito sa estratehiyang ito ay mas
lalawig pa ang kanilang mga kaalaman at mas maiintindihan nilang mabuti ang paksang
natalakay.

5. Pumili ng isang grapiko at lapatan ng mga entri nito ayon level ng inyong mga
nais turuan na mag-aaral.

HiRARKIKAL NA DAYAGRAM

TULA

MGA URI NG TULA

TULANG LIRIKO TULANG TULANG TULANG


PASALAYSAY PATNIGAN PADULA

AWIT EPIKO TIBAG


BALAGTAS

SONETO
SENAKULO
AWIT O
KARAGATAN
ODA KORIDO

PANUNULUYAN
ELEHIYA KARANIWANG DUPLO
TU;LANG
KOMEDYA
PASALAYSAY
DALIT

SARSWELA
PASTORAL

You might also like