You are on page 1of 11

LOURDES SCHOOL QUEZON CITY

KAGAWARAN NG HAYSKUL

MGA PLANO SA PAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN


Ikaapat na Taon : Ekonomiks

PAKSA/ARALIN: PINAGKUKUNANG YAMAN PETSA: Hulyo 9-13, 2012


PAGPAPAHALAGA: PAGIGING DISIPLINADO BILANG NG PAGKIKITA: 4
SANGGUNIAN(REFERENCES): Ekonomiks pp. 20-25 MGA KAGAMITAN: Manila Paper, Recitation Sticker, Laptop, at LCD

LAYUNIN
KAALAMAN KASANAYAN PAGPAPAHALAGA

Nalalaman ng mga mag-aaral ang mga Naisasagawa ng mga mag-aaral ang mga Naipamamalas ng mga mag-aaral ang mga sumusunod:
sumusunod: sumusunod:
1. Nakapagtitipid sa paggamit, nagagamit muli at nagagamit sa
1) Ang iba’t ibang uri ng pinagkukunang 1) Pagbuo ng isang programa na aangkop sa ibang kapakanan ang mga kagamitan (3.4.3)
yaman pangangailangan ng ating likas na yaman
2) Kalagayan sa Kasalukuyan upang maihinto ang iba’t ibang maling 2. Nakauunawa at nagtataguyod sa paninindigan ng Simbahang
3) Yamang Tao at Populasyon gawi ng tao sa paggamit nito Katoliko sa mga kasalukuyang isyung panlipunan, pulitikal,
4) Teorya ukol sa Populasyon
5) Lakas Paggawa at Yamang Pisikal
ekonomiko at moral (1.5.3)
2) Pagsusuri ng iba’t ibang kasalukuyang isyu
6) Manggagawang Pilipino at suliranin sa pinagkukunang yaman ng
7) Mga Limitasyon at Suliranin sa bansa at magamit ang mga datos na ito 3. Nakakakita ng mabuting pagpipilian sa paglutas ng suliranin
Pinagkukunang Yaman upang mapabuti ang kalagayan ng ating (2.4.1)
likas na yaman

3) Pagsusuri ng mga programa ng


pamahalaan upang mapabuti ang
kalagayan ng dumaraming populasyon ng
bansa

4) Pagbuo ng mga paghihinuha sa mga


maaaring kahinatnan ng ating likas na
yaman kung patuloy nating sisirain ang
mga ito

5) Pagbibigay ng mga rekomendasyon sa


kung paano mapauunlad ng tao ang
UNANG TRAYMESTRE
TP 2012 - 2013
Inihanda ni Bb. Rolinda G. Lumanlan para sa klase ng Charity, Counsel, Fortitude, Justice, at Wisdom
LOURDES SCHOOL QUEZON CITY
KAGAWARAN NG HAYSKUL

MGA PLANO SA PAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN


Ikaapat na Taon : Ekonomiks

kanyang kakayahan upang maging bahagi


ng produktibong manggagawa ng isang
bansa

6) Aktibong partisipasyon sa mga talakayan


at pagbabahagi ng kanilang mga kaalaman
sa oras ng pangkatang gawain at mga
gawain-upuan

7) Pagsasaliksik ng mga datos na maaaring


gamitin ng klase upang maging patunay sa
totoong kalagayan sa likas na yaman ng
bansa

8) Pagbibigay-halaga sa kaugnayan ng likas


na yaman at populasyon ng bansa

MAHAHALAGANG TANONG (EQ) KINAKAILANGANG PAG-UNAWA (EU) PAGTATAYA

1) Anu-ano ang mga bahaging 1) ang Pilipinas ay binubuo ng iba’t ibang uri Inaasahang Pagganap / Lagumang Pagtataya (PETA) :
ginagampanan ng ating pinagkukunang ng likas na yaman na siyang
yaman upang mapaunlad ang pinagkukunang yaman ng bansa “PINOY MEETS WORLD”
ekonomiya ng bansa?
2) ang wastong paggamit at pangangalaga sa Ang pinagkukunang yaman ng ating bansa ay nakararanas ng maraming
2) Ang pagbuo ng ekonomiya ng isang pinagkukunang yaman ng bansa ay pang-aabuso sa loob ng 50 taon, bilang tugon ang pagbabago ay marapat
bansa ay pinasisikapan ng lahat ng napakahalaga sa pagpapaunlad ng lamang simulan sa sariling komunidad, at ito ang ating paaralan. Ang
sektor ng bansa, bilang isang mag- ekonomiya ng isang bansa gawaing ito ay isasagawa ng buong klase na hahatiin sa loob ng 8
aaral, ano ang iyong magagawa upang pangkat. Ang layunin ng gawain ito ay makabuo ng isang “ad campaign”
makatulong sa pagpapabuti at 3) ang populasyon ng bansa ay maituturing na susuporta sa mga programa ng “waste management committee” ng
pangangalaga ng ating likas na yaman? na isang yaman upang mapaunlad ang paaralan. Ang bawat pangkat ay itatalaga sa iba’t ibang lugar ng paaralan.
ekonomiya nito Ang bawat “ad campaign” ay siyang tutugon sa hamon na “Ang Lourdesian
3) Bakit mahalaga ang likas na yaman ng ay Nagmamalasakit sa Paaralan”.
bansa sa pagpapaunlad at 4) ang sapat na edukasyon ay mahalagang
UNANG TRAYMESTRE
TP 2012 - 2013
Inihanda ni Bb. Rolinda G. Lumanlan para sa klase ng Charity, Counsel, Fortitude, Justice, at Wisdom
LOURDES SCHOOL QUEZON CITY
KAGAWARAN NG HAYSKUL

MGA PLANO SA PAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN


Ikaapat na Taon : Ekonomiks

pagpapatatag ng ekonomiya ng ating salik upang mapabuti ang kalidad ng mga Ang mga mag-aaral ay makapagsasagawa ng pangkatang gawain upang
bansa? pinagkukunang yaman ng bansa makabuo ng isang “ad campaign” na hihikayat upang simulan na
pangalagaan ang ating paaralan.
4) Ang populasyon ba ay mabisang 5) ang pagkakaroon ng produktibong
sukatan ng kasaganahan at yaman ng manggagawa ng isang bansa ay Pamantayan ng Pagmamarka:
bansa? makatutulong ng malaki upang mapaunlad
ang kalagayan ng ekonomiya sa Nilalaman ng Mensahe
5) Bilang isang mag-aaral na magtatapos kasalukuyan Nakakapukaw ng Interes ng mga Mag-aaral
ngayong taon, ano sa palagay mo ang Pagkamalikhain ng “Ad Campaign”
iyong maibabahagi upang mapaunlad 6) ang bawat administrasyon ng ating bansa
ng isang mamamayan ang kanyang ay nagsisikap na mabigyang solusyon ang Mga Pagtatayang Pormatibo:
kakayahan at maibahagi ito sa pag- suliranin sa pinagkukunang yaman ng
unlad ng ating ekonomiya? bansa gayundin ang pagpapabuti ng 1) Gawaing Upuan: Pagbuo ng Bagong Semantic Web at Kahulugan
kasalukuyang kalagayan nito
ng kasaysayan
6) Sa kasalukuyang kalagayan ng ating
bansa, ano sa palagay mo ang 7) ang epektibo at wastong paggamit ng likas
katangian na dapat taglayin ng isang na yaman ng bansa ay nakasalalay sa mga 2) Aktibong Pagsagot sa Resiteysyon
pangulo ng Pilipinas? mamamayan nito
3) Gawaing Upuan: Pagsusuri ng mga Dokumento

7) Kung ikaw ang tatanungin, sa paanong 4) Pagsulat ng Repleksyon


paraan mo mapangangalagaan ang
ating likas na yaman? Anu-anong 5) Maikling Pagsusulit
kongkretong gawain ang magagawa mo
para dito?

ISKEDYUL NG PAGPAPATUPAD
UNANG TRAYMESTRE
TP 2012 - 2013
Inihanda ni Bb. Rolinda G. Lumanlan para sa klase ng Charity, Counsel, Fortitude, Justice, at Wisdom
LOURDES SCHOOL QUEZON CITY
KAGAWARAN NG HAYSKUL

MGA PLANO SA PAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN


Ikaapat na Taon : Ekonomiks

Hulyo 9 Hulyo 10 Hulyo 11 Hulyo 12 Hulyo 13


Lunes Martes Miyerkules Huwebes Biyernes
Unang Pagkikita: Unang Pagkikita: Ikalawang Pagkikita: Ikatlong Pagkikita: Ikaapat na Pagkikita:
Justice Wisdom Fortitude Wisdom Counsel
Counsel Fortitude Wisdom Fortitude Wisdom
Charity Counsel

Ikalawang Pagkikita: Ikatlong Pagkikita: Ikaapat na Pagkikita:


Justice Justice Justice
Counsel Charity Charity
Charity Fortitude

UNANG PAGKIKITA

PAKSA: Pagsasagawa ng Performance Task: IKAW NA DA BEST KA!

1. BALITAAN
Ang guro ay magbabahagi ng isang balita bilang halimbawa ng balitaan sa klase. Ito ang magiging pamantayan ng mga isasagawang balitaan sa klase sa mga
susunod na pagkikita.

2. PANGGANYAK
Pagsusuri ng Larawan: Magpapakita ang guro ng mga larawan, tutukuyin ng mga mag-aaral kung ito ba ay pagsulong o pag-unlad. Matapos ang pagtukoy sa mga
larawan, ipapaliwanag ng mga mag-aaral bakit ito nasa ilalim ng pagsulong o pag-unlad.

3. PAGLINANG NG ARALIN:
1) Malayang Talakayan sa tulong ng mga “Graphic Organizers (Concept Map)” sa bawat teorya ng pagsulong.
UNANG TRAYMESTRE
TP 2012 - 2013
Inihanda ni Bb. Rolinda G. Lumanlan para sa klase ng Charity, Counsel, Fortitude, Justice, at Wisdom
LOURDES SCHOOL QUEZON CITY
KAGAWARAN NG HAYSKUL

MGA PLANO SA PAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN


Ikaapat na Taon : Ekonomiks

2) Pagpapatuloy ng pangkatang pag-uulat ukol sa mga teorya ng pagsulong at pag-unlad.


3) Bawat pangkat ay bibigyan ng teorya na iuulat sa klase sa loob ng 5 minuto bawat teorya.
4) Sa pangkatang pagbabalita, kailangan nilang masagot ang mga sumusunod na katanungan sa ibaba:
 Ano ang nilalaman ng bawat teorya?
 Sino ang mga tagapagtaguyod ng bawat teorya?
 Paano makatutulong sa isang ekonomiya ang nasabing teorya?
 Gaano kahalaga ang bahaging ginampanan ng mga tagpagtaguyod sa mga teorya

4. REPLEKSYON
1) Sa iyong palagay, bakit mahalaga sa isang tulad mo ang maging mapanuri sa mga bagay na iyong pinaniniwalaan?

5. SINTESIS
1) Batay sa mga isinagawang pangkatang pag-uulat, alin sa mga ito ang nahirapan o nadalian ka? Ipaliwanag.

6. PAGSASAGAWA NG PORMATIBONG PAGTATAYA: PAGPAPALIWANAG NG PERFORMANCE TASK: IKAW NA, DA BEST KA!

Kakaumpisa pa lamang ng taong panuruan, at ikaw ay naatasahang sumulat ng isang artikulo o “write up” ukol sa kahalagahan ng wastong pagbabadyet ng oras. At
dahil ikaw ang nangungunang mag-aaral sa iyong antas na bihasa sa pagsasagawa ng iyong mga gawain / responsibilidad bilang isang mag-aaral / indibidwal, kailangan
mong makabuo ng isang payak na plano ukol dito. Ito ay ilalathala sa pahayagang Pax et Bonum at ang iyong mga mambabasa ay ang mga mga-aaral ng Mataas na
Paaralang Lourdes. Ang iyong mabubuong artikulo ay huhusgahan ng tagapatnugot ng Pax et Bonum, ng punung-guro, at koordineytor ng English Area. Ang isang
mahusay at epektibong artikulo ay maaaring ipadala sa mga tanyag na magasin sa bansa.

Ang iyong gawain ay mamarkahan ayon sa mga sumusunod na pamantayan:

Nilalaman = 10 puntos
Organisasyon ng Ideya = 10 puntos
Mensahe ng Artikulo = 15 puntos
Pagsunod sa Mekaniks = 5 puntos

(Tingnan ang rubric sa susunod na pahina)

IKALAWANG PAGKIKITA
UNANG TRAYMESTRE
TP 2012 - 2013
Inihanda ni Bb. Rolinda G. Lumanlan para sa klase ng Charity, Counsel, Fortitude, Justice, at Wisdom
LOURDES SCHOOL QUEZON CITY
KAGAWARAN NG HAYSKUL

MGA PLANO SA PAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN


Ikaapat na Taon : Ekonomiks

PAKSA: Uri ng Pinagkukunang Yaman

7. BALITAAN
Ang guro ay magbabahagi ng isang balita bilang halimbawa ng balitaan sa klase. Ito ang magiging pamantayan ng mga isasagawang balitaan sa klase sa mga
susunod na pagkikita.

8. PANGGANYAK

1) “MOVIE CLIP ANALYSIS”


a. Pagpapanuod ng isang bahagi ng isang “movie clip” na nagpapakita ng iba’t ibang likas na yaman na matatagpuan sa bansa.
b. Mga gabay na tanong:

 Anu-ano ang mga nakikitang larawan sa “movie clip”?


 Paano nakatutulong sa ating bansa ang mga ito?
 Bakit kaya mahalaga sa isang bansa ang pagkakaroon ng likas na yaman?

9. PAGLINANG NG ARALIN:

1) Malayang Talakayan sa tulong ng “Spider Web” – na naglalaman ng mga uri ng likas na yaman ng ating bansa.
2) Tatalakayin ng guro ang mga uri ng likas na yaman sa bansa. Matapos ang talakayan, ang mga mag-aaral naman ang magsasagawa ng mga pagsusuri ukol sa
likas na yaman ng bawat rehiyon sa ating bansa.
3) Pagsasagawa ng isang “dyad activity” ukol sa mga katangian ng mga likas na yaman sa bawat rehiyon ng bansa, mga pangunahing kabuhayan / produkto at mga
suliraning kinakaharap sa kasalukuyan.
4) Magpapamahagi ang guro ng isang “work sheet” na naglalaman ng mga nasabing impormasyon.
5) Mga Gabay na Tanong:
 Anu-ano ang mga bumubuo na likas na yaman sa inyong rehiyon?
 Paano napakikinabangan ng bansa ang mga nabanggit na likas na yaman?
 Anu-ano ang kasalukuyang suliranin na kinakaharap ng kanilang rehiyon sa kasalukuyan.
 Paano nila pinangangalagaan ang likas na yaman ng kanilang lugar?

10.REPLEKSYON
2) Sa iyong palagay, bakit itinuturing na mayaman ang Pilipinas sa likas na yaman subalit nanatiling mahirap ang karamihang Pilipino? Ipaliwanag.
Bilang isang Lourdesian, paano ka makatutulong upang mapanatili ang kaayusan ng ating kapaligiran at mapangalagaan ang ating mga likas na yaman?
Ipaliwanag.

UNANG TRAYMESTRE
TP 2012 - 2013
Inihanda ni Bb. Rolinda G. Lumanlan para sa klase ng Charity, Counsel, Fortitude, Justice, at Wisdom
LOURDES SCHOOL QUEZON CITY
KAGAWARAN NG HAYSKUL

MGA PLANO SA PAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN


Ikaapat na Taon : Ekonomiks

11.SINTESIS
Panuto: Pagsasagawa ng “Bidding sa Likasa na Yaman”

1) Magpapamahagi ang guro ng mga papel na naglalaman ng mga likas na yaman ng bansa.
2) Mula sa mga likas na yamang ito magkakaroon ng “bidding” ang bawat kolum sa klase.
3) May kaukulang puntos ang mga kagamitan na mayroon sila upang mabili ang nais nilang likas yaman.

Mga gabay na tanong:


a. Ano ang naramdaman mo matapos isagawa ang “bidding”?
b. Matapos ito, gaano kahalaga ang pagkakaroon ng likas na yaman sa ekonomiya ng isang bansa? Ipaliwanag.
c. Anong realisasyon ang nabuo sa iyo matapos ang pagsasagawa nito?

12.PAGSASAGAWA NG PORMATIBONG PAGTATAYA: “DYAD ACTIVITY”

Panuto: Punan ng sapat na impormasyon ang “worksheet” na ipinamahagi ng guro. (sundan ang kopya sa susunod na pahina)

IKATLONG PAGKIKITA
PAKSA: Kalagayan sa Kasalukuyan
Mga Suliranin ng Likas Yaman

1. BALITAAN
Ang guro ay magbabahagi ng isang balita bilang halimbawa ng balitaan sa klase. Ito ang magiging pamantayan ng mga isasagawang balitaan sa klase sa mga
susunod na pagkikita.

2. PANGGANYAK
1) “Pagsusuri ng Video Clip ng Bagyong Ondoy / Falcon”
 Pagpapakita ng isang “video clip” ukol sa nakaraang bagong Ondoy.
2) Mga gabay na tanong:
 Anu-ano ang nais iparating ng “video clip”?
 Batay sa napanuod, bakit nangyayari nang tulad nito sa bansa?
 Sa iyong palagay, paano ito makakaapekto sa ating bansa?

UNANG TRAYMESTRE
TP 2012 - 2013
Inihanda ni Bb. Rolinda G. Lumanlan para sa klase ng Charity, Counsel, Fortitude, Justice, at Wisdom
LOURDES SCHOOL QUEZON CITY
KAGAWARAN NG HAYSKUL

MGA PLANO SA PAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN


Ikaapat na Taon : Ekonomiks

3. PAGLINANG NG ARALIN:
a. Pagsusuri ng isang dokumentaryong pelikula na pinamagatang “Nasaid na Yaman”.
b. Ang guro ay magpapamahagi ng mga “worksheets” na siyang magiging gabay ng mga mag-aaral ukol sa mga nilalaman ng dokumentaryong pelikula.
c. Ano ang tema ng napanuod na dokumentaryo?
d. Ano ang iyong naramdaman habang nakikita ang mga larawan na nasa dokumentaryo?
e. Anu-anong suliraning pang-kalikasan ang nakita sa dokumentaryo?
f. Paano kaya ito mabibigyan ng sapat na kalutasan sa kasalukuyan?
g. Bakit mahalaga ang likas na yaman ng bansa sa pagpapaunlad at pagpapatatag ng ekonomiya ng ating bansa?
h. Mula rito, papangkatin ng guro ang klase sa walong pangkat. Gagawa sila ng kani-kanilang “position paper” ukol sa mga rekurso ng likas na yaman na nabanggit
sa dokumemntaryong pelikula.
i. Magpapakita ang guro ng mga paksang may kinalaman sa napanuod at pipili sila ng kanilang sariling paksa.

4. REPLEKSYON
1) Sa iyong palagay, bilang isang kabataan paano mo matutulungan na sagipin ang ating bansa sa kasalukuyang banta ng pagkasira nito?

5. PAGPAPAHALAGA
1) Bilang isang mamamayan ng ating bayan, ano sa palagay mo ang mga bagay na iyong magagawa upang makatulong sa mga suliraning pang-kalikasan ng ating
bayan?

6. SINTESIS
1) Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman ukol sa mga kaganapan ng ating likas yaman sa bansa?

7. TAKDANG ARALIN
Bilang tugon sa ating pagpapahalaga sa ating pinagkukunang yaman, magsaliksik ng mga datos ukol sa mga pinagkukunang yaman ng bansa na tila papaubos na.
Sumulat ng isang lathalain na nagpapakita ng TOP 5 MOST EDAGERED RESOURCES o LIMANG PANGUNAHING PAPAUBOS NA LIKAS NA YAMAN NG BANSA.
Suriin din ang mga dahilan ng pagkaubos nito at ang kaugnayan sa lumalaking populasyon ng ating bansa. Isulat ito sa isang short bond paper at gawing malikhain
ang lathalain.

SANGGUNIAN: Batayang Aklat pahina 18-24

IKAAPAT NA PAGKIKITA
PAKSA: Yamang Tao at Populasyon

UNANG TRAYMESTRE
TP 2012 - 2013
Inihanda ni Bb. Rolinda G. Lumanlan para sa klase ng Charity, Counsel, Fortitude, Justice, at Wisdom
LOURDES SCHOOL QUEZON CITY
KAGAWARAN NG HAYSKUL

MGA PLANO SA PAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN


Ikaapat na Taon : Ekonomiks

1. BALITAAN
Ang guro ay nagtakda ng tagapagbalita sa bawat araw ng pagkikita. Ang nakatakdang magbalita ay inaasahang magbibigay ng kanyang pananaw tungkol sa kanyang
sinaliksik na balita. Magkakaroon ng pagproseso sa isinagawang pagbabalita sa pamamagitan ng malayang talakayan.

2. BALIK-ARAL
Magtatanong ang guro ng mga reaksyon ukol sa napanuod na dokumentaryong pelikula. Ang mga mag-aaral ay aatasan na magbahagi sa klase ng kanilang saloobin
habang pinapanuod ang pelikula.

3. PANGGANYAK

1) “Pagsusuri ng larawang ng dalawang magkaibang pamilya”


a. Ang guro ay magpapakita ng malaki at maliit na pamilya sa tulong ng mga larawan na dala ng mga mag-aaral.
b. Susuriin ng mga mag-aaral ang mga nasabing larawan.

2) Mga gabay na tanong:


 Ano ang makikita sa larawan?
 Paano nagkakaiba ang dalawang larawan?
 Alin kaya sa dalawang larawan ang marami sa ngayon sa ating bansa?
 Paano ito nakakakapekto sa ating bansa?

4. PAGLINANG NG ARALIN

1) Paggamit ng mga datos ng populasyon sa iba’t ibang bansa sa Asya at pagkuha ng mga sumusunod na bilang gamit ang mga pormula sa ibaba.

2) Magpapakita ang guro ng isang “Wind Mill Map” kung saan dito nila itatala ang mga salita na may kaugnayan sa kahulugan ng yamang tao.

3) Mga Gabay na Tanong:


 Ano ang ibig sabihin ng populasyon?
 Anu-ano ang mga inilahad ni Malthus ukol sa populasyon?
 Ilan ang kasalukuyang populasyon ng ating bansa?
 Paano nakakaapekto sa Pilipinas ang pagkakaroon ng ganitong bilang ng populasyon?
 Ang populasyon ba ay mabisang sukatan ng kasaganahan at yaman ng bansa?

Dependency Ratio = mahigit sa 64 taon + wala pang 14 na taon Densidad ng Populasyon= Populasyon
UNANG TRAYMESTRE
Bilang ng may hanapbuhay + di-sapat na hanapbuhay TP 2012 - 2013 Laki ng Lupa
Inihanda ni Bb. Rolinda G. Lumanlan para sa klase ng Charity, Counsel, Fortitude, Justice, at Wisdom
LOURDES SCHOOL QUEZON CITY
KAGAWARAN NG HAYSKUL

MGA PLANO SA PAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN


Ikaapat na Taon : Ekonomiks

4) Magpapakita rin ang guro ng tsart na nagpapakita ng mga datos ukol sa dami o bilang ng populasyon sa Pilipinas at buong mundo.

5) Matapos ito, magpapakita ang guro ng “flash card” na naglalaman naman ng pormula sa pagkokompyut ng “dependency ratio” at pag densidad o kakapalan ng
populasyon.

5. REPLEKSYON / PAGPAPAHALAGA
1) Bilang isang kabataan, paano ka makatutulong sa paglutas ng mga suliranin na dulot mg paglaki ng populasyon? Ano ang iyong magagawa ukol dito?
Ipaliwanag
6. SINTESIS
1) Ipaliwanag ang “graphic organizer” sa ibaba:

YAMANG TAO

Populasyon
n
EPEKTO NG MALAKING POPULASYON

Salik ng Pag-unlad Banta sa Limitadong Yaman ng Bansa

SULIRANIN UKOL SA POPULASYON

7. PAGSASAGAWA NG PORMATIBONG PAGTATAYA: MAIKLING PAGSUSULIT


Ibibigay ng guro ang kanyang mga tagubilin sa pagsagot sa pagsusulit. Ito ay tatagal lamang ng 20 minuto at nararapat sundin ng mga mag-aaral ang lahat ng
panuto sa pagsusulit. (tingnan ang kopya ng pagsusulit sa susunod na pahina)

UNANG TRAYMESTRE
TP 2012 - 2013
Inihanda ni Bb. Rolinda G. Lumanlan para sa klase ng Charity, Counsel, Fortitude, Justice, at Wisdom
LOURDES SCHOOL QUEZON CITY
KAGAWARAN NG HAYSKUL

MGA PLANO SA PAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN


Ikaapat na Taon : Ekonomiks

REPLEKSYON NG GURO:

________________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________

UNANG TRAYMESTRE
TP 2012 - 2013
Inihanda ni Bb. Rolinda G. Lumanlan para sa klase ng Charity, Counsel, Fortitude, Justice, at Wisdom

You might also like