You are on page 1of 7

LOURDES SCHOOL QUEZON CITY

KAGAWARAN NG HAYSKUL

MGA PLANO SA PAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN


Ikaapat na Taon : Ekonomiks

PAKSA/ARALIN: PUNDASYON NG PAG-AARAL NG EKONOMIKS PETSA: Hunyo 19-22, 2012


PAGPAPAHALAGA: PAGIGING MAPANURI BILANG NG PAGKIKITA: 3
SANGGUNIAN (REFERENCES): Ekonomiks pp. 9-15 MGA KAGAMITAN: Manila Paper, Recitation Sticker, Laptop, at LCD

ISKEDYUL NG PAGPAPATUPAD
Hunyo 18 Hunyo 19 Hunyo 20 Hunyo 21 Hunyo 22
Lunes Martes Miyerkules Huwebes Biyernes
Unang Pagkikita: Unang Pagkikita: Ikalawang Pagkikita: Ikatlong Pagkikita: Ikaapat na Pagkikita:
Justice Wisdom Fortitude Wisdom Counsel
Counsel Fortitude Wisdom Fortitude Fortitude
Charity Counsel Wisdom

Ikalawang Pagkikita: Ikatlong Pagkikita: Ikaapat na Pagkikita:


N.B. Justice Justice Justice
 Walang pagkikita Counsel Charity Charity
noong Miyerkules at Charity
maraming klase ang
naantala sa mga N.B. N.B.
N.B. N.B.
espesyal na iskedyul  May mga  Magkakaroon ng “Students’
kung kaya’t hindi pa
 Magkakaroon ng “CSAT”  Magkakaroon ng
maaantalang Mass”.
naisasagawa ng guro ang mga mag-aaral sa “CEM TEST” ang
ang 2 aralin noong
klase para sa “ID Ikaapat na Taon. mga mag-aaral sa
nakaraang linggo. Picture Taking at Ikaapat na Taon.
Grad Picture  Isasagawa ito mula 1:00-
 Itutuloy din ang Taking” mula 4:00 ng hapon.  Isasagawa ito mula
naantalang iskedyul Hunyo 18-22, umaga hanggang
ng “guidance testing” 2012. hapon.
sa mga mag-aaral.

 Walang klase dahil


sa bagyong
“Butchoy”.

UNANG TRAYMESTRE
TP 2012 - 2013
Inihanda ni Bb. Rolinda G. Lumanlan para sa klase ng Charity, Counsel, Fortitude, Justice, at Wisdom
LOURDES SCHOOL QUEZON CITY
KAGAWARAN NG HAYSKUL

MGA PLANO SA PAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN


Ikaapat na Taon : Ekonomiks

IKALAWANG PAGKIKITA
PAKSA: Mga Saklaw at Dibisyon ng Ekonomiks
Kahalagahan ng Ekonomiks

1. BALITAAN
Ang guro ay nagtakda ng tagapagbalita sa bawat araw ng pagkikita. Ang nakatakdang magbalita ay inaasahang magbibigay ng kanyang pananaw tungkol sa
kanyang sinaliksik na balita. Magkakaroon ng pagproseso sa isinagawang pagbabalita sa pamamagitan ng malayang talakayan.

2. PANGGANYAK
1) Pagpapakita ng isang pinta ni Juan Luna na pinamagatang “The Parisian Life” sa loob ng 10 segundo.

2) Mga gabay na tanong:


a. Ano ang tatlong pangunahing bagay na makikita mo sa larawan?
b. Matapos sagutin ng klase, ipakikita muli ng guro ng mas matagal ang larawan.
c. Muli, anu-ano ang mga bagay na nasa larawan?
d. Nais ng guro na ipakita sa kanila ang esensya ng pagpapakita ng kabuuan ng larawan, ay
kasing-halaga ng pag-unawa sa mga bahagi nito.
e. Ang konseptong ito ay tulad sa pag-aaral ng ekonomiks at ang mga dibisyon nito.

3. PAGLINANG NG ARALIN:
A. Mga Tiyak na Istratehiyang Gagamitin sa Pagtalakay:
1) Gagamit ang guro ng “Tri-Question Approach”
1. Gaano kalawak ang saklaw ng pag-aaral ng ekonomiks?
2. Anu-anong aspeto ng pamumuhay ang nakapaloob dito?
3. Paano kumikilos ang mga tao sa kanilang paggawa ng desisyong pang-ekonomiya?

2) Matapos ang talakayan, magsasagawa ng pangkatang gawain ukol sa saklaw ng ekonomiks sa kanilang buhay bilang isang mag-aaral, anak, kapatid o
kaibigan.
3) Ang guro ay magpapakita ng isang “video clip” na may pinamagatang “Economics to me”.

UNANG TRAYMESTRE
TP 2012 - 2013
Inihanda ni Bb. Rolinda G. Lumanlan para sa klase ng Charity, Counsel, Fortitude, Justice, at Wisdom
LOURDES SCHOOL QUEZON CITY
KAGAWARAN NG HAYSKUL

MGA PLANO SA PAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN


Ikaapat na Taon : Ekonomiks

4) Gagamitin ito ng guro upang maipakita sa klase ang inaasahan na talakayan sa pangkatrang Gawain.
5) Ang klase ay hahatiin sa 8 pangkat at bibigyang ang bawat pangkat ng manila paper kung saan doon nila itatala ang mga talakayan ng kanilang pangkat.
6) Matapos ang 15 minuto, bawat pangkat ay bibigyan ng tig-3 minuto upang magbahagi sa klase ng kanilang natalakay sa pangkat.
7) Paano nakatutulong sa isang tao ang pagkakaroon ng kaalaman sa pag-aaral ng ekonomiks ?
8) Sa paanong paraan natin makikita ang esensya ng ekonomiks sa ating pang-araw araw na pamumuhay?

4. REPLEKSYON
1) Ang pag-unlad ba ng bansa ay nakasalalay sa natutuhan ng mag-aaral sa Ekonomiks?
2) Magbigay ng mga sitwasyon sa ating bansa na magpapatunay sa iyong pananaw?

5. PAGPAPAHALAGA
1) Anong pag-uugali o pagpapahalaga ang maaari nating isabuhay upang tuluyang umunlad ang ating bansa?
2) Paano mo bibigyang patunay sa ating bansa ang ganitong konsepto?

6. SINTESIS:
1) Bakit mahalagang matutunan ng mga mag-aaral ang konsepto ng ekonomiks? EQ 6
2) Paano maiuugnay ang Ekonomiks sa mga ss.:
a. Pamumuhay
b. Kasaysayan
c. Pulitika
7. EBALWASYON NG PAGKATUTO : GAWAING UPUAN
Magkakaroon ng Pagmamarka sa Talakdaan ng Resitasyon ang guro batay sa pagbabahagi ng isinagawa ng mga pangkat sa klase ukol sa paksa.

8. TAKDANG ARALIN
1) Magsaliksik sa mga iba’t ibang pananaw sa pag-aaral ng Ekonomiks.
2) Makabubuting sumangguni sa ibang aklat maliban sa batayang aklat ng klase.
3) Maghanda para sa pagtalakay nito sa klase sa susunod na pagkikita.
SANGGUNIAN: Aklat ni Sonia M. Zaide pp. 9-11 pp. ; 15-21
Aklat ni Maria Theresa N.Lauron, PP. 4–5

UNANG TRAYMESTRE
TP 2012 - 2013
Inihanda ni Bb. Rolinda G. Lumanlan para sa klase ng Charity, Counsel, Fortitude, Justice, at Wisdom
LOURDES SCHOOL QUEZON CITY
KAGAWARAN NG HAYSKUL

MGA PLANO SA PAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN


Ikaapat na Taon : Ekonomiks

IKATLONG PAGKIKITA
PAKSA: Mga Perspektibo o Pananaw sa Pag-aaral ng Ekonomiks

1. BALITAAN
Ang guro ay nagtakda ng tagapagbalita sa bawat araw ng pagkikita. Ang nakatakdang magbalita ay inaasahang magbibigay ng kanyang pananaw tungkol sa
kanyang sinaliksik na balita. Magkakaroon ng pagproseso sa isinagawang pagbabalita sa pamamagitan ng malayang talakayan.

2. BALIK-ARAL
Ang guro ay magtatanong ng ilang bagay ukol sa saklaw ng ekonomiks. Hanggang saan ang saklaw ng ekonomiks? Paano nakakaaepekto ang ekonomiks sa pang-
araw araw na pamumuhay ng tao? Gaano kahalaga ang dalawang dibisyon ng ekonomiks sa pag-aaral ng ekonomiya ng bansa.

3. PANGGANYAK

1) Pagsasagawa ng Pangkatang Gawain: Pagsusuri ng mga Balita sa Pahayagan


a. Hahatiin ang klase sa 8 pangkat at bawat pangkat ay magkakaroon ng kani-kaniyang balita sa pahayagan na ipinamahagi ng guro.
b. Bibigyan ng 5 minuto ang bawat pangkat upang suriin ang balita. Matapos ito, magbabahagi ang bawat pangkat sa klase.
c. Mula sa balita, inaasahan na ang bawat pangkat ay magkakaroon ng kani-kanilang pananaw sa pag-unawa sa balita/artikulo na ipinakita ng guro.

4. PAGLINANG NG ARALIN

a. Matapos magsagawa ng “story telling” sa klase, itatanong ng guro ang mga sumusunod na katanungan:

 Ano ang maaring nangyari sa tatlong palaka sa loob ng balon?


 Bakit may iba-iba silang kasagutan sa iisang tanong?
 Paano natin ito maiuugnay sa mga pangyayari ng ating buhay?
 Mula sa mga karikatura, anu-ano ang mga pananaw sa pag-aaral ng ekonomiks?
 Paano nagkakaiba ang dalawang pananaw?
 Sa paanong paraan nagkakaiba ang mga nabanggit ng pananaw?
 Paano nakatulong ang mga pananaw na ito sa pag-aaral ng ekonomiks?

b. Magsasagawa din ang guro ng malayang talakayan ukol sa mga pananaw sa pag-aaral ng ekonomiks gamit ang “graphic organizer” na nasa ibaba:

UNANG TRAYMESTRE
TP 2012 - 2013
Inihanda ni Bb. Rolinda G. Lumanlan para sa klase ng Charity, Counsel, Fortitude, Justice, at Wisdom
LOURDES SCHOOL QUEZON CITY
KAGAWARAN NG HAYSKUL

MGA PLANO SA PAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN


Ikaapat na Taon : Ekonomiks

NEOKLASIKAL NA PANANAW

E P
K A
O N
N A
O
N
M
A
I
K W
S

SIYENTIPIKONG PANANAW

5. REPLEKSYON / PAGPAPAHALAGA
 Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng isang pananaw sa pag-aaral ng Ekonomiks? Ipaliwanag.

6. SINTESIS
1) Ibigay ang mga pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang pananaw sa tulong ng “ Venn Diagram “

NEOKLASIKAL SIYENTIPIKON
NA PANANAW G
PANANAW
7. EBALWASYON NG PAGKATUTO :
GAWAING UPUAN BLG. 1
Panuto: Gumawa ng isang repleksyong papel kung paano naaapektuhan ng Ekonomiks ang ating buhay.
Pamantayan sa Pagmamarka: Gagamit ang guro ng rubric sa pagmamarka ng sanaysay.

UNANG TRAYMESTRE
TP 2012 - 2013
Inihanda ni Bb. Rolinda G. Lumanlan para sa klase ng Charity, Counsel, Fortitude, Justice, at Wisdom
LOURDES SCHOOL QUEZON CITY
KAGAWARAN NG HAYSKUL

MGA PLANO SA PAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN


Ikaapat na Taon : Ekonomiks

IKAAPAT NA PAGKIKITA

PAKSA: Pagpapaliwanag ng “Transfer Task”


Pagsulat ng “Open Letter at Pagsasagawa ng “Seminar/Forum”

1. BALITAAN
Ang guro ay nagtakda ng tagapagbalita sa bawat araw ng pagkikita. Ang nakatakdang magbalita ay inaasahang magbibigay ng kanyang pananaw tungkol sa
kanyang sinaliksik na balita. Magkakaroon ng pagproseso sa isinagawang pagbabalita sa pamamagitan ng malayang talakayan.

2. PANGGANYAK
1) Ang guro ay magpapakita ng isang halimbawa ng “video clip” na nagpapakita sa proseso ng isang “seminar / forum”.
2) Magpapakita din ang guro ng mga halimbawa ng “open letter” na ginawa ng mga nakaraang mag-aaral at ang mga halimbawa ng tugon ng mga ahensya.
3) Mga gabay na tanong:
a. Anu-ano ang mga nakita sa “video clip”?
b. Bakit kaya ginagawa ang mga pagpupulong tulad nito?
c. Mahalaga ba sa isang bansa natin ang mga ganitong uri ng programa?

3. PAGLINANG NG ARALIN:
A. Mga Tiyak na Istratehiyang Gagamitin sa Pagtalakay: Malayang Talakayan at Pangkatang-gawain
1) Ang guro ay magpapakita ng mga suliranin ukol sa likas na yaman at pipili ang mag-aaral ng solusyon sa pisara.
2) Anu-ano ang mga programa ang naaangkop sa ating bansa?
3) Paano nakatutulong ang mga programang pang-kalikasan sa kasalukuyan?
4) Ipaliliwanag ng guro ang gawain ng klase gayundin ang gabay sa pagsasagawa ng “transfer task” sa tulong ng “power point presentation”.

4. REPLEKSYON
1) Paano ninyo nabuo ang konsepto ng inyong gawain ? Naging madali o mahirap ba ang pagpaplano ninyo ? Bakit mo nasabi ?

5. PAGPAPAHALAGA
1) Sa iyong palagay, ano ang maitutulong ng isasagawang ninyong gawain upang matulungan ang mga suliraning may kinalaman sa pinagkukunang yaman ng
bansa? Sa paanong paraan ito makatutulong sa bansa? Ipaliwanag.

UNANG TRAYMESTRE
TP 2012 - 2013
Inihanda ni Bb. Rolinda G. Lumanlan para sa klase ng Charity, Counsel, Fortitude, Justice, at Wisdom
LOURDES SCHOOL QUEZON CITY
KAGAWARAN NG HAYSKUL

MGA PLANO SA PAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN


Ikaapat na Taon : Ekonomiks

6. SINTESIS:
1) Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng epektibong programa na tutugon sa mga suliranin ng ating likas yaman sa bansa?

7. EBALWASYON NG PAGKATUTO : GAWAING UPUAN


 Magkakaroon ng “peer assessment”. (gamit ang rubric sa pangkatang gawain)

8. TAKDANG ARALIN
1) Humanda sa isang maikling pagsusulit.
2) Magbalik-aral sa mga nakaraang paksa ukol sa mga ss.:
 Ekonomiks at Saklaw ng Pag-aaral ng Ekonomiks
SANGGUNIAN: Batayang Aklat pahina 2-9

REPLEKSYON NG GURO:

_______________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________________

UNANG TRAYMESTRE
TP 2012 - 2013
Inihanda ni Bb. Rolinda G. Lumanlan para sa klase ng Charity, Counsel, Fortitude, Justice, at Wisdom

You might also like