You are on page 1of 9

LOURDES SCHOOL QUEZON CITY

KAGAWARAN NG HAYSKUL

MGA PLANO SA PAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN


Ikaapat na Taon : Ekonomiks

PAKSA/ARALIN: PAGKOSUMO PETSA: Agosto 21-24, 2012


PAGPAPAHALAGA: PAGIGING MAPANURI BILANG NG PAGKIKITA: 2

SANGGUNIAN(REFERENCES): Ekonomiks ni Imperial pp. 127-130 MGA KAGAMITAN: Manila Paper, Recitation Sticker , Laptop, at LCD

LAYUNIN
KAALAMAN KASANAYAN PAGPAPAHALAGA
Nalalaman ng mga mag-aaral ang mga Naisasagawa ng mga mag-aaral ang mga Naipamamalas ng mga mag-aaral ang mga sumusunod:
sumusunod: sumusunod:

1) Kahulugan ng Pagkonsumo 1) Pagbuo ng konsepton ukol sa pagkonsumo 1. Nalilinang ang mga kasanayan sa kritikal/mapanuring pag-iisip
upang makita ang kaugnayan ng mga pangyayari (6.3.2)
2) Mga Uri at Salik ng Pagkonsumo 2) Pag-uuri ng pagkonsumo ng mga mamimili
2. Natatanggap ang mga resposnibilidad at pananagutan sa kapwa
3) Lebel ng Pagkonsumo 3) Pagsusuri ng iba’t ibang salik na
at bagay na nasa ilalim ng sariling
nakakaapekto sa pamimili ng mga
4) Paghahambing ng Lebel ng konsyumer
pangangalaga (5.2.4)
Pagkonsumo ng Pamilyang Pilipino
4) Paggawa ng isang tsart na nagpapakita ng 3. Naisasagawa ang lahat ng gawain sa paraang maayos at
5) Mga Batas ng Pagkonsumo mga lebel ng pagkonsumo ng mga organisado (4.4.2)
pamilyang Pilipino
6) Ang Pagkonsumo ng Pamilyang Pilipino
5) Pagsusuri ng mga katangian ng isang
7) Mga Aspetong Kultural na mapanuring mamimili
Nakakaapekto sa Pagkonsumo ng mga
Pilipino 6) Pagtugon sa mga karapatan at tungkulin
ng isang mamimili
8) Katangian ng Mamimili

9) Tungkulin at Karapatan ng Mamimili

10) Mga Batas at Ahensya na


Nangangalaga sa mga Mamimili

UNANG TRAYMESTRE
TP 2012 - 2013
Inihanda ni Bb. Rolinda G. Lumanlan para sa klase ng Charity, Counsel, Fortitude, Justice, at Wisdom
LOURDES SCHOOL QUEZON CITY
KAGAWARAN NG HAYSKUL

MGA PLANO SA PAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN


Ikaapat na Taon : Ekonomiks

MAHAHALAGANG TANONG (EQ) KINAKAILANGANG PAG-UNAWA (EU) PAGTATAYA

1) Anu-ano ang mga salik ng na 1) ang mga salik na nakakaapekto sa Inaasahang Pagganap / Lagumang Pagtataya (PETA) :
nakakaapekto sa pagkonsumo ng isang pagkonsumo ng tao ay mahalaga upang “THE PRICE IS RIGHT ”
tao? maisaalang-alang ang mga
pangangailangan at kagustuhan Ang iyong pangalan ay napili ng isang “game show” na magsagawa ng
2) Bakit mahalaga na uriin ang “Grocery Challenge” at “Money Diary”. Pinadalhan ka ng nasabing
pagkonsumo ng isang mamimili? 2) ang mga mga mamimili ay may programa ng mga gabay ukol sa pagsasagawa ng laro. Ang unang hamon
pagkakaiba sa isa’t isa ayon sa kanilang ay makapagsagawa ka ng pagtitipid sa pamimili ng inyong buwanang
3) Sa paanong paraan nagkakaiba ang mga pangangailangan at kagustuhan pangangailangan sa bahay at ang ikalawang hamon ay magakaroon ng
lebel ng pagkonsumo ng mga Pilipino isang “Money Diary” ng iyong personal na gastusin. Upang manalo,
sa ating bansa? 3) ang lebel ng pagkonsumo ng mga Pilipino ipadadala mo ang komoyutasyon o resibo ng inyong pinamili at ang iyong
ay naaayon sa kanyang kakayahang bumili “money diary” sa nasabing programa. Kung sino ang makapagpapadala ng
4) Paano nakakaapekto sa mga Pilipino ng mga produkto at serbisyo resibo at “money diary” na may pinakamalaking natipid ay magkakaroon
ang iba’t ibang aspetong kultural na ng isang surpresa mula sa programa. Kailangan mong kumbinsihin ang
kinalakihan natin? 4) ang kulturang Pilipino ay nakakaapekto sa iyong magulang na isama ka sa pamimili sa “grocery”.
pagkonsumo ng mga Pilipino
5) Bakit mahalaga ang pagiging (Tingnan ang rubric sa susunod na pahina)
mapanuring mamimili? 5) ang pagiging mapanuring mamimili ay
makatutulong upang makaiwas sa
6) Bakit mahalaga sa isang konsyumer na anumang uri ng panloloko sa pamimili Mga Pagtatayang Pormatibo:
malaman ang kanyang mga karapatan
1) Gawaing Upuan: Pagbuo ng Bagong Semantic Web at Kahulugan
at tungkulin? 6) ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa
ng kasaysayan
kanyang mga tungkulin at karapatan
7) Paano nakatutulong ang mga ahensya bilang konsyumer ay makatutulong na
2) Aktibong Pagsagot sa Resiteysyon
ng pamahalaan sa pangangalaga ng malaki sa kanyang pagkonsumo 3) Gawaing Upuan: Pagsusuri ng mga Dokumento
mga karapatan ng mga mamimili? 4) Pagsulat ng Repleksyon
7) na may mga ahensya ng pamahalaan na 5) Maikling Pagsusulit
handang pangalagaan at bigyan ng
proteksyon ang mga mamimiling Pilipino
sa anumang uri ng pandaraya at panloloko

UNANG TRAYMESTRE
TP 2012 - 2013
Inihanda ni Bb. Rolinda G. Lumanlan para sa klase ng Charity, Counsel, Fortitude, Justice, at Wisdom
LOURDES SCHOOL QUEZON CITY
KAGAWARAN NG HAYSKUL

MGA PLANO SA PAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN


Ikaapat na Taon : Ekonomiks

ISKEDYUL NG PAGPAPATUPAD
Agosto 20 Agosto 21 Agosto 22 Agosto 23 Agosto 24
Lunes Martes Miyerkules Huwebes Biyernes
Unang Pagkikita: Ikalawang Pagkikita: Ikalawang Pagkikita:
Fortitude Wisdom Counsel
Wisdom Fortitude
Justice Justice
Charity Charity

Unang Pagkikita: Ikatlong Pagkikita:


N.B. Counsel Fortitude
 Walang klase sa una at
ikalawang pagkikita bilang Wisdom
pagbibigay-daan sa “Eid ul
Fitr” at “Ninoy Aquino N.B.
Day”.  Walang klase sa 3rd at 4th am N.B.
bilang pagkakaroon ng  Walang klase sa 1st at 2nd am bilang
 Kung kaya’t dalawa lang seminar na pamumunuan ng pagkakaroon ng seminar na
ang pagkikita ng guro sa pangkat ng Counsel. pamumunuan ng pangkat ng Counsel.
mga klase sa Ikaapat na
Taon.

UNANG TRAYMESTRE
TP 2012 - 2013
Inihanda ni Bb. Rolinda G. Lumanlan para sa klase ng Charity, Counsel, Fortitude, Justice, at Wisdom
LOURDES SCHOOL QUEZON CITY
KAGAWARAN NG HAYSKUL

MGA PLANO SA PAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN


Ikaapat na Taon : Ekonomiks

UNANG PAGKIKITA

PAKSA: Aspetong Kultural ng Pagkonsumo

1. BALITAAN
Ang guro ay nagtakda ng tagapagbalita sa bawat araw ng pagkikita. Ang nakatakdang magbalita ay inaasahang magbibigay ng kanyang pananaw tungkol sa
kanyang sinaliksik na balita. Magkakaroon ng pagproseso sa isinagawang pagbabalita sa pamamagitan ng malayang talakayan.

2. BALIK-ARAL
Ang guro ay maglalahad ng mga sitwasyon / larawan ng pagkonsumo ng mga Pilipino at uuriin ng piling mag-aaral kung anong uri ng batas sa pagkonsumo ang mga
ito. Bibigyan nila ng pangatwiran ang mga ito.

3. PANGGANYAK
Pagsusuri ng larawan ukol sa pagkonsumo ng tao na naapaektuhan ng aspetong kultural.
Mga gabay na tanong:
 Ano ang nakikita sa larawan ng mga produkto?
 Anong aspeto ang nakakaapekto sa mamimili upang bilhin ang produkto na nasa larawan?
 Ikaw ba ay nakararanas din ng ganitong istilo ng pagkonsumo?
 Sa paanong paraan mo ito nagagawa?

UNANG TRAYMESTRE
TP 2012 - 2013
Inihanda ni Bb. Rolinda G. Lumanlan para sa klase ng Charity, Counsel, Fortitude, Justice, at Wisdom

Mga Aspetong Kultural na Nakakaapekto sa Pagkonsumo ng


Pakikisama
Rehiyonalismo
Hospitalidad mgasaPilipino
Pagpapahalaga Edukasyon
Utang na Loob Kalinisan sa
Pakikipagsapalaran
Katawan
ma
4. PAGLINANG NG ARALIN
LOURDES SCHOOL QUEZON CITY
Pagsasagawa ng Malayang Talakayang sa tulong ng “facstorming web” ukol sa paksa.
KAGAWARAN NG HAYSKUL

MGA PLANO SA PAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN


Ikaapat na Taon : Ekonomiks

IKALAWANG PAGKIKITA
PAKSA: Katangian, Tungkulin, at Karapatan ng Mamimili

1. BALITAAN
Ang guro ay nagtakda ng tagapagbalita sa bawat araw ng pagkikita. Ang nakatakdang magbalita ay inaasahang magbibigay ng kanyang pananaw tungkol sa kanyang
sinaliksik na balita. Magkakaroon ng pagproseso sa isinagawang pagbabalita sa pamamagitan ng malayang talakayan.

2. BALIK-ARAL
Ang guro ay magpapakita ng mga katangiang kultural ng mga Pilipino sa pagkonsumo ng mga produkto at serbisyo. Kailangan nilang magbigay ng halimbawa ng
mga patunay ukol dito.
Mga gabay na tanong:
 Anong aspetong kultural ang inilalahad ng larawan?
 Paano ito nakakaapekto sa pagkonsumo ng mga mamimiling tulad mo? Ipaliwanag.
Mga Gabay na Tanong:
 Anu-ano ang mga aspetong kultural na nakakaapekto sa isang mamimili sa kanyang pagkonsumo?
3. PANGGANYAK
 Paano nakakaapekto ang mga aspetong kultural sa pagkonsumo ng mamimiling Pilipino?
Pagsusuri ng isang larawan ng mamimili na nagpapakita ng isang konsyumer na pumipili sa mga uri ng produkto sa pamilihan.
 Bakit kailangang isaalang-alang ang mga nasabing aspetong kultural?
Mga Gabay na Tanong:
 Ano ang ideyang inilalahad ng larawan?
5. REPLEKSYON
 Nasasalamin mo ba ang iyong sarili sa larawan?
Bilang isangmo
 Bakit mamimiling
naman itoPilipino,
nasabi?alin sa mga aspeto kultural na ating tinalakay ang dapat na nating alisin sa istilo ng pagkonsumo ng mga Pilipino? Bakit ito ang
Ipaliwanag.
iyong napili?
 Nararanasan mo ba ang pangyayaring ito kapag ikaw ay bumibili ng produkto? Paano mo ito sinusolusyonan?
KARAPATAN NG MAMIMILI TUNGKULIN NG MAMIMILI

6. PAGLINANG
4. PAGPAPAHALAGA
NG ARALIN
Anong pag-uugali
Pagsasagawa mo ang sa
ng Malayang palagay mo
Talakayang sa na nakakaapekto
tulong sa iyo
ng “Semantic bilang
Web” –na isang mamimili?
magpapakita ng mga magkaka-ugnay na karapatan ang tungkulin ng isang mamimili.
Sa paanong paraan ito nakakaapekto? Ipaliwanag.

7. EBALWASYON NG PAGKATUTO : GAWAING UPUAN


Pangatwiranan kung
Karapatan sabakit dapat o hindi dapat ipatupad ang mga
Pagpili sumusunod
Pagtangkilik sasa pagkonsumo
sariling ngat
produkto mga produkto at serbisyo.
serbisyo.
Mga halimbawa ng tanong:
 Pagtatakda ngtamang
Karapatan sa expiration date sa mga produkto. Pagiging mulat, mapagmasid at alerto sa pagkonsumo.
 Pagpapabuti ng lokal na produkto.
impormasyon
 Pagbabawal ng pekeng pag-aanunsyo o mapanlinlang na anunsyo.
 Pagdadagdag ng kita sa bawat pamilya.
 Pagbabawal sa pagpasok ng mga dayuhang artista sa bansa. UNANG TRAYMESTRE
TP 2012 - 2013
8. TAKDANG ARALIN Inihanda ni Bb. Rolinda G. Lumanlan para sa klase ng Charity, Counsel, Fortitude, Justice, at Wisdom
Ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman at pagiging mapanuri ay mga katangian na dapat taglayin ng isang mamimiling Pilipino. Bilang tugon, kumalap ng isang
artikulo sa pahayagan. magasin, o internet ukol sa isang malaking panlolokong naganap sa mga nakaraang taon o sa kasalukuyan na may kinalaman sa mga
produkto at serbisyo na karaniwang kailangan ng tao o di kaya ay kinokonsumo ng isang mamimiling tulad mo. Ipaliwanag ang pangyayari at magbigay ng 6-8
LOURDES SCHOOL QUEZON CITY
KAGAWARAN NG HAYSKUL

MGA PLANO SA PAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN


Ikaapat na Taon : Ekonomiks

Karapatan sa pangunahing
Pagkakaisa upang matugunan ang pangangailangan.
kailangan

Karapatan na magtamo ng
kaliugtasan Pagkilos at pagbabantay sa pagpapatupad ng batas.

Karapatan sa maayos at malinis Pangangalaga sa kapaligiran.


na kapaligiran

Mga Gabay na Tanong:


 Anu-ano ang mga katangian na dapat taglayin ng isang mamimili?
 Paano mo nagagamit ang mga katangiang ito sa pamimili ng produktong bibilhin sa pamilihan?
 Anu-ano ang mga karapatan ng isang mamimiling tulad mo?
 Anu-ano ang mga katapat na tungkulin ng mamimili sa kanyang mag karapatan?
 Paano ito naisasagawa ng isang mamimili?
 Bakit kailangan na magkaroon ng karapatan at tungkulin ang isang mamimili sa kanyang mga kinukonsumong produkto at serbisyo? Ipaliwanag

Pagsasagawa ng pangkatang gawain. (Unang Araw)


 Hahatiin ng guro ang mga mag-aral sa 8 pangkat.
 Bawat pangkat ay bubunot ng ng isang katangian at karapatan ng mga mamimili.
 Mula sa mga karapatan na maitatalaga sa kanila, bubuo ang pangkat ng mga tungkulin na dapat isagawa kaugnay ng katangian at karapatan ng mamimili.
 Bawat tungkulin ay bibigyan nila ng paliwanag o halimbawa.
 Ang lahat ng ito ay itatala sa isang kartolina at ibabahagi sa klase.
 Bibigyan ang bawat pangkat ng 15 para sa paghahanda at 5 minuto para sa pagbabahagi nito sa klase.
 Ito ay isasagawa sa ikatlo at ikaapat na pagkikita.

5. SINTESIS
Ipaliwanag ang kataga sa ibaba:

“ Sa bawat karapatan ng mamimili; marapat lamang na tapatan ng kaakibat na


tungkulin, upang maging matatag ang bawat bilihin.” UNANG TRAYMESTRE
TP 2012 - 2013
Inihanda ni Bb. Rolinda G. Lumanlan para sa klase ng Charity, Counsel, Fortitude, Justice, at Wisdom
LOURDES SCHOOL QUEZON CITY
KAGAWARAN NG HAYSKUL

MGA PLANO SA PAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN


Ikaapat na Taon : Ekonomiks

6. REPLEKSYON
Bigyan ng paliwanag ang katagang :

“The customer is always right.”


Kung ikaw ang tatanungin, dapat bang maging pamantayan ng isang mamimili ang paggamit ng “customer is always right” sa lahat ng oras?

7. PAGPAPAHALAGA
Ano sa mga karapatan o tungkulin mo bilang mamimili ang pinakamahalaga sa lahat? Bakit sa palagay mo ito ang pinakamahalaga? Ipaliwanag.

8. EBALWASYON NG PAGKATUTO : GAWAING UPUAN


Paggamit ng Rubric para sa Pangkatang Gawain . (sundan sa susunod na pahina)

9. TAKDANG ARALIN
Bilang paghahanda sa maikling pagsusulit sa susunod na pagkikita, magbalik-aral sa mga paksa: ukol sa mga Uri at Salik Pagkonsumo.

IKATLONG PAGKIKITA

PAKSA: Mga Tungkulin ng mga Mamimili

1. BALITAAN
Ang guro ay nagtakda ng tagapagbalita sa bawat araw ng pagkikita. Ang nakatakdang magbalita ay inaasahang magbibigay ng kanyang pananaw tungkol sa kanyang
sinaliksik na balita. Magkakaroon ng pagproseso sa isinagawang pagbabalita sa pamamagitan ng malayang talakayan.

2. BALIK-ARAL
Maglalahad ang guro ng mga sitwasyon ukol sa mga karapatan ng mamimili. Tutukuyin ng mga piling mag-aaral kung ano ang mga karapatan ng mga mamimili na

UNANG TRAYMESTRE
TP 2012 - 2013
Inihanda ni Bb. Rolinda G. Lumanlan para sa klase ng Charity, Counsel, Fortitude, Justice, at Wisdom
LOURDES SCHOOL QUEZON CITY
KAGAWARAN NG HAYSKUL

MGA PLANO SA PAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN


Ikaapat na Taon : Ekonomiks

inilalahad sa mga sitwasyong nabanggit.


Mga Gabay na Tanong:
 Ano ang karapatan ng mamimili ang nais ilahad ng mga larawan?
 Bakit mahalaga ang mga nasabing karapatan sa pagkonsumo ng mg mamimili? Ipaliwanag.

3. PANGGANYAK
Ang guro ay magpapakita ng mga karapatan ng mga mamimili at bibigyan ngb halimbawang tungMga gabay na tanong:
 Ano sa palagay mo ang nararapat na tungkulin sa karapatan na nasa pisara?
 Bakit sa kaya ito ang nararapat na tungkulin? Ipaliwanag.

4. PAGLINANG NG ARALIN:
Pagsasagawa ng pangkatang gawain.
Panuto:
 Hahatiin ng guro ang mga mag-aral sa 8 pangkat. (Ikalawang Araw)
 Bawat pangkat ay bubunot ng ng isang katangian at karapatan ng mga mamimili.
 Mula sa mga karapatan na maitatalaga sa kanila, bubuo ang pangkat ng mga tungkulin na dapat isagawa kaugnay ng katangian at karapatan ng mamimili.
 Bawat tungkulin ay bibigyan nila ng paliwanag o halimbawa.
 Ang lahat ng ito ay itatala sa isang kartolina at ibabahagi sa klase.
 Bibigyan ang bawat pangkat ng 15 para sa paghahanda at 5 minuto para sa pagbabahagi nito sa klase.

5. REPLEKSYON
Kung ikaw ang papipiliin, alin sa mga tungkulin ng mamimili ang sa iyong palagay ang madalas makalimutang sundin ng mga mamimiling tulad mo?
Paano mo masisigurado ang pagtupad nito?

6. PAGPAPAHALAGA
Gaano kahalaga sa isang tao ang pagtupad sa kanyang tungkulin? Sa iyong palagay, bakit mahalaga ang pagtupad sa tungkulin ng isang mamamayan ng bansa ang
matutong tumupad sa tungkulin ng bansa?

7. PAGSASAGAWA NG PORMATIBONG PAGTATAYA: MAIKLING PAGSUSULIT


Halimbawa ng mga tanong:
Uriin ang pagkonsumo na inilalarawan ng mga sumusunod. Isulat kung ito ay Produktibo, Tuwiran, Maaksaya o Mapanganib na pagkonsumo sa sagutang papel.

 Kanin at ulam ang binili sa kantina ng mga mag-aaral na nagugutom.


 Ang barkada ni Michelle ay palaging umiinom ng “beer”.

UNANG TRAYMESTRE
TP 2012 - 2013
Inihanda ni Bb. Rolinda G. Lumanlan para sa klase ng Charity, Counsel, Fortitude, Justice, at Wisdom
LOURDES SCHOOL QUEZON CITY
KAGAWARAN NG HAYSKUL

MGA PLANO SA PAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN


Ikaapat na Taon : Ekonomiks

 Si Lia ay bumili ng harina upang magluto ng “cake” para sa kanyang kaarawan.


 Pinababayaan ng pamilyang Diaz ang patuloy na pagtulo ng tubig sa gripo kahit walang gumagamit.
 Si Marc ay nauuhaw kaya siya ay bumili ng sago’t gulaman sa tindera.

8. TAKDANG ARALIN
Upang magkaroon ng higit na kaalaman ang mga mamimiling tulad mo, magsaliksik ng mga tatlomg (3) batas ukol sa pagkonsumo ng mga mamimili Pilipino. Itala
ang mga poamagat at nilalaman ng mga sumusunod na batas na may kinalaman sa pagkonsumo ng mga mamimiling Pilipino.Humanda sa pagbabahagi nito sa
talakayan ng klase sa susunod na pagkikta. Ilagay ito sa isang short bond paper at ipasa ito sa susunod na pagkikita.

UNANG TRAYMESTRE
TP 2012 - 2013
Inihanda ni Bb. Rolinda G. Lumanlan para sa klase ng Charity, Counsel, Fortitude, Justice, at Wisdom

You might also like