You are on page 1of 14

DETAILED LESSON PLAN SA ARALING PANLIPUNAN 10

PAARALAN University of Antique Baitang 10


Tommy Saturnino Asignatura Araling Panlipunan
Mga Guro Mary Jean Narciso
Ma. Janine Daguison
Petsa / Oras Markahan Ikalawang markahan

I. LAYUNIN
III.
A. Pamantayang Nilalaman Ang mga mag-aaral ay may pang-unawa sa mga
sanhi at implikasyon ng mga local at
pandaigdigang isyung ekonomiya upang
mapaunlad ang kakayahan sa matalinong
pagpapasya tungo sa pambansang kaunlaran.
B. Pamantayan sa Pagganap Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng
pagsusuring papel sa mga isyung pang-
ekonomiyang nakaapekto sa kanilang
pamumuhay.
C. Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto at Kasanayan (Competency): Nasusuri ang dahilan
mga Tiyak na layunin ang epekto ng migrasyon dulot ng globalisasyon
(AP10MIG-Ih-8)

Pagkatapos matalakay ang aralin, inaasahang


nakatutugon ang mga mag-aaral sa mga
sumusuod:

1) Naipapaliwanag ang kahulugan ng


migrasyon
2) Natutukoy ang dahilan ng migrasyon
3) Natutukoy ang epekto ng migrasyon
4) Nakapagbigay ng kahalagahan ng
pagtatalakay sa migrasyon bilang isa sa
kontemporaryong isyu

V. NILALAMAN A. PAKSA: Dahilan at Epekto ng


migrasyon

B. PAGPAPAHALAGA: Makabansa
C. 21st CENTURY LEARNING SKILLS
INTEGRATION:
Communication, Collaboration, Critical
thinking, Creativity

D. INTEGRASYON SA IBANG
ASIGNATURA:
Ekonomiya, Heograpiya

E. Iba pang kagamitan: Cartolina, Marker,


Speaker, Chalk, Construction paper

VI. KAGAMITANG PANTURO

A. SANGGUNIAN
1. Gabay ng Guro sa Pagtutro Most Essential Learning Competencies sa
Araling Panlipunan, K to 12 Curriculum Guide,
pp. 64
2. Learner’s material Modyul/ Learning Activity Sheet sa Araling
Panlipunan 10

Antonio Eleonor D. et. al. Kayamanan: Mga


3. Batayang Aklat Kontemporaryong Isyu. Batayan at Sanayang
Aklat sa Araling Panlipunan. Quezon City: Rex
Printing Company, Inc., 2017.

Department of Education, Araling Panlipunan


Grade 10 Learners Module, 2017
4. Iba pang mga kagamitan para sa Learning
Resource Portal
Internet,
https://www.youtube.com/watch?v=0gBJBNMsf

VII. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
1. Paghahabi sa Sa bahaging ito ay ilalahad ng guro Inaasahan sa bahaging ito ay
Layunin ang mga pamantayan at layunin ng naibabahagi ng mga mag-aaral
aralin ang mga paglilinaw at mga
inaasahan sa aralin
2. Panimulang Gawain o Pagbati
 Pagbati o Magandang Araw mga o Magandang araw din
bata? po mga guro
o Kamusta ang mga mag- o Mabuti naman po
aaral ng baiting Ma’am
10(sampu)?
o Masaya ako na naging
mabuti ang mga araw
Ninyo.
o Pagpapakilala
o Mga mag-aaral ako nga
pala si Bb. Mary Jean
Narciso at ang aking
mga kasama ay sina
Bb. Ma. Janine
 Pagpapakilala Daguison at Bb.
Tommy H. Saturnino.
o Sa Araw na ito kami
ang magtatalakay sa
inyo ng topiko na ating
pag-aaralan.

Gawain 1: Cabbage Relay!!!


o Bago tayo magsimula sa ating
Opo Ma’am!!!
talakayan gusto niyo bang
maglaro?

o May inihanda kaming isang


palaro na ukol sa ating aralin.
May dala kami ditong maliit na
bolang papel na sa bawat
papel ay may nilalaman na
mga salita. Ang una ninyong
gagawin ay bumuo kayo ng
isang malaking bilog at
ipagpapasa-pasahan ninyo
 Pagganyak (
ang bolang papel habang
Motivational
nakatugtog ang kantang “Kay
Activity)
liit ng mundo.” Maari kayong
 sumabay sa kanta at kung
tumigil na ang musika at kung
sino ang huling humawak ng
bolang papel siya ang kukuha
ng unang isang bahagi ng
papel sa bola at magbibigay
ng sariling pag-unawa sa
nakasulat na salita.

o Handa na ba ang lahat?

Opo ma’am! Handa na po kami

o Liriko ng kanta:

“Kay liit ng mundo”


“Kay liit ng mundo”
Ito ay mundo ng katuwaan, ng
kalungkutan, pagmamahalan, Ito ay mundo ng katuwaan,
pangamba, pag-asa at pag ng kalungkutan,
bibigayan dapat isaalang- pagmamahalan, pangamba,
alang. pag-asa at pag bibigayan
dapat isaalang-alang.
Chorus:
Oh, kay liit ng mundo (3x) Chorus:
Kay liit ng mundo. Oh, kay liit ng mundo (3x)
Kay liit ng mundo.
Ito ay mundo ng katuwaan, ng
kalungkutan, pagmamahalan, Ito ay mundo ng katuwaan,
pangamba, pag-asa at pag ng kalungkutan,
bibigayan dapat isaalang- pagmamahalan, pangamba,
alang. pag-asa at pag bibigayan
dapat isaalang-alang.
(Balik sa Chorus)
(Balik sa Chorus)

Paglipat nga mga tao sa


isang lugar patungo sa
ibang lugar.
o Mga Salita
1. Pandarayuhan Paglilibot sa iba’t ibang
dako.
 “Magaling!”
Pag alis sa isang lugar o
2. Paglalakbay puwesto
 “Tama!”
3. Paglipat

 Magaling! Lahat ng inyong


mga kasagutan ay tama.

3. Pagtalakayan o Alam niyo ba mga bata na ang


ng Konsepto ating laro kanina ay naaayon
ng Migrasyon din sa ating pag-aaralan
blg. 1 ngayon.

Tanong: 1.
1. Sino sa inyo  Ako! Ma’am, Ang aking mga
dito ang magulang ay nag
kamag-anak Tratrabaho sa Dubai.
o kakilala na  Ako! Din po Ma’am, ang tita
nakatira o ko ay nakatira sa Canada.
nagtratrabah
o sa ibang
bansa? 2.
2. Sino dito sa  Ako! Ma’am, Nagbasyon
inyo ang kami sa Manila ng isang
nakapunta o buwan.
lumipat sa  Ako! Ma’am, Lumipat po
ibang lugar kami dito kasi po dati
para nakatira kami sa
magbakasyo bulubunduking lugar.
no
manirahan?

o Alam niyo ba na ang inyong


mga karanasan ay mga
halimbawa ng Migrasyon. Ano
ng aba ang Migrasyon.

Paksa 1: Konsepto ng Migrasyon Sa bahaging ito nauunawaan ng


mga mag-aaral ang kahulugan ng
Migrasyon migrasyon

 Nagmula sa salitang Latin na


migrratlonem na
ngangahulugan pagbabago ng
tirahan
 Ito ay ang paglipat ng tao mula
sa isang pook patungo sa
ibang pook upang doon
manirahan ng panadalian o
pang-matagalan,
 Tumutukoy sa proseso ng
pag-alis o paglipat sa isang
lugar o teretoryong politikal
patungo sa iba pa maging ito
man ay pansamantala o Sa bahaging ito nasusuri ang
permanente. kaibahan ng Internal o panloob na
migrasyon at Internatioanl o
Dalawang Uri Migrasyon panlabas na migrasyon at
nakapagbibigay ng halimbawa.
 Internal o panloob na
migrasyon – ito ay migrasyon
sa loob lamang ng bansa
maaring magmula ang tao sa
ibang bayan, lalawigan o
rehiyon patungo sa isang lugar
 International o Panlabas ng
Migrasyon ito naman ang
tawag sa kapag lumipat ng
ang mga tao sa isang bansa
upang doon na manirahan o
mamalagi nang matagal na
panahon

Gawain 2: Loob o Labas?!


Pangkatang Gawain

Panuto: Hatiin ang klase sa tatlo,


suriin ang mga sumunod na
sitwasyon kung ito ay panloob na
migrasyon o panlabas na migrasyon.

1. Namamalagi si eron sa bahay ng


kanyang tita sa Antique nang
lumipat siya galing Maynila.
2. Nag cross – country si Lena buhat
sa Pilipinas patungo Amerika.
3. Nabigyan ng scholarship grant si
Thea para sa isang short course
sa kilalang Culinary School sa
Europe.
4. Pagtalakay sa Paksa 2: Mga dahilan o sanhi ng
Konsepto ng at Migrasyon
Paglinang ng
kasanayan Sa puntong ito matatalakay natin ang
mga sahi at dahilan ng migrasyon

Narito ang mga sanhi at dahilan ng


migrasyon:

A. Push-Factor na Dahilan-
Mga negatibo salik na
nagiging dahilan ng migrasyon

1. Paghahanap ng payapa at
ligtas na lugar na matitirhan.

 Walang sinoman ang


nagnanais na tumira sa
isang lugar na maaaring
magdulot ng panganib sa
kanya.
2. Paglayo o pag-iwas sa
kalamidad.

 Hindi Makakaila na ang


Pilipinas ay daanan ng
mga bagyo at iba pang
mga kalamidad. Kaya ang
mga tao ay lumilikas sa
ligtas naa lugar o
evacation center.

3. Pagnanais na makaahon sa
mula sa kahirapan.

 Ito ay tumutukoy sa
kondisyon ng tao kung
saan mayroon siyang
kakulangan sa mga
pangunahing
pangagailangan kaya
maring mga Pilipino ang
naghahanap ng trabaho sa
ibang lugar sa Pilipinas o
ibang bansa.

B. Pull-factor na dahilan-
Positibong salik na dumarayo
dahil sumusunod na dahilan:

1. Pumunta sa pinapangarap na
lugar or bansa.
 Hal. Nangangarap kang
manirahan sa mga
kalunsuran gaya ng Metro
Manila.

2. Magandang Opurtunidad gaya


ng trabaho at masmataas
nakita.

 Hal. Kawalan ng trabaho


at Opurtunidad kaya’t
nakipag sapalaran ka sa
ibang bansa.
 Masamalaki ang sahod na
matatanggap.

3. Panghihikayat ng mga mag-


anak na matagal na
nainirahan sa ibang bansa.

 Hal. Ikaw ay nagtratrabaho


sa Canda at nag nanais ka
na makuha ang iyong
kamag- anak upang
manirahan doon.

4. Pag-aaral sa ibang Bansa.

 Hal. May mga pagkakataon


na ang isang mag-aaral ay
nabibigyan ng
pagkakataon na makapag
aral sa ibang lugar o bansa
sa pamamagitan ng
Scholarship grant.

Gawain 3: identify what I show!

Panuto: Hatiin ang klase sa


dalawang pangkat, Suriin Ang mga
larawan kong saan ito nakabilang.
Idikit ang Larawan kong sa tingin mo
ay ito ay naka bilang sa Push o Pull
Factor.

Mga Larawan push Pull

Sagot:

Gawain 3: identify what I show!

Push Factor Pull Factor


Magaling! Topak ang inyong mga
sagot.

Paksa 3: Mga Epekto ng


Migrasyon

Ngayon natapos na natin ang


pagtatalakay sa Sanhi at dahilan ng
Migrasyon dumako tayo sa Mga
Epekto ng Migrasyon.

Bilang isang isyung pang-ekonomiko,


maraming epekto ang migrasyon. Ito
ang mga sumusunod.

1. Pagbabago ng populasyon

 Hal. Sa mga bansa na


mabilis tumaas ang
populasyon, lalo na sa
mahihirap na bansa,
tinataaasan ng buwis na
ipapataw sa mga
mamamayan para sa mga
serbisyo ng pamahalan.

2. Pagtaas ng mga kaso sa


paglabag sa karapatang
pantao.

 Hal. Walang kaukulang


papels taon-taon. Ito ay
ang mga migranteng
nahaharap sa panganib na
paglalakbay, pang-aabuso
ng mga illegal na recruiter
at smuggler, mahirap na
kondisyon ng pamumuhay
at kawalan ng suppurta sa
pagtapak nila sa ibang
lupain.

3. Negatibong implikasyon sa
pamilya at pamayanan.

 Hal. Ang isang in ana


nangingibang-bansa ay
may epekto sa kanyang
mga naiwan na pamilya.
Nangungulila ang mga
anak at naiiwan sa
pangangalaga ng ibang
kaanak.

4. Pag-unlad ng ekonomiya

 Hal. Ang mga remittances


o mga ipinapadalang pero
ng mga OFW sa kanilaang
pamilya ay nagsisilbing
kapital sa para sa negosyo,
dahilan ng paglago ng
ekonomiya ng Pilipinas.

5. Brain Drain

 Matapos makatapos sa
Pilipinas ang mga Experto
sa iba’t ibang larangan,
(doctor, nurses, engineer,
etc.) Mas pipinili nilang
mangibang-bansa dahil sa
masmagandang
oppurtunidad na
naghihintay sa kanila.

6. Integration at Multiculturalism

 Hal. Integration: Ang mga


migrante ay maluwag na
tinatanggap bilang bahagi
ng kanilang pamayanan
katulad ng sa Italy,
Mayroon silang batas sa
siguridad o legge sulla
sicurezza.
 Multiculturalism: isang
Doktrinang naniniwala na
ang iba’t ibang kultura ay
maaring magsamasama ng
payapa at pantay pantay
sa isang lugar or bansa.
Subalit kung tutuusin,
maaring makaranas ng
diskriminasyon ang ating
mga kababayan sa ibang
bansa lalo na mula sa
kamay ng mga tinaguring
ang Racists.

Gawin 4: Reflect

Panuto: Isulat sa ika-apat na bahagi


ng papel at sagutan ang tanong.

Tanong:
Ngayon, alam mo na ang iba’t ibang
epekto ng migrasyon mangingibang
bansa ka parin ba? akit at ipaliwanag
Ratings Criteria
5 Magaling at napakaklaro
ang paglalahad ng idea
4 Maayos ang paglalahad
ng idea
3 May punto ngunit kulang
sa paliwanag
2 May sagot subalit
kulang ang paglalahad
1 May sagot subalit
medyu malayo sa
tanong

5. Pagtataya Panuto: Isulat ang titik ng tamang


sagot at ilagay sa ika-apat na bahagi
ng papel. Ito ay gagawin upang
masukat ang iyong natutunan ukol sa
konsepto ng migrasyon

1.Ano ang migrasyon?

A. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis


o paglipat mula sa isang lugar.
B. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis
o paglipat dahil sa kaguluhan ng mga
mamamayan.
C. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis
o paglipat dulot ng mga hindi
inaasahang
pangyayari sa lugar na pinagmulan.
D. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis
o paglipat mula sa isang lugar o
teritoryong
politikal patungo sa isang lugar
pansamantala man o permanente.

2. Ano ang brain drain?

A. Ang patuloy na pagtaas ng presyo ng


mga bilihin.
B. Ang pandemya na kumitil sa buhay ng
libu-libong tao sa buong mundo.
C. Ang pagpunta sa ibang bansa at
pagkaubos ng mga manggagawang
Pilipino.
D. Ang kawalan ng pag-asa sa buhay ng
mga naiwan ng mga nasawi sa COVID-
19.

3.Alin sa mga sumusunod na kalagayan


ang di-mabuting epekto ng migrasyon sa
mga papaunlad na bansa gaya ng
Pilipinas?
A. Brain Drain
B. Economic Migration
C. Integration
D. Multiculturalism

4.Lahat ng sumusunod ay nagpapatunay


na ang ating mga OFW ay maituturing
na mga
bagong bayani maliban sa isa. Alin dito
ang hindi kabilang sa pangkat?
A. Dahil sa mga naipundar na ari-arian
para sa kanilang mga pamilya.
B. Dahil sa kanilang lakas ng loob na
magtrabaho at mangibang-bansa.
C. Dahil sa remittances nila sa Pilipinas
na nakatutulong sa ating ekonomiya.
D. Dahil sa inspirasyong ibinibigay nila
sa kanilang mga kababayan dito sa
Pilipinas.

5. Alin sa mga sumusunod ang hindi


dahilan ng pangingibang-bansa ng mga
Pilipino?
A. Kawalan ng oportunidad sa Pilipinas.
B. Maki-uso sa mga kakilalang
nangibang-bansa.
C. Manirahan kasama ang mga mahal
sa buhay sa ibang bansa.
D. Mas magandang trabaho at mas
mataas na sahod sa ibang bansa.

You might also like