You are on page 1of 3

School: BUNTOD ELEMENTARY SCHOOL Date: _Nov.

29, 2019__
Teacher: EVELYN A. VENTURA Subject: HEALTH 4

I. LAYUNIN:
A. Pamantayang Pangnilalaman
 Naipapakita ang pang-unawa sa pagsusulong ng kaligtasan sa paggamit ng
gamut para maiwasan ang masamang epekto/dulot sa ating katawan
B. Pamantayan sa Pagganap
 Naisasabuhay ang wastong paggamit ng gamot.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto
( Isulat ang code sa bawat kasanayan)
K- Nailalarawan ang mga maling paggamit at pag-abuso sa gamot * Pasandig
(dependency), * Adiksiyon (addiction)
S- Naisasadula ang isang sitwasyon na nagpapakita ng maling paggamit ng gamot
at naipakita ang tamang paggamit nito
A- Naisasabuhay ang wastong paggamit ng gamot
H4S-IIIcd-3
II. NILALAMAN
Aralin 4: Gamot Huwag Abusuhin, Upang Sakit Hindi Danasin

III. Kagamitang Panturo


A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay sa Pagtuturo
* Edukasyong Pangkatawan at Pangkalusugan Patnubay ng Guro mga pah.
168-173

2. Mga pahina sa Kagamitang Pang Mag-aaral


* Edukasyong Pangkatawan at Pangkalusugan Kagamitang Pang-mag-aaral
mga pah. 344-350

3. Mga pahina sa Teksbuk


*Edukasyong Pangkatawan at Pangkalusugan pp. 344-350

4. Karagdagang kagamitan mula sa LRDMS


Larawan ng maling paggamit ng gamot

A. Iba pang Kagamitang Panturo * Laptop at projector

IV. PAMAMARAAN
A. Balik –Aral sa nakaraang Aralin o pasimula sa bagong aralin
( Drill/Review/ Unlocking of difficulties)

 Itanong:
a. Ano-ano ang dalawang uri ng gamot?
b. Saan mabibili ang mga gamot na kailangan ng reseta?
c. Saan mabibili ang mga gamot na kailangan ng reseta?
d. Ano ang kaibahan ng over the counter drugs at gamot na kailangan ng reseta?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin


(Motivation)
 Ipabuo ang larawan at itanong ang mga sumusunod:
a. Ano-ano ang ginagawa ng mga bata? Tama ba ito?
b. Paano nila ginagamit ang mga gamot?
C. Pag- uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin ( Presentation)
Ipaalam sa mga bata ang epekto ng labis o sobrang pag-inom ng gamot.

Paunang Tanong : Bakit ‘di makatulog ang tao?


Ipabasa ang Kuwento na pinamagatang “Ang mga Gabi ni Gabby” at ipasagot ang mga
katanungan tungkol sa kuwento.
1. Bakit pumunta si Gabby sa doctor? Anong gamot ang nireseta sa kaniya?
2. Ano ang ginawa ni Gabby upang siya ay makatulog?
3. Paano humantong sa kalagayang hindi makatulog si Gabby kapag hindi siya umiinom ng
gamot?
4. Kung kayo si Gabby gagawin mo rin ba ang pag-inom ng gamot kahit lampas na sa araw
na itinakdang inumin ang gamot? Ipaliwanag?

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan No I


(Modeling)

*Talakayin ang katamtamang Paggamit ng droga at Pag-aabuso ng droga

E.Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan No. 2.


( Guided Practice)
*Ipabasa ang LM sa pahina 347 “Si Kap, Sirup ba ang Kasagutan?
Mga Tanong:
1. Sino-sino ang nag-uusap sa tekstong binasa?
2. Ano ang sakit ni Adi?
3. Ano ang gamot para sa sakit niya?
4. Paano humantong sa kalagayang hindi mapalagay si Gabby kapag hindi nakainom ng
sirup?
5. Anong kalagayang pangkalusugan ang dinaranas ni Adi?
6. Ikaw naranasan mo na bang uminom ng sobra o kulang sa gamot ? Ano ang
naramdaman mo?

Across Science and EPP Curriculum


Alam ba ninyo na maliban sa droga pwede tayong gumamit ng mga halaman bilang
gamot sa ating karamdaman ito ay ligtas gamitin at walang masamang epekto sa ating
kalusugan.
Mga Tanong:
1. Ano-ano ang mga uri ng halaman?
2. Magpakita ng iba’t ibang uri ng halaman ang guro na pwede ring gamiting gamot
para sa karamdaman.

F. Paglilinang sa Kabihasan (Tungo sa Formative Assessment) Independent Practice


 Pangkatin sa dalawa ang klase at maglalaro ng “Sino Ako” Ang unang pangkat ay
pangkat Lulong at ang pangalawang pangkat ay pangkat Pasandig. Babasa ang guro
ng kaisipan kung paano inaabuso ang gamot, pagkatapos bigkasin ang salitang “sino
ako”, hudyat ito ng pagtayo ng lahat ng miyembro. Kung may isang nakaupo walang
iskor ang pangkat na may pinakamaraming iskor ang tatanghaling panalo.

G. Paglalapat ng aralin sa pang araw araw na buhay (Application/Valuing)


 Hatiin sa tatlong pangkat ang mga bata at ipagawa ang sumusunod batay sa rubrics ng
presentasyon.
Pangkat I- Isadula ang isang sitwasyon na nagpapakita ng maling paggamit ng gamot at
ipakita ang tamang paggamit nito
Pangkat II- Gamit ang larawan bumuo ng konklusyon kung paano inaabuso ang mga
gamot.
Pangkat III- Gumawa ng poster tungkol sa wastong pag-aalaga ng sarili sa pamamagitan
ng wastong gamit ng gamot

H. Paglalahat ng Aralin:
Ano ang pasandig o drug dependency?
Ano ang lulong o drug addiction?
Paano mo isabuhay ang wastong paggamit ng gamot?

I. Pagtataya ng Aralin
Panuto: Sagutin ng Pasandig o Lulong ang sumusunod:
________1. Araw-araw umiinom si Rene ng gamot para sa sakit ng puso.
________2. Kapag hindi makatulog si Jomel umiinom siya ng sleeping pills.
________3. Araw-araw umiinom ng gamot si Tatay Isko para sa kanyang high blood.
________4. Nanginginig at nanglalanta si Chad kapag hindi siya nakainom ng sirup.
________5. Gustong-gusto ni Kiki ang pakiramdam kapag naka-inom siya ng gamot, kaya
iniinom niya ito kahit wala siyang sakit.

J. Takdang-Aralin
Gumawa ng isang babala tungkol sa maling pag-inom ng gamot o pag-abuso sa gamot.

You might also like