Professional Documents
Culture Documents
Task 3
Task 3
EDPALINA
BSA-II
2.) Sa inyong palagay, nakakatutulong ba ang mga ito upang higit mong maunawaan
ang inyong mga aralin at aktibong makibahagi sa mga gawain at talakayan? Bakit oo o
bakit hindi?
Sa loob ng labing apat na taon kung pagiging studyante mula elementarya
hanggang ngayon sa kolehiyo, naging mas epektibo naman ang mga wikang
panturo na ginagamit sa amin ng aking mga guro na gamitin ang wikang
Filipino, Ingles at minsan Bisaya.
3.) Ano-ano naman an ating mga opisyal na wika at wikang pamgpagtuturo alinsunod
sa itinadhana ng Saligang Batas?
Ang wikang panturo ay wikang ginagamit ng guro at ng mga nasa akademiya
para sa kanilang pagtuturo sa loob ng silid-aralan at paaralan. Kasama rin rito
ang wikang ginagamit sa mga pagsusulit, exams, instructions para sa mga
Gawain at pananaliksik. Dahil dito, merong mga wikang panturo na itinadhana
ng Saligang Batas.
4.) Sa iyong palagay, makatutulong nga kaya sa mga batang mag-aaral ang wikang
kinagisnan nila ang gagamiting wikang panturo sa kanila? Magbigay ng patunay.
Nakatutulong ng malaki ang pag gamit ng wikang kinagisnan bilang wikang
panturo dahil dito madaling makaka-intindi ang bata. Kapag ginagamit parati
ang wikang kinagisnan, magiging matatag ang pundasyon ng mga salita na
siyang magagamit sa pag-unawa sa maraming bagay lalo na sa kanilang mga
aralin.
Halimbawa nito ay ang aking bunsong kapatid na ginagamit nila ang wikang
kinagisnan bilang wikang panturo nong nasa ikalawang baitang pa lamang siya.
Sa pagturo ng mother tongue sa kanila, maraming mga bokabularyo ang
kanyang nalalaman na hindi ko pamilyar. Mas naipaliliwanag rin niya ng mabuti
nong tinanong namin sya kung paano niya ipakilala ang kanyang sarili gamit ang
wikang kinagisnan.
5.) Kung ikaw ay magkaka-anak balang araw, anong unang wika ang imumulat mo sa
kanya o kanila, ang wika bang umiiral sa inyong lugar o ang wikang Ingles? Ipaliwanag.
Para sa akin, ang wika na umiiral sa aming lugar ang wikang una kong
ipamumulat o ituturo ko sa aking magiging anak. Naniniwala ako na mas
importante na matutunan muna ang wika sa kaniyang paligid para malaman niya
kung ano ang nangyayari sa kanyang paligid para maka relate siya nito at
malaman niya ng maaga kung ano at saan siya nanggaling. Ito ay isang daan
upang mas magkaroon ng matatag na pagkakilanlan ang bata.