You are on page 1of 1

Mga Uri ng Diskurso

1. Pagsalaysay

Ang pasalaysay ay isang diskursong nagpapaliwanag ng mga kaganapan maging


sa nakaraan o kasalukuyang pangyayari. Sa pagsasalaysay nabibigyan ng pagkakataon
ang isang tao na isalaysay ang kaniyang mga karanasan mabuti man o masama upang
maipabatid ito sa ibang tao.Sa pagsasalaysay,marapat lamang na maisaalang–alang ang
pagkakasunud-sunod ng mgakaisipan. Dahil ang hindi pagsasaalang-alang sa
pagkakasunod-sunod ng kaisipan ay magdudulot ng pagkalito ng mambabasa o
tagapakinig.

“Ang batang makulit, napapalo sa puwit”

2. Paglalarawan

Ang diskursong ito ay naglalarawan ng mgadetalye tungkol sa isang tao, hayop,


bagay, lugar, pangyayari, at maging sa damdaming nararamdaman ng isang tao at hayop.
Samakatuwid ang paglalarawang diskurso ay nagbibbigay-tulong sa tao upang bumuo ng
larawan sa kanyang isipan na magbibigay-daan upang mapalawak nito ang kanyang
pagiging malikhain.

“Punong-puno ng nakakatakot na larawan ang kanyang ulo.”

3. Paglalahad

Ginagamit sa pagsagot sa mga tanong na nangangailangan ng pagsasanay na


kasagutan. Tunkulin nito na humanap ng kalinawan at humawi sa ulap ng pag-
aalinlangan

“Pagtingin mo sa kaliwa, ay makikita mo na ang iyong hinahanap”

4. Pangangatwiran

May layuning manghikayat at magpapaniwala sa pamamagitan ng makatwirang


mga pananalita.

“Ang pagmamatuwid na kaya hindi nakapasa sa pagsusulit ang mag-aaral ay


sapagkat hindi siya nagbalik-aral.”

You might also like