You are on page 1of 96

######################################

The Death God's Wish: Miracle


######################################
Corvus couldn't remember anything except the life of being a Reaper.

Ang naaalala nya lang ay ang buhay ng pagiging tagasundo ng mga kaluluwa.

Tagagabay patungo sa kabilang buhay.

Tagatupad ng itinakdang oras ng kamatayan.

Pero paano kung nang dahil doon ay pakiramdam nya ay may kulang sa kanya?

That he's hollow and empty inside?

At gusto nyang maalala ang lahat.

Kung sino sya nung nabubuhay pa sya?

Kung ano ang buhay nya bilang tao?

Kung bakit sya namatay?

Kung paano sya namatay?

At kung bakit sya naging isang Death God?

At sino ang babaeng yun?

Ang babaeng nalalapit na ang kamatayan.

Ang babaeng sinalubong ng ngiti ang mga tingin ng isang kamatayan.

Pero, dapat nga ba syang mamatay?

Sino sya?

At bakit kumikirot ang kanyang dibdib tuwing nakikita nya itong ngumiti?

Bakit nya naririnig ang boses nito sa kanyang mga panaginip?

Will his mind be ready to face the truth?

Will his self be ready to remember his past?

Will his heart be ready


for the Death God's Wish?

-NixieYume
######################################
1: Corvus
######################################
1: Corvus

Maraming duguang katawan ang nagkalat. Lahat ay biktima ng nangyaring aksidente.


Tumaob ang isang panggabing bus dahil sa lakas ng ulan at dulas ng kalsada.

Kaya ngayon ay marami ang nananaghoy. Marami ang umiiyak. Puno ng dalamhati ang
kadiliman ng gabi.

Puno ng pagtangis ang pinangyarihan ng aksidente. Ang kanilang mga dugo at luha,
humahalo sa tubig-ulan na walang patid sa pagbagsak.

Pero wala syang panahon para sa mga bagay na iyan. Kailangan nyang gawin ang
kanyang trabaho.

Dire-diretso sya sa paglalakad. Hindi nya inalintana ang ulan. Hindi rin naman sya
nababasa. Iisa lamang ang kanyang tinutumbok. Ang babaeng nakahandusay sa damuhan.
Duguan at nakapikit. Pero humihinga pa rin. Mabagal. Mabuway. Mahina.

Pati ang tibok ng puso nito'y bumabagal na rin.

Malapit na.

Marahang napadilat ang babae ng maramdaman nito ang presensya nya sa gilid nito.
Pilit nitong inaaninag ang mukha nya, kapagkuwan ay mabuway itong ngumiti.

Pumwesto sya sa gilid nito at tinukod ang isang tuhod sa damuhan. Tiningnan nya ang
babae sa mga mata. Tanging pagpapaubaya at kapayapaan ang nakikita nya sa mga ito.

Tanggap na nito ang sariling kapalaran.

Nasabi na lamang nya sa kanyang sarili nang yumuko sya papalapit sa nagpapaubayang
babae.

"Sinasabi ko na nga ba at makikita rin kita rito, Ginoong Corvus."

Umangat ang mukha nya mula sa mukha ng wala ng buhay na babae, saka bumaling sa
nagsalita.

Napakadalisay nitong tignan sa suot nitong puting bestida. Lutang na lutang ang
kasuotan nitong tila kumikinang sa kadiliman ng gabi.

Kabaligtaran nya. Na ang kasuotan ay parang hinulma ng kadiliman.

"Binibining Nyctea." Ngumiti lamang ito sa kanya at tumingin sa babaeng nasa paanan
nya.
"Iisa lamang ba ang susunduin mo sa lugar na ito?" Napatango naman sya bilang
sagot. Sanay na ito sa kanya, kaya sigurado inaasahan na nitong ganoon ang kanyang
magiging sagot.

"Mabuti ka pa, iisa lamang ang kailangan mong sunduin. Ang sa akin naman ay lima."
At biglang lumungkot ang ekspresyon nito. "At ang isa roon ay isang bata." At
lumingon ito sa isang direkson na sinundan rin nya ng tingin. Nakita nya ang isang
inang lumuluha habang kalong-kalong nito ang isang batang lalaki. Parehas silang
duguan, pero ang bata ay wala ng buhay.

"Lubhang napakalungkot ang mawalan ng isang minamahal. Lalo na kung nawala ito sa
murang edad pa lamang." Napatingin sya kay Nyctea at nakita nya ang kalungkutan sa
mga mata nito. "Hindi ba, Ginoong Corvus?"

"Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan nilang iyakan ang mga pumanaw na."
Walang emosyong sabi nya. "Mamamatay rin naman sila. Nauna nga lamang ang mga taong
ito."

"Ahh,, napakasama mo naman Ginoong Corvus! Hindi ka ba nahahabag sa kanila?"


Tinignan nya lang ng diretso sa mata si Nyctea.

"Hindi ko alam ang kahulugan ng salitang iyon." Pagkuway tumalikod na sya at


humakbang palayo sa Dyosa ng Kamatayan.

"Napakalamig mo, Ginoong Corvus. Sadya nga bang ganyan ka talaga? O dahil iyan sa
naging buhay mo nong nabubuhay ka pa?"

Napahinto sya sa paglalakad pero hindi na nya ito nilingon.

"Ako man, ay gusto ring malaman ang kasagutan sa tanong na iyan, Binibining
Nyctea." At nagpatuloy na sya sa paglalakad.

Mayamaya pa ay lumitaw na ang kanyang mga pakpak na kasing kulay ng sa mga uwak.
Kumampay ang mga iyon at dinala sya sa himpapawid.

Papunta sa iba pang susunduin nya. Sa mga taong naubusan na nang oras.

----

"Master! Master!"

Patalon-talon na sinalubong sya ng batang anghel na si Moon.

"Ano iyon, Moon?"

Kadarating lang nya sa kanilang sangktwaryo mula sa pagsundo sa mga nangamatay.

"Dalawang orasan ng kamatayan na naman po ang gumalaw!"

At lumitaw sa hangin ang dalawang orasan na kung tawagin ng mga mortal ay


"hourglass". Tinignan nya ang mga ito ng mabuti.

"Ang isang ito ay sa susunod na buwan pa mamamatay,"


Turo nya sa orasan na mabagal ang pagbagsak ng buhangin pagkatapos ay ang isa
namang medyo mabilis ang pagbagsak ng buhangin ang itinuro nya.
"Ito naman ay pagkatapos ng dalawang linggo."

Tumango-tango naman ang batang anghel sa sinabi nya at sa isang kumpas ng mga kamay
nito ay naglaho uli ang mga orasang lumulutang sa harapan nya.

"Kamusta po ang mga pagsundong ginawa ninyo ngayong araw?" Maluwag na nakangiti ang
batang anghel sa kanya nang maupo sya sa kanyang higaan.

Pinagmasdan nya ng mabuti si Moon at ngayon nya lang napansin na sobra pa palang
bata ang kanyang sinasanay bilang isang Diyos ng Kamatayan.

Saka nya naalala ang mga sinabi ni Nyctea kagabi.

"Lubhang napakalungkot ang mawalan ng isang minamahal. Lalo na kung nawala ito sa
murang edad pa lamang."

Napaisip sya. Ilang taon ba ang mortal na katawan ni Moon nung namatay ito? Umiyak
rin kaya ang mga mortal nitong mga magulang?

"Master? Okay lang po ba kayo?"

Napakurap sya at napailing. Bakit ba nya iniisip ang mga bagay na yun?

"Okay lang ako Moon. Magpapahinga lang ako."

"Sige po, Master! Babantayan ko lang po ang mga orasan, baka meron na naman pong
gumalaw."

"Sige." At pinanood nya itong maglakad palayo.

Bakit ba napupuno ng mga katanungan ang isip ko nitong mga nakaraang araw? At bakit
napupuno ang panaginip ko ng mga imaheng hindi ko matandaang nangyari na? Parte ba
sila ng mga naglahong alaala ko nung ako'y nabubuhay pa?

Bakit ka naguguluhan ngayon, Corvus?

Napailing sya at napahiga sa kanyang higaan. Pagkalaoy ipinikit ang mga mata.

Ngunit nakalimot na naman sya na sa tuwing ipinipikit nya ang kanyang mga mata ay
parang isang pelikulang paulit-ulit nyang nakikita ang iisang eksena.

Dugo. Yun agad ang nakikita nya. At dalawang dalagitang magkayakap at umiiyak.
Pareho ring duguan.

Hindi nya alam kung bakit, pero kailangan nyang makalapit sa dalawa. Kailangan
nyang makalapit sa kanya. Pero hindi nya alam kung sino ang tinutukoy nya. Pero
kailangan nyang makalapit. Nagsimula syang gumapang papunta sa mga ito.

Bakit ang sakit ng katawan ko? At bakit ako gumagapang?

Napatingin sya sa sikmura nya. At nanlumo sya sa nakitang napakaraming dugo. May
sugat sya. Pero kailangan nyang makalapit sa kanya. Pero nanlalabo na ang kanyang
mga mata. Pinaglaban nya iyon, at pilit na inaabot ng kanyang kamay ang mga ito.
Bakit hindi nya maabot-abot ang mga ito?

Nanlalabo na ang kanyang mga mata hanggang sa sinakop na sya ng dilim.

At muling nyang narinig ang tinig na iyon.

Tuparin mo ang pangako mo.

Itutuloy....

====
Ayan! Nauna pa sya sa Rose Bloom High! Haha... Hmm... Okay lang ba? O masyadong
heavy?? XD
######################################
2: Eydis
######################################
2: Eydis

"Hoy! Eydis! Ang bagal mo! Iiwan ka talaga namin!"

Nataranta naman sya sa sinigaw ng kaibigan nyang yun. Ang inipin talaga nila!
Mabilis nyang hinablot ang bag nya at nagmamadaling lumabas ng kwarto nya. Mabilis
din syang nakababa sa hagdan at nagtatakbo papunta sa kung nasaan naghihintay ang
dalawa nyang kaibigan. Pero nilampasan nya ang dalawa at dumiretso sa isang sulok
ng bahay nila kung saan parang may maliit na altar.

"Good Morning, Ate!" Malaki ang ngiting bati nya sa nakangiting mukha nito. "Aalis
na kami, Ate. Babantayan mo ko palagi ha? I Love You!" Tumingkayad sya at hinalikan
ang nakangiting larawan ng Ate nya. Yun na ang nakaugalian nyang gawin for the past
six years.

Pakiramdam kasi nya ay hindi kumpleto ang araw nya kapag hindi nya ginagawa iyon.
At tsaka pag ginagawa nya yun ay pakiramdam nya ay nasa tabi nya lang Ate nya.
Nagbabantay sa kanya.

"Oy, Dis! Lika na!" Kalabit sa kanya ng bestfriend nyang si Bea na may dalang isang
slice ng loaf bread. Nakasunod naman dito ang isa pa nyang bestfriend na si Cody na
may tangan namang dalawang slice ng loaf bread na pinalamanan nito ng isang hotdog
sa gitna.

"Ba! Ang sisiba nyu ah? Wala bang pagkain sa bahay nyu?" Nang-aasar na tanong nya
sa mga ito habang nagpapaalam sa Mommy nya na binigyan sya ng baon nyang sandwich.
"Alam mo namang maaga pa akong nagising dahil ang aga-agang dumating ng kolokoy na
yan, kaya hindi na ako nakapag-almusal." Sagot sa kanya ni Bea habang papalabas na
sila ng bahay. Yun pala ang routine nila. Susunduin ni Cody si Bea sa bahay nito
tapos ay susunduin naman siya ng dalawa. Tapos mula sa bahay nila ay lalakarin lang
nila papuntang eskwelahan. Malapit lang naman kasi.

"Oy, nobolotoon no bo yong boloto?" Natatawang napapa-iling sya kay Cody. Wala kasi
syang naintindihan sa sinabi nito.

"Lunukin mo kaya muna yang nasa bibig mo bago ka magsalita?" Mataray namang sabi sa
kanya ni Bea. Cool talaga tong si Bea. Astig. Matapang. Habang sya naman ay ang
tinuturing na bunso nilang tatlo. Fifteen palang kasi sya habang yung dalawa naman
ay sixteen na. At si Cody naman, ito yung tagapagtanggol nila ni Bea. Habulin ito
ng chicks pero hindi playboy. Kuntento na raw kasi ito na silang dalawa lang ni Bea
ang babae sa buhay nito.

"Pasensya naman. Gutom kasi yung tao." Sabi ni Cody na pinupunasan pa ang bibig.
"Yung sinabi ko pala, eh kung narinig nyo ba yung balita? Yung nangyaring aksidente
kagabi?"

"Bakit? Ano bang nangyari?" Tanong nya.

"Meron daw kasing tumaob na bus kagabi. Marami yung sugatan at anim ang namatay.
Kasama na run ang isang bata at isang babaeng kakagraduate lang ng college."

"Ang tragic naman nun. Sayang yung girl. Lalo na yung bata." Bakas sa mukha ni Bea
ang lungkot sa narinig na balita.

Bahagya rin syang nalungkot doon. ALam nya kasi ang pakiramdam ng mawalan ng mahal
sa buhay.

Nagpatuloy lang silang magkwentuhan habang naglalakad hanggang sa makarating sila


ng school. Pagdating nila sa classroom nila ay nagtaka sila kung bakit ang tahimik.

"Ano'ng meron?" Tanong nya sa kaklase nyang si Vina.

"Namatay kasi kagabi si Lance. Binangungut daw." Nagulat naman silang tatlo sa
narinig. Si Lance? Binangungut? Eh kahapon lang ang gulo-gulo pa nito sa classroom
ah?

Parang hindi sila makapaniwala sa narinig. Napaupo na lang silang tatlo at


natahimik na rin. Mayamaya ay narinig nilang humihikbi na si Cody. Agad naman
nilang niyakap ito ni Bea. Close kasi si Cody at Lance. Teammates pa sila sa
basketball kaya siguro talagang naapektuhan si Cody sa nangyari kay Lance.

Mayamaya ay hindi lang si Cody ang umiiyak. Pati na rin silang dalawa ni Bea. Pati
na rin ang ibang mga lalaki na ka-close ni Lance hindi na rin mapigilang umiyak.
Mayamaya ay nag-iiyakan na ang buong klase nila.

Ang sakit talagang mamatayan!

Hanggang sa dumating ang teacher nila ay umiiyak pa rin silang lahat kaya pati
teacher nila ay parang maiiyak na rin. Hanggang sa maglunchbreak ay ramdam nila ang
lungkot sa pagkawala ni Lance. Tahimik lang silang tatlo na kumain pagkatapos ay
tahimik uli silang nagpunta sa paborito nilang tambayan at pumwesto roon.

Kanya-kanya sila ng ginagawa. Naglalaro DAW si Cody ng PSP pero halata namang wala
roon ang atensyon nito. Parang pinipigilan pa rin nitong maiyak. Si Bea naman ay
pinipilit ang sarili na magbasa ng libro. Habang sya naman ay pinipilit na libangin
ang sarili sa pagsketching. Pero mukha ni Lance ang lumalabas sa sketchpad nya.

Hindi talaga sila makapaniwala na wala na ang makulit na lalaking yun.

Hanggang sa bumasag sa katahimikan nila ang sirena ng ambulansya. Nagtatakang


napatingin sila sa gate nang pumasok doon ang ambulansya at may mga taong naglabas
doon ng stretcher at pumasok sa loob ng school building nila.

"Ano'ng nagyari?" Nagtatakang tanong ni Bea. Tumayo naman si Cody.

"Tara, tignan natin." Sabi nito sabay lakad papuntang harapan ng building.
Nakasunod din silang dalawa ni Bea.

"Pare, ano'ng nagyari?" Dinig nyang tanong ni Cody dun sa isang second year.

"Yung librarian, inatake raw sa puso." Sagot nung bata. Sakto naman at agad ding
lumabas ang stretcher pero natatakpan ng puting kumot ang nakahiga doon.

"Patay na ata." Mahinang bulong ni Bea.

Anong meron ba sa araw na to? Ba't parang ang daming namamatay?

"Tara na. Balik na tayo." Hinila na sila ni Cody pabalik sa tambayan nila. Pero
agad syang napalingon uli ng parang may nakita syang gumalaw. Luminga-linga sya.

Wala namang nakakulay itim sa kanila di ba?

Corvus' POV

Lumipad sya palabas ng eskwelahang iyon at dumiretso sa malaking puno na nasa tapat
lang nito. Lumanding sya sa isa sa mga malalaking sanga nito na nasa mataas na
parte at tiniklop ang mga pakpak nya. Mayamaya pa ay naglaho na rin iyon sa likod
nya. Sumandal sya sa puno at nagmasid-masid sa paligid.

Matanda na ang sinundo nya. Singkwenta y tres na at mahina ang puso. Inatake ito
habang nag-aayos ng mga libro sa silid-aklatan. Wala lang yun dapat sa kanya. Pero
ang ikinagulat nya ay ang ngumiti pa ang matanda sa kanya nang sinundo nya ito.
Hindi nya inaasahan iyon. Pero iisa lang naman ang ibig sabihin nun, hindi ba?
Masaya nitong tinatanggap ang kamatayan.

"Ahh! Ginoong Corvus! Long time no see!" Napatingin sya ilalim. Dun sa nagsalita.
Nakatayo ito sa sidewalk kung saan naroon ang lilim ng punong ikinapapatungan nya.
Wala sa kanya ang tingin nito kundi sa kalalabas lang na ambulansya mula sa
eskwelahan.

"May sinundo ka pala, kaya ka nandito." Sinabi nito iyon nang hindi pa rin
nakatingin sa kanya.

"May binabantayan ka ba rito, Ginoong Grus?" Tahimik na tanong nya sa Anghel de la


gwardya.

"May iniligtas lang ako malapit dito at naramdaman ko ang dalamhating dala ng
kamatayan kaya nagbabaka-sakali akong ikaw o si Binibining Nyctea ang may dala
noon. At kung sinuswerte nga naman ako, ikaw ang natagpuan ko." Sa pagkakataong yun
ay tumingala na ito sa kanya habang nakangiti.

Katulad ng sa kanya ay moderno ang kasuotan nito. Ngunit taliwas sa kanya o kay
Nyctea na pawang itim o puti lamang ang kasuotan ay iba-iba naman ang kulay ng suot
ng Anghel. Nakaitim na long long sleeves nga ito ngunit kulay pula naman ang
pantalon nito. Kulay dilaw naman ang sapatos nito. At may bonnet pa ito sa ulo.
Parang hindi ito Anghel kung titignan.

"Sya nga pala! Ba't nag-iisa ka? Hindi mo ba kasama ang batang anghel na si Moon?"

Bago sya makasagot ay may nauna na sa kanya. Isang matinis na tinig.

"Narito po ako, Ginoong Grus!" Sigaw ng tinig mula sa itaas nya. Tsaka nya
naramdaman ang pagpatighulog nito papunta sa kalsada. Para namang bulak na
lumanding ito sa sementadong kalsada na parang wala lang, tsaka tumakbo at yumakap
sa Anghel dela gwardya. "Ahahaha! Moon! Namiss kita, batang Anghel!"

"Ako rin po, Ginoong Grus!" Masayang-masaya si Moon habang ginugulo-gulo naman ni
Grus ang buhok nito.

"Kamusta ka na? Inaalagaan ka naman ba ng mabuti nitong si Ginoong Corvus?"

"Opo, Ginoong Grus! Marami po akong natututunan kay Master! Alam ko na po kung pano
bumasa ng orasan ng kamatayan!" Masayang balita nito kay Grus na natatawa naman.

"Hahaha! Hanep ka talaga, Ginoong Corvus! Ang lupet mo!"

"Papuri ba yan o insulto, Ginoong Grus?" Walang emosyon na tanong nya rito.
Pagkatapos ay bumaling uli ang tingin nya sa eskwelahan. Naramdaman nya kasing
parang may nakatingin sa kanya. Sinuyod nya ang kabuuan ng eskwelahan at huminto
ang tingin nya sa isang mortal na nakatingin sa gawi nya. Nakatingin sa kanya.

Impossible. Walang mortal ang nakakakita sa kanya. Maliban na lang kung...


Nagulat sya ng masaya itong ngumiti sa kanya at kumaway pa. Natulala sya.

Impossible. Napaka-impossible. Pero...

"Master!" Para syang natauhan nang marinig ang pagtawag sa kanya ni Moon. Parehong
nakatingala at nagtatakang nakatingin sa kanya ang dalawang anghel.

"May problema ba, Ginoong Corvus?" Nag-aalalang tanong sa kanya ni Grus. Ngunit
napailing lang sya. Nang ibalik nya ang tingin nya sa eskwelahan ay wala na roon
ang babae. Napabuntung-hininga sya at nagpatihulog na rin mula sa sanga ng puno.
Katulad ni Moon ay parang lumutang lang sya at walang kahirap-hirap na lumapag sa
sidewalk.

Naglakad sya palapit sa mga ito at seryosong tinitigan si Grus. "Kailan pa huling
nagkaroon ng kaso ng wayward soul sa area na ito, Ginoong Grus?"

Mas lalo namang nagsalubong ang mga kilay ni Grus sa tinanong niya. "Ahmm, sa area
na ito? Ang sa pagkakaalala ko, ay sampung taon na ang nakakaraan. Sa panahon pa
yun ng hinalinhinan mong Diyos ng Kamatayan. Pero magmula nang ikaw ang humawak ng
area na ito ay wala ng naging kaso ng wayward soul dito."

Ang mga Diyos at Diyosa ng Kamatayan. May kanya-kanya silang area na hinahawakan
dito sa mundo. At sa area nga na iyon ay sila ni Nyctea ang itinalaga.

"Bakit bigla-bigla mong naitanong yan, Ginoong Corvus?" Tila nang-aarok ang mga
tingin ng Anghel dela gwardya sa kanya.

Pero seryosong ibinaling lang nya ang kanyang tingin kay Moon. "Ilabas mo ang Libro
ng Kamatayan. May ipapahanap ako sa iyong pangalan. Tukuyin mo kung lumabas na ba
ang pangalan nya at kung kailan sya eksaktong mamamatay." Agad namang tumalima si
Moon at inilabas sa bulsa nito ang isang maliit na itim na libro na agad rin namang
lumaki.

"Kaninong pangalan po ang hahanapin ko, Master?"

Bumalik ang tingin nya sa eskwelahan at naalala nya ang mukha ng mortal na iyon.
Ang nakangiti nitong mukha.

"Eydis Castillo."

========================

Wushu!! Ang hirap umimbento ng kwento. Nakakalurkey!

Feel free to comment below.

Thank you for reading! :D

<3 Nixie's Dream


######################################
3: Orasan
######################################
3: Orasan

"Saan ka nagpunta?"

Ngiti lang ang sinagot nya sa tanong ni Cody, pagkatapos ay tumabi na nang upo kay
Bea.

"Ano'ng nangyari sayo? Ba't ngingiti-ngiti ka dyan? Para kang baliw?" Napagiggle
sya ng may maalala na naman sya. Humarap sya kay Bea na nakangisi.

"Bey... Hihihi.."

"Oy, Eydis, ano bang nangyayari sa'yo? Nakakatakot na yang ngiti mo ha?" Parang
natatakot nga na sabi sa kanya ni Bea sabay layo pa ng kaunti. Mahina nya naman
itong tinampal sa braso.

"OA Bey, ha? May ikukwento lang naman ako sa'yo eh. Tsaka hindi pa ako nababaliw
no?" Pout nya sa kaibigan nya. Nakita nyang nakatingin din sa kanya si Cody na
parang nagtataka. "Well, anyway, kaya ako natagalan kasi may nakita akong lalaki."

Natigil sya sa pagsasalita ng tumaas ang isang kilay ni Bea habang nagsalubong
naman ang sa kay Cody.

"What?" Tanong nya sa mga ito. Kung makatingin kasi ang mga ito sa kanya ay parang
nilabag nya ang golden rule. "Well, as I was saying, may nakita akong lalaki, at
kaya ako natatawa kasi, talagang umakyat pa sya ng puno na nasa harap ng school
natin para lang makita kung bakit may ambulance dito. Imaginin nyo yun? Umakyat pa
talaga sya ng puno? Hahaha! Nakakatawa talaga!" Tawang-tawa talaga sya kanina ng
makita yung lalaking nakatayo sa isang sanga ng puno sa harap ng school nila.
Parang ang labas kasi eh, ang tsismoso ng lalaking yun.

"Oh? Oh? Makatawa ka dyan, wagas ah!" Nangingiti namang sabi sa kanya ni Bea habang
si Cody naman ay naglalaro na uli ng PSP at pinabayaan na silang dalawa. "Baka
naman adik yun? O kaya baliw?"

Napaisip naman sya at binalikan sa isip ang itsura nung lalaking nakita nya. Naka-
itim ito. Pero hindi yung parang pangkulto, kundi yung parang rockista yung dating.
Tsaka sa tingin nya matangkad yung lalaki, at medyo gwapo. Hindi nya kasi masyadong
nakita yung mukha kasi medyo malayo yung puno. At sigurado syang hindi baliw o adik
yun.

"Hindi eh. Ang gwapo naman nun para maging baliw o adik." Sabi nya na
nakapangalumbaba at naka-pout. Bigla naman syang napa-aray at napahimas sa ulo nya
nang tuktukan sya ni Bea. "Bey ha, nagiging sadista ka na.."

"Para ka kasing baliw. Ang gloomy ng atmosphere tapos iba-iba pa yung nakikita mo."
Saka nya uli naalala ang mga nangyari ng araw na yun. Ayun, bigla uli syang
nalungkot. Parang ang pangit kasi na natatawa sya tapos yung mga nasa paligid nya
ay umiiyak dahil sa mga nangyayaring kamatayan.

"Oh? Ba't parang semana santa ang mukha nyan?" Narinig nyang tanong ni Cody kay Bea
habang nakapangalumbaba sya.

"Ewan ko dyan? Alam mo namang bipolar yan. Pabayaan mo na." May halong pang-iinis
ang boses ni Bea kaya sinulyapan nya ito tsaka sumimangot.

"Look. Nagkakandahaba na ang nguso ng isang yan oh. Hay! Punta na nga lang tayong
canteen. Kain tayo ng cornetto."

Bigla naman syang napaangat sa pagkakalumbaba nya at napangiti ng malapad. "Talaga,


Cody? Libre mo?"

Napahalakhak naman sina Cody at Bea sa reaksyon nya. Ngingiti naman syang tumayo at
nauna pa talagang humakbang papuntang canteen.

Nang mag-uwian na nang hapon, ay hinatid na lang nila si Cody sa gym para sa
practice ng mga ito at magkasabay na naglakad na lang sila ni Bea pauwi.

"Ingat ka, Bey, ha?" Sabi nya rito ng makarating sila sa tapat ng bahay nya.

"Syempre naman no? Alangan naman pabayaan ko ang sarili ko no? Sige na. Pasok ka
na." Nag-wave ito sa kanya tsaka humakbang na paalis. Kumaway naman sya rito at
pumasok na rin sa loob.

Wala pa ang Mama nya. Alas sais pa kasi ang uwi nito mula sa Flower shop nila. Kaya
sya pa lang ang nandito. Sanay na rin naman sya.

Pagpasok nya sa bahay nila ay dumiretso siya sa munti nilang altar. "Hello, Ate!
Nandito na po ako! Thank you for looking after me, Ate." Tumuwad sya at hinalikan
ang picture nito pagkatapos ay ngumiti sa harap nito ng pagkalaki-laki. "Punta na
ako sa taas, ha, Ate."

Pakanta-kanta pa syang pumanhik sa hagdan at patalon-talon na tinungo ang kwarto


nya. Nang mabuksan nya ang pinto ng kwarto nya ay napatili sya na agad rin namang
naputol.

"Wag ka ngang tumili." Natakpan nya ang bibig nya ng isang kamay nya habang ang isa
naman ay napahawak sa dibdib nya. Muntik na syang himatayin sa puso ng makita ang
isang lalaking nakaitim na nakaupo sa gilid ng kama nya na tila hinihintay sya.

Isa lang ang masasabi nya. Gwapo ang lalaki. Sobrang itim ang buhok nito na pumares
sa dark brown nitong mga mata na kung tumingin ay parang hinahalukay ang kaloob-
looban nya pati kaluluwa nya. Mas lalo rin itong pumuti dahil sa itim nitong get-
up. At sa tingin nya, matangkad ito.
Pero...

Ano'ng ginagawa niya sa kwarto ko?

"Hinihintay ka." Matipid na sagot nito sa tanong nya na nagpamulagat sa kanya.

Mind reader sya?

"Oo. Nababasa ko ang mga iniisip mo, Eydis Castillo." Napaatras sya ng tumayo ang
lalaki. Nagkamali sya. Hindi lang pala ito matangkad. Sobrang tangkad nito. Parang
giant. At takot ako sa giants! Agad syang tumalikod para kumaripas sana palabas ng
kwarto nya ng biglang sumara ang pinto sa mismong mukha nya. Napatulala sya.
Namanhid ang buong katawan nya. Sa takot? Oo? Yata?

"Hindi mo kailangang matakot sa akin, Eydis Castillo. Nandito ako para siguraduhing
makakatawid ka sa kabilang buhay ng tama at nang nasa takdang oras." Naramdaman nya
ang malamig na hininga nito sa likod ng tainga nya. Nanindig ang mga balahibo nya.
Sa takot? Ewan? Napapikit sya at nanigas nang parang kumilos ito at naramdaman nya
ang kamay nito sa leeg nya. Malamig ang kamay nito. Ice cold.

"Yan ang orasan mo. Hangga't hindi pa gumagalaw ang buhangin na nasa loob ay
gagawin ko ang lahat para mapanatili kang ligtas. Pero sa oras na gumalaw ang
buhangin, at sa napipinto nitong pagkaubos, ay ako mismo ang tutupad ng iyong
kamatayan." Napadilat sya sa narinig. Ano ba ang pinagsasabi ng lalaking ito?
Nababaliw na ba to? Sino ba to? Bakit pinagbabantaan nito ang buhay nya? Ano ang
kasalanan nya?

"Wala kang kasalanan, Eydis Castillo. Pero magiging kasalanan ko, kapag hindi ka
namatay sa tama at nakatakdang oras." Biglang kumulo ang dugo nya. Galit na pumihit
sya at hinarap ito. Pansamantala syang natigilan ng makitang ang lapit-lapit pala
nito. Nakatingala sya dahil napakatangkad nito. Ang mga mata naman nito ay parang
hinihigop sya. Napasmirk ito at noon nya lang naalalang huminga.

"A-ano bang pinagsasabi mong lalaki ka, ha? Sino ka ba? Trespassing ka, alam mo ba
yun?" Pinanaig nya ang galit at inis sa estrangherong ito. Wala syang karapatang
bigyan ako ng death threat! Hmp!

"Babantayan kita. Tandaan mo ang sinabi ko, Eydis Castillo. Ang orasan mo ang
magsisilbing tagahudyat ng nalalapit mo nang kamatayan. Kaya parati mo itong
babantayan. At hindi ito mahuhubad, hangga't ika'y nabubuhay pa." Malamig ang mga
tingin nito pati na ang boses nito, kaya hindi nya maiwasang panginigan. Unti-unti
rin itong umaatras papunta sa gitna ng kwarto nya.

"S-sino ka ba?" Nakayakap sa sarili na tanong nya rito.


"Ako? Ako si Corvus. Isa ako sa mga tinatawag nyong,, " Mataman syang tiningnan
nito pagkatapos ay idinipa nito ang dalawang braso. Napasinghap sya sa nakita nya.
Dalawang naglalakihang itim na mga pakpak ang lumitaw sa likod ng lalaki!

"KAMATAYAN."

"Eydis? Anak? Nandyan ka na ba?" Bigla syang napalingon sa nakasarang pintuan nang
marinig ang boses ng Mama nya. Nang ibalik nya naman ang tingin nya sa lalaki ay
wala na ito. Napahangos sya sa gitna ng kwarto nya kung saan nakatayo kanina ang
lalaki.

Ano ang nangyari? Nanaginip ba sya ng gising? Eh, ba't ang weird ng panaginip nya?
Ang weird naman ng utak nya!

"Eydis?" Napaangat ang ulo nya sa Mama nya na nakatayo na pala sa labas ng
nakabukas na pinto. "Okay ka lang ba?" Lumapit ito sa kanya at hinaplos ang mukha
nya. "Ba't parang namumutla ka? At pinagpapawisan ka pa!" Narinig nya ang panic sa
boses ng Mama nya kaya pinilit nyang ngumiti.

"Okay lang ako, Ma. Huwag kang mag-alala."

"Sigurado ka?"

"Opo, Ma. Medyo nahilo lang po ako kasi gutom na ako, eh. Hehe." Napatawa na rin
ang Mama nya sa naging sagot nya.

"Ikaw talagang bata ka. Akala ko kung ano na. O sya, sige. Magluluto na ako.
Magbihis ka na rin ha?" Tinapik sya ng marahan ng Mama nya sa braso at tinungo na
ang pinto ng kwarto nya.

"Opo, Ma. Susunod na po ako sa baba pagkatapos kung magbihis." Sabi nya rito na
inumpisahan nang tanggalin ang pagkakabutones ng uniform nya.

"Anak?" Napatingin sya sa Mama nya. " Ang ganda ng kuwintas mo ah? Ikwento mo sa
akin kung kanino galing yan, ha?" Ngumiti ang Mama nya sa kanya bago tuluyang
isinara ang pinto.

Nanghihina syang napakapa sa leeg nya at napaupo sa kama. Matagal nyang tinitigan
ang mini-hourglass na pendant ng kwintas na nakasabit sa leeg nya.

Orasan.

Buhangin.
...hindi ito mahuhubad, hangga't ika'y nabubuhay pa...

Itutuloy....
=====

Ang ganda ng ngiti ko. Haha..

Comment po kayo.

:D

<3 Nixie's Dream

######################################
4: Wayward Soul
######################################
4: Wayward Soul

"Eydis?"

"Eydis?"

"Eydis!"

"Ay! Nanay mong panot!" Humahalakhak sina Cody at Bea nang tapunan nya ito ng
matalim na tingin. Napahawak sya sa dibdib nya sa sobrang pagkagulat sa pagsigaw ni
Bea.

"Ba't ba kayo nanggugulat! Kainis naman eh!" Parang batang reklamo nya sa mga ito.

"Eh, kasi naman, kanina pa kita tinatawag. Parang wala ka na man sa sarili mo.
Nakatunghay ka lang dyan at nakatulala." Nakangising sabi sa kanya ni Bea, pero
bigla rin itong sumeryoso. " May problema ka ba?" Seryoso syang tiningnan ng mga
ito.

Problema? May problema nga ba sya?

Ano ba ang sasabihin nya sa kanila? Na meron nang taning ang buhay nya at may
kamatayan na nakabantay sa bawat galaw nya? Na nakikita nya kahit saan sya
tumingin? Sa loob ng kwarto nya na tila gwardya kung makapagbantay. Sa labas ng
classroom. At ngayon ay nandoon naman ito nakasandal sa pader na malapit sa
kinauupuan nila. Nakapamulsa at matamang nakatingin sa kanya. Walang ekspresyon ang
mukha. Panu nya sasabihin yun kung kahit nga sya ay nahihirapan pa rin na tanggapin
ang nangyayari. Ang dalawang ito pa kaya?

"Wala." Ngumiti sya. "Okay lang ako."

"Sure ka?" Hindi naniniwalang tanong ni Bea, samantalang si Cody naman ay


inoobserbahan lang sya.

Nakangiting tumango sya. "Oo nga. Kilala nyo naman ako di ba? May sariling mundo
ako." Tumingin sya uli kung nasaan yung nagpakilalang "Kamatayan" sa kanya. Para
itong model ng black leather jacket sa suot nito. Yun nga lang, hindi naman siguro
katulad nito ang mga model ng mga leather jacket di ba? Yung lumulusot lang dito
yung mga taong dumadaan? Yan kasi ang kanina pa nya tinitingnan. Nakakakilabot.

Binawi nya ang tingin nya mula sa kinaroroonan nung "Kamatayan" at nagsketching
uli.

"Uy! Ganda nyan ah?" Napakislot sya sa boses ni Bea at napatingala rito.

"Ha? Ang alin?"

"Yang sketch mo. Astig ah. Dark Angel. Tsaka ang gwapo ha? Saang movie mo napanood
yan? Sino yung artista?" Sunod-sunod na tanong ni Bea sa kanya pero hindi na nya
naintindihan ang mga yun. Natulala kasi sya sa sketchpad nya. Sa ginawa nyang
sketch ni Mr. Kamatayan.

Shocks! Ang galing ko pala talaga! Kuhang-kuha ko sya ah!

Pero naipilig nya ang ulo nya. Ba't ba yun pa ang mga naiisip nya? Tsaka bakit ang
Mr. Kamatayan na yun ang nai-sketch nya? Inis na inilipat nya sa kabilang page ang
sketchpad nya.

"Uy? Akin na lang yun! Ang cool talaga kasi eh." Tinignan nya nang nayayamot si
Bea.

"Hindi pwede."

"Ang sungit mo naman. Oo na. Iyong-iyo na yang Dark Angel mo. Hindi ko na kukunin
yan."

Naiinis na sinara nya ang sketchpad nya. Ba't ba sya nagkakaganito? Nangalumbaba
sya sa stone table at napatingin kay Cody. Pero bigla syang napaatras at muntik
nang mapatili. Pareho namang nagulat sina Cody at Bea sa kanya.

"Ano'ng nagyari?" Parehong tanong nilang dalawa.


Hindi sya makapagsalita. Nanlalaki ang mga matang nakatingin lang sya sa mga brown
nitong mga mata habang nakangisi ito. Parang nag-eenjoy sa pantitrip nito sa kanya.

"Huminga ka, Eydis Castillo. Hindi pa gumagalaw ang orasan mo." Napakurap-kurap sya
at napatingin kay Cody at Bea na nag-aalalang nakatingin sa kanya.

"Hehe. Joke!" Napangiti sya ng malaki sa mga ito at nagpeace sign. Binatukan naman
sya ni Bea habang binato naman sya ni Cody ng kinakain nitong Nova.

"Uy! Sobra na kayo ha? Joke lang naman yun eh! Kayo talaga."

"Wag ka kasing magjoke bigla-bigla. Ang weird mo talaga ngayon. Naka-drugs ka ba?"
Nandidilat na tanong ni Bea sa kanya.

"Hindi no! Magiging doktor pa ako no! Wala akong balak na maagang sirain ang buhay
ko."

"Eh, kung ganun magtino ka. Ikaw talaga. Tsk!"

Ngumisi lang sya sa mga ito. Pareho namang iiling-iling na bumalik na sa mga
ginagawa ang mga ito. Sya naman ay ibinalik ang tingin sa nilalang na nakatabi ng
upo kay Cody.

Ba't bigla-biglang nandito na to? Nagteleport ba to?

Napakiling ang ulo nito sa left side. "Ano sa tingin mo, Eydis Castillo?"

Natigilan naman sya dun. Nakalimutan nya. Mind reader pala tong Mr. Kamatayan na
to. Kaya posibleng nagteteleport din to. Kaya siguro nitong gawin ang kahit na ano.

Pero, ba't ba sya nakatabi kay Cody? Mr. Kamatayan, umalis ka na dyan.

Muli na naman nyang nakita ang malademonyong pagngisi nito tsaka ito gumalaw. Mas
lalo pa itong tumabi kay Cody at nanlaki ang mga mata nya at napasinghap. Sa
sobrang pagkakatabi nito kay Cody ay nag-overlap na ang kalahati ng katawan nito sa
katawan ni Cody. Nag-panic sya.

"Cody!" Napa-angat ang tingin nito sa kanya mula sa PSP.

"Oh?"

"Ayos ka lang ba? Wala ka bang nararamdamang kakaiba?" Nandidilat na tanong nya
rito. Napakunot naman ang noo nito.

"Wala naman. Bakit? Ikaw? Ayos ka lang?"

Naipikit nya ang mga mata nya. Hindi nya kayang tagalan ang pagtingin. Para kasing
ipopossess nito si Cody sa ginagawa nito. Bigla syang napatayo.
"Oh? Bakit?" Nagtatakang tanong ni Bea.

"A-alis na muna ako. Kita na lang tayo mamaya sa classroom." Sabi nya habang
sinasambot ang mga gamit nya at nagmamadaling umalis. Kailangan nyang ilayo ito sa
mga kaibigan nya. Baka may gawin itong masama sa kanila.

"At ano naman ang gagawin kong masama sa kanila? Gayong ikaw lang naman ang dahilan
kung bakit ako nandito." Gulat na napatingin sya sa gilid nya. Naglalakad ito
kasabay sa kanya. At tila isng aparisyon lang ito na dinadaan-daanan at nilulusutan
lang ng mga estudyante.

Mabilis na pumunta sya sa gilid ng building kung saan wala gaanong tao. Umupo sya
sa damuhan at pinakalma ang sarili nya. Naitakip nya rin ang kamay nya sa mukha
nya.

Kailan ba to matatapos?

"Kapag namatay ka na." Tiningnan nya ng masama ang katabi nya. Nakaupo rin ito sa
damuhan. Naka-indian sit nga lang at nakatingin sa langit.

"Ba't ka ba nagpapakita sa akin? Di ba hindi pwede to?" Sa mga nababasa nyang mga
fantasy stories ay hindi pwedeng magpakita o mangialam ang mga katulad nitong
nilalang sa kanilang mga tao. Alam nya may mga rules din na sinusunod ang mga ito.

"Kahit naman sadyain kong hindi magpakita sa'yo, makikita at makikita mo pa rin
ako."

"Ano'ng ibig mong sabihin? Bukas ang third eye ko? May kakayahan akong makita kayo?
Kaya ba gusto mo na akong mamatay?" Yun ba ang dahilan ng lahat na ito? Hindi nya
naman hiniling na bumukas ang third eye nya eh.

Cold na napatingin ito sa kanya kaya bahagya syang napaatras mula rito. "Hindi ko
gustong mamatay ka na. Hindi ko kontrolado ang kamatayan ninyong mga tao. Tagagabay
lang ako ng mga kaluluwa patungong kabilang buhay. Sinisigurado kong makakatawid
ang mga kaluluwa sa tama at nasa itinakdang panahon ng kanilang kamatayan."

"Eh, bakit ibinigay mo sa akin to?" Itinaas nya ang suot nyang kuwintas na may
pendant na mini-hourglass na ang buhangin ay na-stuck ata sa ibabaw.

Sandaling natahimik ito, pagkatapos ay tumingala uli sa langit at nagsalita.


"Minsan, may mga taong namamatay na lingid sa kaalaman naming mga Tagagabay. Umiiba
ang itinakdang oras ng kanilang kamatayan at bubulaga na lamang iyon sa kanila.
Mamamatay silang walang gumagabay sa kanilang mga kaluluwa kaya matatali sila rito
sa mundong ibabaw. Walang kakayahang makatawid sa kabilang buhay. Sila ang mga
tinatawag naming, wayward souls." Tumingin uli ito sa kanya at naramdaman na naman
nyang parang nilulunod sya sa pagkakatitig sa mga brown nitong mga mata. "Ang mga
taong malapit na lang sa kanilang kamatayan ang nakakakita sa mga katulad ko. Pero,
ikaw, malayo pa ang itinakdang kamatayan mo, pero nakikita mo ako."
Napakunot ang noo nya. "Ha? Eh, una lang naman kitang nakita sa kwarto ko nung
ibigay mo sa akin ang kwintas na to ah?"

Napasmirk ito. "Alalahanin mo, Eydis Castillo. Ikaw ang unang nakakita sa akin."

Ako ang unang nakakita sa kanya? Kailan? Wala naman syang ibang maalala na
pagkakataon na nakita nya ito. Pero agad syang napasinghap nang may maalala sya.
Yung lalaking naka-itim sa puno! Yung akala kong tsismoso! Sya yun?

"Ako nga iyon. At hindi ako tsismoso."

"Pero bakit kita nakikita? Sabi mo malayo pa ang death ko ah?" Parang maiiyak na
sabi nya rito.

"Yun din ang ipinagtataka ko. Kung bakit mo ako nakikita. Pero isa lang naman ang
pwedeng kahulugan niyon."

"A-ano?"

"Isa kang special case. Na pwedeng humantong sa pagiging isa mong wayward soul."

"ANO?" Nanlalaki ang mga matang tanong nya rito. Magiging wayward soul ako? Ligaw
na kaluluwa? Hala!

"Kaya nga nandito ako para bantayan ka. Dahil sa isa kang special case. kailangan
kong tutukan ang kalagayan mo. Kaya ko rin ibinigay sa'yo yang kwintas. Kawangis
yan ng totoong mong orasan na nasa pangangalaga ko. Para mabantayan mo rin ang
kamatayan mo." Nawala na naman ang medyo nang-iinis na tingin nito at napalitan ng
blangkong ekspresyon. "Hindi ko maaaring mapahintulutan na magkaroon ng kaso ng
wayward soul ang area na to habang nasa pangangalaga ko. Ayokong magkaroon ng
wayward soul sa area na ito. Kaya makisama ka, Eydis Castillo."

May choice pa ba ako? Ayokong maging wayward soul!

=========
N/A:
Oo. Alam ko ang ikli. Sorry! Yan lang kaya ng utak ko ngayon eh. Huhu. Frustrated
ako kasi nasira yung isang laptop. Onscreen keyboard lang ang gamit ko dun kaya
hindi ako makapag-type. Buti iniwan ng tito ko yung laptop nya kaya nakapag-UD ako
ngayon. Huhu.

Si Baby Kyu sa side========>


Hehe. Si Corvus pala. Hahaha

<3 Nixie's Dream

######################################
5: Halik
######################################
5: Halik

"Ginoong Corvus."

Nanatili lang syang nakapikit habang nakasandal sa pintuan sa loob ng kwarto ni


Eydis Castillo. Nakikisama naman ito sa pagbabantay nya rito. Minsan nga lang ay
may pagkamakulit talaga ito at kung anu-ano ang tinatanong sa kanya. Minsan
nakakalimutan din nitong kausapin sya gamit ang isip lamang nito, kaya akala tuloy
ng mga kaibigan nito ay nagdodroga ito.

Wala pa namang nagyayaring masama sa mortal na yun pero kailangan nya pa ring
bantayan ito. Hindi ito pwedeng mamatay ng lingid sa kanyang kaalaman.

"Ginoong Corvus." Tawag na naman sa kanya ni Grus.

Nandito ito ngayon para pumalit muna sa pagbabantay niya kay Eydis Castillo. Anghel
dela gwardya naman ito at ito na rin mismo ang nagprisinta sa sarili nito.
Kailangan nya kasing magtrabaho. May mga susunduin sya ngayon.

Dumilat sya at umalis sa pagkakasandal sa pinto.

"Aalis ka na?" Tanong ng anghel dela gwardya habang nakaupo sa may sahig at
nakapangalumbaba.

"Bantayan mo ang panaginip nya." Sabi nya rito bago sya naglaho mula sa madilim na
silid na iyon. Pumalit doon ang puting-puting kapaligiran. Nasa isang ospital sya.

Tiningnan nya ang babaeng nakaratay sa higaan na animo'y wala nang buhay.
Nakapalibot ang mga umiiyak na kamag-anak nito rito. Ilang minuto nya munang
pinagmasdan ang mga ito, bago sya lumapit sa higaan ng maputlang babae. Hirap na
rin itong huminga. KItang-kita sa katawan nito na malapit na itong mamaalam sa
mundo.

Minuto na lang.

Segundo.

Oras na.

Yumuko sya at nilapit ang kanyang mukha sa mukha ng babae. Nakapikit ito at
naghihingalo na. Sinusundo na kita. At inilapat nya ang kanyang malamig na labi sa
maputlang labi nito.At ginawaran ng halik.
Halik ng Kamatayan.

Gabay patungong kabilang buhay.

Mula sa mga tagasundo ng mga nangamatay.

Diyos ng Kamatayan para sa mga kaluluwa ng kababaihan at Diyosa ng Kamatayan para


sa mga kalalakihan. Siya at si Nyctea.

"Alice! Anak!"

"Atee!!!"

Napuno ng hagulhol ang silid sa ospital na yun. Paulit-ulit na tinatawag ng mga ito
ang pangalan ng babaeng mortal na ngayon ay isa ng malamig na bangkay. Nilisan na
ng sariling kaluluwa.

"Huhuhu.... anaaakk!!"

Binawi nya ang tingin sa mga mortal na naghihinagpis sa paglisan ng babae at


tiningnan ang mga orasan ng kamatayan na nakalutang sa hangin at nakapalibot sa
kanya. Tiningnan nya ito isa-isa pagkatapos ay iwinasiwas ang kanyang kamay.
Naglaho na parang usok ang mga orasan, pagkatapos nun ay tumalikod na sya habang
ibinubuka ang kanyang itim na mga pakpak.

Sampung orasan.

Sampung kaluluwa.

Sampung babaeng naubusan na ng oras.

Eydis' POV

Matamlay na nangalumbaba sya at walang-ganang tumingin sa mga kaklase nyang


nagtatawanan. Wala silang klase kasi may meeting daw ang faculty. Pero hindi sila
pwedeng lumabas ng classroom kasi wala pa ang dismissal. Kaya ngayon ay nagkasya na
lang sa paglalaro at pakikipagchismisan ang mga kaklase nya.

Napabuntung-hininga sya at nilibot ang tingin sa bawat sulok ng classroom nila.


Hoping na makikita nya ang mga brown eyes na parating nakabantay sa kanya. Pero,
wala. Wala na naman. Kanina paggising nya ay ito na kaagad ang hinanap ng mga mata
nya, pero hindi nya ito nakita sa usual place nito. Walang giant na lalaki na
nakasandal sa may pinto nya. Nalungkot na man sya dun.

Aissh! Ba't ba hinahanap ko yung Mister Kamatayan na yun?

"Eydis? May problema ba?" Sandali nyang nilingon si Cody na nasa kaliwa nya,
pagkatapos ay umiling sya at tumingin sa hallway sa labas ng classroom.
Napabuntung-hininga na naman sya. Walang katao-tao dun. Walang giant na lalaki na
nakasandig sa may pader at nakatingin sa kanya.

Haayy!

"Sino ba yang iniisip mo ha?" Marahas na napalingon sya kay Cody. Kitang-kita sa
mukha nito ang iritasyon. Nanlaki ang mga mata nya, at dali-dali syang napailing.

"A-anong pi-pinagsasabi mo dyan, Cody? Wala naman akong iniisip ah!" Bahagya pa
syang napaatras palayo rito.

Mas lalo namang umasin ang mukha nito. "Yung totoo? Sino ang lalaking yan? Ba't
ayaw mong ipakilala sa amin?"

"Wala nga!" Angal nya rito.

Bakit ko sya ipapakilala sa inyo? Bakit? Gusto nyo na bang mamatay?

Aisshh!! Anu ba, Eydis!

Hindi mo sya iniisip! Hindi!

"Hoy, Eydis! Siguraduhin mo lang na hindi kita mabubuko, kung hindi, lagot sa akin
yang lalaking tinatago mo." Sabi nito na pinag-umpog-umpog pa ang kanang kamao sa
kaliwang palad nito.

Uberprotective Cody switched on! Aisshh!

"Wala nga. Wala akong tinatago no." Sabi nya rito sabay pout at bumalik sa
pagkakapangalumbaba at pagtanaw sa labas ng classroom.

Tss. Ba't ko ba kasi naiisip ang Mister Kamatayan na yun! Yan tuloy! Paniguradong
bantay-sarado na naman ako kay Cody nito. Hmp!
Kung sana nagpapakita na lang sya sa akin, edi hindi ko na sana sya hinahanap no!
Hmp!

At wala sa sariling kinapa nya ang mini-hourglass sa suot nyang kuwintas.

Hoy! Nababasa mo ang isip ko di ba?

Baka mamatay na lang ako rito bigla!

Bantayan mo ako!

Corvus!

=====
A/N:
Whew! Shori ha? Sabaw utak ko eh. YAn lang ang nakayanan. Hay! Ewan! Hahaha...
Well, bawi na lang ako sa susunod. :)

<3 Nixie's Dream


######################################
6: Anghel
######################################
6: Anghel

Ang lamig!

Mahimbing syang natutulog ng gabing iyon ng maramdaman nya ang malamig na ihip ng
hangin na pumapasok sa kanyang silid. Napamulat sya ng kanyang mga mata at
napagtanto nyang nakatulog pala sya sa kanyang study table habang nag-aaral. Sa
muling pag-ihip ng malamig na hangin ay nanginginig na tumayo sya at lumapit sa
kanyang nakabukas na bintana. Nagtataka sya. Ang pagkakatanda nya ay isinara nya
ito kanina bago sya nagsimulang mag-aral.

Baka nakalimutan ko lang siguro talaga.

Ipinagkibit-balikat nya na lang ito at sinigurado nang nakasara na talaga ang


bintana pagkatapos ay tumingin sya sa wall clock nya. Alas dose na pala. Dalawang
oras din syang nakatulog at inaantok na sya. Hinimas-himas nya ang kanyang leeg na
sumasakit dahil sa pagkakatulog nya kanina sa study table.

Argh! Stiff neck na naman to!

Pumihit na sya para matulog sa kanyang kama nang matigilan sya at mahigit ang
kanyang hininga, kasabay ang pag-alpas sa kanyang bibig ng pangalan ng nilalang na
matamang nakatingin sa kanya.

"Corvus."

Ang kaninang blangko na pagkakatitig nito sa kanya ay biglang napalitan ng


amusement kasabay ng paglalaro ng isang ngiti sa mga labi nito. Ikiniling din nito
ang ulo sa gilid at tinatamad na ibinulsa ang mga kamay.

"Binabati kita. Hanggang ngayon ay buhay ka pa." Ngumiti ito ng nakakaloko sa


kanya.

Napasimangot naman sya sa tinuran nito at padabog na umupo sa gilid ng kama nya.
Nag-indian sit sya, nangalumbaba at nakasimangot pa rin na tumingin sa lalaking
kamatayan.

"Alam mo? Aaminin ko na sana na namiss kita, eh, kaya lang sinabi mo pa yun. Kaya
wag na lang." Sabay pout nya.

Napasmirk naman sa kanya si Corvus. Katulad ng dati ay naka-itim na naman ito mula
ulo hanggang paa. Napapaisip tuloy sya kung ano ang itsura ng closet nito, at kung
meron ba itong ibang kulay ng damit bukod sa kulay itim. But then, may closet ba
ang mga Kamatayan? Saan kaya nito kinukuha ang iba't-ibang klase ng mga damit nito?
Iba-iba kasi sa tuwing nakikita nya ito. Tapos parang puro branded pa. Sino kaya
ang sponsor nito?

Wait? Kamatayan to eh. Kaya hindi nya kailangan ng sponsor di ba? Aissh! Saan ba
kasi nagpunta ang isang to at tatlong araw na hindi nagpakita sa akin?

"Hinahanap mo ako?" Gulat na napatingin sya kay Corvus sa pagkakarinig ng boses


nito. Nakakunot ang noo nito sa kanya.

"Ha?" Ano nga yung tanong nya?

"Ang tanong ko kung hinahanap mo ba ako. Nagtatanong ka kasi kung saan ako nagpunta
sa loob ng tatlong araw." Seryosong nakatitig na naman ito sa kanya. Wala na ang
amusement sa mga mata nito.

"Ha? May tinanong ba akong ganun?" Nasabi ko ba ng malakas ang iniisip ko kanina?

"Hindi mo kailangang sabihin ng malakas ang iniisip mo, Eydis Castillo. Nababasa ko
lahat iyon." Bored na sabi nito sa kanya.

Aiissh! Nga pala! Ba't nakalimutan ko yun? Mind-reader pala ang Kamatayan na to.
Tsk!
"Ba't mo ko hinahanap?"

"Eh, hindi ako sanay na hindi ka nakikita eh. Tsaka baka bigla na lang akong
mamatay ng wala ka. Ayokong magiging wayward chuchu no?" Sabi nya rito ng
nakanguso.

"Wayward soul. At mayroong nagbabantay sayo habang wala ako." Feeling nya ay parang
bata sya na pinagpapaliwanagan ng magulang nya sa tono nito. Napataas naman ang
kilay nya sa huling sinabi nito.

"May nagbabantay sa akin? Sino?" Curious na tanong nya rito.

"Isang anghel dela gwardya." Tipid na sagot nito. Wala man lang karugtong na
explanation.

"Anghel dela gwardya? Guardian angel?" Nanlalaki ang mga matang tanong nya rito.
Totoo pala ang mga guardian angel? Ang akala niya ay hindi sila totoo. Pero, ano pa
nga ba ang hindi totoo sa mundong ito? Ang akala rin nya noon ay sa mga manga lang
totoo ang mga Death God, pero ngayon ay merong isa, dito mismo sa loob ng kwarto
nya.

"Oo. Guardian angel. Hindi mo sya nakikita dahil sabi ko wag syang magpapakita
sayo."

Nangunot na naman ang noo nya. "Bakit naman? Gusto kong makakita ng Angel!"
Nakakahiya, oo, pero dream nya talagang makakita ng angel noon pa.

"Tumahimik ka nga. Para kang bata. Alalahanin mo, Eydis Castillo, nakikita mo ako
ngayon dahil sa abnormal na oras ng Kamatayan mo. Kaya wag mong gawing laro ang
bagay na to." Malamig ang boses nito at matalim ang pagkakatingin sa kanya. Pero
kahit na ganun ang ginamit na tono at tingin nito sa kanya ay nginitian nya lang
ito.

"Kaya nga! Malapit na akong mamatay kaya gusto kong ma-experience lahat ng gusto
kong ma-experience! Kasama na doon ang makakita ng angel. Well, nakita na kita na
isang Death God, kaya, next on the list, ay angel naman." Ngumiti sya rito ng
malapad.

Oo. Araw-araw, simula nang una itong magpakita sa kanya at sabihing maaari syang
mamatay na lang ng basta-basta ay parati na nyang iniisip kung ano ang mangyayari
kapag namatay sya. Masyado pa syang bata para mamatay. Wala pa nga syang sixteen.
At isa pa, ayaw nyang iwan ang Mama nya ng mag-isa. Wala na ang Papa at Ate nya,
kaya siya na lang ang natitira sa Mama nya. Ayaw nyang makita na naman itong umiyak
kapag nawala sya. Kaya ang sabihin nitong ginagawa nyang laro ang bagay na to ay
parang isang sampal sa kanya. Ba't nya naman gagawing laro ang bagay na to kung
buhay nya na ang sangkot? Takot syang mamatay. Hindi para sa kanya, kundi para sa
Mama nya. Kaya kahit maaari ay ayaw nyang gawing negatibo ang sitwasyon. Ayaw
nyang isipin na baka bukas ay hindi na sya magising.
"Aha! Tama! Gagawa ako ng Bucket list! Mga things to do bago ako mamatay!"
Nakangiti pa ring sabi nya kay Corvus na ngayon ay nakakunot ang noo at parang
nalilito. "Pwede yun di ba? Para bago ako mamatay, nagawa ko na ang lahat ng gusto
kong gawin at wala na akong pagsisisihan. At matiwasay akong makakapunta sa
heaven!"

"At paano ka naman nakakasigurong sa langit ang punta mo?" BUmalik na naman ang
amusement sa tingin at ngiti nito. Dapat ganyan eh, ngumiti na lang ito parati para
hindi nakakatakot.

"Sure ako! Good girl ata to!" Sabay bungisngis nya rito.

"Tingnan natin, Eydis Castillo. Tingnan natin." Misteryoso ang ngiting ibinigay
nito sa kanya. "Hindi ka pa ba matutulog?"

Napakamot naman sya sa kanyang ulo. "Oo nga pala. Hehe. Ikaw kasi, eh. Chinichika
mo pa ako kaya nakalimutan ko tuloy na inaantok pala ako." Sabi nya rito sabay
hikab. Humiga na sya at nagkumot saka sya may naalala.

"Ahmm,,, Corvus, pwedeng pakipatay ng ilaw? Hehe. Thank you. Good night." Sabay
pikit nya ng may ngiti sa labi.

***
Corvus' POV
Napabuntong-hiningang tiningnan nya ang mortal na babaeng nakapikit habang
nakangiti. Kakaiba talaga ang babaeng ito. Parati syang ginugulat sa mga
pinaggagagawa nito.

"Hindi mo ba papatayin ang ilaw? Sayang din to sa kuryente." Bumuntung-hininga uli


sya at iwinasiwas ang kamay nya. Namatay ang ilaw sa loob ng kwarto ni Eydis
Castillo, ngunit kitang-kita nya pa rin ang naglalakad na lalaki papunta sa
kinaroroonan nya. Nakaputing polo at pantalon ito. Napatuwid naman sya ng tayo.

"Ngayon ba ang araw na yun?" Tanong nya rito. Ngumiti naman ito sa kanya at tumabi
sa pagkakasandig nya sa may pinto.

"Oo eh. Akalain mo yun? Labing-dalawang taon na rin pala." Naging malungkot ang
ngiti nito at naging malayo ang tingin na parang may inaalala. Pagkatapos ay parang
gulat na napabaling sa kanya. "Papano mo nga pala nalaman, Ginoong Corvus?"

"Sa loob ng limang taon na magkakilala tayo ay tanging sa iisang araw lang sa loob
ng isang taon kita nakikitang nagsusuot ng puti." Sabi nya rito na ikinatango-tango
naman nito.

"Tama ka nga. Ewan ko nga ba kung bakit ganun ang parati kong ginagawa sa araw na
ito. Ewan ko ba."
Labing-dalawang taon na ang nakakaraan, sa araw na ito ang syang huling araw nito
bilang isang mortal na tao. Namatay ito dahil sa isang aksidente. Hindi nya alam
kung ano mismo ang naging dahilan ng pagkaka-aksidente nito pero ang alam nya
parati itong nawawala sa araw na yun. At kapag nagpapakita ito sa kanila ay
nakaputi na ito.

"Saan ka ba nagpupunta tuwing dumarating ang araw na to?" Tanong nya rito. Kung
tutuusin ay naiinggit sya rito at sa iba pa nilang kasamahan. Dahil sila, alam kung
ano ang nakaraang buhay nila bilang tao, hindi katulad nya na walang kaalam-alam sa
buhay nya noon.

"Ha-ha. Wag mo nang alamin, Ginoong Corvus. Baka maiyak ka. Haha!" Pilit ang tawa
nito at kita nya ang lungkot sa mga mata nito.

"Gusto ka nyang makita." Sabi nya rito pagkaraan ng ilang sandaling katahimikan.
Nakakunot ang noong napabaling ito sa kanya.

"Sino?"

"Sya." Tumango sya sa direksyon ng nahihimbing na si Eydis Castillo.

"Gusto nya akong makita? Bakit?"

"Gusto nya raw makakita ng anghel bago sya mamatay." Bale-walang sagot nya rito.

"Bakit? Anghel ka rin naman ah?" Nakakaloko ang ngiti nito sa kanya.

"Itim ang pakpak ko at isa pa, anghel dela gwardya ang gusto nyang makita. Hindi
isang anghel ng kamatayan."

Natawa naman si Grus sa sinagot nya rito. "Ibig sabihin? Ayaw nya sa kagwapuhan mo?
Tsk! Iba na talaga ang kamandag ko. Umaapaw."

Sinamaan nya naman ito ng tingin. Umaapaw na kasi ang kayabangan nito. "Magtigil ka
nga."

"Haha! Teka? Pwede bang bukas paggising nya ay ako muna ang mamulatan nya? Para
naman maganda kaagad ang araw nya dahil ang gwapong ako ang una nyang makikita
paggising nya."

Nagtitimpi sa inis na napabuntung-hininga na naman sya. Bumalik na ang makulit at


mayabang na si Grus. Kunsabagay, tapos na ang paggunita nito sa araw ng kamatayan
nito.
"Ikaw ang bahala. Total ay may susunduin rin naman ako apat na oras mula ngayon."

"Yun oh! Haha. One wish of Eydis Castillo, coming up!" Napasuntok pa ito sa hangin.
Mukhang mayroon na naman itong mapagkakaaliwan.

***
Eydis' POV
Naggising sya sa alarm clock nya. Bumangon sya at nag-unat-unat muna habanmg
nakapikit pa rin. Mukhang magiging maganda ang araw na to ah!

"Good morning, Miss Eydis!"

Napa-freeze ang mga kamay nyang inuunat nya sa ere at napamulagat sya. Napanganga
sya at nanlaki ang mga mata nya sa bumungad sa kanya. Agad nya ring ibinaba ang mga
kamay nya. Isang matangkad na lalaki na naka-blue long sleeves ang parang modelo ng
toothpaste na nakangiti sa kanya.

"Si-sino ka?" Tinuro nya pa ito. Teka? Si Corvus nasaan?

Simpatikong ngumiti ito sa kanya bago nagsalita. "Ang sabi kasi ni Ginoong Corvus
gusto mo raw makakita ng Anghel. Kaya ako nandito."

"A-anghel ka?" Ang gwapong anghel naman to?

"Salamat sa papuri, Miss Eydis. At oo. Anghel ako. At your service." Nag-bow ito sa
kanya at sa pagtayo uli nito ng matuwid ay lumabas ang mga pakpak nito.

Wow! Snow white wings! Angel wings!

Napatalon sya mula sa kama nya at tumakbo papunta rito. Manghang nakatingin sya sa
mga puting pakpak nito.

"Pwede mo syang hawakan. Hindi naman yan malulusaw." Ngiti sa kanya ng anghel. Ang
tangkad-tangkad nito. Mukhang mas matangkad pa ito kaysa kay Corvus.

Ngumiti naman sya rito at hinaplos ang pakpak nito. Para syang kinilig nang
mahawakan ito. Ang lambot-lambot ng balahibo ng pakpak nito!

Ang pakpak kaya ni Corvus? Ganito rin kaya kalambot?

"Bakit? Hindi mo pa ba nahahawakan ang pakpak ni Ginoong Corvus?" Nagtataka ang


mukha ng anghel sa kanya at alam nyang pati mukha nya ay nagtataka rin.
"Mind reader ka rin?"

Muling ngumiti ito ng malapad sa kanya. "Oo. Lahat kami ng mga kauri kong nilalang
ay nababasa ang isip ng mga mortal na tao. Kailangan yun para magampanan namin ang
aming tungkulin."

"Aahh... Astig. Ano nga uli ang pangalan mo?"

"Ah! Pagpasensyahan mo na. Ako nga pala si Grus. Ang anghel na kaibigan ng kaibigan
mong si Ginoong Corvus."

Napataas naman ang kilay nya. "Si Corvus? Kaibigan ko?" Simangot nya rito. "Nasaan
nga pala ang isang yun?"

Naaaliw na ngumiti naman sa kanya si Grus. "May kailangan lang sunduin si Ginoong
Corvus. Pero wag kang mag-alala, nandito naman ako para bantayan ka at ang buhay
mo."

"Buhay ko? O ang kamatayan ko?" Tumalikod sya rito para pumunta sa banyo nya.
Kailangan na nyang maligo. Baka ma-late pa sya. Mamaya andyan na sina Cody at Bea.

"Buhay mo, Miss Eydis. Remember, I'm a guardian angel. We save lives." Bago sya
pumasok sa banyo ay nakita nya uling ngumiti sa kanya ang anghel. Napangiti rin
sya.

Yeah. Iba nga naman ang guardian angel sa isang death god.

Itutuloy...

NixieYume<3
######################################
7: Bucket List
######################################

7: Bucket List

"Ate."
"Bye, Ate. Alis na ako. Please watch over me." Tumingkayad sya at hinalikan ang
nakangiting larawan nito tsaka tumuwid ng tayo at ngumiti ng matamis.

"Ang ganda ng Ate mo, ha? Magkamukha kayo." Napangiti sya sa narinig nyang sinabi
ni Grus, the guardian angel.

Magkamukha talaga kami ng Ate ko. Little version nga raw nya ako.

"Good. Naalala mo nang kausapin ako gamit lang ang isip mo. Akala ko ipapahiya mo
na naman ang sarili mo sa harap ng mga kaibigan mo, eh. Haha." Napasimangot sya sa
komento ng anghel. Nang-inis pa talaga!

"Eydis! Lika na!" Napangiwi sya ng marinig nyang sumigaw si Bea mula sa pinto.

Ang lapit-lapit lang ng pinto, eh.


"Ma, alis na po kami." Humalik na sya sa mama nya at sumunod sa pinto kung nasaan
naghaharutan ang dalawa nyang kaibigan. Bigla syang tumakbo at dinamba ang dalawa.

"Araay!!"/"Eydiis!" Tawa naman sya ng tawa sa mga reaksyon nong dalawa. Minsan lang
naman sya magpaka-isip bata. Haha.

"Tara na nga! Ma-late pa tayo eh." Busangot na yaya sa kanila ni Bea. Inakbayan
naman sya ni Cody at sumunod na silang dalawa rito. Ngingiti-ngiti pa rin sya. Kita
nya rin sa peripheral vision nya na nakaagapay sa paglalakad nila si Grus.

"Oy, may laro kami mamaya. Dapat nandon kayong dalawa, ha?" Sabi ni Cody na hinila
sa braso si Bea pabalik at iniakbay ang kaliwang braso dito.

"Oo na. Gusto mo lang nang magchi-cheer sayo, eh andami mo namang fangirls dun."
Mataray na sabi ni Bea habang nakasimangot.

"Eh, sa mas gusto ko na nandun kayong dalawa eh! Wala naman akong pakialam sa ibang
mga babaeng yun. Ang gusto kong makita, eh kayong dalawa. Hmm?" Napangiti sya.
Ganyan talaga si Cody. Hindi pumapalya sa pagpapakita ng pagpapahalaga sa kanilang
dalawa ni Bea.

"Alam mo? Mahal ka ng lalaking yan." Nangunot ang noo nya sa sinabi ni Grus.

Ha? Eh, talaga namang mahal kami ni Cody no!

"Hindi. Ang ibig kong sabihin ay inlove sayo yang kaibigan mo. SA IYO lang."
Napatigil sya sa paglalakad kaya pati si Cody na nakaakbay sa kanya at si Bea na
inaakbayan nito sa kabila ay natigil din.

Ano'ng pinagsasabi mo?

"Eydis? Ba't ka huminto?" Takang tanong sa kanya ni Bea habang si Cody naman ay
nakakunot ang noo sa kanya.

"Mahal ka ni Cody Roxas, Eydis Castillo. Hindi pagmamahal ng isang kaibigan kundi
pagmamahal ng isang lalaki para sa isang babae."

Tumigil ka nga! Imposible yang sinasabi mo!

"Meron pa bang imposible sa mundong ito? Miss Eydis?" Nagsmirk si Grus sa kanya na
nakatayo ngayon sa harapan nilang tatlo. Tapos ay tumingin ito kay Cody. "Yeah. In
love nga sya sayo."

Hindi totoo yan!

Nagkibit-balikat at ngumiti lang ang anghel sa kanya. Nang tingnan nya ang dalawa
nyang kaibigan ay nakatingin ang mga ito sa kanya na parang ang weird-weird nya.
Nginitian nya lang yung dalawa.

"Okay ka lang?" Nakataas ang kilay na tanong ni Bea.

"Ahh.. Oo, okay lang ako. Medyo may naalala lang ako kanina kaya ganun. Hehe."
Nagpeace sign sya sa dalawa at bumungisngis para lang ipakita na okay sya.
Napailing lang naman si Bea sa kanya habang napangiti lang naman si Cody at ginulo
ang buhok nya.

"Uyy! Cody naman eh! Hands off sa buhok!" Angil nya rito sabay tampal ng kamay nito
sa buhok nya.
"Wehh, ang OA."

Napapout na lang sya at humabol kay Bea na nauna nang maglakad. Umabrisete sya rito
habang nangingiti. Si Cody naman ay nagrereklamo sa likod nila.

"Mahal naman nyan yung lalaki." Nakangisi na namang sabi sa kanya ni Grus habang
naglalakad sa tabi nya. "Love triangle kayo. Haha." Bahagya syang napanganga sa mga
pinagsasabi nito.

Anghel ka ba talaga? O demonyo? Dinedemonyo mo ang utak ko eh.

Napasimangot naman sya ng humalakhak lang si Grus sa tanong nya. Nakahawak pa ito
sa tiyan nito habang todo sa pagtawa. Parang gusto nya tuloy batukan ito.

"Ang honest ko nga eh. Tapos tatanungin mo kung demonyo ako. Bawal kaya sa amin ang
magsinungaling."

Ewan ko sayo. Hmp!

Humalakhak na naman si Grus pero hindi nya na lang ito pinansin.

***
"Ano'ng ginagawa mo?"

Napaangat ang mukha nya mula sa sinusulat nya at nakita nya ang curious na mukha ni
Grus na nakatingin sa kanya. Nandito sila ngayon sa likod ng building ng school
nila at nakaupo sa damuhan. Walang nagpupunta rito kaya dito nya piniling pumunta
ngayon. Dito rin sila nag-usap noon ni Corvus nung ipinaliwanag nito sa kanya ang
tungkol sa sitwasyon nya.

"Gumagawa ng bucket list." Ngumiti sya rito saglit tsaka bumalik na naman sa
pagsusulat.

Lunchbreak ngayon eh. Pero mas pinili nyang mapag-isa kaysa sa sumama dun sa
dalawa. Napapagod na rin sya sa mga pinagsasabi ni Grus na kesyo raw may gusto sa
kanya si Cody, na gusto naman ni Bea. Nakukulili yung tainga nya at nalilito yung
utak nya. Parang mababaliw sya sa kakulitan ng anghel na to. Namimiss nya tuloy
yung katahimikan ni Corvus.

"Bakit ka gumagawa nyan?"

"Kasi gusto ko, bago ako mamatay, magawa ko lahat ng gusto kong gawin. Kaya
gumagawa ako nito. Things-to-do bago ako mamatay. Para masabi kong nasulit ko naman
yung buhay ko at wala akong panghinayangan." Paliwanag nya rito habang nagsusulat.
Pagkatapos ng ilang sandali ay ngiting-ngiting binasa nya uli ang mga sinulat nya.

Things to do before my trip:

1. Bigyan si Mama ng pinakamemorable na birthday

2. Do something for Cody's and Bea's happiness


3. Makasakay sa ferris wheel habang nanonood ng sunset

4. Makapagwish sa isang shooting star

5. Makapagsorry kay Kuya

"Anong trip?" Natawa sya sa tanong nito. Nasa likod nya ito at nakikibasa ng bucket
list nya.

"Trip. Trip to heaven." Ngumisi sya rito habang nakalingon. Ginawa nyang ganun para
hindi masyadong halata na mamamatay na sya. Baka merong makabasa eh.

"Sigurado kang sa langit ang punta mo?" Nakataas ang kilay na tanong nito. Nawala
naman ang ngiti sa mukha nya.

"Alam mo? Parehong-pareho kayo ni Corvus. Ang bad nyo." Nakasimangot na sabi nya
rito habang masama ang tingin.

"Eh, totoo naman eh. Pano ka nakakasiguro na dun ka nga pupunta? Merong mga tao na
akala nila sa sarili nila ay banal sila, pero sa impyerno rin pala ang bagsak."
Natigilan naman sya roon. May point ito. At medyo natakot sya sa isiping mapupunta
sya sa impyerno. Ayaw nya sa hell. Mabait naman sya eh.

"Haha! Wag mo nga munang isipin yan." Inagaw nito ang papel kung saan nakasulat ang
bucket list nya. Umupo uli ito ng pa-indian sit sa tabi nya at nakakunot ang noo na
sinuri ang sinulat nya.

"Kailan ba ang birthday ng Mama mo?" Nakapangalumbabang tanong nito sa kanya.

"Friday next week."

"Malapit na pala, eh. Oh, ano'ng plano mo sa birthday ng Mama mo?"

"Ewan ko. Hindi ko alam." Napapout sya sa isiping yun. Gustong-gusto nyang mapasaya
ang Mama nya sa birthday nito pero hindi nya alam kung papaano.

"Hmm... Problema nga to. Magpatulong ka kaya sa mga kaibigan mo para magkaroon ka
ng ideya? Ano ba ang nakakapagpasaya sa Mama mo?"

Napaisip sya roon. Ano nga ba ang nakakapagpasaya sa Mama nya? Wala syang kaide-
ideya. Nanlumo sya. Ang sama pala nyang anak. Wala syang kaalam-alam tungkol sa
Mama nya.

"Wag mong sabihing masama kang anak. Dahil kung masama kang anak, hindi mo ililista
to dito. Hindi mo maiisip pasayahin ang Mama mo bago ka mamatay. Kung masama ka,
puro sarili mo lang sana ang iniisip mo nang isulat mo to."

Maluha-luha naman syang tumingin kay Grus na sympathetic na nakatingin sa kanya.


Nakakahiya sya.

"Ba't hindi mo paglapitin ang dalawa mong kaibigan? Para maging lovelife nila ang
isa't-isa?" Ilang segundong nakatanga sya sa nakangising mukha ni Grus bago nya
lubusang maintindihan ang sinabi nito.

Bigla-biglang nagchange topic eh no? Hindi pa nga natatapos yung sa list number
one, lipat agad sa list number two? Tsk!

"Ba't ba ang kulit mo tungkol sa bagay na yan?" Medyo inis na tanong nya rito.

"Kasi yun ang pinakamaganda mong gawin para mapasaya mo sila ng tuluyan. Gusto mong
makagawa ng bagay na makakapagpasaya sa kanila, hindi ba? Mahal ni Bea si Cody pero
ikaw naman ang mahal ni Cody. Ano sa tingin mo ang mangyayari sa dalawa kapag
nawala ka na? Pareho silang masasaktan. Si Cody, dahil nawala ang babaeng mahal
nya. Si Bea, dahil nasasaktan si Cody sa pagkawala mo. Ngayon? Ano sa tingin mo ang
dapat mong gawin para mapigilan yun?" Intense ang pagkakatingin nito sa kanya.
Ngayon nya lang napansin na grey pala ang kulay ng mga mata nito.

"So, bago ako mawala, kailangan gumawa ako ng paraan para magkamabutihan sila at
magkatuluyan?" Ngayong napapag-isipan nya to ng mabuti ay parang hindi naman
masama. Talagang kaibigan lang ang turing nya kay Cody at kung totoo nga ang mga
sinabi ni Grus, ay botong-boto sya kay Bea para kay Cody.

Magkakatuluyan ang dalawang kaibigan nya, na mahal na mahal nya? Not bad. Napangiti
siya habang napipicture nya si Bea at Cody na ikinakasal. Sana nga lang makita
nyang mangyari yun.

"Oo. Kailangan yun. Kailangan malipat ang pagtingin sayo ni Cody kay Bea." Puno ng
konbiksyon na saad nito. Bahagya naman syang natawa.

"Anghel ka ba talaga? O ikaw si Cupid?"

"Tsk! Wag mo'ng isali ang Greek Myth dito. Ano ka ba?" Natawa lang naman sya sa
asim ng mukha nito.

"Bakit? Ganda kaya ng world of Greek Mythology!"

"Haay! Tumigil ka na nga! Ano namang kaartehan to'ng ikatlo at ikaapat sa listahan
mo?" Mas lalo syang natawa. Ang galing talagang magchange topic ng anghel na to!

"Hindi yan kaartehan no. Mga gusto ko nga yang gawin bago ako mamatay. Hindi pa
kasi ako nakakasakay sa ferris wheel at nakakapanood ng sunset, kasi parati akong
diretso sa bahay mula sa eskwelahan kaya pinag-isa ko sila, para masaya!" Patalon-
talon pa sya mula sa pagkakaupo nya at may mga hand-gestures pa sya kaya kung
makatingin sa kanya si Grus ay para siyang isang nakakainis na four years old.

"Eh, itong ikaapat?"

Natigilan naman sya pagkuwa'y napangiti sya ng malungkot. Makapagwish sa isang


shooting star.

"Parati kasing sinasabi sa akin noon ni Ate na kapag humiling daw ako sa isang
shooting star, magkakatotoo yung wish ko. At promise nya sa akin na sasamahan nya
akong maghintay ng shooting star. Kaya lang, hindi na nya ako nasamahang
maghintay." Napayuko siya at pinigilan ang mga luha nya na kumawala. Naaalala nya
ang maamong mukha ng kanyang ate. Sobrang bait nito. Mahal na mahal nya ito. Mahal
na mahal.

Mahabang katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa ni Grus, hanggang sa


naramdaman nyang parang may kakaiba. Napaangat ang ulo nya ng maramdaman nya ang
pagyakap sa kanya ng kung sino. Akala nya si Grus iyon, pero hindi pala. Malungkot
na nakatingin lang ito sa kanya at nakaupo pa rin sa harapan nya.

"Wag ka nang malungkot, Ate. Siguradong mahal ka rin ng ate mo." Hinawakan nya ang
mga maliliit nitong mga braso at lumingon sya sa likod nya. Isang umiiyak na batang
lalaki ang nakita nya. Mga five years old siguro. Nagtataka sya kung sino ito pero
hindi nya maiwasang punasan ang mga luha sa mga mata nito.

"Huwag kang iiyak ate, ha?" Sabi ng bata sa kanya na sige pa rin ang pagluha.
Bahagya syang natawa. Hindi naman sya umiiyak, eh. Ito pa nga ang umiiyak. Sino ba
tong batang to?

"Siya si Moon, ang batang anghel na apprentice ni Ginoong Corvus." Sandali syang
napalingon kay Grus na sumagot sa katanungan nya.

Apprentice?

"Nagsasanay siya sa ilalim ni Ginoong Corvus upang maging isang Death God." Nagulat
siya sa sinabi nito at napatingin uli sa batang tumahan na. Pinunasan nya ang
natitirang luha sa pisngi nito at ngumiti dito na sinuklian din nito ng ngiti.

Ang bata nya naman para mamatay?

"Five years old po ako nung mamatay dahil sa leukemia." Nakangiti nang sabi sa
kanya nung batang anghel na si Moon na lumakad palapit kay Grus at kumandong.
Napangiti siya sa nakikita nya. Ang cute-cute kasi ni Moon at ang cute nilang
tingnan na dalawa.

Parang magtatay lang.

"Aissh! 17 lang ako nung namatay ako no? At ang gwapo ko naman para maging tatay!"
Angal ni Grus sabay pout sa kanya habang kandong-kandong pa rin ang nakangiting si
Moon.

"Haha. Ang cute nyo kasing tingnan, eh." Natatawa pa rin sya nang may maalala sya.
"Bakit ka nga pala umiiyak kanina?"

"Masyadong sensitibo si Moon kaya malakas ang epekto ng kalungkutan mo sa kanya.


Kaya siya napaiyak." Si Grus ang sumagot sa tanong niya na para kay Moon, habang si
Moon naman ay hawak-hawak na at binabasa ang ginawa nyang bucket list.

"Sino po si Kuya?" Nakakunot ang noo na tanong sa kanya ni Moon. Matipid na ngumiti
naman sya at kinuha nya ang bucket list mula rito.

Napabuntung-hininga sya. "Si Kuya ang lalaking nagawan ko ng kasalanan noon na


hanggang ngayon ay dala-dala ko pa rin."

Corvus' POV
Namimilipit siya sa sakit at hindi siya makahinga. Nararamdaman nya ang pag-agos ng
kanyang buhay mula sa malalim na sugat sa kanyang sikmura. Hinang-hina na sya pero
iisa lang ang nasa isip niya.

Kailangan ko siyang malapitan. Kailangan ko silang malapitan. Kailangan...

Pinilit nyang gumapang palapit sa kanila. Pinilit nyang abutin ang kamay nito. Pero
hindi niya magawa. Hindi niya ito maabot...

Hindi...
Bigla ang pagmulat ng mga mata niya at bumalikwas sya ng bangon. Hinahabol niya rin
ang kanyang hininga at ang lakas ng pagtambol ng kanyang dibdib. Nabibingi siya sa
katahimikan ng paligid. Tanging ang pabugso-bugsong paghinga at ang nagririgodong
puso nya ang maririnig.

Ang panaginip na namang yun. Bakit ba sa tuwina'y yun ang napapanaginipan nya?
Napapikit sya ng mariin bago marahas na bumangon sa kanyang higaan at pagkatapak ng
kanyang mga paa sa sahig ay wala na sya sa kanyang silid. Nag-iba na ang paligid.
Napunta na sya sa silid ng mga orasan ng kamatayan. Sinuri nya ang mga nakahilerang
orasan sa may mesa kung saan nilalagay at hinihiwalay ni Moon ang mga orasan na
nagsimula nang umandar.

Dalawang kaluluwa pa ang kailangan nyang gabayan.

Dalawang kaluluwa pa, bago sya makabalik sa pagbabantay sa kanyang special case.

===========
N/A: Si Cody at si Bea sa gilid ====>

Yun lang. Question! Tingin nyo? Ano'ng kailangan ihingi ng sorry ni Eydis sa "Kuya"
nya?

?.?

Nixie's Dream <3


######################################
8: Kapalaran
######################################
8: Kapalaran

WHOOOO!!!

Dumagundong ang buong gym sa sigawan ng mga estudyanteng nanonood ng basketball.


Limang segundo na lang ang natitira at dalawa pa ang lamang ng kalabang kuponan
pero sa loob ng limang segundo na iyon ay nagawang makashoot ng three point shot ng
star player ng St. Therese Academy na si Cody Roxas.

"Whaaaa!!! Halimaw ka Cody!!! Whooo!!!

"I LOVE YOU, CODY!!!"

"Marry Me!"

Natatawa siya sa mga pinagsisisigaw ng mga taong nagwa-wild dahil sa pagkapanalo na


naman ng school nila. Dahil kay Cody. Hyper mode silang lahat ngayon. Pati sya
halos matanggal ang baga sa kakasigaw.

"Eydis! Lika na! Punta na tayo sa mokong na yun! Dali!" Hinila na sya ni Bea
papunta kay Cody na dinudumog na ng mga schoolmates nila. Pero nang magkagitgitan
na ay mahina nyang hinatak ang kanyang kamay mula kay Bea at hindi na sumunod dito.
Pinanood nya lang ito ng batukan nito si Cody at yakapin naman ito ni Cody pabalik.
Napangiti sya at kinilig. Bagay pala talaga ang dalawang yun.

"Sabi naman sayo ni Ginoong Grus, eh. Bagay talaga yang dalawa mong kaibigan."
Ngingiti-ngiting sinulyapan nya lang si Moon. Mayamaya ay inaya na nya itong
umalis.

Lika na Moon. Alis na tayo.

"Saan tayo patungo, Ate Eydis? Hindi mo ba hihintayin ang iyong mga kaibigan?"
Umiling lang sya at sinagot ito gamit ang isip nya.

Kagaya nga ng sabi ni Grus, gumawa ako ng paraan para madevelop si Cody kay Bea.
Hindi ko naman magagawa yun kung parati akong nasa eksena di ba? Kailangan bigyan
ko sila ng time para sa isa't-isa. No. 2 yun sa bucket list ko!

"Oo nga pala no? Nakaligtaan ko. Ehehe." Kumamot-kamot pa sa ulo nito si Moon kaya
mas lalo itong naging cute tingnan. Parang gusto nya tuloy i-hug at kurut-kurutin
ang pisngi nito. Kaya lang magmumukha lang syang tanga at baliw pag ginawa nya yun.
Hindi naman kasi visible si Moon sa ibang tao, eh. Sa kanya lang. "Saan nga pala
tayo patungo?"

Sa aking nakaraan. Sagot nya sa batang anghel na nangunot ang noo.

"Iyong nakaraan?"

Tumango sya at tinungo ang lugar ng kanyang nakaraan na nakasunod sa likod si Moon.
Binalikan nya ang lugar kung saan naiwan ang alaala ng kanyang kabataan.

"Dito kami madalas mamasyal noon ni Ate nung mga bata pa kami." Sabi nya kay Moon
gamit na ang kanyang boses. Nasa park sila ngayon na malapit sa dati nilang bahay
noon. Wala gaanong tao kaya pwede nyang kausapin ng normal ang batang anghel.

Lumapit sya sa swing at doon naupo. Pumikit sya at inalala ang masayang nakaraan.
Masayang nakaraan na nagdudulot ng matinding lungkot sa kanyang puso.

"Ano'ng nagyari at nilisan nyo ang lugar na ito?" Napadilat sya at bumaling kay
Moon na nakaupo sa katabi nyang swing. Nakakunot ang noo nito at puno ng
kyuryusidad ang mga mata.

"Namatay si Ate, kaya kinailangan naming lumipat." Malungkot na sagot nya na


ikinalungkot din ni Moon.

"Ano ang ikinasawi ng iyong kapatid, Ate Eydis?" Napangiti siya ng mapait sa tanong
nito. Wala syang maalala. Ang alam nya lang ay nasaksihan nya ang pagkamatay ng Ate
nya at grabe ang epekto niyon sa sampung taong gulang na utak nya. Ang resulta ay
nagkaroon sya ng trauma dahil sa pangyayari. Dalawang buwan syang hindi
nakapagsalita. Isa rin yun sa rason kung bakit lumipat sila. Mas malapit ang
nilapitan nilang bahay sa kung saan sya pinagtherapy ng Mama nya. Mabuti na lang at
nakarecover sya.

"Hindi ko na matandaan, eh. Basta ang alam ko ay napakasakit yun. Sapat para
gustuhin na lang na kalimutan ng utak ko."

Tahimik lang silang nagswing ni Moon. Nakapikit sya at inalala muli ang nakaraan.
Tuwing hapon ay nagpupunta sila dito ng Ate nya at naglalaro. Ang ate nya ang
kasangga nya at karamay nya. She was always loved.

Namimiss na kita, Ate.

Mayamaya pa ay tumayo na siya at inayang umuwi si Moon. Maggagabi na at baka


dumating na rin ang Mama nya. Papaalis na sila ng park ng mapansin nyang nawawala
yung panyo nya na binigay sa kanya ng Ate nya noon. Hinanap nya yun sa bag at sa
bulsa nya pero hindi nya makita.

"Ano'ng problema, Ate Eydis?"

"Yung panyo ko. Hindi pwedeng mawala yun." Patakbong bumalik sya sa park para
hanapin yun. Sinundan nya uli ang dinaanan nya hanggang sa makabalik sya sa swing.
Natigilan sya ng makitang may tao na nakaupo sa swing na kanina ay inuupuan nya.

"Ahm, excuse me po." Tawag nya sa pansin nung tao, na lumingon naman sa kanya.
Naka-cap ito at naka-dark shades. Takip-silim na, naka-dark shades pa rin? Ang
weirdo naman ng lalaking to.

"Ahm, kuya may nakita po ba kayong panyo dito? Color blue po sya." Parang may
kinapa naman sa bulsa nya yung lalaki at inilabas ang isang panyo sa bulsa nito.
Napangiti sya ng makita nyang kanya nga iyon.

"Ito ba?" Ang lalim ng boses nung lalaki. Tantiya nya ay nasa twenties na ito.

"Opo! Yan nga po." Inabot nya ang panyo niya mula sa lalaki at nagpasalamat. "Thank
you po, Kuya!"

Nakita nyang napangiti ang lalaki at parang gusto nya tuloy na makita ang mga mata
nito. Ang ganda kasi ng ngiti nito. Kulang na lang ay ang makita nyang magtwinkle
din ang mga mata nito.
"You're welcome. Treasure those things that meant most to you. Regreting will do
you no good once they're gone." Napahinga sya ng malalim sa sinabi nong lalaki. Ang
lalim nun! At talagang tumatak sa kanya.

"Opo, Kuya! Thank you po ulit." Nagbow sya dito pagkatapos ay kumakaway na
nagpaalam.

"Tama ang mortal na iyon, Ate. Walang magagawa ang pagsisisi kapag tuluyan nang
nawala ang isang bagay na mahalaga sayo." Dinig nyang sabi ni Moon na naglalakad sa
tabi niya.

Kaya nga ginawa ko ang bucket list. Para magawa ko ang mga bagay na gusto kong
gawin at mapasaya ang mga taong mahal ko. Para wala akong pagsisisihan sa huli.

Tahimik na naglakad lang sila ni Moon pauwi. Hindi rin naman sya natatakot dahil
kasama nya ito. Bakit siya matatakot? Eh may anghel syang kasama?

Nawiwili sya sa paglalakad ng mapansin nyang wala na pala sa tabi nya si Moon.
Nilingon nya ang likod nya at nakita nyang nakatigil ito ilang hakbang ang layo sa
kanya. Nakatingala ito sa kalangitan. Nagtatakang bumalik sya rito.

Ano'ng nangyari sayo, Moon?

Kinakausap nya ito sa isip nya dahil may mangilan-ngilang tao na dumaraan. Ilang
sandali pang parang nakatulala lang ito sa kalangitan pagkatapos ay bigla na lang
tumakbo. Nagulat sya pero sinundan nya pa rin ito.

Moon! Saan ka pupunta!

Hindi nya alam kung saan patungo si Moon. Hindi na nya alam kung saang kalye sila
nagtungo pero ang alam lang nya ay ang dami nilang paliko-likong daan na dinaanan.
Hanggang sa huminto si Moon. Hinihingal na huminto rin sya sa sa tabi nito.

Moon? Ano'ng nangyari sayo?

Hindi siya nito sinagot at nanatili lamang na nakatingin sa harap. Nagtatakang


napatingin din sya sa tinitingnan nito at nagulat sya sa nakita nya.

Madilim sa parteng yun ng kalsada pero may pinagkukumpulan ang mga tao sa isang
sulok. May nakita rin syang nakabalandrang motor malapit sa pinagkukumpulan ng mga
tao. Pero hindi iyon ang ikinagulat nya. Kundi ang babaeng nakaputi na nakatayo sa
likod ng mga tao. Para itong glow in the dark na kumikinang sa kasuotan nito. Agaw-
pansin ito dahil sa suot nitong pure white na dress at ang pinakanakakagulat sa
lahat, ay ang mga puting pakpak na na sa likod nito.
Isa na namang angel?

Napalingon ang babae sa kanila at nakita nyang malungkot ang mukha nito. Lumapit
ito sa kanila at magiliw na ngumiti kay Moon.

"Magandang gabi sa iyo, munting anghel." Pagkatapos nun ay sa kanya naman ito
tumingin. "At sa iyo din, Binibini."

Natameme sya. Ang ganda-ganda nito sa malapitan! Napaka-amo ng mukha nito at


napaka-inosente tignan.

"Salamat, ngunit hindi ako inosente. Napakarami ko nang alam sa mundo para maging
isang inosente."

"Binibining Nyctea," Mula sa kanya ay lumipat ang tingin nito kay Moon. Nyctea pala
ang pangalan nito. Ang ganda! Bagay sa kanya! "Sinundo nyo po ba ang kaluluwa ng
mortal na iyon?"

"Oo, Moon. Oras na nya kaya sinundo ko na sya. Malamang ay naramdaman mo ang
kalungkutan kung kaya't naparito ka." Teka? Ano'ng sinundo?

"Siya nga po. Naramdaman ko po kayo, Diyosa ng Kamatayan." Napamulagat sya. DIYOSA
NG KAMATAYAN? Napanganga siya habang nakatingin kay Nyctea. Papano'ng naging Diyosa
ng Kamatayan to? Eh, angel to eh!

"Salamat sa papuri, Binibini. Pero katulad ng sinabi ni Moon, isa akong Diyosa ng
Kamatayan, katulad ni Ginoong Corvus, na isang Diyos ng Kamatayan. Isa rin akong
tagagabay ng mga kaluluwa ng mga nangamatay." Ngumiti ito sa kanya. Si Corvus.
Nasaan nga pala ang isang yun?

Pero teka! Kung pareho lang kayo ni Corvus, eh bakit puti ang pakpak mo at black
naman ang sa kanya?

Ngumiti lang ito ng makahulugan sa kanya pagkatapos ay tumingin kay Moon. "Mauuna
na ako, Moon. Meron pa akong ibang susunduin." Naglakad ito palayo at bumuka ang
mga pakpak nito. Grabe! Ang ganda talaga!

Bago tuluyang umalis ay lumingon pa uli ito sa kanya. "Anghel man o tagapaglingkod
ni Kamatayan, ay puti ang mga pakpak. Tanging si Ginoong Corvus lamang ang itim. Sa
tingin mo? Bakit kaya?"

Nakatanga lang sya dahil sa sinabi nito. Parang nabobo sya sa tanong na iyon.

"Ate Eydis, halina po kayo. Kailangan nyo nang makauwi sa iyong tahanan." Hinayaan
nyang igiya sya ni Moon pauwi. Nang malapit na sila sa bahay niya ay nagulat sya sa
nadatnan nya.
"At saan ka nagpunta, babae ka?" Nakapamaywang na tanong sa kanya ni Bea. Ngumisi
lang naman sya at nagpeace sign. Nakakunot naman ang noo ni Cody sa kanya.

"Teka? Di ba dapat nasa victory party kayo ngayon? Bakit kayo nandito?" Tanong nya
sa mga ito.

"Eh, bigla kang nawala eh. Kaya hinanap ka namin." Bea na nakasimangot.

"Hindi ka man lang nagtext kung saan ka nagpunta." Si Cody na sobrang seryoso.

"Magkasama lang tayo kanina di ba? Ba't bigla kang nawala?" Naiinis na ang facial
ekspresyon ni Bea at parang maiiyak na ito. "Hindi mo ba alam na sobra kaming nag-
alala!"

Nagulat sya sa pag-iyak at biglang pagyakap sa kanya ni Bea. Hindi nya alam na
hinanap pala sya ng mga ito. Hindi nya alam nag-aalala na pala ang mga ito sa
kanya.

Gusto ko lang namang bigyan sila ng private time para magkadevelopan ah!

"Sorry, Bea. Sorry, Cody." Niyakap nya pabalik si Bea at inalo. Nagpuppy-eyes din
sya kay Cody na napangiti na rin. Ginulo nito ang buhok nya.

"Ni hindi mo nga ako nabati." May halong pagtatampong sabi nito sa kanya.

Ngumisi naman sya, at binuka ang isa pa nyang bisig. Ngingisi-ngising sumali si
Cody sa yakapan nila ni Bea. Pagkatapos ng ilang sandaling yakapan at paggalit-
galitan ni Bea ay naitaboy nya na rin ang dalawa. Gusto pa nga syang isama ng mga
ito sa victory party pero nag-alibi na lang sya na ayaw nya at pagod na sya.
Pinagalitan pa sya ng mga ito dahil sa paggagagala nya pero sa bandang huli ay
nakangiti namang umalis yung dalawa. Hahalik pa sana sa kanya si Cody pero bigla
nyang tinulak ito papunta kay Bea. Muntik nang matumba yung dalawa pero maagap na
hinawakan ni Cody ang baywang ni Bea kaya hindi sila sumemplang. Napangiti siya at
tinukso ang dalawa. Nagblush lang si Bea pero hindi nya naman maintindihan ang
emosyon sa mga mata ni Cody.

"Naguguluhan sya kung bakit mo yun ginawa, Ate." Napatingin sya kay Moon.
Nakalimutan nya na kasama nya pala ito.

"Ginagawa ko to para sa kanilang dalawa." Bulong nya habang nakatanaw sa papalayong


pigura ng dalawa.

Nang gabing yun ay hindi siya makatulog. Hindi dahil sa pinagalitan siya ni Cody at
Bea dahil sa bigla siyang nawala kanina, kundi dahil sa hindi niya maalis sa isip
nya yung huling sinabi ni Nyctea. Bakit nga kaya itim ang pakpak ni Corvus at hindi
puti?

"At bakit ang pakpak ko na naman ang iniintindi mo?" Gulat na napabalikwas siya ng
bangon. Madilim na sa kwarto nya dahil pinapatay nya ang ilaw kapag natutulog sya.
Pero kitang-kita nya ang outline nito na nakasandal sa may pinto. Nasaan na si
Moon?

"Umalis na si Moon dahil nandito na ako. Ngayon, sagutin mo ang tanong ko. Ano ang
nangyari at ang pakpak ko na naman ang iniintindi mo?" Kahit na alam nyang hindi
nito nakikita ay napasimangot sya rito. Ang suplado talaga, kahit kelan.

"Sagutin mo, mortal." Nag-indian sit sya at nangalumbaba. Hindi siya sumagot.
Tinitigan nya lang ito. May pagkapasaway din sya eh. Ilang sandali pa ay narinig
nyang bumuntung-hininga ito at kumilos. Naglalakad na ito ngayon palapit sa kanya.
Bigla naman syang napaayos ng upo at medyo kinakabahang pinanood ang paglapit nito.
Yumuko ito at tinukod ang magkabilang mga kamay sa magkabilang gilid nya. Bahagya
rin syang napaatras nang ilapit nito ang mukha sa kanya. Sobrang lapit. Napatitig
tuloy sya sa brown eyes nito na parang kumikinang sa dilim.

"Gusto mong malaman kung bakit itim ang pakpak ko?" Bulong nito sa kanya na
nakapagpatayo ng mga balahibo nya. Walang emosyon ang mga mata nito at ang mukha
nito ay parang isang aparisyon sa dilim.

"Ang puti ay sumisimbolo sa kabutihan at pagiging dalisay. Pagiging puro. Habang


ang itim ay sumisimbolo sa kadiliman. Bahid ng dumi sa puti. Hindi na puro. Hindi
na dalisay." Naningkit ang mga mata nito at mas inilapit ang mukha sa kanya.
Napaatras na naman sya. "Ngayon, sa tingin mo? Bakit itim ang pakpak ko?"

Napalunok siya at napahinga ng malalim. "D-dahil hindi ka na pure?" Ay Eydis, ang


tanga!

Napasmirk ito sa kanya at lumayo na. Tumayo ito ng tuwid at ibinulsa ang mga kamay.
Mataman pa ring nakatingin sa kanya ang walang emosyong mga mata nito. "Kadilimang
bumabalot sa dating puro at dalisay. Kadilimang naging sanhi ng pag-iibang kulay.
Ito ang aking kapalaran. Ang mabalot ng kadiliman."

Itutuloy...

===
N/A: Sorry, late UD. Kinomplete ko pa kasi ang WILL YOU REMEMBER MY NAME? Well, eto
na sya. ahaha..

Moon and Nyctea sa gilid ====>

NixieYume <3
######################################
9: Itim at Puti
######################################
9: Itim at Puti

"Ayos ka lang?"

Naningkit ang mga mata nya sa pinapanood na eksena sa baba. Nakayakap ang mortal na
si Cody Roxas sa special case nyang si Eydis Castillo, habang nag-aalala naman ang
mukha ng isa pang kaibigan ng mga ito na si Beatrice Joaquin. Ito ang nagtanong
kanina.

"Muntik na yun ah. Buti mabilis tayo." Bulong ni Grus sa tabi nya. Tama ito. Muntik
nang mapahamak si Eydis Castillo kanina.

Naglalakad ang mga ito papuntang eskwelahan. Nagtatawanan at nagkukulitan. At hindi


nya alam kung bakit pero napagpasyahang maglakad ni Eydis Castillo sa labas ng
sidewalk. Sinusundan ng paa nito ang dilaw na linya sa may kalsada at kumakanta-
kanta sa isip nito nang mapansin nila ni Grus ang humaharurot na paparating na
sasakyan. Hindi iyon napansin ng tatlong mortal. Dahil sa hanggang ngayon ay hindi
pa naman umaandar ang orasan ni Eydis Castillo ay kaagad na umaksyon si Grus.
Inudyukan nito sa isip si Cody Roxas na tumingin sa harap para makita nito ang
paparating na sasakyan. Kinontrol nya naman ang paggalaw nito at kaagad na hinatak
pabalik sa sidewalk ang kanyang special case.

Tulala ang tatlo nang pagkatapak na pagkatapak ni Eydis Castillo pabalik sa


sidewalk ay siya namang paghagibis ng sasakyan. Kung nahuli pa sana ng ilang
segundo si Cody Roxas ay malamang nasagasaan na ang kanyang special case. At
malamang sa hindi na mabilis na ngayon ang pag-andar ng orasan ng kamatayan nito.
Ngunit tadhana na ang nagpasya. Nangialam man silang dalawa ni Grus ay alam nilang
hindi mapipigilan ang tadhana kung gusto na nitong mamatay ang isang tao. Ngunit
nailigtas si Eydis Castillo. Nananatili pa rin itong special case nya.

"Eydis? Okay ka lang?" Tanong ng kaibigan nitong babae na hinawakan ang kamay niya
at tiningnan kung okay lang ba talaga ito. Mahinang tumango si Eydis Castillo, pero
nakatulala pa rin. Maraming laman ang isip nito. Pero nangingibabaw ang isa.

"Muntik na akong mamatay. Ayoko pang mamatay." Paulit-ulit ang katagang yun sa
isipan nito.

"Muntik na syang mapahamak! Panu kung hindi ko yun nakita kaagad? Hindi ko kayang
mawala sya." Nakatulala lang si Cody Roxas kay Eydis Castillo, pero sa loob nito ay
takot na takot ito.

"Muntik nang mawala ang bestfriend ko! Salamat at nailigtas sya kaagad ni Cody!"
Puno naman ng pag-aalala ang utak at puso ni Beatrice Joaquin para sa tinuturing
nitong matalik na kaibigan.

"Mabuti na lang at hindi humadlang ang tadhana sa pangingialam natin." Tahimik na


sabi ni Grus habang nakatingin pa rin sa tatlo na mukhang nahihimasmasan na.
Tumingin sya rito at nagsalita. "Hindi pa umaandar ang orasan nya at mukhang hindi
pa aandar ito kaya pinapaubaya muna sya sa atin ng tadhana." Tumango-tango naman
ito at nagsimula na uling maglakad sa makitid na pader. Nakatuntong sila ngayon sa
pader habang sinasabayan uli sa paglalakad ang tatlong mortal. Kanina ay sa kawad
ng kuryente sila naglalakad.

"Salamat." Napatingin sya sa baba ng marinig nya ang boses na yun. Bahagyang
nakatingala sa kanila si Eydis Castillo. Nasa gitna na ito nang dalawang kaibigan
nito. Hindi sya sumagot dito. Tinitigan nya lang ito, habang si Grus naman ay
ngumiti lang dito at kumaway.

Nang malapit na sila sa eskwelahan ng mga ito ay inilabas na nya ang pakpak nya at
ibinuka. Ganun din ang ginawa ni Grus. Ikinampay nila ang kanilang mga pakpak at
lumipad patungo sa bubong ng gusali ng eskwelahan.

Eydis' POV
Nakakamangha talaga ang dalawang yun. Namangha na sya nang una nyang makita si
Corvus noon sa kwarto nya. Pagkatapos ay si Grus naman. Pero ang makitang pareho
ang dalawang lalaki na yun na may mga pakpak at lumilipad ay shocking talaga!

Ang gandang tingnan ng mga ito habang lumilipad papuntang bubong. Isa ay nakaputing
polo at naka-grey na maong at may puting pakpak habang ang isa naman ay naka-all
black na naman ang get-up at itim naman ang pakpak. Isang puti at isang itim.

Napabuntung-hininga siya. Nagpapasalamat talaga sya at nandoon ang dalawang yun


para bantayan sya. Alam nyang ang dalawang yun ang dahilan ng pagkakaligtas nya.

"Eydis? Okay ka na ba talaga?" Tumango siya para mapanatag na si Bea.

"Oo. Okay na ako. Wag kayong mag-alala. Hindi pa ako mamamatay." Ngumiti sya ng
makahulugan at napahawak sa kuwintas nya. Hindi pa gumagalaw ang buhangin sa loob.
Nakastuck pa ito sa ibabaw.

"Wag ka ngang magsalita ng ganyan. Wag mong iisipin ang mga ganyang bagay. Okay?"
Seryosong sabi ni Cody sa kanya na sinang-ayunan naman ni Bea. Tumango na lang sya
para kumalma yung dalawa.

Mabilis lang na dumaan ang mga oras. Minsan ay si Grus lang ang nakikita nya sa
labas ng classroom nila. Minsan naman ay dalawa na sila.

Siguro may sinusundo sya kapag nawawala sya.

"Wag kang mag-isip ng kung anu-ano, Eydis Castillo." Napapitlag sya ng marinig nya
yun at napatingin sya sa gilid nya. Nakapamulsang nakatayo ito sa gilid nya habang
si Grus naman ay nakatuwad at nakatingin sa sketchbook nya.

"Wow! Ang galing mo namang magdrawing! Kuhang-kuha mo kami ni Ginoong Corvus oh!"
Parang batang tuwang-tuwa na reaksyon ni Grus ng makilatis ang sketch nya. "Ang
angas ah! Pero, bakit mas pogi si Ginoong Corvus kesa sa akin dyan?"

Natawa naman sya ng bigla itong batukan ni Corvus kaya halos mangudngud ang mukha
nito sa mesa na inuupuan nila nina Cody. Lunch break na kasi kaya nakatambay na
naman sila. Nagtatakang napatingin sa kanya yung dalawa. Para mapagtakpan ang
pagtawa nya ng walang dahilan ay pinakita nya ang sketch nya sa dalawa.

"Ang ganda ng sketch ko no? Pang-professional na ba?" Ngumisi sya. Tumatangong


nakangiti naman si Cody habang si Bea naman ay hiningi uli ang sketch nyang yun.
Pero tumanggi na naman sya. Ngpout lang ito sa kanya at bumalik sa pagbabasa nito.
Tiningnan niya uli yung dalawa. Kakamot-kamot pa sa ulo nya si Grus habang si
Corvus naman ay matamang nakatingin sa kanya.

Bakit?

"Hindi ba't may ginawa kang bucket list? Ba't hindi mo pa ginagawa ang mga
nakalista doon?" Nangunot ang noo nya bago ito sinagot.

Inuumpisahan ko na kaya? Gumagawa na ako ng mga moves para mapag-isa sina Bea at
Cody. Tsaka may plano na rin kami para sa birthday ni Mama next week.

"
"Eh, yung iba?" Binalik nya ang tingin nya sa sketchpad nya, dahil merong isang
estudyanteng lalaki na napadaan at nagtatakang napatingin sa kanya habang nakakunot
ang noo nyang nakatingin sa hangin sa harap nya. Baka akalain baliw sya.

Gagawan ko pa ng paraan yung iba. Easy ka lang dyan Corvy. Isa-isa lang. Mahina ang
kalaban. Narinig nyang humalakhak si Grus nang banggitin nya ang pangalang "Corvy".
Napangisi naman siya sa pumasok sa utak nya.

Ano'ng nakakatawa Grusy? Biglang nawala ang halakhak ni Grus at sumilip sya sa mga
ito para tingnan ang reaksyon nila. Nakasimangot sa kanya si Grus at bored namang
nakatingin sa kanya si Corvus. Mahina syang natawa dun sa dalawa at muling hinarap
ang sketchbook nya. Nagsimula syang magsketch. Hindi nya alam kung kaninong mukha
yun pero kusang gumagalaw ang kamay nya.

"Crush mo na ba si Ginoong Corvus, Miss Eydis?" Napaangat ang mukha nya at muntik
na nyang makalimutan na kausapin ito sa isip lang.

Ha? Ano?

"Yung sketch mo. Mukha na naman ni Ginoong Corvus." Sabi nito tapos ay napakunot-
noo. "Nakangiti nga lang."

Tiningnan nya ang sinasabi nito at nagulat nga sya sa nakita nya. Mukha ni Corvus
ang nandun pero nakangiti. Genuine smile na abot hanggang mga mata. Nagtaka naman
sya. Saan naman nya nakuha yan? Hindi pa naman nya nakikita si Corvus na ngumiti ng
ganyan ah?

"Tsk! Aiissh! Wag ka nang ngumiti ng katulad nyan ha? Nauungusan mo kasi ako sa
kagwapuhan eh." Dinig nyang angal ni Grus kay Corvus. Balewalang tumingin lang ito
kay Grus pagkatapos ay lumapit sa kanya at tiningnan ang sketch nya.

"Hindi ako yan." Sagot nito.

"Weh? Tingnan mo nga oh! Mukhang-mukha mo oh!" Tinuro-turo pa iyon ni Grus. Umiling
lang naman si Corvus at tumingin ng diretso sa kanya.

"Hindi ako yan."

Corvus' POV
Kakasundo nya lang ng dalawang kaluluwa ng mga babaeng mortal na namatay sa
aksidente ng isang tricycle at isang van. Pasahero ng tricycle ang mga namatay na
babae, at hindi na umabot sa ospital. Sinundo nya ang mga ito sa loob ng
ambulansya. Ibinuka nya ang mga pakpak nya at kinampay. Lilipad na sana sya ng may
maramdaman syang presensya. Naitiklop nya ang mga pakpak nya at napalingon.

"Binibining Nyctea." Nakangiti ng bahagya sa kanya ang Diyosa ng Kamatayan.

"Magandang gabi, Ginoong Corvus." Balisa ang mukha nito at parang hindi mapakali.
Parang may gusto itong sabihin pero nag-aalinlangan. At mukhang may alam na siya
kung bakit. Nararamdaman nya ang naiwang presensya ng mga ito na bumalot sa Diyosa.
Mas nararamdaman nya iyon kaysa sa presensya ni Nyctea.

"Ano iyon, Binibining Nyctea? Sabihin mo sa akin." Lumapit sya ng bahagya kay
Nyctea. "Nandito ba sila?"

Napatingin sa kanya ang mga mata nito at nakita nya roon ang sagot. Takot at
pangamba. "Dinalaw nila ako. Kinumusta. A-at alam na nila ang tungkol sa special
case mo, Ginoong Corvus." Napakapit ito sa kanang braso nya. "Alam na nila."

Napatango naman sya. Alam nyang malalaman at malalaman ng dalawa ang tungkol sa
special case nya. Kunsabagay, walang bagay ang maaari mong itago sa kambal na anak
ng Gabi.
Sa mga Diyos na si Thanatos at Hypnos.

Itutuloy...
====
N/A: Wushu! Wushu! Mimi! This is for you. Sana maka-inspire. "Sana". Wehehehe.
Next Chap: Thanatos at Hypnos
Papasok na ang Greek Myth! Onti nga lang! Haha.
Sunako! Ayan na ha! Nagawan ko rin ng paraan! Haha!

NixieYume<3
######################################
10: Thanatos at Hypnos
######################################
10: Thanatos at Hypnos

"Ginoong Corvus?"

Nabalik ang tingin nya sa nababagabag na mukha ni Nyctea. "Ano na ang gagawin mo
ngayon? Kilala ang Diyos Thanatos at Diyos Hypnos bilang mapaglaro at mapanlinlang.
Madami sa ating mga kasamahan ang nagsasabi na masama ang ugali ng kambal na Diyos
at wala silang pinapalampas. Lalo na sa mga special case." Puno ng pag-aalala ang
mga mata nito nang tumingin sa mga mata nya. "Baka pakialaman nila ang special case
mo."

Nababagabag man sya ay ikinalma nya ang sarili. "May ginawa ba sila nang bumisita
sila sa iyo?" Umiling lang naman ito at tumingin sa kawalan.

"Ngunit kakaiba ang kanilang mga ngiti. Mukhang may ibig ipahiwatig." Nangunot din
ang noo nya. Si Thanatos at Hypnos. Ang kambal na anak ng Diyosa ng Gabi na si
Diyosa Nyx at ng Diyos ng Kadiliman na si Diyos Erebus. Puno ng kalokohan ang
dalawang Diyos ngunit pag nagigipit ay nagtatago naman pabalik sa lungga ng
kanilang inang si Diyosa Nyx. Pero hindi mo mapagkakaila ang kanilang taglay na
kapangyarihan. At sila ay mga alagad lamang ng Kambal.

"Ano ba ang dapat nating pangambahan sa ating mga Panginoon? Sigurado akong
bibisita lamang sila at walang gagawing masama." Pilit na pagkumbinsi nya kay
Nyctea at pati na rin sa kanyang sarili. Sana nga ay walang gawing kalokohan ang
mga Panginoon nila, lalong-lalo na si Thanatos, na syang may karapatan sa pangalang
Kamatayan.

"Sana nga, Ginoong Corvus. Sana nga." Muli syang tinapunan ng nababagabag na tingin
ni Nyctea bago ito tumalikod at naglakad palayo sa kanya. Ilang segundo syang
nakatulala sa kawalan bago muling ibinuka ang kanyang mga pakpak at ikinampay.

Pupuntahan nya ang kanyang special case.

Eydis' POVNgiting-ngiti sya ngayon habang nakatingin sa masayang mukha ng Mama nya.
Nandito sila ngayon sa isang theme park. Malay ko bang may pagkachildish pala tong
si Mama? Haha!

Eto ang Birthday surprise nya sa Mama nya. Ang aga-aga nyang gumising kanina para
ipagluto ito ng paborito nitong adobong manok. Buti na lang marunong syang magluto.
Yun nga lang ay kinukulit sya ng guardian angel na si Grus. Muntik na nyang tapunan
ito ng kumukulong tubig, dangan nga lang at naalala nyang tatagos lang pala yun
dito. Kaya hindi na nya tinuloy. Buti na lang talaga at nandyan din ang cute na
cute na si Moon kaya medyo nawawala ang inis nya.
"Anak! Halika! Doon naman tayo sa chubibu!" Napapalakpak na sabi ng Mama nya.
Napahalakhak silang tatlo nina Bea at Cody at tinungo na nga nila ang Merry-go-
round. Parang batang natrap sa katawan ng forty-two years old ang Mama nya na
tuwang-tuwa sa lahat ng ginawa nila dun sa theme park.

"Anak! Salamat ha? Ikaw pa talaga ang nagdala dito sa akin. Salamat talaga, anak."
Niyakap sya ng kanyang Mama ng mahigpit. Napangiti naman sya.

"Birthday gift ko po to sa inyo Mama. Tsaka deserve nyo rin naman po ang magrelax
at mag-enjoy paminsan-minsan. Lalo na pag-birthday mo." Ngumisi sya rito at nakita
nya namang maluha-luha ang Mama nya.

"Ang bait-bait talaga ng anak ko." Niyakap nya uli ang Mama nya at nakita nyang
ngiting-ngiti sina Cody at Bea sa likod. Pati sina Grus at Moon ay maganda rin ang
ngiti sa kanila. "Kung sana ay nandito rin ang Ate mo..."

Oo nga pala. Paborito ni Mama si Ate. Kung merong makakapagpasaya ng lubos kay Mama
ay si Ate yun.

"...siguradong matutuwa din yun sayo. She'll be proud of you, like how I'm proud of
you, Eydis." Nabalik ang ngiti sa labi nya at pati sya ay naluha na rin. Aakalain
siguro nang mga taong makakakita sa kanila na nababaliw na silang dalawa, pero
sobrang saya nya ngayon. Unang pagkakataon na sinabi ng Mama nyang proud ito sa
kanya kaya masayang-masaya sya.

"Mahal na mahal ka rin nya, Ate." Dinig nyang sabi ni Moon.

"Dahil ikaw na lang ang natitira sa kanya at napakahalaga mo sa kanya. Kaya huwag
mong pagdududahan ang pagmamahal ng iyong Ina. Mahal ka nya." Napangiti sya kay
Grus.

Salamat...

Mabilis na lumipas ang oras. Mula sa theme park ay dinala nila ang Mama nya sa Mall
kung saan sila kumain muna bago nagtungo sa may Massage Center nina Bea. Dahil sa
birthday nito ay kailangan marelax talaga ito. Habang nagpapamasahe ang Mama nya ay
ginutom sya bigla.

"Oy, bili muna ako sa Dunkin Donut." Paalam nya sa dalawa nyang kaibigan.

"Samahan na kita." Sabi ni Cody na akmang tatayo na, pero pinigilan nya.

"Wag na. Kaya ko naman eh." Tsaka may kasama naman akong dalawang anghel eh.

"Sigurado ka?" Tumango lang sya at kumaway na sa dalawa.

"Saan tayo bibili Ate Eydis?" Masiglang tanong sa kanya ni Moon.

Sa Dunkin Donut.

"Wow! Gusto ko ng bavarian!"

"Hoy, Moon, hindi ka na pwedeng kumain no. Wala ka nang kakayahang kumain."

"Ay, oo nga po pala! Hihi."

Napangiti na lang sya sa dalawang anghel na nagkukulitan sa tabi nya. Siguro ay


namimiss lang ni Moon na maging tao uli.
Nang makarating sya sa Dunkin Donut ay binili nya lahat ng may chocolate na
makikita nya. Lumabas sya doon na may dalang dalawang box at may malapad na ngiti
sa labi.

"Grabe. Ang takaw nyo po pala sa chocolate." Si Moon na nanlalaki ang mga mata sa
dalawang box na dala nya.

"Oo nga. Hindi ka ba nauumay nyan?" Tanong naman ni Grus na nakakunot ang noo.

Pabayaan nyo na lang ako. Minsan lang naman to eh.

Nagha-hum sya habang naglalakad pabalik sa Massage Center nina Bea nang maramdaman
nyang wala nang sumusunod sa kanya kaya napalingon sya. Nalingunan nya ang dalawang
anghel na namamanghang nakatingin sa mga flat screen TV na dinedisplay sa isang
window. May pinapalabas kasi doong iba't-ibang scenes at nakatutok ang mga mata
nila sa mga pinapalabas na mga isdang lumalangoy.

Natawa sya at napailing na lang. Pumihit na sya para magpatuloy sa paglalakad nang
bigla syang bumunggo sa isang malapad na dibdib. Muntikan na syang matumba kung
hindi lamang nito nahawakan ang baywang nya.

Buti, hindi ko nabitawan ang donut.

Napaangat ang mukha nya nang marinig nya ang mahinang pagtawa ng kung sino at
napanganga sya sa dalawang mukha na nasa harapan nya.

Twins?

Magkaparehong-magkapareho ang mukha nung dalawa. Mula sa kulay ng mga mata, tangos
ng ilong, at pula ng labi. Ang kaibahan nga lang ay mas singkit ang mga mata ng
lalaking nakangiti sa kanya, habang ang nakabunguan naman nya ay nakakunot ang noo.

"Okay ka lang ba Miss?" Tanong nung kambal na singkit. Kambal B na lang ang
itatawag nya rito.

Tumango sya at apologetic na ngumiti at lumayo kay Kambal A na seryosong nakatingin


pa rin sa kanya. "Pasensya na. Hindi ako tumitingin. Pasensya na."

"Okay lang yun Miss. Hindi rin naman tumitingin tong kakambal ko eh." Nakangiti pa
rin sa kanya yung si Kambal B pero naaasiwa naman sya sa pagtitig ni Kambal A kaya
nginitian nya na lang uli si Kambal B.

"Hehe. Sorry talaga uli. Umm, sige mauna na ako sa inyo." Paalam nya rito na
nakayuko na. Ano ba naman tong si Kambal A? Talo pa ang laser eyes ni Corvus.

Narinig nyang natawa uli si Kambal B kaya napaangat ang ulo nya at napakunot ang
noo nya rito. Ano'ng tinatawa nitong si Kambal B? Ang weird nya ha?

Nakita sa gilid ng mga mata nya na kumilos si Kambal A kaya nabaling ang atensyon
nya rito. Nakita nya itong pumantay sa kanya at bumulong. "Mag-iingat ka. Sa
susunod na magkabungguan tayo ay baka tuluyan ka nang bumagsak." Sabi nito sabay
alis.

Bigla siyang pinanlamigan dahil sa sinabi nito. Kinilabutan sya. Parang parehas ng
naramdaman nya noong unang nagpakita sa kanya si Corvus para sabihing mamamatay na
sya. Pero bakit ganun ang epekto ng sinabi ng lalaking yun? Parang kakaiba.

"Miss Eydis?" Napakurap-kurap sya nang biglang lumitaw sa harap nya ang mukha ng
nag-aalalang si Grus. "Ano'ng nangyari? May nakita ka ba? Ano'ng nangyari sayo?"
Nagpapanic na tanong nito. Napatingin naman sya sa tabi nito at nakita nya si Moon
na nag-aalala ring nakatingin sa kanya.

Ahh, wala naman. Bakit? Nagtatakang tanong nya.

"Sigurado ka po? Nakatulala po kasi kayo at parang wala kayo sa inyong sarili."
Sabi naman ni Moon. Nakakunot ang noo na naglakad uli sya papuntang Massage Center
nina Bea.

Oo. Wala namang nanyaring masama sa akin.

"Wala nga ba?" Nang-aarok ang mga tingin ni Grus sa kanya. "At hindi mo nakikita,
pero napapalibutan ka ng itim na aura."

Natigilan sya at nanlalaki ang mga matang napatingin dito. Wala na syang pakialam
kung akalain ng iba eh nababaliw na sya.

Ano? Napopossess ako?

"Nababalutan ka ng maitim na aura, pero parang dumikit lang naman yun sayo. Hindi
ka napopossess. Nawawala na nga oh." Tinuturo-turo pa sya nito, eh hindi nya naman
nakikita.

Akala ko napopossess na ako. Grabe kayo.

Magsasalita pa sana si Grus pero nakarating na sila sa harap ng Massage Center at


nakaabang na sa labas yung dalawang kaibigan nya. Pagkakita sa dala nya ay kaagad
na inagaw ni Bea ang isang box. Napasimangot na lang sya at napasunod sa dalawa
papasok sa loob. Mabilis na sinulyapan nya sina Grus at Moon at nakita nyang
nakasunod lang din naman yung dalawa sa kanya.

Nagtagal pa sila ng treinta minutos doon bago sila naglibot-libot muna sa mall at
umuwi. Hinatid sila ni Cody sa bahay nila habang si Bea naman ay nagpaiwan sa Mall
para samahan daw muna doon ang Mama nito.Nainggit daw kasi si Bea sa bonding nilang
magnanay. Pagdating nila ng bahay ay kitang-kita nya ang malaking ngiti ng Mama nya
kaya masayang-masaya rin sya.

"Ma? Labas muna ako ha? Babalik din ako kaagad."

"O cge anak. Bilisan mo at nang makapagdinner in candle light tayo." Nakabungisngis
na sabi sa kanya ng Mama nya kaya napahalakhak sya.

"Haha! O cge Ma. Mabilis lang to."

Ngingiting-ngiti na lumabas sya ng bahay nila at tinahak ang daan papuntang park na
malapit sa dati nilang bahay. Napapatingala sya sa langit at napapangiti habang
nakatingin sa mga stars. Ang aliwalas ng gabi.
Umupo sya sa swing at pinagmasdang mabuti ang langit.

"Ate, nakita mo ba kanina ang mukha ni Mama? Ang saya nya no? Masaya ka rin ba
dyan, Ate? Parati mo kaming babantayan ha? Bantayan mo si Mama. Ayokong iwan sya,
Ate. Pero mukhang mapapaiyak ko na naman sya." Napabuntung-hininga sya at
napapikit. Pinipilit na huwag tumulo ang mga luha mula sa kanyang mga mata.

"Wag ka nang malungkot, Ate." Narinig nyang sabi ni Moon mula sa kaliwa nya at
napangiti sya. Ramdam nya rin ang presensya ni Grus sa kanan nya. Kahit papaano ay
napapagaan ang loob nya ng mga anghel na to.
Corvus' POV
Nakangiti ito at payapa ang damdamin. Yan ang mahalaga sa ngayon. Hindi nya pa ito
malalapitan sa ngayon dahil may kailangan pa syang harapin.

Tumalikod sya at hinarap ang dalawang nilalang na biglang sumulpot sa likuran nya.
Yumukod sya at nagbigay-galang sa dalawa.

"Diyos Thanatos. Diyos Hypnos." Napatuwid sya ng tayo ng lagpasan sya ng dalawang
Diyos pero pagpihit nya paharap ay isang hakbang lang naman pala ang layo ng dalawa
sa kanya at nakatanaw sa kanyang special case.

"Alagad kong uwak." Uwak. Yan ang tawag sa kanya ni Thanatos dahil sa kulay ng
pakpak nya.

"Yan na ba ang iyong special case?" Kahit hindi nya nakikita ay alam nyang
nakangiti si Hypnos. Ang tanging bagay na pinagkaiba nito sa kakambal bukod sa
pagiging mas singkit nito.

"Opo, Panginoon." Ilang sandaling nanatiling nakatingin ang kambal na Diyos sa


kanyang special case na masayang nakikipag-usap sa dalawang anghel na nagbabantay
dito. Pagkatapos ay bumaling ang dalawa sa kanya.

"Kailan sya dapat mamamatay?" Tanong ng walang-emosyong si Thanatos.

"Ang kanyang totoong kamatayan na nakasaad sa libro ng Kamatayan?" Wala na rin ang
ngiti sa mga labi ni Hypnos.

"Animnapu't limang taon mula ngayon, Panginoon." Nakababa ang tingin na sagot nya
sa tanong ng mga ito.

"At nakatakdang mabago iyon anumang oras." Pabulong na komento ni Hypnos na


nakahawak sa baba nito.

"Corvus." Napatingin sya kay Thanatos nang tawagin sya nito. "Sa tingin mo, bakit
naging special case ang mortal na iyan?"

"Hindi ko po alam, Panginoon. Hindi ko po alam ang dahilan." Nakita nyang sumilay
ang isang ngiti sa labi nito at alam nyang may binabalak ito. Isang kaalaman
tungkol kay Thanatos ay oras na ngumiti ito ay may balak itong gawin at kalimitan
ay hindi iyon nagbubunga ng maganda.

"Ikaw, Corvus? Hindi mo ba hinahangad na maalala ang iyong nakaraan?" Napakunot-noo


sya sa naging tanong nito.

"Hindi mo ba hihilingin na ibalik namin ang iyong alaala?" Dugtong naman ni Hypnos
na may kapareho nang ngiti sa mga labi.

"Ano po ang ibig nyong ipahiwatig, mga Panginoon?"

"Ang kasalukuyan ay bunga ng nakaraan." Ani ni Hypnos sa misteryosong tinig nito.

"Ganito ang kalagayan mo ngayon dahil sa mga desisyong pinili mo mula sa iyong
nakaraang buhay." Dagdag ni Thanatos sa kaparehong tono ng boses ng sa kakambal
nito.

Naguguluhan sya. Ano ang kinalaman ng mga sinasabi ng dalawang Diyos ngayon sa
kanya sa kanyang special case? Pinaglalaruan ba sya ng Kambal na Diyos?
"Alam naming hangad mong malaman ang iyong nakaraan." Unti-unting umaatras sa
kanyang kanan si Hypnos. "Kaya bibigyan ka namin ng pagkakataon na maibalik ang
iyong memorya."

"Ang kailangan lang ay bantayan mong mabuti ang iyong special case." Sa kanyang
kaliwa naman ay ganun din ang ginagawa ni Thanatos. "Dahil sa susunod na
magkabanggaan kami, ay ako na mismo ang maghahatid sa kanya sa kabilang-buhay."

"At mawawala na ang ang pagkakataon mong malaman ang iyong nakaraan." Magkasabay na
sabi ng dalawa at unti-unti na silang naglalaho sa dilim.

"Kaya galingan mo ang pagbabantay, Alagad kong Uwak." Kabuntot ng boses ni Thanatos
ay ang pagtawa ni Hypnos na syang nakapagpakaba ng kanyang dibdib.

Maglalaro na naman ang mga anak ng Gabi. At siya ang kalarong napili.

Itutuloy...

======
N/A: Ayan na ha? Late nga lang. Hehe. Ewan ko kung kailan ang next UD. Hehe :D
Thanatos and Hypnos sa side ====>
P.S: Ginawa kong "slumber" ang "sleep" kasi parang mas cute ang "Slumber" eh...
hehe
######################################
11. Pagkakataon
######################################
11: Pagkakataon

Nawawalan na siya ng pag-asang mararating nya ang dalawang babaeng duguan na


nakahandusay di kalayuan sa kanya. Ang dugo nya ay patuloy pa rin sa pagdaloy mula
sa sugat sa kanyang sikmura.

Nanghihina na sya. Nanlalabo na rin ang mga mata nya.

Pero malinaw nya pa ring naririnig ang pabugso-bugsong paghinga at iyak ng dalawang
babae. Sumasakit rin ang kanyang dibdib dahil sa sakit na iniinda ng mga ito.
Ramdam nya iyon.

Isa pang bugso ng lakas at pinilit nya uli gumapang papunta sa dalawang babae. Ang
dugo nya ay nag-iiwan nang mga bakas sa sementadong kalsada. Tumingin sya sa dalawa
at sa nanlalabong mga mata ay pilit nyang inaninag ang mga mukha nila. Ang mukha
niya.

Bago pa sya tuluyang mawalan ng malay, narinig nya ang mahinang yabag na paparating
at ang isang tinig.

Tuparin mo ang pangako mo. Tuparin mo...

"Corvus!"

Napamulagat sya at napakurap-kurap. Ilang segundo pa bago tuluyang rumehistro sa


isip nya ang nakangiti pero nag-aalalang mukha ng mortal na nakatunghay sa kanya.

"Okay ka lang? Umuungol ka kasi nung nagising ako eh." Sabi nito na bakas sa mukha
ang kyuryusidad at pag-aalala. "Natutulog rin pala ang mga Death God?"
Hindi sya makapagsalita. Naguguluhan sya habang patuloy lang naman sa pagtatanong
ang mortal na si Eydis Castillo. Nabibingi sya sa lakas ng tibok ng dibdib nya at
napagtanto nyang nanlalamig pala sya. Muli syang pumikit at pilit na pinakalma ang
kanyang sarili. Pero mas lalo syang naguguluhan habang naririnig nya ang boses ng
kanyang special case.

Bakit? Bakit kaboses nya ang babae sa aking panaginip?

Iminulat nya ang kanyang mga mata at nakita nyang nakatitig pa rin sa kanya ang
maamong mukha ni Eydis Castillo. Ang mahaba nitong buhok na nakalugay sa
magkabilang gilid ng mga pisngi nito ay mistulang naging kwadro na nagpalabas ng
angking ganda ng mukha nito. Ang mga mata nitong hindi pangkaraniwan na sa unang
tingin ay aakalaing mong mga mata ng isang masayahing tao, ngunit kung titignan
mong maigi ay mababanaag mo ang kalungkutan.

Umangat ang kamay nya at dumampi nang marahan sa mukha nito. Nanlaki naman ang mga
mata nito sa pagkagulat at napaawang ang mga bibig. Ang hinlalaki nya ay sinundan
ang kurba sa ilalim ng mga mata nito.

Ang lamig ng kamay niya.

Napaangat ang isang kilay nya at ang isang sulok ng labi nya sa nababasa sa isip
nito. Pero dagling nawala iyon ng may maalala sya.

"May nangyari bang kakaiba sayo kahapon?" Tanong nya rito na nakadampi pa rin ang
kamay sa pisngi nito.

"Nangyayaring kakaiba?" Nakakunot ang noo nito habang may inaalala at sinundan nya
ang mga alaala sa isip nito. Mama. Birthday. Theme Park. Mall. Massage Center.
Doughnut. Hanggang sa napatigil sya dahil sa isang naalala nito.

Kambal.

Eydis' POV
Wala na mang nangyaring kakaiba sa kanya kahapon, except lang talaga sa
pagkakabunggo nya roon sa lalaki na may kakambal pala. Hindi na naman kakaiba yun,
kaya nagkibit-balikat sya bago sumagot.

"Wala naman. Bakit?" Binalik nya ang tingin nya rito at nakita nyang tensyonado ito
at balisa. Ito pa lang ata ang unang beses na nakita nyang nagkaroon ng ibang
emosyon si Corvus bukod sa pagkabagot, pagkayamot at sa panunukso nito sa kanya.
Parang may problema ito. Ano kayang problema nito? Umayos sya ng upo sa sahig sa
harap nito. Nag-indian sit sya at nangalumbaba habang nakatingin dito.

"May problema ba Corvus?" Nang tumingin ito sa kanya ay hindi nya maintindihan ang
nakikita nya sa mga mata nito. Takot. Pangamba. Tinitigan sya nito ng mabuti bago
bumuntung-hininga.

"Ikaw ang problema ko, Eydis Castillo." Natigilan sya sa sinabi nito at kunot-noong
tinitigan ito.

"Ano'ng ako? Matagal mo na kaya akong problema?" Totoo naman. Dahil sa pagiging
special case nya ay hindi lang naman ito ang namomroblema, kundi pati sya.

"Na mas lalong lumaki pa ngayon. Tss." Pumikit ito ng mariin at ginulo ang buhok
nito. Napangiti naman sya. Ang cute pala ng isang to? Nagulat sya at biglang nawala
ang ngiti nya ng dumilat ito at tinitigan sya ng masama. Oops! Mind-reader pala to.
Hinawakan na naman nito ang kamay nya at naramdaman na naman nya ang kakaibang
lamig na iyon. Lamig na nanunuot sa kaibuturan nya. "Ano bang meron sayo, Eydis
Castillo? Bakit pati ang Kamatayan ay interesado sayo?" Bulong nito sa mukha nya na
nakapagpaparalisa sa kanya.

"H-ha? W-wala akong alam sa sinasabi mo? Tsaka anong kamatayan? Di ba ikaw si
Kamatayan?" Gulung-gulo ang isip nya sa mga pinagsasabi nito. Ano bang nangyayari
dito?

Napasmirk lang ito sa kanya at tumayo, kaya napatingala sya rito. Ang tangkad
talaga ng isang to. Tinitigan muna sya nito bago inilahad ang kamay sa kanya.
Tinanggap naman nya ito at nagpahila dito para makatayo. At kahit na nakatayo na
sya ay nakatingala pa rin sya sa mukha nito. Ang giant mo talaga, Corvus.
Nakasimangot sya habang nakangisi naman ito. Magkaharap na nakatayo sila sa tapat
ng pintuan nya. Pagkatapos ay umangat ang kamay nito at ni-tap ng hintuturo nito
ang noo nya.

"Wag mo'ng kakalimutan na nababasa ko ang mga iniisip mo, kaya wala kang maitatago
mula sa akin. At hindi ka na pwedeng gumalaw ng walang may nakabantay sayo na isa
man sa amin nina Grus at Moon. Naiintindihan mo ba yun? Eydis?" Eydis? First time
na tinawag sya nito sa first name nya lang! Parati kasi itong pormal sa kanya kaya
nakakagulat ito ngayon.

"Okay." Matipid na ngumiti sya rito at marahang tumango. Namulsa naman ito at ilang
sandali uli syang tinitigan bago nagsalita.

"Humanda ka sa mga susunod na araw. Bantayan mo rin ang orasan na nasa kwintas mo.
Hangga't hindi pa gumagalaw ang buhangin sa loob, hindi ka pwedeng mamatay. Kaya
gagawin ko ang lahat para mapanatili kang buhay hangga't hindi mo pa oras. Tandaan
mo yan, Eydis. Kaya wag kang gagawa ng mga bagay na maaaring maglapit sa'yo kay
Kamatayan. Naiintindihan mo, ba?"

Napapout naman sya bago sumagot. "Ano bang sinasabi mo? Eh, kaharap ko na kaya ang
Kamatayan na sinasabi mo. Kaharap na kita, oh!"

Naiinis na napangisi ito. "Galamay lamang ako ng Kamatayang tinutukoy ko. Hindi pa
sya tuluyang nagpapakilala sayo. At kapag nangyari yun, baka wala na akong magawa
para tuparin ang nakatakdang kamatayan mo. Kukunin ka nya, kahit hindi mo pa oras."

Nanginig sya sa sinabi nito at binalot ng yelo ang puso nya sa paraan ng
pagkakasabi nito. Kung tinatakot sya nito ay nagtagumpay ito dahil takot na takot
na sya ngayon para sa kanyang buhay.

"Ganyan nga, Eydis. Matakot ka." Tumalikod ito sa kanya at humakbang papunta sa
nakasarado nyang pinto. Parang multo itong tumagos lang sa kahoy na pinto ng
kanyang kwarto at naiwan syang nakatulala.

Bakit ba napakakumplikado ng buhay? Mamamatay na nga lang sya, andami pang pasikot-
sikot.

Corvus' POV
Nasa labas sya ngayon ng bahay ni Eydis at nakaupo sa bubungan nito. Nakatingala sa
langit na puno ng mga bituin. Napangiti sya ng mapait ng maalala nya ang sinabi ng
isang bata noon sa kanya bago nya ito sinundo.

"Sabi ng mama ko kapag namatay daw ang isang tao, magiging star daw sya sa langit.
Gusto kong maging brightest star kapag namatay ako." Walang kamuwang-muwang ito na
sya na ang magsusundo ng kaluluwa nito. Wala itong kaalam-alam na hindi totoo ang
tungkol sa mga bituin. Hindi ito totoo.

"Ahh! Bantay-sarado talaga sya sayo no?"

"Hindi tuloy tayo makaporma, aking kambal."

Gulat na napatingin sya sa kanyang kaliwa at nakita nya roon ang kambal na Diyos na
nakalutang sa hangin at parehong nakangisi sa kanya. Nakapamulsa si Hypnos
samantalang nakahalukipkip naman si Thanatos. Ni hindi nya man lang naramdaman ang
pagdating ng mga ito.

Tumayo sya at yumuko, tanda ng pagrespeto nya sa mga ito. "Mga Panginoon."

Napahalakhak si Hypnos dahilan ng pag-ihip ng malamig na hangin sa paligid. Sa


kambal ay si Hypnos ang sinasabing masayahin. Nagagawa nitong tumawa sa kahit na
anong bagay. Pero hindi ibig sabihin noon ay hindi na ito kasingbagsik ng kakambal
nito.

"Hanga ako sayo, Corvus. Nakakapagtimpi ka pa rin sa amin. Hindi ba't naiinis ka?
Dahil pinapakialaman namin ang trabaho mo? Ba't hindi mo ipakita?" Nangangantyaw na
turan sa kanya ni Hypnos. Yumuko lang naman sya. Hindi nya maaaring gawin yun. Ito
pa rin ang mga Panginoon nya.

"Tama. Utang mo sa amin ang kinalalagyan mo ngayon. At ang ikalawang pagkakataon mo


dito sa mundo. Kami ang nagbigay ng pagkakataong ito sayo, Corvus. Ngunit tila'y
wala kang ginagawa. Sinasayang mo ang pagkakataong binigay namin." Naniningkit ang
mga matang tinitigan sya ni Thanatos. Wala na ang ngisi sa mga labi nito.

"Nagkamali ba kami sa pagbibigay sayo ng ikalawang pagkakataon? Nagmakaawa ka sa


aming harapan, Alagad kong Uwak. Tandaan mo yan." Bigla itong sinakop ng maitim na
usok at nawala. Naiwan si Hypnos na matamang nakatingin sa kanya.

"Sa lahat ng mga alagad, ay dapat na ikaw ang mas nakakaalam ng kaya naming gawin,
Corvus. Kaya wag mong hintayin ang oras na pagsisihan ng aking kakambal ang binigay
nyang tulong sayo." Tulad ni Thanatos ay pinalibutan din ito ng maitim na usok at
biglang nawala.

Naiwan syang tulala at nanghihina.

Ano nga bang ginagawa nya sa ikalawang pagkakataon nya?

Itutuloy...
=====================
N/A: Sabaw. Hay. Si loveydovey Corvus sa side.====>
:3
######################################
12: Usok
######################################
12: Usok

"Eydis!"

Tulalang nakatingin sya ngayon sa nakabalandrang sasakyan sa daan na nasa tapat


nya. Nabiingi sya sa kabog ng dibdib nya at nanlalamig sya. Muntikan na. Muntikan
na naman syang masagasaan.

"Tumayo ka, Eydis." Lumipad ang mga mata nya sa mukha ng nilalang na nagligtas ng
buhay nya. Madilim ang anyo nito at hindi nya mabasa kung ano ang ibig sabihin ng
emosyon na nasa mukha nito.

"Tumayo ka na Miss Eydis. Nandyan na ang mga kaibigan mo." Malumanay pero seryoso
namang sabi ng anghel na kasama nito.

"Eydis! Okay ka lang?" Nag-aalala ang mukha ni Bea nang tinulungan sya nitong
makatayo.

"Nasaktan ka ba? May sugat ka?" Inenspeksyon sya ni Cody. Hindi naman sya makapalag
dahil hindi pa rin nagsi-sink in sa utak nya ang nangyari. Muntik na talaga sya dun
kanina. Kung hindi lang nakabantay sa kanya sina Corvus at Grus ay malamang na
tinatabunan na sya ng mga dyaryo ngayon.

"Miss? Okay ka lang ba?" Napako ang tingin nya sa tila hilo na lalaki. Ito yung
driver ng kotse na muntik nang makabunggo sa kanya. "Pasensya ka na ha? Hindi ko
kasi alam kung anong nangyari eh. Bigla kasi akong nahilo. Papacheck-up kita sa
ospital para makasiguro tayong okay ka." Nanlaki ang mga mata nya ng parang may
itim na usok ang lumabas mula sa tuktok ng ulo nito habang nagsasalita.

"O-okay lang ako, kuya. Wag na kayong mag-alala." Sabi nya na hindi pa rin
makapaniwalang nakatingin sa naglalaho na na itim na usok.

"Sigurado ka? Ba't parang tulala ka?" Tanong nito sa kanya.

Ikaw? Ba't parang tren ka na may lumalabas na usok sa ulo mo?

"Hindi yun simpleng usok lang Miss Eydis." Dinig nyang sabi ni Grus sa gilid nya.

"Ah, Okay lang ho ako. Salamat po, Kuya. Ingat na lang po kayo." Tumango naman ito
at humingi uli ng paumanhin sa kanila.

Ano'ng hindi simpleng usok lang yun?

"Eydis, halika na. Punta tayong clinic para masiguro nating okay ka."

"Okay lang ako, Bea. Nashock lang ako."

"Sigurado ka? Pwede ka namang umuwi na lang eh. Sasabihan na lang namin sina Maam."

"Hindi Cody, okay lang ako." Sabi niya sa kaibigan pero kay Corvus sya nakatingin
na nasa likod nito.

"Hindi iyon pangkaraniwang usok. Isa iyong patunay na ang mortal na iyon ay
napasailalim sa isang kapangyarihan. Kinontrol sya ng hindi nya nalalaman."

Kinontrol sya para banggain ako?

Hindi makapaniwalang tanong nya sa dalawa na binigyan lang sya ng seryosong mga
tingin. Akala ko ba binabantayan nyo ako para masiguradong hindi ako magiging
wayward soul? Eh ba't parang merong gustong pumatay sa akin?

"Hindi ba sinabi ko na sayo kagabi? Maghanda ka, dahil hahabulin ng kamatayan ang
buhay mo." Tuluyan syang nanghina sa narinig kay Corvus. Napahinto sya sa
paglalakad kaya napatingin sa kanya sina Bea at Cody.

"Ba't namumutla ka?" Tanong ni Cody sabay haplos sa pisngi nya. Hinawakan naman ni
Bea ang mga kamay niya at pinisil-pisil.
"May masakit ba sayo? Nahihilo ka?" Helpless na napatingin sya sa nag-aalalang
mukha ni Bea. Gustong-gusto nyang umiyak dito, dahil natatakot sya. Takot na takot
na sya. Pero hindi nya pwedeng idamay ang mga kaibigan nya.

Umiling sya at ngumiti. "Bea, Cody, kailangan ko munang mapag-isa. Okay? Wag kayong
mag-aalala, okay lang ako." Sabi niya sabay lakad ng palayo sa kanila. Narinig pa
nyang tinawag sya ni Bea pero hindi na nya pinansin iyon. Kailangan lang nyang
makahinga.

Lutang na naglakad sya sa loob ng eskwelahan nila. Hindi niya alam kung saan sya
dadalhin ng mga paa nya. Para syang nalulunod na hindi nya maintindihan. Parang
hindi sya makahinga. Malakas nya ring naririnig ang dagundong ng puso nya.

"Eydis!" Ang galit at seryosong mukha ni Corvus ang nagpabalik sa huwisyo nya.
Mahigpit na hawak sya nito sa magkabilang braso. "Huminahon ka. Kalmahin mo ang
sarili mo. Alisin mo ang takot mo."

"Huminga ka ng malalim Miss Eydis." Sinunod nya ang sinabi ni Grus. Ilang beses
syang huminga ng malalim bago kumalma ng kaunti ang damdamin nya. Saka lang sya
binitawan ni Corvus at nanghihina syang napaupo sa damuhan. Napansin nyang nasa
likod na pala sila ng building ng eskwelahan nila. Niyakap nya ang mga binti nya at
sinubsub doon ang kanyang mukha.

Bakit ba nangyayari to? Kung papatayin nyo ako, patayin nyo na lang ako ng diretso!
Hindi na papatayin nyo ako sa kaba at takot. Hindi na nya napigilan ang maiyak.
Naiiyak sya dahil sa nangyayari sa buhay nya. Ito na ba ang kabayaran sa kasalanan
nya noon? Pinaglalaruan sya ng mismong kamatayan.

Mahabang sandali ang lumipas. Mahihinang hikbi lang nya ang maririnig sa paligid.
Ni wala ring kibo ang dalawang nilalang na nakatayo sa magkabilang gilid nya. Nang
humupa ang sama ng loob nya ay iniangat nya ang mukha nya at pinunasan ang mga luha
nya, pero nagulat sya ng bigla syang umangat sa damuhan at natagpuan nya ang
sariling nasa mga bisig na ni Corvus.

"A-ano--"

"Miss Eydis! Okay ka lang?" Naudlot ang pamumula ng mukha nya ng makita nya ang
hawak-hawak ni Grus. Isang mahabang ahas ang hawak nito sa ulo. Malaki at mukhang
makamandag. Kumakawag-kawag pa ang katawan nito, pero namutla uli sya nang makita
nyang unti-unting naging itim na usok ang katawan ng ahas at naglaho sa hangin.

"Tss! Seryoso talaga sila sa banta nila." Nakatulala pa rin sya ng marinig nya ang
himutok at naiinis na boses ni Corvus. Walang kahirap-hirap na buhat-buhat pa rin
sya nito at nakapalibot naman ang mga braso niya sa leeg nito. Nang mapatingin sya
sa mukha nito ay nagtama ang mga mata nila. Unang beses na matitigan nya ito sa mga
mata ng hindi madilim. Bumilis ang tibok ng puso nya at parang ayaw nyang tigilan
ang pagtitig sa mga mata nito. Bakit ganito? Bakit parang...

"Ginoong Corvus, ano na'ng gagawin natin ngayon?" Naputol ang pagtitinginan nila
nang tumingin ito kay Grus na maasim ang mukhang nakatingin sa kamay nitong may
hawak kanina sa ahas.

"Kailangan nating mas maging alerto. Hindi nagbibiro ang kambal. Lalo na ang Diyos
Thanatos." Nilingon sya nito uli bago magpatuloy sa pagsasalita. "Pursigido silang
manalo sa larong inumpisahan nila."

"At siguradong sila ang mananalo." Napabuga ng hangin na inis na sinabi ni Grus.
Nagsalubong ang kilay nya.
"Ano'ng laro? Sino'ng kambal at ano ba yang pinag-uusapan nyo?" Palipat-lipat ang
tingin na tanong nya sa dalawa. Pagkatapos ay nakita nyang napangiti si Grus.

"Eh. ikaw Miss Eydis? Mukhang sarap na sarap ka sa pagkakabuhat sayo ni Ginoong
Corvus ah?" Bigla syang namula at nagkumahog na makababa sa pagkakabuhat ni Corvus
sa kanya. Napahalakhak naman si Grus nang pareho sila ni Corvus na tinapunan ito ng
masamang tingin.

"Nakakatuwa kayong tingnan, alam nyo ba yun? At kung pareho pa kayong buhay na
mortal ngayon ay siguradong bagay na bagay kayo sa isa't-isa." Ngisi sa kanila ni
Grus na inirapan nya lang.

"Pasensya na Ginoong Grus ngunit hindi na ako buhay na mortal kaya tigilan mo na
yang pagpapantasya mo." Binatukan ito ni Corvus.

"Aww! Ang brutal mo!"

"Matagal na." Napangiti sya ng bahagya sa dalawa pero hindi pa rin nawawala ang
pagkabagabag nya.

"Corvus." Tawag nya sa pansin nito. Pareho namang tumigil sa pagbabangayan ang
dalawa at napatingin sa kanya. "Gusto kong malaman ang lahat. Buhay ko ang nakataya
rito kaya sana wag nyong itago sa akin to. Please."

Third Person's POV


Sa isang madilim na lugar na puro itim na usok ang makikita ay may dalawang
nilalang na nakaupo sa dalawang pilak na trono. Ang isa ay si Thanatos. Naka-itim
ito at magkahugpong ang mga kamay na matamang nakatingin sa sahig ng kanilang
munting sangktwaryo. Katabi naman nito ay ang nakaputi at naka-itim na kakambal
nito na si Hypnos na nakapangalumbaba at nakapikit.

"Sa tingin mo aking kapatid? Ano na ngayon ang gagawin ng ating paboritong alagad?"
Tanong ni Hypnos nang magmulat ito ng mga mata at paglaruan ang setro nito na
kawangis ng baliktad na sulo habang nakapangalumbaba pa rin.

"Alam mo kung bakit Corvus ang binigay kong pangalan sa kanya, Hypnos. Kaya
inaasahan kong isasabuhay niya ang ibig sabihin ng kanyang pangalan." Tahimik na
sagot nito sa kakambal na hindi pa rin inaalis ang tingin sa sahig na kumikinang at
may kakayahang ipakita sa kanila ang mundo ng mga mortal. Kung saan nila sinusundan
ang lahat ng mga nangyayari sa bawat isa sa kanilang alagad. Ang bawat kilos, bawat
desisyon, at bawat kaluluwang sinusundo. Alam nila lahat.

"Ang alin doon? Ang pagiging peste ng isang uwak? O ang pagiging tuso at matalino
nito?" Nakataas ang kilay na balik naman ni Hypnos sa kakambal.

"Kung ano ang katangiang taglay ng totoong pagkatao nya bukod sa pagiging isang
alagad ng Kamatayan na kung tawagin ay Corvus." Sa sinagot ni Thanatos ay naghikab
si Hypnos, binaba ang pinaglalaruang setro at inihimlay ang ulo sa likod ng trono
nito. Pumikit ito at inihanda ang sarili para sa pagtulog. Ngunit bago tuluyang
makatulog ay bumulong pa ito na ikinangisi ng kakambal nito.

"Kung gayun ay talo na tayo. Bakit ba naglalaro pa tayo kung alam nating matatalo
rin pala tayo sa huli? Ang bait mo talaga Thanatos."
Itutuloy...

=====
A/N: Ano bang sasabihin ko? Lol. Basta. Haha. Sana nagustuhan nyo ang chapter na to
kasi para sa akin? Ito ang umpisa. XD
######################################
13: Bucket List No. 3
######################################
13: Bucket List No. 3

"Ano'ng ginagawa mo?"

Napalingon sya sa tanong ni Corvus sa kanya. Nakasandal ito sa tabi ng bintana sa


kwarto nya habang nakapamulsa. Pero hindi ito nakatingin sa kanya kundi sa labas ng
bintana nya. Ang sinag ng araw ay tumatama sa mukha nito. Ang gwapo.

"Nag-aayos. Lalabas kami nina Cody at Bea." Sabi niya at ibinalik na nya ang tingin
sa salamin pero muntik na syang mapasigaw ng makitang nasa likod na nya agad ito.
"Ano ba? Para kang multo ah? Papatayin mo ba ako sa gulat?"

"Ba't ka lalabas? Di ba't delikado ang buhay mo? Alin doon ang hindi mo
naiintindihan?" Napabuntung-hininga sya na napatitig sa repleksyon nito sa salamin.

"Naiintindihan ko ang lahat. Pero ano'ng gusto mong gawin ko? Ang magmukmuk dito sa
loob ng bahay at matakot? Kung talagang gusto akong mamatay ng mga Gods na yun ay
gagwin nila yun. Kahit na dito lang ako sa bahay at nakaupo sa isang sulok. Kaya
pwede ba Corvus? Kung mamamatay na ako ngayon, susulitin ko na lang ang nalalabing
oras ko." Nagsukatan sila ng tingin sa salamin bago ito unang nagbawi at tumalikod
sa kanya. Naglakad ito palapit sa may pintuan at lumingon uli sa kanya.

"Oh? Ano pang ginagawa mo dyan? Bilisan mo na." Nakakunot ang noong sita nito sa
kanya. Nagtaka naman sya.

"Ha?"

"Sabi ko bilisan mo na dyan."

Pagkatapos nitong sabihin yun ay biglang lumitaw sa tabi nito si Grus. "At
babantayan ka namin habang namamasyal kayo."

Tumaas ang kilay nya. "Wala ba kayong trabaho at parang araw-araw na ata kayong
dalawa na sabay na nagbabantay sa akin?" Kahit na sabihing responsibilidad siya ni
Corvus ay alam nyang may sariling trabaho rin naman si Grus bilang isang anghel.
Wala ba itong ililigtas o ibang babantayan ngayon? Masyado naman atang kin-career
nang dalawang to ang pagbabantay sa kanya? Kunsabagay, sa kanya nakasalalay ang
pagbabalik ng mga alaala ni Corvus.

FLASHBACK

"Gusto kong malaman ang lahat. Buhay ko ang nakataya rito kaya sana wag nyong itago
sa akin to."

Ilang sandaling tinitigan lang siya ng dalawa pagkatapos ay napabuntung-hininga si


Grus at napakamot sa ulo nito. Si Corvus naman ay nanatili lang na nakatingin sa
kanya.

"Ang mga Panginoon ko ay binigyan ako ng pagsubok. Kailangan kong bantayan ang
buhay mo at siguraduhing mamamatay ka ayon sa itinakda ng abnormal mong orasan para
mabawi ko ang mga alaalang nawala sa akin noong ako'y nabubuhay bilang isang
mortal. dahil kung hindi ay sila mismo ang kukuha sa kaluluwa mo." Sagot ni Corvus
sa kanya. Ilang sandaling napaisip sya bago sumagot.

"Ibig sabihin? Gagawin niyong laruan ang buhay ko? Ganun?" Nanlalaki ang mga matang
tanong nya sa rito. "Hindi porke't mamamatay na talaga ako ay gagawin nyo na lang
lokohan tong buhay ko. Sino ba kayo sa inaakala nyo ha? Diyos nga kayo pero wala
kayong karapatang paglaruan ang buhay ko."

Naiiyak na sabi niya sa dalawa. Parang ang lagay eh napakawalang kwenta ang buhay
nya at gagawin na lang nilang laruan.

"Miss Eydis, kaya nga nandito kami. Babantayan ka namin at sisiguraduhing mabubuhay
ka hanggang sa itinakda ng iyong orasan." Malumanay na pagpapaliwanag ni Grus.

"At para manalo kayo at maibalik kay Corvus ang nawalang alaala nya. Ganun di ba?"
Mapait na sabi niya sa dalawa. Yumuko lang naman si Grus pero si Corvus ay
nanatiling matamang nakatingin sa kanya.

"Babantayan kita dahil yun ang trabaho ko at dahil sa responsibilidad kita.


Pangalawa na roon ang tungkol sa memorya ko. Ang mahalaga ngayon ay huwag kang
maging wayward soul."

"Hanggang kailan ang larong to? Pano nyo malalaman kung sino ang nanalo?" Tahimik
na tanong nya. Wala rin naman siyang magagawa. Isang hamak na mortal lamang siya at
mga makapangyarihang nilalang sila.

"Dalawa ang paraan ng pagkakaalam kung sino ang nanalo. Una ay ang mamatay ka ng
dahil sa abnormal mong orasan at hindi dahil sa kagagawan ng mga Panginoon ko. At
ang pangalawa, ay ang kusang bumalik ang memorya ko habang buhay ka pa. Titigil
sila sa paghahabol sa buhay mo kapag nangyari iyon. At iyon ang pagsisikapan kong
mangyari. Ang bumalik na ang mga alaala ko."

END OF FLASHBACK

"Ikaw ang nakatokang bantayan ko ngayon Miss Eydis, kaya wag ka nang magreklamo.
Ayaw mo noon? Dalawang naggagwapuhang nilalang ang mga bodyguards mo?" Nakangiting
sagot sa kanya ni Grus, samantalang si Corvus naman ay nakakunot pa rin ang noo at
mukhang inip na inip na. Napangiti at napailing naman sya pagkatapos ay ibinaba na
nya ang suklay na hawak nya at dinampot ang shoulder bag nya.

"Tara!" Yaya nya sa dalawa at binuksan ang pinto at nauna nang lumabas. Dire-
diretso sya sa mini-altar nila sa baba at nagpaalam sa Ate nya. Nakaalis na ang
Mama nya kaya siya ang maglalock ng bahay nila. Sabado ngayon eh. Lumabas na siya
ng bahay at hinihintay na lumabas na rin ang dalawa pero hindi pa rin umaalis sa
kinatatayuan niya si Corvus. Nakatitig lamang ito sa gawi ng mini-altar nila.

"Ginoong Corvus. Tara na." Pukaw dito ni Grus. Saka lamang ito tumingin sa
direksyon nya. Ilang segundo itong nakatingin sa kanya pagkatapos ay bumalik uli
ang tingin nito sa mini-altar. Napakunot ang noo nya at napahakbang siya pabalik sa
loob.

"Ano'ng nangyayari sayo, Corvus?" Tanong nya ng makalapit sya rito. Si Grus ay
nakalapit na rin at nasa gilid nya.

"Ang babaeng yan. Parang kilala ko sya." Turo nito sa picture ng Ate niya habang
nakakunot pa rin ang noo. Nakakunot ang noong bumaling siya kay Grus pero tahimik
lang naman ito at nagkibit-balikat.

"Kilala mo ang Ate ko? Magsi-six years na syang patay." Sabi niya rito habang
nakatingin na rin sa nakangiting litrato ng Ate nya.

"Kilala ko siya. Pero hindi ko maalala kung paano." Bulong ni Corvus na naguguluhan
ang mukha.

"Baka naman isa lang siya sa mga babaeng sinundo mo noon ang kaluluwa, Ginoong
Corvus." Napalingon siya kay Grus sa sinabi nito. Tama. Baka nga si Corvus noon ang
sumundo sa Ate nya.

"Maaari." Pagsang-ayon naman ni Corvus pagkatapos ay tumalikod na ito at naunang


lumabas kasunod nito si Grus. Siya naman ay napatingin pa uli sa litrato ng Ate nya
bago tuluyang lumabas.

***

"Oh? Bakit nandito na naman tayo, Cody?" Takang tanong ni Bea kay Cody nang
makababa na sila. Nanggaling sila sa paglilibot sa Mall pagkatapos ay nananghalian
sila sa restaurant nina Cody. Nagyaya pa ito na may pupuntahan pa raw sila kaya
pumayag naman sila ni Bea. Dito lang pala ulit.

"Eh, diba nag-enjoy naman kayo dito noong birthday ni Tita? Kaya ulitin natin."
Nakangising sabi nito sa kanilang dalawa. Nagkatinginan naman sila ni Bea
pagkatapos ay nagkibit-balikat at sumunod na rin kay Cody.

Bahagya nyang nilingon yung dalawang nilalang na nakasunod sa kanya. As usual ay


lumulusot lang sa mga katawan ng mga ito yung mga taong nakakasalubong ng dalawa.
Parang mga holograms lang ang mga ito. Nakakapangilabot. Bahagya syang nanginig ng
may isang babaeng lumusot na naman sa katawan ni Corvus, kaya iniiwas nya agad ang
tingin at pilit na nagconcentrate sa pinag-uusapan nina Cody at Bea.

"Gusto kong kumain ng cotton candy." Naka-angal na sabi ni Bea habang nakahawak sa
laylayan ng tshirt ni Cody.

"Ano ba, Bea? Para ka namang bata eh. Maglaro muna tayo dun sa may target booth.
Tapos yung mapapanalunan ko ibibigay ko sayo." Nakangiting sagot nito kay Bea.

"Talaga? Galingan mo ha? Gusto ko yung stuffed toy." Naaaliw na nakatingin lang sya
sa dalawa. Kanina nya pa napapansing iba na ang trato ni Cody kay Bea. Parang mas
naging sweet at thoughtful na ito kay Bea.

"Mukhang matutupad na ang ikalawa sa bucket list mo." Napatango naman siya sa
sinabi ni Grus. Mukha nga. Magiging masaya na rin ang dalawang kaibigan nya.

Nakita nyang kinawayan siya ni Bea at pinapapunta sa kung nasaan sila kaya
humakbang na rin siya papunta doon. Malapit na siya roon ng biglang magsigawan ang
mga tao. Napalingon siya sa tinuturo ng nanlalaki ang mga matang si Bea at
napapikit na lang siya. Hinintay nyang bumagsak sa kanya ang isang malaking poste
na natumba dahil natabig ng nagkukumpune nito. Pero imbes na yun ang maramdaman nya
ay isang paghila sa kanyang braso ang naganap. Pagkatapos noon ay isang kalabog.

Napadilat siya at nanlaki ang mga mata nya ng makitang nakabalandra ang malaking
poste sa kung saan ay nakatayo siya kanina, pagkatapos ay nalipat ang tingin nya sa
taong sumagip sa kanya. Napakurap-kurap siya nang magtama ang mga mata nila at
nablangko ang utak nya.

"Eydis! Oh, my gosh! Okay ka lang?" Narinig nyang hysterical na tanong ni Bea sa
kanya, pero ang mga mata nya ay nakaglue pa rin sa lalaking nakatingin din sa
kanya. Maraming tanong ang nagtatakbuhan sa isip nya.
Pero iisa lang ang nangingibabaw...

Nagkatawang-tao sya?

"Pare, salamat." Tinapik ni Cody ang balikat ni Corvus kaya nabaling ang tingin
niya rito. "Salamat sa pagliligtas sa kaibigan namin."

Tumango lang naman si Corvus at tumingin uli sa kanya. Nagkatawang-tao nga ito para
iligtas siya. Iba ang damit nito ngayon kesa kanina. Naka-simpleng black tshirt at
blue jacket lang ito ngayon, hindi katulad kanina na naka-all black ito.

"Mag-ingat ka." Sabi nito sa kanya bago tumalikod at umalis.

"Aiish! Naunahan ako ni Ginoong Corvus don ah!" Narinig nyang himutok ni Grus sa
tabi nya. Tahimik pa rin sya at hindi makapagsalita hanggang sa hinila na sya nina
Bea paalis dun sa ginagawang part ng Theme Park.

"Grabe! Hindi sila nag-iingat! Pano na lang kung hindi biglang sumulpot yung
gwapong lalaki na yun at niligtas tong si Eydis? Edi nasa ospital sana tayo ngayon!
Naku! Kung nangyari yun talagang idedemanda ko sila!" Nanggagalaiti si Bea habang
naglalakd sila palayo doon sa lugar.

"Pabayaan mo na yun. Magpasalamat na lang tayo na hindi nasaktan tong si Eydis."


Sabi naman ni Cody na pinat pa ang ulo niya. "Oh ano? Sinong gustong mag-rides?"

Pinilit nyang wag muna maapektuhan ng nangyari ang paglilibang nilang magkakaibigan
ngayon. Alam nyang parte ng paglalaro ng mga Diyos na panginoon ni Corvus ang
kamuntikan ng pagbagsak ng poste. Buti na lang at maagap talaga si Corvus.

"Boyscout ata yan nung nabubuhay sya eh? Maagap at laging handa." Komento naman ni
Grus sa tabi niya at binigyan naman ito ng matalim na tingin ni Corvus na ngayon ay
balik na sa pagiging Death God nito. Nakapila sila ngayon sa pinakahuling ride na
hindi pa nila nasasakyan. Ang Ferris Wheel. Talagang nirequest nya kay Cody na
ihuli nila ito para sakto sa naiisip nya. Nang sila na ang sasakay ay bigla pang
nagka-aberya. Dalawa lang pwedeng sumakay.

" Teka? Panu to? Kayo na lang ni Cody ang sumakay Eydis. Hintayin ko na lang kayo
dito sa ibaba." Nagpanic sya ng mapatingin sa mukha ni Cody. Hindi pwede!
Nagtatagumpay na akong mapalapit kayong dalawa eh!

"Ahh... hindi okay lang, Bea. Maghahanap na lang ako ng makakasama ko. Sige na,
kayong dalawa ni Cody ang magkasama." Halos itulak na nya yung dalawa.

"Teka! Sinong kasama mo?" Nag-aalangan pang tanong ni Bea.

"Ako. Pwede ba?" Napatingin siya dun sa likod nya at nanlaki na naman ang mga mata
nya ng makita si Corvus na naka-human form na naman.

"Ayos, pare. Alagaan mo yan ha?" Nagthumbs up pa si Cody dito. Hindi pa rin sya
makapaniwalang nagkatawang-tao ulit ito para lang samahan sya sa Ferris Wheel.

"Bilisan mo na. Sakay na." Naiinip namang bulong nito sa kanya.

"Ba't kasi hindi na lang si Grus ang kasama ko?" Ganting bulong nya naman habang
sumasakay na sila. Doon nya lang napansin na wala na si Grus sa gilid nya. "Nasaan
na yun?"
"May kailangan lang puntahan. Babalik din siya kaagad." Sabi nito na nakaupo sa
harap niya. Ipinagkibit-balikat nya na lang ito at tumingin sa may bintana nang
umandar na ang Ferris Wheel. Sinulyapan nya rin ang wristwatch nya at napangiti
siya. Saktong-sakto. Magkakaroon lang ng tatlong ikot ang Ferris Wheel na to at
pagkatapos ay bababa na sila. May ten minutes lang siya.

Sa unang ikot nila ay hindi pa kita ang hinahanap nya, pero habang pababa yung
sinasakyan nila ay nakikita na nya ang pag-iiba. Pag-iiba ng kulay ng kalangitan.
At sa muling pag-akyat nila ay kita na nya ang nag-aagaw na kulay ng orange, red,
at yellow sa kalangitan. Kitang-kita nya ang paglubog ng araw. Tyming rin na
huminto sa pag-ikot ang Ferris Wheel nang sila ang nasa pinaka-ibabaw.

"Ikatlo ito sa Bucket List mo hindi ba? Ang makita ang paglubog ng araw habang
nakasakay sa Ferris Wheel." Napalingon siya kay Corvus ng magsalita ito. Saka nya
lang naalala na kasama niya pala ito. Ang tahimik kasi nito. Nakatingin lang din
ito sa paglubog ng araw. Nagrereflect sa mukha nito ang papalubog na sinag ng araw.

"Oo. Gusto ko, bago ako mamatay. Matupad ko na lahat ng nasa Bucket List ko."
Napabuntung-hininga sya nang ibalik nya ang tingin sa sunset. Gumalaw na rin ang
Ferris Wheel. "Para wala akong panghinayangan."

Third Person's POV


Dalawang pares ng mga mata ang nakasubaybay sa dalawang nakasakay sa Ferris Wheel.
Ang isa ay nakaupo sa kawad ng kuryente habang nakapangalumbaba habang ang isa
naman ay nakatayo sa tuktok ng poste ng kuryente.

Naghikab si Hypnos at nag-unat ng mga braso nya tsaka pinanood din ang paglubog ng
araw. "Paparating na sa mundong ito ang ating inang si Nyx, kambal ko."

"Hindi na bago iyan Hypnos. Maggagabi na, syempre paparating na sya." Sagot ni
Thanatos sa kakambal nito habang may isang uwak na nakadapo sa kaliwang balikat
nito.

"Wala na ba tayong ibang gagawin?" Tanong naman ni Hypnos na naghikab uli.


"Nagsisimula nang magbalik ang kanyang mga alaala." Tiningnan niya ang kakambal
niyang hinahaplos ang ulo ng uwak.

"At iyon nga ang dapat na mangyari." Sagot dito ni Thanatos sabay ng paglipad ng
uwak sa himpapawid.

=====
A/N: Sorry. Natagalan. Medyo tinamad eh. hehehe. Mag-iiba na nga pala ang title
nito. Pero hindi naman talaga masyadong iba. Hehe.
THE DEATH GOD'S WISH: MIRACLE
Yan na ang magiging bagong title. Nangyari yan kasi lumabas yung characters nina
Thanatos. Balak kong lagyan ng Book 2 at Book 3. Syempre ibang Death Gods naman ang
nandoon. Haha. Iibahin ko kasabay ng pag-iiba ng Book Cover. :D
Salamat sa mga nagbabasa. :D
######################################
14: Mga Alaala
######################################
14: Mga Alaala

"Sige na! Sabihin mo na kasi."

Naiinis na napaangat ang mukha nya mula sa sketchpad nya papunta kay Bea na kanina
pa nangungulit sa kanya. Pinipilit siya nitong ikwento kung ano daw ang nangyari
kahapon habang nakasakay sya sa Ferris Wheel kasama si Corvus. Ilang ulit na nyang
sinabi na nanood lang sila ng sunset at wala nang ibang nangyari pero ayaw nitong
maniwala. Ayaw rin nitong maniwala sa sinabi niyang hindi niya alam ang pangalan ni
Corvus.

"Wala na ngang nangyari Bea. Ni hindi nga kami nag-usap eh." Syempre hindi totoo
yun. Pinagalitan sya ni Corvus kasi ang careless daw nya. Buti na lang dumating si
Grus at nakikulit sa kanila.

"Ay? Anu ba yan? Ang gwapo kaya nun? Para ngang familiar yung mukha nya eh. Di ba
Cody?" Bumaling ito kay Cody na nakahilata sa rug sa sala ng bahay nila habang
nagbabasa ng manga nito. Silang dalawa naman ni Bea ay nakaupo sa sofa sa ibabaw
nito. "Oy, Cody!"

"Ano?" Nagbabasa pa rin na sabi ni Cody.

"Di ba familiar yung mukha nong lalaki kahapon sa may theme park? Yung nagligtas
kay Eydis at sumama sa kanya sa Ferris wheel?" Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa
dalawa nung mapaangat ang tingin ni Cody kay Bea at nagtagal ang pagtitinginan ng
mga ito. Direktang nasa ilalim kasi ng pwesto ni Bea si Cody at nung magsalita si
Bea ay niyuko nito si Cody at sya namang pag-angat ng tingin ni Cody mula sa manga
na binabasa nito. Parang may sariling mundo ang dalawa habang nagtitinginan.

"Mukhang successful ang Bucket List no. 2 mo Miss Eydis ah?" sabi ni Grus na
nakasandal sa likod ng sofa na inuupuan nila ni Bea. Napangiti naman siya ng
magblush si Bea at ngumisi si Cody. Parang nahihiyang napatingin sa kanya si Bea at
umubo-ubo naman si Cody. Natawa na lang sya. Natutuwa sya at mukhang
nagkakamabutihan na nga yung dalawa.

"Teka? Ano na nga yung tanong mo?" Kakamot-kamot sa ulo na tanong ni Cody.

"Ahh... Nakalimutan ko na eh. Hehe." Nakablush pa rin at naka-iwas ang tingin na


sabi dito ni Bea. Natawa uli sya at napailing. Parang out-of-place na sya dito.

Nasaan na nga pala si Corvus?

"May sinundo lang. Ipinagkatiwala ka muna sa akin kasi dito ka lang naman sa bahay.
Hindi naman kayo aalis, di ba?" Narinig nyang tanong ni Grus sa likod nya habang
nagpapatuloy na siya sa pagsketch nya.

Hindi naman. Tambay lang kami dito sa bahay. Pagkausap nya rito sa isip nya.

"Mabuti naman. Ang kailangan ko na lang ngayon bantayan ay kung may mga nakamamatay
bang mga gamit dito sa bahay nyo o pwedeng mahulog at makapatay sayo." Napachuckle
sya sa mga pinagsasabi nito. Mukhang brutal ang mga pinag-iisip nitong magiging
sanhi ng pagkamatay nya ah.

Ilang minutong engrossed na siya sa ginuguhit nya ng mapapitlag sya. May naramdaman
syang parang gumagapang sa paa nya. Nanigas sya ng maramdamang gumagapang ito
pataas sa binti niya. Ang lakas-lakas ng tibok ng puso niya at ang lalim na ng
paghinga nya dahil sa takot. Takot siya sa mga gagamba!

Tiningnan nya si Bea, natutulog ito. Si Cody naman ay nagbabasa na uli ng manga.
Hindi nya maigalaw kahit na ang mga bibig nya para makahingi ng tulong sa dalawa.

Grus! Grus!

Biglang lumitaw ang gagamba at tumalon sa ibabaw ng sketchpad nya. Nakita niya ang
pulang palatandaan sa likod ng itim na katawan nito. Black widow. Nakipagtitigan
siya sa napakarami nitong mga mata. Nakikita nya ang reflection nya sa mga mata
nito. Nakikipagtitigan din ito sa kanya.

"Hay! Grabe. Kakaiba talaga sila." Biglang lumitaw si Grus sa harap nya at niyuko
niya ang itim na gagamba. Nanlaki ang mga mata nya ng pinindot-pindot ng hintuturo
nito ang likod ng gagamba.

Ano'ng ginagawa mo?

"Sinisiguro ko lang kung totoo ito." Sabi nito pagkatapos ay mahinang hinipan ang
gagamba. Namangha sya ng habang hinihipan nito ang gagamba ay unti-unting
nagkadurog-durog ang katawan nito at naging abo. Nilipad ng hangin. May itim na
usok din na nagmula sa nadurog na katawan ng gagamba.

A-ano'ng?...

"Mahika na naman ng mga malokong Diyos na panginoon ni Ginoong Corvus. Tss!


Talagang gusto nilang paglaruan kayo." Naka-ismid na sagot ni Grus habang tinatanaw
ang hangin na dala-dala ang abo ng gagamba. Tumayo ito sa harapan nya at namulsa,
pagkatapos ay napatingin sa mga kaibigan nya. Pareho nang tulog ang dalawa.

"Talagang kailangan mong mag-ingat parati. Sabihan mo ako agad kapag may
nararamdaman kang kakaiba. Baka sa susunod ay lagyan nila ng lason ang hangin na
iyong nilalanghap. At isa pa ay hindi naman lahat ng oras ay nandyan ang mga
kaibi--" Nagtaka sya ng maputol ang sinasabi nito at naging seryoso ang ekspresyon
ng mukha nito. Nakakunot ang noong napabaling siya sa tinitignan nito. Nanlaki ang
mga mata nya sa pagkamangha at napatayo siya pagkakita nya sa dose-dosenang
paruparo na nasa labas ng bintana ng bahay nila. Hindi makapasok ang mga ito dahil
nakasara ang bintana pero nagpapalibot-libot ang mga ito sa labas. Iba-iba ang
kulay at laki.

"Wow! Ba't may mga butterflies sa labas?" Amazed na bulong nya.

"Miss Eydis," Narinig nyang tawag sa kanya ni Grus. Namamangha pa ring pinilit
nyang lumingon kay Grus. Nakita nyang hawak-hawak nito ang sketchpad nya na
malamang ay nahulog nang bigla syang tumayo kanina. "Ang sketchpad mo, laman ay
puro mukha ni Ginoong Corvus. Bakit?"

Ang pagkamangha nya ay napalitan ng pagkalito. Inabot nya ang sketchpad nya at
tiningnan lahat ng mga sketches nya. Tama nga ito. Lahat ng gawa nya ay mukha ni
Corvus, kahit ang kaninang ginuguhit nya na bagaman ay hindi niya pa tapos ay di
mapagkakailang mukha rin nito iyon.

Bakit puro mukha ni Corvus ang ginuguhit ko?

Isang matinis na tunog ang nagpabalik ng atensyon nya sa may bintana at napanganga
sya sa nakikita nya.

Ang mga naggagandahang paruparo, nagsasanib-sanib at naging mga itim na ibong uwak.

Corvus' POV
Iniangat nya ang mukha mula sa malamig na mukha ng babaeng sinundo nya ang
kaluluwa. Isang paruparong kulay puti ang lumabas sa bandang dibdib nito at
lumipad. Ngunit unti-unti rin itong naglaho sa hangin hanggang sa tuluyang mawala.
Isa namang kaluluwa ang matagumpay nyang nagabayan patungong kabilang-buhay.
Ibinalik nya ang tingin sa mukha ng bangkay ng babae. Biktima ito ng isang lango sa
droga. Pinagsasaksak hanggang sa mamatay. Labing-anim na taong gulang ito at maamo
ang mukha. Habang tumatagal ang pagkakatitig nya sa mukha ng bangkay ng babae ay
biglang nagsalimbayan sa kanyang diwa ang mga eksena sa kanyang panaginip.

Ang dalawang umiiyak na mga babae. Ang dugo na nagkalat sa kalsada. At ang boses na
naririnig nya parati. Boses na katulad ng sa kanyang special case. Bakit magkaboses
sila ni Eydis? At ang mukha ng nakangiting kapatid nito ay sigurado siyang nakita
na nya, ngunit hindi niya lang matandaan kung kailan at kung saan.

Iniiwas nya ang tingin sa mukha ng bangkay at pumihit para umalis. pero natigil sya
nang makitang nakatayo di kalayuan sa kanya ang Diyosa ng Kamatayan na si Nyctea.

"Binibining Nyctea." Bati nya rito. Nginitian lang siya nito pagkatapos ay
pinagpatuloy ang pagtingin sa bangkay ng babaeng nasa paanan niya at dahang-dahang
lumapit sa kanya.

"Naaalala ko noon," Panimula nitong sabi habang ang mukha ay parang may inaalalang
eksena. "Mag-aanim na taon na ang nakakaraan. Dito rin mismo sa lugar na ito.
Dalawang dalagita ang duguan at isang binata ang umiiyak." Tumingin ito sa kanya at
halo-halong emosyon ang nakikita nya sa mga mata nito. Lungkot, sakit, galit, at
pagsisisi. "Isang pagkakamali ang nangyari dito noon. Pagkakamaling hanggang ngayon
ay umaasa akong matatama ko pa."

"Ano'ng ibig mong sabihin, Binibining Nyctea?" Naguguluhang tanong nya sa Diyosa ng
Kamatayan. Maluha-luha ang magaganda nitong mga mata habang nakatingin sa kanya.

"Patawarin mo ako Ginoong Corvus. Sana'y mapatawad mo ako." Kasabay ng biglang pag-
ihip ng panggabing hangin ay naglaho si Nyctea at naiwan naman siyang naguguluhan.

Ano ang hinihingi nya ng tawad sa akin?

Nalilitong napatingin siya sa paligid ng eskinitang kinaroroonan niya, hanggang sa


dumako ang mga mata nya sa isang sulok. Biglang nanikip ang dibdib nya at kumirot
ang sintido nya. Napauklo sya at tumulo ang luha mula sa kanyang mga mata nang
nilukob sya ng kakaibang damdamin. At muli ay narinig nya sa kanyang isipan ang
tinig ng babae mula sa kanyang panaginip.

Tuparin mo ang pangako mo...

Third Person's POV


Napahikab si Hypnos habang nagkakanlong sila ng kanyang kakambal na si Thanatos sa
dilim. Nasa ituktuk sila ng isang gusaling nakatanaw sa eskinitang kinaroroonan ng
kanilang alagad na si Corvus. Napapalibutan siya ng mga paruparo habang may uwak
naman na nakadapo sa balikat ni Thanatos. Nakatayo ito habang siya naman ay
nakaupo. Pareho nilang dala ang kani-kanilang setro na kawangis sa baliktad na
sulo. Ang simbolo ng pagtatapos ng isang buhay.

"Umpisa na ng lahat. Makayanan kaya ng paborito mong alagad ang mga rebelasyon sa
kanyang buhay noon?" Tinatamad na tanong ni Hypnos sa kanyang kakambal na tahimik
lamang na nakamasid sa alagad nito sa ibaba. "O ang mas tamang tanong, ay kaya nya
kayang tanggapin ang mga nangyari noon sa kanya?"

"Siya si Corvus. Hindi ko ipinagkaloob sa kanya ang ikalawang pagkakataon para


lamang sayangin nya." Tahimik na sagot ni Thanatos sa kakambal nito. Nag-ingay ang
uwak na nasa balikat nito, ikinampay ang mga pakpak at lumipad sa himpapawid.
"Sigurado akong gagawin nya ang lahat, matupad lamang ang pangakong binitiwan nya."

Nagtaas ng kilay si Hypnos at bumuntung-hininga. "Siyanga naman. Nagawa na nga


nyang hilingin na maging isang Death God. Ano pa nga ba ang hindi nya kayang
gawin?"

Itutuloy...
===
A/N: Ayan na! THE DEATH GOD'S WISH: MIRACLE na ang title nito.
First Book sa The Death God's Wish Trilogy. haha. LOL.
Salamat kay @HopelessFaanGirl sa new cover! Ang ganda! Like na like ko. mehehe
Salamat chingu~ Ang galing mo! Kudus sayo! XD
20-25 chaps lang po ito ha? Haha.

NixieYume <3
######################################
15: Uwak
######################################
15: Uwak

Nawawalan na siya ng pag-asang mararating nya ang dalawang babaeng duguan na


nakahandusay di kalayuan sa kanya. Ang dugo nya ay patuloy pa rin sa pagdaloy mula
sa sugat sa kanyang sikmura. Nanghihina na sya. Nawawalan na siya ng lakas.
Nanlalabo na rin ang mga mata nya.
Pero malinaw nya pa ring naririnig ang pabugso-bugsong paghinga at iyak ng dalawang
babae. Sumasakit rin ang kanyang dibdib dahil sa sakit na iniinda ng mga ito.
Ramdam nya iyon.
Isa pang bugso ng lakas at pinilit nya uli gumapang papunta sa dalawang babae. Ang
dugo nya ay nag-iiwan nang mga bakas sa sementadong kalsada. Tumingin sya sa dalawa
at sa nanlalabong mga mata ay pilit nyang inaaninag ang mga mukha nila. Ang mukha
niya.

Bago pa sya tuluyang mawalan ng malay, narinig nya ang mahinang yabag na
paparating. Naaninaw din nya ang dalawang pares ng mga paa di kalayuan sa kanya at
narinig nya ang isang tinig.

Tuparin mo ang pangako mo.

Tuparin mo...

***

Nagising siya ng may biglang yumugyog sa balikat nya. Namumungay ang mga mata na
bumaling sya sa taong yun.

"Eydis. Nandito na tayo. Ano bang pinagkaabalahan mo kagabi at antok na antok ka?"
Nakataas ang kilay na tanong ni Bea sa kanya. Tinakpan nya muna ang bibig nya at
naghikab bago sinagot ang tanong nito.

"Ewan? Masyado lang siguro akong excited para sa educational tour na to, kaya hindi
ako masyadong nakatulog kagabi." Sagot nya at binitbit na ang bag nya tsaka bumaba
ng bus na sinakyan ng klase nila. Nasa isang museum sila ngayon para sa tour ng
History at Arts nilang subject. Mamaya ay bibisita sila sa isang English Fair,
pagkatapos ay sa isang Botanical Farm naman.

"Sigurado ka? Eh ba't parang nanghihina ka?" Nag-aalalang tanong ni Cody sa kanya
habang papasok sila sa entrance ng Museum. Tumango lang siya at lulugo-lugong
sumunod sa mga kaklase nila.

Pagkapasok pa lang nila ay bumungad na agad sa kanila ang mga naggagandahan at


kamanghang-manghang mga art pieces na nandoon. Mula sa iba't-ibang region ng
Pilipinas at gawa ng iba't-ibang artists. Parang nakalimutan nya ang antok nya
habang nililibot sila doon ng kanilang museum guide. Parang natransport sya sa
ibang mundo sa mga nakikita nya. Hanggang sa mapahinto sya sa isang sculpture ng
isang angel. Tinitigan nya ang mukha nito at narinig nya ang guide nilang
nagkukwento tungkol sa mga angels.

"There are hierarchies in angels. The highest in rank are the Seraphims and the
lowest are simply called the Angels or the messengers of God." Marami-rami pa itong
mga sinabi pero hindi na nya ito narinig dahil narinig nyang nagsalita na si Grus
na kanina pa na nasa tabi nya.

"Yan din ang sabi noon sa amin noong nabubuhay pa ako bilang isang mortal. Pero
kalahati lang sa mga alam ng tao ang totoo. At kadalasan ay kulang pa iyon."
Nilingon nya ito at nakita nyang nakatingala rin ito sa sculpture ng angel na nasa
harapan nila. "Alam mo bang sabi nila ang mga anghel daw ay walang kasarian? Pero
tignan mo naman ako, lalaking-lalaki di ba? Haha!"

Bah! Ang kapal ah?

"Hahah! Totoo naman eh! Ang gwapo ko naman talaga eh. Haha." Isinuklay pa nito ang
buhok nito gamit ang mga daliri nito at kumindat sa kanya kaya muntik na syang
matawa. Buti na lang at napigilan nya at napailing na lang sya.

Halos isang oras silang nagtagal doon sa Museum pagkatapos ay bumiyahe uli sila
papunta sa English Fair. Nanood sila ng play ng walang kamatayang Romeo and Juliet.
Dahil doon ay bumalik na naman ang antok niya. Panay ang hikab nya at napapasandig-
sandig na lang siya kay Bea.

"Ano ba talaga ang nangyayari sayo, Eydis?" Dinama nito ang noo at pisngi niya.
"Wala ka namang sakit ah? Ba't ang tamlay mo? Parang wala kang lakas."

"Baka naman may iniinda kang sakit dyan ha? Tapos tinatago-tago mo lang sa amin."
Segunda naman ni Cody na pansin nyang nakaakbay kay Bea. Napangiti siya at tumango.

"Okay lang ako. OA lang talaga kayo." Napasimangot lang yung dalawa bilang sagot sa
kanya. Nginisihan nya naman ang mga ito. Nang umayos sya ng upo ay nahagip ng mga
mata nya ang dalawang lalaking nakatayo sa gilid at nakasandal sa pader na nanonood
din ng play. Pinakatitigan nya ang mga ito ng mabuti. Inalala kung saan niya nakita
dahil pamilyar ang mukha nung dalawa. Lalo na yung isang naka-itim. Nawala ang
pagkakunot ng noo nya nang lumingon ang lalaki at magtama ang mga mata nila.

Tama! Sila yung kambal sa may mall noong birthday ni Mama! Nandito rin pala sila?

"Miss Eydis," Mula sa kambal ay nalipat ang atensyon niya kay Grus na nasa harapan
na pala niya. "Ugali mo na ba talagang makipagtitigan sa Kamatayan?" Nakakunot ang
noo nito at parang naiinis.

Ano'ng ibig mong sabihin? Pagkausap nya sa rito sa isip nya.

"Hindi ka na ba talaga nadala? Hindi lahat ng nakikita ng iyong mga mata ay normal
na tao. Lalo na't isa kang special case. Nasa listahan na ng kamatayan ang pangalan
mo, ang eksaktong oras na lang ang kulang." Nainis siya bigla sa mga sinabi nito.

Alam kong nakabaon na sa lupa ang isa kong paa, okay? Ano bang point sa mga
pinagsasabi mo?
"Ang punto ko, ay hindi tao ang tinititigan mo, kundi isang makapangyarihang
nilalang. Siya ang Kamatayan." Natulala siya sa sinabi nito at napaawang bibig.
Pagkaraan ng ilang segundo ay lumipad pabalik sa pwesto kanina ng kambal ang
kanyang mga mata at nakita nyang pareho nang nakatingin ang dalawa sa kanya at
nakangisi. Bigla syang kinilabutan nang parehong balutin ng itim na usok ang dalawa
at sabay na naglaho.

"Sila ang mga panginoon ni Ginoong Corvus." Dagdag pa ni Grus sa sinabi nito.

Sila ang ginagawang laro ang buhay ko.

"Tama. Sila nga. Pero wag kang mag-alala, Miss Eydis. Gagawin ni Ginoong Corvus ang
lahat para manalo siya."

Corvus' POV
Nandito siya uli ngayon sa eskinitang nagpapagulo sa isipan niya. Alam nyang may
kinalaman ang eskinitang iyon sa nakaraan nya. Ang tanong ay kung ano iyon?

Naglakad siya papunta sa sulok na nakapagpaluha at nakapagpasakit sa ulo nya


kahapon. Tumayo siya roon at pumikit. Pinipilit na maramdaman uli ang sakit na
naramdaman kahapon. Alam nyang ang sakit ang makakapagpabalik sa kanya ng kanyang
mga alaala.

Napamulat siya at napatingala sa bughaw na kalangitan ng may marinig syang tunog.


Nakita nya ang isang uwak na lumilipad ng paikot sa himpapawid at panaka-naka ay
humuhuni. Parang may tinatawag.

Naningkit ang mga mata nya at inilabas nya ang kanyang itim na mga pakpak.
Ikinampay nya iyon at dinala siya ng mga ito sa ere. Sinundan niya ang uwak na
huminto na sa paikot na paglipad nito at lumipad na sa isang direksyon. Mabagal
lang ang paglipad nya habang sinunsundan ang uwak. Hinayaan nyang magkaroon ng
malaking distansya sa pagitan nila.

Nang bumaba ang uwak ay binilisan nya ang paglipad at napahinto siya sa ere. Bumaba
ang uwak sa bubong ng isang bahay kung saan marami pang uwak ang nakadapo doon.
Nakalinya ang mga ito sa bubong at nang makadapo na ang uwak na sinusundan nya ay
biglang sabay-sabay na nag-ingay ang mga yun. Ilang sandaling napuno ng
nakaririnding ingay nila ang paligid hanggang sa sabay-sabay silang sumabog at
naging usok na tinangay naman ng hangin.

Thanatos. Paborito ng Kamatayan ang ibon na iyon kaya nga Corvus ang ibinigay
nitong pangalan sa kanya ng maging alagad siya nito. At dahil na rin sa kulay ng
balahibo ng kanyang mga pakpak.

Nakakunot ang noo nya habang bumababa siya sa mula sa ere. Pagkatapak na pagkatapak
ng mga paa nya sa lupa ay syang paglaho ng mga pakpak sa likod nya. Tinignan nya
ang bahay na nasa harapan nya. Bakit dito ako dinala ng uwak na iyon?

Dito siya dinala ng uwak kaya malamang ay may gustong ipakita sa kanya ang mga ito.
Malamang ay may kinalaman sa kanyang nakaraan. Pero bakit dito? Bakit sa bahay na
ito?

Inihakbang nya ang kanyang mga paa at sa isang iglap ay nag-iba ang paligid. Mula
sa labas ng bakod ng bahay ay nandito na siya ngayon sa loob ng bahay. Alam nyang
walang tao dito ngayon dahil nasa isang tour si Eydis at nagtatrabaho naman ang ina
nito. Pareho na ring patay ang ama at ang Ate nito.
Inilibot nya ang paningin sa loob ng bahay. Tinitignan kung ano ba ang gustong
ipakita sa kanya ng mga uwak at dinala pa siya rito. Hanggang sa dumako ang kanyang
mga mata sa litratong nasa munting altar sa isang sulok sa bahay na iyon. Lumapit
sya doon at pinakatitigan ang mukha ng pumanaw na na kapatid ni Eydis. Nakangiti
ito at kitang-kita sa mukha na masaya ito sa panahong kinuha ang litratong iyon.
Tinitigan niya ito sa mga mata, at habang nagtatagal ay parang nagiging pamilyar
ang pakiramdam nya habang nakatitig sa mga mata nito. Nangunot ang noo nya.
Magkapareho sila ng mga mata ni Eydis at magkamukha rin ang dalawa. Pero iba ang
pakiramdam nya habang nakatingin sa mga mata nito at nakapagpadala iyon ng konting
kirot sa puso nya.

"Bakit pakiramdam ko ay kilalang-kilala kita?" Bulong nya habang nakatingin sa


litrato nito.

"Dahil kilala mo siya." Marahas na napalingon siya sa likod ng marinig ang tinig na
iyon. Si Nyctea ay nandoon na naman sa likod nya. Nakatingin din ito sa litrato ng
kapatid ni Eydis. "Namatay siya mag-aanim na taon na ang nakakaraan. Siya ang
huling kaluluwa na sinundo ni Turdus. Ang Death God na pinalitan mo."

"At paano mo naman na sabi na kilala ko siya?" Nakakunot ang noo na tanong niya kay
Nyctea. Nagtataka siya kung bakit nandito ito. Sinunsundan ba siya ng Death
Goddess?

"Dahil siya ang nawawalang piraso sa iyong nakaraan. Ang alaala nya ang magbabalik
ng iyong nakalimutan. Siya ang magpapakilala sayo ng iyong katauhan." Mula sa
litrato ay lumipat ang mga mata nito sa kanya. "Sana lang ay maging handa ka sa
hinahanap mong katotohanan. At mapatawad mo ako sa aking kasalanan." Yumuko ito at
sa kanya at pumihit paalis pero pinigilan niya ito sa braso.

"Ano ba ang ibig sabihin ng mga binitiwan mo, Binibining Nyctea? Kung may alam ka
tungkol sa aking nakaraan ay bakit ayaw mo pang sabihin nang diretso sa akin? Nang
hindi na ako nahihirapan sa paghahanap ng mga kasagutan." Ayaw nya man ay
nagsusumamo na sya sa Dyosa. Gusto na nyang malaman ang lahat. Gusto na nyang
mabawi ang mga alaala nya. Gusto na nyang matapos ang larong ito. Gusto na nyang
matahimik ang kalooban nya.

"Patawad Ginoong Corvus, pero ang lahat ay babalik sa iyo sa itinakdang


pagtatapos." Puno ng kalungkutan ang mga mata nito ng banggitin ang pangungusap na
iyon at sa sumunod na sandali ay bigla na lang itong naglaho.

Eydis' POV
"Waahh! Ang ganda naman dito!" Nakangising sabi niya habang naglilibot sa botanical
garden na last stop ng tour nila. Hindi lang pala botanical garden ito kundi
plantation talaga. Ang lawak-lawak ng lugar at puro herbs at botanical plants ang
nakatanim.

"Oo nga. Ang ganda. May mga butterflies pa na kasama." Natigilan siya sa pagtingin-
tingin sa mga maliliit na herbs ng marinig nya ang sinabi ni Cody. Napa-angat ang
mukha nya at nakita nga nyang maraming butterflies ang nandoon. Bahagyang syang
kinabahan nang maalala ang nangyari kahapon sa bahay niya. Kinilabutan talaga siya
nung magtransform ang mga butterflies into uwak. Napahawak siya sa mga braso nya
dahil sa naalala nya.

"Mga ordinaryong paruparo lang yan Miss Eydis." Narinig nyang komento ni Grus na
nakatingin sa mga herbal plants. Napasimangot naman siya at bumalik na sa paglibot-
libot nya. Medyo napalayo siya habang naglilibot-libot sya pero okay lang kasi
naglilibot-libot din naman ang mga kaklase nya. Sina Cody at Bea hindi na nya alam
kung saan nagpunta. Si Grus naman ay mukhang nawili rin sa kakatingin-tingin.

May mga puno rin ng mga iba't-ibang fruit bearing trees doon na pwedeng gawing
herbal medicines. Pumunta sya sa ilalim nung isa at naupo sa pagitan ng mga ugat
nito. Pumikit sya habang sinasamyo ang hangin. Parang bumigat ang talukap ng mga
mata nya at bigla siyang inantok. Hanggang sa hindi niya namalayan na nakatulog na
pala siya.

Nagising sya na parang ang bigat-bigat ng pakiramdam nya. Parang sobrang nanghihina
sya at parang wala na syang lakas. Kahit na ang pagmulat ng mga mata ay parang wala
na syang lakas gawin. Pinilit na lang nya ang sariling dumilat at nang makadilat
sya ay nagimbal sya sa nakita nya.

Isang babaeng duguan ang nakatunghay sa kanya!

Itutuloy...
=====
Wala... Ibibitin ko muna kayo. Haha. Salamat sa mga nagbabasa nito. Love you all! :
3
At sa mga silent readers, please paramdam naman kayo. :3
######################################
16: Kaluluwa
######################################
16: Kaluluwa

Lungkot at galit.

Iyon ang nakikita nya sa mga mata ng babaeng duguan habang papalapit ng papalapit
ang mukha nito sa kanya. At sa likod ng mga dugo at sugat na natamo nito ay kitang-
kita nya naman ang magandang mukha nito. Nanghihinayang nga lang sya at ito ang
sinapit ng kaluluwang ito.

Tulungan mo ako...

Papalapit ng papalapit ang mukha nito sa kanya at pahirap ng pahirap naman sa kanya
ang paghinga. Parang may umuubos sa kanyang lakas at hindi siya makagalaw. Hindi
siya makatakbo.

Napakasakit... Tulungan mo ako...

Umangat ang kamay nito sa mukha nya at ilang dangkal na lang ang layo ng mukha nito
sa kanya. Mas lalong naging mahirap sa kanya ang pagsagap ng hangin sa paghinga.
Sobrang naninikip na ang dibdib nya at naghuhumiyaw na ang mga baga nya ng hangin.
Ilang segundo na lang at sa tingin nya ay mauubusan na siya ng lakas nang biglang
may puwersang humatak sa kaluluwa palayo sa kanya. Bigla syang napasinghap at
nagkumahog na punuin ng hangin ang mga baga nya. Napabalikwas siya at sunod-sunod
na napaubo.

Malalalim pa rin ang paghinga na ginagawa nya at nakahawak sa dibdib na tumayo


siya. Hinanap ng mga mata nya ang kaluluwa at natigilan siya nang makita kung
nasaan ito. Nakatayo ito ilang metro sa harapan nya na may mga baging na nakatali
sa mga paa, kaharap ang anghel na si Grus. Nakahawak ang mga kamay ni Grus sa
magkabilang pisngi ng babaeng kaluluwa at pinagdikit nito ang kanilang mga noo.
Biglang lumiwanag ang buong katawan ng kaluluwa. Nalusaw ang mga baging na nakatali
sa mga paa nito at nawala ang mga sugat at dugo sa katawan ng kaluluwa, pagkatapos
ay unti-unti itong naglaho hanggang sa ang naiwan nalang ay isang puting paruparo
na lumipad palayo at naglaho rin nang dumapo sa isang nakalahad na palad.

"Ginoong Cygnus. Binibining Columba." Narinig nyang bati ni Grus sa dalawang bagong
dating. Isang babaeng nakadilaw na bestida at isang lalaking naka-t shirt ng pula.
Kung titignan ay parang mga ordinaryong teenagers lamang ang dalawa ngunit iba ang
sinasabi ng mga puting pakpak na nasa likod ng mga ito.

"Ginoong Grus! Antagal mong hindi napadpad dito ah? Haha." Malapad ang ngiting
sinalubong ng lalaking nakapula si Grus at masayang tinapik sa balikat. Pumunta
naman sa kanya ang babae.

"Ayos ka lang ba Miss? Pagpasensyahan mo na kung nabiktima ka ng isang wayward soul


na gumagala sa parte ng area naming ito." Nakangiting sabi nito sa kanya at
hinawakan ang mga kamay nya.

Bakit parang kilala nya ako? At ni hindi man lang sya nagtaka na nakikita ko siya?

"Ako nga pala si Columba ang Death Goddess sa area na ito at yun naman ang kapareha
kong Death God na si Cygnus. At oo, kilala kita, special case Eydis Castillo."
Nakangiting sagot nito sa mga katanungan sa isip nya. Nakalimutan nyang lahat sila
ay mind reader.

"Columba, siya na ba si Eydis Castillo? Ang special case ng itim na Death God na si
Corvus?" Bigla namang lumitaw sa harapan nila ni Columba ang tinawag nitong si
Cygnus. Malapad na nakangiti ito sa kanya. "Magandang hapon! Ako nga pala si
Cygnus, Binibining Eydis. Ngayon lang ako nakatagpo ng isang special case."

"Ginoong Cygnus, bakit nga pala hindi mo sinabi na mayroong wayward soul dito sa
area ninyo? Disin sana'y napapuntahan kaagad ng anghel na makakapagpurify dito."
Nakasimangot naman na sabat ni Grus sa usapan nila.

"Eh, nandito ka na naman eh, at napurify mo na sya kaya okay na yun. Haha!"
Binatukan naman ni Columba si Cygnus kaya napakamot na lang ito sa ulo.

"Puro ka kalokohan Cygnus." Saway dito ni Columba pagkatapos ay bumaling kay Grus.
"Matagal ka na naming hinahanap dahil ikaw lang naman ang anghel na maaring
makapurify sa isang yun na malapit dito sa area namin. Ang kaso nga lang ay hindi
ka namin mahanap-hanap."

Napahawak naman sa batok si Grus at nahihiyang napangiti. "Masyado akong busy sa


pagtulong sa pagbabantay sa special case na ito kaya siguro hindi nyo ako mahanap."
Sabay bungisngis nito sa dalawa na kinurot naman ni Columba sa tagiliran. Natawa
sya. Ibang-iba ang ugali ng dalawang ito kaysa kay Corvus at Nyctea. Masyadong
seryoso yung dalawang nakatoka sa lugar nila.

Biglang tumunog ang cellphone nya na nakapagpatigil sa pagkukulitan ng tatlo, kaya


sinagot nya ito. "Hello?"

"Eydis! Nasaan ka na ba? Kanina ka pa namin hinahanap ah?" Nagpapanic si Bea sa


kabilang linya. Dinig nya rin ang boses ni Cody sa background.

"Ah, papunta na ako dyan, Bea. Sige." Agad nyang pinutol ang tawag at tumingin kay
Grus.

"Hinihintay na nila tayo Grus." Tumango naman ito pati na rin sina Cygnus at
Columba.

"Mag-iingat ka Eydis. Pag-ingatan mo ang buhay mo." Nakangiting sabi sa kanya ni


Columba.
Natatawa syang ang isang Death Goddess na katulad nito ay nagsasabi sa kanyang pag-
ingatan nya ang buhay nya gayung alam naman nitong special case sya at oras na lang
ang kulang sa mga detalye sa kanyang napipintong kamatayan.

Paano pa nito nasabi na pag-ingatan ko ang buhay ko? Gayong kahit na ano ang gawin
ko ay mamamatay rin naman ako.

***
So? Isang wayward soul pala ang babaeng kaluluwa na yun? Pagkausap nya kay Grus
habang nasa byahe na sila pauwi.

"Tama. Kaya pagpasok pa lang natin sa area nila ay nanghina ka na kaagad. Masyado
kang sensitibo dahil sa pagiging special case mo at madali ring maakit sayo ang mga
katulad nitong wayward soul. Dahil ang katulad mong special case ang nalalapit ang
kalagayan sa kanila, at may posibilidad ka ring maging katulad nila."

Kaya madali sa kaluluwang yun na kunin ang lakas ko?

"Tama. At kung hindi ko naramdaman na nasa panganib ka ay baka naubos na ang lakas
mo at namatay ka na. Pareho na kayong wayward soul." Balewalang sagot nito sa
tanong nya na ikinasimangot naman nya.

So? Magpapasalamat pa akong naabutan mo pa akong buhay? Ganun?

"Hindi. Nagpapasalamat AKO na naabutan kitang buhay dahil kung hindi ay lagot ako
kay Ginoong Corvus. Baka tubuan ng sungay at pangil yun kapag nalaman nyang
napabayaan kita at naging wayward soul ka ng di oras." Pinagtawanan nya ito sa isip
nya.

Nga naman lagot ka nga pala talaga kay Corvus pag nagkataon. Haha.

"Ang sama mo Miss Eydis." May himig ng tampo sa boses nito na mas lalo nyang
ikinatawa. Napatingin pa si Bea sa kanya na katabi nya. Akala siguro nito ay kung
ano nang nangyayari na naman sa kanya. Tumatawa ng mag-isa.

Takip silim na nang makarating sila sa labas ng eskwelahan nila. Doon sila ibinaba
ng inarkilahan nilang bus.

"Lika na Eydis. Hatid ko na kayo." Yaya sa kanya ni Cody na dala-dala ang bag ni
Bea. Napangisi siya nang makita nya iyon.

"Hindi na. Mukhang may date pa kayo eh." Panunukso nya sa dalawa. Biglang namula si
Bea at si Cody naman ay napaubo. "Tsaka may pupuntahan pa ako, eh. Sige na. Mauna
na kayo."

"Sigurado ka?" Nag-aalalang tanong ni Cody sa kanya. Tumango naman siya rito pero
nabigla siya nang hilahin siya nito at yakapin. Nakita nyang nakangiti sa kanya si
Bea kaya napangiti na rin siya at inilahad ang kamay rito. Patalon naman na sumali
ito sa yakapan nila. "Mag-iingat ka bunso ha? Parati ka na lang kasing
nadidisgrasya. Parang hinahabol ka talaga ni Kamatayan, eh."

Nangilid ang luha niya ng marinig ang tinawag sa kanya ni Cody. Matagal na nyang
hindi naririnig na tinawag syang "bunso" ng mga ito kaya natuwa talaga siya. Para
syang bumalik noong bata pa sila. Hinigpitan niya ang pagkakayakap sa dalawa at
pinigilan ang mga luha nya. Ayaw nyang mawalay sa dalawang to.
"Oh? Ano'ng nangyari sayo? Haha. Uy, si bunsoy! Naglalambing!" Naramdaman nyang
ginulo-gulo ni Bea ang buhok nya kaya napangiti sya at tinitigan silang dalawa.

"Wala no. Namiss ko lang yung pagtawag nyo sa akin ng bunso." Mamimiss ko kayo.

"Weh? Ikaw talaga oh! Oh siya? Saan ka ba pupunta? Ihahatid ka na namin." Umiling
lang siya sa alok ni Bea. Mas gusto nyang pumunta doon ng mag-isa.

"Hindi na. Okay lang ako. Sige na, alis na kayo. Magdi-date pa kayo eh." Pagtataboy
nya sa dalawa. Aangal pa sana sila, pero hindi na nya sila pinakinggan. Nung umalis
na ang mga ito ay sinundan nya na lang ng tingin ang papalayong sasakyan ni Cody.

"Mahal ka nya, pero hindi na katulad noon. Pagmamahal para sa isang kapatid na lang
ngayon ang nararamdaman nya para sayo. Mas mahal na nya yung isang kaibigan mo."
Nilingon niya ang nagsalitang si Grus na nasa tabi niya. "Binabati kita Miss Eydis.
Tagumpay ang Bucket List No. 2 mo."

Napangiti na lang siya ng malungkot at humakbang na papunta sa direksyon na


pupuntahan nya. Sa park kung saan nandoon ang mga alaala nilang magkapatid. "Bakit
ba parati ka na lang nagpupunta rito Miss Eydis?"

Dahil nga gusto ko rito di ba? Umupo sya sa swing at tumingala sa dumidilim nang
langit.

"Mas gusto mong masaktan ng paulit-ulit sa mga alaalang nandito? Bakit ba ang
masokista ng mga tao?" Nakangising tinitigan niya si Grus at pinagtaasan ito ng
kilay.

Parang hindi ka naging tao noon ah? Wag mong sabihin na never mong ginawa to noong
tao ka pa?

Ilang segundong napatingin ito sa kanya pagkatapos ay nagbaba rin ng tingin at


napabuntung-hininga.

"Dahil kapag nawala na ang ahat, tanging mga alaala lamang ang naiiwan."Malungkot
na pahayag nito sabay buntung-hininga. Natahimik silang dalawa at parehong nagmuni-
muni. Parehong lutang ang mga isip.

"Hoy Aiden! Ano ba to? Saan ba tayo pupunta?" Naagaw ang pansin nya ng sigaw na
iyon at nalingunan nya ang isang babaeng nakapiring habang inaalalayan ng isang
lalaking may malapad na ngiti. Ngayon nya lang napansin na meron pa lang mga
dekorasyon sa parte ng park na tinatahak ng dalawa. May mga balloons at lanterns na
nakasabit sa monkey bars at may mga taong may hawak ng mahabang tarpaulin na may
nakasulat na "Will you be my Girl?". Napangiti siya nang maluha ang babae nang
alisin nito ang blindfold at nakitang nakaluhod ang lalaki sa harapan nya na may
hawak na isang red rose at sa likod ay ang mahabang tarpaulin.

Mabuti pa ang dalawang yan, nabigyan sila ng pagkakataong maranasan ang mga ganyang
bagay. Samantalang siya ay ni hindi niya man lang naranasang maligawan. Siguro
malas lang talaga siya at sa murang edad ay naghihintay na lamang syang malagutan
ng hininga.

Mapalad kayo at na-eenjoy nyo ang buhay nyo.

"Pero mas maswerte ka Miss Eydis. Dahil mulat ang mga mata mo sa tunay na mundo.
Alam mong gaano man kaganda ang isang bagay ay may hangganan pa rin at natatapos
rin." Napangiti siya ng mapait nang makitang nagyakapan at naghalikan ang dalawang
kanina pa nila tinitignan. May iba syang naaalala na kaparehas din sa eksenang nasa
harapan nila. Dalawang taong lubos na nagmamahalan at nangakong hinding-hindi
maghihiwalay. Dalawang taong pinagbigyan ng pagkakataong magmahalan ngunit
pinagmalupitan rin ng tadhana.

Kaagad syang napayuko ng maramdaman nyang may mga luhang tumulo sa mga mata nya.
Pinilit nyang kalimutan ang nakaraan na labis na sakit ang ibinigay sa kanya, kaya
hindi niya maiwasang magtaka kung bakit parang bumabalik uli ang mga alaalang iyon
ngayon sa kanya. Nasasaktan na naman siya.

"Huwag mong iwaksi ang nakaraan Miss Eydis. Dahil sila ang magdidikta ng iyong
kapalaran."

Corvus' POV
Kanina pa sya palibot-libot sa himpapawid at hindi alam kung saan tutungo.

"Dahil siya ang nawawalang piraso sa iyong nakaraan. Ang alaala nya ang magbabalik
ng iyong nakalimutan. Siya ang magpapakilala sayo ng iyong katauhan."

Paulit-ulit ang mga sinabing iyon ni Nyctea sa isipan nya. Paulit-ulit na


nagpapalito at gumugulo. Pinapasakit ang isipan at damdamin nya.

Bakit ba kailangan ganito kahirap ang lahat? Napahinto siya sa ere habang
kinakampay pa rin ang mga pakpak nya. Madilim na ang kalangitan. Tuluyan nang
binalot ng dilim ang langit sa pagdating ng gabi. Muli na namang naghahari ang
Diyosa ng Gabi na si Dyosa Nyx.

Ano ba talaga ang nangyari sa nakaraan ko? Bakit ganito kahirap bawiin ang mga
alaalang iyon? Naramdaman nya ang pagpatak ng ulan sa kanyang pisngi at ang pag-
ihip ng malamig na hangin sa kanyang mukha. Tumingala siya at hinayaang mabasa ng
tubig-ulan ang kanyang pisngi. Hinayaan nyang wag balutin ng mahika ang kanyang
katawan.

Ayoko na. Napapagod na ako. Lumakas ang ihip ng hangin at lumakas na rin ang
pagpatak ng ulan. Dinama nya ang tubig at ang hangin. Bagay na nakalimutan na nya
simula ng maging isa syang alagad ni Kamatayan.

Gusto ko nang sumuko. Biglang humina ang hangin at umiba ang kapaligiran. Basang-
basa sya pero agad syang natuyo makalipas lamang ang isang segundo. Nakatayo na
siya ngayon sa eskinitang pinanggalingan nya kanina bago niya nakita ang uwak na
nagdala sa kanya sa bahay nina Eydis. At sa harapan nya ay ang eksenang parati
nyang nakikita sa panaginip nya.

Ang dalawang dalagitang duguan at umiiyak, ang nagkalat na dugo sa sementadong


kalsada at ang kawawang siya na pilit gumagapang papunta sa dalawa.

Bakit nandito siya? At bakit pinapakita ito sa kanya? Mas lalo lamang naguguluhan
ang isip nya.

Tumingin siya sa dalawang dalagita. Katulad nang sa panaginip nya ay hindi klaro
ang mga mukha ng mga ito. Hindi niya matukoy kung sino ang mga iyon. Ngunit napako
ang mga mata nya sa isa sa mga dalagita at pilit na inaninaw ang mukha nito.
Magsisimula na sana syang humakbang palapit sa kinaroroonan ng mga ito nang biglang
may malakas na pwersang humila sa kanya palayo sa lugar na yun. Kasabay noon ay
unti-unti na namang nagbago ang kapaligiran. Napunta siya sa isang lugar na hindi
nya masyadong pinagtutuunan ng pansin noon, pero ngayon ay parang napakapamilyar
para sa kanya.

Nagpalinga-linga siya at may nakita syang lalaking nakaupo sa swing ng parke na


iyon. Nakasumbrero ito na wala rin namang nagawa sa malakas na buhos ng ulan.
Dinaanan nya lamang ito ng tingin at hinanap ang posibleng maging dahilan kung
bakit siya napunta sa lugar na ito.

Nang kumilos ang lalaki para tumayo ay hindi nya ito pinansin bagkus ay nagpalinga-
linga siya sa paligid. Natuon lamang ang tingin niya sa lalaki nang pumihit ito
paharap sa kanya. Nagulantang siya sa nakita nya. Hindi siya makagalaw habang
naglalakad ito palapit sa kanya na may maliit na ngiti sa labi. Natauhan lamang
siya ng dumaan ang lalaki at lumusot sa katawan nya at nagpatuloy sa paglalakad
nang wala man lang kaalam-alam.

Sinundan nya ng tingin ang papalayong pigura nito. Hindi pa rin siya makapaniwala
sa nakita. Muli siyang napatingin sa lumuluhang langit.

Panginoong Thanatos...

Salamat...

Itutuloy...
****
A/N: Ano ang nakita ni Corvus? Bakit siya nagpapasalamat kay Thanatos? Hmm...
Si Corvus, Nyctea at Grus sa side =====>
Dedicated sa kanya kasi sobrang naappreciate ko ang isang katulad nya. Binasa nya
ang The Death God's Wish: Miracle ng isang bagsakan lang! Kaya sobrang na-inspire
ako sa kanya. :3
Salamat sa lahat ng nagbabasa nito!
At presenting pala si Cygnus at Columba na part ng characters ng Book 2. Hehe.
SOON.

NixieYume <3
######################################
17: Panaginip
######################################
17: Panaginip

"Mangako ka."

"Pangako ko yan sayo. Dahil mahal na mahal kita."

Nagising siyang basa ang kanyang mukha dahil sa luhang naglalandas mula sa kanyang
mga mata. Napa-upo siya sa kanyang kama at isinubsob ang kanyang mukha sa mga
palad. Hindi niya inaasahang mapapanaginipan nya ang eksenang yun. Bakit? Bakit
nagbabalik ang alaalang yun?

"Ate," Pagtawag nya sa taong gusto nya uling makayakap sa tuwing natatakot at
nalulungkot sya. Gusto nyang maramdaman uli ang paghaplos nito sa buhok nya habang
pinapatahan sya nito, ang malamyos na tinig nito na nagsasabing magiging okay rin
ang lahat. Gusto nyang umiyak uli na yakap-yakap ng Ate nya. "Miss na kita Ate."

Pinaghirapan nyang makalimutan ang lahat nang nangyari noon para lang maipagpatuloy
nya ang kanyang buhay. Ibinaon nya lahat ng alaala para lang maging normal uli ang
buhay nya, pero bakit ngayon ay bumabalik sila? Ngayon pang gusto nyang maging
masaya ang mga natitirang araw nya? Bakit?

"Ate Eydis? Wag ka na pong umiyak." Naramdaman nya ang maliliit na mga braso na
umakap sa kanya kasabay ng paghaplos nito ng buhok nya. "Namimiss ka na rin po ng
Ate nyo. Sigurado akong umiiyak din yun ngayon dahil umiiyak kayo."
Iniangat nya ang mukha nya at nakita nya ang umiiyak na ring si Moon. Parang buang
na napangiti siya at pinahid ang mga luha nito at ganoon din ang ginawa nito sa mga
luha nya. Si Moon ang nakatokang magbantay sa kanya ng gabing iyon. Parehong wala
sina Grus at Corvus.

Umayos na sya ng upo ng tumahan siya. Si Moon naman ay nagpupunas pa rin ng pisngi.
Nakaupo ito sa gilid ng kama niya. Bigla ay parang nakita nya ang sarili nya noon
kay Moon. Parati syang nagpupunta noon sa kwarto ng Ate nya para umiyak at tumatabi
siya sa Ate nya para lang tumahan sya. Nawawala lahat ng takot nya kapag yakap-
yakap na siya ng kanyang Ate.

"Moon, tabihan mo ako." Ngiting sabi niya kay Moon na halatang nagulat.

"Sigurado ka po?" Nanlalaki ang mga matang tanong ng anghel sa kanya na sinagot nya
naman ng tango at ngiti. "Sige po!"

Niyakap nya ang maliit na katawan ni Moon at ipinikit ang kanyang mga mata.
Iwinaksi nya ang mga imaheng nagsasalimbayan sa kanyang balintataw at hinayaang
sakupin siya ng dilim at tuluyan nang makatulog.

Third Person's POV


"Nalilito na sila." Nakangising komento ni Hypnos habang nakalutang sila ni
Thanatos sa labas ng bintana ni Eydis. Pareho nilang tinatanaw ang mortal na yakap-
yakap ang isang batang anghel na nagsasanay para maging isang alagad nila.

"At natutuwa ka pa." Pahayag naman ni Thanatos na inilalahad ang kanang kamay at
unti-unting may lumabas na puting paruparo mula sa palad nito. Lumipad ang paruparo
papunta sa nakasaradong bintana at lumusot papunta sa loob. Nagpaikot-ikot iyon sa
ibabaw ng nahihimbing mortal habang parang usok na unti-unting naglaho.

"Malapit nang matapos ang laro." Pahayag ni Thanatos habang matamang nakatingin sa
mortal.

"Na tayo naman ang talo." Walang-ganang dugtong ni Hypnos na mahinang bumuga ng
hangin sa harap nito. Mula sa binugang hangin nito ay may lumitaw ding puting
paruparo na lumipad palayo. Parehong sinundan ito ng tingin ng dalawang Diyos.

"Ano'ng ginawa mo Hypnos?" May panganib sa boses na tanong ni Thanatos sa kakambal


at matalim ang tingin na bumaling dito.

Pilyong ngumiti lang naman si Hypnos at nagkibit-balikat. "Isang bagay na mas


makakapagpasaya sa larong ito. Wag kang mag-alala aking kapatid. Talo pa rin tayo
sa ginawa ko."

Corvus' POV

"Ano'ng nangyayari Ginoong Corvus?" Blangkong tiningnan nya lang si Grus. Hindi
siya makapaniwala sa mga nangyari sa nakalipas na mga oras. Handa na syang sumuko
at tanggapin ang pagkatalo nya pero isang bagay ang hindi niya inaasahang mangyari.

Napangiti siya nang maalala ang mukhang iyon. Malabo pa rin ang kanyang nakaraan
pero ang mukhang iyon ang nagbibigay sa kanya ng lakas. Nagbibigay ng kasiguraduhan
na kahit hindi man sya manalo sa larong ito ay kontento na sya sa kalalabasan nito.
Isa pa ay napakatuso ng mga panginoon niya. Napakatuso. Pero sisiguraduhin nyang
mananalo siya.

"Ba't nakangiti ka?" Nakakunot ang noo ni Grus habang nakatingin sa kanya.
Nginitian nya lang uli ito at tumayo siya mula sa pagkakaupo sa semento sa labas ng
bahay ni Eydis. Tumingin siya sandali sa langit pagkatapos ay sa bahay sa likuran
nya.

"Sana lang ay maging maging maayos rin ang lahat kay Eydis pagkatapos ng larong
ito." Wala sa sariling komento nya habang nakatingin sa bahay.

"Ano'ng ibig mong sabihing maging maayos rin? Maayos na ba ang sa iyo?" Ibinaling
nya ang tingin kay Grus na nakakunot pa rin ang noo at nakapamaywang.

"Hindi pa. Pero magiging maayos rin ang lahat." Ngumiti siya sa anghel. "Sana."

"Kakaiba ka ngayon Ginoong Corvus, alam mo ba yun? Parang nawawala ang itim na aura
na bumalot sayo nitong nakaraang araw. Ano bang nangyari at bigla kang nagkaroon ng
positibong enerhiya?" Nakataas ang kilay na tanong nito sa kanya habang nangingiti
na rin.

"May nagpakita sa akin ng kapiranggot na piraso ng aking pagkatao. Ngunit sapat na


iyon upang mabago lahat ng aking pinaniniwalaan." Humugot siya ng malalim na
hininga, tumingala sa langit at ibinuga iyon sa ere. Mula sa kanyang ibnugang
hininga ay may lumabas na munting paruparo na kumikislap sa dilim ng gabi.

"Sapat na iyon upang mas gustuhin kong maibalik lahat na nawalang alaala sa akin."
Hinipan nya ang paruparo at lumipad ito patungong langit. "Sapat na para gustuhin
kong manalo sa larong ito."

"At para saan naman ang paruparong iyon?" Nakatingalang tanong ni Grus at nakaturo
pa sa paruparong kumikinang pa rin sa dilim ng gabi.

"Pampabuenas." Nakangiting sagot nya kay Grus na nalito sa sagot nya. Ngumiti lang
uli siya rito. Ngiti na puno ng sikreto.

Gagamitin ko na ngayon ang kapangyarihang ibinigay mo sa akin, Panginoong Thanatos.

***
"Mangako kang poprotektahan mo sya at hindi mo siya pababayaan."

"Promise ko yan sayo. Mamatay man ako."


"I love you."

"I love you, too, Irish."

"Corvus! Gumising ka nga!"

Biglang napamulat siya ng mga mata at ang mukha ni Eydis na hindi mapakali ang
kanyang namulatan. Kunot-noong napatingin siya sa mukha nito. "Ba't ka nandito sa
labas? At bakit naka-human form ka?"

Mas lalong lumalim ang kunot ng kanyang noo sa ibinulong nito. "Ano'ng ibig mong
sabihin?" Tanong niya rito habang tumatayo siya. Nagpalinga-linga siya sa paligid.
Umaga na at may mga manaka-nakang mga mortal ang naglalakad sa kalsada. Tumingin
siya sa likod nya at nakita niya ang bahay nina Eydis. Saka nya lang napagtanto na
nakatulog pala siya sa labas. Pero nasaan na si Grus? Magkasama sila kani-kanina
lang ah?

"Naka-human form ka, Corvus. Nagulat nga ako nung lumabas ako para magtapon ng
basura eh. At si Grus, kanina pa siya nag-aalala sayo." Napatingin siya kay Eydis
at nakita nyang nakapantulog pa ito.

"Nasaan si Ginoong Grus kung gayon? Bakit wala siya rito?" Nagpalinga-linga uli
siya sa paligid. Kung nag-aalala ito sa kanya ay dapat na nandito iyon. Pero wala
naman ito sa paligid.

"Hindi mo siya nakikita?" Hindi makapaniwalang tanong nito sa kanya. Napakunot


naman ang noo nya sa tanong nito.

"Bakit? Nasaan ba sya?" Nakakatawa, pero kahit na mag-anyong tao man siya ay
nakikita at nakakausap pa rin niya ang mga katulad nya. Isa iyon sa mga kakayahan
nila.

"Nasa harapan mo." Natigilan siya sa sinagot nito. Imposible. Tiningnan nya ang
kamay niya at inilahad ito. Pinipilit na lumabas ang kahit na ano sa kapangyarihang
taglay nya bilang isang Death God. Pero nabigo siya, kahit na ang pakpak nya ay
hindi lumalabas. Hindi rin siya makabalik sa tunay nyang anyo.

"Corvus? Tao ka na uli?" Napatitig siya sa maputla nitong mukha at sa nanlalaki


nitong mga mata.

Imposible.

Itutuloy...

***

A/N: Sabaw na update. Haha. Ano ba, type ko si Hypnos. haha. Ay di pala, yung
pagiging makulit nya lang. haha
Kayo? Sino type nyo? haha.

NixieYume <3

######################################
18: Kalangitan
######################################
18: Kalangitan

"Saan ka ngayon pupunta?"

Hindi makapaniwalang nakatingin siya ngayon sa Death God na nasa harapan nya.
Nakaupo pa rin ito sa sidewalk sa labas ng bahay nila at nagmumuni-muni. Si Grus ay
nasa tabi niya at hindi mapakali.

"Miss Eydis, ulitin mo yung tanong. Hindi nya narinig." Sabad naman ni Grus na sige
pa rin sa pabalik-balik na paglalakad. Lumapit sya at umupo sa tabi ni Corvus.
Parang wala lang naman dito na nawala ang kapangyarihan nito at naging tao uli ito.

"Corvus?" Hindi masyadong malakas ang boses nya pero sapat ang diin sa
pagkakabigkas ng pangalan nito para makuha nya ang atensyon nito. Bumaling ang
blangkong tingin nito sa kanya. "Saan ka pupunta ngayon? Hindi mo ako pwedeng
bantayan sa ganyang anyo."

"At bakit naman hindi pwede?" Biglang ngumising balik-tanong nito sa kanya. "Nawala
lang ang kapangyarihan ko, pero ako pa rin si Corvus. Ang itim na alagad ni
Kamatayan. At hinding-hindi iyon magbabago."

"May punto siya Miss Eydis. Hindi pa rin naman nawawala ang mga kakayahan na
natutunan nya bilang isang Death God, kahit na wala syang kapangyarihan at
ordinaryong mortal lamang sya. Pero hindi siya pwedeng magbantay sayo bilang isang
Death God sa kanyang anyo. Magtataka ang mga kauri mo kung bakit may nagbabantay
sayo." Napakagat-labi siya. Tama si Grus. Siguradong magtataka sina Cody at Bea
kung bakit binabantayan siya nito. At isa pa, nakita na nung dalawa si Corvus.
Siguradong puputaktiin siya ng mga tanong ng dalawa. Tumingin siya uli sa mukha ni
Corvus at nakita nyang mataman itong nakatingin sa kanya. Bumuntung-hininga siya at
tumayo saka hinila rin ito sa kamay para tumayo.

"Halika. May pupuntahan tayo." Kinaladkad nya ito palayo sa bahay nila. Di bale
nang ma-late siya. Natawagan na rin naman niya sina Bea at Cody na mali-late siya.
May mas mahalagang bagay na kailangan nyang gawin.

"Ano'ng ginagawa natin dito?" Hindi niya pinansin ang tanong nito. Nakita nya sa
gilid ng mga mata nya na nakasunod rin si Grus sa kanila. Dinala niya ito sa may
treehouse sa kabilang bahagi ng park na iyon. Dito sila noon parating tumatambay
noong bata pa siya.

"Dito ka na muna. Kapag nagutom ka," Dumukot siya ng pera sa bulsa niya at binigay
dito. "Bumili ka na lang dyan sa may tyangge. Basta wag ka na lang aalis dito."

"Eydis Castillo." Parang nawawalan ng pasensya na tawag nito sa pangalan niya. "Ano
bang tingin mo sa akin? Limang taong gulang na bata na baka mawala malingat ka
lang?" Nakasambakol ang mukha nito at parang inis na inis na sa kanya. "Kaya ko ang
sarili ko." Humakbang ito papuntang hagdan ng treehouse at tumingala. "Umalis ka
na, isama mo si Grus. Babalik na lang ako sa bahay mo mamayang gabi." Pagkasabi
nito noon ay umakyat na ito ng treehouse. Napabuntung-hininga naman siya. Sana nga
ay okay lang ito. Napahawak siya sa mini-hourglass na nasa leeg nya. Hindi pa rin
umaandar ang oras nya.

Third Person's POV


"Anong ginawa mo?" Dumagundong ang boses ni Thanatos sa madilim na lugar na iyon na
napapalibutan ng usok. Matalim ang tingin nito kay Hypnos na napapalibutan ng mga
paruparo. na pangdepensa nito sa galit na galit na kakambal na napapalibutan naman
ng mga uwak. Magkaharap ngayon ang dalawa at napapagitnaan nila ang umiilaw na
sahig ng kanilang sangktwaryo na salamin nila sa mundo ng mga tao.

"Chill lang, Thanatos. Hindi ba't sinabi ko naman sayo, mas lalong magiging
interesante ang laro sa gagawin ko?" Nakangising sagot ni Hypnos sa kakambal.
Ngunit nawala ang mapaglarong aura nito nang makitang unti-unti na ring
napapalibutan ng maitim na usok si Thanatos at kumikinang na ang mga mata. Nawala
ang ngisi sa labi nito nang makita ang pagbabagong iyon. "Thanatos naman! Ba't ba
galit na galit ka? Eh hindi ko nga nagawa ng mabuti ang plano ko kasi hinarang ng
paborito mong alagad eh!"

Natigilan naman si Thanatos sa reklamo ni Hypnos. Nagpapapadyak pa ito sa inis.


"Ano'ng ibig mong sabihin?"

Napabuntung-hininga si Hypnos. "Naiba ang plano ko dahil sa pagharang nya sa


kapangyarihan ko. Nilabanan nya ako ng kapangyarihang ibinigay mo sa kanya. Bakit
mo nga ba binigyan ng ganung kapangyarihan yun? Nagagawa nya tuloy kontrahin ang
mahika ko, kaya imbes na pangmatagalan ay pansamantalang pagiging mortal lamang ang
nangyari sa kanya." Namumula sa inis na sagot ni Hypnos.

"Hanggang kailan magtatagal ang mahika mo?" Kalmado nang tanong ni Thanatos na
natutuwa sa ipinamalas ng alagad. Naiinis na pinukol naman ito ng tingin ni Hypnos.

"Beinte-kuwatro oras. Pasalamat siya sa kapirasong balahibo na ibinigay mo sa kanya


at nagagamit nya ang kapangyarihan mo." Napangisi naman si Thanatos sa nakikitang
inis sa mukha ng kakambal.

"Tama lang iyon, dahil malapit na ang pagtatapos. Malapit nang bumalik uli sa akin
ang kapangyarihang aking pinahiram."

Eydis' POV
"Birthday mo na next week. Ano'ng gusto mo?" Nakangiting tanong sa kanya ni Bea
nang tumigil ito sa pagkain at tumingin sa kanya. Lunch break nila ngayon.
Napatingin din sa kanya si Cody na nasa tabi nito. Napaisip naman siya. Tama.
Birthday nga pala niya next week. Magsi-sixteen na sya. Ba't nya ba nakalimutan
yun?

"Alam nyo namang hindi ko sinicelebrate ang birthday ko di ba?" Sabi niya sa dalawa
at kumagat sa sandwich niya. Huling celebrate nya nung birthday nya ay nung mag-ten
years old sya. Pagkatapos nun ay nag-iba na ang buhay nya at hindi na niya
pinagdiriwang ang kaarawan niya.

"Eydis naman, magsix years nang nangyari yun eh. Tsaka hindi mo naman kasalanan
yun." Nakasimangot na sabi sa kanya ni Bea. Ngumiti lang siya ng malungkot dito at
wala sa sariling inubos ang kanyang sandwich.

Ilang ulit na ba nyang narinig yan? Na hindi siya ang may kasalanan sa nangyari
mag-aanim na taon na ang nakakaraan. Pero gayunpaman ay hindi maalis sa kanyang
isipan na nangyari iyon sa mismong araw kung kailan dapat pinakamasaya siya. Nawala
ang isa sa pinakaimportanteng tao sa kanya. Bumaliktad ang mundo nya sa mismong
kaarawan nya at simula noon ay dala-dala na niya ang sakit at pait. Hinding-hindi
nya iyon makakalimutan. Bakit nga ba hindi? Kung taon-taon ay ipinaaalala nang araw
ng iyong kapanganakan na ang araw ding mismong iyon ang araw na nawala ang
pinakamamahal mong kapatid?

"Miss Eydis." Mula sa pagmumuni-muni ay napatingin siya kay Grus na nakasilip sa


bintana ng kanyang kwarto. Gabi na at nakauwi na sila ngayon sa bahay niya. Ang
mama niya ay siguradong nanonood na naman ng balita sa telebisyon sa ibaba.
Hanggang sa oras na iyon ay hindi pa rin naaalis sa isip niya ang nalalapit nyang
kaarawan. "Nandito na si Ginoong Corvus."

Napabangon siya at nakisilip rin sa bintana. Nakita nyang nasa loob na ito ng
bakuran nila. Paano nakapasok yan?

"Mala-akyat bahay yan sa galing eh. Haha." Napangiti naman siya sa sinabi ni Grus.
Hindi na nga naman siya magtataka kung inisang-lundag lang nito ang mataas na gate
nila. Binuksan nya ang bintana nya at inilabas ang ulo nya.

"Corvus." Pabulong na pagtawag nya rito. Napatingala naman ito nang marinig siya.
Sinenyasan nya itong sumunod sa bubong ng bahay nila at tumango lang naman ito.

"Teka? Sigurado ka Miss Eydis? Baka mahulog ka at mabagok ang ulo mo ha?"
Ninenerbyos na tanong ni Grus nang makita syang lumabas sa bintana nya. May maliit
na daanang bakal kasi doon sa side ng bintana nya na ginawang daanan papuntang
bubungan nila. Pinalagyan din yun ng mama niya ng bakal ding hagdanan. Napakamot
naman sa ulo si Grus ng makita iyon. "Ay? Safe naman pala. Sige na nga. Dahan-dahan
lang ha?"

Sinulyapan nya muna si Corvus at nakita nyang umaakyat na rin ito ng puno. Umakyat
siya sa bakal na hagdan at marahang naglakad sa ibabaw ng bubungan nila at pumili
ng lugar na mauupuan. Tumingala sya sa langit ng makaupo na sya sabay yakap sa
kanyang mga tuhod. Ang daming stars ngayong gabi.

"Napakaraming bituin. Napakagandang gabi. Nakakabighaning kalangitan." Tahimik na


sumang-ayon siya sa sinabi ni Grus. Napakaganda ng langit. Napakagandang view.
Nabaling ang atensyon nya sa gilid nang maupo sa tabi niya si Corvus.

"Kamusta? Hindi ka ba nabored dun sa treehouse?" Tanong nya rito ng nakangiti.


Tumingin ito sa kanya at nagtaka siya nang makitang parang namamaga ang mga mata
nito. "Ano'ng nangyari sa mga mata mo?"

"Wala. Nasobrahan lang siguro ng tulog." Sabi nito na inihilamos pa ang kaliwang
palad sa mukha, pagkatapos ay nahiga. Nakakapagtaka naman ang isang to? Bakit
ganito to? Umiyak ba sya?

"Nung isang araw pa yan Miss Eydis. Pabago-bago ang modo. Kahapon nga ay nakangiti
na iyan eh. Bumalik na naman sa pagiging blangko kaninang magising na nasa
katawang-tao siya." Nakakunot ang noong bumaling siya kay Grus.

Bakit? Ano bang nangyayari sa kaibigan mong ito?

"Ano bang nangyayari sayo? Gumagawa ng paraan si Ginoong Corvus para manalo sa
larong ang buhay mo ang nakataya." Natahimik siya sa isinagot ni Grus. At malamang
ay kaya ito naging tao ay dahil sa kalokohan na naman ng mga panginoon nito. Bakit
ba hindi na lang nila ibalik agad ang mga alaala ni Corvus? Bakit kailangan pa
nilang pahirapan ito?

"Lahat ng bagay ay may rason Miss Eydis. Ayaw ko man tong sabihin pero malamang ay
may matinding rason kung bakit nakikipaglaro ang mga Diyos na iyon sa inyo."
Napaismid siya sa paliwanag ni Grus.

"At ano naman kaya iyon? Walang matinong rason ang paglalaro ng buhay ng tao."
Pabulong na sagot nya kay Grus na bumuntong-hininga at nagkibit-balikat.

Kaya sana lang ay may kwenta naman ang rason nila sa paglalaro sa buhay ko.
"Eydis, tumingin ka sa langit." Napatingin naman siya sa langit ng biglang
magsalita si Corvus na walang kaalam-alam sa pinag-uusapan nila ni Grus. Nakita
niya ang magkakasunod-sunod na pagguhit ng liwanag ng mga bituin sa kalangitan.
Shooting stars. Meteor shower! Nakaawang ang labi na pinanood nya ang napakagandang
tanawin sa harapan niya.

"Humiling ka na." Napalingon siya kay Corvus na nakatingin din sa langit. "Hindi
ba, nasa bucket list mo yun. Makahiling sa shooting star." Bumaling ang tingin nito
sa kanya at nagtama ang mga mata nila. Biglang bumilis ang tibok ng puso nya at
binawi niya kaagad ang tingin niya. Ibinalik na lang nya ang atensyon sa meteor
shower. Ipinikit nya ang mga mata nya at pinilit na pakalmahin ang puso nya. Bakit
biglang nangyari yun? Ilang beses na rin naman nyang nakatitigan sa mga mata si
Corvus ah? Bakit bigla syang kinakabahan at namumula ngayon dahil lamang sa nagtama
ang mga mata nila?

Aish! Focus Eydis! Pagkakataon mo na tong makapagwish sa isang shooting star!

Dumilat uli sya at tumingin sa napakagandang tanawin. Humugot sya ng malalim na


hininga at humiling.

I wish I could be like you.

I wish I've been happy like you.

I wish I've had a wonderful life like yours.

I wish I was the one who died.

I wish I could still live...

Ate Irish...

Gusto ko pang mabuhay...

Itutuloy...
--------------------
A/N: Advance Merry Christmas! Mag-a-Update uli ako bago mag-New Year! haha.. LOL.
Pinost ko na to kasi ayoko ring mabitin eh. hehe
Oh! Sinong nakatama ng hula dyan sa inyo? haha. LOL.
Dedicated to uli kay Di! Wala lang.. haha... sabi niya eh... hiningi nya... haha

Game: Pano namatay si Corvus at bakit siya naging Death God at bakit black pakpak
nya?!
Tatlong tanong yan ha? Haha... Ang may MALAPIT sa tamang sagot pagbalik ko before
New Year, sa kanya dedicated ang Chapter 19. Ang may TUMPAK namang sagot ay sa
kanya ang Chapter 20, kung saan nandoon lahat ng revelations. haha. After noon
epilogue na, at nakareserved na yun. haha..
Ang dami ko nang sinasabi -_-, oh siya sige... Enjoy your holiday! I'll be back! XD

-NixieYume <3

######################################
19: Simula ng Katapusan
######################################
19: Simula ng Katapusan

"Eydis? Anak, gumising ka na."


Napabalikwas sya ng bangon ng marinig ang boses ng mama nya. Nagpalinga-linga sya
sa kanyang kwarto at napahinga sya ng maluwag nang hindi niya makita sa loob si
Corvus. Hindi niya kasi hinayaang matulog ito sa labas kagabi pagkatapos nilang
manood ng meteor shower. Dito nya ito pinatulog sa sahig, kaya kinabahan sya nang
marinig ang boses ng mama nya. Buti na lang pala wala na ito dito. Pati ang
pinagtulugan nito ay nasa kama na nya.

"Oh? Anak? Bakit?" Napatingin siya sa mama nya at napangiti. Tumayo siya niyakap
nya ito mula sa likod. "Uy, ang anak ko naglalambing. May hihilingin ka sa akin
no?" Natawa sya sa mukha nang mama nya. Nakataas kasi ang kilay nito pero
nakangiti.

"Wala Ma, ah! Gusto ko lang kayong i-hug. Di ba pwede yun?" Paglalambing nya sa
kanyang mama na natatawa na rin. Pumihit ito paharap sa kanya at niyakap siya
pabalik.

"Syempre, pwedeng-pwede yun. Miss ko na kaya ang yakap ng bunso ko? Love na love ka
ni Mama, anak." Nangilid ang luha nya sa sinabi ng kanyang mama kaya isinubsob nya
ang mukha sa leeg nito. Sumisikip ang dibdib nyang marinig ang mga katagang yun na
matagal na nyang gustong marinig.

"I love you too, Mama." At least kung mamatay man siya ngayon ay nasabi niya iyon
sa mama niya. Masaya na sya.

"Wag mo akong iiwan anak ha?" Mas lalong nanikip ang dibdib nya at hindi na niya
napigilan ang luha niya. Hinigpitan na lang nya ang yakap sa Mama nya at sa isipan
nya na lang siya sumagot.

I'm sorry Ma.

***
"Icelebrate natin birthday mo! Sige na!" Kanina pa siya kinukulit nina Bea at Cody
tungkol sa birthday nya pero hindi nya sila pinapansin. Umiiling lang sya sa tuwing
may mga suggestions ang dalawa.

"Eydis naman eh! Sweet sixteen mo kaya yun? Tsaka sa Biyernes na yun oh! Miyerkules
na ngayon. Kung magsi-celebrate tayo kailangan na naming umpisahan ang preparations
ngayon." Tiningnan nya sina Bea at Cody, pati na rin ang mga kaklase nyang
nakatingin sa kanila. Nasa classroom kasi sila ngayon at wala pang guro.

"Sige na Miss Eydis. Baka huling kaarawan mo na yan. Di ba sabi mo lulubus-lubusin


mo na ang mga natitirang araw ng buhay mo?" Napabuntung-hininga siya sa sinabi ni
Grus. Tama nga naman ito. Baka nga huling birthday na nya iyon.

"Sige magsi-celebrate tayo. I-surprise nyo ako ha? At siguraduhin nyong masaya yun!
Kung hindi makakatikim talaga kayo sa akin." Naghiyawan ang mga kaklase nya sa
pahayag nya at napangiti na rin siya. Tinignan niya isa-isa ang mga kaibigan at mga
kaklase nya. Tama nga lang na magcelebrate kami. Despedida party na rin yun para sa
akin.

"Yes! Tara, pagplanuhan natin ang party ni Eydis!" Sigaw ni Bea at sinundan naman
ng mga hiyawan ng iba pa nilang mga kaklase.

Sige lang. Huling birthday ko na rin naman yan. Pasiyahin nyo ako.
Corvus' POV

Hindi na nya alam kung ilang oras na siyang nakatingin sa larawang iyon, at kung
ilang oras na siyang tulala. Pero kahit siguro ilang taon nyang titigan ang
larawang iyon ay hindi magbabago ang kanyang nararamdaman. Paninibugho. Ilang oras
na rin siyang nakabalik sa kanyang pagiging Death God ngunit hindi pa rin mawaglit
sa kanyang isipan ang mga natuklasan.

"Master. Dalawang kaluluwa po ang nangangailangan nang sunduin." Wala sa sariling


napatango siya kay Moon at tumayo mula sa kanyang kinauupuan habang nasa kamay pa
rin ang larawan. Nagsimula na siyang humakbang at sa pangatlong paghakbang ng
kanyang mga paa ay nag-iba na ang kapaligiran at napunta sya sa isang lugar na may
nagtataasang damu at malalagong puno. Sa harapan nya ay may babaeng naghihingalo.
Punit-punit ang damit nito at nagdurugo ang ulo. Sa paanan nito ay may tatlong
lalaking nakahubad baro. Ang isa ay nagsasara pa ng pantalon nito, ang isa ay
naninigarilyo habang ang isa naman ay may hawak na malaking bato na may bahid ng
dugo.

Pagkaraan ng ilang sandali ay umalis na rin ang tatlong kriminal at iniwan ang
kawawang babae. Pabugso-bugso na lang ang paghinga nito. Nilapitan nya ito at
hinaplos ang namumutla nang pisngi nito. "Magpahinga ka na." Oras mo na. Yumuko sya
at dinikit ang labi sa labi nito.

Nang inangat nya ang mukha mula rito ay nakita na nya ang paglabas ng munting
paruparo mula sa dibdib nito. Lumipad ito at tuluyang nawala sa hangin. Ibinalik
niya ang tingin sa mukha ng bangkay ng babae. Hinaplos nya uli ang mukha nito sa
huling pagkakataon saka sya tumayo at pumunta sa susunod nyang susunduin.

Makalipas ang ilang oras at natapos na sya sa kanyang trabaho ngunit hawak-hawak
nya pa rin ang larawang nakita nya sa treehouse na pinagdalhan sa kanya ni Eydis
noong isang araw. Walang laman na kahit anong kagamitan ang treehouse na iyon pero
habang namamalagi siya roon ay parang may umuudyok sa kanyang tingnan ang kabuuan
ng treehouse. At yun nga ang ginawa niya. Hinalungkat nya bawat sulok ng treehouse
hanggang sa makapa nya ang isang maliit na kahon sa hugpungan ng bubong at haligi
ng treehouse. Kinuha niya ang maliit na kahon na kulay asul at may nakataling dilaw
na laso. Tinanggal nya ang pagkakatali ng laso at binuksan ang kahon. Doon ay
tumambad sa kanya ang larawang iyon, kasama ng ilang mga sulat na puro pagmamahal
at pangako sa isa't-isa ang nilalaman. Nangilid ang luha niya sa nadiskubre. Hindi
niya akalain na ito pala ang nakaraan nya. Hindi niya akalain na ang mortal nyang
pagkatao ay ganito kasidhi magmahal. Ngunit anong nangyari? Bakit siya namatay?
Bakit siya naging ganito?

Bakit tayo nagkahiwalay?

"Irish." Tawag nya sa pangalan ng babaeng natuklasan nyang syang pinakamamahal nya
pala. Katulad ng larawan nito sa munting altar nina Eydis ay masayang nakangiti rin
ito sa larawan katabi ang kanyang mortal na katawan. Kaya pala kakaiba ang
nararamdaman niya nang una nyang makita ang larawan nito. Kaya pala parang kilala
nya ang boses ni Eydis at kahawig ito ng boses sa kanyang panaginip. Dahil kapatid
nito ang babaeng mahal nya at matagal nang nananahan sa kanyang mga panaginip.

Natigilan siya nang maalala ang kanyang panaginip. Sigurado na sya ngayong si Irish
ang isa sa mga dalagita sa kanyang panaginip, pero sino yung isa pa?

"Sino nga ba sa tingin mo, Ginoong Corvus?" Napabaling siya sa biglang sumulpot na
si Nyctea. Malungkot na naman ang mga mata nitong nakatingin sa kanya.

"Sino nga ba. Binibining Nyctea? Ikaw ang sumagot, total ay mukhang napakarami mo
namang alam." Tiim-bagang na sagot nya sa Dyosa. Ngumiti lamang ito ng malungkot at
lumapit sa kanya. Hinaplos nito ang hawak-hawak nyang larawan. "Hindi ba't sa dulo
ng panaginip mo ay may boses na nagpapaalala sayo ng iyong pangako? Sa tingin mo?
Para kanino ang pangakong iyon? Dalawang tao ang sangkot sa pangakong binitiwan mo.
Ang taong pinangakuan at ang taong gagawan ng pangako. Sa tingin mo sinu-sino
sila?"

Ilang sandaling napakunot ang noo niya sa sinabi ni Nyctea hanggang sa maliwanagan
ang kanyang isipan. Bumalik sa kanyang isipan ang kanyang panaginip.

"Mangako kang poprotektahan mo sya at hindi mo siya pababayaan."

"Promise ko yan sayo. Mamatay man ako."

"Siya nga, Ginoong Corvus. Ngunit ano nang gagawin mo ngayon? May magagawa ka pa
kaya?" Napaangat ang tingin nya sa mukha ni Nyctea.

"Ano'ng ibig mong sabihin?" Malungkot na ngumiti na naman ito sa kanya.

"Hindi ba't sinabi kong magbabalik sayo ang lahat sa katapusan? Unti-unti nang
nagbabalik sayo ang lahat. Ibig sabihin, nagsisimula na ang katapusan." Tumalikod
ito sa kanya at dagliang nawala sa hangin na may pahabol na mga kataga. Katagang
nakapagpayanig sa kanya.

"Umaandar na ang orasan, Ginoong Corvus. Wala ka nang magagawa pa."

Third Person's POV


Pagkawala ni Nyctea sa lugar kung nasaan si Corvus ay napunta naman siya sa lugar
na makaluma at puro usok. Makaluma lahat ng mga gamit pero hindi naman sira-sira.
Mga antigo ang mga kasangkapan at mukhang ilang daang taon na ring naroroon.

"Saan ka na naman nagpunta kapatid?" Tanong ng isang garalgal na boses na halatang


niluma na ng panahon. Mula sa kung saan ay lumabas ang isang uugod-ugod at
napakapangit na matanda na may hawak-hawak na makapal na libro at suliran, kasunod
nito ay isang pang matandang pangit na may hawak namang tungkod.

"Mukhang nawiwili ka sa iyong pagliliwaliw, kapatid." Sabat naman ng matandang may


hawak na tungkod at lumapit pa kay Nyctea. Pinilit nitong inilapit ang kulubot at
abuhing mukha sa makinis at maputing mukha ng binibini. "Nakakalimutan mo na ba ang
iyong mga tungkulin? Nakakalimutan mo na ba kung sino ka? Kapatid na Atropos?"

"Hindi ko nakakalimutan, kapatid. May kailangan lamang akong ayusin." Sagot naman
ni Nyctea na unti-unting nag-iiba ang mala-anghel nitong anyo at naging isang
matandang hukluban na may hawak-hawak na isang gunting.

Samantala, sa mundo naman ng mga tao ay palinga-linga naman sa paligid ang mortal
na si Eydis Castillo habang may tila hinahanap.

"Grus?" Tawag ni Eydis sa anghel na kaibigan nito. Ngunit ang anghel ay nakalutang
lamang sa uluhan nito at hindi na nito nakikita. Kanina lamang ay magkaagapay
silang naglalakad pauwi sa bahay ng mortal ngunit ngayon ay hindi na pwedeng
makialam ni Grus. Hindi na niya ito pwedeng bantayan. Nalulungkot sya at wala na
siyang magagawa.

"Grus? Oy! Ba't mo ako pinagtataguan?" Nakapamaywang na nagpalinga-linga si Eydis


sa kalsada. Konti lamang ang mga taong nagdaraan kaya pinili nyang normal itong
kausapin. "Wala na nga si Corvus, tapos pinagtataguan mo pa ako. Panu kong bigla
akong mamatay dito?" Napangiti naman ng malungkot ang anghel na nakalutang sa ere.
"Patawad Miss Eydis. Ngunit wala na akong karapatang makialam. Ang buhay mo'y
inaangkin na ng Kamatayan." At malungkot na napatingin si Grus sa kwintas na
nakasabit sa leeg ni Eydis. Ang mini-hourglass na kawangis ng orasan na kung
tawagin ay Orasan ng Kamatayan.

"Umaandar na Miss Eydis. Nauubusan ka na ng oras." Ang buhangin sa loob ay unti-


unti nang nahuhulog sa ibaba. Isang bagay na hindi pa rin napapansin ng mortal na
malapit nang mamatay.

Itutuloy...

*****A/N: Ganun pa rin yung tanong ko. Pano namatay si Corvus? Haha. Isa na lang
yan ha? XD
Dedicated sa kanya kasi nakadalawang tama sya sa mga hula nya. Haha. LOL. Sagot-
sagot din pag may time! Hehe.
Happy New Year! Ito gift ko! Link ng Book 2! Haha. Sa external link. XD

NixieYume <3

######################################
20: Ang Kahilingan
######################################

20: Ang Kahilingan

What would you give for just one miracle?

Third person's POV

6 years ago...

"Atropos! Nandyan na ba ang mga sinulid na gugupitin mo?" Pasigaw na tanong ni


Lachesis na uugod-ugod sa paglalakad habang pinupunasan ang mga mala-monggong pawis
sa noo gamit ang isang maruming basahan at sinusuportahan ang bigat sa pamamagitan
ng isang tungkod at may hawak na malaking panukat.

"Ano ba? Ba't ba ang ingay mo, Lachesis?" Umalingawngaw naman sa mausok na lugar na
tinatawag nilang tahanan ang antigong boses ng bunsong si Clotho. Hawak-hawak nito
sa isang kamay ang isang suliran habang sa kabila naman ay mga sinulid. "Hindi mo
ba nakikitang may ginagawa ako rito?"

"Pwede ba? Tumahimik nga kayong dalawa?" Yamot naman na sigaw ni Atropos sa
dalawang nakakatandang kapatid. Hawak-hawak nito ang limang sinulid ng buhay ng mga
mortal na nakatakda nyang putulin anumang oras mula ngayon. Inisa-isa nyang tignan
ang mga iyon at binalikan sa isipan kung tamang mga sinulid na nga ba ang nakuha
nya. Napaka-ingay kasi ng mga kapatid nya. Nalilito na tuloy siya kung ito na nga
ang mga sinulid na nakatakdang putulin nya.

"Hoy! Atropos! Gawin mo na nga yang trabaho mo dyan! Ikaw rin ang isang maingay
eh." Biglang sigaw naman ni Lakhesis na ikinainis ni Atropos.

"Pwede ba? Kung hindi kayo nag-iingay dyan, di dapat kanina ko pa naputol ang mga
sinulid na to! Clotho! Ito na ba talagang limang sinulid na to ang puputulin ko?"
Nakataas ang kulubot na mga kamay na baling nito sa nakakatandang kapatid. Sandali
lang naman syang tinapunan ng matalim na tingin ni Clotho pagkatapos ay bumalik uli
sa pag-iikot ng mga sinulid.

"Tumatanda ka na talaga Atropos. Hindi ka na bata para sabihan ng mga dapat mong
gawin. Alam mo kung ano ang trabaho mo. Bilisan mo at may mga iba ka pang
puputulin. Maraming sinulid ang dapat putulin bawat segundo."

Napahinga ng malalim si Atropos sa sinabi ni Clotho, pagkatapos ay tiningnan ang


limang sinulid na nasa kamay. "Kunsabagay, hindi pa ako nagkakamali kahit kailan.
Ang mga nagiging wayward souls naman ay talagang nakatakda na bago pa man sukatin
ang sinulid ng kanilang buhay. Ngayon pa ba ako magkakamali?" Pagkausap nito sa
sarili bago nakataas ang kilay na tiningnan ang mga sinulid, itinaas iyon pati na
ang malaking gunting na nasa kabilang kamay at diretsong ginupit ang limang
sinulid.

"Ayan na! Tapos na. Wala nang magrereklamo dyan." Pasigaw na sabi nito habang
tinitingnan ang unti-unting paglaho ng mga kakagupit na sinulid.

"Teka, Atropos! Ano'ng ginawa mo?" Biglang sigaw ni Clotho na nakapagpalingon sa


dalawang kapatid. Bigla itong nangamba ng makita ang isa sa mga ginupit na sinulid
ni Atropos na ngayon ay mabilis na naglalaho sa hangin. "Ang isang yun!" Tinuro nya
ang sinulid na iba ang kulay sa dapat na kulay nang sinulid ng buhay na naubusan na
ng oras. Kulay abo ang dapat na kulay ng mga nauubusan na ng oras na mga sinulid
ngunit ang isang yun ay nanatili pa ring puti. Ang kulay ng buhay na sinulid.
"Hindi iyon dapat kasali sa mga pinutol mo."

Pareho namang nagsalubong ang kilay nina Lachesis at Atropos. "At bakit naman?
Kahit kailan ay hindi pa ako nagkamali, at hinding-hindi ako magkakamali, Clotho."
Seryosong naglakad papunta sa harap nito si Clotho at tinuro uli ng baluktot nitong
daliri ang puting sinulid na gahibla na lang ang natitira. Nanlaki ang mga mata ni
Atropos sa nakita nang mapagmasdan itong mabuti.

"Ngayon ay nagkamali ka na, Atropos. Isang buhay ang pinutol mo nang hindi pa oras.
Isang wayward soul ang ginawa mo." Seryoso pa ring turan ni Clotho na binuntutan
naman ng komento ni Lachesis. "At siguradong magwawala si Thanatos sa ginawa mo."

Pero tila hindi iyon narinig ni Atropos dahil nakatingin lamang ito sa kawalan at
hindi maalis-alis sa isipan ang pagkakamaling nagawa. "Nagkamali ako? Si Atropos na
isa sa mga Fates? Ang kinikilalang hindi nababali ang desisyon, nagkamali? Nakagawa
ako ng wayward soul?" Iniangat nito ang tingin at sinalubong ang mga mata ng mga
kapatid na nanginginig ang kulubot na mga kamay. "Nakagawa ako ng wayward soul."

Eydis' POV
"Happy 16th Birthday, Eydis!" Mga balloons, confetti at turotot ang bumungad sa
kanya pagkabukas nya ng pintuan ng classroom nila. Kasama pa roon ang mga
naglalakihang ngiti ng mga kaklase at teacher nya at sina Bea at Cody sa gitna na
may hawak na cake. Natuwa at natawa sya dahil may mga party hats pang suot ang mga
ito.

"Happy Birthday, bunso!" Sabay na bati sa kanya nina Bea at Cody na malapad na
nakangisi sa kanya. "Make a wish na bunso. Bilis!"

Bahagya pa syang natawa sa excitement sa boses ni Bea saka sya pumikit para mag-
wish.

Alam kong imposible, pero gusto kong mabuhay. Pwede kaya yun? At gusto kong humingi
ng sorry kay Kuya. Possible pa kaya yun?
Anim na taon na. Anim na taon na syang nabubuhay sa guilt dahil sa pagkamatay ng
ate at kuya nya. Kung hindi lang sana sila nagcelebrate noon ng birthday nya, sana
ay buhay pa ang dalawa at masayang magkasama. Sana ay buhay pa sila hanggang
ngayon.

"Happy 10th Birthday, bunso!" Parehong nakangisi ang Ate Eydis nya at ang boyfriend
nitong si Kuya Marcus nang sunduin siya sa eskwelahan niya nung hapon na yun.
Masayang-masaya siya kasi pinasyal sya ng dalawa, bumili sila ng mga cupcakes na
siyang ginawang cake nya at pinakain sa kanya lahat ng mga paborito niya. Binilhan
pa siya ng isang galong ice cream ng Kuya Marcus nya. Bundat-bundat sya nang
papauwi na sila. Takipsilim na iyon at dumaan pa sila sa tabing-dagat para panoorin
ang paglubog ng araw.

"Ano'ng wish mo, Baby?" Tanong sa kanya ng Ate Irish nya. Mula sa papalubog na araw
ay lumipat ang tingin niya sa nakangiting mukha ng magnobyo. Nakaakbay ang Kuya
Marcus nya sa Ate Irish nya. Ang ganda nilang tingnan. Bagay na bagay. Kitang-kita
sa mukha nila na sobrang mahal nila ang isa't-isa. Parehong graduating na sa high
school ang dalawa at nagpaplanong parehong kukuha ng pre-med course.

Ngumiti siya sa dalawa at sumagot. "Wish ko pong maging masaya kayong dalawa at
magmahalan habang buhay!" Napangisi siya nang makita ang mga nagulat na mukha nang
dalawa. "Kuya, siguraduhin mong papasayahin mo si Ate ha? At hinding-hindi mo siya
pababayaan? Okay?"

Nakangiting tumingin sa kanya ang Kuya Marcus nya bago tumingin sa Ate nya.
"Pangako, bunso. Mamahalin at papasayahin ko si Ate mo. Ako ang magiging prinsipe
ng prinsesa." Kita nyang namula at tila nahiya ang Ate Irish nya nang halikan ng
lalaki ang likod ng palad nito.

"Yiee! Wag ka nang mahiya, Ate! Haha!" Lumabi sa kanya ang Ate nya pagkatapos ay
bumaling sa nobyo nito.

"Mangako ka rin, Marcus. Poprotektahan mo si Eydis at hinding-hindi mo hahayaang


mapahamak siya. Ikaw ang magiging guardian angel ng little princess." Siya naman
ang namula nang parehong bumaling ang dalawa sa kanya.

"Pangako, Mahal na Prinsesa. Poprotektahan ko at hinding-hindi ko hahayaang


mapahamak ang munting prinsesa natin." Pangako ng Kuya Marcus nya na nakataas pa
ang kanang kamay. At hinding-hindi niya makakalimutan ang nakangiting mukha nito.
Ang huling pagkakataon na nakita nyang nakangiti ang dalawang taong mahal na mahal
nya.

"Waah! Ma'am tignan mo oh! Sobrang natouched si Eydis kaya napa-iyak!" Napaangat
ang mukha nya sa boses ng isa sa mga kaklase nya at natatawang pinahid nya ang mga
luha nya. Di nya alam na naglalakbay na naman pala sa nakaraan ang diwa nya.

"Loka! Wala to noh!" Nagpaskil sya ng isang malapad na ngiti para sa mga kaklase
nya at hindi nya iyon inalis hanggang sa dumating ang hapon at mag-uwian na.

"Eydis." Nakangiting lumingon siya kay Cody na tumawag sa kanya. Nakita nyang
napasimangot ito nang humarap siya.

"Bakit nakasimangot ka?" Nakangiti nya pa ring tanong. Nasa likod nito si Bea na
nag-aalalang nakatingin sa kanya.

"Pwede ba? Nakakairita yang pekeng ngiti na yan. Pwede mo nang tigilan yan, okay?"
Nakasalubong ang kilay na sabi sa kanya ni Cody. Nasa labas na sila ng gate ng
eskwelahan nila sa oras na yun.
"Mas kilala ka namin. Pwede mong mauto ang iba nating kaklase na masaya ka, pero
kami, hindi." Dugtong naman ni Bea na lumapit sa kanya at hinawakan siya sa
balikat. "Hindi mo ba nagustuhan ang ginawa namin?"

Napailing siya nang makita ang sobrang pag-aalala sa mga mata ng mga ito. "Gustung-
gusto ko yun. Sobrang napasaya nyo ko. Pero," Napangiti siya nang malungkot. "Alam
nyo naman kung ano ang nararamdaman ko sa tuwing sumasapit ang birthday ko diba?
Hindi ko lang maiwasang malungkot. Sorry kung hindi ko kayang lubusang maging
masaya." Napayuko siya para itago ang namumuong luha sa kanyang mga mata.

"Eydis, ano ka ba? Hindi mo kailangang mag-sorry, okay? Naiintindihan ka namin."


Napapikit sya nang sabay syang yakapin nina Bea at Cody. Parang may kumirot sa puso
nya sa eksenang iyon. Parang sina Ate at Kuya lang.

"Hay! Ano ba yan! Nagdadrama na naman tayo rito." Nagpupunas ng luha na ngumiti sa
kanya si Bea, pati na rin si Cody, kaya napangiti na rin siya. "So? Saan mo gustong
pumunta? Mamaya pa uuwi si Tita diba? Pasyal muna tayo! Birthday mo naman eh!"

Nawala ang ngiti nya sa sinabi ni Bea. Napatingin siya sa dalawa at napailing siya.
Hindi niya kayang maulit na naman ang nangyari noon. Sa araw na naman ng birthday
nya. "Hindi na, Bea, Cody. Pupunta ako sa puntod ni Ate eh. Death Anniversary rin
naman nya ngayon."

"Samahan ka na nami--"

"Wag!" Pare-pareho silang nagulat sa ginawa nya. Napaatras pa si Cody sa lakas ng


sigaw nya. "Ka-kaya ko na. Ako na lang. Bonding time din kasi namin yun ni Ate,
eh." Hindi niya alam kung ngiti ba o ngiwi ang lumabas sa bibig nya.

"Sige. Naiintindihan namin na gusto mong mapag-isa." Ngumiti nang mapang-unawa sa


kanya si Bea at ginagap ang kamay ni Cody. "Basta, mag-iingat ka ha?" Napatango
siya at matipid na ngumiti pagkatapos ay mabilis na tumalikod sa dalawa at
pinunasan ang mga luhang tumulo sa pisngi nya. Mabilis siyang naglakad at patingin-
tingin pa siya sa paligid. Umaasang makikita ang isa kina Corvus o Grus, o kahit na
si Moon man lang, pero ni anino ng mga ito ay hindi niya nakita.

Nasaan na kaya ang mga iyon? Dalawang araw ko na silang hindi nakikita ah? Wala na
ring kakaibang nangyari sa akin sa mga nakaraang araw. Tumigil na kaya ang mga boss
ni Corvus? Haaay! Hindi na ba ako mamamatay?

"Ate, birthday ko na naman. Six years na ate. Pero hindi pa rin ako makapag-move
on." Napahugot siya nang malalim na hininga at mula sa puntod ng Ate nya ay
napatingin siya sa dumidilim nang kalangitan. "Magawa ko pa kaya ang huling bucket
list ko Ate? Magawa ko kayang magsorry kay Kuya?"

Ang ikasampung kaarawan nyang iyon ang pinakamasayang araw ng buhay nya at iyon ang
hinding-hindi nya makakalimutan. Paano mo nga ba makakalimutan ang isang bagay na
nakapagpabago ng buhay mo? Na naglagay ng malaking malat sa murang isipan ng isang
sampung taong gulang? Paano niya makakalimutan ang araw na iyon nang masaksihan nya
mismo ang pagpatay sa dalawang taong pinakamahalaga sa kanya?

"Waaag!" Umalingawngaw sa eskinitang iyon ang sigaw ng Kuya Marcus nya. Nakaluhod
na ito sa sementadong kalsada at hawak-hawak ang sikmurang nagdurugo. May dugo na
ring lumalabas sa bibig nito, pero tila ba walang pakialam ito sa mga sugat na
natamo sa pagpupumilit nitong makatayo para protektahan sila. Isang malakas na
tadyak ang nakapagpahiga rito sa kalsada at napasuka ito ng dugo. Kasunod noon ay
ang mga yabag ng mga nagtakbuhang mga adik na humarang sa kanila kanina. Sa
kagustuhan nilang makauwi kaagad ay pinili nila ang eskinitang iyon na alam nilang
shortcut, pero hindi nila alam na iyon ang kahihinatnan ng pagpili nila nang mas
mabilis na daan.

Kitang-kita niya sa mga mata ng Kuya Marcus nya ang matinding pag-aalala. Maging
siya ay mugtong-mugto na rin ang mga mata at nanginginig sa takot ang buong
katawan. Wala siyang ibang makita kundi ang matingkad na kulay ng dugo. "Ate...
sorry. I'm sorry, Ate."

"Wa-wag kang magsorry, bunso. Wala kang k-kasalanan. Ta-tandaan mo yan." Mas lalo
siyang napaiyak sa mga sinabi ng kanyang Ate. Nakahiga sa kandungan nya ang ulo
nito at duguan na rin. Sinaksak ito ng isa sa mga adik nang tangkain nitong umawat
sa pagbugbog ng mga ito sa Kuya Marcus nya. At ngayon ay nahihirapan na itong
huminga. "Ta-tandaan mong ma-mahal na ma-hal ka ng Ate. Ha?" Mahinang hinawakan
nito ang kamay niya at pinisil. "Mabu-hay ka ng ma-masaya, Eydis." Napahagulhol
siya ng iyak ng nakangiting pumikit ang Ate nya at nang tingnan niya ang Kuya
Marcus nya ay nakapikit na rin ang mga mata nito. Sa posisyon nito ay tila ba
gumapang ito at pinilit na makarating sa kanila. Pinilit na maabot ang
pinakamamahal nito.

Umiyak siya ng umiyak. Hindi niya alam kung kailan siya tumigil. Hindi na niya
matandaan. Namanhid siya at nablangko ang utak niya. Hanggang sa wala na siyang
maalalang mukha para sa Kuya Marcus niya. Sa loob ng maraming taon ay nanatiling
walang mukha ang Kuya Marcus sa mga panaginip niya...

"At ngayon ay bumabalik na sa akin Ate. Nagiging klaro na ang lahat." Napabuntung-
hininga sya at napangiti ng mapakla. Hindi niya akalain na ang mukhang gustong-
gusto nyang makita ay nasa harapan na pala nya. Kaya pala puro mukha nito ang
parating naiguguhit nya ng hindi nya namamalayan. Nasa harapan na pala nya ang Kuya
Marcus nya at wala syang kamuwang-muwang. Kung hindi pa nagging malinaw ang mukha
nito sa panaginip nya nang nagdaang gabi ay mamamatay sana siyang walang kaalam-
alam. "Akalain mo yun Ate? Nangako siyang magiging guardian angel ko siya pero
kabaliktaran ang kinalabasan niya. Pero at least, siya ang magsusundo sa akin
papunta sa kung nasaan ka. Hindi ba, Ate? Sana nga lang ay magkaroon ako ng
pagkakataong makahingi ng tawad sa kanya bago ako tuluyang makarating kung nasaan
ka."

Kuya, bakit hindi ka na nagpapakita sa akin? Hindi mo ba talaga kayang tanggapin


ang paghingi ko ng tawad kaya hindi ka na nagpapakita sa akin?

Napakabigat ng loob nya nang umalis siya sa harap ng puntod ng kanyang Ate. Ang mga
luha nya ay hindi niya maampat sa pagtulo. Tila bulag siyang naglalakad ng walang
direksyon dahil sa patuloy na pag-agos ng mga luhang pinipilit nyang punasan.
Hanggang sa isang malakas na tunog at nakakasilaw na liwanag ang nakapagpabalik sa
kanya sa reyalidad. Sa reyalidad na nakatakda na siyang mamatay.

Ganito ba talaga kapag malapit ka nang mamatay? Nakikita mo ang hinihiling ng puso
mo?

"Eydis! Wag kang pipikit! Please! Wag kang pipikit." Gusto nyang mapangiti sa muli
nyang pagkakakita sa gwapong mukha nito. Siguro nga ay malapit na syang mamatay.
Tinutupad na ang huling bucket list nya.

Kuya Marcus.

"Eydis, wag kang bibitaw! Tatawag ako ng ambulansya. Please, wag kang bibitaw,
Eydis." Gusto nyang maiyak nang makita ang matinding pag-aalala at panic sa mga
kayumangging mata nito. Nabahiran na rin ng kanyang dugo ang puting polo na suot
nito. Gusto nyang haplusin ang maamo nitong mukha at alisin ang pag-aalala nito.
"Hindi ko papayagang maulit ang nangyari. Hindi ko hahayaang mawala ka, Eydis."
Sobrang tumaba ang puso nya sa mga narinig. Napapikit siya sa kasiyahan. Mukhang
tinutupad ng Kuya Marcus ang pinangako nito noon sa kanya. Kaya lang... Huli na ang
lahat.

"Eydis." Muli syang napadilat pagkarinig sa baritonong boses nito at nakita niyang
muli ang mukha nito. Ngayon ay seryoso na ito. Blangko ang ekspresyon ng mukha, at
di katulad kanina, ang kasuotan nito ay kulay itim na. Ngunit sa mga mata nito ay
kitang-kita nya ang matinding kalungkutan.

Bakit ka malungkot, Corvus?

Hindi na nya kayang ibuka ang bibig nya kaya umaasa syang naririnig at nababasa pa
rin nito ang mga iniisip nya. Sana ay marinig nito ang binubulong ng kanyang puso.

I'm sorry, Kuya Marcus.

Corvus' POV
Parang nalulunod siya at hindi makaahon sa matinding kalungkutan. Hindi nya alam
kung paano papawiin ang matinding sakit na nararamdaman nya habang tinitingnan ang
maamo nitong mukha. Ang mukhang kawangis ng sa kanyang pinakamamahal. Parang
tinutusok ng milyon-milyong karayom ang puso nya habang pinagmamasdan itong
nakahiga sa kalsada at duguan.

"Wag kang humingi ng tawad, bunso. Wala kang kasalanan. Tandaan mo yan. Ang dapat
na humingi ng tawad ay ako. Sapagkat hindi ko natupad ang pangako kong
poprotektahan kita. Patawarin mo ako, bunso." Hinawakan nya ang nanlalamig na
nitong mga kamay at hinaplos ang duguang pisngi nito.

Masaya ako at hindi ka galit sa akin, Kuya. Mamamatay akong masaya.

Sumikdo ang dibdib nya nang marinig iyon. Hindi nya kayang marinig iyon mula rito.
Hindi niya kayang marinig na handa na itong mamatay.

Bakit pa ba siya nabigyan ng pangalawang pagkakataon kung hindi niya naman pala
kayang tuparin ang kanyang pangako?

"Dumilat ka, Marcus Blancaflor."

Ang malamig na boses na iyon ang una niyang narinig pagkatapos syang lamunin ng
dilim dahil sa sobrang sakit at kawalan ng pag-asa. Sinunod niya ang boses na iyon
at unti-unti niyang idinilat ang mga mata. Bumangon siya mula sa pagkakahiga at
dahang-dahang tumayo saka nagpalinga-linga sa paligid. Napako ang tingin niya sa
pumapalahaw na bata di kalayuan sa kinatatayuan niya at sa duguang babae na nasa
kandungan nito. Matagal nyang tinitigan ang dalawa hanggang sa bumalik sa kanya ang
lahat. Lahat-lahat. At tila hindi siya makahinga nang tumingin siya sa paanan niya.
Sa nakadapang katawan ng lalaki na naliligo sa sariling dugo. Sa kanyang bangkay.

Nanghihinang napaupo siya sa sementadong kalsada at naiiyak na napatingin sa


kanyang katawan pagkatapos ay sa dalawa di kalayuan sa kanya. Mas lalong bumalong
ang luha nya at gusto nyang sumabay sa pagpalahaw ni Eydis nang makita nyang wala
na ring buhay si Irish. Ang pinakamamahal nya.

"Wala ka nang magagawa sa bagay na iyan, kaluluwa. Kailangan mong tanggapin iyon.
Patay ka na at patay na rin siya. Ang kaibahan lamang ay nakatawid na siya at ika'y
naiwan rito." Napabaling siya sa pinagmulan ng boses na iyon. Nakita nya ang
dalawang lalaking may iisang mukha. Ang isa ay nakapurong itim ang kasuotan at
seryoso ang mukha habang ang isa naman ay nakaputing pang-itaas at naka-itim na
pantalon at nakangiti.
"Sino kayo?" Nagulat siya nang biglang mawala ang dalawa sa kinatatayuan ng mga ito
at bigla na naming lumitaw sa harapan niya mismo sa isang kisap-mata lamang. "A-ano
kayo?"

"Diyos." Sagot ng isang panay ang ngiti sa kanya. "Ako ang Diyos ng Pamamahinga at
siya naman ang Diyos ng Kamatayan. Kambal kami at-"

"Tama na nga yan, Hypnos. Ang daldal mo." Napasimangot ang naunang nagsalita nang
magsalita na ang kakambal nito. "Ako si Thanatos, ang Diyos ng Kamatayan at nandito
ako para bigyan ka ng isa pang pagkakataon."

"Pagkakataon? Para saan?" Naguguluhan siya kung ano ang mga pinagsasabi ng mga
taong ito. O tao nga ba sila?

"Sabi na nga namin sayo na Diyos kami. Okay?" Umirap sa kanya ang isang tinawag
kanina na Hypnos at tiningnan naman ito ng matalim ng nagpakilalang si Thanatos.

"Pagkakataon para matupad mo ang iyong ipinangako. Hindi ba't gusto mong tuparin
iyon?" Ang pormal na sagot sa kanya ni Thanatos. Sa dalawa ay mukhang ito lang ang
matinong kausap. At nagpakilala itong Diyos ng Kamatayan. Totoo nga kaya?

"Kaya ko pa bang tuparin iyon?" Hindi nya maintindihan kung bakit bibigyan siya ng
pagkakataon ng nagpakilalang Diyos na ito. Patay na sya. Hindi na niya matutupad
iyon.

"Kung ikaw lang ay syempre hindi mo kaya. Ano bang magagawa mo? Eh, isa ka nang
wayward soul?" Napasalubong ang kilay nya sa narinig mula kay Hypnos. Ano'ng
pinagsasabi ng isang ito?

"Tignan mo ang iyong mga paa." Naguguluhang sinunod niya ang sinabi nito at nakita
nyang tila may mga baging na nakapulupot sa kanyang mga binti. Tinangka niyang
alisin ang mga iyon ngunit nabigo siya. Hindi siya makawala sa mga baging na iyon.
"Iyan ang palatandaan ng pagiging isang wayward soul ng isang kaluluwa. Itinatali
ka ng baging na iyan sa mundong ibabaw. At hindi ka makakaalis sa lugar kung saan
ka namatay ng walang tulong galing sa isang purifying angel. Hindi ka makakatawid
sa kabilang buhay hangga't hindi ka napurify."

"Kung ganoon ay nasaan ang anghel na iyon? Gusto ko nang makatawid." Pagsusumamo
nya sa dalawa habang nililingon ang katawan ng pinakamamahal nya. "Gusto ko na
siyang makasama."

"Iilang anghel lang ang may kakayahang gawin iyon. At isa pa, hindi ba't may
unfinished business ka pa? Ayaw mo bang kunin ang pangalawang pagkakataon na
inaalok sa iyo ni Thanatos?" Napakuyom ang mga kamay niya sa pagpapaalala nito sa
binitiwan nyang pangako. May agam-agam man sya ay kailangan nyang sumugal.
Kailangan niya tuparin ang pangakong binitiwan sa pinakamamahal.

"Tama kayo. Kailangan kong tuparin ang pangako ko." Tumingin siya sa dalawa at
muling nagsumamo. "Pakiusap, bigyan nyo ako ng pagkakataong matupad ang pangakong
iyon. Pakiusap."

Napangiti ng nakakaloko si Hypnos. "Sige, pero bago iyan ay may kailangan kang
malaman, maliban sa mga purifying angel, ay kaya rin naming alisin ang mga nakatali
sayo sa mundong ibabaw. Kaya nga lang ay hindi ibig sabihin noon ay napurify ka na.
Mananatili pa ring wayward soul ang kaluluwa mo, kaya..." Mas lalong naging
nakakaloko ang ngiti nito sa mga idinugtong ng kakambal nitong si Thanatos, na
seryoso naman ang ekspresyon ng mukha.

"Kaya kailangan mong maging si Corvus."


Naging isa siyang alagad ni Thanatos kapalit ng pangalawang pagkakataon na ibinigay
sa kanya. At ang alaala nya, kinuha pa sa kanya ng kambal na Diyos. At ngayon ay
ito na lang ang kaya nyang gawin. Ang humingi ng tawad sa hindi niya nagawa at sa
gagawin niya.

"Patawarin mo ako, bunso." Piping paghingi niya ng tawad habang diretsong


nakatingin sa malamlam nitong mga mata. "Patawarin mo ako, ngunit kailangan kong
gawin ang trabaho ko. Ayokong maging wayward soul ka." Ayokong matulad ka sa akin.

Naiintindihan ko yun, Kuya. Kaya nga handa na ako. Handa na akong makasama si Ate.

Napapikit sya ng mariin nang makita ang pagpapaubaya sa mga mata nito at ang
pagsilay ng maliit na ngiti sa mga labi nito. Sa muling pagmulat nya ay halos
madurog ang kanyang puso sa nakapikit na nitong mga mata at sa maaliwalas na mukha.
Tiningnan niya ang kuwintas na nakasabit sa leeg nito.

Oras na.

Unti-unti nyang ibinaba ang kanyang mukha. Kasabay ng paglapat ng kanyang labi sa
labi nito ay sya namang pagtulo ng mga purong luha na kanina nya pa pinipigilang
umalpas.

Mahal na mahal ka ni Kuya, bunso. Wala akong ibang mahihiling ngayon kundi ang
kaligayahan mo, pero alam kong huli na ang lahat. Patawad, bunso.

A/N: Alam nyo bang ito na ata ang pinakamahirap gawin na kabanata sa istoryang ito?
Nakaka-drain ng utak at emosyon.

Grabe. Ang drama ko pala. Haha. Ngayon ko lang nalaman. Lol.


Kaya pala itim ang pakpak ni Corvy. Yun pala ang nangyari. Haha. LOL.

Anyways! Maraming salamat sa lahat ng nagtiyagang maghintay sa pagong kong UD.


Salamat at natagalan nyo ako. Haha.

Sino ang nakatama ng hula? Congrats kung meron man. Haha.


Ano kayang epilogue nito? Sa tingin nyo?

Saan ang next scene? Sa kabilang mundo na ba? Haha. Pinapaalala ko lang po na ang
title nito ay may kasamang "Miracle" na salita kaya manalig nawa kayo. LOL. Manalig
kayong clich� ang ending. LOL.

Chingu! Para sayo to! :3

Next up! Epilogue: Ang Katuparan ng Kahilingan

Anong kahilingan? Alin doon? Haha.

Ang adik ninyong Author,

NixieYume <3
######################################
Epilogue: Ang Katuparan ng Kahilingan
######################################
Epilogue: Ang Katuparan ng Kahilingan
Everyday is a Miracle.

"Ang daya mo, Ginoong Corvus. Makakatawid ka na nga sa kabilang buhay, ang puti-
puti rin pala ng pakpak mo. Mas maputi pa sa pakpak ko!"

Natawa siya sa pagrereklamo ni Grus. Daig pa nito si Moon na ngayon ay ngingiti-


ngiti lang sa kanyang tabi. Nakaupo sila sa itaas ng isang building at nakatanaw sa
isang university. Ito ang huling araw nya bilang isang nilalang na may pakpak.
Makakatawid na rin siya sa kabilang buhay.

"Sigurado ka na bang aalis ka na sa pagiging isang Death God, Master? At tatawid na


sa kabilang buhay?" Inosente namang tanong sa kanya ni Moon na binatukan naman ni
Grus.

"Kita mo ba ang puting-puting pakpak na yan? Sa pagpapalit palang ng kulay ng


pakpak na yan ay ang pagpapahiwatig na iniwan na niya ang pagiging isang alagad ni
Kamatayan. At matagal na nyang gustong makasama ang pinakamamahal nya sa kabilang
buhay, kaya wag ka nang magtanong ng mga ganyang tanong." Napasimangot naman rito
si Moon at binelatan pa nito si Grus. Napahalakhak siya sa paghaharutan ng dalawa.
Siguradong mamimiss nya ang kakulitan ng dalawang ito.

Tinapos na ni Thanatos ang usapan nila, total ay nanalo naman siya. Naunang bumalik
ang alaala nya at hindi nagtagumpay ang kambal na Diyos sa kanilang kalokohan.
Bumalik na rin siya sa pagiging isang kaluluwa, pero ang hindi niya inaasahan ay
naging isa pala siyang anghel. Isang anghel na namatay dahil sa sakripisyong
ginawa. Naging isa siyang purifying angel, katulad ni Grus.

"Akalain mo yun? Purifying angel ka pala? Eh dati hindi ba't naghahanap ka ng isang
purifying angel? Yun pala'y di mo na kailangang maghanap." Tatawa-tawang sabi ni
Hypnos sa kanya, isang lingo na ang nakakaraan. "Si Atropos kasi, magpuputol na nga
lang ng sinulid ang trabaho, nagkamali pa. Nagpanggap pang isa sa mga alagad para
raw maayos niya ang gusot na ginawa. Tsk." Pabulong na lamang ang mga huling sinabi
ni Hypnos pero narinig nya pa rin iyon. At hindi niya maintindihan ang ibig nitong
sabihin.

"Tumigil ka na nga Hypnos." Katulad ng dati ay seryoso pa rin si Thanatos. Tumingin


ito sa kanya at hinawakan siya sa kanang balikat. "Alam mo'ng hindi dahil sa
pagiging purifying angel mo kaya iyon nangyari. Dahil iyon sa kapangyarihan kong
ipinahiram sayo."

"At sa isang huklubang may kasalanan sayo." Humalakhak lamang si Hypnos nang
tingnan ito nang matalim ni Thanatos dahil sa biglang pagsingit nito sa usapan at
hindi niya pa rin maintindihan ang mga sinabi nito.

"At wag kang maniniwala sa lahat ng sinasabi nitong si Thanatos. Corny mang
pakinggan pero dahil iyon sa luha mong hinugot mula sa tunay na pagmamahal. At
hindi dahil sa kapangyarihan ng hambog na iyan." Napailing siya ng dagliang naglaho
si Hypnos na tila natakot sa galit na mukha ng kakambal nito. Muli naman siyang
nilingon ni Thanatos pagkatapos umalis ni Hypnos.

"May kakayahang magbalik ng oras ang luha ng isang Death God na hinugot mula sa
tunay at purong pagmamahal. Pinalakas iyon ng kapangyarihang ipinahiram ko sa iyo.
Dahil doon ay naibalik sa wasto at tunay na oras ang kanyang buhay. Hindi na sya
isang special case. Panalo ka."
"Nga pala Ginoong Corvus, ikaw ang nanalo sa laro hindi ba? Pero bago pa bumalik sa
iyo ang lahat ay alam mo nang ikaw ang mananalo. Papano nangyari iyon?" Napangiti
siya sa tanong ni Grus at sa pagkakaalala ng mukha ng taong sagot sa tanong ni
Grus.

"Nakita ko ang mukha ko. Kaya alam kong ako ang mananalo." Napakamot sa ulo si Grus
at nalito naman si Moon sa sagot nya.

"Pwede mo bang ipaliwanag iyon, Master?" Ngumiti lang siya at tumanaw sa malayo.

"Simple lang, Moon. Kahit na hindi na bumalik ang aking memorya, alam kong hindi
papayag ang tadhana na hindi matuloy ang itinakda. Kahit na hindi ko na natupad ang
aking ipinangako, may iba pa ring nakatakdang tumupad noon."

**

"Ate, alam mo ba? Nanaginip ako noong isang araw habang nasa ospital pa ako.
Nakapag-sorry raw ako kay Kuya, at hindi naman pala siya galit sa akin? Haha.
Nakakatawa, hindi ba?" Masaya siya at nakalabas na rin siya ng ospital sa halos
isang linggong pananatili nya roon. Muntikan na raw syang mamatay kung hindi siya
nadala kaagad sa ospital. Iyak ng iyak ang Mama nya, lalo na't birthday pa naman
niya iyon. Muntik nang naging magkapareho ang death anniversary nila ng Ate Irish
nya.

Sabi nga nina Bea at Cody, second life nya na raw ito kaya dapat alagaan nya ng
mabuti. Wag na raw siyang maging careless. Nasermonan pa siya ng wala sa oras. Nang
mga nakaraang araw raw kasi eh parang ang weird nya. At hindi niya naman malaman
kung bakit puro mukha ng Kuya Marcus niya ang nasa sketchpad nya. May iba roon na
may pakpak pa ito. Minsan ay namamangha talaga siya sa lawak ng imahinasyon niya.
Guardian angel ang turing nya sa Kuya niya, pero sa mga guhit nya ay ginawa nya
itong tila kampon ni Kamatayan. Nakakatawa.

Ang gwapong shinigami ni Kuya kapag nagkataon. Hanep ng imagination ko. Talagang
black wings pa ang nilagay kong pakpak ni Kuya, ha? Haha. Ano kayang iniisip ko
noong dinodrawing ko yun?

"Mabuti naman at okay ka na." Mula sa pangangalumbaba habang nakatingin sa puntod


ng kanyang ate ay napaangat ang tingin niya at nalipat sa lalaking nagsalita.
Nakaupo siya sa damuhan kaya mula sa posisyon nya ay talagang nakatingala siya sa
napakatangkad na lalaki. Nakabaseball cap ito at naka-dark shades. Hindi niya ito
kilala.

"Excuse me? Sino po sila?" Nakita nyang napangiti ang lalaki at parang gusto nya
tuloy na makita ang mga mata nito. Ang ganda kasi ng ngiti nito. Kulang na lang ay
ang makita nyang magtwinkle din ang mga mata nito.

Napakiling ang ulo nya sa iniisip at sa biglang naalala. Napatingin uli siya sa
nakangiting mukha nito. "Ah! Tama! Ikaw yung lalaki sa may park noon! Yung time na
naiwan ko yung favorite kong panyo."

"Tama. Ako nga iyon." Napangiti siya nang marinig nya uli ang boses nito. Ang
lalim. Pero parang napakapamilyar sa kanya. Parang araw-araw nyang naririnig ito at
nakasanayan na nyang marinig. Ang weird. "Kamusta ka na? Okay ka na ba? Buti naman
at nakalabas ka na ng ospital."

Napakunot ang noo nya sa sinabi nito. "Paano mo nalamang na-ospital ako?"
Kumilos ito at umupo sa tabi niya. Ginaya siya nito na naka-indian sit. "Kotse ko
yung nakasunod sa kotseng nakabangga sa iyo at ako ang nagdala sa iyo sa ospital."

Nanlaki ang mga mata niya sa nalaman. "Talaga? Ba't hindi ka man lang dumalaw sa
akin sa ospital? Para sana ay nakapag-thank you ako sayo."

"Dumalaw ako at nakausap ko ang Mama mo. Siya nga rin ang nagsabi sa akin na dito
ka kaagad dumiretso pagkalabas mo." Nagtaka naman siya sa sinabi nito. Sinadya siya
ng lalaking ito? Hinanap siya?

"Bakit mo ako hinahanap?" Parang timang na tinuro nya pa ang sarili nya. Bahagyang
natawa ang lalaki at kinuha sa bulsa ang wallet nito. Mula sa wallet ay may kinuha
ito at iniabot sa kanya. Nagtatakang kinuha nya ang iniabot nito at nakita nyang
isa palang picture iyon. Malungkot na napangiti siya nang makita kung sinu-sino ang
nasa picture. Ang Ate Irish nya at ang boyfriend nitong si Kuya Marcus. Kuha ito
six years ago, at parehong nakangiti ang dalawa sa harap ng camera.

"Bakit meron kang picture nila?" Tanong nya sa lalaking hanggang ngayon ay
nakangiti pa rin sa kanya. Kumilos ito para alisin ang baseball cap nito at pati na
rin ang suot-suot na shades. Napatanga siya nang makita ang kabuuan ng mukha nito.
Pinannindigan siya ng balahibo nang magtama ang mga mata nila. Bahagya nitong
ginulo ang itim nitong buhok at one sided na ngumiti uli sa kanya. Hindi nga siya
nagkakamali. Pati mga mata nito ay nagtutwinkle kapag ngumingiti ito. Napakaganda
talaga ng brown nitong mga mata.

"Ang tagal kitang hinanap, alam mo ba yun? Masyado kasing mahirap ang hiling ni
Kuya Mac eh, kaya inabot ako ng six years para makita ka. Muntik pa akong mahuli.
Buti na lang masyado na akong determinado para hayaang makawala ka pa." Napakurap-
kurap siya sa mga sinabi nito. Hindi rin niya maiwasang pamulahan ng mukha. At tila
umurong ang dila nya sa intensidad ng tingin nito.

Pinilit nyang tumawa. Pinili nyang pagtawanan ang sitwasyon. Pero natigil ang peke
nyang pagtawa nang sumeryoso ang mukha nito. Hindi niya maiwasang pangapusan ng
hininga habang tinitingnan ang mukha nito. Tumulo ang luha nya.

"Eydis." Marahan nitong hinawakan ang pisngi niya at pinahid ang mga luha niya.
"Pinagbilin ka sa akin ni Kuya Mac noong nabubuhay pa sya. Ako raw ang bahalang
mag-alaga at magprotekta sa munting prinsesa. At nangako ako sa puntod nya na
tutuparin ko iyon, at hindi ko hahayaang mangyari ngayon ang katulad ng nangyari sa
kanila noon." Ngumiti uli ito sa kanya, bahagyang lumayo at inilahad ang kanang
kamay sa kanya na nahihiya nyang tinanggap.

"Ako nga pala si Mikael Vance Blancaflor. Nakababatang kakambal ni Marcus Vaughn
Blancaflor." Itinaas nito ang kamay niya at hinalikan ang likod ng kanyang palad.
Ang mga mata nito ay katulad na katulad ng mga mata ni Kuya Marcus nya sa tuwing
titingin ito noon sa Ate nya. Puno ng pagmamahal.

"Nice to finally be with you, Eydis Castillo."

F I N.

========
Nixie's note:

Maraming salamat! Yun lang. Bow.

Joke! Hehe.

Thanks to the following:


> @tinybopper
> @DianaGalang
> @YouAreMySong
> @IamTheIcyRain
> @MoonlightMaester

At sa mga sis ko na nagbasa nito, Salamat! XD


Kyrian18, BlueDisgrace, Remo_vable, JustPlainlyMe, Steel_Heart at IUSNSD.

Natapos ko rin ang book1! Yish! Tapos na ang kwento ni Corvus! Natapos na rin
kwento natin Kyu my loves! Huhu! LOL.

Ang cast po ay nasa Multimedia.


AKIN LANG SI KYUHYUN (Corvus, Marcus, at Mikael).
Para maliwanag. Haha. LOLs.

Panibagong pasakit sa ulo na naman ang book2! Aguy. T.T


Mas lalong kilalanin ang Fates sa book2! XD

Pero sana suportahan nyo pa rin ang kwento ng The Death God's Wish Trilogy. Sana
suportahan nyo rin ang kwento ni Donghae aka Mirlo the Inbetween Death God. Lol.
Sinuportahan nyo na yung kay Kyuhyun eh, ituloy-tuloy nyo na. Ahaha. LOL. Salamat
sa lahat-lahat! Bow!

Posted na yung prologue ng book2 ha? The Death God's Wish: Existence ang title.
Punta lang kayo sa profile ko. XD

Salamat!

Ang adik nyong author,

NixieYume <3

You might also like