You are on page 1of 8

“THREE O’CLOCK IN THE MORNING”

Ni: Cirio H. Panganiban

Ito’y isang salon,

Malaki’t maluwang, magara’t makintab,

Ang mga bombilyang may ginto’t pilak,

Sa bubungang asul ay nagkislap-kislap.

Dito’y may orchestra; sa ragay ng tambol at linggal ng “Jazz”,

Ang mga talutot sa gitna ng salon ay nagising lahat.

Saka samantalang ang bawat magkapareha ay lilipad-lipad,

Sa kintab ng sahig ang kanilang puso ay naaanag-ag.

Mga pusong yaong

Kung di naglalaro’y nagsisinungaling;

Gaya ng pabangong sumama sa hangin

Ang pag-ibig nila’y di dapat hintayin.

Sa gitna ng salon, ang boses ng tanso ay tumataginting,

Sinusundan-sundan ng apat na pang salit kung maglambing.

Saka samantalang ang mga bombilya’y nag-aantok man din

Ay may isang halik na di naitago ng kwerdas ng b’yolin.

Ikatatlo noon

ng madaling araw…Sa salong marikit

Na pinagsayawan ng puso’t pag-ibig,

Ang dating orkestra’y di na naririnig.

Saka samantalang ang huling bombilya’y kusang pumipikit,

Sa ulilang salon, ang isang dalaga’y muling luhaang nagbalik.

At doon sa dilim ng gabing mapanglaw, matapos humibik,

Baliw na nga yatang hinahanap-hanap ang puring nawaglit.

Cirio H. Panganiban, isinilang makatang Tagalog, si Panganiban ay taong namatay at


isinilang sa makabagong panahon. Siya ay makatang maharaya, kuwentista at mandudula.

Ang tulang “THREE O’CLOCK IN THE MORNING” ni Cirio H. Panganiban ay


isang buhay na dulot ng modernisasyon at Amerikanisasyon at maituturing na may
pagkamoralista. Ang salon mismo ang mikrokosmo ng masamang buhay lungsod, isang aliwang
pangmayaman, at isang lusak na kinasasadlakan ng mga babaeng anak-mahirap. Isang uri din ito ng
aliwang panggabi na sumigabo sa panahon ng Amerikano.
ISIP-TAO
Jose Villa Panganiban

Ang daan patungo sa pinto ng langit ay hindi karunungan kundi kagandahan ng puso.

Nadukal ng tao ang laman ng lupa,


Naarok ang lihim ng dagat at sapa,
At natunton pati ang landas ng tala,
Subalit ang langit ay daan ng luha.

Nasakop ng dunong ang buong daigdig,


Madaling nanuklas ng lunas sa sakit
Sa pamamamgitan ng masusing masid,
Lihim ng kaluluwa’y di mahagip-hagip.

Nahimay sa sama ang mabuting gawi,


Ngunit may masamang minabuti wari
At may kabutihang sa sama inuri,
Ang diwang Bathala’y hindi maugali.

Nag-ipon ng lakas ng kapangyarihan,


Nilikhang makina’y panggawa’t aliwan,
Madaling magsaka sa kamal na yaman,
Ngunit di matanto ang ang dahil ng buhay.

Paham na maningning,pantas na mahayap


Ngunit ang hiwagang di mapaliwanag
Ay itinago na sa mga sagisag
Nang di mapahiya ang isipang hamak.

Paano’y talagang walang katapusan


Ang mga hiwaga at kababalaghan,
Sa bawat himaton ng sangkalikasan
Sanlibong himala yaong nabubuksan!

Tila ang mabuti’y ang tayog ng isip


Ay huwag palaging parang may binarik,
Bayaang sa puso’y manaha’y pag-ibig
At nang makapasok ang ilaw ng langit.

Sapagkat sa dilim na hindi natuhog


Ng dunong ng tao sa lumping himasok
Ay tibok ng puso’t batas ng pag-irog
Ang makahahawi…sa marahang luhog.
Ang Makata sa Kanyang Kabaliwan
Milagros B. Macaraig

Sa upuang kahoy
Hindi mapakali
Hindi mapalagay
Plumang nasa kamay
Pinaglalaruan...
Pagkuwa'y tumayo
Tahimik... malungkot
Sakbibi ng lumbay
Kinusot ang mata
Daliri'y naglaro
at saka nabilang
Bumulong sa hangin
Nagugulumihanan
Tahimik... mapanglaw
at muling bumulong
May salitang tinuran
Pagdaka, upang kahoy
ay muling minasdan
may ngiti sa labi
Wala na ang lumbay
Umamo ang mukha
Papel ay pinigtal
May sigla sa puso't
Pluma'y tinanganan
saka pinagmasdan
Tinta'y pinaluha
sa papel dumaloy
Papel ay binasa
ng hungkag na diwa
Hinagpis ay pumakawala
Halakhak di ngiti
Bumasag sa dilim
at pumailanlang...
at noo'y nalikha ng baliw
Yaong kanyang kabaliwan

Ito ang makata, may karamdaman— iyan ang kanyang kabaliwan. Dagdag pa niya: Ang makata'y
ipinanganak, hindi ginawa. Ang kanyang kabaliwa'y kasabay na niyang ipinaglihi at sumilang: kakambal ay
damdamin, kakawil ng kanyang hininga at bahagi ng kanyang buhay. Samakatwid ang mga makata ay hindi
malilikha kailanpaman. Ang kanyang talino ay karunungang likas na umusbong noong siya'y nasa sinapupunan
pa ng kanyang ina. Walang simula, walang pagkupas at walang katapusan.

Idinagdag pa rin ni Fernando Monleon ang mga katangian ng makata ayon sa pagpapakilala ng mga
sumusunod:

Makata pa ring matatawag ang may ganitong sanligan, ani Dudevant ay ganito: Siya na nakasumpong ng
matimyas na kaluwalhatian sa pagdama ng tula ay isang taal na makata, bagamat sa tanang buhay niya ay
hindi pa siya nakasulat minsan man ng kahit isang taludtod na tula. Lamang.... sa kanyang pagkamakata ay
siya lang sa kanyang sarili ang nakaaalam at nakadarama! Sa katotohanang ito, masasabi ngang ang makata
a pintor ng kalikasan at artista ng mga bathala, sa damdamin at pangungusap! Maaari siyang humiram ng
buhay sa wala at ang wala ay maaari niyang madama at makatalik.

Wika naman ni Lamartine: Kulang-palad ang kinapal na minsan sa kanyang buhay ay hindi naging makata.

Sa kabilang dako, sinabi ni Johnson ang ganito ukol sa makata: Sapagkat ang isang batikang makata ay
ginagawa at gayundin ay ipinanganganak. Isang paglayo sa sinabi sa unahan na " ang makata ay
ipinanganganak, hindi ginagawa. " Sa puntos na ito ay pinangangatwiran ni Johnson na ang isang nilikha kahit
hindi iniluwal na makata ay posibleng maging makata sa pagdaan ng panahon, sa panahong narating na niya
ang rurok ng karunungan, sa pagkakataong nasilayan niya ang kariktan ng kalikasan, sa sandaling maranasan
niyang magpahalaga sa kahit kaliit-liitang bagay na sa palagay niya'y may halaga, may kulay, pumipintig, at
humuhinga.

Takipsilim
Ni: Deogracias A. Rosario
Ang takipsilim ni Deograsias A. Rosario ay pumapatungkol sa isang tao na umibig at nasawi.
Ihinalintulad ng tao ang kanya pagkasawi sa isang takipsilim. Tuwing takipsilim ay unti-unting
nawawala ang liwanag at napapalitan ng kadiliman. Mababakas sa akda kung gaano nasaktan ang tauhan.
Nawalan ng sigla ang buhay ng tauhan dahil sa paglisan sa kanya. Sinabi na hindi lang sundang ang
nakasusugat sa isang damdamin, hindi lang lason ang nakamamatay sa ibig lasunin kundi ang mismong
paghamak sa nararamdaman niya ang siya mismong pumapatay sa tao. Ginawa man niya ang lahat upang
bumalik ang kanyang sinisinta ngunit lumayo parin ito.
"GAHASA"
Ginahasa ako ng mga salita
Paulit-ulit
Paulit-ulit
Hangang mapatay ang diwa
Batis ang ala-ala
Ng mga alimura
Pasa-pasa ang pusot
Lama'y nasalanta

Nagsumbong ako sa dilim


Sumugat ang sumbat sa yakap ng hangin
Nagsakdal ako sa dingding
Ang hatol ng tinig,bumabalandrang lagim

Ginahasa ako ng mga akala


Paulit-ulit
Paulit-ulit
Hanggang pagkatao'y napariwa
Pumintog sa puson
Haplit ng tinig
Bitak-bitak ang bungo
Ng madlang hagupit
Nagsumbong ako sa batas
Binusisit binuyangyang ang aking bilas
Napasakdal ako sa bayan
Pinag aralan at pinangaralan ang ngalam kot kasarian

Ginahasa ako ng pasya


Minsan lang
Minsan lang
Nagiba ang pag-asa.
DYUGDYUGAN
Ni: Luhalhati Bautista
Bago ka lumapit, gusto kong malaman mo
Na sa loob ng maluwang na blusa ko
Diretsahan ito, wala akong suso.
Ang sagot niya, wala raw ‘yong kaso.
Na-wi-wish ko rin
Na sana’y pareho kami ni Carmi Martin
Huwag kang tanga, sagot niya
Pag ganon kalaki, mahirap ding dalhin.
Siguro’y alam mo ring nagdaan na ‘ko sa iba
Sa kamang ganito, meron nang nakasama.
Ang sagot niya, basta mahal kita.
Ang tiyan ko’y marami nang bakat
Ng nagdaang panganganak.
Sabi niya, hulog daw iyon ng langit
Bunga lang ng mga matamis na pakikipagtalik.
Pagkatapos ng romansa at magaling na bukadura*
Nag-asawa siya ng iba.

" Ako ang Daigdig "


ni: Alejandro G. Abadilla
I
ako 
ang daigdig

ako 
ang tula

ako 
ang daigdig
ng tula

ang tula
ng daigdig

ako
ang walang maliw na ako
ang walang kamatayang ako
ang tula ng daigdig

II
ako
ang daigdig ng tula

ako
ang tula ng daigdig

ako ang malayang ako


matapat sa sarili
sa aking daigdig
ng tula

ako
ang tula
sa daidig

ako 
ang daigdig

ng tula
ako

III
ako
ang damdaming
malaya

ako
ang larawang
buhay

ako 
ang buhay
na walang hanggan

ako
ang damdamin
ang larawan
ang buhay
damdamin
larawan
buhay
tula
ako

IV
ako
ang daigdig
sa tula

ako
ang tula
sa daigdig

ako 
ang daigdig

ako
ang tula
daigdig
tula
     ako....

Padang pinagtitiyap , si Abadilla bilang makata sa ''Ako ang Daigdig '' ay ang kabuuan ng puso, budhi at
kaluluwa. Pansinin ang ''makata '' Puso, Budhi , Kaluluwa . Puso ang damdamin . Budhi yaong larawang
buhay . Kaluluwa'y buhay ng walang hanggan.
Ang ako sa tula ay makata. Isang pananagisag ng kaluluwang buhay, ng kaakuhang sarili at buo , ng
kapangyarihang hindi kayang igupo ng alin mang lakas maging materyal o ispiritwal. Taggisan ang
kapangahasan ni AGA sa pagbanggit ng ako. Isang kaakuhang ang ibinabandila ay ang kanyang pagiging "
bagong tao" sa daigdig ng panulaan. Isang makapangyarihang salitang di kakikitaan ng pakunwaring kabanalan,
manapa'y kasisilayan ng matapat at dakilang hangarin . Kaakuhang nauukol sa matayog na daigdig ng
matulaing karanasan at kaisipan.

You might also like