You are on page 1of 1

Bea Marie S.

Lumantas 12 – Avogadro

Ang bionote ay isang maiksing impormasyon tungkol sa awtor. Madalas itong


nakikita sa likod ng aklat na may kasamang larawan ng may-akda. Ito rin ay nagbibigay
impormasyon ukol sa mga karagdagang kaalaman o impormasyon ng akda o ang mga
kaganapang tatalakayin ng awtor. Ang tungkulin nito ay mailahad sa mga mambabasa
or tagapakinig ang kredibilidad ng akda at ng may-akda.

Ang biodata naman ay isang talahanayan ng mga piling impormasyon ng isang


tao na nagnanais na maghanap ng trabaho. Nakapaloob dito ang pangalan, at mga
personal na impormasyon. Dito rin isinasaad ang mga karanasan sa trabaho ng isang
indibidwal, mga kasanayan, edukasyon at iba pa. Kung ihahambing ang biodata at
bionote, mayroon silang pagkakatulad, dahil sila ay nagsasaad ng impormasyon ng
isang indibidwal, ngunit may pagkakaiba rin sila. Sa bionote, ito’y ginagamit nila bilang
marketing tool. Ipinapahayag rito ang mga natamo ng may-akda para sa pagpapatunay
ng kanyang kredibilidad sa mga nagawang akda. Samantala, sa biodata naman, ito ay
isang pangangailangan sa paghahanap ng trabaho. Dito binabase ang kakayahan ng
isang indibidwal kung siya ba ay kwalipikado sa posisyon na kanyang ina-apply. Ang
curriculum vitae naman ay ang alternatibong ginagamit ng mga indibidwal maliban sa
resume. Ang resume ay karaniwang tumataas ng isang pahina o mahigit pa.
Samantala, ang curriculum vitae naman ay karaniwang nakapaloob ang mas
maraming, at tiyak na mga impormasyon ng mga nakamit ng isang indibidwal. Ito ay
mas mahaba pa sa resume at biodata. Ginagamit rin ito sa pag apply ng trabaho.

Kung ipaghahambing mo ang bionote, biodata at curriculum vitae, marami


silang pagkakatulad. Sila ay nagsasaad ng impormasyon ng isang indibidwal. Subalit,
ang pagkakaiba nila ay ang paraan ng pagsulat, at saan ito naaayon gamitin. Ang
bionote, ay ginagamit sa mga awtor, ito ang kanilang paraan upang mapatunayan nila
na kapani-paniwala ang kanilang mga akda. Ang biodata naman, dito isinasaad ang
mga personal na impormasyon ng isang indibidwal na gustong makahanap ng trabaho.
Katulad ng biodata, ang curriculum vitae ay mga impormasyon ng isang indibidwal sa
paghahanap ng trabaho, ngunit, mas tiyak ito at mas mahaba kumpara sa biodata.

You might also like