You are on page 1of 1

Pangalan: Lady Adelyn C.

Pontanos

Guro: Leizel F. Recaplaza

Ibigay ang kaibahan ng Bionote sa Biodata at Curriculum Vitae.

Ang Bionote ay pinaikling anyo mula sa dalawang salitang biographical note. Ito
ay maikling pagpapakilala ng may- akda sa sarili na maaaring makita sa likuran ng
pabalat ng libro at kadalasa’y may kasamang litrato ng awtor. Samantala ang Biodata,
naglalaman ito ng mga personal na impormasyon gaya ng pangalan, kasarian, edad,
petsa ng kapanganakan, tangkad, timbang, at iba pa. At huli ay ang Curriculum Vitae
naman ay makikita dito ang tungkol sa natamong edukasyon, nakaraang trabaho, mga
kasanayan, mga nilahukang seminar o kumperensiya, at iba pa. Karaniwan itong
ginagamit ng mga akademiko.

Nagsusulat tayo ng bionote upang ipaalam sa iba hindi lamang ang ating
karakter kundi maging ang ating kredibilidad sa larangang kinabibilangan. Ito ang
paraan upang ipakilala ang sarili sa mga mambabasa. Kadalasan ang Biodata ay
nagsisilbing isang kriterya para sa pagsusuri o pagtatasa ng indibidwal sa isang
panayam upang matanggap sa trabaho. Ang Curriculum Vitae naman ay katulad ng
isang resume, ngunit mas madalas na ginagamit ng mga kandidato na naglathala ng
mga gawa sa mga journal, tulad ng mga siyentipiko o propesyonal sa akademiko.

You might also like