You are on page 1of 1

Apolinario Mabini’s Syphilis Rumor

Si Apolinario Mabini Y Maranan o mas kilala sa palayaw na “Pule” ay ipinanganak


noong July 23, 1864 sa Talaga, Tanauan, Batangas. Pangalawa sa walong magkakapatid. Ang
ama nya ay si Inocencio Mabini na isang magsasaka at punong barangay sa Talaga. Ang kanya
namang ina ay si Dionisia Maranan na isang magtitinda ng kape na sa panahong yun ay
papaunlad pa lang sa Batangas.

Nakahiligan nya ang pagbabasa na minana nya sa lolo nya na isang guro na si Maestro
Juan Maranan na tatay ng kaniyang ina. Dahil sa angking katalinuhan ni apolinario mabini lagi
syang nakakakuha ng marking sobresaliente na ang ibig sabihin sa panahon natin ngayon ay
“excellent”. Nag aral sya ng Bachelor of Arts sa San Juan de Letran noong 1881.

Para magkaroon ng pambayad sa eskwelahan, nanilbihan sya bilang sakatero sa lupain ni


Don Arcadio Rosario (tanyag na abogado sa Manila). Di rin nagtagal, tumigil sya sa pag aaral at
bumalik ng Bauan upang magturo sa pamamahala ni Padre Valerio Malabanan noong 1882 at di
kalaunan nagturo din sya sa Lipa noong 1885 hanggang 1887.

Tinuloy nya ang kanyang pag aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas at kumuha ng
kursong Abogado taong 1888.

Taong 1896 sa edad na 32, tinamaan sya ng paraplegia o pagkalumpo. At base sa sabi
sabi, ang dahilan daw nito ay ang pagkakaroon ni Mabini ng sakit na syphilis. Ngunit nanggaling
lang ang ganitong mga balita sa mga nakaalitan nya sa gobyerno.

Sa taong din yun muntik ng makulong si Mabini ngunit sa kadahilanang siya ay may
sakit, sya ay na hospital arrest. Pinilit siyang manumpa ng katapatan sa mga Amerikano ngunit di
sya pumayag kaya ipinatapon siya sa Guam.

Tatlong taon siyang nanatili sa Guam at sa taong 1898, sinulat niya ang librong “La
Revolucion Filipina” na naglalaman ng mga pahayag at kritisismo kung bakit hindi
nagtagumpay ang rebolusyon sa Pilipinas.

At dahil alam ni Mabini sa kanyang sarili na hindi na siya magtatagal at dahil gusto
nyang mamatay sa Pilipinas, pumayag na siyang manumpa ng katapatan sa mga Amerikano.
Taong 1903 ng Mayo, tinamaan siya ng sakit na cholera dahil sa gatas ng kalabaw na hindi
napakuluan at doon siya namatay.

Taong 1980, sinabi ng isang historian na si Ambeth R. Ocampo sa kanyang pahayag sa


Philippine Daily Inquirer na ipinahukay ang bangkay ni Mabini at isinailalim sa pagsusuri sa
ilalim ng Philippine Orthopedic Hospital. Napag alaman nila na ang pagkakaroon ni Mabini ng
paraplegia ay dahil sa sakit na Poliomyelitis. Isang uri ng nakakahawang sakit na nagiging
dahilan ng permanenteng pagkaparalisa.

At batay sa pahayag ni Kallie Szczepanski, na sa sobrang hirap atakihin at patumbahin ng


mga nasa bagong gobyerno itong si Mabini dahil wala kang masasabi sa kaniya, ipinakalat nila
ang balita na ang naging dahilan daw ng pagkakaroon ni Mabini ng paraplegia ay dahil sa
syphilis.

You might also like