You are on page 1of 3

AP 4 – Bansa at Estado

I. Alamin ang tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
Maaaring maulit ang sagot.
a. mamamayan
b. teritoryo
c. estado
d. soberanya
e. pamahalaan
f. bansa
_____ 1. Isa itong yunit pampolitika na tinutukoy din bilang estado.
_____ 2. Ang kataas-taasan at ganap na kapangyarihan ng estado na pamahalaan
ang sariling nasasakupan nang hindi pinanghihimasukan ng dayuhang
kapangyarihan.
_____ 3. Pangunahing elemento ng isang estado.

_____ 4. Isang katangian ng isang malaya at nagsasariling bansa

_____ 5. Ito ay kalupaang pinamumunuan ng sariling pamahalaan, na umuukupa sa


isang partikular na teritoryo.

_____ 6. Tumutukoy sa mga katubigan, kalupaan, at himpapawirin na saklaw ng


kapangyarihan ng isang bansa.

_____ 7. Ang tagapagpatupad ng mga mithiin ng mamamayan sa isang estado.

_____ 8. Sila ang mga tao na namumuno at pinamumunuan sa isang estado.

_____ 9. Komunidad ng tao na may sapat na bilang upang suportahan ang kanyang
sarili, permanenteng umuokupa ng tiyak na bahagi ng daigdig, malaya sa panlabas
na kontrol at may pamahalaan na sinusunod ng mga naninirahan dito.

_____ 10. Isa itong tiyak na lugar na may malinaw na mga hangganan at
pinaninirahan ng mga mamamayan.

1
II. Tukuyin kung tama o mali ang isinasaad sa bawat bilang. Isulat ang T kung ito
ay tama at M naman kung mali.

_____ 1. Aabot ang bilang ng populasyon sa Pilipinas pagdating ng 2050 ng 125


milyon.

_____ 2. Ang kasalukuyang pangalawang pangulo ng Pilipinas ay si Rodrigo Roa


Duterte.

_____ 3. Ang Pilipinas ay kinikilala bilang isang bansa at estado.

_____ 4. Isang patunay na kinikilala ang pagkabansa ng Pilipinas sa daigdig ay ang


pagtanggap sa Pilipinas bilang kasapi ng mga lapian ng bansa tulad ng Association
of Southeast Asian Nations (ASEAN) at United Nations (UN).

_____ 5. Ang kasalukuyang pangulo ng Pilipinas ay si Leni Robredo.

_____ 6. Ang soberanya ng Pilipinas ay nakamit nito noong Hunyo 4, 1946


matapos mapasakamay ng mga Pilipino ang minimithing kasarinlan nito mula sa
mga dayuhang mananakop.

_____ 7. Ayon sa Philippine Statistical Authority, ang bilang ng populasyon sa


Pilipinas ay tinatayang 109, 362, 810 sa taong 2050.

_____ 8. Mayroong apat (4) na elemento ng estado: mamamayan, teritoryo,


pamahalaan at soberanya.

AP 4 – Bansa at Estado (ANSWERS)


2
I.
1. f
2. d
3. a
4. d
5. f
6. b
7. e
8. a
9. c
10. b

II.
1. T
2. M, ang kasalukuyang pangalawang pangulo ng Pilipinas ay si Leni Robredo
3. T
4. T
5. M, ang kasalukuyang pangulo ng Pilipinas ay si Rodrigo Roa Duterte
6. M, ang soberanya ng Pilipinas ay nakamit nito noong Hulyo 4, 1946
7. M, ito ay bilang ng populasyon sa taong 2020
8. T

You might also like