You are on page 1of 3

Ang Paggawa ng mga Origami

Ang origami ay sining ng pagtitiklop ng papel na nagmula sa bansang Japan. Ang


salitang origami ay galing sa saling “ori” na ang ibig sabihin ay “pagtutupi” at “kami” na
nangangahulugang “papel”. Halika na’t simulan natin ang paggawa ng origaming eroplano.

Eroplanong Origami
1. Una, kumuha ng parisukat na papel.

2. Tiklupin ito sa gitna.

3. Tanggalin ito sa pagkakatupi at ang bakas ang magsisilbing gabay upang malaman ang
gitna ng papel.
4. Tiklupin ang dalawang kanto papunta sa gabay na bakas upang magtagpo ang
dalawang bahagi sa gitna.

5. Tiklupin ang papel pababa upang magtagpo ang taas at ilalim. Dito ay parang
makakabuo ka ng isang sobre.

6. Muling itupi ang dalawang kanto sa itaas.


7. Sa ngayon mayroon kang dalawang bahagi ng papel, tiklupin nang patagilid ang isang
bahagi hanggang sa magkaroon ka ng isang bahagi ng pakpak ng eroplano.

8. Ulitin ang ginawa sa ikalawang bahagi upang makagawa ng isa pang pakpak ng
eroplano.

8. Sa huli, tiklupin sa gitna ang papel, ayusin ang mga


pakpak, at ang iyong eroplanong papel ay gawa na.

You might also like