You are on page 1of 1

Paano Gumawa ng Parol

Ang maikling tekstong ito ay ginawa upang magbigay ng ideya o patnubay


tungo sa tamang proseso at hakbang sa paggawa ng isang parol. Ito ay para sa
sinumang nagnanais gumawa ng isang dekorasyon para sa kanilang interes.
Mga Kakailanganin:
10 piraso ng maliit na nalinisang kahoy mula sa kawayan (1/2 in wide at 12
in long)
5 piraso ng maliiit na nalinisang kahoy ng kawayan( 1/2 in wide at 5 ½ in
long)
Straw(pantali)
Glue gun–glue stick o kahit anong matibay na pandikit
Cellophane sheet o papel
Tissue paper (opsyonal)
karton
Mga Hakbang:
1. Gamit ang straw, itali ang 5 kawayan( (1/2 in wide at 12 in long) sa
pamamaraang mabubuo nito ang hugis ng isang bituwin. Gawin ulit ito sa
isa pang set ng limang kawayan.
2. Pagsamahin ang dalawang bituwin sa pamamagitan ng pagdidikit sa mga ito
gamit ang straw o pantali. Talian ito sa bawat dulo sa pamamaraang hindi
ito makakalas.
3. Ilagay ang mga maliliit na kahoy ( 1/2 in wide at 5 ½ in long) sa pagitan ng
dalawang star (ito’y sa mga limang points sa gitna ng pinagdikit na bituwin).
4. Lagyan ng glue ang mga dulo ng inilagay na kawayan sa gitna upang maging
matibay ito. Talian kung kinakailangan.
5. Gamit ang glue, idikit ang cellophane sheet sa pamamaraang malinis nitong
masusunnod ang hugis ng parol. Gamitin ang diskarte upang mabalot ito ng
mabuti at sa paraang kaaya-aya.
6. Kung mayroon kang tissue paper, guntingin ito sa maliliit na parisukat; gamitin ulit
and diskarte at pagkamalikhain upang idisenyo ito sa pamamaraang sinusunod ang
hugis ng bituin.
7. Lagyan ng pabitin ang dalawang gilid ng parol na pinakamainam paglagyan.
8. Gamit ang karton, gumawa ng parang hugis ng maliit baso.
9. Gamit ulit ang diskarte at pagkamalikhain, gawing disenyo (base sa kagustuhan
mong anyo nito) sa pabitin ang cellophane sheet at tissue paper.
10. Lagyan ito ng tali sa itaas na tusok para may pagsabitan.
Ito ay simpleng hakbang lamang sa paglikha na pwedeng gawing basehan
upang makalikha pa ng mas maganda at kaaya-ayang parol.

You might also like