You are on page 1of 2

PANGALAN:

BAITANG: GT 5

PLANO NG PRYEKTO

Layunin: Makabuo ng simpleng patungan ng Monitor upang makatipid sa espasyo.

Pangalan ng proyekto: Simpleng patungan ng Monitor na gawa sa kahoy

Mga kagamitan:

1. 1 x Kahoy na may sukat na 20in x 10in x 1in (LxWxH)


2. 2 x Kahoy na may sukat na 10in x 5in x 1in (LxWxH)
3. Wood glue
4. Liha
5. Wood clamps
6. 6x 1” Wooden dowels
7. Barnis
8. Lagare
9. Drill
10. Lapis
11. L square o ruler

Pamamaraan:

1. Kung ang iyong kahoy ay hindi pa nakaputol sa tamang sukat. Markahan ang kahot gamit ang
lapis at panukat bago ito putulin ng lagare. Siguraduhing tama ang pagkakasukat upang pantay
ang kalalabasan ng patungan.
2. Pagkatapos putulin, kinis ang mga gilid na pinag putulan gamit ang liha.
3. Pagkatapos kinisin, subukang paglapatin ang mga gilid kahoy upang Makita kung pantay o
kailangan pang ayusin.
4. Pagkatapos pantayin ang mga kahoy, gumawa ng butas (mga kahating pulgada nag lalim) para sa
wooden dowel sa gilid ng mga kahoy napag dudugtungin gamit ang drill. 3 butas sa bawat gilid
na magkakalayo ng 3 pulgada, siguraduhing ang butas ay magkakapantay.
5. Pagakatapos butasan, lagyan ng wood glue ang bawat butas at ilusot ang wooden dowel.
6. Pagkatapos pagdugtungin ang mga kahoy, ipitin ito gamit ang wood clamp para siguradong
mahigpit ang pagkakadikit.
7. Pagkatapos matuyo ng glue, maari ng barnisan ang kahoy para magmukhang makintab at
malinis.

You might also like