You are on page 1of 2

Si Pandoy at ang Bangkang Papel

Ricardo H. Momongan Jr.

Sa isang malayong lugar matatagpuan sa paanan ng bundok Paghihirap ang Sitio Pangarap.
Walang hindi nakakakilala rito sa mag-inang Aling Ola at Pandoy.

Hindi pa man sumisikat ang araw ay todo na sa pagkayod si Aling Ola. Mamimitas na siya ng mga
gulay na kanyang itinitinda sa kabayanan.

“Anak, gumising kana”, papasikat na ang araw sabi ni Aling Ola.

“ Ma, inaantok pa po ako”, sagot ni Pandoy.


“Tumayo na anak, malayo pa ang lalakarin natin. Mahuhuli ka na naman sa klase. Baka
mapagalitan ka na naman ni Mrs. Perpekta”, paalala ni Aling Ola.

“Ayaw ko pumasok Ma”, hirit ni Pandoy.


“Bakit naman anak?”, tugon ni Aling Ola.

“May assignment po kasi kami. Magdala raw po nang laruan. Wala po kasi akong laruan e”,
sambit ni Pandoy.

“Dalhin mo nalang yung lata riyan na gamit niyo pagnaglalaro kayo ng tumbang preso o kaya
naman iyong makinis na bato na pamato sa piko”, sabi ni Aling Ola.

“Nahihiya ako Ma, hindi na lang po ako papasok”, sagot ni Pandoy.

“Tumayo ka na anak, dalian natin ang paglalakad kapag nakabenta na ako ibibili kita ng laruan
sa bayan”, paanyaya ni Aling Ola.

Agad silang nagtungo sa kabayanan. Tinulungan ni Pandoy sa paglalako ang kaniyang ina at
nang mapaubos na nila ang mga gulay na bitbit ay bumili na sila ng laruan.

“Ale, magkano ho itong bangka-bangkaang plastik”, tanong ni Aling Ola.

“Isang daang piso po”, sagot ng Ale.


“Anak, ang mahal pala nang gusto mo”, bulong ng ina kay Pandoy.
“Ou nga po e, wag na lang po”,sagot niya.
“Kailan po ba magpapadala si Papa?”, tanong niya.
“Wag ka nang umasa roon anak. Halika’t bumili na lang tayo ng papel. Gagawan na lang kita ng
bangka gamit ito”, tugon ni Aling Ola.

Bumili sila ng papel at ginawan nga ni Aling Ola si Pandoy ng bangkang papel. Natuwa si Pandoy
at pumasok na rin siya sa eskwelahan.
“ Magandang Umaga mga bata, maari niyo nang ilabas ang mga laruan ninyo. Pagtinawag ang
inyong pangalan pumunta sa harapan, sabihin kung anong laruan ang dala at ilarawan din ito”, utos ni
Mrs. Perpekta.

“Robot ang dala ko, di-baterya ito ,padala ni papa mula sa Amerika”, kuwento ni Mark.
Nagpalakpakan ang buong klase.
“Kotse naman ang dala ko, di-kontrol ito galing kay mama sa Canada”, sabi naman ni Patrick.
Nagpalakpakan muli ang buong klase.
“Bangka naman ang dala ko, gawa ito sa papel hindi na kasi nagpapadala si papa e”, sambit
naman ni Pandoy.
“Hahahahaha”, nagtawan ang buong klase.
“Kaya pala ang pangit na bag at mga damit mo”, sigaw ni Patrick.
“Hahahahaha”,nagtawanan muli ang buong klase.
“Pandoy badoy! Pandoy badoy”, hirit ni Mark.
“ Magsitahimik nga kayo”, sigaw ni Mrs. Perpekta.

Malungkot na umuwi si Pandoy dahil sa nangyari. Naglakad siyang nag-iisa sa daan. Napansin ito
ng grupo nina Mark at Patrick kaya’t sinabayan nila si Pandoy sa paglalakad. Kasabay ang pagsigaw ng;

“Pandoy badoy! Pandoy badoy”.


Tuwang-tuwa sila kakasigaw rito, pinaulit-ulit nila ito hanggang mapatakbo na lamang si Pandoy
habang umiiyak, bitbit ang kanyang bangkang papel.

Biglang bumuhos ang ulan. Kumidlat.Kumulog. Binilisan ni Pandoy ang kangyang pagtakbo.
Basang-basa siya nang makauwi sa kanilang tahanan.
“Anak, bakit ka nag-paulan at bakit na mumula rin iyang mata mo”, tanong ng kanyang ina.
“Ayaw ko na sa bangkang papel na ito”, tugon ni Pandoy.
Lumabas siya ng bahay. Pumunta siya sa tabi ng ilog. Humupa na ang ulan noon ngunit patuloy
pa rin ang pagragasa ng tubig sa sapa.
Pinalaya na niya ang bangkang papel.

“Balang araw magkakaroon din ako ng bangka na yari sa bakal at hindi na sa papel. Magiging
drayber ako nito, gagayahin ko si papa. Pangako iyan mag-aaral ako nang mabuti”, bulong niya sa sarili
habang tinititignan ang inaagos at unti- unting nalulusaw na bangkang papel.

You might also like