You are on page 1of 27

9

Filipino
Kwarter 1 – Modyul 5:
Banghay ng Maikling Kuwento
Filipino – Baitang 9
Kwarter 1 – Modyul 5: Banghay ng Maikling Kuwento

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Panrehiyong Direktor: Gilbert T. Sadsad


Kawaksing Panrehiyong Direktor: Jessie L. Amin

Mga Bumuo ng Modyul

Manunulat: Aileen B. Forescal


Editor: Elisa E. Rieza
Tagasuri: Nora J. Laguda
Elisa E. Rieza
Tagaguhit: Jotham D. Balonzo
Tagalapat: Rey Antoni S. Malate; Jotham D. Balonzo; Brian Navarro
Paunang Salita

Bilang tugon sa makabagong tunguhin sa pagkatuto ay binuo ang serye ng


modyul na ito. Nilalaman nito ang mga lubhang mahahalagang kasanayang
pampagkatuto o Most Essential Learning Competencies (MELC) sa ilalim ng
kasalukuyang kalagayan ng edukasyon. Upang matugunan ang hamong
kinakaharap sa edukasyon, kalusugan at kaligtasan malaking tulong ang modyul na
ito sa patuloy na pag-aaral ng kabataan sa loob at labas ng paaralan sa
pakikipagtulungan ng mga magulang at tagagabay
Inaasahan na ang modyul na ito ay higit na makatutulong sa paglinang ng
kasanayan at kakayahan ng mga mag-aaral.

Para sa Tagagabay:

Upang lalong kagiliwan ng mag-aaral at maging kapaki-


pakinabang ang modyul na ito, tiyaking makapagbigay ng oryentasyon sa
mga mag-aaral, magulang, o sinomang miyembro ng pamilya kung paano
gagamitin at iingatan ang modyul na ito.
Ipabatid na kailangang magkaroon ng sariling sagutang papel ang
bawat mag-aaral para sa paunang pagsubok, mga gawain sa bawat
bahagi at panapos na pagsubok. Kung tapos nang sagutin ang modyul na
ito, ipaalala sa mag-aaral na kaagad itong ibalik sa guro para sa
kaukulang tunguhin.

Para sa mag-aaral:

Inihanda ang modyul na ito para sa iyo.


Kailangan mong sundin at saguting mag-isa ang
mga gawaing nasa loob nito. Huwag kang mag-
alala, kayang-kaya mo ito. Tiniyak kong
matutuwa ka habang natututo.

Ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mong


susulatan at iwasang mapunit ang mga pahina.
Gumamit ka ng sagutang papel o ang iyong
kuwaderno. Sige, simulan na natin!

ii
Banghay ng Maikling Kuwento

Panimula:

Hilig mo ba ang pagbabasa ng mga kuwento?


Tuwing nagbabasa ka nauunawaan mo ba ang
nilalaman nito? Kung Oo ang sagot mo tiyak na
kagigiliwan mo ang aralin na iyong pag-aaralan ngayon.

Sa modyul ito, susuriin mo maikling kuwento batay sa paksa, mga


tauhan, pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari at estilo ng pagsulat ng
awtor. Ang mga kuwentong ating nababasa at napapanood ay naglalaman
ng mensahe na nais ipaabot ng manunulat. Maaari nating tingnan ang
bawat detalye o bahagi ng isang akda at ang ibubunga nito batay sa estilo
ng manunulat. Kung paano niya pinapagalaw at binibigyang buhay ang
mga tauhan ayon sa paksa.

Huwag kang mag-alala, huli ka man o una sa pagbabasa ng modyul


na ito wala kang talo! Iyan ang totoo. Kaya kung sabik ka nang matuto ng
bagong aralin, ano pang hinihintay mo. Halika! Umpisahan na natin.

Sa modyul na ito inaasahan na nasusuri


mo ang maikling kuwento batay sa
paksa, mga tauhan, pagkakasunod-
sunod ng mga pangyayari, estilo sa
pagsulat ng awtor Layunin

1
Ito ang mga bagong salita na
dapat mong kilalanin para sa araling ito.

Basahin natin.

Talasalitaan

Salita Kahulugan
Banghay Pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari sa kuwento.
Tauhan Mga gumanap sa kuwento
Suliranin Problemang haharapin ng mga
tauhan
Saglit na Kasiglahan Naglalahad ng panandaliang
pagtatagpo ng mga tauhang
masasangkot sa suliranin.
Tagpuan Nakasaad ang lugar na
pinangyarihan ng mga aksiyon o
insidente, gayundin ang panahon
kung kalian naganap ang kuwento.
Kakalasan Tulay sa wakas.
Paksang-diwa Pinaka-kaluluwa ng kuwento

2
Ano ba ang alam mo na sa ating aralin,
subukin mo nga?

Panimulang Pagsubok

Basahin at Unawain.

Bangkang Papel
ni Genoveva Edrosa-Matute
(Bahagi Lamang)

Nagkatuwaan ang mga bata sa pagtatampisaw sa baha. Ito ang


pinakahihintay nilang araw mula nang magkasunud-sunod ang pag-ulan.
Alam nilang kapag iyo‟y nagpatuloy sa loob ng tatlong araw ang lansangang
patungo sa laruan ay lulubog. At ngayon, ay ikalimang araw nang walang
tigil ang pag-ulan.
Ilang maliliit na bata ang magpapalutang ng mga bangkal papel,
nariyang tinatangay ng tubig, naroong sinasalpok at inilulubog, nariyang
winawasak.
Sa tuwi akong makakikita ng bangkang papel ay nagbabalik sa aking
gunita ang isang batang lalaki. Isang batang lalaking gumawa ng tatlong
malalaking bangkang papel na hindi niya napalutang sa tubig kailanman...

- AlmaeSolaiman. “BANGKANG PAPEL”.


-
1. Tungkol saan kaya ang kuwento?
2. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?
3. Saan nangyari ang kuwento?
4. Sino ang nagsasalita sa akda?
5. Paano isinulat ng awtor ang kuwento?

Binabati kita. Natapos mo ang unang pagsubok.


Alamin natin sa pahina 21 ang wastong sagot sa mga tanong.
Saang antas ka nabibilang?
5 tamang sagot – NAPAKAHUSAY
3-4 tamang Sagot – MAGALING
1-2 tamang sagot – PAGBUBUTIHAN PA
0 tamang sagot – KAYA MO YAN

3
O, diba kayang-kaya mong suriin ang maikling
kuwento?

Simula pa lang yan.

Halika, basahin ang kabuuan ng kuwento.

Mga Gawain sa Pagkatuto:


Basahin mo.
Bangkang Papel
ni Genoveva Edrosa-Matute
(Bahagi Lamang)

Isang batang lalaking nagising sa isang gabi, sa mga dagundong na


nakagugulat.
Sa loob ng ilang saglit, ang akala niya‟y Bagong Taon noon. Gayon
ding malalakas na ugong ang natatandaan niyang sumasalubong sa Bagong
Taon. Ngunit pagkalipas ng ilan pang saglit, nagunita niyang noon ay wala
nang ingay na pumapatak mula sa kanilang bubungan.
Sa karimla‟y pinalaki niya ang dalawang mata, wala siyang makitang
ano man maliban sa isang makitid na silahis. Hindi niya malaman kung
alin ang dagundong ng biglang pumuno sa bahay ang biglang pagliliwanag.
Gulilat siyang nagbalikwas at hinanap nang paningin ang kanyang ina.

Nasaan kaya ang kanyang ina?

Tama! Inayos ng kanyang ina ang kanilang bahay.

Nagsunud-sunod ang tila malalaking batong gumugulong sa kanilang


bubungan. Ang paggulong ng mga iyo‟y sinasaliwan ng pagliliwanag at
pagdidilim ng bahay, ng pagliliwanag na muli. Samantala‟y patuloy ang
pagbuhos ng ulan sa kanilang bubungan, sa kanilang paligid, sa lahat ng
dako.
Muling nahiga ang nagbalikwas at ang tinig niya ay pinatalagos sa
karimlan.
“Inay, umuulan, ano?”
“Oo, anak, kangina,” anang tinig mula sa dulo ng hihigan.
“Inay,” ang ulit niya sa karimlan, “dumating na ba ang Tatay?”

4
Sumagot ang tinig ngunit hindi niya maunawaan. Kaya‟t itinaas niya
nang bahagya ang likod at humilig sa kaliwang bisig. Sa kanyang tabi‟y
naroon ang kapatid na si Miling. Sa tabi nito‟y nabanaagan niya ang
katawan ng ina, at sa kabila naman nito‟y nakita niya ang banig na walang
tao.

Anong uri ng panahon ang inilalarawan?

Mahusay! Ang uri ng panahon ay nagbabanta ang masamang


panahon may kalamidad na paparating.

Ibinaba niya ang likod at iniunat ang kaliwang bisig. Naramdaman


niya ang sigis ng lamig ng kanyang buto. Mula sa nababalot na katawan ni
Miling ay hinila niya ang kumot at ito‟y itinakip sa sariling katawan.
Bahagyang gumalaw ang kapatid, pagkatapos ay nagpatuloy sa hindi
pagkilos. Naaawa siya kay Miling kaya‟t ang kalahati ng kumot ay ibinalot
sa katawan niyon at siya‟y namaluktot sa nalabing kalahati.

Naaawa siya kay Miling kaya‟t ang kalahati ng kumot ay ibinalot sa


katawan niyon at siya‟y namaluktot sa nalabing kalahati.
Naramdaman niya ang panunuot ng lamig sa kanyang likod. Inilabas niya
ang kanang kamay sa kumot at kinapa ang banig hanggang sa maabot niya
ang sahig.

Anong lamig sa sahig, ang naisip niya, at ang kanang kamay ay dali-daling
ipinasok muli sa kumot.
“Inay,” ang tawag niyang muli, “bakit wala pa si Tatay? Anong oras na ba?”

Bakit kaya wala pa si Tatay?

Tumpak! Wala pa ang tatay dahil ito ay may inaasikaso sila ng


kanyang mga kasama pero sa hindi malamang dahilan ng kanyang ina.

“Ewan ko,” ang sagot ng kanyang ina. “Matulog ka na, anak, at bukas
ay magpapalutang ka ng mga bangkang ginawa mo.”
Natuwa ang bata sa kanyang narinig.

Magkakarerahan kami ng bangka ni Miling, ang aki‟y malalaki‟t


matitibay...hindi masisira ng tubig.

5
Dali-dali siyang nagbangon at pakapa-kapang sumiksik sa pagitan ng
kapatid at ng kanyang kausap. Idinaan niya ang kanyang kamay sa pagitan
ng baywang at bisig ng ina. Naramdaman niya ang bahagyang pag-aangay
ng kaliwang bisig niyon. Ang kanang kamay noo‟y ipinatong sa kanyang ulo
at pabulong na nagsalita:
“Siya, matulog ka na.”

Ngunit ang bata‟y hindi natulog. Mula sa malayo‟y naririnig niya ang
hagibis ng malakas na hangin. At ang ulang tangay-tangay noon.

“Marahil ay hindi na uuwi ang Tatay ngayong gabi,” ang kanyang


nasabi. Naalala niyang may mga gabing hindi umuuwi ang kanyang ama.

“Saan natutulog ang Tatay kung hindi siya umuuwi rito?” ang tanong
niya sa kanyang ina. Ngunit ito‟y hindi sumagot.

Sinipat niya ang mukha upang alamin kung nakapikit na ang


kanyang ina. Ngunit sa karimlan ay hindi niya makita.

Bago siya tuluyang nakalimot, ang kahuli-hulihang larawan sa


kanyang balintataw ay ito. Tatlong malalaking bangkang yari sa papel na
inaanod ng baha sa kanilang tapat...

At samantalang pumapailanlang sa kaitaasan ang kahuli-hulihang


pangarap ng batang yaon, ang panahon ay patuloy sa pagmamasungit. Ang
munting bahay na pawid ay patuloy sa pagliliwanag at pagdidilim, sa
pananahimik at pag-uumugong, sa pagbabata ng walang awang hampas ng
hangin at ulan...

Ano kayang naramdaman ng bata habang


nagplaplano ng gawain kinabukasan?

Tama ang iyong sagot! Masayang-masaya ang bata at nasabik sa


sinabi ng kanyang ina na magpapalutang siya ng bangkang papel na ginawa
niya.

Ipagpatuloy mo ang
pagbasa at sagutin ang mga tanong.

6
Ang kinabukasan ng pagtatampisaw at pagpapaanod ng mga
bangkang papel ay dumating... Ngunit kakaibang kinabukasan.

Pagdilat ng inaantok pang batang lalaki ay nakita niyang nag-iisa siya


sa hihigan. Naroon ang kumot at unan ni Miling at ng kanyang ina.
Pupungas siyang bumangon.

Isang kamay ang dumantay sa kanyang balikat at nang magtaas ng


paningin ay nakitang yao‟y si Aling Berta, ang kanilang kapitbahay.
Hindi niya maunawaan ang tingin noong tila naaawa.

Biglang-biglang naparam ang nalalabi pang antok. Gising na gising


ang kanyang ulirat.

Naroon ang asawa ni Aling Berta, gayon din sina Mang Pedring, si
Aling Ading, si Feli, at si Turing, si Pepe. Nakita niyang ang kanilang bahay
ay halos mapuno ng tao.

Nahihintakutang mga matang humanap kay kay Miling at sa ina. Sa


isang sulok, doon nakita ng batang lalaki ang kanyang ina na nakalikmo sa
sahig. Sa kanyang kandungan ay nakasubsob si Miling. At ang buhok nito
ay walang tigil na hinahaplus-haplos ng kanyang ina.
Ang mukha ng kanyang ina ay nakita ng batang higit na pumuti
kaysa rati. Ngunit ang mga mata noo‟y hindi pumupikit, nakatingin sa wala.
Patakbo siyang lumapit sa ina at sunud-sunod ang kanyang pagtatanong.
“Bakit, Inay, ano ang nangyari? Ano ang nangyari, Inay? Bakit maraming
tao rito?”

Ano kaya ang suliraning kinaharap ng tauhan batay sa


talatang binasa?

Ang galing! Ang suliraning kinaharap nito batay sa talata sa itaas ay


nang napatay ang labinlima at kabilang ang kanyang tatay dahil
nagkaroon ng sagupaan sa labas ng bayan... sagupaan ng mga kawal at
taong-bayan.
Ngunit tila hindi siya narinig ng kausap. Ang mga mata noo‟y patuloy
sa hindi pagsikap. Ang kamay noo‟y patuloy sa paghaplos sa buhok ni
Miling.
Nagugulumihang lumapit ang bata kina Mang Pedring at Aling Feli. Ang
pag-uusap nila‟y biglang natigil nang siya‟y makita.

7
Wala siyang narinig kundi... “Labinlimang lahat ang nangapatay...”
Hindi niya maunawaan ang ang lahat. Ang pagdami ng tao sa kanilang
bahay. Ang anasan. Ang ayos ng kanyang ina. Ang pag-iyak ni Aling Feli
nang siya ay makita.

Sa pagitan ng mga hikbi, siya‟y patuloy sa pagtatanong...


“Bakit po? Ano po iyon?”

Walang sumasagot sa kanya. Lahat ng lapitan niya‟y nanatiling pinid


ang labi. Ipinatong ang kamay sa kanyang balikat o kaya‟y hinahaplos ang
kanyang buhok at wala na.

Hindi niya matandaan kung gaano katagal bago may nagdatingan


pang mga tao.

“Handa na ba kayo?” anang isang malakas ang tinig. “Ngayon din ay


magsialis na kayo. Kayo‟y ihahatid ni Kapitan Sidro sa pook na ligtas.
Walang maiiwan, isa man. Bago lumubog ang araw sila‟y papasok dito...
Kaya‟t walang maaaring maiwan.”
Matagal bago naunawaan ng bata kung ano ang nangyari.

Bakit kaya nila kinailangang umalis?

Magaling ang iyong sagot! Kinakailangan nilang umalis sa nayon


upang sila ay hindi madamay sa nangyari at para na rin sa kanilang
kaligtasan.

Sila‟y palabas na sa bayan, silang mag-iiba, ang lahat ng kanilang


kapitbahay, ang maraming-maraming tao, at ang kani-kanilang balutan.
Sa paulit-ulit na salitaan, sa sali-salimbayang pag-uusap ay nabatid niya
ang ilang bagay.

Sa labinlimang nangapatay kagabi ay kabilang ang kanyang ama...sa


labas ng bayan...sa sagupaan ng mga kawal at taong-bayan.
Nag-aalinlangan, ang batang lalaki‟y lumapit sa kanyang ina na mabibigat
ang mga paa sa paghakbang.

“Inay, bakit pinatay ng mga kawal ang Tatay? Bakit? Bakit?”

8
Ang mga bata noong nakatingin sa matigas na lupa ay isang saglit na
lumapit sa kanyang mukha. Pagkatapos, sa isang tinig na marahang-
marahan ay nagsalita.

“Iyon din ang nais kong malaman, anak, iyon din ang nais kong
malaman.”
Samantala...

“Iyon din ang nais kong malaman, anak, iyon din ang nais kong
malaman.”
Samantala...
Sa bawat hakbang na palayo sa bahay na pawid at sa munting bukid
na kanyang tahanan ay nararagdagan ang agwat ng ulila sa kanyang
kabataan.
Ang gabing yaon ng mga dagundong at sigwa, ng mga pangarap na
kinabukasan at ng mga bangkang papel – ang gabing yaon ang kahuli-
hulihan sa kabataang sa sansaglit lamang tumagal. Ang araw na humalili‟y
tigib ng pangamba at ng mga katanungang inihahanap ng tugon.
Kaya nga ba‟t sa tuwi akong makakikita ng bangkang papel ay nagbabalik
sa aking gunita ang isang batang lalaki. Isang batang lalaking gumawa ng
tatlong malalaking bangkang papel na hindi niya napalutang kailanman...

Ano ang naaala ng nagsasalita sa kuwento tuwing siya


ay makakakita ng bangkang papel?

Tama! nagbabalik sa kanyang gunita ang isang batang lalaki. Isang batang
lalaking gumawa ng tatlong malalaking bangkang papel na hindi niya
napalutang kailanman.
- AlmaeSolaiman. “BANGKANG PAPEL”.

9
Ipagpatuloy mo.

Sa paanong paraan mo nasuri


ang maikling kuwento batay sa
paksa, mga tauhan,
Nasuri ko ang maikling kuwento
pagkakasunod-sunod ng mga
batay sa paksa, mga tauhan,
pangyayari, at estilo sa
pagkakasunod-sunod ng mga
pagsulat ng awtor?
pangyayari at estilo sa pagsulat ng
awtor sa pamamagitan ng pagbasa at
pag-unawa sa kabuuan ng kuwento.

Ano ang kahalagahan ng


pagkakaroon ng kaalaman sa
pagsusuri ng maikling kuwento sa
iyong pang-araw-araw na buhay?

Mahalaga ang pagkakaroon ng kaalaman sa


pagsusuri ng maikling kuwento, sapagkat sa
tulong nito ay mas nauunawaan natin ang
kabuuang nilalaman ng kuwentong binabasa
natin.

10
Ngayon balikan mo ang ginawa nating gawain.

Tungkol saan kaya ang kuwento?

Magaling! Ang kuwento ay tungkol sa isang


batang gumawa ng tatlong malalaking bangkang
gawa sa papel na hindi napalutang ng bata.

Paano inilarawan/ipinakilala ang mga tauhan?

Mahusay! Inilarawan ang mga tauhan sa pamamagitan


ng pagbanggit sa kanilang mga karakter, gawi o kilos at mga
katangian.

Yehey! Nakapagsuri ka na ng maikling kuwento batay sa paksa, mga


tauhan,
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari at estilo sa
pagsulat ng awtor maaari mo nang gawin ang
sumusunod na mga pagsasanay.

Ano’ng mahahalagang impormasyon ang iyong nalaman?

Makatutulong kaya ang mga ito sa iyong pag-aaral?

Markahan sa ibaba ang antas ng iyong pagkaunawa:

Lubos na naunawaan
Naunawaan
Naguluhan

11
Simulan mo na ang iba’t ibang gawain.

Basahing mabuti ang mga pangungusap sa


ibaba.
___________________________________
Pagsasanay 1

Ang Saranggola
ni Efren Abueg
(Bahagi Lamang)

“Anak, pag-aralan mo na lamang mapalipad ang saranggola nang


mataas. Madadaig mo ang taas at tagal ng lipad ng guryon!”

Nainis ang bata sa kanyang ama.

“Kinakantyawan ako sa bukid, Tatay,” anang bata. “Anak daw ako ng


may-ari ng kaisa-isang istasyon ng gasolina sa bayan… bakit daw kay liit ng
saranggola ko!”

Nagtawa ang ama at tinapik na naman sa balikat ang anak.

Tinuruan nga ng ama ang bata ng higit na mataas na pagpapalipad


ng saranggola, pati na ang pagpapatagal niyon sa kalawakan. Nalagpasan
nga ng saranggola niya ang ilang guryon. Ang iba namang guryon na
lumipad nang pagkataas-taas ay nalagutan ng tali at nagsibagsak, bali-bali
ang mga tadyang, wasakwasak.

Minsan sa pagpapataas ng lipad ng kanyang saranggola, napatid ang


tali niyon. Umalagwa ang saranggola. Hinabol nilang mag-ama iyon at
nakita nilang nakasampid sa isang balag.

“Tingnan mo…hindi nasira,” nagmamalaking wika ng ama. “Kung


guryon „yan, nawasak na dahil sa laki. Kaya tandaan mo, ang taas at tagal
ng pagpapalipad ng saranggola ay nasa husay, ingat at tiyaga. Ang malaki
ay madali ngang tumaas, pero kapag nasa itaas na, mahirap patagalin doon
at kung bumagsak, laging nawawasak.”
-Percival Cruz. “Saranggola”.

12
Panuto: Batay sa maikling kuwentong binasa, suriin ang paksa, mga
tauhan, pagkakasunod-sunod ng pangyayari at estilo ng awtor. Isulat ang
sagot sa iyong kuwaderno.

Paksa:

Tauhan:

Pagkakasunod-sunod ng Pangyayari:

Estilo ng awtor:

Kamusta ang unang pagsasanay? MADALI ba o MAHIRAP?


Tingnan ang sagot sa pahina 21.
Nakuha mo bang lahat ng wastong sagot sa pagsasanay 1?
Kung nakuha mo nang lahat, ikaw ay MAHUSAY!
Maaari mo nang gawin ang Pagsasanay 2.
Kung mababa sa 3, balikan mong muli ang hindi mo nakuha at pag-aralang
muli at pagkatapos, magpatuloy na sa pagsasanay 2.

Dahil madali mo lang nasagutan


Pagsasanay ang unang pagsasanay, heto pa
2 ang isa pang gawaing
magpapatibay ng iyong kaalaman.

Basahin at Unawain.

Mali ba?
Nang gabing iyon ay imiiyak ang aking asawa habang mahigpit na yakap-
yakap ang anak naming si Jonathan na nakahiga at nagpapahinga sa kama nito.
Dinadampian niya ng isang telang may tipak na yelo ang bukol sa noo ng aming
anak. Sa gilid ng tainga’y mababakas pa ang natuyong dugo. May mga gasgas din
siya sa iba’t ibang bahagi ng mukha at katawan. Sa biglang tingin ay mahuhulaang
napasubo sa babagan ang aking anak.

13
Subalit hindi siya ang tipo ng lalaking inaasahang mangunguna sa babagan.
Matangkad ngunit patpatin ang katawan dahil bukod sa may kahinaang kumain ay
wala ring gaanong hilig sa esports maliban na lamang sa pagsunod sa ilang larong
required kunin sa P.E. gayunman, kung ano ang kakulangan sa pangangatawan ay
siya naming liksi ng isipan. Isa ito sa pangunahing miyembro ng Debate Club,
lagging nangunguna sa klase at editor in chief ng kanilang pahayagang
pampaaralan. Dahil sa exposure niya sa iba’t ibang organisasyong sinasaniban at
pagbabasa nang madalas ay naging idealistic ang aking anak. May mga prinsipyo at
paniniwala siyang madalas binabanggit na alangan sa kanyang murang edad.
At ito nga ang dahilan kung bakit siya may bukol at sugat sa ulo ngayon. Hindi
lang iyon. Marahil kung nahuli-huli lang ng konti ang mga pulis na sumaklolo,
malamang ay malamig na bangkay na rin ngayon ang aking anak.
“Mali po ba ang ginawa ko Dad?” ang tanong ni Jonathan ay nagpapabalik sa
akin sa kasalukuyan.
Napatingin ako sa mukha ng aking anak at Nakita ko ang pagkalito nito.
Napabuntunghininga ako. Sa totoo’y hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin.
Lalo lamang napaiyak ang aking kabiyak na tulad ko’y hindi makahuma sa
tanong ng aming anak.
Binalikan ko ang mga pangyayari sa hapong iyon ayon sa pagkakasalaysay ni
Jonathan habang ginagamot sa kalapit na ospital. May pulis ding naka-eskort sa
amin at isinusulat ang mga sinasabi ng aking anak.
“Pauwi na ako galling sa eskuwelahan at nakapila sa paradahan ng mga FX
Taxi. Sa gawing harap ko’y may isang babaeng tingin ko’y may mahigit apatnapung
taong gulang. Nakasukbit sa kanyang balikat ang bag at may bitbit pang isang
grocery bag. Maya-maya’y narinig kong tumunog ang kanyang cellphone. Dali-dali
itong kinuha ng babae sa kanyang bag at nang maapuhap ay sinagot agad ang
tawag habang wala sa loob na inilapag ang shoulder bag sa tabi ng grocery bag.” Sa
gawing iyon ng pagsasalaysay ay napangiwi ang aking anak dahil sa hapdi ng
gamut na ipinahid ng nars sa kanyang sugat sa tabi ng tainga.
Marahang lumapit ang aking kabiyak at hinawakan ang kamay ng aming
anak. Mababanaag sa mukha nito ang matinding awa sa nakikitang kalagayan ng
anak.
“Mayamaya’y isang lalaki ang lumapit at walang sabi-sabing hinablot ang
telepono at bag ng babae. Sumigaw ang babaeng naagwan kaya’t bigla akong nag-
isip ng gagawin para makatulong. Bago pa nakatakbo ang isnatser ay pinatid ko ang
paa niya at nang mapatihaya’y sinunggaban ko ang bag at ang telepono. Subalit
hindi pala siya nag-iisa. Katunaya’y ni hindi ko malaman kung saan nanggaling ang
malaks na kamaong dumapo sa tagiliran ng aking tainga at ang pang sumipa sa
aking noo. Nakaramdam nalang ako ng pagkahilo at matinding sakit ng ulo lalo nan
ang itulak ako at sumadsad sa magaspang na semento.”
Humihingal si Jonathan kaya’t sinenyasan siya ng nars na huminto muna sa
pagsasalita. Iniaabot sa kanya ang isang basong tubig at matapos itong inumin ay
nagpatuloy sa pagsasalaysay.

14
“Ang nakapagtataka’y wala ni isang kumilos upang ipagtanggol ako sa mga
kumuyog sa akin. Iyon pala’y dahil armado ang mga lalaking nakaengkwentro ko.
Itinutok ng isa ang baril sa aking ulo. Napapikit na lamang ako at naghintay sa
pagputok ng baril nang biglang umalingawngaw ang sirena ng sasakyan ng mga
pulis. Biglang nagpanakbuhan ang mga isnatser at doon lamang ako nadamayan ng
mga taong nasa pila. Ang masaklap ay ni ayaw na ng babaeng naagawan ng
teleponon at bag na magreklamo pa dahil nabalik na raw ang mga gamit niya at
makakaabala raw ito sa kanya. Mabuti at napilit din siya ng mga pulis. Kailangan
daw managot sa batas ang mga taong iyon.” Napabuntunghininga ang aking anak
bago nagpatuloy sa matigas na tingi. “At ako man ay magrereklamo dahil sa ginawa
nila sa akin. Kung mananatili silang nakalalaya ay tiyak na marami pa silang
bibiktimahin.”

Sa pagkakataong iyo’y naramdaman ko na lamang ang pagkuyom ng aking


mga kamao. Galit ang umiral sa akin. Hindi ko namalayang may namuong luha sa
aking mga mata. Awang-awa ako sa aking anak. Isinugal niya ang kanyang buhay
sa pagtulong sa isang babaeng ni ayaw maabala sa pagrereklamo sa mga taong
nagtangkang umagaw sa kanyang mga gamit. Isang labing-anim na taong binatilyo
ang nagtangkang pumigil sa mga masasamang loob at ni hindi nakakuha ng suporta
mula sa iba pang taong naroon dahil na rin sa takot para sa kani-kanilang buhay.
Ano ang isasagot ko sa tanong ng aking anak?” mali ba ang ginawa ko Dad?”
umaalingawngaw sa aking pandinig ang tanong na ito subalit hindi ako handnag
sumagot. Ayokong malagay muli sa peligro ang buhay ng aking anak subalit ayoko
ring tuluyang mawala ang paniniwala niya sa likas na kabutihan ng tao at sa
pagdamay sa kapwa sa oras ng pangangailangan.
Nananatiling nakabitin ang kasagutan ko sa katanungan ni Jonathan. Sana,
sa pag-usad ng panahon ay masagot ko nang diretso ang aking anak. Umaasa
akong iiral ang likas na kabutihan ng tao at mawawala ang mga salot na handing
gawin ang lahat para lamang sa buktot at makasariling layunin. Umaasa akong ang
bawat isang naaagrabyado tulad ng babaeng naagawan ng gamit ay matutong
manindigan upang maipatupad ang batas at nang hindi manaig ang kasamaan.
Umaasa akong may mga taong dadamay sa mga tulad ng aking anak na handing
tumulong nang hindi iniisip ang sariling kaligtasan. Umaasa ako ng isang payapang
bayan at ng isang pamahalaang handang ipagtanggol ang kanyang mga
mamamayan sa mga may masasamang kalooban. Kapag natupad na ang mga pag-
asam na ito, maaaring makapagbigay na rin ako ng isang diretsong kasagutan sa
katanungan ng aking anak.
-Alma M. Dayag
Baisa Aileen G.et.al., Pluma Wika at Panitikan para sa Mataas na Paaralan. 124-126

15
Panuto: Suriin ang paksa, mga tauhan, pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari, estilo sa pagsulat ng awtor batay sa maikling kuwentong
binasa.

Paksa

Mga Tauhan

Pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari
Estilo sa pagsulat ng awtor

Ang galing-galing mo! Natapos mo ang Pagsasanay 2.

Saang pagsasanay ka nahirapan? Pagsasanay 1 Pagsasanay 2

Gayunpaman binabati kita sa iyong tagumpay.

Basahin at Unawain. Pagsasanay 3

Nang Minsang Naligaw si Adrian

Bunsong anak si Adrian sa tatlong magkakapatid. Siya lamang ang


naiba ang propesyon dahil kapwa abogado ang dalawang nakatatanda sa
kaniya. Dahil may kaya sa buhay ang pamilya, natupad ang pangarap
niyang maging isang doktor.
Lumaki siyang punong-puno ng pagmamahal mula sa kaniyang mga
magulang at mga kapatid na nakapag-asawa rin nang makapagtapos at
pumasa sa abogasya. Naiwan siyang walang ibang inisip kundi mag-aral at
pangalagaan ang kaniyang mga magulang.
Matagumpay niyang natapos ang pagdodoktor at hindi nagtagal ay
nakapagtrabaho sa isang malaking ospital. Ngunit sadya yatang itinadhana
na matapos ang dalawang taon mula nang siyang maging ganap na doktor,

16
pumanaw ang kaniyang pinakamamahal na ina. Naiwan sa kaniya ang
pangangalaga ng ama na noon ay may sakit na ring iniinda.
Malimit siyang mapag-isa sa tuwing nabibigyan ng pagkakataong
makapagpahinga dulot na rin ng hindi niya maiwan-iwanan na ama. Naisin
man niyang magtrabaho at manirahan sa ibang bansa katulad ng kaniyang
mga kapatid, ang katotohanang may nakaatang na responsibilidad sa
kaniyang balikat ang pumipigil sa kaniyang mangibang-bayan upang
manatili sa piling ng ama at alagaan ito hanggang sa kahuli-hulihang yugto
ng kaniyang buhay.
Inggit na inggit siya sa mga kasabayang doktor na nasa kanila nang
lahat ang luho at oras na makahanap ng babaing makakasama
habambuhay. Ayaw rin niyang mapag-isa baling-araw kapag nawala na ang
kaniyang ama.
Isang araw, habang nagpapahinga matapos ang halos limang oras
naoperasyon, nakatanggap siya ng tawag mula sa kasambahay na
sinusumpong ng sakit ang kaniyang ama. Nagmadali siyang umuwi at sa
kabutihang palad, naagapan naman niya ang ama.

Bahay. Ospital. Bahay. Ospital. Paulit-ulit na takbo ng buhay na


pakiramdam ni Adrian ay matatapos lamang kapag tuluyan nang mawala
ang kaniyang ama. Hindi niya namamalayan, unti-unti niyang
nararamdaman ang pagkaawa sa sarili. Nais niyang makawala sa
responsibilidad at magkaroon ng panahon para sa sarili.

“Daddy, patawad po. Nais ko lamang na lumigaya sa buhay. Nasa


katanghalian na po ako ng buhay ko. Ayaw ko pong mag-isa balang araw
kapag kayo‟y nawala.”
Dahan-dahan niyang binuhat ang ama na halos hindi na
makapaglakad nang maayos. Pinasan niya ang ama at isinakay sa kaniyang
kotse. Walang imik na sumama ang ama.
Naglakbay sila nang halos isang oras. Nang sila‟y nakarating sa isang
lugar, huminto ang kotse at pinasan ni Adrian ang ama. Tinunton nila ang
daan papasok sa isang kagubatan. Mabigat ang ama kaya paminsan-
minsan ay tumititigil sila sa lilim ng puno upang magpahinga. Wala pa ring
imik ang ama habang binabali ang maliliit na sanga. Napansin niyang
tumutulo ang luha ng anak.

“Bakit ka umiiyak?” tanong ng ama kay Adrian.


“Wala po, Dad.”
Nagpatuloy sa paglalakad si Adrian na pasan-pasan ang ama. Patuloy
rin ang pagtulo ng kaniyang luha. Alam niyang labag sa kaniyang kalooban
ang kaniyang gagawin. Maraming beses din silang tumigil upang
magpahinga at paulit-ulit din ang pagbabali ng ama ng maliliit na sanga ng

17
puno. Napansin ito ni Adrian.

“Bakit n‟yo po binabali ang mga sanga ng puno sa tuwing tayo‟y


nagpapahinga, Dad?,” tanong ni Adrian.

Tumugon ang ama na may ngiting namutawi sa kaniyang labi.

“Alam ko nais mo akong iligaw sa loob ng kagubatan. Anak,


palatandaan ito na dito tayo dumaan, para sa pagbalik mo ay hindi ka
maliligaw.”

Lalong bumilis ang pag-agos ng luha ng binata. Walang kaimik-imik,


muling pinasan ni Adrian ang ama at natagpuan ang sariling bumabalik sa
lugar kung saan sila nanggaling.

Alam ni Adrian na hindi na siya maliligaw. Hinding-hindi na.

- Peralta Romulo N.et.al., Panitikang Asyano 9. 19-21.

Panuto: Suriin ang paksa, mga tauhan, pagkakasunod-sunod ng mga


pangyayari, estilo sa pagsulat ng awtor batay sa maikling kuwentong binasa
sa itaas. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

Bilib na talaga ako sa iyo. Nasagutan mo lahat na


pagsasanay. Iwasto mo ang iyong mga kasagutan sa pahina 22.
Anong naramdaman mo matapos malaman ang
resulta ng iyong pagsisikap?

  

18
Ang bahaging ito ng modyul ay susukat sa
mga natutuhan mo sa loob ng aralin. Huwag kang
matakot dahil alam kong kayang-kaya mo ito.
Huling pagsubok na lamang ito na kailangan mong
sagutin.

Panapos na Pagsubok
Panuto: Bumuo ng isang maikling kuwento batay sa iyong karanasan sa
buhay. Basahin ito at pagkatapos ay suriin ito batay sa paksa, mga tauhan,
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari, estilo sa pagsulat ng awtor. Isulat
ang iyong sagot sa iyong kuwaderno.

Yehey!
Malapit mo nang matapos ang araling ito. Iwasto ang
iyong mga sagot sa pahina 22.
Ilang bituin kaya ang iyong matatanggap? Suriin sa ibaba.

 nagawa lahat  1 hindi nagawa


 2 hindi nagawa  3 pataas hindi nagawa

19
Ang ganda ng aralin natin.

Ang dami kong natutuhan.

Na-enjoy ko rin ang mga gawain at


pagsasanay.

Hindi rin ako nahirapan sa mga


pagsasanay. Kaya parang gusto ko
pa ng karagdagang Gawain.

Tara magtulungan tayo!

Karagdagang Gawain

Panuto: Maghanap at magbigay ng isang maikling kuwento. Suriin ito ayon


sa

1. Paksa
2. Tauhan
3. Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
4. Estilo sa pagsulat ng awtor.

Sa wakas ay narating mo ang dulo ng


aralin. Ang saya-saya ko at
napagtagumpayan mo ang mga
pagsasanay at gawain.

Ang husay mo k id!

20
21
Panimulang Pagsubok
1. Ang kuwento ay tungkol sa isang batang gumawa ng tatlong (3) malalaking
bangkang gawa sa papel.
2. Mga Tauhan
 Batang lalaki-gumawa ng tatlong (3) malalaking bagkang papel na hindi
napalutang sa tubig kailanman
 Ina- ina ng batang lalaki at ni Miling
 Miling- kapatid ng batang lalaki
 Tatay- ama nina Miling at ng batang lalaki na napaslang ng mga kawal
 Mga Kapitbahay
 Aling Ading Aling Berta Kapitan Sidro
 Mang Pedring Turing Kawal
 Aling Feli Pepe
3. Nangyari ang kuwento sa bahay at sa nayon.
4. Ang nagsasalita sa akda ay ang awtor.
5. Isinulat ng awtor ang kuwento sa anyong nagsasalaysay nang tuloy-tuloy ang mga
pangyayaring hango sa tunay na buhay.
Pagsasanay 1
Paksa: Ang paksa ng maikling kuwentong “Saranggola” ay tungkol sa pagtitiyaga.
Tauhan: Anak, Ama
Pagkakasunod-sunod ng Pangyayari: Ang paraan ng pagkakasunod-sunod ng
pangyayari ay madaling matukoy dahil limitado lamang ang tagpuan at kilos dito.
Estilo ng awtor: Isinulat ito sa paraang mapapaisip ang mambabasa.
Susi sa Pagwawasto
22
Pagsasanay 2
Paksa
Ang paksa ng kuwento ay tungkol
sa paggawa sa kung ano ang alam
natin ay tama at tungkol sa
pagtatanggol sa Karapatan.
Mga Tauhan Jonathan, Ina, Ama, Babae
Pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari Ang pagkakasunod-sunod ng
pangyayari ay nailahad ng maayos
hindi maligoy .
Estilo sa pagsulat ng awtor Ang estilo sa pagsulat ng awtor ay
sa una mapapaisip ang mambabasa
tungkol sa pangyayari subalit sa
gitnang bahagi ay nailahad na ng
maayos ang pinakapaksa ng
kuwento.
Pagsasanay 3
Paksa
Ang paksa ay tungkol sa
pagmamahal sa ama.
Mga Tauhan Adrian at ang ama.
Pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari Hindi maligoy.
Estilo sa pagsulat ng awtor
Mapapaisip ang mambabasa
sapagkat hindi direktang inilahad
ang ibang tagpuan sa kuwento.
Panapos na Pagsubok
Pamantayan sa Pagmamarka
Pamantayan Puntos
Nakabuo ng isang mahusay na 10
maikling kuwento.
Nasuri nang wasto ang paksa, mga 10
tauhan, pagkakasunod-sunod ng
pangyayari at estilo sa pagsulat ng
awtor.
KABUUAN 20 puntos
Pamantayan Puntos
Sanggunian:
AlmaeSolaiman. “BANGKANG PAPEL” September 2015.
https://www.scribd.com/doc/280890524/BANGKANG-PAPEL

PercivalCruz. “Saranggola” https://www.tagalogshortstories.net/efrenebueg-


saranggola.html

Baisa Aileen G.et.al., Pluma Wika at Panitikan para sa Mataas na Paaralan I,


Phoenix Publishing House

Peralta Romulo N.et.al., Panitikang Asyano 9, Kagawaran ng Edukasyon


2014

23
Para sa iba pang tanong at puna, maaaring sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V

Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500

Mobile Phone: 0917 178 1288

Email Address: region5@deped.gov.ph

24

You might also like