You are on page 1of 35

ISSN 0116-7736

Information Bulletin No. 54/2014

Ang Pag-aalaga
ng Alimango

Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural


Resources Research and Development (PCAARRD)
Department of Science and Technology (DOST)
About PCAARRD
The Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural
Resources Research and Development (PCAARRD) is one of the
sectoral councils under the Department of Science and Technology
(DOST). PCAARRD was established on June 22, 2011 through the
consolidation of the Philippine Council for Agriculture, Forestry
and Natural Resources Research and Development (PCARRD)
and the Philippine Council for Aquatic and Marine Research and
Development (PCAMRD).
The Council formulates policies, plans, and programs for
science and technology (S&T)-based research and development
(R&D) in the different sectors under its concern. It coordinates,
evaluates, and monitors the national R&D efforts in the agriculture,
aquatic, and natural resources (AANR) sectors. It also allocates
government and external funds for R&D and generates resources to
support its program.
As a leader in providing S&T solutions for AANR development,
PCAARRD promotes active partnerships with international, regional,
and national organizations and funding institutions for joint R&D;
human resource development and training; technical assistance;
and exchange of scientists, information, and technologies.
PCAARRD also supports the National Agriculture, Aquatic
and Resources Research and Development Network (NAARRDN)
composed of national multi- and single-commodity and regional
R&D centers, cooperating stations, and specialized agencies.
Being an ISO 9001:2008-certified agency for its quality
management system, PCAARRD is committed to advance and foster
partnerships and reinforce the culture of relevance, excellence, and
cooperation through its good governance and continual improvement
programs. As such, PCAARRD will remain steadfast in catalyzing
the Philippine AANR sectors toward self-sufficiency and global
competitiveness.

MAILING ADDRESS PHILIPPINE COUNCIL FOR AGRICULTURE,


AQUATIC AND NATURAL RESOURCES
RESEARCH AND DEVELOPMENT
Los Baños, Laguna, Philippines 4030
TELEPHONES Los Baños - (63) (049) 536-0014/536-1956/536-2305/
536-2383/536-5907/536-6980/536-7927
FAX Los Baños - (63) (049) 536-0016/536-7922
MANILA OFFICE 2F Metrology Center, ITDI, Bicutan, Taguig City
TELEFAX (63) (02) 837-1651
E-MAIL pcaarrd@pcaarrd.dost.gov.ph
WEBSITE http://www.pcaarrd.dost.gov.ph
3+,/,33,1(&281&,/)25$*5,&8/785($48$7,&
$1'1$785$/5(6285&(65(6($5&+
$1''(9(/230(17 3&$$55' Document Code QSF.AC.02

&86720(56$7,6)$&7,21)(('%$&. Revision No. 1


Effectivity Date March 24, 2014
38%/,&$7,216
Name: $JHQF\$I¿OLDWLRQ
Customer Type: (Please tick)
Researcher Business/Private Sector Sex: Age:
Policymaker Others (Pls. specify): Email Address:
Contact No.
This survey form aims to assess the services that PCAARRD provides and how such services can be improved.

Date:
7LWOHRI3XEOLFDWLRQ IB: Pag-aalaga ng Alimango

Outstanding Very Satisfactory Fair Unsatisfactory/


Satisfactory Needs
Improvement
- Content
- Usefulness/
6LJQL¿FDQFH
- Overall layout/
design
- Response &
delivery time
(Quick and on
time)

3OHDVHJLYHXVVSHFLÀFFRPPHQWVVXJJHVWLRQVRQKRZZHFDQIXUWKHU
LPSURYHRXUVHUYLFHV

*HQHUDO&RPPHQWV

6LJQDWXUHRI5HFLSLHQW

THANK YOU VERY MUCH FOR YOUR FEEDBACK.

NOTE: Please detach this form and mail it back to PCAARRD, Paseo de Valmayor, Timugan, 4030 Los Baños,
Laguna, Philippines or through e-mail (acdpub@pcaarrd.dost.gov.ph)
vi
Information Bulletin No. 54/2014

Ang Pag-aalaga
ng Alimango

Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural


Resources Research and Development (PCAARRD)
Department of Science and Technology (DOST)

Los Baños, Laguna


2014
i
Unang Edisyon 2014

ISSN 0116-7736

Bibliographic Citation:

Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources


Research and Development. Ang pag-aalaga ng alimango. Los
Baños, Laguna: PCAARRD-DOST, 2014. 22p. - (Information
Bulletin No. 54/2014).

ii
Paunang Salita
Ang mga nilalaman ng babasahing ito ay hango sa mga araling tinalakay
sa programang “Paaralan ng Pangisdaan sa Himpapawid Tungkol sa Pag-aalaga
ng Alimango” na isinakatuparan ng Department of Science and Technology
– Philippine Council for Aquatic and Marine Research and Development
(DOST-PCAMRD) sa pakikipagtulungan ng Santeh Feeds Corporation, ABS-CBN
Foundation, Inc. sa pamamagitan ng DZMM at ng Philippine Foundation of
Rural Broadcasters.
Ang mga paksang isinahimpapawid sa nasabing programa ay base sa
mga isinagawang pag-aaral at mga karanasan ng ilang mga eksperto sa pag-
aalaga ng alimango. Kabilang sa mga ekspertong nakapanayam at nagbahagi
ng kanilang mga nalalaman tungkol sa pag-aalaga ng alimango ay ang
dating PCAMRD Executive Director Rafael D. Guerrero III; Bb. Riza San Juan,
Technical Sales Representative ng Santeh Feeds Corporation; G. Joey dela
Cruz, Provincial Fisheries Coordinator ng Roxas City, Capiz; G. Pol Rubia ng
Agri-Aqua Network International; Dr. Romeo Fortes, dating Dekano ng College
of Fisheries and Ocean Sciences ng University of the Philippines Visayas; G.
Nilo Franco, Aquaculturist ng Technology Verification and Commercialization
Division ng Dumangas Brackishwater Station at Dr. Cecila Lavilla-Pitogo ng
Aquaculture Department ng Southeast Asian Fisheries Develoment Center
(SEAFDEC-AQD) sa Tigbauan, Iloilo; Dr. Gildo Bayogos, Director for Extension
Services and Non-Formal Education at Prof. Henry Biona ng Iloilo State
College of Fisheries sa Barangay Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo City; G. Federico
Ricablanca ng Aparri, Cagayan; G. Roy Ortega ng Santeh Feeds Corporation;
G. Arnaldo Mendoza ng Buguey Fishpond Cooperators Association sa Buguey,
Cagayan; Dr. Minerva Morales ng Catanduanes State University sa Virac,
Catanduanes; Gng. Marita R. Ocampo at G. Romeo Sunga ng Pamahalaang
Lokal ng Sasmuan, Pampanga; at Gng. Alicia Ore ng Board of Investments ng
Department of Trade and Industry.
Ninanais ng babasahing ito na makapagbigay ng dagdag-kaalaman sa mga
nag-aalaga at dagdag na hanapbuhay sa mga mag-aalaga ng alimango.

PATRICIO S. FAYLON
Executive Director
PCAARRD

iii
Pasasalamat
Nagpapasalamat ang Philippine Council for Agriculture, Aquatic and
Natural Resources Research and Development ng Department of Science and
Technology (PCAARRD-DOST) sa mga sumusunod:

• Philippine Council for Aquatic and Marine Research and Development


(PCAMRD) ng DOST, na dating pinamumunuan ni Dr. Rafael D. Guerrero
III, sa pagsasagawa ng programang Paaralan sa Pangisdaan (Fisheries
School-on-the- Air, FSA) tungkol sa pag-aalaga ng alimango;
• SANTEH Feeds Corporation sa pamumuno ni Mr. Phillip L. Ong, sa
suportang ibinigay sa nasabing programang FSA sa loob sampung
taon upang maipahatid ang mga teknolohiya at impormasyon sa
pangisdaan sa mga benepisyaryo o mangingisda;
• Angelo B. Palmones, dating Station Manager ng DZMM, ABS-CBN at
anchorperson ng programang Bago Yah Ah! sa pagsasahimpapawid
ng nasabing programa;
• Sa mga ekspertong naging guro mula sa iba’t-ibang ahensya at
institusyon ng nasabing programa;
• Mag-aaral-tagapakinig ng nasabing programa; at
• Dr. Dalisay DG. Fernandez at Ms. Zenaida C. Pamulaklakin ng PCAARRD
sa pamamahala at koordinasyong isinagawa sa nasabing programa,
sa panahon ng PCAMRD-DOST.

iv
Lupon ng Patnugot
Editorial Adviser: Patricio S. Faylon

Editor-in-Chief: Dalisay DG. Fernandez

Associate Editors: Madeleine V. Ricafrente


Christie A. Surara

Technical Editors: Emilia T. Quinitio


Norida P. Samson
Wilfredo C. Ibarra

Photographers: Emilia T. Quinitio


Victor V. Oro

Layout Artist: Marina T. de Ramos

v
vi
Mga Nilalaman
Paunang Salita............................................................................................................. iii
Pasasalamat.................................................................................................................. iv
Lupon ng Patnugot................................................................................................... vi
Pagkilala sa Alimango........................................................................................... 1
Mga Uri ng Alimango ............................................................................................ 1
Sukat ng Semilya ............................................................................................... 2
Pagkukunan ng Semilya ................................................................................. 3
Pagbili ng Semilya . ........................................................................................... 3
Pagkokondisyon at Pagbibiyahe ng Semilya ......................................... 4
Pagpaparami ng Alimango................................................................................. 5
Pagpapaitlog ng Inahin .................................................................................. 5
Mga Yugto ng Pagbabago sa Paglaki . ...................................................... 5
Lugar na Pag-aalagaan . ................................................................................. 6
Pag-aalaga ng Alimango sa Palaisdaan........................................................ 7
Paghahanda ng Palaisdaan............................................................................. 7
Dami ng Alimango na Aalagaan................................................................... 8
Pagpapanatili ng Kalidad ng Tubig-tabsing............................................. 8
Pag-aalaga ng Alimango sa Kulungan........................................................ 9
Polyculture ng Alimango..................................................................................... 10
Isdang Inaalagaan Kasama ng Alimango.................................................. 10
Paraan ng Pag-aalaga ...................................................................................... 11
Pakain at Pagpapakain ng Alimango............................................................. 12
Pakain ................................................................................................................... 12
Pagpapakain ...................................................................................................... 12
Pag-imbak ng Pakain ...................................................................................... 13
Sakit ng Alimango at Paraan ng Pag-iwas Dito......................................... 14
Palatandaan ng may Sakit . ........................................................................... 14
Pag-aani at Pagbebenta....................................................................................... 15
Potensyal ng Alimango sa Pamilihan............................................................. 16
Pagluluwas.................................................................................................................. 18
Pamilihan..................................................................................................................... 18
Dokumento para Makapagluwas ng Alimango sa ibang Bansa....... 19
Problema sa Pagluluwas ng Alimango sa mga Karatig-bansa........... 19
Mga Dapat Isaalang-alang ng mga Magluluwas ng Alimango
sa mga Karatig-bansa..................................................................................... 20
Gastos at Kita sa Pag-aalaga...................................................................................... 21
Gastos at Kita sa Pag-aalaga ng Alimango sa Plastik na Lalagyan... 22

vii
viii
Pagkilala sa Alimango
Ang alimango ay isang ‘invertebrate crustacean’ o hayop na walang
backbones na naninirahan sa mga bakawan. Ito ay isang mataas na uri at
mahalagang pagkain mula sa dagat, mamahalin (‘high value commodity’), at
mabuting pagkakitaan. Dahil sa masarap nitong lasa, mataas ang halaga nito
sa pamilihan.

Mga Uri ng Alimango


May apat na uri ng alimango. Ang mga ito ay ang Scylla serrata, Scylla
tranquebarica, Scylla olivacea, at Scylla paramamosain.

Ang Scylla serrata (Fig. 1) ay ang
pinakamataas na uri at pinakamahal na
alimango. Ito ay mas kilala sa tawag na
higanteng alimango o ‘king crab.’ Mabilis
itong palakihin at patabain. Kadalasan,
ito ay tumitimbang ng isang kilo bawat
piraso pagkaraan ng anim na buwan.
Kapag tama ang pagpapakain, maayos
itong nabubuhay sa palaisdaan (‘pond’) o
kulungang-kawayan (‘pens’). Bihira itong Fig. 1. Scylla serrata.
naghuhukay sa putik (‘burrowing’) kaya’t
kaunti lang ang napipinsalang dike.

Ang Scylla tranquebarica (‘purple


mudcrab’ ) (Fig. 2) ay nakukuha sa
karagatan. Tinatatawag itong ‘lawadnon’
sa Bisaya.

Fig. 2. Scylla tranquebarica.

1
Ang Scylla olivacea (‘orange mudcrab’)
(Fig. 3) ay ang pulahan na makukuha sa mga
bakawan (‘mangrove areas’).

Fig. 3. Scylla olivacea.

Ang Scylla paramamosain (‘green


mudcrab’) (Fig. 4) ay tinatawag na
kalawangin at sa bahagi ng Mindanao
lamang matatagpuan.


www.uniprot.org

Fig. 4. Scylla paramamosain.


Sukat ng Semilya

Ang alimango ay may apat na sukat. Ito ay ang ‘kuto-kuto’, (Fig.


5) pinakamaliit na semilya (sukat na mababa sa 1 sentimetro (cm) at
nagkakahalaga ng P2.00 ang isa; ‘langaw-langaw’, (Fig. 6) kasing laki ng
langaw at nagkakahalaga ng P4.00 ang isa; ‘piso size’, (Fig. 7) kasinlaki ng piso,
P12.00 ang isa; at ‘posporo size’, pinakamahal at nagkakahalaga ng P18.00
hanggang P20.00 bawat isa.

Ang kuto-kuto ang pinakamabuting alagaan kung nagnanais magbenta


ng semilya. Kapag mas malaki ang semilya, mas malaki ang gastos sa
pagpapakain at pag-aalaga sa ‘nursery pond.’

Fig. 5. Kuto-kutong Fig. 6. Ang sukat langaw- Fig. 7. Ang sukat piso.
alimango na may langaw.
sukat na mababa
sa 1 cm.

2
Pagkukunan ng Semilya

Ang ‘mudcrab juveniles’ na tumitimbang ng 10–40 gramo (g) o
5–20 cm ang sukat ng likod o talukap (‘carapace width’) ay karaniwang
nahuhuli sa mga bakawan sa pamamagitan ng bintol (‘lift net’), pangal o
bobo (‘crab pot or trap’), sakag (‘skimming or scissor net’), o baklad (‘trap net’).

Ang karaniwang pinagkukunan ng semilya ng alimango ay sa


Northern at Eastern Samar; Buguey, Cagayan; Camarines; Sorsogon;
Catanduanes; Cotabato; Lanao; at Surigao. Ang mga nag-aalaga ng alimango
sa Bulacan at Pampanga ay bumibili ng semilya ng S. serrata mula sa Samar,
Buguey at Catanduanes. Maraming nakukuhang S. olivacea ngunit kakaunti
ang S. tranquebarica sa Panay Island at Bataan. Maraming S. serrata naman ang
makukuha sa mga lugar sa harap ng Pacific Ocean at may ilan sa Surigao o sa
bahagi ng Mindanao.

Pagbili ng Semilya

Ang semilya ng alimango (Fig. 8) ay hinuhuli ng mga mangingisda sa
‘estuaries’ at dinadala sa mangangalakal o diretsong ipinagbibili sa mga may-
ari ng palaisdaan (‘fishpond operators’).

Fig. 8. Ang semilya ng alimango.

3
Sa pag-aalaga ng alimango, dapat ang semilyang aalagaan ay
tumitimbang ng 10–40 g o may sukat na 5–20 cm ang talukap.

Pagkokondisyon at Pagbibiyahe ng Semilya



Pagkahuli ng semilya ng alimango, ito ay inilalagay sa tangke (‘holding
tank’) (Fig. 9) at kulungang-kawayan (‘pens’) kung saan ay inaalagaan sa loob
ng 5–7 araw.

Ang mga semilyang kasinlaki ng piso o posporo ay isinisilid sa basket na


yari sa dahon ng pandan. Lagyan ng 500–600 pirasong alimango ang bawat
basket. Maaari itong ibyahe hanggang 12 oras. Wisik-wisikan ng tubig-
tabsing ang alimango tuwing ika-anim na oras upang hindi ito matuyo
habang nasa byahe.

Ang kuto-kuto at langaw-langaw ay inilalagay sa kahon ng sapatos na


sinapinan ng papel (Fig 10). Lagyan ng 900–1,000 pirasong alimango ang
kahon at takpan ng papel sa ibabaw. Maaaring maglagay ng hanggang apat
na patong ng alimango sa isang kahon. Huwag siksikin ang kahon upang
maiwasang madurog ang mga nasa ilalim na semilya. Ilagay ang karton sa
hindi naiinitang lugar. Maaaring tumagal ang mga ito ng hanggang sampung
oras sa diretsong biyahe kahit hindi wisik-wisikan ng tubig.

Fig. 9. Semilya ng alimango sa


tangke.

Fig. 10. Semilya ng alimango


sa kahon ng sapatos na
may sapin na papel.

4
Pagpaparami ng Alimango
Pagpapaitlog ng Inahin

Sa pagpapaitlog ng mga inahing alimango (‘broodstock’) (Fig. 11),
gumamit ng mataas na kalidad ng tubig-tabsing o tubig-alat para sa
tangkeng pag-iimbakan. Panatilihing mataas ang lebel ng ‘dissolved oxygen’
(DO), 5 parts per million (ppm), at sa 7.5–8.5 na pagkaasim o pagkapakla (pH
level). Pakainin ang inahing alimango araw-araw hanggang sa mangitlog
ang mga ito.

Fig. 11. Babaeng alimango na madaming itlog.


Mga Yugto ng Pagbabago sa Paglaki

Ang unang yugto sa paglaki ng isang alimango ay ang pagkapisa ng itlog


(‘zoea stage’). Ito ay binubuo ng limang yugto ng pagbabago (Zoea 1, 2, 3, 4,
at 5) na tumatagal ng mula 2.5–3 araw hanggang pitong araw bawat isang
transisyon. Ang susunod sa zoea 5 ay megalopa kung kailan nagkakabuntot
ito. Ito ay tumatagal ng 5–7 araw bago maging ‘crab instar’ na anyong maliit
na alimango. Ito ang pinakakritikal na kondisyon sa pagpaparami ng semilya
sapagkat 95–98 porsyento ang namamatay bago umabot sa laking kuto-kuto.
Ang dami ng itlog ng isang alimangong may timbang na kalahating kilo
(kg) ay 500,000 hanggang 700,000. Kaya kung mula sa 1.5–3.0% nito ay

5
mabubuhay, matipid at kapaki-pakinabang pa rin ang pag-aalaga ng
semilya.

Ang semilya ng alimango ay pinakakain ng ‘rotifers’ upang maitaas


ang tsansang mabuhay (‘survival rate’) ang mga ito. Ang rotifers ay maliliit
na organismo, ilang milimetro (mm) lang ang laki, at nabubuhay kung
mayroong ‘green microalgae.’ Ang klase ng microalgae na nagdudulot ng
mas magandang tubo ng ‘rotifers’ ay ang Nannochloropsis, Nannochlorum, at
Tetraselmis ‘algae.’

Lugar na Pag-aalagaan

Ang alimango ay pinalalaki sa tubig-tabsing (‘brackishwater’) o sa


pinaghalong tubig-tabang (‘freshwater’) at tubig-alat (‘seawater’).
Maaaring pagsamahin ang pag-aalaga ng alimango at bangus, subalit hindi
maaaring magsama ang pag-aalaga ng alimango at sugpo. Ito ay dahil sa
kinakain ng alimango ang sugpo kapag nagsisimula nang magluno ang huli.

Ang mga dapat isaalang-alang sa pag-aalaga ng alimango ay ang mga


sumusunod:

1. Lugar. Kailangang protektado ang lugar mula sa bagyo, baha,


malalakas na alon, at iba pang kalamidad na makapipinsala sa
palaisdaan o kulungang-kawayan. Pumili ng lugar na may sapat na
pinaghalong tubig-alat at tubig-tabang na may 15–25 bahagi sa bawat
isang libo (‘part per thousand o ppt’). Mas mabuti kung ang uri ng
lupa ay maputik na may kaunting buhangin (‘sandy clay’).

2. Kalidad ng tubig. Kailangan ng alimango ang malinis na tubig-


tabsing. Mas makabubuti kung ang palaisdaan o kulungang-kawayan
ay nasa lugar na malayo sa mga bahay at industriya na nagdudulot ng
polusyon.

3. Kapayapaan at kaayusan ng paligid. Pumili ng lugar na pagtatayuan


ng palaisdaan o kulungang-kawayan na ligtas sa mga masasamang
elemento ng lipunan.

4. Pamilihan. Itayo ang palaisdaan o kulungang-kawayan sa mga


lugar na madaling marating at malapit sa pamilihan o lugar ng
pagdadalhan ng inaning alimango.

Kailangang maayos ang kalsada o daan papuntang pamilihan


upang mabilis makarating ang mga produkto. Mataas ang bentahe ng
alimangong buhay sa pamilihan at mas mataas din ang presyo nito.
6
5. Kuryente. Kailangan din ang ‘freezer’ na pinaaandar ng kuryente na
pagtataguan ng pakain upang may regular na suplay ng pagkain ang
alimango.

Pag-aalaga ng Alimango sa Palaisdaan


Paghahanda ng Palaisdaan

Bakuran ng ‘polyethylene net’ (1 cm ang laki ng butas) ang palaisdaan
(Fig. 12). Siguraduhing nakabaon sa sahig ng palaisdaan ang ginawang bakod
bago lagyan ng ginupit na plastik (30 cm ang lapad) sa itaas na bahagi upang
maiwasan ang pagtakas ng alimango. Sa angkop na bahagi ng palaisdaan,
maglagay ng apat na tulay (‘catwalks’) at kanlungan (‘shelters/hides’) na gawa
sa pinagputol-putol na kawayan o plastik na tubo.

Fig. 12. Palaisdaan ng alimango.

Patuyuin ang palaisdaan sa loob ng dalawa o tatlong linggo hanggang sa


magkabitak-bitak ang lupa. Pagkatapos ay lagyan ito ng apog (‘agricultural
lime’).

Bahagyang magpapasok ng tubig-tabsing sa palaisdaan hanggang


umabot sa 80–100 cm ang lalim nito. Panatilihin ang ganitong lalim ng
tubig-tabsing hanggang sa lumaki ang alimango. Sa dulo ng bawat tulay ay
maglagay ng pakainan (‘feeding tray’).

Bago maglagay ng semilya, siguraduhing ang alat ng tubig-tabsing ay


16–30 ppt. Mas mabuti kung ang pag-aalagaan ay malapit sa mapagkukunan

7
ng tubig-tabang upang maiwasan ang pagtaas ng alat (‘salinity’) nito kapag
tag-init. Panatilihin sa 5 ppm ang DO at 26–31 °C ang temperatura ng tubig.
Kailangang 7.5–8.5 ang pH ng tubig sa palaisdaan. Ang pagbaba o pagtaas ng
pH ay maaaring maging sanhi ng pagkamatay ng alimango.

Dami ng Alimango na Aalagaan

Maaaring maglagay ng 5,000–8,000 pirasong ‘crablets’ na may timbang


na 5–20 g ang bawat piraso sa bawat ektarya ng palaisdaan. Semilya ng
alimangong ‘king crab’ ang inirerekomendang alagaan dahil mas mabilis itong
lumaki kaysa sa ibang uri ng alimango.

Pagpapanatili ng Kalidad ng Tubig-tabsing

Palitan ang tubig-tabsing sa palaisdaan dalawang beses sa isang buwan


­—tuwing ‘spring tide cycle’ o kabilugan ng buwan (‘full moon’) at ‘new moon.’
Palabasin ang maruming tubig-tabsing bago magpapasok ng bago at malinis
na tubig-tabsing.

Bigyan lamang ng sapat na pakain ang alimangong inaalagaan sa


palaisdaan. Ang sobrang pakain ay nagpapababa ng kalidad ng tubig.
Regular na palitan ang tubig-tabsing (50 porsyento) sa loob ng palaisdaan
at magpapasok ng bago at malinis na tubig-tabsing tuwing kabilugan ng
buwan.

Ang angkop at mainam na kulay ng tubig-tabsing ng palaisdaan ay


‘greenish-brown.’

Kung maliit na pang-isahang kulungan ang ilalagay sa palaisdaan at


walang pagpapalit ng tubig, at walang suplay ng oxygen, may posibilidad na
mamatay ang alimango. Ang kulungan ay dapat nakalutang kung saan isa sa
ikaapat na bahagi nito (1/4) ay nakalitaw sa tubig. Kung bumaba ang lebel ng
DO, tuloy-tuloy na magpapasok ng tubig-tabsing sa palaisdaan.

Mga dapat isaalang-alang upang maging maayos ang pag-aalaga ng


alimango:

1. Lagyan ng bakod na gawa sa ‘polyethylene’ net (1 cm ang laki ng


butas) ang loob ng palaisdaan at idikit ang ginupit na plastik
(30 cm ang lapad) sa bandang itaas ng bakod para hindi makatakas
ang alimango. Lagyan ng pagtataguan ang alimango gaya ng mga
sanga o bubo ng kawayan, sanga ng sampalok, plastik na tubo, o kaya
ay bunton ng lupa tuwing magluluno (‘molting’) ito.
8
2. Palabasin ang luma at maruming tubig-tabsing sa palaisdaan bago
palitan ng bago at malinis na tubig-tabsing. Siguraduhing hindi
bababa sa 50 porsyento ang binawas na tubig-tabsing.

3. Panatilihing 80–100 cm ang lalim ng tubig-tabsing sa palaisdaan.

4. Tadtarin ang pakain ng tama sa laki ng inaalagaan at ipamahagi ito ng


sapat upang lahat ng alimango ay makakain. Maglagay ng pakainan
para makita ang kalidad ng alimango at tamang konsumo nito.

Pag-aalaga ng Alimango sa Kulungan

Sa mismong palaisdaan o dagat ilagay ang kulungang-kawayan (Fig. 13).


Ito ay maaaring lagyan ng lambat (‘fish net’) sa palibot. Dalawang mililitro
(2 mm) ang laki ng butas ng lambat na suportado ng kawayan at 2–3 metro
(m) ang pagitan ng bawat kawayan na suportado ng pahabang (‘horizontal’)
kawayan. Sa pagtatayo ng lambat, humukay ng kanal na mayroong sukat na
0.5 m. Ipitin ang ibaba ng lambat sa dalawang biniyak na kawayan at ipako
sa ibaba o puno ng kawayan upang hindi matanggal ng malakas na hangin
at galaw ng tubig.

Maaari ding magtayo ng kulungang-lambat sa lugar ng bakawan


(‘mangrove areas’) (Fig. 14). Sa pagtatayo ng kulungang-lambat, iwasang
madaanan ang puno at ugat ng bakawan. Maaaring ilagay ang lambat sa
pagitan ng mga bakawan. Huwag putulin ang bakawan.

Fig. 13. Kulungang-kawayan ng alimango.

9
Fig. 14. Kulungang-lambat ng alimango sa lugar ng bakawan.

Alagaan ang alimango sa malilim na lugar. Maaari ding alagaan ang alimango
sa kulungang gawa sa kawayan o plastik na galon na ginagawang pang-
isahang kulungan ng alimango.

Polyculture ng Alimango
Isdang Inaalagaan Kasama ng Alimango

Ang bangus o tilapiang tabsing (‘saline-tolerant’) ay maaaring alagaan


kasama ng alimango (Fig. 15). Hindi nakikipag-agawan sa pakain at lugar ng
alimango ang mga isdang ito. Ang mga isdang ito ay kumakain ng lablab at
lumot (‘filamentous green algae’) samantalang ang alimango ay kumakain ng
tinadtad na mumurahing isda (‘trash fish’), suso (‘snails’) at iba pang ‘mollusks,’
o anumang hilaw na karne.

Ang mga isdang ito ay nabubuhay sa itaas na bahagi (‘upper layer’) ng


tubig habang ang alimango ay gumagapang sa ilalim ng palaisdaan ‘(bottom
dweller’).

Maaaring maglagay ng 1,500–2,000 pirasong bangus, 500–1,000


pirasong tilapia (5 g bawat piraso) at 500–800 pirasong alimango (‘king
crab,’ Scylla serrata) sa isang ektaryang palaisdaan.

10
Fig. 15. Pag-ani ng bangus na kasama ng alimango na inalagaan sa palaisdaan.

Paraan ng Pag-aalaga

Ang bangus o tilapia na may timbang na 5–10 g bawat piraso ay


maaaring anihin pagkalipas ng apat na buwang pag-aalaga kung saan
mayroong apat hanggang limang piraso sa isang kilo.

Itala ang laki at kalagayan ng alimango isang beses bawat buwan. Kunin
ang timbang at bilis ng paglaki na magiging batayan ng pagtantya ng
kabuuang timbang (‘biomass’) at dami ng alimango sa palaisdaan.

Magtala rin ng kondisyon ng tubig sa palaisdaan katulad ng lalim, alat,


asim (pH), at lebel ng DO tuwing ika 7:00 ng umaga at ika 3:00 ng hapon.

Anihin ng paunti-unti ang 5–20 g na alimango na kasinglaki ng piso o


bahay ng posporo at inalagaan sa loob ng 45 araw. Ang mga ito ay muling
aalagaan, patatabain o palalakihin sa loob ng 90–120 araw.

Ang lablab at lumot na pakain sa bangus ay mapapanatiling marami kung


ang palaisdaan ay malalagyan ng abono tuwing kalahating buwan. Maglagay
ng 18–20 kg ng ‘urea’ (45-0-0) o 50 kg sa bawat ektarya kung ang gagamitin ay
16-20-0.

11
Pakain at Pagpapakain ng Alimango
Bigyan ng sapat na pakain ang inaalagaang alimango. Ang alimango
ay pinakakain araw-araw (umaga at hapon) ng katumbas ng 5 porsyento ng
timbang ng bawat alimango.

Sa pag-aalaga ng alimango, alamin ang laki at timbang ng bawat alaga,


dami ng alaga, at ang kundisyon ng inaalagaang alimango upang maging
basehan ng dami ng ibibigay na pakain.

Pakain

Ang supplemental na pakain sa alimango ay ‘trash fish’ o mga mababang
uri ng isda (Fig. 16) na mabibili sa palengke sa murang halaga katulad ng
sapsap, bituka ng manok, dinurog na tahong, at golden kuhol. Maaari din
ipakain ang balat ng kalabaw. Sunugin ito upang matanggal ang balahibo,
saka ito ilaga at hiwain ng isang pulgada ang laki bago ito ipakain. Ang kuhol
at tahong ay dinudurog bago ipakain.

Pagpapakain

Sa pagpapakain ng alimango, talian ang lalagyan ng pakain at ibitin nang


nakalubog sa tubig ng palaisdaan o kulungang lambat (Fig. 17). Huwag

Fig. 16. Mababang uri ng isda na pakain sa alimango.

12
Fig. 17. Tray ng pakain sa alimango.

hayaang lumapat sa ilalim ng palaisdaan o sahig ng kulungang-lambat ang


pakain upang maiwasan ang pagkasira ng kulungan at maabot ng alimango.
Maaari ding isabog o ikalat ang pakain sa palaisdaan o kulungang kawayan.

Siyasatin kung ang pakain na ibinigay ay kinain o naubos ng mga


alimango upang masigurong nasa mabuting kalagayan ang mga ito.

Pag-imbak ng Pakain

Ang wastong pag-iimbak ng artipisyal na pakain ay napakahalaga upang


maiwasan ang pagkasira at pag-aaksaya nito.

Ilagay sa ‘freezer’ ang mga pakaing sariwa katulad ng isda o bituka ng


manok (Fig. 18). Maaari rin itong ibilad hanggang matuyo sa init ng araw.
Ihiwalay ang sapat na dami ng pakain sa bawat supot. Kung ‘commercial’ ang
pakain, ilagay ito sa tuyong lugar.

13
Fig. 18. Pag-iimbak ng pakain
sa alimango sa freezer.

Sakit ng Alimango at Paraan ng Pag-iwas Dito


Ang karaniwang sakit ng alimango ay sa talukap na dulot ng bakterya
at parasitiko. Ang maruming kapaligiran ang karaniwang pinagmumulan ng
pagkakasakit nito.

Palatandaan ng may Sakit



Ang may sakit na alimango (Fig. 19) ay hindi masyadong gumagalaw
o mabagal kumilos, may maruming talukap na sanhi ng dumi sa paligid,
maraming tumutubong ‘barnacles’ at lumot, nagiging kulay-kape (‘brown’),
nangingitim at nabubulok ang hasang, at nagkakaroon ng masamang amoy
(amoy-putik) kaya ito ay pumapanghi.

Fig. 19. Alimangong may sakit.

14
Pag-aani at Pagbebenta
Maiiwasan ang pagkakasakit ng alimango sa pamamagitan ng malinis na
kapaligiran at paggamit ng magandang kalidad ng tubig-tabsing sa lugar ng
pag-aalagaan.

Simula sa ikatlong buwan ng pag-aalaga, anihin at ibenta ng paunti-unti


ang alimango na may timbang na 250–300 g ang bawat isa.

Ulitin ang pag-ani tuwing kabilugan ng buwan dahil sa ganitong panahon


ay pasulang (pasalubong sa agos ng tubig) ang paglangoy ng alimango sa
gate na mayroong sariwang tubig na pumapasok sa palaisdaan. Gumamit
ng bintol (Fig. 20), panukot (‘hooks’), sakag, at pante (‘gill net’) sa paghuli ng
alimango.

Bago dalhin sa pamilihan ang mga alimango, talian ng tuyong dahon


ng sasa o ng plastik na straw ang magkabilang sipit na malapit sa tiyan nito
upang hindi makapang-sipit (Fig. 21) at ilagay sa bayong upang hindi ito
mainitan habang ibinibyahe (Fig. 22).

Sa Capiz, ang malaking bahagi ng inaning alimango ay dinadala sa


Maynila. Ang sukat ng inaning alimango (S. olivacea at S. tranquebarica) para sa
lokal na pamilihan ay tumitimbang ng 400 g kung babae, 250 g kung lalaki,
at 200 g kung bakla (‘immature female’) bawat piraso. Ipagbili o panatilihing
buhay ang alimango kahit wala sa tubig-tabsing sa loob ng pitong araw
upang mapataas ang presyo nito sa pamilihan. Panatilihin sa malamig na
lalagyan at palaging basain o wisik-wisikan ng tubig-tabsing ang alimango
upang maiwasan ang pagkatuyo.

Fig. 20. Bintol na ginagamit sa paghuli ng alimango.


15
Fig. 21. Alimangong tinalian ng plastik na straw.

Fig. 22. Alimango sa bayong upang i-byahe.

Potensyal ng Alimango sa Pamilihan


Ang pag-aalaga ng alimango ay magandang pagkakitaan dahil ito ay isang
mahalagang pagkain. Sa kasalukuyan, mataas ang halaga nito sa pamilihan
sapagkat kulang ang suplay nito upang matugunan ang pangangailangan ng
lokal at internasyonal na pamilihan.

Ang presyo ng alimango ay depende sa nangangalakal nito. Ang


matabang babaeng alimango ay mas mahal kaysa sa lalaking alimango. Ang

16
baklang alimango (‘immature female’) minsan ay mas mahal pa kaysa sa
babaeng alimango kung ibebenta sa labas ng bansa (‘export’). Sa lokal na
pamilihan, nangunguna pa rin ang babaeng alimango sa presyo dahil sa
taba at kapal ng aligi (‘orange ovary’) nito. Ang nag-aalaga ay kailangang
marunong kumilala ng bakla, babae, lalaki, at matabang alimango. Lamang
sa bentahan ng alimangong may kumpletong bahagi ng katawan (Fig. 23).
Ang mga buhay ngunit payat o kaya ay kulang ang mga sipit ay ibinabalik sa
palaisdaan upang patabain at patubuing muli ang nawala o nasirang bahagi
ng katawan.

Ang pagnenegosyo ng pag-aalaga ng alimango ay hindi nangangailangan


ng malaking halaga.

Malaki ang potensyal na merkado ng alimango sa mga karatig-bansa


sa Asya. Ang mga Tsino ang pinakamalaking mamimili ng alimango dahil sa
kanilang paniniwalang mabuti sa katawan at nakatutulong magpagaling ng
ilang karamdaman ang pag kain nito.

Fig. 23. Pambentang alimango na may kumpletong bahagi


ng katawan.

17
Pagluluwas
Ang China, Taiwan, Hongkong, at Guam ay mga bansang may pamilihan
ng alimango. Ang mga bansang ito ang pangunahing pinagluluwasan ng
alimango noon pa man.

Ang pandaigdigang pangangailangan sa alimango ay tumataas din sa


Hilagang Amerika at Europa. Ang alimango ay nakikipagsabayan sa mga
‘high-value marine products’ tulad ng ‘lobster’ at iba pang ‘crustaceans’ kaya
malaki ang potensyal ng pagluluwas nito.

Ang ‘minor markets’ naman ng alimango ay ang Singapore, Brunei,


Germany, at Korea. Maaari pa ring palawakin ang merkado ng alimango sa
mga bansang ito.

Pamilihan
Maganda ang presyo ng alimango sa pamilihan, sa lokal man at labas
ng ating bansa. Sa lokal na pamilihan, kulang pa ang suplay ng inaaning
alimango sa pangangailangan ng mga mamimili sa bansa. Ang inaning
alimango ay maaaring ibenta sa seafood restaurants sa Chinatown sa
Binondo, Maynila, at sa iba pang ‘malls’ (Fig. 24). Mataas ang bentahan ng
lutong alimango.

Fig. 24. Alimango para sa pamilihan.

18
Hindi tulad ng ibang lamang-dagat, ang pagbebenta ng alimango ay
hindi lang base sa talukap kundi sa kabuuang anyo nito. Maging payat
o mataba man ang alimango, ito ay nabibili sa parehong halaga kaya
mapananatili nito ang magandang halaga sa pamilihan.

Mataas ang bentahe sa pagluluwas ng alimango sa mga karatig-bansa


tulad ng Singapore at Taiwan kaysa sa lokal na pamilihan. Sa ’export
market,’ walang limitasyon ang dami ng binibili. Sa lokal na pamilihan, ang
isang restaurant ay bumibili lang ng lima o sampung kilo, samantalang sa
pangdaigdigang pamilihan ay tone-tonelada ang kailangan. Sa exporter,
ang presyo nito ay mababa pero lahat ay binibili. Ang kalakal ng alimango ay
tuloy-tuloy at nagiging mabilis ang kita dito.

Kung maganda ang kalidad ng alimango, napakadali nitong ibenta. Ang


batayan ng mga exporter tungkol sa klase ng binibiling alimango ay ang laki at
kalidad. Para sa pangdaigdigang pamilihan, ang laman na itlog o ‘egg content’
ng babaeng alimango ay dapat lampas sa 75 porsyento.

Dokumento para Makapagluwas ng Alimango sa ibang Bansa

Para makapagluwas ng alimango sa ibang bansa, kailangang kumuha


ng ‘export permit’ mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Mayroong ‘application fee’ na babayaran at ang permit na ito ay epektibo sa
loob ng 30 araw matapos na ito ay maaprubahan. Kailangan ding magpakita
ng sample sa BFAR para masuri ang kalidad ng ibebentang alimango sa ibang
bansa. Susuriin nila ito upang malaman kung mayroong dalang sakit o kulang
sa timbang, haba, o laki.

Ang alimangong may timbang na 500–700 g ang tinatanggap sa ibang


bansa. Ito ay isinasagawa upang mapangalagaan ang suplay na nanggagaling
sa ating karagatan.

Problema sa Pagluluwas ng Alimango sa mga Karatig-Bansa

Ang pangunahing problema sa anumang produktong ibinebenta ay ang


pagsunod sa mga pamantayan at pamamaraan ng mga pinagluluwasang
bansa. Ang bawat bansa ay may iba’t-ibang pamamaraan at pamantayan na
ipinapatupad.

Sa Taiwan, batayan sa pagkumpiska ang pagkakaroon ng kaunting lupa


sa mga produktong ipinapasok sa kanilang bansa. Pinag-iingatan nila na
walang makapasok na kahit na anumang sakit sa kanilang bansa upang hindi
maapektuhan ang kanilang agrikultura.

19
Sa paglalagay ng etiketa sa mga produkto, dapat ito ay nakasulat sa wika
ng bansang pagdadalhan ng produkto. Halimbawa, wikang intsik kung ito
ay ibebenta sa China. Ang ibang mga bansa naman ay mahigpit sa mga
nalalabing kemikal na dala ng mga produkto na iniluluwas sa ibang bansa.

Mahirap magluwas ng alimango dahil ito ay isang kalakal na madaling


mabulok o masira. Hindi madaling humanap ng katuwang sa negosyo sa mga
karatig-bansa na kung saan ay magiging ‘mutual’ ang pakikipagkalakalan.
Dapat munang pag-aralan ang pamilihan ng bansang pagluluwasan nito
upang maiwasan ang ganitong problema.

Ang Board of Investments at ang Department of Trade and Industry ay


makatutulong sa pagluluwas ng produkto. Base sa pag-aaral, kailangang
tingnan ang kultura at lipunan ng mga taong magiging katuwang sa negosyo
sa bansang pagluluwasan ng alimango. Mabuting alamin ng tagapagluwas
kung anu-ano ang mga pamamaraan at mga pamantayan sa pagluluwasang
bansa. Mayroong mga institusyong pinansyal na tumutulong sa mga maliliit
at nagsisimulang negosyante na gustong mag-export. Nag-aalok din sila ng
maliit na tubo at nagbibigay ng payong pinansyal.

Mga Dapat Isaalang-alang ng mga Magluluwas


ng Alimango sa mga Karatig-bansa

Mayroong pangangailangan sa mataas na kalidad ng alimango sa mga


karatig-bansa ngunit kailangang isaalang-alang ng mga tagapagluwas ang
suplay nito. Huwag mangangako nang higit sa maaaring maibigay na dami ng
alimango na mailuluwas sa mga karatig-bansa.

Ang karaniwang puna ng mga ‘foreign importers’ sa mga Pilipinong


nagluluwas ay ang kakulangan sa pagsusustine ng kalakal o produkto
(‘sustainability’) kaya hindi matugunan ang pangangailangan ng mga
pinagluluwasang bansa.

Ang kalidad ng mga alimango ay dapat naaayon o pasado sa kaukulang


pamantayan ng bansang pagluluwasan nito. Kailangang magaling ang
istratehiya sa pangangalakal upang higit na maging competitive ang produkto
kaysa sa mga ka-kumpetensyang bansa ng Pilipinas na tulad ng Australia,
Indonesia, at Bangladesh.

20
Gastos at Kita sa Pag-aalaga

Ang gastos at kita sa pag-aalaga ng alimango sa isang ektaryang


palaisdaan ay ang mga sumusunod:

Dami at Sukat Halaga Bawat Isa (P) Kabuuang Halaga (P)

Upa sa Trabaho
1. Paghahanda ng palaisdaan 3.5 MD 300 1,125.00
2. Pagkakabit/Instilasyon ng net 1 MD 279 279.00
3. Koleksyon ng pagkain 7 MD 150 1,050.00
4. Paghahanda ng pagkain 11 MD 275 3,025.00
5. Pagpapakain 11 MD 280 3,080.00
6. Paghaharvest 11 MD 345 3,795.00
7. Tagapag-alaga (P 1,500/mo/ha) 1 kada buwan 1,500 1,875.00

Sub-Total 14,229.00

Mga Gamit na Materyales

Pond Management
1. Semilya ng alimango (crablet) 1,803 piraso 6.5 11,719.50
2. Apog (agricultural) 0.88 bag 272 239.36
3. Pataba sa lupa 0.44 bag 1,087.50 478.50
4. Tea seed cake 6.17 kg 71 438.07

Sub-Total 12,875.43

Pakain at Pagpapakain
1. Pagkain (feed) 5 kg 70 350.00
2. Trash fish 1,022 kg 23 23,506.00
3. Brown mussels 1,172 timba 22 25,784.00
4. Dilaw na mais 3 bag 700 2,100.00

Sub-Total 51,740.00

Transportasyon at iba pang Gastusin 2,298.88

Sub-Total 2,298.88

Depresasyon 3,382.97

Sub-Total 3,382.97

*MD - Man days

21
Dami at Sukat Halaga Bawat Isa (P) Kabuuang Halaga (P)

Pagtutuos ng Kita
1. Aning alimango (kabuuang benta) 432 kg 294.35/kg b 127,159.20
2. Kabuuang gastos 84,526.28
3. Netong kita 42,632.92
4. Balik na gastos (%) 50.43
5. Bawi sa puhunan 287.00

Gastos at Kita sa Pag-aalaga ng Alimango sa Plastik na Lalagyan

Kung sa kulungang-lambat/kawayan mag-aalaga, ang gastos at kita ay


ang mga sumusunod:

Inisyal na timbang ng alimango 4–8 g o sukat ng piso


Crablets/pc at P10, 1,000 piraso P10,000
Plastic container/pc, 1,000 piraso P 6,000
Pakain (15 days/pc),1,000 piraso P40,000
Bamboo floaters (2pc/container),
P4/2 piraso P4,000
Labor/container P40,000
Tagal ng pag-aalaga 10–15 araw
‘Feed conversion ratio’ (FCR) 2% ng ‘average body weight’
Antas ng pagkabuhay 100%
Kabuuang gastos P100,000
Kabuuuang timbang ng ani 200 g (bakla)
400 g (babae)
400 g (lalaki)
Presyo ng alimango pagbenta P300/kg
Kabuuang kita P300,000
Linis na kita P200,000

22

You might also like