You are on page 1of 1

Dati Natin

Grazel P. Tagumpay

Mahal kita
Mahal pa rin kita
Mga salitang gusto kong bitawan
At gusto kong ipaglaban

Pero paano pa nga ba


Kung sumusuko ka na
Sa laban nating dalawa
Na mahal noon ang isa’t isa

Pero noon lang pala yun


Iba na pala ngayon
May iba na sa puso mo
At ako’y nilimot mo na

Nilimot mo na
Ang masaya nating alaala
Pero sa ‘kin, sariwa pa rin
Naaalala ko pa rin, ang dati natin

You might also like