You are on page 1of 1

Panalangin sa INA NG MGA WALANG MAG-AMPON (Birhen ng Marikina)

Ave Maria, ikaw ang mapagmahal na Inang kumakalinga sa aming lahat. Ikaw na mahabaging INA na
kumukupkop sa mga Walang masilungan. Kami ay lumalapit sa iyo, bukod na pinagpalang Ina ng aming
Panginoon.

Ikaw ang aming REYNA; pamunuan mo kami sa paglaban sa kasamaan. Ikaw ang aming GURO;
papaglinawin mo ang aming isip sa panahong kapos kami sa pang-unawa. Ikaw ang aming ILAW;
tanglawan mo kami nang 'di kami maligaw sa dilim. Ikaw ang aming LUNAS; hilumin mo ang sakit ng
aming mga kaluluwa at katawan.

Aming Ina, ipagtanggol mo kami sa aming pagkaapi. Aliwin mo kami sa aming pagkaalipin sa aming mga
kahinaan. Inang mapagkawanggawa, ilahad mo ang iyong mga kamay sa mga kapus-palad na
nangangailangan ng iyong tulong. Ina ng sangkatauhan, ipanalangin mo kami at akayin sa landas
patungo kay Hesukristong Panginoon namin. Amen.

Kami'y iyong ipanalangin, mahabaging Ina ng mga Walang Mag-ampon.

You might also like