You are on page 1of 1

Ang mga katangian ng mga tauhan sa nobelang " Ang Kuba ng Notre Dame":

1. Quasimodo – ang kuba ng Notre Dame bilang “Papa ng Kahangalan” dahil sa taglay niyang labis na
kapangitan. Siya ay mapagmahal at marunong tumanaw ng utang na loob.
2. Pierre Gringoire---ang nagpupunyaging makata at pilosopo sa lugar na handang tumulong sa kanyang
mahal sa buhay
3. Claude Frollo—paring may pagnanasa kay La Esmeralda;amain ni Quasimodo; siya ay sakim sa
pagmamahal. Dahil sa labis na kagustuhan sa dalagang mananayaw, nakalimutan na niya ang buong
pagkato niya at kung ano ang kanyang katayuan.
4. La Esmeralda- ang dalagang mananayaw,handang mamatay para sa kanyang mahal.
5. Phoebus – ang kapitan ng mga tagapagtanggol sa kaharian; may malalim ding gusto sa babaeng
mananayaw na si La Esmeralda. Itinuturing na mas mahalaga ang kapangyarihan niya bilang kapitan
kaysa tulungan ang dalagang napamahal na sa kanya.
6. Sister Gudule--dating mayaman subalit nawala ang bait nang mawala ang anak na babae; ina ni La
Esmeralda. Isang dakilang ina na walang tigil sa pghahanap sa nawawalang anak.

You might also like