You are on page 1of 3

SAGUTANG PAPEL

SA
ARALING
PANLIPUNAN 9
(Ekonomiks)
KWARTER 2
Aralin 1.C: Konsepto ng Demand
MR. ALEX A. DUMANDAN

NAME: ______________________________________________________________

SECTION:________________________________________

1
Araling Panlipunan 9
Aralin 1.C: Konsepto ng demand
Ang ugnayan ng demand at presyo ay maaaring maipapakita sa tatlong pamamaraan; Demand Function, Demand Schedule
at Demand Curve.

1. Demand Function – ito ay ang matematikong pagpapakita ng ugnayan ng presyo at quantity demanded. Ito ay
maaaring maipakita sa pamamagitan ng mga equation sa ibaba.

Kompyutasyon sa Demand Function

Ipagpalagay ang Demand Function; Qd = 50 – 2P

Komputasyon ng Qd;

kung ang P ay Php6: kung ang P ay Php10: kung ang P ay Php14:

Solution 1: Solution 2: Solution 2:

Qd=50−2 P Qd=50−2 P Qd=50−2 P

¿ 50−2(6) ¿ 50−2(10) ¿ 50−2(14)

Komputasyon ng P;

kung ang Qd ay 34: kung ang Qd ay 26:

Solution 1: Solution 2:
a−Qd a−Qd
P= P=
b b
50−34 50−26
¿ ¿
2 2
16 24
¿ ¿
2 2

2. Demand Schedule – Ito ay isang talahanayang pagpapakita ng dami ng produkto


o serbisyong kaya at gustong bilhin ng mamimili sa iba’t-ibang presyo.

Makikita ang demand schedule na nabuo mula sa demand function


na Qd = 50 – 2P. Inilalahad dito sa schedule na habang tumataas ang
presyo ay bumababa rin ang demand.

3. Demand Curve (Kurba ng Demand) – ito ay isang grapikong paglalarawan


sa ugnayan ng presyo at quantity demanded o dami ng demand ng produkto
o serbisyo.

2
Araling Panlipunan 9
Makikita sa nabuong grap mula sa schedule gamit ang demand function na Qd = 50 – 2P. Ipinapakita sa grap ang
curve kung saan inilalarawan ang ugnayan ng presyo at demand. Inilalahad din sag rap ang download sloping o
paggalaw ng curve dahil sa inverse o magkasalungat na ugnayan ng presyo at demand

Gawain 1: Oras na para sa tanghalian, pumunta kayo sa canteen upang bumili ng inyong pananghalian. Nais mong
kumain ng pater. Ipinagbibili ang pater sa iba’t – ibang presyo. Gusto mo ngayong malaman ang demand ng pater sa
inyong paaralan. Ipakita ang inyong solusyon sa activity notebook.

Gamit ang demand function na Qd = 60 – 2P,


kompyutin ang Qd gamit ang iba’t – ibang presyo upang
makumpleto ang schedule sa ibaba. Isulat sa malinis na
papel ang iyong sagot.

Batay sa nabuong demand schedule, gumawa ka ng


grap para maipakita ang demand curve. Maaaring gumamit ng
graphing paper o gawin ito sa iyong malinis na papel.

Gawian 2: Tukuyin ang inilalarawan ng bawat pahayag sa ibaba.

___________1. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser sa iba’t ibang presyo
sa isang takdang panahon.
___________2. Ano ang tawag sa pahayag na ito; kapag bumababa ang presyo, bumababa rin ang dami ngprodukto o serbisyo na
handa at kayang ipagbili.
___________3. Ayon sa Batas ng Supply, sa tuwing ang mga prodyuser ay magdedesisyon na magprodyusng produkto o magkaloob
ng serbisyo, ano ang kanilang pangunahing pinagbabatayan?
___________4. Ito ay isang talaan na nagpapakita ng dami ng kaya at gustong ipagbili ng mga prodyuser sa iba’t ibang presyo.
___________5. Ito ang matematikong pagpapakita ng ugnayan ng presyo at quantity supplied.

Sanggunian (References)
Mga pahina sa Gabay ng Guro (TGs): pp.
Mga pahina sa Kagamitang Pang-mag-aaral (LMs): pp. 120-128(2015) 132-134(2017)
Mga pahina sa Teksbuk (Other references): Karagdagang Kagamitan mula sa Portal ng Learning Resource:
Iba pang pinagkuhanang sources:
https://www.slideshare.net/tonietonitony/demand-27138171
https://www.youtube.com/watch?v=SCtmUZrZJt0

3
Araling Panlipunan 9

You might also like