You are on page 1of 5

Banghay-Aralin sa Araling Panlipunan 8

Kasaysayan ng Daigdig
LAYUNING PANGKALAHATAN
Nasusuri ang katangiang pisikal ng daigdig

I. MGA TIYAK NA LAYUNIN


A. Nabibigyang-kahulugan at nakikilala ang limang tema ng heograpiya
B. Nakapagbibigay ng mainam na halimbawa ng limang tema ng heograpiya
C. Nakalilikha ng makabuluhang pananaw sa kahalagahan ng limang tema sa pag-aaral ng heograpiya
bilang isang disiplina

II. NILALAMAN
A. Paksa: Heograpiya ng Daigdig: Limang Tema ng Heograpiya
B. Sanggunian:
a) Villan, V. et.al. (2017). Heograpiya at Kasaysayan ng Daigdig. pahina 22-23
C. Kagamitan: batayang aklat, iba pang sangguniang aklat, mga larawan, pentelpen, cartolina

III. PAMAMARAAN (ACES Method)

GAWAIN NG GURO TUGON NG MGA MAG-AARAL

A. Panimulang
Gawain
-Pagbati Magandang umaga! Magandang umaga po G. Laderas.

-Panalangin _______, pangunahan mo ang (Panalanging sasambitin ng isang mag-aaral)


klase sa isang panalangin

-Pagtatala ng May liban ba sa araw na ito? Wala pong liban sa araw na ito.
Liban

-Balitaan Mainam kung ganoon. Ngayo’y (Babasahin/sasambitin ng isang mag-aaral ang


dumako tayo sa ating balitaan. kasalukuyang balita.)
Maaari mo bang ibahagi ang
balitang iyong napanood o
napakinggan kagabi/kahapon?

-Pagsasanay Class, narito ang salitang


HEOGRAPIYA at lima (5) pang
mga salitang may kinalaman sa
HEOGRAPIYA. Isaayos ang
bawat salita upang ito ay
maging wasto. Sagot:

HEOGRAPIYA HEOGRAPIYA
MOSTAREPA ATMOSPERA
LUKAANPA KALUPAAN
NYONGA-GIBUT ANYONG-TUBIG
DIGAGID DAIGDIG
KALONOYS LOKASYON

Mahusay! Bigyan ninyo ng


palakpak ang inyong mga sarili.
B. Paglinang ng
Aralin
1) Pagganyak Ngayon, bilang pag-usad sa
(Suring-Larawan) panibagong aralin, ay suriin
ninyong mabuti ang limang
larawang ipapakita ko sa inyo.
Kilalanin ninyo ito sa
pamamagitan ng pagtatambal
ng mga salitang nakahanda.

LOKASYON

LUGAR

REHIYON

INTERAKSYON NG TAO SA KAPALIGIRAN

PAGGALAW

PAGGALAW
LUGAR
LOKASYON
INTERAKSYON NG TAO SA
KAPALIGIRAN
REHIYON

Ano ang kaugnayan ng limang Ang lima pong salita at larawan ay magkaugnay
salita at larawan sa isa’t isa? dahil ito ay may tumutukoy o may kinalaman sa
heograpiya.
Paano mo nasabing tumutukoy Masasabi ko pong may kinalaman ito sa
o may kinalaman ito sa heograpiya sapagkat saklaw ito sa pag-aaral ng
heograpiya? heograpiya ng daigdig

Magaling ang iyong pagususuri.


Kilala ang limang salitang ito
bilang TEMA NG
HEOGRAPIYA, at iyan ang
ating tatalakayin sa araw na ito.

3) Pag-aalis ng Ngayon naman ay bibigyang-


Balakid katuturan natin ngayon ang
limang tema ng heograpiya.
Gawin ito sa pamamagitan ng
pagtatambal ng limang tema ng
heograpiya na nasa Hanay A sa
wastong kahulugan nito na nasa
Hanay B.

Hanay A Sagot:
1. Lokasyon 1. C
2. Lugar 2. B
3. Rehiyon 3. E
4. Interaksyon ng Tao sa 4. D
Kapaligiran 5. A
5. Paggalaw

Hanay B
A. Ang paglipat ng tao mula sa
kinagisnang lugar patungo sa
ibang lugar
B. Tumutukoy sa mga
katangiang natatangi sa pook
C. Ito ang kinaroroonan ng
isang lugar sa daigdig,
maaaring absolute o relatibo
D. Kaugnayan ng tao sa pisikal
na taglay ng kaniyang
kinaroroonan
E. Bahagi ng daigdig na
pinagbubuklod ng magkakatulad
na katangiang pisikal o kultural

5) Pagsusuri/ Pamprosesong Tanong:


Talakayan 1. Anu-ano ang limang tema ng Ang limang tema po ng heograpiya ay ang
heograpiya? lokasyon, lugar, rehiyon, interaksyon ng tao sa
kapaligiran at paggalaw.

Ilan sa halimbawa ng limang


tema ay:
1) Lokasyon
 Ang Barangay Bangbang
ay nasa pagitan ng
Barangay Pangi at
Barangay Libtangin
 Ang Maynila ay
matatagpuan sa pagitan
ng 16° Hilagang Latitud
at 121° Silangang
Longitud
2) Lugar
 Luneta Park sa Maynila
 Great Wall of China
3) Rehiyon
 MIMAROPA
 Wild Wild West
4) Interaksyon ng Tao sa
Kapaligiran
 Pagsasaka
 Illegal logging
5) Paggalaw
 Paglilipat-bahay
 Migrasyon ng mga ibon
sa Pilipinas mula China

2. Maliban sa aking mga


halimbawang ibinigay, maaari ka Magbibigay ang limang (5) bata ng ilang
bang magbigay ng ilan pang halimbawa para sa bawat tema ng heograpiya.
halimbawa para sa bawat tema?

Mahusay!

3) Sa iyong palagay, makatatayo Sa tingin ko po ay hindi sapagkat mahalaga po


ba ang isang tema kung wala ang gampanin ng bawat isa bilang mga tema.
ang ibang tema? Magkaisa po ang bawat tema sa pagtukoy ng
iba’t ibang aspeto ng heograpiya.

Para po sa akin, hindi po makatatayo ang isang


tema kung wala ang iba sapagkat ang bawat isa
ay pangunahin at pawing lahat ay nakatutulong
sa pag-aaral ng heograpiya.

4) Bakit mas mainam na Mainam na maunang matutunan po ang limang


maunang matutunan ang limang tema ng heograpiya dahil ito ang pinakapayak
tema ng heograpiya kaysa iba na konsepto na magbibigay-daan sa pag-unawa
pang mga konsepto ng ng iba pang mga konsepto ng heograpiya.
heograpiya?

Mahusay!
C. Pangwakas
na Gawain

1) Pagbubuod Maaari mo bang ibuod ang ating Atin pong tinalakay ang limang tema ng
aralin sa araw na ito? heograpiya. Ito po ay ang Lokasyon, Lugar,
Rehiyon, Interaksyon ng Tao sa Kapaligiran at
Paggalaw.

2) Bakit mahalaga ang limang tema Mahalaga po ang limang tema ng heograpiya
Pagpapahalaga ng heograpiya sa pag-aaral ng dahil pinadadali at pinasisimple nito ang pag-
heograpiya ng daigdig? aaral ng heograpiya.

Gayundin po, mas madali pong maunawaan ang


heograpiya sa tulong ng limang tema nito.

3) Batay sa mga kahalagahan na Sa tingin ko po ay di lamang mga mag-aaral ang


Pagpapayaman inyong nabanggit, marapat ba dapat makatuto ng limang tema ng heograpiya
ng Aralin na hindi lamang mga mag-aaral kundi pati na din iba pang mga karaniwang tao.
sa paaralan kundi pati na din ng Malaki po ang maitutulong ng mga ito sa lalong-
mga karaniwang tao ang dapat lalo na sa paglalakbay.
makatuto o makaalam ng limang
tema ng heograpiya? Opo, dahil magagamit po natin sa pang-araw-
araw na buhay ang limang tema, kung kaya di
lamang mga mag-aaral ang dapat makatuto nito.
IV. EBALWASYON
Panuto: Tukuyin kung anong tema ng heograpiya ang tinutukoy ng mga halimbawa sa bawat bilang.
_________________1. Konstruksyon ng dam _________________6. Pagpapadala ng liham
at dike _________________7. 30 minuto ang layo
_________________2. Sahara Desert mula sa Rizal Park
_________________3. 10 kilometro hilaga ng _________________8. Caraga
Boac _________________9. Pagtatayo ng irigasyon
_________________4. CALABARZON _________________10. Migrasyon
_________________5. Quiapo Church

V. TAKDANG-ARALIN
A. 1. Magtala ng sampung (10) bagay o kaganapan na pinagagamitan ng limang tema ng
heograpiya.
2. Sa anu-anong mga pamamaraan ginagamit ang limang tema ng heograpiya?

B. Gumawa ng isang brochure na nagpapakita at nagpapaalam tungkol sa kamalayan sa limang


tema ng heograpiya. Maging batayan ang rubrics sa paggawa nito.

BATAYANG PANGMARKA PARA SA BROCHURE

PAMANTAYAN 5 4 3 2
Bawat bahagi ng Wala pa sa
75 bahagdan ng 60 bahagdan ng
brochure ay may kalahati ng
brochure ay may brochure ay may
maayos at brochure ang
Organisasyon maayos na maayos na
malinaw na natapos at may
simula, gitna at simula, gitna at
simula, gitna at maayos na
wakas wakas
wakas awtput
Halos 80 Tanging kalahati
Lahat ng 90 bahagdan ng
bahagdan ng mga lamang ng
impormasyon ay impormasyon ay
Nilalaman impormasyon ay brochure ang
wasto at tama wasto at tama
wasto at tama wasto o tama
May isa o dalawa May tatlo o apat
Walang maling May higit lima na
na mali ang na mali ang
baybay o maling mali ang baybay
Mekaniks baybay o baybay o
pagkakasulat o pagkakasulat
pagkakasulat pagkakasulat
Kapansin-pansin
Kaaya-aya at Di-maayos at
May maayos na ang ilang di
kaakit-akit ang nakalilito ang
pagganyak ang pagkakaayos at
ang pagganyak pagganyak sa
Pagganyak awtput pagganyak sa
sa awtput awtput
awtput
Tugma at balanse Kapansin-pansin Ang brochure ay Di-tugma ang
ang grapiks sa ang ilang grapiks puno ng teksto at grapiks sa teksto,
Grapiks teksto. Tama ang na di tugma sa grapiks, walang walang
bilang ng grapiks teksto balanse organisasyon

Sanggunian:
Aklat:
Villan, V. et.al. (2017). Heograpiya at Kasaysayan ng Daigdig. pahina 23-25

Internet
https://www.slideshare.net/bladeleangle/limang-tema-ng-heograpiya
https://prezi.com/.../limang-tema-ng-heograpiya-sa-daigdig/

Inihanda ni:

Jerahmeel M. Laderas
Aplikante, Junior High School

You might also like