Lektura #4

You might also like

You are on page 1of 3

Lektura #4

Ang Panulaan ng Buhay

KAHULUGAN
� isang uri ng sining at panitikan na kilala sa malayang paggamit ng wika sa iba't ibang anyo at estilo.

� Pinagyayaman ito sa pamamagitan ng paggamit ng tayutay.

� Ang mga likhang panulaan ay tinatawag na tula.

� Madaling makilala ang isang tula sapagkat karaniwan itong may batayan o pattern sa pagbigkas ng mga
huling salita.

� Binubuo ang tula ng saknong at taludtod. Karaniwan itong wawaluhin, lalabindalawahin, lalabing-
animin, at lalabing-waluhing pantig.

� Matalinghaga at ginagamitan din ng tayutay. May tugma at sukat. Kung minsan ay maiksi o kaya
naman ay mahaba.

URI NG TULA

� Maikling Tula
� Haiku
� Tanaga
� Bugtong
� Kasabihan
� Bulong
� Slogan

� Tulang Liriko o Pandamdamin


� Sa uring ito itinatampok ng makata ang kanyang sariling damdamin. Ito ang itinuturing
pinakamatandang uri ng tulang isinusulat ng mga makata sa buong daigdig.
� Ito ay puno ng damdamin at madalas ding gamiting titik ng mga awitin.
� Ang pagkakaugnayan ng tulang liriko at musikang sinasaliwan ng instrumentong tinatawag na
lira ang siyang dahilan kung bakit ito nakilala sa taguring tulang liriko.
� Ito rin ang dahilan kung bakit ngayon malimit pumapasok sa ating isipan na ang liriko ay
alinman sa dalawa: tulang talagang kakantahin o kaya'y tulang may katangiang awit.
� Narito ang ilang uri ng tulang ito:
● Awit (Dalitsuyo) - tungkol sa pag-ibig
● Oda (Dalitpuri) - matayog na damdamin o kaisipan (paghanga o pagbibigay parangal)
● Dalit o Himno (Dalitsamba) - tungkol sa pagpapala sa Diyos, sa pagawit na pamamaraan.
● Soneto (Dalitwari) - binubuo ng 14 taludtod o linya; nangangailangan ng mabigat o
matinding pagkukuro-kuro
● Elehiya (Dalitlumbay) - mapanglaw; tungkol sa kamatayan o kalungkutan

� Tulang Pasalaysay
� Ito ay naglalahad ng mga tagpo o pangyayari sa pamamagitanng mga taludtod.
� Narito ang apat na uri ng tulang ito:
● Epiko (Tulabuyani)
● Tulasinta (Metrical Romance)
● Tulakanta (Rhymed o Metrical Tale)
● Tulagunam (Ballad)

� Tulang Dula
� Ito ay mga tulang isinasadula sa mga entablado o iba pang tanghalan.
� Narito ang mga uri ng tulang dula:
● Tulang Mag-isang Salaysay (Dramatic Monologue)
● Tulang Dulang Liriko-Dramatiko
● Tulang Dulang Katatawanan (Dramatic Comedy)
● Tulang Dulang Kalunos-lunos (Dramatic Tragedy in Poetry)
● Tulang Dulang Madamdamin (Melodrama in Poetry)
● Tulang Dulang Katawa-tawang-Kalunos-lunos (Dramatic Tragi-comedy in Poetry)
● Tulang Dulang Pauroy (Farce in Poetry)

� Tulang Patnigan (Justice Poetry)


� Ito ay tulang sagutan na itinatanghal ng mga magkakatunggaling makata ngunit hindi sa
paraang padula.
� Ito ay paligsahan ng mga katwiran at tagisan ng mga talino at tulain.
� Ang sumusunod ang mga uri ng tulang patnigan:
● Karagatan
● Duplo - kadalasang isinasagawa tuwing may lamay. Ito ay sa anyo ng labanan, at bilyako
o bilyaka ang tawag sa mga manlalahok nito.
● Balagtasan
● Batutian

MGA ELEMENTO NG TULA

� Saknong - isang grupo ng mga salita sa loob ng isang tula na may dalawa o higit pang taludtod.
� Sukat - bilang ng pantig ng tula.
� Tugma - pinag-isang tunog sa hulihan ng mga taludtod.
� Hindi buong rima (assonance) - paraan ng pagtutugma ng tunog na kung saan ang salita ay
nagtatapos sa patinig.
� Kaanyuan (conssonance) - paraan ng pagtutugma ng tunog na kung saan ang salita ay
nagtatapos sa katinig.
� Nagpapaganda sa diwa ng tula ang alin mang paraan ng pagtutugma:
� Mga salitang nagtatapos sa b, k, d, g, p, t, s ay nagtutugma ang dulumpatig
� Mga nagtatapos sa l, m , n , ng, w, r, y
� Sining o kariktan - paggamit ng pili, angkop at maririkit na salita. Nagbibigay ng pangkalahatang
impresyon sa bumabasa.
� Talinghaga - tumutukoy ito sa paggamit ng matatalinhagang salita at tayutay.
� Tayutay - paggamit ng pagwawangis, pagtutulad, pagtatao ang ilang paraan upang ilantad ang
talinghaga sa tula
� Anyo - porma ng tula.
� Tono/Indayog - diwa ng tula.
� Persona - tumutukoy sa nagsasalita sa tula; una, ikalawa o ikatlong panauhan

MGA KILALANG MAKATA AT ANG KANILANG AKDA

� Francisco Balagtas
� Ama ng panulang Tagalong
● Florante at Laura
� Alejandro G. Abadilla
� Ama ng makabagong panulaan
● Ako ang Daigdig
� Jose Corzon de Jesus
� Huseng Batute
� Hari ng Balagtasan
● Ang Manok kong Bulik
� Amado V. Hernandez
� Makata ng Manggagawa
� Isang Dipang Langit
� Virgilio Almario
� Rio Alma
● Palipad hangin
� Florentino Collante
● Lumang Simbahan
� Jose Garcia Villa
� Comma Poet
� Doveglion
● Footnote to the Youth
� Pedro Gatmaitan
� Makata ng liriko
● Tungkos ng Alaala
� Rogelio Mangahas
● Duguang Plakards
� Pedro Bukaneg
� Ama ng Panitikang Iloko
● Biag ni Lam Ang
� Ildefonso Santos
� Ilaw Silangan
● Ang Guryon
� Rolando Tinio
� Nagpasimula ng TagLish sa panulaan
● Ang Burgis sa Kanyang Almusal
� Jose Lacaba
� Pete Lacaba
● Ang Mga agilagilalas na Pakikipagsapalaran ni Juan De la Cruz

You might also like