You are on page 1of 6

Pangalan: _____________________________ Petsa: __________

Baitang:___________________ Pangkat: ___________________

Kapaligiran ay Pakialaman!
Layunin: Natatalakay ang kalagayan, suliranin at
pagtugon sa isyung pangkapaligiran ng Pilipinas
(AP10IPE-Ib-3)

Mga Kailangan Kong Gawin

Ang ating mahal na bansang Pilipinas ay puno ng mga likas na yaman ngunit kaakibat nito
ay ang mga isyung sumisira sa ating kapaligiran. Tara na! Ating alamin ang mga isyung
pangkapaligiran na labis na nakaaapekto sa ating bansa. Talakayin natin ang kalagayan,
suliranin at pagtugon sa isyung pangkapaligiran ng Pilipinas.

Paghahanda

Simulan na natin!
Bilang pagsisimula ay punan ang mga katanungan sa unang bahagi ng iyong worksheet.
Bibigyan ko kayo ng sampung minuto.

1. Sa inyong barangay, anong isyu na iyong naranasan na nakapukaw ng iyong atensyon?

_________________________________________________________________________________________
2. Ano ang nagging tugon mo sa isyung iyong naranasan na nakapukaw ng iyong atensyon?

_________________________________________________________________________________________

•Isulat ang inyong nakuhang puntos sa loob ng medalya.


Pagiging Mas Mabuti

Pagsusuri sa mga Sanhi ng mga Suliraning Pangkapaligiran: Gamit ang mga impormasyong
nabasa, ilagay sa tamang lugar sa fishbone diagram sa ibaba ang mga nararapat na
impormasyon. Para sa gawaing ito, gagamiting gabay ang mga sumusunod na pananda:

Malaking parisukat = Bunga = Pangkalahatang pagkasira ng kapaligiran

Panturong nakatagilid = Suliraning pangkapaligiran (halimbawa: pagtaas ng libel ng


dagat)

Maliit na parisukat = Sanhi = Mga gawa ng tao at pangyayari sa kalikasan na


nakasisira sa kapaligiran/kalikasan

Pagmumuni Gamit ang Isang Awitin: Pakinggan ang awiting pinamagatang “Magkaugnay” na
kinatha at inawit ni Joey Ayala. Pagkatapos pakinggan ang awitin, gawin ang mga sumusunod
na hakbangin. Mapapanood dito ang isang bersiyon ng awiting ito
https://www.youtube.com/watch?v=znKSaGjTYPU . Makikita naman sa ibaba ang mga titik
nito.
Magkaugnay ni Joey Ayala

Lupa, laot, langit ay magkaugnay


Hayop, halaman, tao ay magkaugnay
Ang lahat ng bagay ay magkaugnay
Magkaugnay ang lahat

Tayo ay nakasakay sa mundong naglalakbay


Sa gitna ng kalawakan
Umiikot sa bituin na nagbibigay-buhay
Sa halaman, sa hayop at sa atin

Ang lahat ng bagay ay magkaugnay


Magkaugnay ang lahat

Iisang pinagmulan
Iisang hantungan ng ating lahi
Kamag-anak at katribo ang lahat ng narito
Sa lupa, sa laot at sa langit

Ang lahat ng bagay ay magkaugnay


Magkaugnay ang lahat

Lupa, laot, langit ay magkaugnay


Hayop, halaman, tao ay magkaugnay

Ang lahat ng bagay ay magkaugnay


Magkaugnay ang lahat

Upang higit ninyong maintindihan ang ating aralin, sagutin ang isa pang pagsasanay.
Gumawa ng isang advocacy campaign gamit ang Advocacy Campaign worksheet. Ang tema ng
advocacy campaign ay dapat nakasentro sa kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyung
pangkapaligiran ng Pilipinas. Gawin ito sa loob ng isang oras.
Pamantayan ng Pagwawasto
Kategorya 5 4 3 1
Ang advocacy
Ang advocacy campaign ay may Hindi malinaw Hindi angkop ang
campaign ay may malinaw na ang tunguhin at tunguhin at tema
Nilalaman
malinaw na tunguhin tunguhin ngunit tema ng advocacy ng advocacy
at tema hindi angkop ang campaign campaign
tema
Kinakailangan: Walang mali sa
 Wastong baybay ng Mayroong kulang Mayroong kulang Hindi nasunod ang
pagbaybay, wasto ang
salita na isang na dalawang lahat na
gamit ng bantas at
 Wastong gamit ng pangangaila-ngan pangangaila-ngan pangangaila-ngan
may pagkamalikhain
bantas sa advocacy sa advocacy ng advocacy
ang advocacy
 Malikhain campaign campaign campaign
campaign

Pagiging Dalubhasa
Sagutan sa worksheet ang sumusunod. Isulat sa patlang bago ang bilang ang TAMA kung ang
pahayag ay tama at isulat naman ang tamang sagot kung ang pahayag ay mali sa
pamamagitan ng pagpapalit ng salitang mag salungguhit.

______1. Ang heograpiya na mayroon ang isang bansa ay may malaking pagkakaugnay sa mga
nararanasang pangyayari ng mga mamamayan sa bansang ito.
______2. Minsan nakaugnay sa uri ng heograpiyang mayroon ang isang bansa sa mga
suliraning pangkapaligiran at sakunang pangkalikasan na nararanasan ng bansang
ito.
______3. Ang Pilipinas ay laging nasa panganib ng mga natural na kalamidad dahil sa kanyang
lokasyon.
______4. Kasabay ng patuloy na pagbaba ng populasyon sa ating bansa ay ang pagdami rin ng
mga suliraning pangkapaligiran ng Pilipinas.
______5. Lumalala ang climate change sa Pilipinas dahil sa pagtaas ng lebel ng mga
greenhouse gases.
______6. Dahil sa polusyon, nagkakaroon ng kakulangan sa suplay ng tubig ang isang lugar.
______7. Ang pagkakalbo ng mga bundok at pagmimina ay dahil sa mga pagtataguyod ng
interes ng nakararaming tao.
______8. Ang paggamit ng plastic ay ang pinakamalalang nakapagdudulot ng pagdami ng
basura sa ating bansa.
______9. Ang isyung pangkapaligiran na kinakaharap ng Pilipinas ay problema na dapat
solusyonan ng gobyerno lamang.
______10. Kahit simpleng mga bagay tulad ng pagtatapon ng basura ay nakakatulong sa
problema sa ating kapaligiran.

Mga Dapat Kong Tandaan

Sa pag-aaral at pagtalakay ukol sa kalikasan, katangian mang mayroon ito o mga


sakunang idinudulot nito, mahalagang maalala na may pagkakaugnay-ugnay ang lahat ng mga
nilalang na nandito. Ibig sabihin, tayong mga tao na nabibiyayaan ng kalikasan ngunit sumisira
nito, ay naaapektuhan din sapagkat nakaugnay tayo rito. Napakahalagang malaman ng bawat
mamamayan ang mga aral na natutunan ukol sa mga isyung pangkalikasan ng Pilipinas upang
magamit ito sa oras ng pangangailangan at makatulong na maibsan ang ma isyung ito.

Writer: Araling Panlipunan Teachers


School: Boston National High School
Division: Davao Oriental
Susi sa Pagwawasto

Paghahanda
Ang mga sagot ay maaaring magkakaiba.

Pagiging Mas Mabuti


Pagsusuri sa mga Sanhi ng mga Suliraning Pangkapaligiran: Ang mga sagot ay maaaring
makakaiba.

Pagmumuni Gamit ang Isang Awitin: Ang mga sagot ay maaaring makakaiba.

Advocacy Campaign: Gawing gabay ang pamantayan sa pagwawasto.

Pagiging Dalubhasa
1. Tama
2. Madalas nakaugnay
3. Tama
4. Patuloy na pagtaas
5. Tama
6. Tama
7. Personal na interes ng kakaunting tao
8. Tama
9. Lahat ng mamamayan
10.Tama

Writer: Araling Panlipunan Teachers


School: Boston National High School
Division: Davao Oriental

You might also like