You are on page 1of 8

ANG BAWAT ANYO NG PANITIKAN AY MAY KANYA KANYANG OKASYON

MAY PANINIWALA SA MGA ESPIRITU

PARE PAREHONG MINAMANA

Ang mga ito ay nagpasalin-salin sa bibig ng mga tao.

AWIT BILANG PAGTITIPON O PAGSASAYA SA BICOL REGION

PANITIKAN NG LUZON
1. LITERATURA NG PANGASINAN OKAY NA

PABLITA o BONIKEW- mga bugtong.

MGA PANITIKANG INAAWIT:

ALIGANDO, GOZOS, PABASA, PASANTABI, MGA AWIT KAY ROSING-Ang Rosing ay pangalan ng isang
dalaga na kinagigiliwang awitan ng mga harana Si Rosing ang Pangasinenseng bersyon sa Inday ng
BIsaya, Manang Biday ng Iluko, at Neneng ng Tagalog., MALINAC LAY LABI, CANCIONAN- pagtatalo sa
kanta; kinagigiliwan tuwing pyesta ng bayan

IBA PANG PANITIKAN:

Uliran- ito'y mga alamat.

Anlong- tula

Tongtong- mga tuluyan (PROSA)

Diparan- mga pangaral sa pagpapakumbaba at katapatan, mga susi kaunlaran.

2. CORDILLERA ADMINISTRATIVE REGION okay na

epiko, awitin, mito, alamat,bugtong, kuwentong bayan at salawikain.

Canao- isang ritwal nanagpaparangal sa espiritu ng kanilang mga ninuno

simpleng canao at malaking canao,

iba pang uri: kape (bagong bahay o patay na anak),

kayed- sinasagawa upang mapanatili ang pagiging buo ng barangay


sabeng- isinasagawa ng bagong mag asawa; mayayaman lamang ang nakakagawa

pechit- pinakamataas na uri ng canao

3. REGION II LAMBAK NG CAGAYAN OKAY NA

Epiko- Ang literatura ng Ibanag, tulad ng iba pang literatura sa ibang rehiyon ay nagpapakita ng mga
nararamdaman ng mga Cagayanos. Marahil ito ay tuwa, kalungkutan, pag-asa, takot, pagmamahal o di
kaya'y hinanakit, ito ay napagpasapasahan na nang isang henerasyon tungo sa isa

Epikong inaawit

"Biuag anni Malana"- kinakanta sa mga importanteng okasyon tulad ng kasalan, selebrasyon pagkatapos
ng mga mahahabang giyera at iba pa at dahil dito ay napagpasa pasahan na ito, henerasyon sa
henerasyon.

SOLOMON-Ito ay isang epikong inaawit kasabay ng “cinco-cinco” o instrumentong may limang kuwerdas
tuwing Pasko sa harap ng altar. Ito ay kasama sa salu-salo kung saan may alak, kape, tsokolate, at iba pa.
Ang nilalaman nito ay tungkol sa pagkakabuo, pagkapanganak, at buhay ni Jesu Kristo.

MGA AWIT-

Verso-Ang verzo ay katumbas ng coplas ng mga Espanyol. Ito ay isang awit na may apat na linya at
tugma. Karaniwang ginagawa o nililikha ng versista ang verso sa mismong okasyon tulad ng kasal at
binyag. Ang verso ay karaniwan ding nagtuturo ng moralidad.

Awit-Ang mga awit ay mga kantang para sa pag-ibig at madalas ang mensaheng dinadala nito ay
pangako, pagtatapat, paninigurado, mga pagtuturo at pag-alalay na maibibigay. Ang paglawig ng mga
kantang galing sa mga Ibanag at ang kumakanta nito ay umabot sa pinakamataas nitong antas noong
panahon kung saan ang mga lalaki o "babbagitolay" ay nanghaharana sa mga babae o "magingnganay"
na natitipuhan nila.

SALAWIKAIN- pwedeng isang prosa, pwedeng isang tula; Ito ay paturo at kinapupulutan ng aral.

BUGTONG- maaari rin itong isang anyo ng tagisan ng talino.

4. PAMPANGA OKAY NA

Awitin

Tumayla- awiting pampatulog HELE SA ILOCOS.

kasebian o casebian - Ito ang katumbas ng salawikain ng mga Tagalog.


Bugtoñgan- bugtong

Awiting Bayan

Paultu- inaawit ng mga pastol sa bukid

pamuri- isang awit ng pag-big o “love song”.

pang-obra- Ito ay isang awit sa pagtatrabaho

paninta- minamahal

“goso”-ito ay inaawit kasabay ng biyolin at tamburin tuwing gabi bago ang araw ng Todos Los Santos (All
Saint’s Day)

sapatya-Ang pangalan nito ay mula sa salitang “tapatio” na tumutukoy sa isang Mehikanong sayaw. Ito
ay isinasayaw habang inaawit.

harana - Ito ay mga awit ng pag-ibig na kinakanta kasabay ng instrumentong pangmusika.

5. Rehiyon 5 (Bicol) okay na

bugtong, salawikain, awiting-bayan at kwentong-bayan.

Sasabihon (Kasabihan) – Naglalayon itong ipaalala sa mga kabataan ang magagandang ugali.

Salawikain- pagpapaalala sa mga tao ng maaaring kalabasan ng maling gawa.

Patodan o Paukod (Bugtong)

Tigsik (toast) – binubuo ng pagbigkas ng maikling tulang bilang parangal o papuri sa isang tao o bagay.

MGA AWIT

Awiting Bayan- Sarong Banggi; awiting bayan ay tinatawag na kantang suanoy ng mga taga Bicol

-Ang mga awiting bayan sa Bikol ay mga pagpapahayag ng nararamdaman at paniniwala ng mga tao na
nilikha sa paraang paawit. Ang mga awiting bayan din sa Bikol ay nagpapakita ng pagkakaiba lalo na sa
paksa, paghahandog, melodiya at paraan ng pagkanta. Ito ay tumatalakay sa unang dalawang aspeto,
ang paksa at paghahandog. Ang paksa ay tungkol sa pamagat ng kanta, at ang paghahandog ay ang
paraan ng pagpapalawak sa paksa ng mga kanta

-ang awitin sa kalungkutan at sa kapighatian dahil sa pagkamatay ng isang kamag-anak ay tinatawag na


diwata. Ngunit mga Agta ay hindi kinakanta sa kasalukuyan, maging ang mga Agta ay hindi na naalala pa
ang mga ito
Awitin sa mababang lugar- awit, kundiman, tagulaylay at hoarasa.

Kwentong Awit- awiting pandulaan, awit sa mga inuman, awit sa mga paggawa at oyayi, o kantang
panyoknok

Awiting Pangritwal- sagaue

awiting para sa namatay na ninuno-dumago

awitin sa burol-angoy

tagulaylay o mga awiting panggera-hoarasa, inaawit matapos ang isang kalamidad tulad ng pagsabog ng
mga bulkan, matinding bagyo at lindol.

6. Panitikan ng Ilokos OKAY NA

Doctrina Christiana- kauna-unahang libro ng mga iloko

Maikling Kuwento - “kuwentong kababalaghan”

Dula,

Kantahing Bayan

Pinagbiyag ito- awiting nagpapahayag ng kuwento ng bayani

Dallot – awit sa mga kasalan, binyag at iba pang pagtitipon na sinasaliwan ng sayaw

Badeng – isang awit pag-ibig; panghaharana

Dung-aw – awit para sa mga patay

Dasal – patungkol sa mangmangkik—ito ay espiritu sa kagubatan

Hele o duayaya – awit na pampatulog sa mga bata

Awit sa paggapas, pangingisda, pagtatanim at bago pumunta sa digmaan

SALAYSAYING BAYAN- alamat, kwentong bayan, epiko (biag ni lam-ang)

Bugtong: Burburtia o Burtia- ito ang katumbas ng bugtong

7. Panitikan ng Gitnang Luzon OKAY NA

Pista ng Pagluhod ng mga Kalabaw, Pagsasayaw sa Obando, Santacruzan, Harana


MGA AWITING BAYAN:

Basulto - ginagamit sa pagpapastol ng kambing, baka, kalabaw at iba pa.

DULA- Karagatan at Duplo

Komedya (pag-iibigan ng isang prinsipe at prinsesa), Zarswela

Magsulat ng isang sanaysay tungkol sa pagkakaiba, pagkakatulad at kahalahagan ng mas malalim na


kaalaman tungkol sa iba’t-ibang uri ng panitikan sa Luzon. .

Napakayaman ng Luzon sa panitikan na kung saan, masasabi natin na ang bawat panitikan ng
bawat rehiyon sa Luzon ay nag-uumapaw at natatangi dahil sa likas nitong ganda, mga pangaral at mga
ambag nito sa paniniwala ng mga tao sa isang lugar. Ang bawat panitikan ng bawat rehiyon ay
sumasalamin sa kanilang mga kultura, gawi, relihiyon at tradisyon. Bagamat nasa iisang pulo lamang,
hindi maipagkakailangang may mga pagkakaiba-iba pa rin ang mga ito na kung saan ang espesipikong
tawag sa isang panitikan ay matatagpuan lamang sa iisang rehiyon. Kasalungat naman nito'y meron rin
namang mga panitikan na masasabi nating maaaring maihambing sa panitikang mayroon ang isang
lugar sa Luzon dahil sa pagkakatulad ng mga ito base sa gamit at anyo nito bilang isang panitikan.
Datapwat mas nakikita ang pagkakaiba-iba ng bawat panitikang matatagpuan sa Luzon, ang mga ito pa
rin ay nagiging magkakatulong upang maitaguyod ang kultura sa Luzon bilang kabuuan. Sa pamamagitan
ng mga ito, nabibigyang diin at naipapakita kung gaano kakulay, kahiwaga at kasigla ang pulo ng Luzon.
Na kung saan, kahit na ito ay binubuo ng iba't ibang grupo ng mga tao, ang pagkakahiwalay ng bawat
grupo ay hindi makikita, bagkus sila ay tila kumakatawan bilang mga piraso ng isang jigsaw puzzle na
kung saan ang mabubuong mukha ay ang Luzon bilang isang pulo.

Kung susuriin at lalakbayin ang ganda ng bawat panitikan na matatagpuan sa Luzon, ay tayo
bilang mga turista ay talaga namang mamamangha. Bilang isang paghahalimbawa, mula sa pinaka-
Norte, ang rehiyon ng Ilocos ay nag-uumapaw sa iba't ibang anyo ng panitikan. Ang rehiyong ito ay may
mga akdang pampanitikan kagaya ng maikling kuwento na kung saan ay mga kwentong
pangkababalaghan, dula, mga kantahing bayan na kung saan ay may iba't iba itong gamit at
pinagaalayan kagaya ng mga kantahing bayang dalot na kung saan ay inaawit sa mga kasalan, binyag at
iba pang pagtitipon na sinasaliwan ng sayaw; bedeng na kung saan ay isang awit pag-ibig; dung-aw na
kung saan ay awit para sa mga patay; duyaya na kung saan ay awit pampatulog sa mga; dasal na kung
saan patungkol sa mangmangkik-isang espiritu sa kagubatan. May mga awitin ring matatagpuan sa
rehiyon ng Ilocos katulad ng awit sa paggapas, pangingisda, pagtatanim at bago pumunta sa digmaan.
Mayroon din silang mga salaysaying bayan katulad ng alamat, kwentong bayan, epiko halimbawa ang
Biag ni Lam-ang at mayroon rin silang bugtong na tinatawag nila bilang Burburtia o Burtia. Ang
Pangasinan, bilang isang probinsyang matatagpuan sa Ilocos region, nagtataglay rin sila ng mga awit
kagaya ng Aligando, Gozos, Pabasa, Pasantabi, Mga Awit Kay Rosingna Pangasinenseng bersyon na
maihahambing sa Inday ng BIsaya, Manang Biday ng Iluko, at Neneng ng Tagalog. Iba pang awit kagaya
ng Malinac Lay Labi at Cancionan na kung saan ay ito ay pagtatalo sa kanta na kinagigiliwan tuwing
pyesta ng bayan. At iba pang panitikan katulad ng Uliran, Anlong na isang tula, Tongtong na mga tuluyan
o prosa, at mga diparan na kung saan ay tungkol sa pagpapakumbaba at katapatan, mga susi kaunlaran.
Ang diparan ay maihahambing sa mga salawikan na tinataglay ng iba pang lugar sapakat naghahatid rin
ito ng kagandahang asal para sa lipunan. Kung ang Ilocos ay mayroong Burburtia o Burtia na
kumakahulugan sa bugtong, ang tawag naman sa bugtong sa probinsya ng Pangasinan ay Pablita o
Bonikew.

Sa Rehiyon II naman o sa mas kilala bilang Rehiyon ng Lambak ng Cagayan, ay may literatura rin
silang nagpapakita ng mga nararamdaman ng mga Cagayanos katulad ng iba pang literatura sa ibang
rehiyon. Mayroon rin silang Epiko na kung saan katumbas ng Biag ni Lam-ang sa Ilocos, sila ay mayroong
Biuag anni Malana na kung saan ay ito ay kinakanta sa mga importanteng okasyon tulad ng kasalan,
selebrasyon pagkatapos ng mga mahahabang giyera. Mayroon din silang Solomon, isang ring anyo ng
epikong inaawit; mga awit katulad ng verso, mga salawikain na pwedeng isang prosa, pwedeng isang
tula na kinapupulutan ng aral at mga bugtong na kung saan ay katapat ng Burburtia o Burtia sa Ilocos.
Kung dadako naman tayo sa Gitnang Luzon, masasabing katulad nang sa Ilocos at Cagayan ay mayroon
rin silang mga awiting bayan. Isang halimbawa ng awiting bayan na matatagpuan sa kanila ay ang
"Bansulto" na kung saan ay ginagamit sa pagpapastol ng kambing, baka, kalabaw at iba pa. Mayroon
silang dula katulad ng komedya at zarswela na natatanging anyo ng panitikan sa kanilang rehiyon. Kilala
rin sila sa Pista ng Pagluhod ng mga Kalabaw, Pagsasayaw sa Obando, Santacruzan, Harana . Sa dakong
Pampanga naman, bilang isang kabahagi ng Gitnang Luzon, ang lugar na ito, kagaya ng mga unang
nabanggit ay naguumapaw sa mga awitin kagaya ng tumayla na isang awiitng pampatulog at
maihahambing sa hele na isang awitin sa Ilocos. Mayroon rin silang mga awiting bayan at kagaya ng sa
rehiyon ng Ilocos, ang bawat awit ay may kanya-kanyang pinaggagamitan. Mayroon silang mga awiting
bayan katulad ng paultu na maihahambing naman sa Basulto ng Gitnang Luzon sapagkat ito'y inaawit sa
mga pastol sa bukid; pamuri na maihahambing sa badeng ng Ilocos region sapagkat ito ay isang awit
pag-ibig; pang-obra na kung saan ay isang awit sa pagtratrabaho; goso na inaawit kasabay ng biyolin at
tamburin tuwing gabi bago ang araw ng Todos Los Santos; sapatya na kung saan ay ito ay
sinasayawhabang inaawit; at harana na kung saan kagaya rin ng harana na matatagpuan sa Gitnang
Luzon na isang awit ng pag-ibig na kinakanta kasabay ng instrumentong pangmusika.Kung ang tawag sa
bugtong Iluku ay Burburtia o Burtia, sa bugtong Pangasinense ay Pablita o Bonikew, ang bugtong
Kapampangan naman ay tinatawag na Bugtoñgan.

Ang parte naman ng Rehiyon V o Rehiyon ng Bikol ay nagtataglay rin ng mayaman at


magagandang mga anyo ng panitikan. Kagaya ng mga rehiyong unang nabanggit, ang anyong
pampanitikan na matatagupuan sa Bikol ay mga bugtong, salawikain na nagbabahagi ng mga
kagandahang-asal, at kwentong-bayan. Kung ang tawag sa bugtong Iluku ay Burburtia o Burtia, bugtong
Pangasinense ay Pablita o Bonikew, at bugtong Kapampangan ay Bugtoñgan, ang bugtong Bicolano
naman ay tinatawag na Patodan o Paukod. Mayroon rin silang anyong pampanitikan na tinatawag na
"tigsik" na kung saan ay ito ay binubuo ng pagbigkas ng maikling tulang bilang parangal o papuri sa isang
tao o bagay. Ang rehiyon ng Bikol rin ay masasabing mga mahilig sa masika sapagkat mayaman sila mga
awiting bayan. Ang tawag ng mga taga Bikol sa kanilang mga awiting bayan ay " kantang suanoy", na
kung saan ay masasabing kakaibang termino mula sa mga rehiyong unang nabanggit. Kagaya naman ng
mga awiting bayan na taglay ng ibang rehiyon sa Luzon katulad ng Ilokos at probinsya ng Pampanga sa
Gitnang Luzon, ang mga kantang suanoy ng rehiyong ito ay nagpapahayag rin ng nararamdaman at
paniniwala ng mga tao na nilikha sa paraang paawit. Ang mga awiting bayan din nila ay nagpapakita ng
pagkakaiba lalo na sa paksa, paghahandog, melodiya at paraan ng pagkanta. Sa pagkakataong ito, ang
kanilang mga kantang suanoy ay tumatalakay sa unang dalawang aspeto, ang paksa at paghahandog.
Ang paksa ay sinasabing tungkol sa pamagat ng kanta, at ang paghahandog naman ay ang paraan ng
pagpapalawak sa paksa ng mga kanta. Bilang isa sa mga rehiyong namumulaklak sa mga awiting bayan,
ang rehiyon ng Bikol ay mayroong mga awitin sa kalungkutan at kapighatian, awit, kundiman, tagulaylay
at hoarasa, mga kwentong awit kagaya ng awiting pandulaan, awit sa mga inuman, awit sa mga paggawa
at oyayi, o kantang panyoknok, sagaue na isang awiting pang ritwal, dumago na isang awiting para sa
namatay na ninuno, angoy na isang awitin para sa burol at tagulaylay na awiting panggera.

At ang pinakahuli sa lahat pero hindi naman napagiiwanan, ang rehiyon ng ating mga katutubo,
ang Cordillera Administrative Region. Bukod sa kultura at tradisyon, ang CAR ay marami ring
pagkakakilanlan pagdating sa mga iba't ibang anyo ng panitikan. Kagaya ng mga panitikang matatagpuan
sa mga rehiyong unang nabanggit, ang CAR ay mayroon ring mga epiko, awitin, mito, alamat,bugtong,
kuwentong bayan at salawikain. Ngunit sa kabila nito, may isang anyo ng panitikan ang talaga namang
matatagpuan lamang sa Rehiyong ito, at ito na nga ay Canao. Ang Canao ay isang ritwal na
nanagpaparangal sa espiritu ng kanilang mga ninuno. Ito ay may dalawang uri: ang simpleng canao na
kung saan ay pumapatay ng baboy, tapoy, pagluto ng kamote,gabi at bigas at ang malaking canao na
kung saan ay pumapatay ng bukod sa baboy, kalabaw, baka at kabayo. May iba pang uri ang Canao at
kabilang na nga dito ang Kape na kung saan ay isinasagawa kung may bagong bahay na tayo o
pagkalibing sa yumaong kamag-anak; Kayed na isinasagawa upang mapanatili ang pagiging puno sa
barangay; Sabeng na isinasagawa ng bagong mag-asawa na kadalasan ay mayaman ang nakagagawa
nito; at ang Pechit na pinakamataas na uri ng canao. Sa kabuuan, ang Canao ay isang seremonya o ritwal
na kung saan ay ito'y nagpaparangal sa ispiritu ng kanilang ninuno sa pamamagitan ng pag-aaalay n
hayop tulad ng baboy at ito'y ginaganap sa mga okasyong tulad ng anihan, binyagan, patanim,
pagpapagaling sa may sakit, paghingi ng ullan, at pagpapatigil sa bagyo .

Ang mga anyo ng panitikang matatagpuan sa iba't ibang rehiyon ng Luzon ang siyang
magpapatunay kung gaano kakulay at kayabong ang pulo pagdating sa literatura. Kung muli nating
babalikan ang bawat anyo ng panitikan ng bawat rehiyon sa Luzon ay masasabi nating mayroon itong
kanya-kanyang mga pagkakakilanlan at mga pagkakatulad rin. Sa pamamagitan ng malalim na pagtukoy
at pagkilala natin sa mga anyo ng panitikan ng isang lugar partikular na sa mga lugar sa Luzon, ay mas
madali nating makikilala ang kanilang mga pinagmulan. Bilang alam naman natin na ang bawat anyo ng
kanilang panitikan ay may nakaukit na emosyon, kasaysayan, kultura at tradisyon, mas makikilala natin
ang bawat lugar sa perspektibong pangkabuuan. Hindi man tayo pisikal na makakapunta sa kanilang
lugar, ay magagawa pa rin nating malaman ang ganda at makulay na katangian ng kanilang lugar gamit
ang pagkilala sa iba't ibang anyo ng kanilang panitikan. Sa bawat anyo ng panitikan ay may ipahihiwatig
na maliliit na detalye patungkol sa isang partikular na lugar, at dito, kahit tayo bilang mga mambabasa ay
magkakaroon ng pagkakataon upang masisid ang malalim pagkakakilanlan ng isang pook. Ang mga anyo
ng panitikan ang magsisilbing susi upang tayo'y makapasok sa mga naksaradong pintuan at makita ang
gintong yamang ipinagmamalaki ng isang lugar. At sa pamamagitan rin ng pagkakaroon ng malalim na
kaalaman patungkol sa mga anyo ng panitikan ay magagawa natin maipagdugtongtong ang salaysay ang
bawat pamumuhay, lipunan, pamahalaan, pananampalataya at mga karanasang kaugnay ng iba't ibang
uri ng damdaming tulad ng mga romansa o pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan o dalamhati, pag-asa,
pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak, galit, rebolusyon, at maging pati ang mga pangamba o
kinatatakutan ng isang lugar.

You might also like