You are on page 1of 3

C # 05 Second Semester

BERNARDO, Eleina Bea L. Midterm


11th Grade – Plato of Athens PaP
G. Pie A. de Claro Student Task #1

YUNIT 5 – ARALIN 2

Tekstong Naratibo:

PAKSA:

 Isandaang Damit

PANGUNAHING IDEYA:

 Ito ay tungkol sa isang mag-aaral na babaeng mahirap at palaging nag-iisa na


palaging nagsusuot ng mga lumang damit at di-masarap ang mga baong
pagkain.

SUMUSUPORTANG IDEYA:

 Naging mahiyain ang batang babae sapagkat maaga niyang nalaman na kaiba
ang kanyang kalagayan kung ihahambing sa mga kaklase.
 Mahirap lang siya. Mayayaman sila. Magaganda at iba-iba ang kanilang damit na
pamasok sa paaralan.
 Madalas siyang tinutukso dahil sa kanyang damit na kahit malinis naman ay
halatang luma na, kupas, at punung-puno pa ng sulsi at dahil rin sa kanyang
baon na isa lamang piraso ng tinapay na wala pang palaman.
 Pag uwi niya sa bahay, umiiyak siya palagi dahil sa natatanggap niyang
panunukso at sinusumbong niya ito sa kanyang ina.
 Sinabi ng kanyang ina na kapag nakakuha na raw ng trabaho ang kanyang ama,
makapagbabaon na siya ng masasarap na pagkain at maibibili na rin siya ng
maraming damit.
 Lumipas ang mga araw at hindi pa rin nakahahanap ng trabaho ang kanyang
ama.
 Isang araw, natuto siyang lumaban. Bigla na lang sumagot ang batang babae at
sinabing may isandaang damit siya sa kanyang bahay.
 Hindi naniwala ang kanyang mga kaklase kaya’t ipinaliwanag at inilarawan niya
hanggang kaliit-liitang detalye ang bawat isa ng kanyang sandaang damit.
 Simula noon, naging kaibigan na niya ang kanyang mga kaklase. Binibigyan na
rin siya ng kapiraso ng kanilang baong mansanas o sandwich.
 Hindi pumasok ng isang araw ang batang babae hanggang pagkaraan ng isang
linggo.
 Dinalaw nila ang batang babae at natagpuan nilang may sakit ito.
 Bukod doon, nakita rin nila ang mga papel na nakadikit sa dingding na iginuhit ng
bata bawat isa sa sandaang papel. Ito ay ang sandaang damit na ikinuwento
niya sa kanyang mga kaklase.

YUNIT 6 – ARALIN 4

Tekstong Argumentatibo:

1. Kailangan ba talagang alisin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo? Bakit?

 Hindi ito kinakailangang alisin, sapagkat marami pa ring Pilipino na mayroong


pagkukulang sa kaalaman ukol sa asignaturang ito at ang Filipino ay bahagi rin
ng ating kultura na dapat nating alamin dahil ito ay sariling atin. Sa ating
makabagong teknolohiya, dahil matumal na ang pagtext at pagchat, nasasanay
na tayo sa hindi wastong gramatika dahil sa paggamit ng mga shortcut at sa
kadahilanang iyon, nakaliligtaan na natin kung ano ang tamang sintaks at
istraktura.

2. Anong mga aralin sa Filipino ang hindi na kailangan pang pag-aralan?

 Para sa akin, lahat ng aralin sa Filipino ay dapat nating pag-aralan. Tila


nakalilimutan na natin ang mga simpleng alituntunin sa gramatika kahit na
napag-aralan na natin ito nang matagal na. Kailangan pa rin nating i-refresh ang
ating mga utak sa pamamagitan ng pagtakal ng bawat aralin nito at sa gayon ay
maaalala natin kung ano ang mga tama at dapat.

3. Anong mga aralin sa Filipino ang kailangan pa ring bigyan ng pansin?

 Kailangan nating bigyan ng pansin ang mga bahagi ng pananalita, ang paggamit
ng panlapi, tamang bantas, pagkakaiba ng “ng” at “nang”, kung kailan gagamitin
ang “daw” at “raw”, na magkahiwalay ang “na lang”, at marami pang iba.
Maraming mga Pilipino ang ginagawang katatawanan ang mga maling gramatika
sa Ingles, ngunit pagdating naman sa Filipino ay ipinagsasawalang-bahala na
lamang.

You might also like