You are on page 1of 2

Young Achievers School Of San Pedro

nd
2 Quarterly Test – EPP V

Name : ________________________________ Date : October 16, 2018


Parents’ Signature : ____________________ Tr. Tess Campang

I. Basahin ang mga pangungusap. Bilugan ang mga pangngalan at isulat sa patlang kung ito ay Pantangi o
Pambalana.

_____________ 1. Sina Rhea at Jasmine ay makasamang nagsimba.

_____________ 2. Maagang nag-ensayo ng basketbol ang mga bata.

_____________ 3. Masarap mamasyal sa Luneta.

_____________ 4. Ang Buwan ng Wika ay ipinagdiriwang tuwing buwan ng Agosto.

_____________ 5. Si Gng. Santos ay mabait at maunawain.

II. Tukuyin ang mga pangngalang may salungguhit sa pangungusap. Isulat ang T kung ito ay tahas at B kung
basal.

____ 6. Nagbigay ng panukala ang pangulo ng kanilang samahan.

____ 7. Magkakaroon sila ng paligsahan tungkol sa kalinisan.

____ 8. Masarap ang ulam naming kagabi.

____ 9. Kaygandang pagmasdan ng kumpol ng bulaklak sa aming hardin.

____ 10. Marami siyang angking talento.

III. Punan ng mga pangngalang palansak ang patlang.

11. Binigyan ni Erly ng isang ___________ ng mga bulaklak ang kanyang ina.

12. Nagbigay kami ng isang ________ ng mga lumang damit sa mga nasalanta ng bagyo.

13. Nag-aalaga ng _______ ng tupa ang kanyang ama.

14. Isang ______________ na sundalo ang lumaban sa digmaan.

15. Nag-ani sila ng maraming ______ ng bigas kahapon.

IV. Bilugan ang pangngalang ginamit sa pangungusap at isulat sa ptlang ang kailanan nito.

___________ 16. Namasyal ang mag-anak sa plasa.

___________ 17. Nagtutulungan ang magkapatid sa paggawa ng proyekto.

___________ 18. Mayroong magpipinsan na sadyang malapit sa isat-isa.

___________ 19. Ang mga mag-aaral ay labis na nasiyahan sa programa.

___________ 20. Mamamasyal sa Hong Kong ang mag-iina.

V. Tukuyin ang sumusunod. Isulat sa patlang ang sagot.


21. Pangngalang tumutukoy sa tiyak na ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari.

_________________________

22. Tumutukoy sa pangngalang nahahawakan, naaamoy, nakikita, nalalasahan.

_________________________

23. Pangngalang tumutukoy sa emosyon, ideya, nararamdaman, prinsipyo, walang pisikal na katangian.

________________________

24. Tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari.

________________________

25. Tumutukoy sa pangkalahatang ngala ng tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari.

________________________

VI. Pagtapat-tapatin. Isulat ang titik ng kahulugang salita ng nasa hanay A sa mga salita sa hanay B.

_____ 26. Bukambibig a. nakikita

_____ 27. Pumapalaot b. galit

_____ 28. Nangahas c. ikinalat/inihagis

_____ 29. Pangamba d. panghihina

_____ 30. Nababanaag e. takot

_____ 31. Suklam f. kubo

_____ 32. Isinaboy g. laging sinasabi

_____ 33. Panlulumo h. nagpupunta sa dagat

_____ 34. Ikinagimbal i. ikinabahala

_____ 35. Dalundong j. sumubok

You might also like